2. PANTIG
Ang pantig ay binubuo ng isang salita
o bahagi ng isang salita na binibigkas
sapamamagitan ng isang walang bugso
ng tinig
3. Ang isang salita ay binubuo ng o ng
mga pantig.
Ang isang pantig ay binubuo ngmga
tunog (pasalita) at letra (pasulat).
Nakaklasifay ang mga letra sa dalawa,
mga consonant o katinig "K" at mga
vowel o patinig"P"
5. 1.P (Patinig)
- pantig na binubuo ng patiniglamang, kaya't
tinatawag na payak
Halimbawa:
a-ba-ka
I-go-rot
a-so
a-wit
e-le-men-tar-ya
6. 2.PK (Patinig/Katinig)
- Ito ay pantig nabinubuo ng patinig na may tambal
na katinig sahulihan
Halimbawa:
es-trang-he-ro
un-tog
al-pom-bra
ak-sa-ya
it-log
am-bon
7. 3. KP (Katinig/Patinig)
pantig na binubuo ng pantinig na may tambal na
katinig sa unahan, kaya't tinatawag na tambal una.
Halimbawa:
ka–ro
pu–sa
ba-ta
ma-ta
te-la
8. 4. KPK (Katinig/patinig/katinig)
Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
katinig sa unahan at hulihan kaya tinawag na kabilaan.
Halimbawa:
bas–ton
bun-dok
Buk-lat
sam-pal
9. 5. PKK (Patinig/Katinig/Katinig)
Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
klaster sa hulihan.
Halimbawa:
ins-tru-men-to
eks–tra
eks-pe-ri-men-to
obs-truk-syon
blo-awt
10. 6. KKP (katinig-katinig-patinig)
Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
klaster sa unahan.
Halimbawa:
plo-re-ra
kla-se
pro-tes-ta
tra-ba-ho
bra-so
17. a. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang
patinig sa posisyong inisyal, midyal at pinal na
salita ito ay hiwalay sa mga patinig.
Salita Mga Pantig
aalis a-a-lis
maaga ma-a-ga
totoo to-to-o
18. B. Kapag may dalawang magkaibang katinig na magkasunod
sa loob ng isang salita, maging katutubo o hiram man, ang
una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay
sa patinig na kasunod.
Salita Mga Pantig
Buksan buk-san
Pinto pin-to
Tuktok tuk-tok
pantig pan-tig
sobre sob-re
kopya kop-ya
kapre kap-re
tokwa tok-wa
19. c. Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay m o
n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl, br, pl, tr, ang
unang katinig (m o n) ay sa sinusundang patinig kasama at
ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
Salita Mga Pantig
asembleya a-sem-ble-ya
alambre a-lam-bre
balandra ba-lan-dra
sentro sen-tro
simple sim-ple
20. d. Kapag may apat na magkasunod na katinig sa loob ng
isang salita, ang unang dalawang katinig ay kasama sa
patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na
kasunod.
Salita Mga Pantig
ekstradisyon eks-tra-di-syon
eksklusibo eks-klu-si-bo
23. a. Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita
ay patinig, ang patinig lamang ang inuulit.
alis a-a-lis
ekstra e-eks-tra
Ang tuntunin ding ito ang sinusunod kahit may unlapi ang
salita.
mag-alis mag-a-a-lis
umekstra u-me-eks-tra
24. b. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa
KP (katinig-patinig), ang katinig at ang kasunod na patinig
lamang ang inuulit.
ba-sa ba-ba-sa mag-ba-ba-sa
la-kad la-la-kad ni-la-la-kad
tak-bo ta-tak-bo nag-ta-tak-bo
su-lat su-su-lat mag-su-su-lat
25. c. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may KK (klaster na katinig) na
kayarian, dalawang paraan ang maaaring gamitin.
Batay ito sa kinagawian ng nagsasalita o variant ng paggamit ng wika
sa komunidad.
- Inuulit lamang ang unang katinig at patinig.
plan-tsa- pa-plan-tsa-hin - mag-pa-plan-tsa
pri-to- pri-pri-tu-hin - mag-pri-pri-to
kwen-to- ku-ku-wen-tu-han - mag-ku-kwen-to
-inuulit na klaster, kasama ang pantig
plan-tsa- pa-plan-tsa-hin - mag-pa-plan-tsa
pri-to- pri-pri-tu-hin - mag-pri-pri-to
kwen-to- ku-ku-wen-tu-han - mag-ku-kwen-to