3. 1. Teoryang Bottom-Up
*Ito ay isang traditional na
pagbasa.
*Ito ay bunga ng teoryang
behaviorist na higit na nagbibigay
pokus sa kapaligiran sa
paglinang ng komprehensyon sa
pagbasa.
*Ayon sa teoryang ito, ang
pagbasa ay pagkilala ng serye ng
nakasulat na mga simbolo upang
maibigay ang katumbas nitong
tunog.
4. *Nananalig ang teoryang ito
na ang pagkatuto sa pagbasa
ay nagsisimula sa pagkilala
sa mga titik, salita, parirala, at
pangungusap bago malaman
ang kahulugan ng teksto.
*Sinasabi nitong ang pagbasa
ay pagkilala ng mga salita, at
ang teksto ang
pinakamahalaga sa pagbasa.
5. *Ang proseso ng pag-
unawa ayon sa teoryang
ito, ay nagsisimula
sa teksto (bottom),
patungo sa mambabasa
(up), kaya tinawag itong
bottom up.
6. 2. Teoryang Top-Down
*Ayon dito, ang mambabasa ay
napakaaktib na partisipant sa
proseso ng pagbasa, na siya ay
may taglay na dating
kaalamang nakaimbak sa
kanyang isipan at may
sariling kakayahan sa wika na
kanyang ginagamit habang
nakikipagtalastasan sa may-
akda sa pamamagitan ng
teksto.
7. *Tinatawag din ang
teoryang ito na "inside
out" o "conceptually-
driven" dahil ang
kahulugan o impormasyon
ay nagsisimula sa
mambabasa patungo sa
teksto.
8. 3. Teoryang Interaktib
*Bunga naman ito ng
pambabatikos ng mga
dalubhasa sa ikalawang teorya.
Ayon sa mga proponent nito,
ang top-down ay maaaring
akma lamang sa mga bihasa
nang bumasa at hindi sa mga
baguhan pa lamang
9. Higit na angkop daw ang
kombinasyong top-down at
bottom-up na
nagpapahiwatig
ng dalawang direksyon ng
komprehensyon, itaas-
pababa at ibaba-pataas.
10. Dito nagaganap ang
interaksyong awtor-
mambabasa at
mambabasa-awtor.
Kung gayon, ang
interaksyon ay may
dalawang direksyon o
bi-directional.
11. 4. Teoryang Iskima
*Mahalaga ang tungkuling
ginagampanan sa pagbasa
ng dating kaalaman ng
mambabasa. Ito ang
batayang paniniwala
ng teoryang iskima. Bawat
bagong impormasyong
nakukuha sa pagbabasa
ay naidaragdag sa dati
nang iskima.
12. Mga gabay na tanong:
1. Ano ang pagbasa?
2. Ano ang iyong layunin sa pagbasa?
3. Mahalaga ba ang pagbasa?
Pangatwiranan ang iyong sagot.
4. Ibigay ang mga katangian ng
pagbasa?
5. Ano ang mga proseso ng pagbasa?
6. Ano-ano ang mga teorya ng
pagbasa?
14. Sanggunian:
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik nina Mary Joy A. Castillo et. al. 52-55, 136-
147
Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto sa Filipino, Mga Teorya, Simulain at Istratehiya
ni Dr. Paquito B. Badayos p. 271-323
http://janjan34.blogspot.com/
http://study-everything.blogspot.com/2014/06/kahulugan-at-kahalagahan-ng-
pagbasa.html
https://www.scribd.com/document/234390461/Kahulugan-at-Kahalagahan-Ng-Pagbasa
https://prezi.com/xjuppo0mkrgy/kahulugan-kahalagahan-proseso-at-katangian-ng-
pagbasa/
https://www.scribd.com/doc/72900742/Kahalagahan-ng-pagbasa
https://prezi.com/usmxqf3xc9sc/kahalagahan-ng-pagbasa/
http://owll.massey.ac.nz/study-skills/reading-styles.php
https://www.staff.ncl.ac.uk/scott.windeatt/assignments/alkharusi_089173776/Styles%20o
https://www.howtolearn.com/2012/08/different-reading-techniques-and-when-to-use-
Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito.(Singer at Ruddell, 1985).
Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-unawa sa proseso ng pagbasa. May iba’t ibang paniniwala o pananaw na maaaring magamit sa pagtalakay sa konsepto ng pagbasa.
Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso ng pagbasa dahil ang tanging tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa tekstong kanyang binasa.
Tinatawag din itong "outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa tagabasa kundi sa teksto.
- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa tungo sa teksto. Ito ay impluwensiya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay isang prosesong holistik.
Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Bunga nito, nakakabuo siya ng kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.
Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan.
Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang ito, mahalaga ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman at sa angking kasanayan ng mambabasa.
Samakatuwid, bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.