SlideShare a Scribd company logo
1 of 31
Mga Bahagi ng Teksto
at mga Paraan ng
Pagsisimula
Ang isang teksto o sulatin ay
binubuo ng tatlong pangunahing
bahagi:
(A)introduksiyon o panimula,
(B)gitna o katawan, at
(C)wakas o kongklusyon.
A. Introduksiyon
• Ang introduksiyon ang pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging kaakit-akit
upang maganyak ang mambabasang basahin ang buong katha.
a. Ito ay maaaring pangungusap o talata.
b. Ito ay dapat ibagay sa haba ng katha.
c. Ito’y dapat maging malinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa dahil maaasahan
ang atensyong ibibigay ng mambabasa.
• Mahalaga ang pagsisimula sa pagsulat ng makabuluhang komposisyon. Nakasalalay
dito ang pagtatagumpay ng isang sumusulat ng komposisyon na maakay ang
kanyang mambabasa upang tuluyang basahin ang akda. Ang haba ay ibagay sa haba
ng komposisyon. Kung maikli lamang ang komposisyon, ang isang talataan o maging
isang pangungusap ay sapat nang introduksiyon.
Mga Paraan ng Pagsisimula
• Binanggit nina Arrogante (2000); Leyson at Montera (2005) na maraming paraan ang
maaaring gamitin sa pagsisimula ng sulatin. Narito ang ilang mungkahing paraan sa
pagbuo ng introduksiyon ng sulatin o komposisyon:
1. Pasaklaw na Pahayag
• Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di
gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalagang mga detalye. Ito’t karaniwang makikita
sa araw-araw na pahayagan.
Halimbawa:
Tatlo-katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip ng mga awtoridad makaraang
ireklamo ng walumpung sibilyan sa kasong illegal recruitment sa isinagawang entrapment
kamakalawa sa Antipolo City.
-Pilipino Star Ngayon
Nobyembre 14, 2004
2. Pagbubuod
• Ito’y nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay.
Halimbawa:
Ang stroke at heart attack ang nangungunang killer ng tao sa buong mundo…..
-Pilipino Star Ngayon
Nobyembre 14, 2004
3. Pagtatanong
• Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.
Halimbawa:
Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng “El Niño” sa gitna ng malamig na
simoy ng Nobyembre? Mayroon pa ngang pulu-pulutong na ulan at panakanakang kidlat
sa kalangitan.
-People’s Journal Tonight
Nobyembre 14, 2004
4. Tuwirang Sinasabi
• Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na tao.
Halimbawa:
“Ako’y isang taong mapagmahal ngunit ako rin ay may tungkuling gawain at isasagawa
ko ito….”
-The Philippine Star
Setyembre 15, 2001
5. Panlahat na Pahayag
• Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain,
sa mga kawikaan at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang
kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
Halimbawa:
Ang ginawang kabutihan ay madaling makalimutan subalit ang nagawang kasalanan ay
baon-baon hanggang libingan. Tunghayan ninyo ang kasaysayan ni Carmelita Tagonon
ng Surigao del Norte. Tawagin na lamang natin siyang Lita.
6. Paglalarawan
• Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay-deskripsyon, mga
malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.
Halimbawa:
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang
ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag na sa kanya ang
tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang
kakatuwang punto na nagpapakilalang siya’y taga ibang pook.
mula sa “Paglalayag… sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva E. Matute
7. Pagsalungat
• Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang pagkakaiba mas matindi
ang bisa.
Halimbawa:
Noon malinis, maayos at mapayapa ang aming bayan. Ngayon, malaki na talaga ang
pinagbago ng bayan naming ito dahil kabaligtaran na ang makikita mo.
B. Gitna o Nilalaman
• Ito’y pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mga
pangunahing kaisipan at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos ang
pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa.
• Sa pagbuo ng bahaging ito ng komposisyon, alalahaning dapat na mapanatili ang
kawilihan ng mga mambabasa. Ang nakalilito at malabong pagpapahayag ng mga
ideya ay makababagot sa mga mambabasa. Kailangang mapagsama ang mga
kaisipang magkakatulad, magkakauri at magkakaugnay upang maging maliwanag at
hindi nakalilito ang pagpapahayag.
Mga Paraan
•Ilang pangkalahatang paraan sa pagsasaayos ng
katawan ng komposisyon ay ang mga sumusunod
(Arrogante, 1994):
1. Pakronolihikal
• Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa pinakamatagal
hanggang sa pinakasalukuyan.
Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi ng kanyang inay
hanggang sa kasalukuyan niyang buhay.
2. Paanggulo
• Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat tao tungkol
sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa isang isyu, ang tatlong
anggulo ay sapat na para makabuo ng isang komposisyon.
Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa Bitay o Hatol, ang mga anggulo ay maaaring kunin sa; mga
kriminal mismo na pagtutol di pagsang-ayunan; bawat sektor ng mamamayan na magkaroon ng
iba’t ibang pagpapasya. Sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa bilang ng reaksyong
nakuha ang kongklusyon ay madaling magagawa.
3. Paespasyal o Paagwat
• Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay
dito’y alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-bagay
ay hindi gaanong kilala o “vice versa”.
C.Wakas o Kongklusyon
• Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang wastong
pagsisimula, nararapat ding pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas.
Mawawalan ng saysay ang kagandahan ng komposisyon kung ang sumulat nito ay
nakalimot sa katangian ng isang maayos na pagwawakas. Ang maayos na
pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa komposisyon.
• Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di
kasiya-siya. Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga
katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng
kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.
Mga Paraan
•Ilang mungkahing paraan sa pagbuo ng wakas ng
komposisyon ay ang mga sumusunod:
1. Tuwirang Sinasabi
Halimbawa:
“The US Presidential election teaches us to become more aggressive and make an intensive
drive to continue with our efforts to modernize the country’s electoral system,” ani Rosales na
nagsabing susuriin ng Kamara de Reperesentantes ang anumang butas upang ipatupad ang
batas modernisasyon.
-Taliba (Nobyembre 5, 2004)
2. Panlahat na Pahayag
Halimbawa:
… Kung ano ang bawal, iyon ang masarap. Subalit ang masarap ay pumapalit din
kalaunan, wika nga.
3. Pagbubuod
Halimbawa:
Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon
makakamtan.
3. Pagbubuod
Halimbawa:
Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon
makakamtan.
4. Pagpapahiwatig ng Aksyon
Halimbawa:
… Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong magugutom.
Kung ganoon, dapat na magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para mapigil
ang pagdami ng mga tao.
5. Pagtatanong
Halimbawa:
Ngayon sa oras ng matinding pagsubok na hinaharap ng ating bayan at karamihan sa
ating kababayan ay lugmok sa kahirapan, ano ang puwede mong gawin para
makatulong? Ano ang dapat gawin ng mga pinuno ng ating bayan para maibsan ang
matinding pagdurusa? Ano sa palagay ninyo?
6. Pagsisipi
Halimbawa:
(Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan, na angkop sa
tinatalakay na paksa.)
Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at sila’y magiging
matapat sa’yo. Purihin mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.”

More Related Content

Similar to Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx

Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiMARIA KATRINA MACAPAZ
 
Pagsulatngpangulongtudlingoeditoryal.pdf
Pagsulatngpangulongtudlingoeditoryal.pdfPagsulatngpangulongtudlingoeditoryal.pdf
Pagsulatngpangulongtudlingoeditoryal.pdfWinnieSuasoDoroBalud1
 
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalPagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalIrah Nicole Radaza
 
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptxWeek 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptxAntonetteAlbina3
 
Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainSCPS
 
Pagwawakas ng komposisyon
Pagwawakas ng komposisyonPagwawakas ng komposisyon
Pagwawakas ng komposisyonCedrick Alguzar
 
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdf
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdfFilipino-sa-Piling-Larangan.pdf
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdfKrizelEllabBiantan
 
Tekstong-Impormatibo-FILIPINO Tekstong-Impormatibo-FILIPINO
Tekstong-Impormatibo-FILIPINO Tekstong-Impormatibo-FILIPINOTekstong-Impormatibo-FILIPINO Tekstong-Impormatibo-FILIPINO
Tekstong-Impormatibo-FILIPINO Tekstong-Impormatibo-FILIPINOGedaliahGuinto
 
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptxibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptxCharmaineCanono1
 
Pagsulat ng komposition
Pagsulat ng kompositionPagsulat ng komposition
Pagsulat ng kompositionAira Fhae
 
Mga uri ng masining na pagpaphahayag pagsasalaysay
Mga uri ng masining na pagpaphahayag  pagsasalaysayMga uri ng masining na pagpaphahayag  pagsasalaysay
Mga uri ng masining na pagpaphahayag pagsasalaysayRuel Baltazar
 
panandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxpanandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxreychelgamboa2
 
panandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxpanandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxreychelgamboa2
 
Mga bahagi ng Teksto.pptx
Mga bahagi ng Teksto.pptxMga bahagi ng Teksto.pptx
Mga bahagi ng Teksto.pptxJhaicaAdlawon
 
Pagsulat ng saliksik
Pagsulat ng saliksikPagsulat ng saliksik
Pagsulat ng saliksikREGie3
 
G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptxG8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptxBenjohnAbaoRanido
 

Similar to Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx (20)

Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpatiFilipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
 
Pagsulatngpangulongtudlingoeditoryal.pdf
Pagsulatngpangulongtudlingoeditoryal.pdfPagsulatngpangulongtudlingoeditoryal.pdf
Pagsulatngpangulongtudlingoeditoryal.pdf
 
YUNIT-3
YUNIT-3YUNIT-3
YUNIT-3
 
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o EditoryalPagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
 
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptxWeek 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
Week 1-2 Uri ng Teksto Part 2.pptx
 
Pagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalainPagsulat ng tanging lathalain
Pagsulat ng tanging lathalain
 
Pagwawakas ng komposisyon
Pagwawakas ng komposisyonPagwawakas ng komposisyon
Pagwawakas ng komposisyon
 
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdf
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdfFilipino-sa-Piling-Larangan.pdf
Filipino-sa-Piling-Larangan.pdf
 
Sanaysay.pptx
Sanaysay.pptxSanaysay.pptx
Sanaysay.pptx
 
Tekstong-Impormatibo-FILIPINO Tekstong-Impormatibo-FILIPINO
Tekstong-Impormatibo-FILIPINO Tekstong-Impormatibo-FILIPINOTekstong-Impormatibo-FILIPINO Tekstong-Impormatibo-FILIPINO
Tekstong-Impormatibo-FILIPINO Tekstong-Impormatibo-FILIPINO
 
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptxibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
ibatibangmgamatalinghagangpahayag-230823213305-fb0b2ed1.pptx
 
Pagsulat ng komposition
Pagsulat ng kompositionPagsulat ng komposition
Pagsulat ng komposition
 
Talumpati
Talumpati Talumpati
Talumpati
 
Mga uri ng masining na pagpaphahayag pagsasalaysay
Mga uri ng masining na pagpaphahayag  pagsasalaysayMga uri ng masining na pagpaphahayag  pagsasalaysay
Mga uri ng masining na pagpaphahayag pagsasalaysay
 
Anyo ng Pagpapahag
Anyo ng PagpapahagAnyo ng Pagpapahag
Anyo ng Pagpapahag
 
panandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxpanandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptx
 
panandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxpanandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptx
 
Mga bahagi ng Teksto.pptx
Mga bahagi ng Teksto.pptxMga bahagi ng Teksto.pptx
Mga bahagi ng Teksto.pptx
 
Pagsulat ng saliksik
Pagsulat ng saliksikPagsulat ng saliksik
Pagsulat ng saliksik
 
G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptxG8-1ST-TOPIC  3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
G8-1ST-TOPIC 3RD QUARTER TOPICS TOPICS(1).pptx
 

More from LorenzJoyImperial2

More from LorenzJoyImperial2 (20)

Panunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptx
Panunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptxPanunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptx
Panunuring Pampanitikan-Katangian ng.pptx
 
komunikasyong teknikal.pptx
komunikasyong teknikal.pptxkomunikasyong teknikal.pptx
komunikasyong teknikal.pptx
 
BAHAGI NG PANANALITA-.pptx
BAHAGI NG PANANALITA-.pptxBAHAGI NG PANANALITA-.pptx
BAHAGI NG PANANALITA-.pptx
 
PPT COT2 2023.pptx
PPT COT2 2023.pptxPPT COT2 2023.pptx
PPT COT2 2023.pptx
 
Teknikal na Pagsulat.pptx
Teknikal na Pagsulat.pptxTeknikal na Pagsulat.pptx
Teknikal na Pagsulat.pptx
 
INDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docx
INDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docxINDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docx
INDIVIDUAL DEVELOPMENT (IDP).docx
 
likas na katangian ng wika.pptx
likas na katangian ng wika.pptxlikas na katangian ng wika.pptx
likas na katangian ng wika.pptx
 
WIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptx
WIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptxWIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptx
WIKA at MGA TEAORYA NG WIKA.pptx
 
ANTAS NG WIKA.pptx
ANTAS NG WIKA.pptxANTAS NG WIKA.pptx
ANTAS NG WIKA.pptx
 
Sitwasyon Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptx
Sitwasyon  Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptxSitwasyon  Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptx
Sitwasyon Pangwika Bago ang Konstitusyong 1935.pptx
 
SPEECH ACT THEORY.pptx
SPEECH ACT THEORY.pptxSPEECH ACT THEORY.pptx
SPEECH ACT THEORY.pptx
 
Barayti ng wika.pptx
Barayti  ng wika.pptxBarayti  ng wika.pptx
Barayti ng wika.pptx
 
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptx
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptxPUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptx
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON.pptx
 
Pormasyon at Pagpapantig.pptx
Pormasyon at Pagpapantig.pptxPormasyon at Pagpapantig.pptx
Pormasyon at Pagpapantig.pptx
 
Ponolohiya.pptx
Ponolohiya.pptxPonolohiya.pptx
Ponolohiya.pptx
 
Kulturang Popular.pptx
Kulturang Popular.pptxKulturang Popular.pptx
Kulturang Popular.pptx
 
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptx
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptxKalagayan ng Sining at Kultura.pptx
Kalagayan ng Sining at Kultura.pptx
 
Kaalamang Bayan.pptx
Kaalamang Bayan.pptxKaalamang Bayan.pptx
Kaalamang Bayan.pptx
 
GLOBALISASYON.pptx
GLOBALISASYON.pptxGLOBALISASYON.pptx
GLOBALISASYON.pptx
 
Gabay-sa-Pagtutuldik.pdf
Gabay-sa-Pagtutuldik.pdfGabay-sa-Pagtutuldik.pdf
Gabay-sa-Pagtutuldik.pdf
 

Recently uploaded

DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...MaamCle
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 

Recently uploaded (20)

DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
DAILY LESSON PLAN IN FILIPINO 1 - QUARTER 4 - WEEK 1 - MGA SALITANG MAGKATUGM...
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 

Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan.pptx

  • 1. Mga Bahagi ng Teksto at mga Paraan ng Pagsisimula
  • 2. Ang isang teksto o sulatin ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi: (A)introduksiyon o panimula, (B)gitna o katawan, at (C)wakas o kongklusyon.
  • 4. • Ang introduksiyon ang pinakamukha ng sulatin. Kailangan itong maging kaakit-akit upang maganyak ang mambabasang basahin ang buong katha. a. Ito ay maaaring pangungusap o talata. b. Ito ay dapat ibagay sa haba ng katha. c. Ito’y dapat maging malinaw, maintindihan, makaapekto at mabisa dahil maaasahan ang atensyong ibibigay ng mambabasa.
  • 5. • Mahalaga ang pagsisimula sa pagsulat ng makabuluhang komposisyon. Nakasalalay dito ang pagtatagumpay ng isang sumusulat ng komposisyon na maakay ang kanyang mambabasa upang tuluyang basahin ang akda. Ang haba ay ibagay sa haba ng komposisyon. Kung maikli lamang ang komposisyon, ang isang talataan o maging isang pangungusap ay sapat nang introduksiyon.
  • 6. Mga Paraan ng Pagsisimula • Binanggit nina Arrogante (2000); Leyson at Montera (2005) na maraming paraan ang maaaring gamitin sa pagsisimula ng sulatin. Narito ang ilang mungkahing paraan sa pagbuo ng introduksiyon ng sulatin o komposisyon:
  • 7. 1. Pasaklaw na Pahayag • Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalagang mga detalye. Ito’t karaniwang makikita sa araw-araw na pahayagan. Halimbawa: Tatlo-katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng walumpung sibilyan sa kasong illegal recruitment sa isinagawang entrapment kamakalawa sa Antipolo City. -Pilipino Star Ngayon Nobyembre 14, 2004
  • 8. 2. Pagbubuod • Ito’y nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay. Halimbawa: Ang stroke at heart attack ang nangungunang killer ng tao sa buong mundo….. -Pilipino Star Ngayon Nobyembre 14, 2004
  • 9. 3. Pagtatanong • Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat. Halimbawa: Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng “El Niño” sa gitna ng malamig na simoy ng Nobyembre? Mayroon pa ngang pulu-pulutong na ulan at panakanakang kidlat sa kalangitan. -People’s Journal Tonight Nobyembre 14, 2004
  • 10. 4. Tuwirang Sinasabi • Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na tao. Halimbawa: “Ako’y isang taong mapagmahal ngunit ako rin ay may tungkuling gawain at isasagawa ko ito….” -The Philippine Star Setyembre 15, 2001
  • 11. 5. Panlahat na Pahayag • Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral. Halimbawa: Ang ginawang kabutihan ay madaling makalimutan subalit ang nagawang kasalanan ay baon-baon hanggang libingan. Tunghayan ninyo ang kasaysayan ni Carmelita Tagonon ng Surigao del Norte. Tawagin na lamang natin siyang Lita.
  • 12. 6. Paglalarawan • Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay-deskripsyon, mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit. Halimbawa: Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang punto na nagpapakilalang siya’y taga ibang pook. mula sa “Paglalayag… sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva E. Matute
  • 13. 7. Pagsalungat • Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang pagkakaiba mas matindi ang bisa. Halimbawa: Noon malinis, maayos at mapayapa ang aming bayan. Ngayon, malaki na talaga ang pinagbago ng bayan naming ito dahil kabaligtaran na ang makikita mo.
  • 14. B. Gitna o Nilalaman
  • 15. • Ito’y pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mga pangunahing kaisipan at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos ang pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa.
  • 16. • Sa pagbuo ng bahaging ito ng komposisyon, alalahaning dapat na mapanatili ang kawilihan ng mga mambabasa. Ang nakalilito at malabong pagpapahayag ng mga ideya ay makababagot sa mga mambabasa. Kailangang mapagsama ang mga kaisipang magkakatulad, magkakauri at magkakaugnay upang maging maliwanag at hindi nakalilito ang pagpapahayag.
  • 17. Mga Paraan •Ilang pangkalahatang paraan sa pagsasaayos ng katawan ng komposisyon ay ang mga sumusunod (Arrogante, 1994):
  • 18. 1. Pakronolihikal • Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa pinakamatagal hanggang sa pinakasalukuyan. Halimbawa: Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi ng kanyang inay hanggang sa kasalukuyan niyang buhay.
  • 19. 2. Paanggulo • Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat tao tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa isang isyu, ang tatlong anggulo ay sapat na para makabuo ng isang komposisyon. Halimbawa: Kung ang paksa’y tungkol sa Bitay o Hatol, ang mga anggulo ay maaaring kunin sa; mga kriminal mismo na pagtutol di pagsang-ayunan; bawat sektor ng mamamayan na magkaroon ng iba’t ibang pagpapasya. Sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa bilang ng reaksyong nakuha ang kongklusyon ay madaling magagawa.
  • 20. 3. Paespasyal o Paagwat • Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay dito’y alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-bagay ay hindi gaanong kilala o “vice versa”.
  • 22. • Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang wastong pagsisimula, nararapat ding pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas. Mawawalan ng saysay ang kagandahan ng komposisyon kung ang sumulat nito ay nakalimot sa katangian ng isang maayos na pagwawakas. Ang maayos na pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa komposisyon.
  • 23. • Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya-siya. Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.
  • 24. Mga Paraan •Ilang mungkahing paraan sa pagbuo ng wakas ng komposisyon ay ang mga sumusunod:
  • 25. 1. Tuwirang Sinasabi Halimbawa: “The US Presidential election teaches us to become more aggressive and make an intensive drive to continue with our efforts to modernize the country’s electoral system,” ani Rosales na nagsabing susuriin ng Kamara de Reperesentantes ang anumang butas upang ipatupad ang batas modernisasyon. -Taliba (Nobyembre 5, 2004)
  • 26. 2. Panlahat na Pahayag Halimbawa: … Kung ano ang bawal, iyon ang masarap. Subalit ang masarap ay pumapalit din kalaunan, wika nga.
  • 27. 3. Pagbubuod Halimbawa: Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon makakamtan.
  • 28. 3. Pagbubuod Halimbawa: Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon makakamtan.
  • 29. 4. Pagpapahiwatig ng Aksyon Halimbawa: … Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong magugutom. Kung ganoon, dapat na magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para mapigil ang pagdami ng mga tao.
  • 30. 5. Pagtatanong Halimbawa: Ngayon sa oras ng matinding pagsubok na hinaharap ng ating bayan at karamihan sa ating kababayan ay lugmok sa kahirapan, ano ang puwede mong gawin para makatulong? Ano ang dapat gawin ng mga pinuno ng ating bayan para maibsan ang matinding pagdurusa? Ano sa palagay ninyo?
  • 31. 6. Pagsisipi Halimbawa: (Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan, na angkop sa tinatalakay na paksa.) Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at sila’y magiging matapat sa’yo. Purihin mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.”