Proyekto ng mga mag-aaral na kumukuha ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa University of Perpetual System Dalta Molino.
Ipinasa ni Jorebel Billones
Ipinasa kay Mrs. Salvacion Frondozo
Ang presentasyong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa ponemang malayang nagpapalitan sa wikang Filipino. Ipinaliwanag dito ang kahulugan, layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng ponemang malayang nagpapalitan.
Makabagong Gramar ng Filipino.
Sa pagsasalita, kailangan ng tatlong salik:
Ang pinagbubuhatan ng enerhiya;
Ang artikulador; at
Ang resonador
Ang interaksyon ng tatlong salik na ito ang lumilikha ng along ng mga tunog. Ang hangin naman ang nagiging midyum ng mga alon ng mga tunog upang marinig ang mga ito. An presyon o puwersang nilikha ng papalabas na hiningang galing sa baga ang siyang enerhiyang buhat sa babagtingang pantinig na nagpapagalaw sa artikulador. Nababago naman ang tunog dahil sa bibig na siyang resonador.
Nasa bibig ang apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog:
Dila at panga,
Ngipin at labi,
Matigas na ngalangala, at
Malambot na ngalangala
Nagkakaroon ng pagbabagu-bago ng hugis at laki ang guwang sa loob ng bibig sa malayang iginagalaw ang panga at dila. Maaaring mapahaba, mapaikli, mapalapad, mapapalag ang dila na maitutukod sa ngipin o sa ngalangala, maaari ring iarko ayon sa gustong bigkasin.
Nabibigkas ang mga patinig sa pagtaas at pagbaba ng harap, sentral o likod na bahagi ng dila kasama ng pagbabagu-bago ng hugis ng bibig, kasama na ang mga labi na dinarama ng tinig.
Nag-iiba naman ang mga tunog ng mga katinig batay sa:
Punto ng artikulasyon,
Paraan ng artikulasyon, at
Pagkakaroon o di-pagkakaroon ng tinig
Tinatawag na punto ng artikulasyon ang bahaging pinakamaliit na guwang para makalusot ang hangin o di makalabas ang hangin.
Anim ang punto ng artikulasyon:
Labyal o panlabi na nangangahulugan ng paglalapat ng mga labi,
Dental o pagngipin na nangangahulugan ng pagdidiit ng dulo ng dila at likod ng ngipin,
Palatal o pangngalangala o pagdidiit ng gitnang bahagi ng dila at ng ngalangala,
Velar o pagdidiit ng likod ng dila at ng velum,
Glotal o impit na pagdidiit ng mga babagtingan, at
Panlalamunan o larindyal/laryngeal.
Pamamaraan ng artikulasyon ang tawag sa paraan ng paglabas ng hangin. Maaaring mahati sa:
Pasara o istap o pabuga ang paglabas ng hangin kapag nasasarhan o napipigil ang paglabas ng hangin,
Pailong o nasal kapag lumalabas sa ilong ang hangin,
3. Pasutsot o fricative kapag lumalabas ang hangin
sa makitid na daanan sa pagitan ang artikulador
at punto ng artikulasyon.
4. Pagilid o lateral kapag lumalabas ang hangin sa
magkabilang tabi ng dila tungo sa sentro ng dila
na siyang pumipigil dito, at
5. Pangatal o tril na buhat sa sunod-sunod na galaw
ng dila.
Maibibilang na rito ang pagkakaroon o di-pagkakaroon ng tinig ng mga katinig. May tinig kapag gumagalaw ang babagtingan kaya lumalabas ang tunog at walang tinig kung hindi gumagalaw ang babagtinga.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng alomorp sa pag-aaral ng balarila. Itinatampok dito ang paraan kung paano binubuo ang salita sa pamamagitan ng paggamit nito. Bukod pa dito, ipinababatid din ang mga uri at kung paano ito nagbabago batay sa unang titik ng salitang-ugat.
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa pinagmulang angkan ng wika sa Pilipinas. Ipinapakita dito ang iba't ibang wikaing kinikilala at ginagamit sa ating bansa.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga paksa patungkol sa paraan at pagbasa ng tunog sa isang salita na gingamit sa pakikipag-usap. Itinatapok din sa presentasyong ito ang kahulugan, kahalagahan at mga halimbawa na nagbibigay linaw sa paksa.
2010 Secondary Education Curriculum- Kalimitan, ang pagpapalit o pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas ay isinasagawa tuwing ikasampung taon.
Ngunit bunga ng mabilis na pagbabago sa larangan ng edukasyon at patuloy na paglaganap ng mga makabagong kaalaman at impormasyon, naniniwala ang Kawanihan ng Edukasyong Sekondari na dapat nang isaayos ang kasalukuyang kurikulum upang sa gayo’y makaagapay at matugunan nito ang mga pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag – aaral ng kasalukuyang panahon.

4. Articulatory phonetics- isang paraan upang
ilarawan kung paano binibigkas ang mga
fonema ng isang wika.
Tatlong salik ang kailangan upang
makapagsalita ang tao:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o
enerhiya
2. ang kumakatal na bagay o artikulador
3. ang patunugan o resonador
Ang hangin ang nagiging midyum o
pahatiran ng mga alon ng tunog na siya
naman nating naririnig.
5. Mga ponemang katinig
/p/ vs. /b/ /?/ vs. /h/ /m/ vs. /b/ /w/ vs. /y/
/pa . sa/ pasa /?i . liN/ iling /ma . ta/ mata /la . wa/ lawa
/ba . sa/ basa /hi . liN/ hiling /ba . ta/ bata /la . ya/ laya
/t/ vs. /d/ /n/ vs. /d/ /n/ vs. /g/
/ta . tay/ tatay /no . on/ noon /na . ta/ nata
/da. tay/ datay /do . on/ doon /ga . ta/ gata
/k/ vs. /g/ /s/ vs. /h/ /l/ vs. /r/
/kuloN/ kulong /si . pag/ sipag /ku . lot/ kulot
/guloN/ gulong /hi . pag/ hipag /ku . rot/ kurot
6. Mailalarawan ang mga katinig ng Filipino sa
pamamagitan ng limang punto ng artikulasyon:
1. Panlabi- ang ibabang labi ay dumidiit
sa labing itaas. /p,b,m/
2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay
dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas.
/t,d,n/
3. Panggilagid – ang ibabaw ng dulo ng
dila ay lumalapit o dumidiit sa punong
gilagid. /s,l,r/
4. (Pangngalangala) Velar – ang ibabaw ng
puno ng dila ay dumidiit sa velum o
malambot na bahagi ng ngalangala. /k,g,n/
5. Glottal – ang mga babagtingang ay
nagdidiit o naglalapit at hinaharang o
inaabala ang presyon ng papalabas na
hininga upang lumikha ng paimpit o
pasutsot na tunog.
7. Diptonggo – Ito ay magkasamang patinig at
malapatinig sa isang pantig. Ang diptonggo ng
Filipino ay ay, ey, iy, oy, uy, aw at iw.
Klaster o kambal katinig- ang magkasunod
na dalawang magkaibang katinig sa isang
pantig. /pl/, /tr/,/dr/, /kl/, at /bl/.
Pares Minimal- ito ay pares ng salita na
magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad
ang bigkas maliban sa isang ponema na nasa
parehong pusisyon sa salita.
Hal: gulay-kulay sabaw-sabay
Ponemang malayang nagpapalitan- ang isa sa
mga ponema nito ay naipagpapalit ng ibang
ponema ngunit hindi naman nagbabago ang
kahulugan ng nasabing salita.
Hal: kurut- kurot binte-binti
8. Ang Kaurian ng Palatunugan sa Wikang
Filipino:
A. Malumay
2. Ito ay binibigkas ng marahan o
banayad at walang impit sa
lalamunan.
3. Ito ay hindi ginagamitan ng bantas
o tuldik.
4. Maaaring magtapos sa patinig o
katinig.
Mga halimbawa:
buhay kawayan kama
9. B. Mabilis
2. Ito ay binibigkas ng tuluy-tuloy at walang impit
sa lalamunan.
3. Ito ay ginagamitan ng bantas na pahilis.
4. Ito ay karaniwang nagtatapos sa patinig o
katinig.
Mga halimbawa:
buhay katawan dalawa
mapula marumi makulit
10. C. Malumi
2. Ito ay binibigkas ng marahan o
banayad ngunit may impit sa
lalamunan.
3. Ito ay ginagamitan ng bantas na
paiwa (‘).
4. Ito ay karaniwang nagtatapos sa
patinig.
Mga halimbawa:
makata muta suka
sakali puno bata
11. D. Maragsa
2. Ang diing maragsa ay binibigkas ng
tuluy-tuloy ngunit may impit sa
lalamunan.
3. Ito ay karaniwang nagtatapos sa
patinig.
4. Ang bantas na ginagamit ay
pakupya (^).
Mga halimbawa:
dugo dukha ginto
sampu kaliwa wala
13. Morpolohiya
Sa linggwistika, kilala din sa katagang palabuuan.
Tawag sa pag-aaral kung paanong ang bawat bahagi ng
salita ay pinagsasama-sama upang makabuo ng salita.
Ito ay pag-aaral ng istraktura ng mga salita at ng relasyon
nito sa iba pang mga salita.
14. Morpema
pinakamaliit na yunit ng wika na may kahulugan.
Ito ay maaaring salita o bahagi lamang ng salita.
Ang morpema ay laging may kahulugang taglay sa sarili.
Halimbawa:
mabait = ma- + bait
matalino = ma- + talino
15. Anyo ng morpema
Morpemang salitang ugat
binubuo lamang ng salitang ugat.
Ito ay mga salitang-hubad dahil sa hinubaran ang
salita ng panlapi o walang kasamang panlapi.
malayang morpema, ito ay maaaring makapag-isa o
may taglay na kahulugan kahit walang kasamang
panlapi.
Halimbawa:
Itlog, langit, bahay, yaman, talino, diwa, sulat, atbp.
16. Morpemang binubuo ng panlapi
ang mga panlapi, kahit hindi buong salita, ay mayroon
parin kahulugan dahil sa dumadagdag ito sa
kahulugan ng salitang ugat.
di-malayang morpema; hindi makikita ang tiyak na
taglay na kahulugan hanggang hindi naisasama sa
ibang morpema.
Halimbawa:
ma- + bait
ma- + talino
17. Mga uri ng morpema
Morpemang may kahulugang leksikal
mga morpemang may natatanging kahulugan na
madaling malaman.
Content-morphemes
Open class, dahil sa maari itong madagdagan ng mga
bagong salita.
Halimbawa:
dahon, ganda, lakad, at karunungan
18. Morpemang may kahulugang pangkayarian
Mga morpemang nag bibigay ng impormasyon tungkol
sa gramatikal na gamit sa pamamagitan ng pag-
uugnay ng mga salita sa pangungusap.
Ito ay nakapagpapalinaw ng kahulugan ng buong
pangungusap.
Function-morphemes
Close class, dahil sa hindi ito nadadagdagan ng mga
bagong miyembro.
Halimbawa:
ang, si, ng, sa, pero, dahil, kung, kahit, atbp.
19. Mga Pagbabagong morpoponemiko
Ito ay tumutukoy sa alin mang pagbabagong nagaganap
sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa
impluwensiya ng kaligiran nito.
Ang nakaiimpluwensiyang ponema ay maaaring yung
sinusundan ng morpema o yung sumusunod dito,
bagama’t karaniwang nang ang sinusundang ponema
ang nakaiimpluwensiya.
20. Uri ng pagbabagong morponemiko
1. Asimilasyon
Pagbabagong karaniwang nangyari sa tunog na /n/
sa mga panlaping pang-, mang-, hing- o sing-
dahilan sa impluwensiya ng kasunod na tunog.
Halimbawa:
pang- + bansa = pangbansa = pambansa
mang- + bola = mangbola = mambola
sing- + tamis = singtamis = sintamis
21. 2 uri ng Asimilasyon
1.1 Asimilasyong di ganap
– Ito ang pagbabagong nagaganap sa pusisyong pinal ng isang
morpema dahilan sa impluwensiya ng kasunod na tunog.
Halimbawa:
pang- + tukoy = pangtukoy = pantukoy
mang- + dukot = mangdukot = mandukot
sing- + puti = singputi = simputi
mang- + bola = mangbola = mambola
22. 1.2 Asimilasyong ganap
– Minsan, bukod sa parsyal o di-ganap na asimilasyon,
nawawala pa rin ang unang tunog ng salitang nilalapian.
Halimbawa:
pan- + talo = pantalo = panalo
mang- + kuha = mangkuha = manguha
23. 2. Pagkawala ng Ponema
Nawawala ang huling patinig ng salitang-ugat kapag
nilagyan ito ng hulapi.
Halimbawa:
tira + -an = tirahan = tirhan
dakpin sarhan kamtan
[dakip] [-in] [sara] [-an] [kamit] [-an]
24. 3. Paglilipat-diin
Ito ay nagaganap kapag ang salitang-ugat ay
hinuhulapian.
Halimbawa:
sira:in hawa:kan putu:lin
[si:ra] [-in] [ha:wak] [-an] [pu:tol] [-an]
Subuking bigkasin ang mga sumusunod na salita:
iwas sira lapat
Ngayon, bigkasin ang nilapiang mga salita:
iwasan sirain lapatan
25. 4. Pagbabago ng ponema
may mga tunog na nagbabago sa ponema
Halimbawa:
ma- + dami = madami = marami
ma- + dapat = madapat = marapat
Madikit ‘sticky’ at hindi marikit ‘lovely’
26. 5. Pagkakaltas ng ponema
Nangyayari ang pagbabagong ito kung ang huling
ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala
kapag nilalagyan ng hulapi.
Halimbawa:
takip + -an = takipan = takpan
sara + -an = sarahan = sarhan
27. PAGBUBUO NG MGA SALITA
3. PAGLALAPI
4. PAG – UULIT
5. PAGTATAMBAL NG SALITA
28. 1. PAGLALAPI
- sa pagkakapit ng iba’t–ibang uri ng panlapi sa
isang salitang-ugat, nakabubuo ng iba’t-ibang
salita na may kani-kaniyang kahulugan.
Halimbawa:
TUBIG
ma- + tubig = matubig [ maraming tubig ]
pa- + tubig = patubig [ padaloy ng tubig ]
tubig + -an = tubigan [ lagyan ng tubig ]
tubig + -in- = tinubig [ pinarusahan sa tubig ]
29. 2. PAG-UULIT
- isa pang paraan ng pagbuo ng salita mula sa
morpemang salitang-ugat.
- ang pag-uulit ay maaaring ganap, parsyal o
maaaring pareho.
Halimbawa:
h. Pag-uulit na ganap – kapag ang salita ay inuulit.
Salitang-ugat Pag-uulit
taon taun-taon
bahay bahay-bahay
araw araw-araw
30. b. Pag-uulit na Parsyal – kapag ang bahagi lang ng salita ang
inuulit.
Salitang-ugat Pag-uulit
usok uusok
balita bali-balita
tahimik tahi-tahimik
c. Pag-uulit na parsyal at ganap
Salitang-ugat Pag-uulit
sigla masigla-sigla
saya masaya-saya
matuto matuto-tuto
31. Samantala, sa pagtatambal rin ng dalawang salitang-uga
namang makalikha ng ikatlong kahulugan.
Halimbawa:
basag + ulo = basagulo
anak + pawis = anakpawis
dalaga + bukid = dalagambukid
32. 3. PAGTATAMBAL NG SALITA
- isa pang paraan ng pagbubuo ng salita ay ang pagsasama ng
dalawang morpemang salitang-ugat. Tinatawag itong tambalang
salita. Sa pagsasama ng dlawang salitang-ugat maaaring manatili ang
kahulugan ng dalawang-salita.
h. Inilalarawan ng ikalawang salita ang unang salita
Halimbawa: taong-bundok, kulay-dugo
k. Tinatanggap ng unang salita ang ginagawa ng unang salita
Halimbawa: ingat-yaman, pamatid-uhaw
n. Ipinapakita ng ikalawang salita ang gamit ng unang salita
Halimbawa: bahay-aliwan, silid-aralan
q. Isinasaad ng ikalawang salita ang pinagmulan ng unang salita
Halimbawa: batang-lansangan, kahoy-gubat
t. Kasabay o katimbang ng ikalawang salita ang unang salita
Halimbawa: urong-sulong, lulubog-lilitaw