2. Ang dagli ay isang anyong
pampanitikan na maituturing na
maikling maikling kuwento.
Bagamat walang katiyakan ang
pinagmulan nito sa Pilipinas,
sinasabing lumaganap ito sa
unang dekada ng pananakop ng
mga Amerikano.
3. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba
para masabing dagli ang isang akdang
pampanitikan. Subalit sinasabing
kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng
isang maikling kuwento. Kabilang sa
kilalang mga manunulat ng dagli
sina Iñigo Ed. Regalado na may
talipanpangTengkeleng, Jose Corazon de
Jesus, Rosauro Almario (Ric. A.
Clarin), Patricio Mariano, Francisco
Laksamana, at Lope K. Santos.
4. SAGISAG-
PANULAT
Lope K. Santos – Perfecto Malaya, Anak-bayan,Hugo
berde,pangarap, Doctor Bejuco
Inigo ed Regalado – tengkeleng, lakan-luha, panimdim
Jose Corazon de jesus- Horace, pepito
RosauroAlmario- matanglawin. Ric A.Clarin, Raxa
Matnda, Batang simoun at El Satirico
Patricio mariano – Pedro Manibat , Juan Masili,
Tagusugat at Di Magmamaliw
5. Deogracias Rosario “ Ama ng Maikling Kwento
:- Dario, Ramedes, Rosalino, Dante A. Rosetti,
Delio at Mortimer
Valeriano Hernandez-peńa “ Ama ng Nobelang
Tagalog” – Isanf Dukha , Baling-Bulak at
kabuteng –bulaklak
6. Sa pananaliksik ni RolandoTolentino, sinabi niTeodoro
Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng
pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na
pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy
hanggang 1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli
sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging
tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at
tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung
hinango nga ng mga manunulat saTagalog ang ganitong
anyo mula sa mga Español dahil hindi pa malinaw noon
kung anong uri ang itatawag sa akdang
anyong prosa ngunit patula ang himig.
7. .
Nagkaroon lamang ng linaw ang
anyong prosang gaya ng maikling
kuwento at nobelapagsapit ng 1920,
at mula rito’y lalong sumigla ang
pagpapalathala ng dagling nasa
ilalim ng sagisag-panulat
8. Ayon kay AristotleAtienza, malaking
bilang ng mga dagli na nakalap nila ni
Tolentino para sa antolohiyang “Ang
DaglingTagalog: 1903-1936” ang
tumatalakay sa karanasan ng
mga lalaki sa isang patriyarkal na
lipunang kanilang ginagalawan
9. Sa obserbasyon niTolentino, nagpapalit-palit
ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng
mga pahayagan hanggang sa maging
nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok
na kuwento (feature story) sa mga kolum,
pangunahing balita (headline) sa pahayagan,
at telebisyon.
Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito
tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang
lehitimong pangalan at katawagan—
anekdota, slice-of-life, day-in-the-life, at iba pa
at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng
kwento sa media).”
10. ANG DAGLISA
KASALUKUYAN
napagkakamalang katumbas
ng flash fiction o sudden fiction sa
Ingles ang dagli. Nguni’t ayon sa
panayam kay Dr. Reuel Molina
Aguila, naunang nagkaroon ng dagli
sa Pilipinas (1900s) bago pa man
nagkaroon ng katawagang flash
fiction na umusbong noong 1990.
11. Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong
Paspasan” na pinamatnugutan niVicente Garcia Groyon.
Taong 2011 naman nang mailathala ang “Wag Lang Di
Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at
Pamatay)” ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si
William Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring pangyayari
sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang
paggamit ng wika.”
Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga
dagli ni JackAlvarez na may pamagat na “AngAutobiografia ng
Ibang Lady Gaga” na ayon kayAguila:
“Naiangat ni JackAlvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha
ng malaking daigdig mula sa maliit
12. Dagli
( mga saliksik
niTolentino
Atienza )
1. Dagliang Romantiko
Pumapaksa sa pag-ibig
Punto ay romantisismo o sentimentalism
2. Dagliang Makabayan
May himig ng anti-imperyalista
3. DagliangTumatalakay sa suliranin ng bayan
Nagbibigay kamulatan sa mga isyung panlipunan na
isinilang ng modernisasyon
Kabilang ang kawalang-propesyonalismo, trabaho at
prostitusyon
13. 4. Dagliang nagpapahayag ng bagong
moralidad
Nagtataguyod ng bagong moralidad na
inaasahan sa pag-unlad
Liberal na demokrasya
5. Dagliang tuwirang tumatalakay sa inaasam
na kalayaan
Tuwirang pumapaksa sa independensiya