SlideShare a Scribd company logo
182
Module 17
6666
Filipino
Gamitin ang mga Salitang Pang-ugnay
sa Tambalan at Hugnayang Pangungusap
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
183
Isang makabuluhang pag-aaral na naman ang ating gagawin.
Handa ka na ba? Tayo na!
Sa modyul na ito, ay matutuhan mo ang paggamit ng mga
salitang pang-ugnay sa tambalan at hugnayang pangungusap.
Tapusin ang mga pangungusap na nasa ibaba gamit ang
wastong katagang nag-uugnay ng mga salita. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon.
1. Tapusin mo na ito _________________________________.
2. Mamahalin kita ________________________.
3. _______________________, tayo ay magsikap.
4. Sasama ako ________________________.
5. _______________________, ang dapat mamuno sa ating samahan.
Subukin Natin
Sa Mag-aaral
Mga Dapat Matutuhan
- maging sino ka man - kung sasama ka rin
- Ako o ikaw - upang umunlad
- kung maaari
184
Iwasto mo ang iyong sagot. Ano ang iskor mo? Kung ito ay 4 o 5
magaling, ang modyul na ito ay dapat mo pang pag-aralan upang
lubos mo itong maintindihan. Ngunit kung kuha mo naman ay 3 o
pababa, huwag kang mag-alala ang modyul na ito ay para sa iyo.
Nag-usap sina Gng. Cruz, Pepe at Frank.
Frank: Salamat po, Gng. Cruz. Masarap ang bayabas at saka matamis
ang tambis.
Gng. Cruz: Uy! Mahusay ka nang mag-Filipino, Frank. May pang-ugnay
pa.
Pepe: Pang-ugnay? Ano po iyong pang-ugnay?
Hindi alam ng anak ni Gng. Cruz ang pang-ugnay. Alam mo ba
kung anu-anong mga pang-ugnay ang ginagamit mo sa
pangungusap? Tingnan mo kung matutukoy mo.
Pag-aralan Natin
185
Nag-usap sina Gng. Cruz at ang anak niyang si Pepe. Abala
naman sa pagbabasa si Frank na anak nina G. at Gng. Joe at Katty
Brown. Sila’y bagong kapitbahay nina Gng. Cruz, buhat sa Chicago,
U.S.A.
Gng. Cruz: Madaling matututo ng Filipino ang iyong kalarong si
Frank.
Pepe: Opo, nanay. Minsan lang niyang narinig sa akin ang salitang
saka e nagaya na agad niya.
Gng. Cruz: Iyon ang itinatanong mo sa akin kanina. Ang saka ay isang
pang-ugnay tulad ng at, kapag, sapagkat, upang, dahil at
iba pa. Ang mga salitang ito ay tinatawag na pang-ugnay.
Hindi ba napag-aralan na ninyo iyon noong isang taon?
Pepe: Natatandaan ko na po. At saka narinig ko na rin pong itinuro
ninyo sa mga tinuturuan ninyong Amerikano na ama at ina ni
William. Si Frank ay kasintalino rin ni William. Akala ko nga,
puti at kayumanggi lamang ang matatalino. Ha! Ha! Ha!
Gng. Cruz: Aba, naku hindi anak! Kahit anong lahi ay may
marurunong at may mga mangmang. Pare-pareho tayong
nilikha ng Diyos na may pag-iisip, nagkakaiba nga lamang
sa kakayahan.
Pepe: Bakit po may maitim at may maputi?
Gng. Cruz: Ang mga tao sa mundo ay napapangkat sa iba-ibang lahi
ayon sa kanilang sinilangan. Ngunit kahit ano pa ang
kulay ng balat ng tao, dapat na igalang siya.
Pepe: Iyan nga po ang sinabi ko sa aking mga kalaro kaya hindi nila
tinutukso si Frank. Nakikipaglaro na rin sila sa kanya.
Gng. Cruz: Salamat, Anak, at marunong kang gumalang sa iyong
kapwa, kahit sino siya.
186
Unawain mo:
1. Ano ang kulay ng balat ni Frank? _____________________________
2. Ano ang maling akala ni Pepe noong una? ____________________
3. Ano ang magandang ugali ni Pepe na dapat parisan?
_____________
May salungguhit ang mga salitang nag-uugnay sa sumusunod na
mga pangungusap. Pag-aralan kung paano ginagamit ang mga ito sa
pangungusap.
1. Si Frank ay kaibigan ni Pepe at siya ay isang dayuhan.
2. Si William at Frank ay parehong Amerikano ngunit magkaiba sila
ng kulay.
3. Lahat tayo’y may pag-iisip sapagkat pantay-pantay tayong
nilikha ng Diyos.
Pansinin ang tungkuling ginagampanan ng at, ngunit, at
sapagkat, sa mga pangungusap na iyong binasa. Subuking basahin
ang mga pangungusap nang wala ito. Hindi ba higit na malinaw kung
ginagamitan ng pang-ugnay?
at – ay ginagamit para mapag-ugnay ang pangalan ng dalawang tao,
bagay, pook at iba pa. Ginagamit din ito sa tambalang pangungusap
na iniugnay ang dalawang sugnay na makapag-iisa.
Hal. Si Dina ay mabait at siya ay matalik kong kaibigan.
ngunit – ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang sugnay na
pinaghahambing ang dalawang diwa. Karaniwa’y panalungat ang
gamit ng ngunit.
Hal. Si Bea Alonzo ay maganda ngunit si Angel Locsin ang
pinakamaganda.
sapagkat, dahil – ginagamit sa sugnay na nagpapaliwanag o
nagbibigay ng katuwiran.
Hal. Nagpapakahirap ako dahil ibig kong matupad ang aking
pangarap.
187
Narito ang ilan sa mga kataga o lipon ng mga salitang ginagamit
na pang-ugnay sa tambalan at hugnayang pangungusap.
Upang lubos mo pa itong maintindihan subukan mong sagutin
ang bawat pagsasanay.
Punan ng sumusunod na pang-ugnay ang mga patlang: subalit,
at, kundi, sapagkat, dahil sa.
Si Frank ___________ si Pepe ay magkapitbahay. Hindi marunong
ng Filipino si Frank ___________ siya’y isang Amerikano. Natuutwa si
Gng. Cruz sa mabuting pakikisama ni Pepe sa kanilang kapitbahay
__________ magiging suliranin niya __________ sila’y mga dayuhan.
Ang pantay-pantay na pagtingin sa kapwa kahit sino ay batid ni
Pepe, __________ ang iba niyang kalaro ay hindi gayon. Mabuti naman
__________ napangunahan na ni Pepeng pagsabihan ang kanyang mga
kalaro __________ maaaring tuksuhin nila si Frank.
__________ mabuting halimbawang ipinakikita ni Pepe,
pinaparisan siya ng kanyang mga kalaro. Sinusunod siya ng kanyang
mga kalaro __________ hindi siya mayabang.
Kung ang kuha mo ay 8 o 9 sagutin mo na ang Mga Dagdag na
Gawain. Kung ang kuha mo naman ay 7 o pababa, sagutin mo muna
ang Gawain 1.A.
Gawin Natin
o maging nasa kundi dahil
kaya ngunit bagaman sana subalit
sakali datapwat kung kasi ni
kung kaya sa kabuuan sa kabilang dako
kung sakali sa kabila kung gayon
sa wakas
188
Gawain 1.A
Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
______ 1. Kailangan kita __________ tutulungan mo ako.
a. kung b. sapagkat c. ngunit
______ 2. Ikaw ay napiling iskolar ng paaralan __________ si Jun ay
minalas na hindi nakuha.
a. at b. dahil c. ngunit
______ 3. __________ mahal kita, handa akong ipagtanggol ka.
a. Ngunit b. Dahil c. Kaya
______ 4. Magsikap kayong mag-aral __________ maging maganda ang
buhay ninyo.
a. upang b. sapagkat c. kasi
______ 5. Ang tao ay di dapat mawalan ng pag-asa __________ siya ay
may buhay.
a. habang b. upang c. dahil
189
Masdan ang mga larawan. Bumuo ng mga pangungusap batay sa
mga larawang na nasa ibaba, gamit ang iba’t ibang pang-ugnay na
salita.
1.
2.
3.
Mga Dagdag na Gawain
190
4.
5.
Sa mga pagsasanay na iyong ginawa, ano ang natutuhan mo?
191
Gumamit ng wastong pang-ugnay upang maging malinaw
ang pangungusap. Ang mga salitang pang-ugnay ay nag-
uugnay ng salita, parirala, sugnay o pangungusap.
Ang mga salitang nag-uugnay ay:
o maging nasa kundi dahil
kaya ngunit bagaman sana subalit
sakali datapwat kung kasi ni
kung kaya sa kabuuan sa kabilang dako
kung sakali sa kabila kung gayon
sa wakas
Gamitan ng salitang pang-uugnay ang mga sumusunod na
pangungusap.
1. Mayaman ang Saudi Arabia. Maraming langis dito.
2. Salat na salat sa tubig. Wala doong palagiang ilog.
3. Sukdulan ang init kung tag-araw. Gumagawa sila sa oasis.
4. Hindi siya pumasok kahapon. Walang mag-aalaga sa kanyang
bunsong kapatid.
5. Magaling sumayaw si Mario. Napakahusay kumanta ng kanyang
kapatid.
Sariling Pagsusulit
Tandaan Natin
192
Pagtapatin ang hanay A at B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A B
_____ 1. Hindi tayo lalakad. a. dahil sa pag-ulan.
_____ 2. Maraming mga bayan
ang lumubog
b. pero ayaw naman niyang
patulong.
_____ 3. Tayo ay magiging
magkaibigan
c. kapag uulan.
_____ 4. Ibig ko siyang
tulungan
d. hanggang sa wakas ng
panahon.
_____ 5. May kayamanan nga
sila
e. ngunit wala namang
kaibigan.
Maligayang bati sa iyo! Natapos muna ang modyul na ito.
Pagyamanin Natin
193
Subukin Natin
1. kung maaari
2. maging sino ka man
3. Upang umunlad
4. kung sasama ka rin
5. Ako o ikaw
Gawin Natin
Si Frank at si Pepe ay magkapitbahay. Hindi marunong ng Filipino si
Frank sapagkat siya’y isang Amerikano. Natutuwa si Gng. Cruz sa
mabuting pakikisama ni Pepe sa kanilang kapitbahay kundi magiging
suliranin niya dahil sa sila’y mga dayuhan.
Ang pantay-pantay na pagtingin sa kapwa kahit sino ay batid ni Pepe,
subalit ang iba niyang kalaro ay hindi gayon. Mabuti naman at
napangunahan na ni Pepeng pagsabihan ang kanyang mga kalaro
sapagkat maaaring tuksuhin nila si Frank.
Dahil sa mabuting halimbawang ipinakikita ni Pepe, pinaparisan siya
ng kanyang mga kalaro. Sinusunod siya ng kanyang mga kalaro sapagkat
hindi siya mayabang.
Gawain 1 A
1. b
2. c
3. b
4. a
5. a
Mga Dagdag na Gawain (Ipawasto sa guro ang iyong mga sagot.)
Sariling Pagsusulit Pagyamanin Natin
1. dahil 1. c
2. at 2. a
3. kaya 3. d
4. sapagkat/dahil 4. b
5. ngunit 5. e
Gabay sa Pagwawasto

More Related Content

What's hot

Maikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdfMaikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdf
EvaMarie15
 
Mga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
Mga Magkasalungat at MagkasingkahuluganMga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
Mga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
NatashaSofiaDalisay
 
Paghihinuha
PaghihinuhaPaghihinuha
Paghihinuha
leishiel
 
Panghalip pamatlig
Panghalip pamatligPanghalip pamatlig
Panghalip pamatlig
RitchenMadura
 
PANG-UKOL
PANG-UKOLPANG-UKOL
PANG-UKOL
Johdener14
 
Filipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap ppt
Filipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap  pptFilipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap  ppt
Filipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap ppt
Mechelle Tumanda
 
FIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.pptFIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.ppt
Renato29157
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Desiree Mangundayao
 
Mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Aspekto ng PandiwaMga Aspekto ng Pandiwa
Mga Aspekto ng Pandiwa
RitchenMadura
 
3 qtr filipino-melc2-las
3 qtr filipino-melc2-las3 qtr filipino-melc2-las
3 qtr filipino-melc2-las
Donalyn Frofunga
 
Fil 6 Katangian ng Tauhan ayon sa Pahayag at Kilos
Fil 6  Katangian ng Tauhan ayon sa Pahayag at KilosFil 6  Katangian ng Tauhan ayon sa Pahayag at Kilos
Fil 6 Katangian ng Tauhan ayon sa Pahayag at Kilos
caraganalyn
 
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdaminFilipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyonFilipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
Alice Failano
 
Pang ukol
Pang  ukolPang  ukol
Ang pandiwa at Aspekto ng Pandiwa
Ang pandiwa at Aspekto ng PandiwaAng pandiwa at Aspekto ng Pandiwa
Ang pandiwa at Aspekto ng Pandiwa
MsJhelleJardin
 
Aspekto ng Pandiwa.pptx
Aspekto ng Pandiwa.pptxAspekto ng Pandiwa.pptx
Aspekto ng Pandiwa.pptx
PreciousApostolPeral
 
Pang- angkop
Pang- angkopPang- angkop
Pang- angkop
MAILYNVIODOR1
 
Nat reviewer in filipino vi
Nat reviewer in filipino viNat reviewer in filipino vi
Nat reviewer in filipino vi
Maricel Conales
 
What's hot (20)

Maikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdfMaikling kwento (2).pdf
Maikling kwento (2).pdf
 
Mga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
Mga Magkasalungat at MagkasingkahuluganMga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
Mga Magkasalungat at Magkasingkahulugan
 
Paghihinuha
PaghihinuhaPaghihinuha
Paghihinuha
 
Panghalip pamatlig
Panghalip pamatligPanghalip pamatlig
Panghalip pamatlig
 
PANG-UKOL
PANG-UKOLPANG-UKOL
PANG-UKOL
 
Filipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap ppt
Filipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap  pptFilipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap  ppt
Filipino 2 pagsulat ng payak na pangungusap ppt
 
FIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.pptFIL 3rd q week 2.ppt
FIL 3rd q week 2.ppt
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
Filipino 3 yunit iii aralin 3 pagsasabi ng paksa o tema ng teksto, kuwento o ...
 
Mga Aspekto ng Pandiwa
Mga Aspekto ng PandiwaMga Aspekto ng Pandiwa
Mga Aspekto ng Pandiwa
 
Tinig ng pandiwa
Tinig ng pandiwaTinig ng pandiwa
Tinig ng pandiwa
 
3 qtr filipino-melc2-las
3 qtr filipino-melc2-las3 qtr filipino-melc2-las
3 qtr filipino-melc2-las
 
Esp
EspEsp
Esp
 
Fil 6 Katangian ng Tauhan ayon sa Pahayag at Kilos
Fil 6  Katangian ng Tauhan ayon sa Pahayag at KilosFil 6  Katangian ng Tauhan ayon sa Pahayag at Kilos
Fil 6 Katangian ng Tauhan ayon sa Pahayag at Kilos
 
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdaminFilipino 6 dlp 19   paghinuha sa saloobing pandamdamin
Filipino 6 dlp 19 paghinuha sa saloobing pandamdamin
 
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyonFilipino 6 dlp 12   ano ang iyong reaksyon
Filipino 6 dlp 12 ano ang iyong reaksyon
 
Pang ukol
Pang  ukolPang  ukol
Pang ukol
 
Ang pandiwa at Aspekto ng Pandiwa
Ang pandiwa at Aspekto ng PandiwaAng pandiwa at Aspekto ng Pandiwa
Ang pandiwa at Aspekto ng Pandiwa
 
Aspekto ng Pandiwa.pptx
Aspekto ng Pandiwa.pptxAspekto ng Pandiwa.pptx
Aspekto ng Pandiwa.pptx
 
Pang- angkop
Pang- angkopPang- angkop
Pang- angkop
 
Nat reviewer in filipino vi
Nat reviewer in filipino viNat reviewer in filipino vi
Nat reviewer in filipino vi
 
Similar to Filipino 6 dlp 17 gamitin ang mga salitang pang-ugnay sa tambalan at hu

Reviewer in filipino
Reviewer in filipinoReviewer in filipino
Reviewer in filipino
Judilyn Ravilas
 
Filipino 6 dlp 15 kilalanin ang mga pag-ugnay sa tambalan at hugnayan
Filipino 6 dlp 15   kilalanin ang mga pag-ugnay sa tambalan at hugnayanFilipino 6 dlp 15   kilalanin ang mga pag-ugnay sa tambalan at hugnayan
Filipino 6 dlp 15 kilalanin ang mga pag-ugnay sa tambalan at hugnayan
Alice Failano
 
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLEReviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
ScribblesBinan
 
mga-pang-ugnay.pptx
mga-pang-ugnay.pptxmga-pang-ugnay.pptx
mga-pang-ugnay.pptx
edwin pelonio
 
Filipino-2-Lesson-6.pptx
Filipino-2-Lesson-6.pptxFilipino-2-Lesson-6.pptx
Filipino-2-Lesson-6.pptx
SherylLynnTantiado
 
presentation of alamat Filipino grade nine
presentation of alamat Filipino grade ninepresentation of alamat Filipino grade nine
presentation of alamat Filipino grade nine
JohannaDapuyenMacayb
 
Fil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptx
Fil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptxFil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptx
Fil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptx
JennylynUMacni
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikanModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
dionesioable
 
FILIPINO 6 2ND QUARTER WEK 6.pptx
FILIPINO 6 2ND QUARTER WEK 6.pptxFILIPINO 6 2ND QUARTER WEK 6.pptx
FILIPINO 6 2ND QUARTER WEK 6.pptx
IsmaelCuchapin2
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
ChristineJaneWaquizM
 
Demo Presentation 22.pptx
Demo Presentation 22.pptxDemo Presentation 22.pptx
Demo Presentation 22.pptx
MARICONCLAOR
 
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptx
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptxFil7 - Week 4 - Alamat.pptx
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptx
helson5
 
Panghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptxPanghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptx
MarivicCastaneda
 
Module grade 1
Module grade 1Module grade 1
Module grade 1
LucessBlags
 
WEEK 1.docx
WEEK 1.docxWEEK 1.docx
WEEK 1.docx
Lorrainelee27
 
Pang-angkop2 COT (1).ppt
Pang-angkop2 COT (1).pptPang-angkop2 COT (1).ppt
Pang-angkop2 COT (1).ppt
magretchenpedro
 
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docx
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docxpagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docx
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docx
JosiryReyes
 
416834876-Pagbibigay-kahulugan-sa-matalinhagang-salita-pptx.pptx
416834876-Pagbibigay-kahulugan-sa-matalinhagang-salita-pptx.pptx416834876-Pagbibigay-kahulugan-sa-matalinhagang-salita-pptx.pptx
416834876-Pagbibigay-kahulugan-sa-matalinhagang-salita-pptx.pptx
ShefaCapuras1
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
LalainGPellas
 
Similar to Filipino 6 dlp 17 gamitin ang mga salitang pang-ugnay sa tambalan at hu (20)

Reviewer in filipino
Reviewer in filipinoReviewer in filipino
Reviewer in filipino
 
Filipino 6 dlp 15 kilalanin ang mga pag-ugnay sa tambalan at hugnayan
Filipino 6 dlp 15   kilalanin ang mga pag-ugnay sa tambalan at hugnayanFilipino 6 dlp 15   kilalanin ang mga pag-ugnay sa tambalan at hugnayan
Filipino 6 dlp 15 kilalanin ang mga pag-ugnay sa tambalan at hugnayan
 
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLEReviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
Reviewer12345678910 Math Science AP TLE CLE
 
mga-pang-ugnay.pptx
mga-pang-ugnay.pptxmga-pang-ugnay.pptx
mga-pang-ugnay.pptx
 
Filipino-2-Lesson-6.pptx
Filipino-2-Lesson-6.pptxFilipino-2-Lesson-6.pptx
Filipino-2-Lesson-6.pptx
 
presentation of alamat Filipino grade nine
presentation of alamat Filipino grade ninepresentation of alamat Filipino grade nine
presentation of alamat Filipino grade nine
 
Fil exam
Fil examFil exam
Fil exam
 
Fil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptx
Fil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptxFil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptx
Fil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptx
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikanModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
 
FILIPINO 6 2ND QUARTER WEK 6.pptx
FILIPINO 6 2ND QUARTER WEK 6.pptxFILIPINO 6 2ND QUARTER WEK 6.pptx
FILIPINO 6 2ND QUARTER WEK 6.pptx
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
Demo Presentation 22.pptx
Demo Presentation 22.pptxDemo Presentation 22.pptx
Demo Presentation 22.pptx
 
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptx
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptxFil7 - Week 4 - Alamat.pptx
Fil7 - Week 4 - Alamat.pptx
 
Panghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptxPanghalip panao - Copy.pptx
Panghalip panao - Copy.pptx
 
Module grade 1
Module grade 1Module grade 1
Module grade 1
 
WEEK 1.docx
WEEK 1.docxWEEK 1.docx
WEEK 1.docx
 
Pang-angkop2 COT (1).ppt
Pang-angkop2 COT (1).pptPang-angkop2 COT (1).ppt
Pang-angkop2 COT (1).ppt
 
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docx
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docxpagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docx
pagsusulit (ng minsang naligaw si Adrian).docx
 
416834876-Pagbibigay-kahulugan-sa-matalinhagang-salita-pptx.pptx
416834876-Pagbibigay-kahulugan-sa-matalinhagang-salita-pptx.pptx416834876-Pagbibigay-kahulugan-sa-matalinhagang-salita-pptx.pptx
416834876-Pagbibigay-kahulugan-sa-matalinhagang-salita-pptx.pptx
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
 
More from Alice Failano

Ang kuwento ni Felipe
Ang kuwento ni FelipeAng kuwento ni Felipe
Ang kuwento ni Felipe
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 20 pagsusuri ng pangungusap
Filipino 6 dlp 20   pagsusuri ng pangungusapFilipino 6 dlp 20   pagsusuri ng pangungusap
Filipino 6 dlp 20 pagsusuri ng pangungusap
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 21 mga katangian ng tauhan
Filipino 6 dlp 21   mga katangian ng tauhanFilipino 6 dlp 21   mga katangian ng tauhan
Filipino 6 dlp 21 mga katangian ng tauhan
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 18 maghinuha ka
Filipino 6 dlp 18   maghinuha kaFilipino 6 dlp 18   maghinuha ka
Filipino 6 dlp 18 maghinuha ka
Alice Failano
 
Filipno 6 dlp 16 pagbibigay ng sanhi at bunga
Filipno 6 dlp 16   pagbibigay ng sanhi at bungaFilipno 6 dlp 16   pagbibigay ng sanhi at bunga
Filipno 6 dlp 16 pagbibigay ng sanhi at bunga
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 14 naku! mga grapiko
Filipino 6 dlp 14   naku! mga grapikoFilipino 6 dlp 14   naku! mga grapiko
Filipino 6 dlp 14 naku! mga grapiko
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 13 mga pumapailalim na paksa
Filipino 6 dlp 13   mga pumapailalim na paksaFilipino 6 dlp 13   mga pumapailalim na paksa
Filipino 6 dlp 13 mga pumapailalim na paksa
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuroFilipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natinFilipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 7 pormularyong pampaaralan sagutin
Filipino 6 dlp 7   pormularyong pampaaralan sagutinFilipino 6 dlp 7   pormularyong pampaaralan sagutin
Filipino 6 dlp 7 pormularyong pampaaralan sagutin
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 9 detalye ng mga balita
Filipino 6 dlp 9   detalye ng mga balitaFilipino 6 dlp 9   detalye ng mga balita
Filipino 6 dlp 9 detalye ng mga balita
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasanFilipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba angFilipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 6 Id at kard ng pang-aklatan sagutin
Filipino 6 dlp 6   Id at kard ng pang-aklatan sagutinFilipino 6 dlp 6   Id at kard ng pang-aklatan sagutin
Filipino 6 dlp 6 Id at kard ng pang-aklatan sagutin
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungatFilipino 6 dlp 4   magkasingkahulugan o magkasalungat
Filipino 6 dlp 4 magkasingkahulugan o magkasalungat
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 3 halina't gumawa ng babala
Filipino 6 dlp 3   halina't gumawa ng babalaFilipino 6 dlp 3   halina't gumawa ng babala
Filipino 6 dlp 3 halina't gumawa ng babala
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 2 ano nga ba ang paksa o ideya
Filipino 6 dlp 2   ano nga ba ang paksa o ideyaFilipino 6 dlp 2   ano nga ba ang paksa o ideya
Filipino 6 dlp 2 ano nga ba ang paksa o ideya
Alice Failano
 
Filipino 6 dlp 1 pagsunod sa mga panuto
Filipino 6 dlp 1   pagsunod sa mga panutoFilipino 6 dlp 1   pagsunod sa mga panuto
Filipino 6 dlp 1 pagsunod sa mga panuto
Alice Failano
 
English 6-dlp-52-drawing-conclusions
English 6-dlp-52-drawing-conclusionsEnglish 6-dlp-52-drawing-conclusions
English 6-dlp-52-drawing-conclusions
Alice Failano
 
English 6-dlp-53-comparing-adverbs
English 6-dlp-53-comparing-adverbsEnglish 6-dlp-53-comparing-adverbs
English 6-dlp-53-comparing-adverbs
Alice Failano
 
More from Alice Failano (20)

Filipino 6 dlp 17 gamitin ang mga salitang pang-ugnay sa tambalan at hu

  • 1. 182 Module 17 6666 Filipino Gamitin ang mga Salitang Pang-ugnay sa Tambalan at Hugnayang Pangungusap A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
  • 2. 183 Isang makabuluhang pag-aaral na naman ang ating gagawin. Handa ka na ba? Tayo na! Sa modyul na ito, ay matutuhan mo ang paggamit ng mga salitang pang-ugnay sa tambalan at hugnayang pangungusap. Tapusin ang mga pangungusap na nasa ibaba gamit ang wastong katagang nag-uugnay ng mga salita. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. 1. Tapusin mo na ito _________________________________. 2. Mamahalin kita ________________________. 3. _______________________, tayo ay magsikap. 4. Sasama ako ________________________. 5. _______________________, ang dapat mamuno sa ating samahan. Subukin Natin Sa Mag-aaral Mga Dapat Matutuhan - maging sino ka man - kung sasama ka rin - Ako o ikaw - upang umunlad - kung maaari
  • 3. 184 Iwasto mo ang iyong sagot. Ano ang iskor mo? Kung ito ay 4 o 5 magaling, ang modyul na ito ay dapat mo pang pag-aralan upang lubos mo itong maintindihan. Ngunit kung kuha mo naman ay 3 o pababa, huwag kang mag-alala ang modyul na ito ay para sa iyo. Nag-usap sina Gng. Cruz, Pepe at Frank. Frank: Salamat po, Gng. Cruz. Masarap ang bayabas at saka matamis ang tambis. Gng. Cruz: Uy! Mahusay ka nang mag-Filipino, Frank. May pang-ugnay pa. Pepe: Pang-ugnay? Ano po iyong pang-ugnay? Hindi alam ng anak ni Gng. Cruz ang pang-ugnay. Alam mo ba kung anu-anong mga pang-ugnay ang ginagamit mo sa pangungusap? Tingnan mo kung matutukoy mo. Pag-aralan Natin
  • 4. 185 Nag-usap sina Gng. Cruz at ang anak niyang si Pepe. Abala naman sa pagbabasa si Frank na anak nina G. at Gng. Joe at Katty Brown. Sila’y bagong kapitbahay nina Gng. Cruz, buhat sa Chicago, U.S.A. Gng. Cruz: Madaling matututo ng Filipino ang iyong kalarong si Frank. Pepe: Opo, nanay. Minsan lang niyang narinig sa akin ang salitang saka e nagaya na agad niya. Gng. Cruz: Iyon ang itinatanong mo sa akin kanina. Ang saka ay isang pang-ugnay tulad ng at, kapag, sapagkat, upang, dahil at iba pa. Ang mga salitang ito ay tinatawag na pang-ugnay. Hindi ba napag-aralan na ninyo iyon noong isang taon? Pepe: Natatandaan ko na po. At saka narinig ko na rin pong itinuro ninyo sa mga tinuturuan ninyong Amerikano na ama at ina ni William. Si Frank ay kasintalino rin ni William. Akala ko nga, puti at kayumanggi lamang ang matatalino. Ha! Ha! Ha! Gng. Cruz: Aba, naku hindi anak! Kahit anong lahi ay may marurunong at may mga mangmang. Pare-pareho tayong nilikha ng Diyos na may pag-iisip, nagkakaiba nga lamang sa kakayahan. Pepe: Bakit po may maitim at may maputi? Gng. Cruz: Ang mga tao sa mundo ay napapangkat sa iba-ibang lahi ayon sa kanilang sinilangan. Ngunit kahit ano pa ang kulay ng balat ng tao, dapat na igalang siya. Pepe: Iyan nga po ang sinabi ko sa aking mga kalaro kaya hindi nila tinutukso si Frank. Nakikipaglaro na rin sila sa kanya. Gng. Cruz: Salamat, Anak, at marunong kang gumalang sa iyong kapwa, kahit sino siya.
  • 5. 186 Unawain mo: 1. Ano ang kulay ng balat ni Frank? _____________________________ 2. Ano ang maling akala ni Pepe noong una? ____________________ 3. Ano ang magandang ugali ni Pepe na dapat parisan? _____________ May salungguhit ang mga salitang nag-uugnay sa sumusunod na mga pangungusap. Pag-aralan kung paano ginagamit ang mga ito sa pangungusap. 1. Si Frank ay kaibigan ni Pepe at siya ay isang dayuhan. 2. Si William at Frank ay parehong Amerikano ngunit magkaiba sila ng kulay. 3. Lahat tayo’y may pag-iisip sapagkat pantay-pantay tayong nilikha ng Diyos. Pansinin ang tungkuling ginagampanan ng at, ngunit, at sapagkat, sa mga pangungusap na iyong binasa. Subuking basahin ang mga pangungusap nang wala ito. Hindi ba higit na malinaw kung ginagamitan ng pang-ugnay? at – ay ginagamit para mapag-ugnay ang pangalan ng dalawang tao, bagay, pook at iba pa. Ginagamit din ito sa tambalang pangungusap na iniugnay ang dalawang sugnay na makapag-iisa. Hal. Si Dina ay mabait at siya ay matalik kong kaibigan. ngunit – ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang sugnay na pinaghahambing ang dalawang diwa. Karaniwa’y panalungat ang gamit ng ngunit. Hal. Si Bea Alonzo ay maganda ngunit si Angel Locsin ang pinakamaganda. sapagkat, dahil – ginagamit sa sugnay na nagpapaliwanag o nagbibigay ng katuwiran. Hal. Nagpapakahirap ako dahil ibig kong matupad ang aking pangarap.
  • 6. 187 Narito ang ilan sa mga kataga o lipon ng mga salitang ginagamit na pang-ugnay sa tambalan at hugnayang pangungusap. Upang lubos mo pa itong maintindihan subukan mong sagutin ang bawat pagsasanay. Punan ng sumusunod na pang-ugnay ang mga patlang: subalit, at, kundi, sapagkat, dahil sa. Si Frank ___________ si Pepe ay magkapitbahay. Hindi marunong ng Filipino si Frank ___________ siya’y isang Amerikano. Natuutwa si Gng. Cruz sa mabuting pakikisama ni Pepe sa kanilang kapitbahay __________ magiging suliranin niya __________ sila’y mga dayuhan. Ang pantay-pantay na pagtingin sa kapwa kahit sino ay batid ni Pepe, __________ ang iba niyang kalaro ay hindi gayon. Mabuti naman __________ napangunahan na ni Pepeng pagsabihan ang kanyang mga kalaro __________ maaaring tuksuhin nila si Frank. __________ mabuting halimbawang ipinakikita ni Pepe, pinaparisan siya ng kanyang mga kalaro. Sinusunod siya ng kanyang mga kalaro __________ hindi siya mayabang. Kung ang kuha mo ay 8 o 9 sagutin mo na ang Mga Dagdag na Gawain. Kung ang kuha mo naman ay 7 o pababa, sagutin mo muna ang Gawain 1.A. Gawin Natin o maging nasa kundi dahil kaya ngunit bagaman sana subalit sakali datapwat kung kasi ni kung kaya sa kabuuan sa kabilang dako kung sakali sa kabila kung gayon sa wakas
  • 7. 188 Gawain 1.A Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot. ______ 1. Kailangan kita __________ tutulungan mo ako. a. kung b. sapagkat c. ngunit ______ 2. Ikaw ay napiling iskolar ng paaralan __________ si Jun ay minalas na hindi nakuha. a. at b. dahil c. ngunit ______ 3. __________ mahal kita, handa akong ipagtanggol ka. a. Ngunit b. Dahil c. Kaya ______ 4. Magsikap kayong mag-aral __________ maging maganda ang buhay ninyo. a. upang b. sapagkat c. kasi ______ 5. Ang tao ay di dapat mawalan ng pag-asa __________ siya ay may buhay. a. habang b. upang c. dahil
  • 8. 189 Masdan ang mga larawan. Bumuo ng mga pangungusap batay sa mga larawang na nasa ibaba, gamit ang iba’t ibang pang-ugnay na salita. 1. 2. 3. Mga Dagdag na Gawain
  • 9. 190 4. 5. Sa mga pagsasanay na iyong ginawa, ano ang natutuhan mo?
  • 10. 191 Gumamit ng wastong pang-ugnay upang maging malinaw ang pangungusap. Ang mga salitang pang-ugnay ay nag- uugnay ng salita, parirala, sugnay o pangungusap. Ang mga salitang nag-uugnay ay: o maging nasa kundi dahil kaya ngunit bagaman sana subalit sakali datapwat kung kasi ni kung kaya sa kabuuan sa kabilang dako kung sakali sa kabila kung gayon sa wakas Gamitan ng salitang pang-uugnay ang mga sumusunod na pangungusap. 1. Mayaman ang Saudi Arabia. Maraming langis dito. 2. Salat na salat sa tubig. Wala doong palagiang ilog. 3. Sukdulan ang init kung tag-araw. Gumagawa sila sa oasis. 4. Hindi siya pumasok kahapon. Walang mag-aalaga sa kanyang bunsong kapatid. 5. Magaling sumayaw si Mario. Napakahusay kumanta ng kanyang kapatid. Sariling Pagsusulit Tandaan Natin
  • 11. 192 Pagtapatin ang hanay A at B. Isulat ang titik ng tamang sagot. A B _____ 1. Hindi tayo lalakad. a. dahil sa pag-ulan. _____ 2. Maraming mga bayan ang lumubog b. pero ayaw naman niyang patulong. _____ 3. Tayo ay magiging magkaibigan c. kapag uulan. _____ 4. Ibig ko siyang tulungan d. hanggang sa wakas ng panahon. _____ 5. May kayamanan nga sila e. ngunit wala namang kaibigan. Maligayang bati sa iyo! Natapos muna ang modyul na ito. Pagyamanin Natin
  • 12. 193 Subukin Natin 1. kung maaari 2. maging sino ka man 3. Upang umunlad 4. kung sasama ka rin 5. Ako o ikaw Gawin Natin Si Frank at si Pepe ay magkapitbahay. Hindi marunong ng Filipino si Frank sapagkat siya’y isang Amerikano. Natutuwa si Gng. Cruz sa mabuting pakikisama ni Pepe sa kanilang kapitbahay kundi magiging suliranin niya dahil sa sila’y mga dayuhan. Ang pantay-pantay na pagtingin sa kapwa kahit sino ay batid ni Pepe, subalit ang iba niyang kalaro ay hindi gayon. Mabuti naman at napangunahan na ni Pepeng pagsabihan ang kanyang mga kalaro sapagkat maaaring tuksuhin nila si Frank. Dahil sa mabuting halimbawang ipinakikita ni Pepe, pinaparisan siya ng kanyang mga kalaro. Sinusunod siya ng kanyang mga kalaro sapagkat hindi siya mayabang. Gawain 1 A 1. b 2. c 3. b 4. a 5. a Mga Dagdag na Gawain (Ipawasto sa guro ang iyong mga sagot.) Sariling Pagsusulit Pagyamanin Natin 1. dahil 1. c 2. at 2. a 3. kaya 3. d 4. sapagkat/dahil 4. b 5. ngunit 5. e Gabay sa Pagwawasto