SlideShare a Scribd company logo
1 of 3
Kasaysayan ng Sanaysay
Mula pa noong panahong sinauna, ang unang lumabas at siyang pinag-ugatan ng
sanaysay ay ang ETHICS na isinulat ni Aristotle at CHARACTERS ni Theoprastus. Ang mga ito
ay nagsilbing inspirasyon sa mga sumunod na mananaysay. Ang dalawang materyal na ito ay
naglalarawan ng iba’t-ibang katangian ng tao: mabait, mapanlinlang, galante, madaldal,
mareklamo, at iba pa.
Subalit ang kinilalang unang naglabas ng pormal na sanaysay ay si Michel Eyquem de
Montaigne (1533-1593). Siya ang nagpakilala ng salitang ESSAY bilang isang anyong
pampanitikan nang pinamagatan niyang ESSAIS ang kalipunan ng mga kaisipan, opinyon,
pananaw at damdamin na kanyang isinulat. Lumitaw ito noong 1580 at nagsilbing panimula sa
pagpapaunlad ng sanaysay.
Bagamat kung ating pagbabatayan ang Banal na Aklat o Bibliya kung saan binubuo ng
mga tula at awit, at mga prosa na nasa hugis pasalaysay at sanaysay, masasabing kasintanda
na rin ng sanaysay ang panahon kung gayon. Mapapansin din na ang tema ng bibliya ay nasa
tonong seryoso o may pagkadidaktiko kung ihahambing sa mga gawa ni Montaigne na magaan
lamang.
Marami pa ang mga sumunod na mananaysay katulad nila William Hazlitt, Ralph Waldo
Emerson, at Bacon. Ang talong ito ang siyang huling naimpluwensiyahan ng malaki ni
Montaigne ang nagpanumbalik ng pagkaseryoso, didaktiko at pagkamabigat ng sanaysay.
Subalit sa mga nagdaang siglo, matapos lumabas ang iba’t-ibang mananaysay, lalo na
bago sumapit ang ika-19 siglo, masasabing may apat na naging kapuna-punang katangian ang
sanaysay. Ito ay ang: kumbersasyunal, himig-nakikipag-usap, personal, masaya at
masiste. Hindi nalalayo sa mga unang isinulat ni Montaigne.
Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagsikap ang mga
mananakop, sa tulong ng mga pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon at wika na
maaring ituro sa mga katutubo. Ilan sa mga ito ay ang Declaracion de losmandamientos de la
ley de dios, isang paliwanag ukol sa Sampung Utos at ang Arte y reglas de las lengua tagala na
nagsaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ng wikang Tagalog. Si Padre Modesto de
Castro rin ay nagsulat ng “Colleccion de Semones en Tagalo”, ito ay ay pagsusulatan ng
dalawang binibini na sina Urbana at Feliza at ang “Platicas”.
Maitututing na unang sanaysay na sinulat ng isang Pilipino ay ang Librong “PagAaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila” ni Tomas Pinpin. Dito ay sunod-sunod
nang natuto ang mga tao ng mga prosa, tulad ng apuntes (memoirs) at informes (accounts).
Kahit na pangpersonal lang ang mga ito kadalasan, mababasa din dito ang ilang mga isyu sa
pulitika, relihiyon at ekonomiya.
Sa panahon ng propaganda, dito nangibabaw ang mga naisulat na sanaysay kasabay
ang paggamit ng panudyo at parodi.
Sa pagsisimula ng Samahang Repormista, nagsimula ang mga manunulat na magsulat
ng mga sanaysay na naglalabas ng mga pang-aabuso ng mga mananakop. Ilan sa mga
nakilalang manunulat noon ay si Fr. Jose Burgos, Pedro Paterno at Marcelo H. del Pilar. Naging
popular na bayaning repormista si Marcelo H. del Pilar dahil sa kanyang akdang sanaysay na
“Caiigat Cayo” at “Dasalan at Tocsohan”. Si Jose Rizal ay nagsulat din ng mga sanaysay na
naging batayan sa kanyang mga pampubikong pananalita. Sa panahon ding ito lumabas ang
La Solidaridad na naglilimbag ng mga sanaysay at artikulo ng mga repormista.
Nang nagsimula ang rebolusyon, naiba ang hangarin ng mga manunulat patungo sa
pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban sa mga Kastila. Nagsimulang isulat ang mga salaysay
gamit ang mga katutubong wika. Una sa mga ito si Andres Bonifacio, ang lider ng Katipunan, sa
kanyang maalab na mga akdang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”, “Sa Aking mga
Kababayan” at “Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan”. Si Emilio Jacinto ay may
sariling koleksyon ng mga sanaysay na pinamagatan niyang “Liwanag at Dilim” at “Kartilya ng
Katipunan”.
Sa pagdating ng mga Amerikano, nauso ang paggamit ng wikang Ingles bilang wika sa
pagsusulat ng mga sanaysay. Madalas itong impormal at sentimental, ngunit ang iba'y nanatili
sa pagsusulat tungkol sa kalayaan ng bansa. Nakilala sina Carlos Romulo, Fernando Marang,
Maria Paz Mendoza Guanzon at Vicente Hilario.
Pagkatapos ng digmaan ng Amerikano laban sa Hapon, marami sa mga naisulat na
sanaysay ay ginagamit sa pagsulat ng balita o artikulo sa dyaryo. Nakilala noong panahon na
ito sila Nick Joaquin, Kerima Polotan, Gilda Fernando at Renato Constantino. Ang mga
sanaysay noon ay mailalarawan sa kanilang kritisismo sa Amerika at ang nasyonalismo na
laganap bago ang pagdating ng Martial Law. Sa panahon ng Pangulong Marcos, nasikil ang
mga sanaysay na ito at nauso ang mga satirikong pagsusulat o mga sanaysay na personal ang
tema.
Sa modernong panahon, naging iba-iba na ang tema ng mga sanaysay na lumabas.
May mga nakilala sa mga sanaysay na pambalitaan, tulad ng kay Barbara Gonzalez, Ceres
Doyo at Jo-Ann Maglipon. Si Cristina Pantoja-Hidalgo naman ay nakilala sa mga sanaysay ukol
sa kanyang mga paglalakbay, at sina Doreen Fernandez at Edilberto Alegre ay nagsulat tungkol
sa pagkain. Sina Paz Latorena, N.V.M Gonzalez at Ildefonso Santos ay lumipat sa pagsulat sa
wikang Filipino. Nauso din ang mga akdang pang-talambuhay at mga sanaysay ukol sa mga
kontemporaryong isyu, tulad ng HIV-AIDS.
Dahil nagbabagong panahon, umunlad ang pagsulat ng sanaysay bunga na rin ng
pagdami ng pwedeng maging paksain. Hindi mananatiling ganoon na lamang kalimitado ang
pagsusulat at sulating sanaysay katulad ng sa panahon nila Montaigne, Emerson, Hazlitt, at
Bacon. O kaya’y sa pamamaraan nila Padre de Castro, del Pilar, Bonifacio, Rizal, atbp.
Susulpot ang maraming anyo ng pagpapahayag tulad ng liham, lathalain sa peryodiko
(editoryal), komposisyon sa klase, panunudyo, pananaliksik, pamumuna, at pagpupuri.
Sa mga nakaraang dekada, nagging magandang pagkakataon sa mga makabagong
mananaysay ang pagkakatatag ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Marami na
ang naparangalang mga akda at mananaysay sa bawat taong nagdaan sa kategoryang FilipinoSanaysay.

Sanggunian:
Evasco, Eugene., Ligya Tiamson Rubin, Arthur P. Casanova, at Joseph Salazar. 2001. Ideya at
Estilo sa Sanaysay. Lunsod ng Quezon: Rex Publishing House, Inc.
Casanova, Arthur P., Ligaya Tiamson Rubin, Teresita Perez Semorlan, at Olivia F. de Leon.
2006. Retorika. Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik. Lungsod ng Quezon: Rex
Publishing House, Inc.

More Related Content

What's hot

ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANMARYJEANBONGCATO
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoMark Arce
 
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)michael saudan
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogEumar Jane Yapac
 
Patulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikanPatulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikandyancent
 
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMarlene Panaglima
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wikaAudrey Jana
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonGilbert Joyosa
 
Uri ng Sanaysay
Uri ng SanaysayUri ng Sanaysay
Uri ng Sanaysayiaintcarlo
 
Sangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaSangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaAllan Ortiz
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentochrisbasques
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikanguestaa5c2e6
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonMarlene Forteza
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaMerland Mabait
 

What's hot (20)

Dula ppt
Dula pptDula ppt
Dula ppt
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang Filipino
 
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
Panitikan sa-panahon-ng-batas-militar (1)
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalog
 
Kontemporaryong Panitikan
Kontemporaryong PanitikanKontemporaryong Panitikan
Kontemporaryong Panitikan
 
Patulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikanPatulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikan
 
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang PilipinoMaikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
Maikling Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
 
Kasaysayan ng Sanaysay
Kasaysayan ng SanaysayKasaysayan ng Sanaysay
Kasaysayan ng Sanaysay
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
Mga teorya
Mga teoryaMga teorya
Mga teorya
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
 
Uri ng Sanaysay
Uri ng SanaysayUri ng Sanaysay
Uri ng Sanaysay
 
Sangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tulaSangkap at elemento ng tula
Sangkap at elemento ng tula
 
Kasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwentoKasaysayan ng maikling kwento
Kasaysayan ng maikling kwento
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
 
Panitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng KastilaPanitikan sa Panahon ng Kastila
Panitikan sa Panahon ng Kastila
 

Similar to kasaysayan ng sanaysay

KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at TalumpatiKASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at TalumpatiKentsLife1
 
Sanaysay pptx
Sanaysay pptxSanaysay pptx
Sanaysay pptxLhynYu
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Ceej Susana
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanSCPS
 
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGEREDR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGEREMarvie Aquino
 
Panitikan sa Pilipinas (1).docx
Panitikan sa Pilipinas (1).docxPanitikan sa Pilipinas (1).docx
Panitikan sa Pilipinas (1).docxBacsainFranziene
 
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELA
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELAKASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELA
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELAcgderderchmsu
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaRosalie Orito
 
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwentoKaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwentoCacai Gariando
 
487099932-ISTILO-NG-AWTOR-LABAN-SA-ISTILO-NG-TAGAPAGSALIN-pptx.pptx
487099932-ISTILO-NG-AWTOR-LABAN-SA-ISTILO-NG-TAGAPAGSALIN-pptx.pptx487099932-ISTILO-NG-AWTOR-LABAN-SA-ISTILO-NG-TAGAPAGSALIN-pptx.pptx
487099932-ISTILO-NG-AWTOR-LABAN-SA-ISTILO-NG-TAGAPAGSALIN-pptx.pptxSeanCarloVargas
 
2-KALIGIRANG KASAYSAYAN -NOLI ME TANGERE- EDITED HYBRID.pptx
2-KALIGIRANG KASAYSAYAN -NOLI ME TANGERE- EDITED HYBRID.pptx2-KALIGIRANG KASAYSAYAN -NOLI ME TANGERE- EDITED HYBRID.pptx
2-KALIGIRANG KASAYSAYAN -NOLI ME TANGERE- EDITED HYBRID.pptxmariafloriansebastia
 
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docxkaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docxJelyTaburnalBermundo
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santosclairearce
 

Similar to kasaysayan ng sanaysay (20)

KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at TalumpatiKASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
KASAYSAYAN_080430.pptx Sanaysay at Talumpati
 
Sanaysay pptx
Sanaysay pptxSanaysay pptx
Sanaysay pptx
 
Filipino presentation
Filipino presentationFilipino presentation
Filipino presentation
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)
 
Kasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikanKasaysayan ng panitikan
Kasaysayan ng panitikan
 
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGEREDR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
 
Panitikan sa Pilipinas (1).docx
Panitikan sa Pilipinas (1).docxPanitikan sa Pilipinas (1).docx
Panitikan sa Pilipinas (1).docx
 
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELA
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELAKASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELA
KASAYSAYAN NG NOBELA/KATUTURAN NG NOBELA
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwentoKaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
Kaligirang pangkasaysayan ng maikling kwento
 
Mga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula aMga elemento ng tula a
Mga elemento ng tula a
 
487099932-ISTILO-NG-AWTOR-LABAN-SA-ISTILO-NG-TAGAPAGSALIN-pptx.pptx
487099932-ISTILO-NG-AWTOR-LABAN-SA-ISTILO-NG-TAGAPAGSALIN-pptx.pptx487099932-ISTILO-NG-AWTOR-LABAN-SA-ISTILO-NG-TAGAPAGSALIN-pptx.pptx
487099932-ISTILO-NG-AWTOR-LABAN-SA-ISTILO-NG-TAGAPAGSALIN-pptx.pptx
 
Pahapyaw ng Panitikan
Pahapyaw ng PanitikanPahapyaw ng Panitikan
Pahapyaw ng Panitikan
 
2-KALIGIRANG KASAYSAYAN -NOLI ME TANGERE- EDITED HYBRID.pptx
2-KALIGIRANG KASAYSAYAN -NOLI ME TANGERE- EDITED HYBRID.pptx2-KALIGIRANG KASAYSAYAN -NOLI ME TANGERE- EDITED HYBRID.pptx
2-KALIGIRANG KASAYSAYAN -NOLI ME TANGERE- EDITED HYBRID.pptx
 
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docxkaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna.docx
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santos
 
Pag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikanPag unlad ng panitikan
Pag unlad ng panitikan
 
sanaysay-ppt.pptx
sanaysay-ppt.pptxsanaysay-ppt.pptx
sanaysay-ppt.pptx
 
Flordeliza
FlordelizaFlordeliza
Flordeliza
 
Flordeliza
FlordelizaFlordeliza
Flordeliza
 

kasaysayan ng sanaysay

  • 1. Kasaysayan ng Sanaysay Mula pa noong panahong sinauna, ang unang lumabas at siyang pinag-ugatan ng sanaysay ay ang ETHICS na isinulat ni Aristotle at CHARACTERS ni Theoprastus. Ang mga ito ay nagsilbing inspirasyon sa mga sumunod na mananaysay. Ang dalawang materyal na ito ay naglalarawan ng iba’t-ibang katangian ng tao: mabait, mapanlinlang, galante, madaldal, mareklamo, at iba pa. Subalit ang kinilalang unang naglabas ng pormal na sanaysay ay si Michel Eyquem de Montaigne (1533-1593). Siya ang nagpakilala ng salitang ESSAY bilang isang anyong pampanitikan nang pinamagatan niyang ESSAIS ang kalipunan ng mga kaisipan, opinyon, pananaw at damdamin na kanyang isinulat. Lumitaw ito noong 1580 at nagsilbing panimula sa pagpapaunlad ng sanaysay. Bagamat kung ating pagbabatayan ang Banal na Aklat o Bibliya kung saan binubuo ng mga tula at awit, at mga prosa na nasa hugis pasalaysay at sanaysay, masasabing kasintanda na rin ng sanaysay ang panahon kung gayon. Mapapansin din na ang tema ng bibliya ay nasa tonong seryoso o may pagkadidaktiko kung ihahambing sa mga gawa ni Montaigne na magaan lamang. Marami pa ang mga sumunod na mananaysay katulad nila William Hazlitt, Ralph Waldo Emerson, at Bacon. Ang talong ito ang siyang huling naimpluwensiyahan ng malaki ni Montaigne ang nagpanumbalik ng pagkaseryoso, didaktiko at pagkamabigat ng sanaysay. Subalit sa mga nagdaang siglo, matapos lumabas ang iba’t-ibang mananaysay, lalo na bago sumapit ang ika-19 siglo, masasabing may apat na naging kapuna-punang katangian ang sanaysay. Ito ay ang: kumbersasyunal, himig-nakikipag-usap, personal, masaya at masiste. Hindi nalalayo sa mga unang isinulat ni Montaigne. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, nagsikap ang mga mananakop, sa tulong ng mga pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon at wika na maaring ituro sa mga katutubo. Ilan sa mga ito ay ang Declaracion de losmandamientos de la ley de dios, isang paliwanag ukol sa Sampung Utos at ang Arte y reglas de las lengua tagala na nagsaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ng wikang Tagalog. Si Padre Modesto de Castro rin ay nagsulat ng “Colleccion de Semones en Tagalo”, ito ay ay pagsusulatan ng dalawang binibini na sina Urbana at Feliza at ang “Platicas”.
  • 2. Maitututing na unang sanaysay na sinulat ng isang Pilipino ay ang Librong “PagAaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castila” ni Tomas Pinpin. Dito ay sunod-sunod nang natuto ang mga tao ng mga prosa, tulad ng apuntes (memoirs) at informes (accounts). Kahit na pangpersonal lang ang mga ito kadalasan, mababasa din dito ang ilang mga isyu sa pulitika, relihiyon at ekonomiya. Sa panahon ng propaganda, dito nangibabaw ang mga naisulat na sanaysay kasabay ang paggamit ng panudyo at parodi. Sa pagsisimula ng Samahang Repormista, nagsimula ang mga manunulat na magsulat ng mga sanaysay na naglalabas ng mga pang-aabuso ng mga mananakop. Ilan sa mga nakilalang manunulat noon ay si Fr. Jose Burgos, Pedro Paterno at Marcelo H. del Pilar. Naging popular na bayaning repormista si Marcelo H. del Pilar dahil sa kanyang akdang sanaysay na “Caiigat Cayo” at “Dasalan at Tocsohan”. Si Jose Rizal ay nagsulat din ng mga sanaysay na naging batayan sa kanyang mga pampubikong pananalita. Sa panahon ding ito lumabas ang La Solidaridad na naglilimbag ng mga sanaysay at artikulo ng mga repormista. Nang nagsimula ang rebolusyon, naiba ang hangarin ng mga manunulat patungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban sa mga Kastila. Nagsimulang isulat ang mga salaysay gamit ang mga katutubong wika. Una sa mga ito si Andres Bonifacio, ang lider ng Katipunan, sa kanyang maalab na mga akdang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”, “Sa Aking mga Kababayan” at “Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan”. Si Emilio Jacinto ay may sariling koleksyon ng mga sanaysay na pinamagatan niyang “Liwanag at Dilim” at “Kartilya ng Katipunan”. Sa pagdating ng mga Amerikano, nauso ang paggamit ng wikang Ingles bilang wika sa pagsusulat ng mga sanaysay. Madalas itong impormal at sentimental, ngunit ang iba'y nanatili sa pagsusulat tungkol sa kalayaan ng bansa. Nakilala sina Carlos Romulo, Fernando Marang, Maria Paz Mendoza Guanzon at Vicente Hilario. Pagkatapos ng digmaan ng Amerikano laban sa Hapon, marami sa mga naisulat na sanaysay ay ginagamit sa pagsulat ng balita o artikulo sa dyaryo. Nakilala noong panahon na ito sila Nick Joaquin, Kerima Polotan, Gilda Fernando at Renato Constantino. Ang mga sanaysay noon ay mailalarawan sa kanilang kritisismo sa Amerika at ang nasyonalismo na laganap bago ang pagdating ng Martial Law. Sa panahon ng Pangulong Marcos, nasikil ang
  • 3. mga sanaysay na ito at nauso ang mga satirikong pagsusulat o mga sanaysay na personal ang tema. Sa modernong panahon, naging iba-iba na ang tema ng mga sanaysay na lumabas. May mga nakilala sa mga sanaysay na pambalitaan, tulad ng kay Barbara Gonzalez, Ceres Doyo at Jo-Ann Maglipon. Si Cristina Pantoja-Hidalgo naman ay nakilala sa mga sanaysay ukol sa kanyang mga paglalakbay, at sina Doreen Fernandez at Edilberto Alegre ay nagsulat tungkol sa pagkain. Sina Paz Latorena, N.V.M Gonzalez at Ildefonso Santos ay lumipat sa pagsulat sa wikang Filipino. Nauso din ang mga akdang pang-talambuhay at mga sanaysay ukol sa mga kontemporaryong isyu, tulad ng HIV-AIDS. Dahil nagbabagong panahon, umunlad ang pagsulat ng sanaysay bunga na rin ng pagdami ng pwedeng maging paksain. Hindi mananatiling ganoon na lamang kalimitado ang pagsusulat at sulating sanaysay katulad ng sa panahon nila Montaigne, Emerson, Hazlitt, at Bacon. O kaya’y sa pamamaraan nila Padre de Castro, del Pilar, Bonifacio, Rizal, atbp. Susulpot ang maraming anyo ng pagpapahayag tulad ng liham, lathalain sa peryodiko (editoryal), komposisyon sa klase, panunudyo, pananaliksik, pamumuna, at pagpupuri. Sa mga nakaraang dekada, nagging magandang pagkakataon sa mga makabagong mananaysay ang pagkakatatag ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Marami na ang naparangalang mga akda at mananaysay sa bawat taong nagdaan sa kategoryang FilipinoSanaysay. Sanggunian: Evasco, Eugene., Ligya Tiamson Rubin, Arthur P. Casanova, at Joseph Salazar. 2001. Ideya at Estilo sa Sanaysay. Lunsod ng Quezon: Rex Publishing House, Inc. Casanova, Arthur P., Ligaya Tiamson Rubin, Teresita Perez Semorlan, at Olivia F. de Leon. 2006. Retorika. Wikang Filipino at Sulating Pananaliksik. Lungsod ng Quezon: Rex Publishing House, Inc.