Pelikula
-> Kilala din bilang sine at pinilakang tabing,
-> Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan
Pelikula
-> Kilala din bilang sine at pinilakang tabing,
-> Isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan
4. _____1. Talambuhay ni Tandang
Sora.
_____2. Ang Pagong at ang
Matsing.
_____3. Si Corazon Aquino ang
kauna-unahang babaeng
pangulo ng Pilipinas.
_____4. Ang aking talaarawan.
_____5. Ang Alamat ng Pinya.
15. 1. Drama – Mga pelikulang
nagpopokus sa mga personal na
suliranin o tunggalian. Nagtutulak ito
sa damdamin at ginawa upang
paiyakin ang manunuod. Madamdamin
Ang pelikulang ito. Ito ay maghahatid
ng kalungkutan o pagluha sa mga
manonood.
16. 2. Pantasya – Nagdadala sa manunood sa
isang mundong gawa ng imahinasyon, tulad ng
mga mundo ng mga prinsipe/ prinsesa,
kwentong bayan o mga istoryang hango sa
natutuklasan ng siyensya. Ang pelikulang ito
ay angkop sa mga kabataan dahil ang mga
tauhan dito ay maaaring mga diwata, nimpa,
at iba pang nilalang na may kakaibang
kapangyarihang wala sa mga karaniwang tao.
17. 3. Historikal – Mga pelikulang hango
sa mga tunay na kaganapan ng
kasaysayan o batay sa Tunay na
pangyayari sa bayan.
18. 4. Aksyon – Mga pelikulang nakapokus sa mga
bakbakang pisikal, barilan, o sukatan ng lakas na
nagpapakita ng husay at galling sa pisikalan ng
artista. Maaring hango sa tunay na tao o
pangyayari, o kaya naman kathang isip lamang.
19. 5. Dokyu ( Documentary) – Mga
pelikulang nag-uulat ng mga
balita, o mga bagay na may
Halaga sa kasaysayan, pulitika o
lipunan.
20. 6. Animasyon - Pelikulang gumagamit ng mga
larawan o pagguhit upang magmukhang buhay
ang walang buhay.
21. 7. Katatakutan - Nagnanais na takutin o sindakin
ang manunuod gamit ang multo , bangkay Aswang,
kaluluwa, O kakaibang nilalang. Ang pelikulang ito ay
nakasindak o nagpapakabog ng dibdib ng mga
manonood.
22. 8. Komedi – Mga nagpapatawang pelikula
kung saan ang mga karakter ay nilalagay sa
mga hindi maisip na sitwasyon.
23. 9. Musikal – Mga komedyang may temang pang
romansa puno ito ng musika at kantahan.
24. Ang pelikula ay sining pampanitikan na mapanonood ng
mga tao. Nag-uugnay ito sa pang-araw-araw na
buhay kahit ito ay kathang-isip (piksiyon) o di-
kathang-isip (di-piksiyon). Kapupulutan ito ng aral at
kamalayan sa mga pangyayari sa kapaligiran. Nagiging
daan din ito ng makabagong kaalaman na maaari
nating magamit o bagong pag-unawa sa nakaraang
pangyayari na huhubog sa bagong pananaw sa ating
lipunan.
26. Pangkat-1 Sumulat ng sariling
kuwento batay sa inyong
karanasan na gusto mong
isapelikula sa hinaharap.
Lagyan ng kakaiba at
makatawag-pansin na
pamagat ang iyong kuwento.
28. Pangkat 3
Panoorin ang short clip ng
isang pelikula at isadula ito.
Sharon Cuneta (Pasan ko
ang daigdig)
29. Pangkat 4
Magtala ng dalawang paborito mong
pelikulang Pilipino o palabas sa telebisyon.
Matapos ito, gamit ang venn diagram,
ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
iyong dalawang paboritong pelikula sa
pamamagitan ng malinaw na
pagpapaliwanag.
30. 1. ______________
B. Panuto: Tukuyin kung
Romansa, Drama,
katatakutan, komedya,
kasaysayan o pantasya ang
uri ng mga sumusunod na
pelikula. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel
4. ______________
3. ______________
2. ______________
31. Ano ang iba’t ibang uri ng pelikula?
PAGLALAHAT NG ARALIN
32. Ilan sa mga uri ng pelikula ay ang: drama,
aksiyon, kasaysayan, animasyon, katatakutan,
musikal, komedya, pag-ibig, epiko, at pantasya.
Ito ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon,
sining, aral, at ideya na magagamit sa pang-
araw-araw na gawain. Ito ay maaaring isang
piksiyon o di-piksiyon.
33. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW
NA BUHAY
Sa panonood ng pelikula, ano ang mga
dapat mong tandaan?
Paalaala sa mga mag-aaral at magulang:
kailangang kasama ninyo ang inyong mga
magulang sa panonood ng kahit anong palabas
para magabayan kayo kung mayroon kayong
mga katanungan.
34. PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at suriin kung sa anong
grupo ng pelikula naaangkop ang
sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon. Sagutan ito sa iyong
sagutang papel.
36. _______1. Ito ang pelikulang nakapokus sa bakbakang
pisikal, maaring hango sa tunay na tao, pangyayari o
kaya naman ay kathang isip lamang.
_______2. Ito ang mga pelikulang nakapokus sa mga
personal na suliranin at tunggalian, nagtutulak sa
damdamin upang paiyakin ang manunuod.
37. _______3. Ito ay nagdadala sa manunuod sa mundo ng
mga prinsipe at prinsesa.
_______4. Ito ay halimbawa ng pelikula na nagbibigay
kasiyahan at katatawan at mga linyang nagdudulot ng
kaligayahan sa mga manunuod.
_______5. Ito ay pelikulang tumatalakay sa kasaysayan
na maaring nangyari sa isang lugar o sa isang tao.
38. Panuto:
Sumulat ng sariling kuwento batay sa iyong
karanasan na gusto mong isapelikula sa
hinaharap. Maaaring ito ay piksiyon o di-
piksiyon.
Lagyan ng kakaiba at makatawag-pansin na
pamagat ang iyong kuwento.
Gawin ito sa malinis na papel. At ito ay inyong
ipapasa at iuulat sa susunod nating pagkikita.