9. PAGLINANG NG TALASALITAAN
Paunlarin ang talasalitaan sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga
salita na nasa loob ng lobo. Ibigay ang
kahulugan ng mabubuong salita at
gamitin ito sa pangungusap.
10. Bawat mag-aaral na
makakapagbigay ng tamang
kasagutan ay makakatanggap ng
kaukulang letra kung saan ay
makakabuo sila ng isang
mahalagang salita.
21. Ang elehiyaay isang tulang liriko na
naglalarawan ng pagbubulay-bulay o
guni-guni na nagpapakita ng
masidhing damdamin patungkol sa
alaala ng isang mahal sa buhay.
23. Ang Kaharian ng Bhutan ay
isang bansang walang pampang
na nasa mga bundok ng
Himalaya, sa pagitan ng India at
Tsina sa Timog Asia.
24. Hindi malinaw ang pinagmulan ng
pangalang Bhutan, iminungkahi ng mga
dalubhasa sa kasaysayan na maaring
nagmula sa baryasyon ng mga salitang
Sanskrit na Bhota-ant (ang dulo ng Bhot-
ang ibang salita para sa Tibet) o Bhu-
uttan ( mataas na mga lupain).
33. PANGKAT TATLO
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kaniyang
kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
47. 1. Ibigay ang kahulugan at mga
katangian ng elehiya batay sa
tulang binasa?
48. 2. Ilahad ang kahalagahang
pangkatauhan na nais ipahiwatig
ng akda?
49. 3. Kung ikaw ang may akda, paano
mo ipadarama ang pagmamahal
mo sa isang tao?
50. 4. Sakaling mawalan ka ng mahal
sa buhay, paano mo
maipadadama ang iyong
pagmamahal?
51. Panuto: Basahin at unawain ang
bawat tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
52. 1. Isang tulang liriko na naglalarawan sa pagbubulay-
bulay o guniguni na nagpapakita ng masidhing
damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa
buhay.
a.Elehiya
b.Parabula
c. Pabula
d.Epiko
53. 2. Ibigay ang nais ipahiwatig sa mambabasa ng akdang
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya?
a. Pag-alala sa isang mahal sa buhay na namaalam na
b. Pagkatuwa sa pagkawala ng mahal sa buhay
c. Pagluluksa sa kamatayan
d. Pagdadalamhati sa pagkamatay ng mahal sa buhay
54. 3. Nagsalin sa Filipino ng akdang “Elehiya sa Kamatayan
ni Kuya”.
a. Rene O. Villanueva
b. Manny Ledesma
c. Pat V. Villafuerte
d. Magdalena O. Jocson
55. 4. Walang katapusan ang pagdarasal
Kasama ng lungkot,luha at pighati
Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
a. Pagkainggit sa mahal sa buhay
b. Pagmamataas sa mahal sa buhay
c. Pagtanggi sa mahal sa buhay
d. Pagpaparangal sa mahal sa buhay
56. 5. Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala
a. Paghihinayang
b. Pagkainis
c. Pagkagalit
d. Pagkatuwa
57. TAKDANG ARALIN
Basahin ang tulang “Ang mga Dalit kay Maria” at
sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang tema ng akdang binasa?
2. Ibigay ang mga simbolong ginamit sa akda at iugnay
ito sa totoong buhay.
3. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng elehiya sa
binasang dalit.