2. Kahusayang Pansibiko atG awaing
Pansibiko
civil life nagmula sa salitang Latin na
civicus na may kahulugang “mamamayan.”
Maiuugnay rin ito sa salitang Pranses na civique na ang ibig
sabihin ay “mamamayan na nakapagbubuwis ng buhay
para sa kaniyang kapuwa.”
3. ● S a ngayon, ginagamit ang salitang sibiko upang ilarawan ang
mamamayan na may gaganaping tungkulin sa bayan. Ito ay
nangangahulugang pananagutan ng mamamayan.
● karunungang pansibiko (civic literacy) Tumutukoy ito sa
kaalaman at kasanayan sa mabisang pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko, pag unawa sa mga proseso ng pamahalaan, at pag alam
kung paano maisasabuhay ang mga karapatan at tungkulin ng
mamamayan sa pamayanan at sa bansa.
4. ang tawag sa kahandaang ito—ibig sabihin, ang tao ay
may paniniwalang may kakayahang makilahok sa
isang pamumuhay na sibiko, tumanggap ng mga
pananagutan bilang mamamayan, at gumawa ng
mga pagkilos na makapagbabago sa lipunan.
Kahusayang pansibiko
(civic efficacy)
5. Mga G awaing Nagpapakita ng
Kahusayang Pansibiko
1. Pagsusulong sa kabutihang panlahat (common good)
abutihang panlahat tumutukoy sa mga gawaing para sa interes ng lahat ng
tao. Ang pagsusulong ng kabutihang panlahat ay pag iisip na ang pagkilos ng
isa ay maaaring makaapekto sa iba.
Halimbawa, kapag nagtitipid ang isang pamilya sa tubig, hindi lang nila iniisip na
bababa ang bayarin nila sa tubig. Nagdudulot din ito upang matipid ang reserba
ng tubig ng bayan upang may magamit ang lahat.
6. Mga G awaing Nagpapakita ng
Kahusayang Pansibiko
2. Pagiging makabayan
Pagiging makabayan pagmamahal, pagtataguyod, at pagtatanggol sa
kapakanan at interes ng bayan. Dahil dito, inaalam niya ang
kasaysayan nito. Isinabubuhay niya ang kulturang nagpapakilala rito.
Iginagalang din niya ang mga sagisag nito tulad ng pambansang awit
at pambansang watawat. Kung hinihingi ng pagkakataon, handa
niyang ipaglaban ang bayan sa mga umaabuso rito. Ang mamamayan
na pumupuna sa tiwaling pinuno ay nagpapakita rin ng
pagkamakabayan.
.
7. Mga G awaing Nagpapakita ng
Kahusayang Pansibiko
3. Paggalang sa karapatan ng iba
Bilang mamamayan, may mga karapatan ang bawat isa.
Isang gawaing pansibiko, samakatwid, ang paggalang sa
karapatan ng ibang tao. Kapag may paggalang sa
karapatan ng iba, mapananatili ang kaayusan..
8. Mga G awaing Nagpapakita ng
Kahusayang Pansibiko
4. Pagsunod sa mga batas at alituntunin
G awaing pansibiko ang pag alam sa mga umiiral na batas. Kapag alam ng
mamamayan ang batas, alam niya ang mga dapat sundin. Kumikilos siya nang
naaayon dito.
Halimbawa, kapag ang tao ay tumatawid sa tamang tawiran, siya ay
sumusunod sa batas. S a tahanan at paaralan, gawaing pangsibiko ang
pagsunod sa mga alituntuning binuo sa mga ito.
9. Mga G awaing Nagpapakita ng
Kahusayang Pansibiko
5. Pagsuporta at pakikilahoksa mga gawaing pampamayanan
S a pamayanan, may mga gawaing inilulunsad ang pamahalaan. G ayundin, may
mga pangkat ng mamamayan na nagsasagawa ng mga programa para sa
pamayanan. Ilan sa mga programa sa pamayanan ay ang paglilinis ng paligid,
pagtatanim ng puno, fun run, at sports fest. Ang pagsuporta at pakikilahok sa mga
ito ay gawaing pansibiko rin.
10. Mga G awaing Nagpapakita ng
Kahusayang Pansibiko
6. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
Nakatutulong sa pag unlad kung ang mamamayan ay
tumatangkilik at bumibili ng mga produktong gawa sa
bansa at pamayanan. Kapag tinatangkilik ang sariling
produkto, natutulungan ang paglago ng mga negosyong
Pilipino.
11. Mga G awaing Nagpapakita ng
Kahusayang Pansibiko
7. Matalinong pagpiling pinuno
Malaki ang epekto ng mabuting pamumuno sa kabutihan ng
pamayanan. Kung may halalan, ang pagkilala sa mga kandidato
upang makapili nang wasto ay mahalagang gawain ng
mamamayan. Hindi rin dapat tumatanggap ng bayad mula sa mga
kandidato upang hindi maimpluwensiyahan ang pagpili at
paghalal.
12. Mga G awaing Nagpapakita ng
Kahusayang Pansibiko
8. Pagpapaunlad ng kultura
Ang kultura ay paraan ng pamumuhay ng mga tao. Tungkulin ng mamamayan
na panatilihin, tangkilikin, at paunlarin ang kultura ng kinabibilangang pangkat.
Halimbawa, kapag may pista sa pamayanan, mahalaga ang pakikilahok dito. S a
kabataan, ang pagpapaunlad ng sariling talino at talento ay paraan din upang
ambag sa paglago ng kultura.
13. Mga G awaing Nagpapakita ng
Kahusayang Pansibiko
9. Boluntarismo
usang pagkilos nang walang inaasahang kapalit o
kabayaran. Karaniwang naipakikita ang boluntarismo
kapag may kalamidad tulad ng bagyo o lindol.
Nagsasama sama ang mga tao upang makapag abot ng
tulong sa mga biktima ng kalamidad.
14. Ang C ivil S ociety sa
Pilipinas
ivil society group Tumutukoy ito sa mga asosasyon o
samahan na boluntaryo at sama samang kumikilos para
sa iisang layunin at pagpapahalaga. Ang mga samahang
ito ay iba sa mga organisasyon ng gobyerno at
komersiyal na kumikilos para sa kita (for profit)
15. Ang C ivil S ociety sa
Pilipinas
Panahon pa ng mga Espanyol ay may mga samahang
pansibiko na. Bumuo ang S imbahang Katolika ng mga
samahang pansibiko na tumulong sa pagpapabuti ng
kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino.
● Nagtatag sila ng mga paaralan, pagamutan, at mga bahay
ampunan upang magserbisyo sa mamamayan.
● S a kasalukuyan, laganap ang mga civil society group na
tumutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan.
16. Ang C ivil S ociety sa
Pilipinas
● Ilan sa mga ito ay mga development nongovernment
organization mga grupo sa kawang (charity group)
samahan ng kababaihan faith based na organisasyon
asosasyon ng mga propesyonal, at pangkat sa iba’t ibang
adbokasiya, mga unyong pangkalakalan (trade unions), at
pangkat panlipunan.
17. ● Kinikilala ng S aligang Batas ang partisipasyon at pakikiisa
ng mga civil society group upang makamit at mapanatili
ang kaayusan sa lipunan.
● Isang probisyon ng S aligang Batas tungkol dito ay
nakasaad sa Artikulo II, S eksiyon 23 na nagsasabing “Dapat
pasiglahin ng Estado ang mga organisasyong di
pampamahalaan, salig-pamayanan, o sektoral na
nagtataguyod ng kagalingan ng bansa.”
20. Ambisyong Pangkaunlaran
aunlaran pagsulong tungo sa higit na mahusay, ganap, at
makabagong kalagayan.
S a madaling sabi, ito ay pagbabago tungo sa isang mas
mabuting kalagayan. Kaunlaran ang nais ng estado para sa
bansa at sa kaniyang mamamayan. Isipin mo ngayon ang
kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas.
21. Ambisyong Pangkaunlaran
Noong 2015, isang pag aaral ang pinangunahan ng National Economic
Development Authority (NEDA), katuwang ang mga nasa pribadong
sektor, akademya, at samahang pansibiko. Nasa 10 000 mamamayan
sa buong bansa ang pinasagot sa sarbey at nasa 300 din ang lumahok
sa focus group discussions upang alamin ang pangarap nilang
kalagayan ng mga Pilipino sa hinaharap. S a pag aaral na ito nabuo ang
AmBisyon Natin 2040. Ito ay ang sinasabing mithiin ng mga Pilipino sa
susunod na 25 taon. Inilarawan nito ang Pilipinas sa hinaharap. Ito
ang layuning pangkaunlaran ng Pilipinas.
22. Ayon sa ambisyong ito, ang mga
Pilipino sa pagsapitng 2040 ay:
1. Matatag – Ang pamilyang Pilipino ay namumuhay nang
magkakasama. May balanse ng trabaho-at-pamumuhay kaya
nakapaglalaan ang pamilya ng oras para sa isa’t isa gaya ng
pamamasyal. Namumuhay ang pamilyang Pilipino sa lipunang may
tiwala sa isa’t isa kaya’t matibay ang bigkis ng komunidad.
Nakapagboboluntaryong gawain ang lahat para sa komunidad at
nagtutulungan sa oras ng pangangailangan.
23. Ayon sa ambisyong ito, ang mga
Pilipino sa pagsapitng 2040 ay:
2. Maginhawa – Walang mahirap at wala ring nakararanas ng
gutom. May komportableng tirahan ang bawat pamilya na
malapit sa mga pangangailangan. May seguridad din sa pabahay,
may maayos na sistema ng transportasyon, nakatatanggap ng
mataas na kalidad ng edukasyon ang kabataan, may disenteng
trabaho ang mamamayan, at mayroon ding oportunidad na
makapagnegosyo.
24. Ayon sa ambisyong ito, ang mga
Pilipino sa pagsapitng 2040 ay:
3. Panatag – Nakararamdam ng seguridad ang mga Pilipino sa
buong buhay nila. Inaasahang mas mahaba ang kanilang buhay
dahil namumuhay sila nang isinasaalang alang ang kanilang
kalusugan. Mayroon silang mapagkukuhanan ng pera sakaling
may biglaang gastos at mayroon din silang ipon. Nagtitiwala sila
sa pamahalaan dahil walang katiwaliang umiiral dito at ibinibigay
nito ang lahat ng paglilingkod sa mamamayan nang pantay
pantay.
25. Idinagdag pa na nasa gitnang uring lipunan na ang Pilipinas
pagsapit ng 2040 at kayang makilahok ng mga Pilipino sa
pamayanang masigla, may pagkakaibang pangkultura, at
matibay.
Upang matamo ang ambisyong ito, mahalaga ang pagkakaroon
ng asenso sa mga sumusunod na aspekto ng kaunlaran:
1. Kaunlarang pang-ekonomiya
Tumutukoy ito sa pagpapaunlad ng kabuhayan, hanapbuhay, at
pamumuhay ng mga tao.
26. 2. Kaunlarang pantao atpisikal na kapital
• pantaong kapital taong kumikilos para sa
ekonomiya.
• pisikal na kapital tumutukoy sa mga
kagamitan at makinarya upang makabuo ng
kalakal at serbisyo.
27. 3. Kaunlarang institusyonal
Institusyon umutukoy sa mga organisasyong itinatag
sa lipunan. Kabilang dito ang mga institusyong
pampamahalaan at di pampamahalaan.
Tumutukoy naman ang kaunlarang institusyonal sa
pagiging matatag ng mga institusyon upang higit na
magampanan ang kanilang mga tungkulin sa lipunan.
28. 4. Kaunlarang panlipunan
• Pagkakaroon ng mahusay na kalagayan ng mga tao
sa lipunan.
• Ang pagkakaroon ng kakayahan ng mga tao na
mapagbuti ang sarili, pagtatamo nila sa mataas na
antas ng edukasyon, at pagtatamo nila ng pantay
pantay na karapatan ay ilan lamang sa mga
kaunlarang panlipunan na maaaring mangyari.
29. 5. Kaunlarang pangkultura
• tumutukoy sa pagpapanatili, pagpapabuti,
at pangangalaga sa kulturang taglay ng
bansa. Kabilang dito ang makabago at
katutubong kulturang nagpapakilala sa
mga Pilipino.
30. 6. Kaunlarang pangkalikasan
• tumutukoy sa matalinong paggamit ng
mga likas na yaman o ang tinatawag na
likas kayang pag unlad.
31. 7. Kaunlarang politikal
• pagkakaroon ng maayos, malinis,
makatao, at makatarungang
pamamahala sa bansa.
32. Produktibong Mamamayan para sa
Kaunlaran
Produktibong mamamayan tumutukoy sa kasapi ng
estado na kumikilos para sa kapakanan nito.
Bukod sa pag iisip ng kagalingang pansarili, nasa sa
kaniya rin ang pag iisip kung paano makapag
aambag sa kaniyang bayan.
33. er i i a e of C ompletion
Yeeun Kim
You have successfully completed
This level.
C ongratulations!
Date S ignature
Necelyn P. Montolo