Sanaysay
Ito ay hinango sa salitang Pranses na “ESSAYER”, na ang kahulugan ay sumubok o tangkilikin.
Ang sanaysay ay isang uri ng komposisyon na naglalaman ng mga kuro-kuro o opinyon ng may akda. Ito ay nakatuon lamang sa iisang diwa at pananaw, mayroong tiyak na paksa at laging nakasulat sa anyong prosa. Maaring ito ay isinulat upang magbigay ng impormasyon, manghikayat, o para mailahad ang nais ipabatid at nararamdaman ng manunulat.

(Kakayahang Pragmatik at Istratedyik) GROUP 4.pptxAshleyFajardo5
Mahalaga ang di verbal na komunikasyon sapagkat inilalantad nito ang emosyon ng nagsasalita at kinakausap, nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe, at pinananatili nito ang resiprokal na inter-aksiyon ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.

Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap.
Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa konteksto.
Sa pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang intensiyon ng nagsasalita dahil mahuhulaan ang mensahe nito ng tagapakinig.
Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo ng pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensiyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito.
Nararapat ding malámang may iba't ibang salik pang dapat isaalang-alang sa pag-unawa, kasama na rito ang intelektuwal na kalagayan ng decoder, kalinawan ng encoder

“Lubos na nadadama at nauunawaan ang isang akda kung nauunawaan ng mag-aaral ang iba’t ibang dulog at teorya na maaaring gamitin sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan.”
Ang presentasyong ito ay naglalaman ng mga pagtalakay tungkol sa teoryang pampanitikan. Itinatampok nito ang mga pag-aaral tungkol sa pagsusuri ng akda sa larangan panitikang Filipino.
2. TEORYANG KLASISMO/KLASISISMO
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga
pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay
ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga
pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at
laging nagtatapos nang may kaayusan.
3. TEORYANG HUMANISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang
sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at
mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
4. TEORYANG IMAHISMO
Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na
higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang
salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga
imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa
loob ng panitikan.
5. TEORYANG REALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan
at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng
may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang
sinulat.
6. TEORYANG FEMINISMO
Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan
at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa
mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan
ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing
tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan.
7. TEORYANG ARKITAYPAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi
ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta
masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna
ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga
simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat
ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-
akda sa mga mambabasa.
8. TEORYANG FORMALISMO/FORMALISTIKO
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang
nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa –
walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
9. TEORYANG SAYKOLOHIKAL/SIKOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan
ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang
behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang
tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay
nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may
nag-udyok na mabago o mabuo ito.
10. TEORYANG EKSISTENSYALISMO
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang
tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).
11. TEORYANG ROMANTISISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang
paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang
pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita
rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan.
12. TEORYANG MARKISMO/MARXISMO
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o
sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat
buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan
at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng
pagahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo
para sa mga mambabasa.
13. TEORYANG SOSYOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-
akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa
pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing
gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na
suliranin.
14. TEORYANG MORALISTIKO
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang
pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga
pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o
kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda
ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
15. TEORYANG BAYOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o
kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga
akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng mayakda na
siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot
at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang
ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
16. TEORYANG QUEER
Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa
paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae
ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.
17. TEORYANG HISTORIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng
isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au
bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
18. TEORYANG KULTURAL
Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-
akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang
mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa
mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay
natatangi.
19. TEORYANG FEMINISMO-MARKISMO
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang
paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang
kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa
prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa
halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.
20. TEORYANG DEKONSTRAKSYON
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang
aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng
ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw
ang nagudyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-
halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng
pagtao at mundo.
22. • Mga Sanggunian:
• Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular: piling sanaysay, 1976-
1996 Soledad S. Reyes ADMU Press, Quezon City, Philippines, 1997
• Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay)Patronicio V.
Villafuerte Mutya Publishing House, Valenzuela City, Philippines,
2000
• PLUMA III: Wika at panitikan para sa mataas na paaralan Ailene G.
Basa, Mary Grace C. del Mundo, Nestor S. Lontoc at Alona M.
Dayag
• Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City, Philippines, 2004
• http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/24/Teoryang_Pamp
anitikan