Ang araling ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng alomorp sa pag-aaral ng balarila. Itinatampok dito ang paraan kung paano binubuo ang salita sa pamamagitan ng paggamit nito. Bukod pa dito, ipinababatid din ang mga uri at kung paano ito nagbabago batay sa unang titik ng salitang-ugat.

Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskursoMarissa Guiab
Tinatalakay ang kahulugan ng wika, mga dahilan ng varyasyon at varayti ng wika, kahulugan at kaugnayan ng diskurso sa komunikasyon at ang mga teoryang pandiskurso.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga paksa patungkol sa paraan at pagbasa ng tunog sa isang salita na gingamit sa pakikipag-usap. Itinatapok din sa presentasyong ito ang kahulugan, kahalagahan at mga halimbawa na nagbibigay linaw sa paksa.
Makabagong Gramar ng Filipino.
Sa pagsasalita, kailangan ng tatlong salik:
Ang pinagbubuhatan ng enerhiya;
Ang artikulador; at
Ang resonador
Ang interaksyon ng tatlong salik na ito ang lumilikha ng along ng mga tunog. Ang hangin naman ang nagiging midyum ng mga alon ng mga tunog upang marinig ang mga ito. An presyon o puwersang nilikha ng papalabas na hiningang galing sa baga ang siyang enerhiyang buhat sa babagtingang pantinig na nagpapagalaw sa artikulador. Nababago naman ang tunog dahil sa bibig na siyang resonador.
Nasa bibig ang apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog:
Dila at panga,
Ngipin at labi,
Matigas na ngalangala, at
Malambot na ngalangala
Nagkakaroon ng pagbabagu-bago ng hugis at laki ang guwang sa loob ng bibig sa malayang iginagalaw ang panga at dila. Maaaring mapahaba, mapaikli, mapalapad, mapapalag ang dila na maitutukod sa ngipin o sa ngalangala, maaari ring iarko ayon sa gustong bigkasin.
Nabibigkas ang mga patinig sa pagtaas at pagbaba ng harap, sentral o likod na bahagi ng dila kasama ng pagbabagu-bago ng hugis ng bibig, kasama na ang mga labi na dinarama ng tinig.
Nag-iiba naman ang mga tunog ng mga katinig batay sa:
Punto ng artikulasyon,
Paraan ng artikulasyon, at
Pagkakaroon o di-pagkakaroon ng tinig
Tinatawag na punto ng artikulasyon ang bahaging pinakamaliit na guwang para makalusot ang hangin o di makalabas ang hangin.
Anim ang punto ng artikulasyon:
Labyal o panlabi na nangangahulugan ng paglalapat ng mga labi,
Dental o pagngipin na nangangahulugan ng pagdidiit ng dulo ng dila at likod ng ngipin,
Palatal o pangngalangala o pagdidiit ng gitnang bahagi ng dila at ng ngalangala,
Velar o pagdidiit ng likod ng dila at ng velum,
Glotal o impit na pagdidiit ng mga babagtingan, at
Panlalamunan o larindyal/laryngeal.
Pamamaraan ng artikulasyon ang tawag sa paraan ng paglabas ng hangin. Maaaring mahati sa:
Pasara o istap o pabuga ang paglabas ng hangin kapag nasasarhan o napipigil ang paglabas ng hangin,
Pailong o nasal kapag lumalabas sa ilong ang hangin,
3. Pasutsot o fricative kapag lumalabas ang hangin
sa makitid na daanan sa pagitan ang artikulador
at punto ng artikulasyon.
4. Pagilid o lateral kapag lumalabas ang hangin sa
magkabilang tabi ng dila tungo sa sentro ng dila
na siyang pumipigil dito, at
5. Pangatal o tril na buhat sa sunod-sunod na galaw
ng dila.
Maibibilang na rito ang pagkakaroon o di-pagkakaroon ng tinig ng mga katinig. May tinig kapag gumagalaw ang babagtingan kaya lumalabas ang tunog at walang tinig kung hindi gumagalaw ang babagtinga.

THESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHONMi L
I uploaded this thesis for the reference of the future researchers.
Entitled Wikang Filipino, sa Makabagong Panahon.
We tackled about the progress of Filipino language as time pass by. And the factors that affect it.
Enjoy and God bless! :)
Proyekto ng mga mag-aaral na kumukuha ng Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa University of Perpetual System Dalta Molino.
Ipinasa ni Jorebel Billones
Ipinasa kay Mrs. Salvacion Frondozo
Sa araling ito, bibigyang halaga ang pag-aaral tungkol sa pabuuan o tinatawag na Morpolohiya. Pag-aaralan dito ang mga uri at anyo ng morpema nang sa gayun ay mas maunawaan ang paraan ng pagbuo ng isang salita. Maging ang distribuysyon ng morpema ay bibigyang linaw dito sa araling ito.
2. Nagkakaroon ng mg pagbabagu-
bago ng anyo ang morfema gawa ng
impluwensya ng kaligiran. Tinitukoy
ng kaligiran ang mga katabing
fonema na dahilan sa pagbabago ng
anyo ng morfema ay tinatawag na
pagbabagong morfofonemiko. May
iba’t-ibang uri ang pagbabagong
morfofonemiko.
3. 1) Asimilasyon-
kung naasimila ng isang morfema ang tunog ng isa
pang morfema,tinatawag itong asimilasyon.
May dalawang uri ng asimilasyon- ang asimilasyong
parsyal o di-ganap, at ang asimilasyong ganap.
Halimbawa ng isang asimilasyong parsyal o di-
ganap. Kung ang panlaping pang- ay inuunlapi sa
salitang ugat na laro nagiging panlaro ito.
Mapapansing naaasimila ng fonemang /l/ ang tunog
ng /Ƞ/ kaya ang /Ƞ/ ay naging /n/ na.Di-ganap o
parsyal lamang ang pagbabago sa fonemang
panlapi.
4. Kung ang panlaping pang- ay ikakabit
naman sa salitang ugat na sukat magiging
panukat ito. Ang fonemang /Ƞ/ ay mas mahina
sa fonemang /s/ kaya naaasimila nito ang /ŋ/
na tunog at nagiging pan-.Ngunit dahil sa may
tinig ang tunog na /n/ at walang tinig ang
/s/, nagiging mas malakas ang /n/ at
“hinihigop” nito ang /s/ kaya naging panukat
ito.
5. 2.)Pagpapalit ng fonema
Isa itong uri ng pagbabagong morfofonemiko
kung saan
a. Ang d ay nagiging r napapagitnaan ng
dalawang patinig.
Hal. Ma- + dunong = marunong
Lakad + -an = lakaran
Dagat +ka- -an = karagatan
6. Ngunit dapat tandaan na hindi sa
lahat ng salita ay nagaganap ito. Naririto
ang ilang halimbawa—madaga
(maraming daga); kadugo (kamag-anak);
nakadamit (may suo na damit).
7. b. Ang o ay nagiging u kapag nilalagyan ng
hulapi at kung inuulit ang salitang ugat.
Hinuhulapian Inuulit ang salitang ugat
tao - tauhan tago - tagu-taguan
damo - damuhan grupo- grupu-grupo
Dulo - duluhan kulo - kulung-kulo
Bato - batuhin bato - batu-bato
8. c. Ang an ay nagiging han kung ang
salita ay nilalagyan ng hulapi ang
salitang ugat na nagtatapos sa patinig at
binibigkas nang malumanay o mabilis.
sara- sarahan
pasa- pasahan
takbo- takbuhan
9. 3.)Pagkaltas ng fonema
Ito ang pagbabagong morfofonemiko na
kapag nilalagyan ng hulapi ang salitang-
ugat ay may nawawalang fonema sa loob
g salitang-ugat.
dama + -in = damahin damhin
sara + -an = sarahan sarhan
takip + -an = takipan takpan
11. 5.)Metasis
Ito ang pagbabagong morfofonemiko na
nagkakaroon ng pagpapalitan ng fonema sa
loob ng salita kapag nilalapian.May mga salita
ring bukod sa nagkakapalitan ang fonema ay
may nagaganap pa ring pagkakaltas ng
fonema.
tanim + -an = taniman tamnan
atip - -an = atipan aptan
luto + -in = linuto niluto
12. Hindi alam ng mga tagapagsalita ng
isang wika ang lahat ng mga salita sa
kanilang wika. Ngunit alam nila ang
morfema ng kanilang wika. Pinagsasama
nila ang mga morfim upang makabuo ng
mga salita. Maraming mga bagong salita
ang naidagdag na at maaring idagdag pa sa
leksikon o vokabularyo ng wikang Filipino
dahil sa prosesong ito. Ilan sa paraan sa
pagbubuo ng mga salita ang mga
sumusunod.
13. Pagtatambal. Marami na ting mga
salita ang nabuo sa pamamagitanng
pagtatambal ng mga morfema na naging
bahagi na ng wikang Filipino dahil
tinanggap ito ng masa. Halimbawa rito
ang mga salitang dulawit na pinagtambal
na dula at awit; balarila mula sa bala ng
dila; bahaghari mula sa bahag at hari, at
marami pang iba.
14. Akronim. Hango ito mula sa mga inisyal o
mga unang pantig ng mga salita. Katulad ng
NSO mula sa National Statistics Office; MSU-
IIT para sa Mindanao State University-Iligan
Institute of Technology; PAL para sa Philippine
Airlines; DOLE para sa Department of Labor
and Employment; GABRIELA para sa General
Assembly Binding Women for
Integrity, Equality, Leadership, and Action;
GAD para sa Gender and Development, atbp.
15. Pagbabawas o clipping. Ang
prosesong ito ay ang pagpapaikli ng mga
salita na kadalasang ginagamit sa pasalitang
paraan. Ilang halimbawa ay ang fon para sa
telefon; sel para sa selfon; dok para sa doctor;
direk para sa director; mads/pads para sa
kumare kumpare; tser para sa titser; kabs
para sa kababayan; at iba pa.
16. Pagdaragdag. Kung may mga salitang
binabawasan, mayroon din naming
dinaragdagan. Ang halimbawa rito ay ang
salitang boss na ginagawang bossing;
sampalin na ginagawang sampalilukin.
17. Paghahalo o blending. Ang
paraang ito ay ang pagbabawas at
pagtatambal ng mga salita. Isang
magandang halimbawa ditto ang salitang
banyuhay mula sa mga salitang bagong
anyo ng buhay; cha-cha mula sa charter
change; crispylicious mula sa crispy at
delicious; gravylicious mula sa gravy at
delicious.
18. Mga salita mula sa mga pangalan. Sa
pagiging malikhain sa pagbubuo ng mga
salita, may mga pangalan ng produkto o brand
na nagiging pandiwa. Ang brand na Xerox na
kinabitan ng panlapi ay nagiging
nagseroks, magseseroks, nagpaseroks. Ang
brand ng produkto ay nagiging pangngalan
pambalana tulad ng Tycoon, na kapag bumibili
ng floorwax, ang tinatanong ay – Mayroon ba
kayong takun? Tulad din ito sa brand ng tutpeyst
na Colgate. Dahil pangunahing brand ito kaya
ipinapalagay ng iba na ito na mismo ang
tutpeyst. Madalas tuloy na marinig ng mga
tindera ang – Mayroon ba kayong kolgeyt na
19. Leksyon 2: Sintaks
Sintaks ang sistema ng pag-uugnay-
ugnay ng mga salita upang makabuo ng mga
parirala at mga pangungusap. Sa pagbubuo
ng mga parirala at mga pangungusap
mahalagang malaman ang kategoryang
leksikal na kilala bahagi ng pananalita.
Kabilang sa mga kategoryang ito ang mga
salitang pangnilalaman na binubuo ng
pangngalan, panghalip, pang-uri at pang-abay
at mga salitang pangkayarian na binubuo ng
pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy
at pangawing.