Ito ay isang powerpoint presentation patungkol sa paksa o aralin patungkol sa pagsasaling-wika o translation. Kapapalooban din ito ng mga paalala, mga alintuntunin at mga halimbawa patungkol sa pagsasaling-wika.
2. Pagsasaling-Wika
Ito ay ang proseso kung saan ang isang
pahayag ay nagaganap sa isang wika at
ipinapalagay na may katulad ding
kahulugan sa umiiral na pahayag sa iba
pang wika
3. Pagsasaling-Wika
Ito ay ang pagsasalin o paglilipat ng
isang kaisipan sa pinakamalapit na
katumbas sa diwa at estilo
4. Mga Dapat Taglayan ng isang
tagapagsasaling-Wika
1. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng
dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin
3. Sapat na kaalaman sa kultura ng
dalawang bansang kaugnay ng
pagsasalin
5. Mga Dapat Taglayan ng isang
tagapagsasaling-Wika
4. Sapat na kakayahan sa pampanitikang
paraan ng pagpapahayag
6. Mga Simulain sa Pagsasalin:
Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga
taong likas na gumagamit nito.
Sa Wikang Ingles, kadalasang ang simuno o
paksa ang nangunguna kaysa sa panaguri.
Sa Wikang Filipino, karaniwan ang
dalawang uri ng ayos ng pangungusap.
7. Mga Simulain sa Pagsasalin:
Kailangang maging matalino at maingat sa
paggamit ng mga panlapi sa pagsasalin
Ang mga daglat, akronim at pormula na
masasabing establisado o unibersal na ang
ginagamit ay hindi na maaaring isasalin
8. Mga Simulain sa Pagsasalin:
Kung may pagkakataon na may higit pa sa isang
salin ang salitang isasalin ay gumamit ng footnote
(talababa) at gumamit lamang ng isang salin ng
salitang iyon.
Laging isaisip ang pagtitipid ng salita.
Hindi laging kailangang mahaba ang salin
ng isang kaisipan.
9. Mga Simulain sa Pagsasalin:
Huwag magpapa-alipin sa paggamit ng
diksyunaryo. Kung maaari ay magtanong na
lamang sa mga taong marunong magsalin ang
salitang isasalin.
Ang isang pamagat sa Wikang Ingles ay hindi
nangangahulugang maganda ang salin sa Wikang
Filipino
10. Mga Kahinaan ng Pagsasalin:
1. May dagdag na diwa ang salin
2. Maaaring kulang ang diwa ng salin
3. Maaaring iba o mali ang diwa ng salin
4. May mga bahaging malabo ang kahulugan
kung kaya’t nagkakaroon ito ng higit pa sa
isang pagpapakahulugan
5. Hindi pag-unawa ng mga mambabasa ang salin
11.
12. Kapag ikaw ay pipili sa pagitan ng
pagiging mahabagin o pagiging tama,
piliin mo ang pagiging mahabagin at ikaw
ay laging tama.
- Malayang salin
13.
14. Huwag kayong magbago para lamang
magustuhan kayo ng iba.
Maging iyong sarili at ang mga tao ay
mamahalin kung sino ka talaga.
- Malayang salin
15.
16. Ang edukasyon ay ang
pinakamapangyarihang sandata na
magagamit mo para mabago ang mundo.
- Malayang salin