PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON.pptx
1.
2. Isa sa mga magagandang dulot
ng K to 12 ay ang pagbubukas
ng isip ng mga mag-aaral sa
akademikong gawain, isa na rito
ang pagsasagawa ng mga
pananaliksik.
.
3. Sa yunit na ito ay pagtatalakayan ang papel na
ginagampanan ng pananaliksik at komunikasyon sa buhay
ng tao.
Magbibigyang linaw din dito ang mga tiyak na halimbawa
ng batis na maaaring pagkuhanan ng impormasyong
magagamit sa pananaliksik.
4. Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
1. mabigyang katuturan ang mga pamamaraan sa
pagpoproseso ng impormasyon para sa komunikasyon;
2. matukoy ang mga batis ng impormasyon at proseso ng
pagkalap ng impormasyons na kapaki-pakinabang sa
pananaliksik; at
5. 3. mabigyang konsiderasyon ang kultura, aspektong
panlipunan, at kasalukuyang pandemya sa pakikipagpalitan
ng ideya gamit ang mga tradisyonal at modernong midya.
6. Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas
malalim na pagtatalakay ng paksa.
https://www.youtube.com/watch?v=XCdwct8iFE8
https://www.youtube.com/watch?v=QNKJhDyNwxM
7. Sa anumang sitwasyong
pang komunikasyon,
ginagamit sa pakikipag
ugnayan, pakikisalamuha at
pakikipag talastasan sa
kapuwa ang mga kaalamang
natutuhan natin mula sa
pagoobserba at pagsusuri ng
lipunan.
8. Ang mga nabatid at napaglimian
nating kaalaman mula sa
karanasang panlipunan ang
pumapanday sa ating karunungan.
Ang pangunahing salik ng
kaalaman, na ibinabahagi din natin
sa kapuwa ay ang mga
impormasyong nasasagap natin
mula sa tao, sa ating kapaligiran,
at midya.
9. Samakatuwid, lubhang mahalaga na pagyamanin ang ating
kakayahan na magproseso ng impormasyon – ang bawat
butil ng impormasyon na alam natin at anumang
kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa – dahil ito ang
malaking bahagi ng kaalaman.
10. mga pangyayari sa araw – araw
bawat karanasan
komplikadong mga karanasan.
11. Kasabay ng mga pangaraw – araw na pangyayari ang pag-
usbong ng mga perspektibo na maaari nating magamit sa
pagtingin sa mga problema o isyung kinahaharap natin lalo
at higit sa mga panghamong panahon.
Ito rin ang nagmumulat sa atin sa mas maging mahusay sa
pagdedesisyon at pag-aksyon sa mga bagay bagay.
12. ang kaalaman ay kapangyarihan at may kapangyarihang
panlipunan.
Sa harapang pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag
gamit ang midya, malakas ang bias at talab ng mga
ibinabahaging kaalaman batay sa malalim at malawak na
pagsusuri at pagtatahi ng impormasyon.
13. Ang makatotohanan at katiwa- tiwalang kaalaman ay
makakatulong sa pag- igpaw sa kamangmangan at
kahirapan.
Gayundin ito ay isa sa mga malakas na panlaban sa
panlilinlang, pang- aapi, at pang- aabuso lalo pang ang
mali at binaluktot na impormasyon ay ginagamit sa
kasamaan ng mga ganid at sira sa lipunan.
15. Sa pagiging aksesibol ng mga impormasyon dulot ng
teknolohiya ay nagiging aksesibol na rin para sa mga
masasamang loob ang panlalamang sa kapwa at dahil dito
mas kinakilangan na maging matalino sa paggamit ng iba’t
ibang midya ang mga mamamayan.
16. Ang pagiging mapanuri ay isa na
dapat sa mga kasanayang kasama sa
inaaral at isinasabuhay ninoman.
Ang kapangyarihang dulot ng
komunikasyon ay magiging mas
epektibo sa tamang paggamit nito.
maging mapanuri
17. Ang ano mang napapanood, naririnig, at maging nababasa
natin sa tradisyonal o modernong midya man ay may kani-
kaniyang layunin na bunsod ng tao o organisasyong nasa
likod nito.
18. Sa kasalukuyan, hindi na maaaring iilang pandama ang
ating gingamit sa paghalaw ng mensahe mula sa mga
nasasaksihan natin.
Lalong nangangailangan na magkaagapay ang ating mga
pandama at ang ating matalas na isip sa pagbibigay
katuturan sa mga midyang abeylabol.
19. Ito ay para makasiguradong lubos at tama ang mga
impormasyong makakarating sa atin at ang maibabahagi
natin sa iba.
Kailangan na nating tanggapin na binubuo ng tinatawag na
binary opposition ang mundo sa kadahilanang walang
neutral at ang mga bagay ay nasa pagitan lamang ng
positibo at negatibo, masama o mabuti, sang-ayon o hindi.
20. may anim na paraan upang malaman ang fake news
ang fake news ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o
mga kwento na naglalaman ng ilang katotohanan ngunit
hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o
disenyo.
21. Sinasabi rin ng ilang tao na ang mga totoong kwento ay
“fake news", dahil lamang sa hindi sila sang- ayon sa
kanila.
Maaari itong humantong sa mapanganib na pagwawalang
bahala na mahahalagang payo. Ang mga fake news ay
maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pag-uugali
sa lugar ng trabaho.
22. Una ay ang pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga
impormasyon.
Maging mapanuri sa pinagmulan ng impormasyon.
Kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon at
suriin ang mga katibayan.
23. Huwag magpadala sa tinatawag na “face value” ng mga
impormasyon.
Higit sa lahat suriin kung “tunog tama” ba ang pahayag o
impormasyon.
24. Ang pangkalahatang publiko ay karaniwang umaasa sa
pangmadlang midya upang magbigay ng impormasyon
tungkol sa mga isyung pampulitika, lipunan, libangan, at
balita sa kulturang popular.
pahayagan magasin radyo
telebisyon internet
25. Gayundin, dapat maging mapanuri sa mga impormasyong
nakukuha sa harapang pakikipag usap.
Ang sinasabi ng ekperto, mahal sa buhay, matalik na
kaibigan, sikat na artista, politiko, o tinitingala sa lipunan
ay hindi awtimatikong katotohanan.
26. Mahalaga ang pagtatasa, pagtitimbang, at pagtatahi ng mga
impormasyon-–mula sa mg taong nkakaranas hanggang sa
mga kinikilalang dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o
penominang pinaguusapan.
27. Bukod sa batis ng impormasyon, dapat
ding isaalang- alang ang pamamaraan
ng pagkuha ng impormasyon, ang
konteksto ng impormasyon, at ang
konteksto ng pinagkunan o pingmulang
impormasyon.
28. Ang maling pamamaraan ay humahantong sa palso at di
angkop na datos.
Ang konteksto ang nagbibigay ng linaw sa tukoy na
kahulugan ng impormasyon at nagsisilbing gabay sa
interpretasyon nito.
29. Dagdag pa, konsiderasyon din kung anong pamamaraan
ang gagamitin sa pagsusuri ng impormasyon para makabuo
ng sariling pahayag na magagamit sa isang tukoy na
sitwasyong pangkomunikasyon.
Ang maling pamamaraan ng pagsusuri ay nagreresulta sa
kaalamang hindi maaasahan at kahina- hinala ang
katampukan.
30. Higit sa lahat sa bawat hakbang na gagawin natin sa
pagpoproseso ng impormasyon, kailangang magtiwala tayo
sa kakayahan ng Filipino bilang mabisang wikang pag-
unawa at pagpapaunawa;
31. Gayundin, magtiwala tayo sa kaangkupan ng mga
katutubong metodo sa pagkalap at pagsusuri ng
impormasyon sa paggamit ng wikang Filipino.
ang ating wika ay “hindi lamang daluyan kundi
tapagpahiwatig at imbakan-kuhanan ng kultura” natin
bilang mga Pilipino.
32.
33. Ang pananaliksik ay isang maingat at detalyadong pag-
aaral sa isang tiyak na problema, pag-aalala, o isyu gamit
ang pamamaraang pang-agham.
Ito ay nagbibigay pagkakataon sa atin upang mapataas ang
antas ng kaalaman sa pamamagitan ng eksperimento.
34. Ito ang pinakamahusay na nagawa sa pamamagitan ng
paggawa ng isyu sa isang katanungan, na may hangarin ng
pananaliksik upang sagutin ang tanong.
Ito ay maaring tungkol sa anumang bagay, at maraming
halimbawa ng pananaliksik ang abeylabol sa iba’t ibang
midya.
35. Marami sa malalaking katanungan ng mundo ay
nabibigyang linaw ng pananaliksik.
Kaya naman mainam na ang lahat lalo’t higit ang mga
mag-aaral ay nagiging kasangkot sa mga ganitong
akademikong gawain. Dahil hindi nagmamaliw at patuloy
pa rin ang pagkokonsidera sa mga kabataan bilang pag-asa
ng bayan, sila ang inaasahang magbibigay solusyon sa
problema ng bansa.
36. Isa sa pinakamainam na paghanap ng kasagutan ay sa
pamamagitan ng pananaliksik.
Kaya naman may ilang bagay na dapat isaalang- alang ang
isang mananaliksik bago pumili ng batis ng impormasyon
para sa pagbuo ng kaalamang ipapahayag sa isang
sitwasyong pangkomunikasyon.
37. Una, kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon ng
pananaliksik.
Pangalawa, dapat na malinaw sa mananaliksik ang pakay
niya sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon kung
saan ibabahagi ang bubuuing kaalaman.
39. Ang tukoy na paksa at layon ay naka- angkla sa dalawang
bahagi:
(1) ang paksa ng sitwasyong pang komunikasyon kung
saan ipapahayag ng mananaliksik ang kaalaman na
kanyang bubuuin; at
(2) ang kanyang pakay sa paglahok sa sitwasyong
pangkomunikasyon.
40. Batay sa paksa ng sitwasyong pangkomunikasyon,
magdedesisyon ang mananaliksik kung anong pakay sa
paglahok dito.
42. Maaari ring maghanap muna ang isang mananaliksik ng
suportang impormasyon bago tuluyang magpasya kung ano
ang paksang bibigyang tuon.
43. Alin man ang mauna sa mga proseso, mahalagang makilala
ang mga kapwa kalahok sa isang pag-aaral, nariyan ang
(katalastasan) o audience (tagapakinig, mambabasa, o
tagapanood) mapaghandaan ang posibleng estraktura at
daloy ng sitwasyon at makagawa ng estratehiya kung
paano pupukawin ang interes ng mga kapuwa kalahok o
audience
44. nagbigay ng limang hakbangin na dapat isakatuparan sa
ikauulad ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino
bukod sa pagsipat sa iba’t ibang realidad at/o suliraning
panlipunan na maaaring pagmulan ng makabuluhang
adyendang pananaliksik.
45. “magpansinan muna tayo bago
magpapansin sa iba. I-cite ang pananaliksik
ng kapwa Pilipino, paano babasahin ng
ibang bansa ang gawang Pilipino kung
hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino
mismo.
46. “magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya
ng narcis.nl ng Netherlands at diva-portal.org ng Sweden.
47. “magdevelop ng katiwa-
tiwalang translation
software na libreng
magagamit para sa mga
mass translation projects..”
48. “bigyang prayoridad ang Filipinisasyon upang lalong
maitaas ang edukasyon at ang mga programang gradwado.
49. “atasan ang lahat ng mga
unibersidad na magtayo ng
Departamento ng Filipino at/o
Araling Pilipinas
50. nagmungkahi ng mga konsiderasyon para sa maka-
Pilipinong pananaliksik.
Una, iugnay sa interes at buhay ng mga kalahok ang
pagpili ng tukoy na paksa.
51. Pangalawa, gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat
na nakagawian ng mga Pilipino, angkop sa kultura, at
katanggap tanggap sa ating mga kababayan.
52. Pangatlo, humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa
mga kalahok, lalo na iyong makabuluhan sa kanila.
53.
54. Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng
mga katunayan na kailangan para makagawa ng mga
pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o
panlipunang realidad.
56. Tumutukoy sa mga orihinal na pahayag, obserbasyon at
teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o
institusyon nanakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng
isang paksa o penomena.
58. awtobiyograpiya
talaarawan
sulat sa koreo at email
tesis at diertasyon
sarbey
artikulo sa journal
balita sa diyaryo, radio, at telebisyon;
59. mga rekord ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya
ng konstitusyon, katitikan ng pulong kopya ng batas
at kasunduan, taunang ulat, at pahayagang pang-
organisasyon.
orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at
testament;
talumpati at pananalita; at
larawan at iba pang biswal grapika
60. harapan o online na survey.
artifact ng bakas o labi ng dating buhay na bagay,
specimen pera, kagamitan, at damit;
nakarecord na audio at video,
mga blog sa internet na maglalahad ng sariling karanasan o
obserbasyon.
website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa
internet at
mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting, at
music video
61. pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo
mula sa indibidwal, grupo, o institusyon na hindi
direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik sa
isang paksa o penomeno.
Kasama na rito ang account o interpretasyon sa
mga pangyayari mula sa taong hindi nakaranas nito
o pagtalakay sa gawa ng iba.
62. Ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng
editorial kuro kurong tudling, sulat sa patnugot, at
tsimis o tsika
encyclopedia
Teksbuk
Manwal at gabay na aklat
Diksyonaryo at Tesoro
63. Kritisismo
Komentaryo
Sanaysay
Sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto
Abstrak
Mgakagamitan sa pagtuturo kagaya ng powerpoint
presentation at
Sabi-sabi
64. Mayroong pagkakataon na ang mga sekondaryang batis ay
maaring maging primaryang batis kung ito ang mismong
paksa ng pananaliksik.
65. binibigyang prayoridad ng isang mananaliksik ang
primary kesa sa sekondaryang batis sapagkat ang una ay
nanggaling sa aktuwal na karanasan, obserbasyon o
pagsisisyasat kaya itinuturing na mas katiwa tiwala kaysa
pangalawa.
66. hindi dapat ipagwalang- bahala ang alinmang
sekondaryang batis dahil maaaring maghain ito ng
kaugnay o alternatibong perspektiba at kabatiran na
magpapapatatag sa kaaalamang binubuo ng
manananaliksik lalo na kung ang mga ito ay mula sa
kinikilalang eksperto.
67. Sa pagsangguni ng sekondaryang batis, iwasan ang
tahasang pagtitiwala sa mga sanggunian na ang nialaman
ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman tulad na
lamang ng Wikipedia.
68.
69. Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang
batis impormasyon, kailangan
timbangin ang kalakasan, kahinaan
kaangkupan ng harapan at mediadong
pakikipag ugnayan.
70. Ang mga kapwa-tao ay karaniwang itinuturing na
primaryang batis, maliban kung ang nsagap sa kanila ay
nakuha lang din sa sinasabi ng iba pang tao.
71. sinasadya, tinatanong at kinakausap ng mananaliksik ang
indibiwal o grupo na direktang nakakaranas ng
penomenong sinasaliksik, ang mga apektado nito,
nakaobserba rito, dalubhasa rito o nakaugnay, nito sa ibat-
ibang dahilan
72. maaari tayong makakalap ng impormasyon mula sa kapwa-
tao sa pamamagitang ng ICT (halimbawa. Telepono, email,
pribadong mensahe sa social media), lalo na kung may
limitasyon sa panahon at distansya sa pagitan ng
mananaliksik at ng natukoy ng mga indibidwal
73.
74. maaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa
tagapagbatid;
makapagbigay ng angkop na angkop na kasunod na tanong (
follow-up question) sa kaniya;
malinaw niya agad ang sagot; at
maoobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresion.
75. Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at
mas malaking oras para sa fieldwork lalo na kung malalayo
at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga tagapagbatid.
76.
77. 1. pagkakataong makapagbatid ang mga nasa
malalayong lugar sa anumang oras at pagkakataon
kung kalian nila maiisisingit ang pag responde;
2. ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na
kailangang puntahan nang personal ng
manananaliksik ang mga tagapagbatid; at
78. 3. ang mas madaling pag oorganisa ng mga datos lalo na
kung may elektonikong sistema na ginagamit ang
manananaliksik sa pagkalap ng datos.
79.
80. Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon,
kelangan ding pag isipang mabuti ang kalakasan, kahinaan,
at kaangkupan nito para sa binubuong pahayag ng
kaalaman.
Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis,
angkop na uri ng midya, at kredibilidad ng tukoy na midya.
81.
82. Paglubog sa mga Impormasyon: Mga
Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa
Pagsusuri ng Datos: Mula sa Kaugnayan at
Buod ng mga Impormasyon Hanggang sa
Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman