1. SOLIVERES, JOEL G.
BSED FL 3-1
1
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Education
Sta. Mesa, Manila
SEMI-DETAILED LESSON PLAN
I. LAYUNIN
• Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga
pamantayan F8PD-IIIe-f-31
• Naipapahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran F8PS-IIIe-f-
32
• Nagagamit sa pagsulat ng isang dokumentaryong pantelebisyon ang mga
ekspresyong nagpapakita ng kaugnayang lohikal F8PU-IIIe-f-32
II. NILALAMAN/PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: [Grade 8 FILIPINO Ikatlong Markahan] Aralin 3: Kontemporaryong
Programang Pantelebisyon at Kaugnayang Lohikal
B. Kagamitang Pampagtuturo: laptop, mga kagamitang biswal (poster, marker, visual
aids mula sa Powerpoint Presentation), at LCD projector
C. Sanggunian: Ang Batikan 8 nina Jose B. Bilasano et. al pahina 190-198 at
Curriculum Guide sa Filipino
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Mga Pang-araw-araw na Gawain
• Panalangin
• Pagbati
• Pagtatala ng liban
• Pagpuna sa kalinisan at kaayusan ng silid-aralan
B. Pagganyak
Pagpapanood ng isang documentary video sa Youtube
Panuto: Manood at Unawain nang mabuti ang dokumentaryong pinamagatang I-Witness: 'Hindi
Paiiwan' ni Sandra Aguinaldo
YOUTUBE LINK: https://www.youtube.com/watch?v=b8B6xoFmOhA
2. SOLIVERES, JOEL G.
BSED FL 3-1
2
C. Paglalahad
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang iyong nadarama matapos mo mapanood ang dokumentaryo?
2. Sa iyong palagay, nararanasan mo rin ba ang mga karanasan nina John John at Mark
Joseph sa online class?
3. Bakit kailangan pa rin mag-aral kahit na may nagaganap na krisis o problema sa buhay?
Ipaliwanag
4. Batay sa iyong napanood, ano-ano ang napapansin mong paraan sa pakikipagpanayam?
5. Mahalaga bang magkaroon ng pamantayan sa pakikipanayam? Patunayan
D. Pagtalakay sa Aralin
Tatalakayin ng guro ang mga sumusunod na paksa:
• Konsepto ng Dokumentaryong Pantelebisyon
• Mga Pamantayan sa Pakikipanayam ng isang Dokumetaryong Pantelebisyon
• Kaugnayang Lohikal
➢ Dahilan at Bunga/Resulta
➢ Paraan at Layunin
➢ Paraan at Resulta
➢ Kondisyon at Bunga
INDIVIDUAL ACTIVITY
Panuto: Gumawa ng limang pangungusap na nagpapahayag ng ugnayang lohikal batay sa mga
larawan sa ibaba.
Retrieved from https://leverageedu.com/blog/online-learning/
3. SOLIVERES, JOEL G.
BSED FL 3-1
3
a) ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
b) ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
c) ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
d) ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
e) ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Retrieved from https://www.pna.gov.ph/articles/1026359

4. SOLIVERES, JOEL G.
BSED FL 3-1
4
E. Paglalahat
Recitation
Ang mag-aaral ay inaasahang makapagbibigay ng sariling halimbawa ng pangungusap na may
mga ekspresyong may kaugnayang lohikal
IV. PAGSUBOK/PAGTATAYA
Maikling Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawain ag bawat pangungusap. Salungguhitan ang mga salita o pahayag
na naghahayag ng relasyong lohikal at tukuyin ito.
1. Si Jeoffrey ang pinakamahusay na estudyante ni Gng. Camposano dahil dito,
pinarangalan siya noong Araw ng Pagtatapos.
2. Dahil sa kawalan ng agarang pagkilos ng pamahalaan, lalong tumataas ang bilang ng
mga kaso nang nagkakaroon ng COVID-19
3. Si Henry ay nagsisikap magtrabaho sa isang call center company para magkaroon lamang
ng pagkain ang kanyang pamilya.
4. Hindi nagsusuot ng face mask si Ana sa tuwing siya ay pupunta sa palengke, kaya naman
makalipas ang tatlong araw siya ay nakaranas nang tuloy-tuloy na pag-ubo.
5. Sapagkat ang pangkat ICT 12-15 ang pinakamahusay gumawa ng electrical circuit sa
buong SHS, sila ang itinanghal bilang kinatawan ng kanilang departamento sa ICT FAIR
2021.
V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Bumuo ng isang pangkat na may 5 miyembro. Sumulat ng isang dokumentaryong
pantelebisyon na may ekspresyong nagpapakita ng kaugnayang lohikal. Narito ang ilan sa mga
isyu na maaari maging paksa ng inyong komentaryong pantelebisyon:
• K to 12: Nakatulong nga ba sa mga estudyante sa paghahanap ng trabaho?
• Kasalukuyang sitwasyon ng mga mag-aaral ngayong online class
• Pagpasa ng SOGIE Bill: May epekto ba sa ibang sektor ng lipunan tulad ng Simbahan?
• Makakabuti ba ang CMO. 20 sa sistemang edukasyon ng Pilipinas?
• Jeepney Phaseout
• at iba pa.
5. SOLIVERES, JOEL G.
BSED FL 3-1
5
Rubrik ng Pagmamarka sa Dokumentaryong Pantelebisyon
Pamantayan Puntos
• Masaklaw na paglalahad ng
napapanahong impormasyon
25%
• Masining na Paggamit ng
Ekspresyong Kaugnayang Lohikal
20%
• Mahusay na paggamit ng aspektong
teknikal at disenyo
15%
Kabuoan: 60%