3. MGA PANUTO:
May dalawang talata na nagtataglay ng mga pahayag
na nagsasaad ng katotohanan o opinyon. Aanalisahin
ng mga mag-aaral kung ang mga nabasa nilang talata
ay nagsasaad ng katotohanan o opinyon. Gamit ang
wheel of names, ang pangalan ng mag-aaral kung
saan tumigil ang gulong sa pag-ikot ang siyang
sasagot sa katanungan.
4. BILANG #1
Ayon kay Nguyen (2021), ang paggamit ng laro sa pagtuturo ay
nakatutulong sa pagpapaganda ng partisipasyon ng mga mag-
aaral, masulong ang sosyal at emosyonal na pagkatuto, at
masiyahan ang mga mag-aaral na makikipagsapalaran. Iginigiit
nina Al Masri at Al Najar (2014) na may mas matutunan ang
mga mag-aaral dahil nababawasan ng paglalaro ang
pagkabalisa o anxiety ng mga mag-aaral.
5. BILANG #2
Sa palagay ko, natalo si Celeste Cortesi sa Miss
Universe 2022 dahil sa makalumang pamaraan na
“Know When to Peak” at hindi pagtutok ng Aces and
Queens sa pagsasanay sa rampahan at
pakikipagtalakan. Sa tingin ko, galit ang mga Pinoy
dahil hindi nanalo ng korona ang pambato ng
Pilipinas.
7. MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
• Naipapaliwanag ang kaibahan at gamit ng
at di-tuwirang pagpapahayag.
• Nasusuri ang mga tuwiran at di-tuwirang
pagpapahayag mula sa mga pangungusap at
binasang akda.
8.
9. MGA HALIMBAWA:
TUWIRAN: Ayon sa PHIVOLCS, niyanig
kaninang 3:47 ng umaga ang Cotabato ng 6.3 na
lindol.
DI-TUWIRAN: Sa palagay ko, uulan mamayang
hapon.
11. MGA PANUTO:
Suriin ang mga pangungusap at uriin kung ito ay
tuwiran o di-tuwiran ang pahayag na ginamit. Gamit
pa rin ang wheel of names, ang pangalan ng mag-
aaral kung saan tumigil ang gulong sa pag-ikot ay
siyang susuri kung ang binasang pangungusap ay
tuwiran o di-tuwiran. Mayroon lamang 15 segundo
bawat mag-aaral upang sumagot.
12. TANONG #1
1.Ayon sa PAG-ASA, nagkaroon ng landfall sa
Bantayan Island, Cebu ang Bagyong Namera
nitong Marso 1, 2023, 1:56 ng madaling
araw.
13. TANONG #2
2. Sa tingin ko, mananalo si G. Basinang
sa paparating na Palarong Pambansa
2023.
14. TANONG #3
3. Nakakaapekto sa akademik performans
ang kulang sa tulog ayon sa pag-aaral nina
Sarip et. al (2019).
18. MGA PANUTO:
Basahin nang mabuti ang akdang nakapaloob sa PPT.
Tukuyin nila ang mga tuwiran at di-tuwirang pahayag
na nakapaloob sa akda at isusulat nila ang kasagutan
sa isang buong papel sa loob ng 10 minuto.
19. Ayon sa pag-aaral nina Dischev at Discheva (2017), ang
gamification ay paglalapat ng elemento ng laro sa mga
ordinaryong gawain o aktibidad sa klase. Sa palagay ko,
makatutulong ang gamification dahil hindi mababagot ang mga
mag-aaral sa pakikinig ng mga aralin sa klase. Naniniwala ako na
magiging interaktibo ang klase kapag ginamit ang gamification.
Ayon sa Teoryang Behaviorist ni B.F Skinner, pinaniniwalaang
mayroong pagkatuto kapag nagkaroon ng pagbabago sa pag-uugali
matapos magkaroon ng stimuli.
20. Ayon sa pag-aaral nina Dischev at Discheva (2017), ang
gamification ay paglalapat ng elemento ng laro sa mga
ordinaryong gawain o aktibidad sa klase. Sa palagay ko,
makatutulong ang gamification dahil hindi mababagot ang mga
mag-aaral sa pakikinig ng mga aralin sa klase. Naniniwala ako na
magiging interaktibo ang klase kapag ginamit ang gamification.
Ayon sa Teoryang Behaviorist ni B.F Skinner, pinaniniwalaang
mayroong pagkatuto kapag nagkaroon ng pagbabago sa pag-uugali
matapos magkaroon ng stimuli.