Pang-angkop
Pang – angkop ang tawag sa mga
katagang nag- uugnay ng isang salita sa
kapuwa salita. Ito ay ang na, ng, at g.
Ang pang- angkop na na ay ginagamit kung
ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
katinig.
Mga halimbawa:
malakas na bagyo
takot na mamamayan
Ang pang- angkop na ng ay ginagamit
kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa
patinig.
Mga halimbawa:
bagyong malakas
malaking pinsala
Ang pang- angkop na g ay ginagamit o
idinurugtong sa mga salitang nagtatapos sa
letrang n.
Mga halimbawa:
mamamayang nabulabog
mga tahanang nasira

Pang- angkop