2. ANG PILIPINAS AY NASA GITNA NG TUMITINDING
KRISIS PAMPOLTIKA AT PANG-EKONOMIYA. Habang kaliwa’t
kanan ang bangayan ng mga paksyon ng naghaharing uri sa
gobyerno, patuloy naman na nasasadlak sa matinding
kahirapan ang mamamayang Pilipino. Walang tigil ang
pagtaas ng presyo ng langis at ng mga bilihin habang
nananatiling salat sa sahod ang mga manggagawa at
walang sariling lupa ang mga magsasaka. 2
3. mas lalong nananaig ang panawagan at pakikibaka para
sa pampolitika at pang-ekonomiyang pagbabago.
Gayunpaman, ang pagbabagong ito ay hindi
magiging ganap kapag walang kasabay na pangkulturang
pakikibaka. Dito umuusbong ang mahalagang papel ng mga
alagad ng sining at manggagawang pangkultura sa
lipunan. 3
4. magsisilbing patnubay sa pagtatasa natin ng kalagayan ng sining
at kultura, at ng mga kaukulang programa sa pagpapaunlad nito.
Mahalaga rin ang kritikal na pagsusuri sa mga patakaran sa
kultura ng pamahalaan at pribadong sektor, kulturang popular,
inisyatiba ng mga komunidad ng artista, proyekto ng mga
institusyon, at gawain ng pambansa-demokratikong kilusan
4
Politika at Ekonomiya
5. 1. magsagawa ng mas malalim at mas malawak pang pag-aaral at
pananaliksik sa kalagayan ng sining at kultura sa bansa
ngayon;
2. maglinaw ng posisyon sa iba’t ibang usaping pampolitika, pang-
ekonomiya at pangkultura; at
3. bumuo ng pagkakaisa sa hanay ng mga artista at manggagawang
pangkultura. 5
Papel na KALAGAYAN NG KULTURA AT
SINING, hinihimok ang lahat para:
7. Sining at Kultura
hinuhulma ng malawak na aspeto ng buhay.
Ito ay repleksyon ng paglalagom ng mga ideya
at paninindigan;
a. ng ayos
b. gawi at panlasa
c. ng kilos at reaksyon
d. ng karanasan
e. ng kasaysayan. 7
8. Ang kasaysayan ng sining at kultura ng Pilipinas ay
kasaysayan ng tunggalian sa pagitan ng malawak na
sambayanang Pilipino at ng naghaharing uri.
Para sa sambayanan, mahalaga ang sining at kultura sa
paglinang ng lipunang makatarungan.
ito ay minamanipula ng mga naghaharing uri sa
larangan ng ekonomya at pulitika upang maglingkod sa
kanilang interes. 8
11. A. KULTURANG KOLONYAL, BURGES AT PYUDAL
SA KASALUKUYANG PANAHON NG
GLOBALISASYON nananaig ang US
bilang pinamakapangyarihang bansa sa
usapin ng ekonomiya at politika.
Pinananatili nito na malakolonyal at
malapyudal ang lipunang Pilipino.
11
12. Sa ganitong sistemang panlipunan, ang mga
dominanteng pwersa ay ang imperyalistang
US, ang malalaking burgesya-komprador at
malalaking panginoong maylupa.
12
13. Bitbit ng mga ito ang dominanteng kulturang
kolonyal, burges at pyudal, na pinapatili ng
dalawang nangingibabaw na pwersa sa
kulturang Pilipino:
1. ang imperyalistang US (na mas
nangingibabaw) at
2. ang Simbahang Katoliko.
13
14.
15. Dahil sa dominasyon ng US sa ekonomiya at
politika ng Pilipinas, ito rin ang
nangingibabaw sa kasalukuyang kultura,
kaya ang dominanteng kultura ay may
aspektong kolonyal.
15
16. • Mas pinapahalagahan nito kung ano rin ang
mahalaga sa pamantayan ng US at ginagaya
ang sistemang pang-ekonomiya, pampolitika
at pangkultura ng US, sa halip na itaguyod
ang pambansang identidad.
• Ipinapalaganap nito ang mga ideyang
palasamba at pala-asa sa US.
16
17. ◈ Binibigyang katwiran nito ang patuloy na
pagkontrol at pagsasamantala ng dayuhan sa
sambayanang Pilipino at itinataguyod ang mga
pananalakay at panghihimasok ng US sa ibang
◈ bayan.
17
18. Pilipino….
Nag-udyok na tanggapin ang panghihimasok
at kontrol ng US sa bansa bilang isang
normal o kaya’y mas makabubuting
kalagayan.
18
19. Itinataguyod nito ang mababang pagtingin ng
Pilipino sa sarili, sa halip na magpunyagi sa mga
tagumpay na nakamit ng pakikibaka;
a. pilit na pinapatay ang diwang makabayan
b. anti-imperyalista ng mga Pilipino.
19
20. Ilang manipestasyon ng kulturang kolonyal:
paggamit ng Ingles bilang opisyal na wika sa
mga paaralan, midya, negosyo at gobyerno
maka-imperyalistang diwa sa mga
kurikulum at libro – halimbawa, itinuturo na
ang mga Amerikano ang nagligtas sa mga
Pilipino laban sa mga Kastila
20
21. regionalism – isang labi ng “manghati at
maghari” na taktika ng mga kolonisador
paghihiwalay ng kalagayan ng pambansang
minorya sa pambansang kalagayan
dominasyon ng mga dayuhang produkto sa
pamilihan
21
22. ang pagtangkilik sa mga ito dahil sa
pagtingin na mas mahusay ang gawa ng mga
dayuhan
negatibong pag-stereotype sa Pilipino bilang
tamad at walang disiplina
mas mataas na pagtingin sa mga dayuhan o
may dugong banyaga 22
25. Ito ay komersyalisadong kultura:
tinitingnan nito ang masa bilang malaking
palengke ng mamimili lamang, nilalait o
binabansot ang kanilang kapasidad at
hinuhubog ang kanilang panlasa ayon sa
interes ng kapitalista.
25
26. Nilalansi nito ang mamamayan, tinatawag na
“pangmasa” ang sa totoo’y mababaw,
walang katuturan, at pang-aliw lamang.
Ang pagmamaliit dito ay sinasadya para
mamanhid ang mga tao sa kalunosdunos na
mga nagaganap sa sarili at kapaligiran
habang isinsulong ang pagkamal ng tubo.
26
27. Nilikha nito ang “pangangailangan” ng
masa, na sa totoo’y pangangailangn ng mga
kapitalista.
Itinataguyod nito ang mga kaisipang tulad
ng eskapismo, konsumerismo, pesimismo at
iba pang kaisipang taliwas sa interes ng
mamamayan. 27
28. Ilang manipestasyon ng kulturang burges :
pagtrato sa babae bilang kalakal;
mga iba’t ibang luho at bisyo, katulad ng
pag-iinom, pagdodroga at paninigarilyo;
mga palabas sa radyo, telebisyon at sine na
nagbibigay-aliw lamang;
28
29. mga programang naghihikayat ng kumpetisyon
at indibidwalismo katulad ng mga reality
shows;
pagdagsa ng mga advertisements o
commercials at lubusang pagtangkilik sa mga
produktong inilalako nito;
mga “charitable” na gameshows 29
30.
31. kamangmangan at walang-batayang mga
paniniwala at kagawian na humahadlang sa
pag-unlad ng panlipunan at pampulitikang
kamulatan.
31
32. Pinapatuloy nito sa mas malawak na saklaw
ang pyudal na relasyon sa pagitan ng
naghaharing uri at ang pinaghaharian, tulad
ng sa panginoong maylupa at magsasaka.
32
33. Tinitingnan nito bilang normal ang mga
mapagsamantala at ang mapang-aping
kalagayan.
Ang Simbahang Katoliko ay pangunahing
nagbibitbit ng kulturang pyudal, na
sinusuhayan naman ng imperyalistang US.
33
34. Ilang manipestasyon ng kulturang pyudal :
mababang pagtingin sa kababaihan at
kabataan;
mga pamahiin at paniniwalang metapisikal;
bulag na panatismo sa relihiyon upang
sagutin ang mapagsamantala at ang mapang-
aping kalagayan;
34
35. mga programang pinananatiling pala-asa sa
dole-outs at mangmang ang masa, katulad ng
gameshows at pantaserye;
sweepstakes, lotto at iba pang pagsusugal
bilang lunas sa kahirapan; pagsensura sa
mga progresibong palabas o yaong
nagpapakita ng katotohanang panlipunan;
35
36. SA KASALUKUYANG PANAHON, IBAYO ANG PANANALAKAY
SA LARANGAN NG KULTURA
Ang dalawang pinakadominanteng pwersa sa
kultura
– ang imperyalismong U.S.
– ang simbahang Katoliko –
• Ito ay gumagamit ng mga mas sopistikadong
pamamaraan upang ipagpatuloy at palawakin
ang kanilang dominasyon. 36
37. Kinakasangkapan ng mga ito ang estado
upang higit pang ipalaganap ang kulturang
kolonyal, burges at pyudal, sa pamamagitan
ng mga patakaran ng globalisasyon,
kulturang popular, korupsyon, at panunupil
at pasismo.
37
39. Bilang kasaping bansa ng World Trade
Organization (WTO), at sumusunod sa mga
patakaran ng World Bank-International
Monetary Fund (WB-IMF), ang Pilipinas ay
nakapailalim sa mga kasunduan at patakarang
pinagkakaisahan at idinidikta ng mga economic
superpowers o mga imperyalistang bansa.
39
40. Sa ngalan ng “globalisasyon ng malayang
pamilihan” o “free market globalization”,
ipinalaganap ng mga ito ang mga neoliberal
na patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon
at pribatisasyon upang pahigpitin ang
kanilang dominasyon sa ekonomya at
pulitika ng mga maliliit na bansa. 40
41. Sa pamamagitan ng iba’t ibang kasunduan sa
WTO, hinihikayat o sapilitang binubuksan ng
mga malalakas na bansa ang mga lokal na
pamilihan ng mga atrasadong bansa.
Halimbawa, dahil mas maunlad ang teknolohiya at mas
malaki ang industriya ng US, nagagawa nitong idikta o
impluwensyahan ang mga patakaran ng mga atrasadong
bansa upang ipamudmod ang kanilang surplas na mga
produkto. 41
42. Ang mga bansang may iisang interes sa isang
partikular na sektor (tulad ng edukasyon, pabahay,
pinansya, telecommunications at iba pa) ay
nagbubuklod upang magpaabot ng “kolektibong
mungkahi” sa mga indibidwal na bansa.
42
General Agreement on Trade in Service
(GATS).
43. Trade-Related Aspects of Intellectual Property
Rights (TRIPS)
• pinapadali para sa mga higanteng
korporasyon at ahensya ang pamumuhunan,
pagbili, pag-agaw, pagkontrol at
pagmomonopolyo sa mga
43
44. 1) likhang sining at ang distribusyon ng mga ito
(sa pamamagitan ng copyright at mga
kaakibat nito);
2) tatak (trademarks) at indikasyong
pangheograpiya (geographical indications) o
pantukoy sa pinagmulan ng produkto ; at
3) imbensyon (sa papamagitan ng patente),
industrial design at trade secrets. 44
45. Sa ilalim ng ganitong sistema, lalong naging
atrasado ang maraming bansang
tinataguriang umuunlad at di-maunlad.
Sa Pilipinas, tumindi ang pagdausdos ng
kabuhayan ng mga mamamayan, buhat nang
aprubahan ng rehimeng Ramos ang pagsapi
sa WTO. 45
47. Ang malayang kalakalan ay nangangahulugan ng
malayang pagpasok ng mga produktong pangkultura sa
Pilipinas, katulad ng mga pelikula, aklat, software at
musika.
Kabilang dito ang mga serbisyong tumutugon sa
pagpapalaganap at preserbasyon ng mga produktong
pangkultura, gaya ng distribusyon at pagpapalabas ng
pelikula.
47
48. .
Sa buong mundo, ang US ang pinakamalaking exporter
ng mga produktong pangkultura ngayon.
Halos monopolyado na ng US ang produksyon at
distribusyon ng produktong pangkultura, kapwa sa
lokal at pandaigdigang saklaw.
48
49. Upang kumita, kaakibat nito ay ang paghulma sa
panlasa ng mga tao upang lumikha ng demand o
pangangailangan para sa kanyang mga produkto, ayon
sa dikta ng mga higanteng korporasyon ng US, na
lumilikha ng mga komersyal at industriyal na
produkto.
49
50. nahihirapang makipag-kumpetensya o tuluyang
nalulugi ang mga lokal na industriyang
pangkultura
Ang pamilihan sa Pilipinas ay natutulak sa iba’t
ibang pamamaraan:
50
51. a. pagpapababa ng sahod, kontraktwalisasyon at
pagtanggal sa mga manggagawa, katulad ng
nangyayari sa mga TV at film productions;
b. pilit na pag-angkop ng mga likhang sining sa
pamantayang komersyal; panggagaya para sumang-
ayon sa “imported” na pamantayan ng kahusayan;
c. pamimirata upang kumita nang malaki sa
mababang kapital.
51
52. PANGGAGAYA:
• kinukunsinti ng mga dayuhang korporasyon
dahil pinalalaganap pa nito ang dayuhan o anila’y
“global” na panlasa
• ang pamimirata nama’y malupit nilang
nilalabanan sa larangan ng intellectual property
rights dahil umuuk-ok ito sa kanilang
◈ tubo. 52
53. ang mga ahensyang pangkultura at mga
indibidwal na artista ay natutulak na humingi ng
suporta mula sa mga pribadong korporasyon
kung kaya’t lumakas ang kontrol ng mga ito sa
kultura.
Ang mga sining na nalilikha ay nalilimitahan at
nakatugon sa pang-aakit ng mga mamumuhunan. 53
55. Makikita ang manipestasyon sa mga
paaralan kung saan mas binibigyan ng diin
ang mga kurso na lilikha ng mga gradweyt
para sa mga multinasyunal na kompanya.
55
56. Pinaiiral din ang Ingles bilang opisyal na wika
sa paaralan upang mahubog ang bagong
henerasyon sa paggamit ng Ingles sa
pandaigdigang kalakalan
Halimbawa:
para sa mga call centers;
at sa kanilang pagiging mga sunsunod na OFWs, na isang
malaking pinagkakakitaan ng gobyerno. 56
57. “world-class”
ang pagtataglay ng katangian na maaaring
“ipanlaban” sa pandaigdigang kompetisyon
sa iba’t ibang aspekto.
Halimbawa
ang mga world-class artists, katulad ni
Lea Salonga. 57
58. • Hindi mapag-aalinlanganang dominante ang
kulturang maka-dayuhan sa ating bansa, na
kitang-kita sa musika, pelikula at pananamit.
• Gayon sa kabilang banda nama’y marami
ang hindi nakakaunawa sa mayamang
kulturang Pilipino ng iba’t ibang tribo at
etnolinggwistikong grupo sa bansa. 58
60. Cultural Diversity
• ang pagkakaiba-iba ng mga kultura sa buong
daigdig ay ang pagtingin na may esensyal na
kaibahan ang isang kultura sa iba at nararapat
lamang na protektahan at paunlarin ang
kaibahang ito.
• Sa kalakalang pangkultura, ito ay pagkakaroon
ng balanse sa palitan ng produkto at serbisyong
pangkultura. 60
61. Ngunit nagiging hungkag ang konseptong ito kapag
hinihiwalay ito sa mga usaping pampolitika at pang-
ekonomya.
Mapananatili ba ng mga katutubo ang kanilang
kultura kung sila ay sapilitang inaalis sa kanilang
lupain?
Sa anong antas makikipagturingan nang matino sa
mga Muslim kung patuloy silang itinatakwil at
binabansagang terorista? 61
62. Kalakaran ng globalisasyon hinggil sa Cultural Diversity
tinatangkilik ng gobyerno – ang paglikha ng
napakaraming produkto at serbisyo mula sa iba’t
ibang kultura.
Ang pagkakaroon ng “kakaiba,” ispesipiko,
“walang katulad,” at exotic na kulturang
magiging mabenta sa pamilihan ang kaisipang
gumagabay dito. 62
63. • Niroromantisa nito ang samu’t saring tribo at
komunidad na maging materyal ng imahinasyon
at pantasya ng “mas maunlad” na sibilisasyon.
63
65. • Bahagi ng Kuturang Panturismo-ang paglaganap
ng samot-saring festival sa buong kapuluan at
kompetisyon upang magkaroon ng rekord (gaya
ng sa Guinness World Record) ang mga
lokalidad
• isang konseptong pinagtutunggalian
65
66. Nakabubuti ang Panturismo…
• napag-aaralan ng mamamayan ang kanilang
kasaysayan, tradisyon, pamana at siyempre pa’y
kultura.
• nagiging mas malalim ang kanyang pag-unawa sa
sarili at sa iba.
66
67. • Kung ang pangunahing layunin ay kumita at
hindi edukasyon, nagiging kapital ang turismo sa
komersiyalisasyon ng kultura.
• Masalimuot ang usapin ng pangangalakal ng
kultura dahil natatali sa palitan ng salapi ang
interaksyong pangkultura.
• 67
68. • Upang makaugnay sa kultura ng iba, kailangan nang
bilhin ang produktong nagtataglay nito.
• Hahanapin ang mga aspekto ng kultura na magiging
mabenta, iyong kakaiba, hindi pa alam, ispektakular,
nakakatawa at nakakaaliw sa panlasa ng mga turista,
dayuhan man o lokal.
68
69. • Bukod pa sa pinagkakakitaan ang kultura, mas
masahol ang usapin ng panghihimasok sa isang
kultura at ang artipisyal na pagpoproseso dito
upang maging mabenta sa pinakamaraming tao.
• Madalas kaysa hindi, nababago sa masalimuot na
paraan ang isang kultura kundi man ito tuluyang
nasisira. 69
70. Praktika ng gobyerno
ginagamit nito ang kultura bilang tugon sa
kahirapan, pangunahin sa pamamagitan ng
turismo.
sinusuportahan nito ang produksyon ng mga
tradisyunal na kagamitan.
70
71. hilaw na materyales para sa produksyon ng mga ito
ay nanganganib na dahil sa panghimasok ng mga
pribadong kumpanya sa mga lupang ninuno.
Ang pagbubukas ng bansa sa mga dayuhang mining
companies at sa militarisasyon ay salungat rin sa
pagsuporta sa produksyon ng tradisyunal na
kagamitan.
71
72. Kung kaya’t ang produksyong tinutukoy ng
gobyerno ay kapitalistang produksyon, hindi
tradisyunal.
72
73. • Hindi rin dapat kaligtaan ang kaakibat na
industriya ng turismo, ang paglala ng prostitusyon.
Kadalasan na sa bawat lungsod at bayan na dinarayo
ng mga turista, nagkakaroon ng mga pasilidad para
sa pagbebenta ng katawan.
• Hindi na lamang tanawin ang tinitingnan at pagkain
ang tinitikman kundi pati ang katawan. 73
75. Ang mga pananaw sa tunggalian ng mga uri
at panlipunang pagbabago.
Ito ay tinatangkilik ng nakararami at
tumutugon sa mga kahilingan at panlasa ng
masa, binibigyan ng ispesyal na atensyon
ang kulturang popular.
75
76. Ang kulturang popular ay artipisyal kapag
ito’y “binebenta” ng industriyang pangkultura
ng mga lokal na naghaharing-uri at ng
imperyalismo sa masang mamimili.
Dahil ang mga lokal na naghaharing uri at
imperyalismo ang may hawak ng halos lahat ng
mayor na industriya sa kultura at sining (sa
musika, pelikula, atbp.), tinatatakan nila kung
ano ang “pang-masa”, “bakya” o “jologs”.
76
77. Agresibong ibinebenta at isinasalaksak sa
isipan at panlasa ng masa ang ganitong
kulturang mapang-alipin – ginagawa nitong
“tanga” ang masa sa isang mapanlinlang at
disimuladong paraan at ito’y manipulasyon
para sa tubo lamang.
77
79. KULTURANG KORUPSIYON
Kadalasan ay nasasangkot din dito ang
ordinaryong mamamaya kapag nagbibigay
siya ng suhol para makalusot sa mga
pasikot-sikot ng burukrasya. Ngunit hindi
ibig sabihin ay gusto niya ito; nasasangkot
siya dito dahil ganito ang kalakaran
79
80. KULTURANG KORUPSIYON
ang pananatili ng malawakang korupsyon (o
ang pag-ubuso sa posisyon para sa sariling
interes) dahil hinahayaan o pinapayagan ito
ng burukrasya.
80
81. 81
Niyuyurakan ng korupsyon ang
karapatan ng mga mamamayan
• Ang mga dehado ay hindi na nagrereklamo
dahil ang mga imbestigasyon o reklamo ay
apakahaba pa ng proseso.
82. 82
Mahal ang litigasyon, mabagal (at
kwestyonable) ang sistema ng hustisya, at
nananaig ang mga may impluwensya sa
burukrasya. Ang ganitong kalagayan ay
nagreresulta sa pagiging pasibo o walang-
pakialam.
83. 83
• Sa loob ng burukrasya, mas tumitindi ang
korupsyon habang pataas nang pataas ang
posisyon dahil dumarami ang dinadaanang
proseso.
84. 84
• Karaniwan sa kanila ang pag-abuso sa posisyon,
kaya kahit may tunggalian sa kanilang hanay,
napipilitan silang bigyan ng proteksyon ang isa’t
isa.
• Ang ganitong kultura ay tinatangkilik ng mga
naghaharing uri dahil ang kanilang kalagayang
pang-ekonomya ang nagtitiyak sa kanilang
hawak sa kapangyarihang pampulitika.
85. 85
• Laganap ang kultura ng korupsyon, na
sinusuhayan ng imperyalismo upang matiyak ang
pagyuko ng burukrasya sa kaniyang mga
maniobra, lalo na sa negosyo.
• Anumang kampanya ng gobyerno laban sa
korupsyon ay hindi magtatagumpay hanggat
sinusuhayan nito ang mapagsamantalang sistema
ng globalisasyon at ng naghaharing uri..
86. 86
• Kung kayat maging ang mga
“demokratikong” proseso, katulad ng
eleksyon at people’s initiative sa chacha, ay
hindi na rin maasahan bilang solusyon sa
ganitong kultura
89. SlidesCarnival icons are editable
shapes.
This means that you can:
● Resize them without losing
quality.
● Change fill color and opacity.
Isn’t that nice? :)
Examples:
89
91. Now you can use any emoji as an icon!
And of course it resizes without losing quality and you can change the color.
How? Follow Google instructions
https://twitter.com/googledocs/status/730087240156643328
✋👆👉👍👤👦👧👨👩👪💃🏃💑❤😂
😉😋😒😭👶😸🐟🍒🍔💣📌📖🔨🎃🎈
🎨🏈🏰🌏🔌🔑 and many more...
91
92. Free templates for all your presentation needs
Ready to use,
professional and
customizable
100% free for
personal or
commercial use
Blow your audience
away with attractive
visuals
For PowerPoint and
Google Slides
92