Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Filipino cot 1
1. BAGONG SILANGAN HIGH SCHOOL
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8
IKALAWANG MARKAHAN (2019 – 2020)
MIYERKULES :Nobyembre 21, 2019
I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
A. Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga pamantayan.
F8PD-IIIe-f-31
B. Nakabubuo ng isang iskrip ng pakikipanayam para sa dokumentaryong pantelebisyon.
II. PAKSANG ARALIN
A. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon
B. Kaisipan: Pagpapahalaga sa kulturang Pilipino na may kaugnayan sa usaping panlipunan
C. Kagamitan: Telebisyon, mga larawan, cartolina
D. Sanggunian: Ang Pitak: Ikawalong Taon: Pandayan ng isip, Talino at Ang king Kasanayan
III. YUGTO NG PAGKATUTO
GAWAIN 1 : Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagsasaayos ng silid aralan
3. Pagtatala ng liban sa klase
4. Pagbabalik tanaw sa nagdaang paksa: Mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw
● Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng isang halimbawa ng pangungusap na kinapapalooban ng mga
sumusunod na ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.
- sa tingin ko
- sa aking pananaw
- sa palagay ko
- ang paniniwala ko
- para sa akin
GAWAIN 2 :
Pangganyak
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng puzzle at
bubuuin ito. Ang unang pangkat na makakabuo at makakahula ng pangalan ng larawan ay siyang mananalo.
Bawat pangkat ay magbibigay ng kanilang sariling kaisipan sa larawan.
Kara David Atom Araullo Howie Severino Malou Mangahas
GAWAIN 3
Layunin: Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga
pamantayan.F8PD-IIIe-f-31
Integrasyon: AP at EsP
Ang mga mag-aaral ay manonood ng isang dokumentaryong pantelebisyon na “Sa Gitna ng Dilim” ni Mil
Adonis at pagkatapos ay magbibigay ng ilang katanungan ang guro batay sa kanilang pinanood.
● Sa palagay mo anong kulturang Pilipino ang inilahad sa dokumentaryo?
● Kung ikaw ang tatanungin, lahat ba ng tao may kakayahang hanapin ang kanyang kapalaran? Ipaliwanag.
● Anong damdamin ang namayani matapos ninyong mapanood ang dokumentaryo?
2. Gawain 4
Layunin: Nakabubuo ng isang iskrip ng pakikipanayam para sa dokumentaryong pantelebisyon.
Ang mga mag-aaral ay hinati sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay kakapayanamin ang mga sumusunod
para sa isang dokumentaryong pantelebisyon:
Unang pangkat : Guro
Ikalawang pangkat : Mag-aaral
Ikatlong pangkat : Punong-guro
Ikaapat na pangkat : Utility
PAMANTAYAN
Kawastuhan ng pakikipanayam - 20%
Pagkamalikhalin - 10%
Kaisahan/kabuuan ng mga impormasyon - 30%
KABUUAN - 60%
KASUNDUAN: Isaayos ang gagawing dokumentaryong pantelebisyon.
Inihanda ni:
Binigyang pansin nina:
Rhazel Joan S. Caballero
Guro sa Filipino 8 Marivic P. Elises
Dalubguro
Gloria C. Cruz
Puno ng Kagawaran – Filipino
Pinagtibay ni:
Modesto G. Villarin Ed..D
Punongguro IV