1. YUNIT 3: MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG
MGA PILIPINO
2. Panimula
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng komunikasyon sa pang-araw-
araw na pakikipagsapalaran ni Juan dela Cruz sapagkat nag-iiwan ito ng
kakintalang maaaring magdulot ng karanasang magpapatakbo ng
kanyang buhay. Ang mga sumusunod na paksa ay mga gawaing
pangkomunikasyon na karaniwan subalit mahalaga sa buhay ni Juan:
(1) Tsismisan
(2) Umpukan
(3) Talakayan
(4) Pagbabahay-bahay
(5) Pulong-bayan
(6) Komunikasyong di-berbal
(7) Mga ekspresyong lokal
4. Tsismisan o Pagsagap ng
Alimuom
Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang
pakikipagtsismisan o ang pakikipagkwentuhan sa
buhay-buhay at mga pamumuhay ng ibang tao.
Kadalasan na makikita ang gawaing ito ng dalawa o
higit pang tao sa tabi ng lansangan, sa palengke, sa
tindahan, maging sa mga tanggapan na pinapasukan
ng mga manggagawa sa mga panahong sila ay libre o
walang ginagawa.
5. Tsismisan o Pagsagap ng
Alimuom
Sa katotohanan ng buhay, ang salitang tsismis ay may negatibong
implikasyon sa taong gumagawa nito at maging sa taong paksa ng
tsismis Ang tsismis ay tumatalakay sa isang akto ng pagsisinungaling,
pag-imbento ng kwento, pagmamalabis, bagamat kung minsan ay may
halong katotohanan. Kadalasang kaakibat ng salitang tsismis ang
pagyurak sa reputasyon ng ibang tao sa pamamagitan ng walang
batayang paghuhusga sa kasalanang diumano ay kanilang ginawa
katulad ng homosekswalidad, karahasan, paniningalang pugad,
pagiging disgrasyada at kung ano-ano pang mga negatibong
pagpaparatang.
6. Tsismis laban sa
Katotohanan
Sa kasalukuyang panahon na ang tsismis ay naglelevel up sa
pamamagitan ng information technology gamit ang social media
katulad ng facebook, twitter, instagram, at iba pa, higit na naging
mahirap na matukoy kung alin ang totoo at alin ang tsismis, alin
ang totoong balita at alin ang fake news. May mga taong
mapanuri sa mga impormasyong kanilang natatanggap subalit
mayroon din namang mabilis maimpluwensyahan at maniwala.
7. Tsismis laban sa
Katotohanan
Delikado ito sapagkat higit na mabilis na kumalat ang
mga balita sa kasalukuyang panahon. Isang click lamang
sa mouse ng computer ay agad ka ng makatatanggap ng
balita na hindi katulad noong hindi pa uso ang
teknolohiya na ginagamit natin sa kasalukuyan na
kailangan mo pang bumilang ng araw, buwan o taon
upang matanggap mo ang isang balita.
8. Tsismis laban sa
Katotohanan
Ayon sa maraming pagtataya, ang mga Pilipino ang
itinuturing na isa sa may pinakamahabang oras na
inilalaan sa paggamit ng internet sa buong mundo,
na ang pokus ay ang social media higit sa mga site na
pang-akademiko. Facebook ang nangungunang social
media platform na pinangatlohan ng Youtube at
panglima ang Twitter, Google at Yahoo ang nasa
ikalawa at ikatlong ranggo.
9. Legal na Aksyon at mga Patakaran
na Kaugnay ng Tsismis
Bagamat marami ang nagsasabi na ang tsismisan ay
normal lamang sa mga Pilipino kaya dapat magkaroon ng
proteksyon sa batas gamit ang probisyon ng Saligang
Batas tungkol sa kalayaang magpahayag at ng press
bilang sanligan, masasabi na hindi naman ito isandaang
bahagdan na pinapaboran. Anumang kalayaan at
karapatan ay may kaakibat na tungkulin o responsibilidad
sa tao o lipunan. Kung ang pagpapahayag ay nauuwi na
sa tsismisan at mga paninirang puri, dapat itong kalusin
at wakasan.
10. Legal na Aksyon at mga Patakaran
na Kaugnay ng Tsismis
Kinikilala ng ating Kodigo Sibil ang karapatan ng bawat isa na maproteksyunan
ang kanyang dignidad, personalidad, pribadong pamumuhay, at kapayapaan ng
isip. Sinasabi sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na magkakatulad na akto,
bagamat hindi maituturing na krimen, ay maaaring makabuo ng isang dahilan
ng aksyon (cause of action) para sa mga danyos, pagtutol, at iba pang
kaluwagan:
(1) Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
(2) Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya
ng iba;
(3) Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iniiwasan ng
kanyang mga kaibigan;
(4) Pang-aasar o pamamahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang
pangrelihiyon, mababang antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal
na depekto, at iba pang personal na kondisyon.
11. Legal na Aksyon at mga Patakaran
na Kaugnay ng Tsismis
Ayon sa Artikulo 353, ang libelo ay isang pampubliko at
malisyosong mga paratang sa isang krimen o isang bisyo 'o
depekto, na maaaring makatotohanan o kaya ay haka-haka, o
anumang kilos, pagkukulang, kondisyon, katayuan, o kalagayan
na naging dahilan ng kasiraang-puri, pangalan, o pagpapasala
sa isang likas o huridikal na tao, o upang masira ang alaala ng
isang namayapa na (salin mula sa Artikulo 353, RPC).
Itinuturing na libelo ang isang akto kung ang mga paninira sa
pinaraan sa pasulat o broadcast na midyum, samantalang oral
defamation naman kung ang gagamitin na midyum ay pasalita.
12. Ayon kay Liam (2016) sa kanyang artikulo na ang tsismis ay isang anyo
ng talumpati kung saan ang kaalaman sa kasanayang superbisyon ay
umiinog sa kontekstong pang-akademiko. Kanyang binigyang diin na ang
tsismis ay makatutulong sa superbisyon at anyo ng ugnayang panlipunan
at dulog para sa integral na kaalaman sa epektibong superbisyon.
Ayon kina Akyon, Yozgat at Ayas (2015) ang tsismis o tsismisan ay kilala
bilang mga di opisyal na pagpapalitan ng mensahe ng mga manggawa.
Dala ng masamang reputasyon nito sa mga establisyimento, ang tsismis
ay pinaniniwalaang nagdadala ng mga alingasngas sa bawat tao.
Mga Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura hinggil sa Tsismis
13. Ang antas ng tsismis ay tumataas lalo na kung ang mga indibidwal sa organisasyon
ay hindi nabibigyan ng sapat na impormasyon sa mga paksa na mahalaga para sa
kanila. Sa kabilang dako, sinuri nina Nwogbaga, Nwanko, at Onwa (2015) sa
kanilang papel kung paanong ang tunggalian at krisis ay maiiwasan sa
pamamagitan ng pormal na komunikasyon.
Ang kanilang pag-aaral ay ibinatay sa mga usaping karaniwang kinakaharap ng
mga eskwelahan bunga ng impormal na proseso ng komunikasyon. Ayon sa kanila,
hindi naman ito nangangahulugan na ang pormal na proseso ng komunikasyon ay
hindi makapagdudulot ng usapin o krisis.
Ayon kay Ting-Toomey (1979) ang tsismis ay isang proseso ng komunikasyon
kung saan ang impormasyon hinggil sa mga aktibidad ng isang tao ay inilalantad at
pinaiikot sa ekslusibong paraan sa dalawa o higit pang tao.
Mga Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura hinggil sa Tsismis
14. Pinaniniwalaan ni Klinghoffer (1994) na ang tsismis ay hindi naman
lantarang mali. Sinabi niya na ang ordinaryong tsismis ay hindi masama.
Sinabi niya na kailangan na tingnan o suriin din ang mga kapana-panabik
na paghahabol (claims).
Iminungkahi nina Guerin at Miyazaki (2006) na ang pangunahing layunin
ng tsismis ay hindi ang pagbibigay ng impormasyon sa mga nakikinig
kundi ang magbigay ng aliw o kuhanin lamang ang atensyon ng mga
tagapakinig upang mapaganda ang ugnayang panlipunan. Sa ganitong
kaparaanan ay mababago ang pananaw ng tao sa tsismis at magkakaroon
ito ng magandang implikasyon mahalaga sa katangian ng
pakikipagtalastasan.
Mga Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura hinggil sa Tsismis
16. umpukan
Ang salitang umpukan ay tumutukoy sa maliliit na pangkat o grupo
ng tao na nag-uusap tungkol sa mga usaping may interes ang bawat
kasama sa pangkat grupo. Maaaring ang pinag-uusapan ay may
kabuluhan sa kanilang personal na buhay, sa buhay ng ibang tao, o
mga kaganapan sa lipunan sa loob man o labas ng bansa.
Impormal ang talakayan sa umpukan sapagkat bawat kasama sa
pangkat ay malayang makapagpapahayag ng kanilang saloobin
hinggil sa paksa na pag- uusapan. Walang tiyak na direksyon at wala
ring totoong pinuno sa loob ng mga pagtalakay.
Sa kalye ay may umpukan ng kabataan, sa harap ng tindahan ay mga
kababaihan, sa parlor ay mga parlorista, sa sabungan ay grupo ng
mga kalalakihan.
17. umpukan
Ang mga estudyante man ay maaari ring gumawa ng sariling umpukan na
tumatalakay sa mga personal na buhay katulad ng suliranin sa pamilya,
larong nagustuhan sa online, mga napupusuang bagay.
Sa trabaho man ay nagkakaroon din ng pagkakataon na mag-umpukan ang
mga manggagawa sa mga panahon o oras na sila ay libre o walang ginagawa.
Karaniwang pinag-uusapan ang mga mahahalagang bagay na may kaugnayan
sa kanilang trabaho katulad ng sweldo, polisiya, uri ng pamumuno ng mga
administrador, mga problemang kinahaharap sa mga kasamahan.
Kung titingnan ang daloy ng komunikasyon na namamagitan sa mga
kasangkot sa umpukan, maaaring sabihin na angkop gamitin ang modelong
interaktibo ng komunikasyon.
18. umpukan
Inilalarawan sa modelong ito ang dalawang linyar na modelo na nakasalansan sa ibabaw ng bawat isa. Ipinahahatid ng
tagapaghatid (encoder) ang mensahe sa tagatanggap (receiver) hanggang sa ang dating tagapaghatid (encoder) ay siyang maging
tagatanggap (decoder) at ang dating tagatanggap (decoder) ay siyang maging tatagapaghatid (encoder). Mahalaga ang tugon
(feedback) sa modelong ito ng komunikasyon sapagkat pinatatag nito ang paniniwala na ang proseso ng komunikasyon ay
dalawa ang daan (two way)
20. Talakayan
Isa pa sa mga gawaing kinahihiligan ng mga Pilipino ay ang talakayan. Tumutukoy ito sa
proseso ng pag-uusap o pagpapalitan ng ideya para sa isang nararapat o mahalagang desisyon.
Higit itong pormal kung ihahalintulad sa komunikasyong nagaganap sa umpukan sapagkat
mayroong nakatalagang tagapangasiwa sa daloy ng komunikasyon sa talakayan na hindi
makikita sa proseso ng komunikasyon sa umpukan.
Mahalaga ang talakayan sa loob ng klase sapagkat nagbibigyan nito ng pagkakataon ang bawat
mag-aaral upang makapagpahayag at magbigay ng kani- kanilang mga kuro na mahalaga sa
pagkatuto ng bawat isa. Sa tulong at gabay ng dalubguro ay nagaganap ang proseso ng
pagsasalin ng kaalaman mula sa isang mag-aaral tungo sa isang mag-aaral, mula sa mag-aaral
tungo sa dalubguro, mula sa dalubguro tungo sa mga mag-aaral.
21. Talakayan
Mayroong tatlong dimension, ang talakayan: nilalaman,
proseso, mga kasangkot. Kadalasan na sa dimensyon ng
proseso ng pagtalakay nag-uugat ang suliranin sapagkat
mayroong mga mag-aaral na dominante na humahantong
sa punto na ang ibang kasangkot ay hindi na nabibigyan
ng pagkakataon na magpahayag ng kani-kanilang mga
punto. Ang suliraning ito sa talakayan ay maaaring
mabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng maayos na
pagpaplano at istruktura ng talakayan.
22. Talakayan
Sa kabilang dako, ang tagumpay sa talakayan katulad ng anumang sining ay mahirap bigyan
ng tiyak na pagpapakahulugan, bagamat may mga mangilan- ngilang katangian ng mabuting
pagtalakay ang isinaad sa www.speaking.pitt. edu/instructor/classdiscussions.html katulad
ng mga sumusunod:
(1) Aksesibilidad. Pagiging komportable ng mga mag-aaral sa kanilang partisipasyon sa
talakayan sa punto na walang pangamba na nangingibabaw sa kanilang mga pagpapahayag.
(2) Hindi palaban. May mga pagkakataon na nagiging mainit ang talakayan subalit hindi
dapat dumating sa punto na nawawalan ng magalang na tono paraan ng pagapahayag ng
bawat kasali sa talakayan; mainit ang pagtalakay subalit nananatili ang paggalang.
(3) Baryasyon ng ideya. Mahalaga ang baryasyon o ang pagkakaiba-iba ng pananaw ng mga
pahayag upang matamo ang higit na malalim na pagtalakay.
23. Talakayan
(4) Kaisahan at pokus. Mahalaga ang papel ng dalubguro o ng tagapamagitan
upang hindi mawala sa punto ng usapin sa kabilang ng mga baryasyon ng ideya
ipibahahayag sa malayang pagtalakay. Inilahad din sa nasabing site ang ilan sa
mga katangiang naglalarawan sa hindi magandang talakayan katulad ng mga
sumusunod:
(1) Limitado o bilang lamang ang mga mag-aaral nakikibahagi sa talakayan;
(2) Kung inuulit lamang ng mag-aaral ang sinabi ng dalubguro dahilan kung bakit
hindi natatamo ang baryasyon ng ideya ng mga kasali talakayan.
(3) Kung ang maraming ideya na ibinibigay ng mga mag-aaral ay hindi napag- iisa
ng tagapamagitan dahilan kung bakit lumalayo ang punto ng talakay sa totoong
pokus ng talakayan.
24. Mga Kaugnay na Pag-aaral at
Literatura
Pinaniniwalaan ng mga edukador ng Araling Panlipunan ang
mahalagang papel na ginagampanan ng talakayan bilang metodo ng
pagtuturo na makatutulong sa mga mag-aaral upang magkaroon ng
mataas na antas ng pag- iisip (higher-order thinking) at pag-unawa.
Sinabi sa artikulo ni Wilen (2004) na bagamat parehong epektibo ang
talakayan at ang recitation sa kanilang espisipikong gamit, ang
talakayan ay higit na angkop at epektibong metodo upang ang isang
mag-aaral ay maging rasyunal at magkaroon ng kakayahang gumawa ng
isang mahalagang desisyon para kabutihan ng higit na nakararami.
25. Kasama sa pagtalakay ni Wilen sa kanyang artikulo ang mga sumusunod
na karaniwang pagkakamali sa konsepto ng talakayan:
(1) Ang talakayan ay kinabibilangan ng dalubguro na nagbibigay ng
katanungan sa mga mag-aaral;
(2) Sapat ang oras na ibinibigay ng mga dalubguro sa kanyang mag-aaral
upang magmuni-muni, bumuo ng tugon, at ipahayag ito.
(3) Walang kakayahan ang dalubguro na isama sa talakayan ang mga mag-
aaral kung hindi nila nais na magbigay ng kooperasyon.
(4) Ang mga dalubguro ay walang kinikilingan sa tuwing hinihikayat nila
ang mga mag-aaral na magbigay ng bahagi sa talakayan.
(5) Hindi kaya ng dalubguro na maging obhektibo sa pagbibigay ng puntos
sa kanyang mga mag-aaral kung talakayan ang gagamitin na metodo ng
pagtuturo sa klase.
26. Ang talakayan ay wikang pampagtuturo na kinabibilangan ng
mataas na antas ng pagtatanong, at mga paglalahad na
ibinibigay ng dalubguro at mga mag-aaral at may tugon na
manggagaling sa kanilang dalawa upang magamit ang
kaalaman at mapukaw ang kritikal na pag-iisip upang ganap
na mapag-ibayo ang pag-unawa sa isyu, suliranin, at iba pang
nilalaman.
Hindi katulad ng recitation, ang talakayan ay
nangangailangan ng higit na mahabang panahon lalo na kung
ang usapin ay ngangailangan ng pokus o pagtuon ng pansin.
Hindi ito pagtugon sa simpleng tanong na ano ang nagyari,
kundi bakit ito nangyari.
27. Hindi rin ito simpleng pagsagot sa tanong na sinu-sino ang mga
tauhan, kundi anu-ano ang papel na ginagampanan ng tauhan at
bakit mahalaga ang mga papel na ito. Ang talakayan ay
nangangailangan ng higit na mataas na mga kognitibong katanungan
buhat sa dalubguro at nangangailangan ito ng sapat na oras ng
paglilimi upang ang mag-aaral ay makabuo ng ideya na maaari
niyang ibahagi sa buong klase o mga kamag-aaral.
Hindi dapat na maging hadlang ang pangamba ng mag-aaral na
magbahagi ng ideya at kaalaman sa mga kamag-aaral sa
pamamagitan ng talakayan. Dapat pumasok sa mga pagkakataong
ganito ang abilidad o ang kakayahan ng dalubguro na manghikayat sa
mga mag-aaral na ibahagi kung anuman ang kanilang nasa isipan
para sa isang mabungang talakayan.
28. Pinaniniwalaan nina De Costa, Bergquist, at Hollebeck (2015)
ang paniniwala ní Ragan (2009) na maraming unibersidad ang
nagdisenyo ng kursong pang-online na nagbibigay ng
kapangyarihan sa mga instroktor na maging tagapangasiwa
kaysa ang maging aktibong bahagi ng silid sa online. Sa kabilang
dako, pinaniniwalaan ng tatlo na kailangan din ang isang
aktibong kaligiran na nakatuon sa pagkatuto ng mga mag-aaral
upang maiwasan na mawalan ng halaga ang mga dalubguro at
bigyan sila ng inspirasyon na magkaroon ng mahalagang bahagi
sa mag-aaral bilang "gabay, tagapangasiwa, at dalubguro." Ayon
pa rin sa kanila, isa raw sa integral na sangkap ng prosesong ito
ay ang pagbuo ng epektibong pamamaraan ng pagbibigay ng
katanungan at mga gawaing pagtalakay sa klase.
29. Sa pag-aaral nina Lee at Martin (2017), kanilang sinabi na mahalaga ang
komunikasyon gamit ang media sa kasalukuyang panahon bagamat hamon na
maituturing ang hikayatin ang mga mag-aaral na maging aktibo sa mga talakayan
gamit ang online. Natuklasan nina Lee at Martin sa kanilang pag-aaral na may
animnapu't anim na edukador sa matematika at agham na pragmatiko o
praktikal ang kanilang pananaw sa talakayang online. Kung paghahambingin ang
panloob (intrinsic) at panlabas (extrinsic) na motibasyon sa pakikiisa sa
talakayang online, lumalabas na walumpo't lima at walumpu't walong bahagdan
(85.88%) ang nakikiisa sa talakayan dahil sa mga panlabas (extrinsic) na salik
tulad ng pag-ani ng katanggap-tanggap na marka para sa partisipasyon. Tungkol
naman sa porma ng talakayan, walumpo't isang bahagdan (81%) ang mas nais na
ang maliit na pangkat para sa talakayan. Tungkol naman sa pasilitasyon ng
pagtalakay, higit na malaking bahagdan (67.06) ang pabor sa pagkakaroon ng
instruktor kaysa sa paggamit ng online.
31. Pagbabahay-bahay
Isa pa sa mga mahahalagang gawaing pangkomunikasyon ng
mga Pilipino ay ang pagbabahay-bahay. Kinasasangkutan ito ng
indibidwal o higit pang maraming indibidwal na tumutungo sa
dalawa o higit pang maraming bahay upang isakatuparan ang
alinman sa kanilang mga layunin katulad ng pangungumusta sa
mga kaibigan o kamag-anak na matagal ng nang hindi nakita,
pagbibigay galang o pugay sa mga nakatatanda, paghingi ng
pabor para sa isang proyekto o solicitation, at marami pang iba.
Makalipunan ang gawaing ito sapagkat personal ang
pakikitungo ng tao na tuwirang nakikipag-usap sa iba pang tao.
32. Pagbabahay-bahay
Sa patuloy na paglakad ng panahon ay kasama nitong nagbago ang
mukha ng konsepto ng pagbabahay-bahay. Malayo man o hindi
nakikita ang mga kamag-anak ay maaari nang magkumustahan sa
pamamagitan lamang ng facebook, Instagram, messenger at iba
pang plataporma ng social media. Maaari na ring mamahagi ng
solicitation letter sa pamamagitan ng nabanggit na plataporma. Sa
kabilang dako, ang ebolusyon ng tradisyon ng pagbabahay-bahay
ay nagpapapakita na ang dating makalipunang (social) konsepto ay
naging di- makalipunan (anti-social) dahil nawala na ang personal
na pakikipagtalakayan.
33. Pagbabahay-bahay
Ang pagbabahay-bahay ay tradisyong nagpapamalas ng
mabuting pagpapa- kilala at pagtanggap ng mga panauhin na
sa mahahalagang okasyon sa buhay nating mga Pilipino,
katulad ng Pasko at Araw ng mga Kaluluwa.
Ang Pasko ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga
Kristyano sa pagsilang kay Hesukristo. Bawat bansa ay
nagbubunyi sa mahalagang kaganapang ito, subalit masasabi
na ang Pilipinas ay katangi-tangi dahil sa tanda ng
pagbubuklud- buklod ng pamilya at mabuting pagtanggap ng
panauhin sa kanilang mga gawain kaugnay nito.
34. Pagbabahay-bahay
Karaniwan na nagbabahay-bahay ang bawat pamilya upang magmano
at magbigay ng pagpapahalaga sa mga nakatatanda at mga kamag-anak
sa kahit na anumang paraan. Mayroon ding nagaganap na pamamahagi
at pagtanggap ng munting aginaldo para sa mga bata. Madaling araw pa
lamang ay gising na ang nakararami, tanda ng kanilang pananabik na
pumunta sa lahat ng bahay na maaari nilang puntahan bitbit ang
magagandang ngiti na umaangkop sa magagandang kasuotan na
inihanda sa mahalagang okasyong ito. Ito ay kaugaliang kinagisnan
minana natin sa ating mga ninuno at patuloy na magpapasalin-salin sa
mga susunod na henerasyon bagamat may mga modikasyon sa paraan
ng selebrasyon batay sa pagbabago at pangangailangan ng panahon.
35. Pagbabahay-bahay
Sa lumang pamamaraan ng pangangaluluwa, ang komunikasyon ay
pinadadaloy ng mga nangangaluluwa sa mga may-ari ng bahay sa
pamamagitan lamang ng kanilang musika. May karampatang halaga
na ibinibigay ang mga may-ari ng bahay sa bawat musikang handog
para sa mga kaluluwa.
Karaniwang mabilis ang daloy ng komunikasyon sa pagbabahay-
bahay dahil na rin sa layunin na makarami ng bahay na
mapupuntahan sa araw na iyon, subalit ang prinsipyong ito ay hindi
totoo sa iba na higit na pinahahalagan ang kalidad ng pakikipag-
usap sa mga taong kanilang pinupuntahan.
37. Pagbabahay-bahay
Ang isa pang mahalagang gawing pangkomunikasyon ng mga
Pilipino ay ang Pulong Bayan. Karaniwan itong isinasagawa
bilang isang anyo ng konsul tasyon sa mga mamamayan o
partikular na pangkat upang tugunan o paghandaan ang
isang napakahalagang usapin. Pinangungunahan ng lider ang
pagtalakay isang usapin na may kaakibat na pagpapahalaga s
ng mga taong kabahagi sa pag-uusap. May pagkapormal ang
mga pagtalakay sa opinyon at mga mungkahi nakapokus
lamang sa paksa na inihanda para sa espisipikong gawain na
ito - ang pulong bayan. 718.
38. Pagbabahay-bahay
Malaki ang papel na ginagampanan ng mga pagpupulong
bayan upang mabigyan ng katwiran at ngipin ang lahat ng
regulasyon at batas na nais nilang patupad lalong higit kung
ang mga ito ay may direktang epekto sa kanila bilang mga
mamamayang nagbabayad ng buwis. Bahagi ng proseso ng
pagbuo ng mga regulasyong ito ang konsultasyon sa tao at
publiko. Inbalido o walang bisa ang numang batas na
maaaprubahan kung walang isinagawang mga pagsangguni
ng mga mambabatas na nag-iisponsor nito.
39. Proseso sa Pagbuo ng Batas
Kaakibat ng tungkulin ng Kongreso sa pagbuo ng batas ay ang
pagtiyak na mapahahalagahan ang Saligang Batas ng Pilipinas sa
bawat isasagawang pagtalakay. Dalawang pangunahing dokumento
ang nararapat na ilabas ng kongreso sa proseso ng pagbuo ng
batas: ang panukalang batas (bills) at mga resolusyon (resolutions).
Tinutukoy ng resolusyon ang mga prinsipyo at pananaw ng
parehong Mataas at Mababang Kapulungan. Ito ay maaaring
alinman sa mga sumusunod: Pinagsamang mga Resolution (Joint
Resolution), Simpleng mga Resolution at Magkakasabay na mga
Resolution (Concurrent Resolutions).
40. Ang Tiyak na Proseso sa Pagbuo ng Batas sa Pilipinas
1. Ang Paghahanda ng Panukalang Batas (Bill)
Batay sa hiling ng miyembro, kailangang gumawa o bumalangkas ng panukalang batas (bill) ang
mga kasapi ng Kapulungan o ang Bill Drafting Division ng Reference and Research Bureau.
2. Pagsasagawa ng Unang Pagbasa ng Panukalang Batas
a) Isusumite ang panukalang batas (bill) sa Bills and Index Service na kailangang magbigay ng mga
numero at gumawa ng mga kopya.
b) Bibigyan sila ng tatlong araw pagkatapos ng naunang pagsumite ng panukalang batas (bill)
upang ito ay isama sa Order of Business for First Reading.
c) Babasahin ng Secretary General sa unang pagbasa ang titulo at inilaang numero bilang ng
panukalang batas. Ang Speaker of the House of Representative o ang pinuno ng Mababang
Kapulungan ang siyang magtatalaga ng panukalang batas sa naaangkop na Komite.
41. Ang Tiyak na Proseso sa Pagbuo ng Batas sa Pilipinas
3. Pagkilos ng Komite
a) Susuriin ng Komite ang panukala upang malaman kung magsasagawa ng pampublikong pagdinig.
Magtatakda ng tamang panahon upang mapag-usapan ang mga isyu na kasangkot ang mga
panauhing tagapagsalita, iba't ibang sector pampubliko at pribado, mga paham sa larangan ng
batas, mga tao buhat sa mga akademikong institusyon.
Sa kabilang dako, itatalaga ng Komite ang pagtalakay sa panukalang batas sa loob ng komite kung
batay sa pagsusuri nito ay hindi na kinakailangan ang mga pampublikong pagdinig.
b) Batay sa mga kalalabasan ng pagdinig at talakayan sa Komite, maaaring isagawa ang mga
sumusunod: (1) modipikasyon sa panukala; (2) pagsasama-sama ng mga panukalang
magkakapareho ang paksa; (3) magbigay ng panghaliling panukalang batas o substitute bill.
Matapos ang prosesong ito ay maghahanda na ng kaukulang ulat ang Komite.
c) Ipadadala sa Plenary Affairs Bureau ang maaaprubahang bersyon ng Komite
42. Ang Tiyak na Proseso sa Pagbuo ng Batas sa Pilipinas
4. Ikalawang Pagbasa
a) Irerehistro at lalagyan ng bilang ng Bills at Index Service ang Ulat
ng Komite at pagkatapos isasama sa Order of Business at pagtatalaga
sa Committee on Rules
b) Gagawa ng iskedyul ang Committee on Rules para sa ikalawang
pagbasa
c) Babasahin ng Secretary General ang iskedyul ng mga kaganapan sa
ikalawang pagbasa katulad ng pagkakahati ng kapulungan at
pagtawag sa bawat miyembro para sa kanilang boto.
43. Ang Tiyak na Proseso sa Pagbuo ng Batas sa Pilipinas
5. Ikatlong Pagbasa
Kung maaaprubahan ang panukalang batas batay sa pagsang-ayon
ng karamihan ng mga kasaping dumalo, ipadadala ito sa Archives o
koleksyon ng mga dokumento.
6. Paghahatid ng Bill sa Senado
Gagawin ng Senado ang tungkulin nito na busisiin ang inaprubahang
panukalang batas ng Kongreso. Magbibigay ng pagsang-ayon ang
Senado kung aprubado dito ang bersyon ng Mababang Kapulungan.
44. Ang Tiyak na Proseso sa Pagbuo ng Batas sa Pilipinas
7. Pagkilos ng Senado
Dadaan din sa katulad na lehislatibong proseso ang panukalang batas (bill) sa Senado
8. Komite ng Pagpupulong
a) Binubuo ito ng mga kasapi buhat sa dalawang kapulungan ng Kongreso na layunin ay ayusin at
pag-usapang mabuti ang mga di-pagkakaunawaan sa mga probisyon ng panukalang batas (bill).
b) Maaaring maglagay ng bagong probisyon ang mga tagapulong kung nararapat.
c) Maghahanda ng ulat ang Komite na kailangan ng lagda ng lahat ng dumalo sa pagpupulong
kasama na ang Tagapangulo o Chairman.
d) Ang ulat ng Komite ay kailangang maaprubahan ng dalawang Kapulungan. Walang anumang
pagbabago ang papayagan.
9. Paghahatid ng Panukalang Batas sa Pangulo
Ang mga kopya ng bill, na pinirmahan ng Senate President at ng House Speaker at sinertipikahan
ng Kalihim ng Senado at ng Secretary General ng Mababang Kapulungan ay ipapadala sa Pangulo.