Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
1. 51
Module 5
6666
Filipino
Mga Salitang Magkatulad ang Baybay
Ngunit Magkaiba ang Kahulugan
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
2. 52
Isa na namang bagong aralin para sa iyo! Handa ka na ba?
Sa wikang Filipino may mga salitang magkatulad ang baybay
subalit magkaiba ang kahulugan. Sa araling ito, matutuhan mo ang
pagkikilala sa mga salitang ito at pagbibigay ng kahulugan ng mga
ito.
Isulat ang pares ng mga salitang iisa ang baybay ngunit
magkaiba ang bigkas at kahulugan. Ibigay ang kahulugan ng mga ito
ayon sa gamit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang damá ng lahat ay nais maglibang ng mga dàma sa palasyo.
2. Matamis ang tubó kung kaya’t iwasang matamaan ng tubo.
3. Alagaan mong mabuti ang baka, baká magkasakit.
4. Punô ng bunga iyang punò.
5. Madaling mababawi ng kalaban, kung pito lamang ang lamáng.
Subukin Natin
Sa Mag-aaral
Mga Dapat Matutuhan
3. 53
Tapos ka na? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa
Pagwawasto. Kung 4 o 5 pares ng salita ang nakuha mo at nabigyan
mo ng tamang kahulugan, magaling ka! Magpatuloy ka na sa susunod
na modyul.
Kung 3 o mas mababa pa ang nakuha mo, huwag mag-alala.
Para sa iyo ang modyul na ito. Magpatuloy ka.
Nasubukan mo na bang mangako? Ano ang dapat mong gawin
kung ikaw ay nangangako? May himala ba sa pangako?
Basahin mo ngayon ang kuwento tungkol sa isang taong
nangako. Alamin mo kung ano ang himala sa kanyang pangako.
Bago mo basahin ang kuwento, alamin mo muna ang kahulugan
ng sumusunod na mga salita.
Salita Kahulugan
1. mabisa malakas; epektibo
2. napipikon nagagalit; nagdaramdam
3. mag-aaya mag-aanyaya
4. ganid sakim; gahaman
5. himala milagro; hiwaga
HIMALA NG PANGAKO
Naghain si Nana Itang ng hapunan nang maalaala niya ang anak
na si Ando.
“Kung naririto sana si Ando tiyak na ayos na ang aming
taniman,” nasambit niya sa sarili.
Ilang sandali pa at masaya nang naghahapunan ang mag-anak.
Ang bunso nilang si Ines ang nagtanong.
Pag-aralan Natin
4. 54
“Itay, ano kaya ang kinakain ni Kuya Ando sa oras na ito?
Kasinsarap kaya ng sinigang na manok ni Inang?”
Tumingin muna si Tata Sendo sa asawa at pagkatapos ay sa
matabil na si Ines, bago nagsalita.
“Naku, siguradong ubod nang sarap. Isipin mong bakang
malalaki raw ang pinapatay roon at iniluluto para sa mga
manggagawa. Ibig ko na rin yatang sumunod sa Kuya Ando mo, a.”
“Sige, nang hindi na tayo makapagbukid,” nakalabing sagot ni
Nana Itang.
“Itong si Itang. Aanhin pa ang bukid ay dolyar na ang
tinatanggap mo sa bangko buwan-buwan.”
“Dolyar? Wari ko’y katulad ka na ng iba riyan na sinasanto ang
dolyar,” wika ni Nana Itang sabay tindig para sumandok ng kanin.
“Napipikon ang inyong ina kapag napag-uusapan ang pagtungo
sa ibang bansa,” bulong ni Tata Sendo sa dalawang anak.
“Mangyari po, Itay,” simula ni Ino, “mahirap po ang hiwa-
hiwalay.”
“Tama ka, Ino.” Sabad ni Nana Itang na dala ang pinggan ng
kanin. “Biro mo kung naririto ang Kuya Ando ninyo tiyak na
nakahanda na ang ating taniman ng kamatis.”
“Itang, ako’y pupunta na sa Ibayo. Mag-aaya ako ng mga tao
para sa palusong bukas,” sabi ni Tata Sendo habang kinukuha ang
sambalilo sa sabitan.
Kinabukasan, nagising ang magkapatid na Ino at Ines sa pag-
uusap ng mga lalaki sa loob ng kanilang bakuran.
5. 55
“Tila malapad ang tatamnan mo ng kamatis, ha, Pareng Sendo,”
puna ng isang magsasaka.
“Ang lagay ay dodoblehin ko ang lapad kaysa sa tinamnan ko
noong isang taon,” sagot ni Tata Sendo.
“Naiinggit po marahil kayo sa mga nagkakwarta sa kamatis
noon,” sabad naman ng isang binata.
“Aba, e, hindi ako naiinggit. Ibig ko lamang makatulong para
pakinabangan ang pabrika sa pagsasalata ng katas ng kamatis,” sabi
ni Tata Sendo habang naghahasa ng itak.
“Alam ninyo, malaki ang naging puhunan ng pamahalaan para
itayo ang pabrika. Kailangang umani tayo ng maraming kamatis. Sa
gayo’y makatutulong tayo sa ginagawang pag-ahon ng ating bansa sa
ating kalagayang pangkabuhayan sa ngayon,” dugtong pa niya.
“Balita ko’y dalawa na raw ang ganitong uri ng pabrika. Aba’y
kailangang umani tayo ng maraming kamatis dito sa Luzon,” sabad
ng isang matanda.
Naputol ang pag-uusap ng mga magsasaka nang tumawag si
Nana Itang.
“Halina muna kayo’t nang makapagkape.”
“Aba, baka hindi hindi na kami makapagtabas, a. Ang sarap
namang almusal nito.”
“Ano ba naman iyan. Daing at saging,” may himig paghingi ng
paumanhing wika ni Tata Sendo.
“Ang lalaki niyan, a! Buti ka pa Pareng Sendo, nakatitiba pa ng
ganitong latundan,” wika ng isang matanda.
“Tata, magaling po ang sagingan ni Pareng Sendo. Nasa tabi kasi
ng ilog. Di gaanong dinaramdam ng mga ito ang mahabang tag-
araw.”
“Ako nga’y nagtataka sa ating panahon ngayon. Ubod nang
damot ng ulan.”
“Nagtataka pa po ba kayo? Kalbo na po ang ating mga bundok,”
sagot ni Tata Sendo. “Dangan na nga lamang po at wala na akong
magagamit na kamatisan. Kung hindi’y pinamalagi ko na sana ang
mga kahoy sa aking kainginan.”
“Alam mo ba, Ka Sendo, tinatamnan ko ang mga gilid ng pilapil
ng ipil-ipil. May nakukuha na akong pagkain para sa baka ay may
panggatong pa ako.”
“Biro ba ninyong ang tawag nila sa akin diyan sa pook ngayon ay
Tandang Juliang maramot, ganid, swapang, at kung anu-ano pa”.
“Mangyari raw nama’y ayaw kayong magpalagari ng kahoy doon
sa lupa ninyo sa Hulo. Kahit daw alukin kayo ng bayad ay ayaw
ninyong pumayag.”
6. 56
“Pare, kapag nagbigay ako, tiyak na darating ang panahon na
magkakaroon tayo ng napakahabang tag-araw. Kapag nagkagayo’y
paano tayo? Parami tayo nang parami. Pati na ang mga ibon ay
mawawalan ng hapunan.”
Tumahimik ang mga magsasaka. Waring natauhan sila sa sinabi
ni Tandang Julian.
Lumipas ang mga araw at linggo. Ang hinihintay na ulan ng mga
taga-Talahib ay di dumating. Halos malalaki na ang punlang kamatis
ng mga taganayon.
Nagtatag na ng lutrina ang mga kabataan. Gabi-gabi’y
nagpuprusisyon sila sa paligid ng nayon sa pag-asang diringgin ng
Maykapal ang kanilang panalanging na umulan.
May nabalitaan sila tungkol sa isang matandang taga-Lubang. Sa
pamamagitan daw ng panalangin ng matandang ito, nagkakaroon ng
ulan sa lugar niya. Binalak nilang puntahan ang matanda upang
itanong kung ano ang panalangin ginagamit niya.
“Hamak pa ba ang ginagawa ninyong pagdarasal,” wika ni Nana
Itang. “Kung talagang uulan, uulan.”
“Sa palagay ko’y kailangang mangako tayong di na natin sisirain
ang kagubatan. Ang ibig kong sabihin ay dapat na iwasan natin
hangga’t maaari ang pagkakaingin,” payo ni Tata Sendo.
“Totoo po bang may diwata na nag-aalaga ng kagubatan sa ating
lugar?” usisa ni Ines.
“Maaaring mayroon. Ngunit higit na magiging mabisa ang aking
agimat,” pagmamalaki ni Tata Sendo.
“Ano po ang agimat ninyo, Tatay?” tanong ni Ines.
“Ang agimat ko’y ang pangakong di na magkakaingin pa,” sagot
ni Tata Sendo at ginulu-gulo ang buhok ng kanyang bunso.
“Itay! Itay!: humahangos na sigaw ni Ino. “ Nagdidilim na po ang
kalangitan. Tila po babagsak ang ulan.”
Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Bakit ayaw ni Nana Itang na pag-usapan ang tungkol sa
pangingibang bansa?
2. Sa anong paraan nagtutulungan ang mga magkakanayon?
3. Mahalaga bang magtulungan ang mga tao? Bakit?
7. 57
4. Paano ipinakita ni Tata Julian ang kanyang pagmamalasakit sa
kanyang mga kanayon?
5. Ano ang himala sa pangako ni Tata Sendo?
6. Ano ang mensaheng hatid ng kuwento?
Narito ang ilang pangungusap na hango sa kuwentong iyong
binasa. Basahin mo. Pansining mabuti ang mga salitang may
salungguhit.
A. Naghahain si Nana Itang ng hapunan nang maalaala niya ang
anak na si Ando.
Pati ang mga ibon ay mawawalan na ng hapunán.
B. Ang lalakí niyan, a! Buti ka pa, Pareng Sendo nakatitiba pa ng
ganitong latundan.
Nagising ang magkapatid na Ino at Ines sa pag-uusap ng mga
lalaki sa loob ng kanilang bakuran.
• Anu-anong mga salita ang sinalungguhitan sa mga pangungusap
sa A at B?
o hapunan at hapunán; lalakí at lalaki
• Ano ang napansin ninyo sa mga salita?
o magkatulad ang kanilang baybay
• Batay sa gamit ng mga salita sa pangungusap, magkatulad kaya
ang kanilang kahulugan?
o Hindi. Magkaiba ang kanilang kahulugan.
o hapunan – ay nangangahulugang panghapong pagkain
o hapunán – ay nangangahulugang punong ginagawang
pahingahan ng mga ibon pagdating ng hapon
o lalakí – ay nangangahulugang tutubo at magiging malaki
o lalaki – ay nangangahulugang anyo
• Bigkasin mo ang mga salita. Magkatulad ba ang kanilang bigkas?
o Hindi rin magkatulad ang kanilang bigkas. Kung nalilito ka
sa kanilang bigkas, maaari kang magpatulong sa iyong
guro.
8. 58
⇒ Maraming salita sa wikang Filipino ang magkatulad ang baybay
ngunit magkaiba naman ang diin at kahulugan. Ang diin ay ang
bigat sa isang pantig ng salita kapag binibigkas ito. Ito ay
nagpapabago sa bigkas ng salita. Kapag nabago ang bigkas
nagbabago rin ang kahulugan nito. Ang mga salitang binanggit
sa itaas ay halimbawa nito.
Basahin ang mga pangungusap. Bigkasin nang wasto ang pares
ng mga salitang nakalimbag nang pahilig at ibigay ang kahulugan ng
bawat isa. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang kanyang balát ay marumi dahil may marami itong galos at
balat.
2. Umupo muna siya sa bangkò habang naghihintay dahil may
maraming tao sa bangko.
3. Makulay ang bata na suot ng batà.
4. Kayá siya nakapagtapos dahil kaya ng kanyang mga magulang
na itaguyod ang kanyang pag-aaral.
5. Alagaan mo ang baka; bakâ mangangayayat.
Gawin Natin
- hayop na kinakatay at inilalaga
- magagawa
- nilalagakan ng pera
- paslit
- isang mantsa o marka sa balat ng katawan
- upuan
- ekspresyong ginagamit sa pagpahayag ng pag-aalinlangan
- damit na ginagamit sa pagkatapos maligo
- salitang ginagamit sa pag-uugnay ng dahilan at bunga
- bagay na tumatakip sa buong katawan
9. 59
Tapos ka na? Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa
Pagwawasto. Ilan ang iskor mo? Kung 8-10 ang nakuha mo,
magpatuloy ka na sa Mga Dagdag na Gawain. Kung hindi naman
subukan mo munang sagutin ang Gawain I-A.
Gawain I – A
Basahin ang bawat pares ng pangungusap sa ibaba. Piliin ang
mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas. Ibigay ang
kahulugan ng mga ito ayon sa gamit sa pangungusap. Hanapin ang
mga kahulugan mula sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Ang punò ng akasya ay itinumba ng bagyo.
Isara mo na ang mga gripo kapag punô na ang balde.
2. Muling sumikat ang mga tala sa langit pagkatapos ng bagyo.
Ayon sa mga nakuhang tala, masasabing mas marami ang
naghihirap ngayon.
3. Iilan na lamang sa kabataang babae ang nananatiling
konserbatibo.
Lamang na ang sampu ang iskor ng Ginebra laban sa Phone
Pals.
4. Unang ipinagdiwang ang Dinagyang sa Iloilo noong 1967 bilang
isang bersyon ng Ati-Atihan.
Bilang ng guro ang kanyang mga mag-aaral na nanonood ng
palabas.
- pagkatapos
- pagbubukid, taniman
- alam ang dami, tapos nang bilangin
- parang, tulad ng
- tangi
- kahigitan
- ulat, listahan
- makinang at malaking bituin
- apaw, sagad
- katawan ng kahoy
10. 60
5. Malawak ang saka ni Mang Ambo sa probinsiya.
Nagtrabaho siya ng dalawang taon sa Pilipinas at saka siya
nangibang bayan.
Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ano ang
iskor mo? Magpatuloy ka na sa Mga Dagdag na Gawain.
Basahin ang bawat pares ng pangungusap. Isulat ang mga
salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas sa sagutang
papel. Ibigay ang kahulugan ng mga ito. Piliin ang sagot sa talaan sa
ibaba.
1. a. Tinubos ni Kristo ang sala ng mga tao.
b. Nagkatuwaan ang mga bata sa sala.
2. a. Tingnan ko nga kung kaya mo ito.
b. Nawala ang pitaka niya kaya siya umiyak.
3. a. Tayo na ngang umuwi at gabi na.
b. Hindi ka pa ba aalis? Tayo ka na agad!
Ihambing ang iyong sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ano ang
iskor mo?
Mga Dagdag na Gawain
tayo – ako, ikaw, siya
kaya – magagawa
sala – kasalanan
tayo – tindig
kaya – ekspresyong nag-uugnay ng
dahilan at bunga
sala – bahagi ng bahay na tinatanggapan
ng panauhin o pinag-uumpukan
ng mag-anak kung nagkakatuwaan
11. 61
May mga salitang iisa o pareho ang baybay ngunit magkaiba
ang bigkas at magkaiba rin ang kahulugan. Makukuha ang
kahulugan ng mga ito ayon sa gamit.
Matapos mong sagutin ang mga gawain, sagutin ang tanong sa
ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
Paano mo naibibigay ang kahulugan ng mga salitang iisa ang
baybay ngunit magkaiba ang kahulugan?
Magpatuloy ka…
Basahin ang bawat pares ng pangungusap sa ibaba. Isulat ang
mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas. Ibigay ang
kahulugan ng mga ito ayon sa gamit sa pangungusap. Hanapin ang
tamang kahulugan mula sa kahon. Gawin ito sagutang papel.
Sariling Pagsusulit
Tandaan Natin
buhay – nabuhay
buhay – pananatili sa daigdig ng isang tao
puno – katawan ng kahoy
puno – sagad, apaw
malaman – mabatid
malaman – maraming laman
saya – tuwa, galak
saya – palda, pang-ibabang damit
paso – lalagyan ng halaman
paso – lapnos
12. 62
1. Buhay na lahat ang mga itinanim niyang punong kahoy.
Mahirap din ang buhay ng mga magsasaka.
2. Ibig mo bang malaman ang sekreto niya?
Malaman ang inani niyang palay.
3. Ubod ng saya ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Punung-puno ng palamuti ang saya ng sagala.
4. Malaki ang pagawaan ng paso ng mga Monteverde.
Napaiyak sa hapdi ang bata sa pasong natamo nito.
5. Matatayog at malalabay ang sanga ng punong balete.
Puno ng pasahero ang mga pampublikong sasakyan.
Tingnan ang tamang sagot sa Gabay sa Pagwawasto. Ilan ang
nakuha mo? Kung 8-10 ang nakuha mo, magaling ka! Magpatuloy ka
na sa susunod na modyul. Kung hindi naman, sagutin mo muna ang
Pagyamanin Natin.
Piliin sa mga salitang nasa loob ng panaklong ang kahulugan ng
salitang nakasulat nang pahilig. Isulat ang titik ng wastong sagot.
Gawin ito sa sagutang papel.
1. a. Ang mga Pilipino ay likas na matulungin.
b. Lilikas ang mga tao sa mataas-taas na lugar dahil sa baha.
(a. sadya b. lilipat ng lugar c. titigil d. iiwan)
2. a. Dahil sa nagdaang bagyo, naging mahal ang mga bilihin
ngayon.
b. Mahal ni rosa ang kanyang mga magulang kaya sila ay
kanyang iginagalang.
(a. madaling mabili b. iniibig c. mataas ang halaga d.
kakaunti)
Pagyamanin Natin
13. 63
3. a. Buhay na ang itinanim kong mga gulay.
b. Naging buhay ang pagtitipon dahil sa kanyang pagdating.
(a. namatay b. natuyo c. nabuhay d. masigla)
4. a. Lahat ng kanyang mga kaibigan ay naawa sa aba niyang
kalagayan.
b. Aba! Dumating na pala si Kuya.
(a. nagulat b. nabigla c. kaawa-awa d. nagsaya)
5. a. Hindi nakapasok sa paaralan si Joan dahil siya ay may sakit.
b. Ang sakit na kanyang nadarama ay kanyang tiniiis.
(a. may karamdaman b. may pinuntahan
c. nagpahinga d. paghihirap)
Tapos ka na ba?
Tingnan ang wastong kasagutan sa Gabay sa Pagwawasto.
Ilan ang nakuha mo?
Ngayon, handa ka nang magpatuloy sa susunod na modyul.
Binabati kita.
14. 64
Subukin Natin
1. damá – nadarama, damdam
dama – babaing abay
2. tubó – halamang pinagkukunan ng asukal
tubo – bakal na daanan ng tubig
3. baka – alagang hayop na pangsakahan
bakâ – salitang binibigkas upang ipadama ang pag-aalinlangan
4. punô – apaw, sagad
punò – katawan ng kahoy mula sa ugat
5. lamang – wala nang iba pa
lamáng – kahigitan
Gawin Natin
Gawain I
1. balát – bagay na tumatakip sa buong katawan
balat – isang mantsa o marka sa balat ng katawan
2. bangkò – upuan
bangko – nilalagakan ng pera
3. bata – damit na ginagamit sa pagligo
batà – paslit
4. kayá – salitang ginagamit sa pag-uugnay sa dahilan at bunga
kaya – magagawa
5. baka – hayop na kinakatay at inilaga
bakâ – ekspresyong ginagamit sa pagpahayag ng pag-alinlangan
Gawain I-A
1. puno – katawan ng kahoy
punô – apaw, sagad
2. tala – makinang at malaking bituin
tala – ulat, listahan
3. lamang – tangi
lamang – kahigitan
Gabay sa Pagwawasto
15. 65
4. bilang – parang, tulad ng
bilang – alam ang dami, tapos nang bilangin
5. saka – pagbubukid, taniman
saka – pagkatapos
Mga Dagdag na Gawain
1. sala – kasalanan
sala – bahagi ng bahay na tinatanggapan ng mga panauhin
2. kaya – magagawa
kaya – ekspresyong ginagamit sa pag-uugnay ng sanhi at bunga
3. tayo – ako, ikaw, siya
tayo – tindig
Sariling Pagsusulit
1. buhay – nabuhay
buhay – pananatili sa daigdig ng isang tao
2. malaman – mabatid
malaman – maraming laman
3. saya – tuwa, galak
saya – palda, pang-ibabang damit
4. paso – lalagyan ng halaman
paso – lapnos
5. puno – katawan ng kahoy
puno – sagad, apaw
Pagyamanin Natin
1. a. a
b. b
2. a. c
b. b
3. a. c
b. d
4. a. c
b. a
5. a. a
b. d