2. ABOT-TANAW
ABOT-TANAW
Matapos ang aralin, inaasahang maisagawa ng
mga mag-aaral ang sumusunod:
naipaliliwanag ang mga hakbang at prinsipyo sa pagsulat ng saliksik;
natatalakay ang mga paraan sa pagbuo ng mga bahagi ng saliksik;
natitiyak ang kaangkupan ng tono atestilo sa binubuong saliksik; at
nailalahad ang mga pamamaraan sa pagkilala sa sanggunian.
3. PAGSULAT NG SALIKSIK: ANG
PAGSULAT NG SALIKSIK: ANG
SIMULA NG BAGONG HAMON
SIMULA NG BAGONG HAMON
Ang proseso ng pananaliksik ay hindi ganap na kompleto kung wala ang
sulating tumatalakay sa kinasapitan at pagsusuri. Samakatuwid, ang lahat
ng dinaanang proseso sa pananaliksik ay maituturing na preliminaryong
hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng saliksik sa pamamagitan ng
pagsulat nito.
4. MGA HAKBANG AT PRINSIPYO SA
MGA HAKBANG AT PRINSIPYO SA
PAGSULAT NG SALIKSIK
PAGSULAT NG SALIKSIK
1. Pre-writing
tumutukoy ang yugtong ito
sa lahat ng paghahanda
bago ang aktuwal na
pagsulat.
2. Composing
ito ang yugtong aktuwal na
pagsulat ng pananaliksik.
Mabisang teknik sa yugtong
ito ang free witing.
3. Rewriting
ito ang yugtong tinatasa at
nirerepaso ng mananaliksik
ang sulatin sa
pamamagitan ng pagtitiyak
sa kaisahan ng mga ideya
at pahayag.
Ayon kay Neuman (2012), wala mang perpekto at iisang paraan ng pagsulat, may
mga hakbang na matutukoy sa mabisang pagsasagawa nito. Ito ang sumusunod:
5. Nagbigay rin si Denscombe (2003) ng mga bagay na mahalagang isaalang-alang sa
pagbuo ng saliksik. Ayon sa kaniya, kailangang tiyiakin ng isang mananaliksik na
ang sulatin ay nakatutugon sa sumusunod:
1. Inaasahan ng mambabasa - Mahalagang alam ng mananaliksik
kung para kanino ang kaniyang sinusulat.
2. Itinatakdang kumbensiyon - Nararapat na matiyak ng
mananaliksik ang kumbensiyong itinatakda sa ginagawang
sulating sapagkat may epekto ito sa estilo ng presentasyon.
7. PAGKILALA SA
PAGKILALA SA
SANGGUNIAN
SANGGUNIAN
Ang hindi pagtukoy sa mga sinangguniang libro, artikulo, at iba ay malinaw na
anyo ng plagiarism na lumalabag sa pagiging matapat ng isang mananaliksik.
Ang mga estilong MLA, APA, at CMS-Turabian ang mga nangungunang paraan ng
dokumentasyon sa mga pananaliksik sa larangan ng agham panlipunan, panitikan,
at sining (Evaco et al. 2011).
8. A. ESTILONG MLA
A. ESTILONG MLA (MODERN
(MODERN
LANGUAGE ASSOCIATION)
LANGUAGE ASSOCIATION)
Halimbawa Halimbawa
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa
Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikukumpara sa mga nabuong palisi sa
Malaysia at Indonesia (Constantino 127).
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong
Pangwika Tungo sa Modernisasyon:
Karanasan ng Malaysia, Indonesia at
Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng
Wikang Filipino, 1991. Print.
ito ang pinakapopular na estilo ng dokumentasyon sa larangan ng malayang sining
9. B. ESTILONG APA (AMERICAN
B. ESTILONG APA (AMERICAN
PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)
PSYCHOLOGICAL ASSOCIATION)
Halimbawa Halimbawa
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa
Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikukumpara sa mga nabuong palisi sa
Malaysia at Indonesia (Constantino, 1991)..
Constantino, P.C. (1991).
Pagpaplanong Pangwika Tungo sa
Modernisasyon: Karanasan ng
Malaysia, Indonesia at Pilipinas.
Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang
Filipino.
ito ang pinakaginagamit na paraan ng dokumentasyon sa larangan ng agham panlipunan
10. C. ESTILONG CMS (CHICAGO
C. ESTILONG CMS (CHICAGO
MANUAL STYLE ) AT
MANUAL STYLE ) AT
ESTILONG TURABIAN
ESTILONG TURABIAN
ito ang pinakamatandang nangungunang pamantayan ng
dokumentasyon sa unang inilabas ng University of Chicago
Press. Dalawa ang batayang pormat ng dokumentasyon sa
estilong CMS-Turabian:
11. 1. Tala-bibliograpiya
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang
pinakakomplikado kung ikokompara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at
Indonesia. ⁴
⁴Pamela C. Constantino, Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon:
Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas (Lungsod Quezon: Sentro ng
Wikang Filipino, 1991), 127.
Bibliograpiya:
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon:
Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng
Wikang Filipino,1991.
12. 2. Parentetikal-talasanggunian:
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang pinakakomplikado
kung ikokompara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at Indonesia
(Constantino 1991, 127).
Talasanggunian:
Constantino, Pamela C. 1991. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa
Modernisasyon: Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod
Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.