4. 1. Palaging may isang
patinig sa isang pantig
Halimbawa: aso – a – so
ibon -- i – bon
opo – o -- po
5. 2. Ang magkakasunod na dalawa o higit pang
patinig ay hindi pinagsasama sa isang pantig.
Halimbawa: iigib -- i - i – gib
aalis – a – a – lis
uulan – u – u - lan
6. 3. Ang magkasunod na dalawang
katinig sa loob ng isang salita ay
hindi magkasama sa isang pantig.
Halimbawa: aklat – ak – lat
libro – lib – ro
prinsipe – prin – si – pe
7. 4. Kapag ang isang salita ay may tatlo o higit
pang katinig na magkakasunod, ang unang
dalawang katinig ay kasama ng
sinusundang patinig at amg huli ay kasama ng
patinig na sumusunod dito.
Halimbawa:
transportasyon – trans – por – ta – syon
eksperimento – eks – pe – ri – men – to
eksperto – eks – per – to
8. 5. Kapag may apat na
magkakasunod na katinig sa loob
ng salita, ang unang dalawa ay
kasama ng patinig na sinusundan
ng mga ito at ang huli ay kasama
ng patinig na sumusunod dito.
Halimbawa:
eksklusibo – eks – klu – si – bo