SlideShare a Scribd company logo
1 of 53
Download to read offline
KOMPILASYON
NG MGA
AKADEMIKONG
SULATIN
Piling Larang (Akademik)
Isinulat at inihanda ni: Kaye A. Elnas
Abstrak
Ito ay isang maikling buod ng
artikulo, ulat at pag-aaral na inilalagay
bago ang introduksyon. Ito ag siksik na
bersiyon ng mismong papel.
Abstrak
Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga negatibong epekto ng
pagkakahumaling ng mga tao lalo na ang mga kabataan sa Internet
at social media. Tinatalakay sa artikulong ito ang mensahe ng
isang Pinoy Indie Film na pinamagatang “Unfriend” sa ilalim ng
direksyon ni Joselito Artalejos. Binigyang-diin ng artikulong
ito ang panayam kay “Janine” kung saan tila’y nagiging sakit na
ng ilang Pilipino ang pagka-adik sa Internet. Ang sobrang
pagkahumaling ng mga tao sa Internet ay pinagmumulan na rin ng
cyberbullying tulad ng panglalait at pagbabanta. Nakapaloob din
dito ang pahayag ng isang sociologist na si Prof. Gerald
Abersos. Ayon sa kaniya, ang sobrang paggamit ng Internet at
social media ay maaaring magdulot ng depresyon. Maaaring lumiit
ang kanilang mundo sapagkat nakakapagtago sila sa ibang
pagkatao at nawawalan ng privacy. Ang artikulong ito ay
nagpapaalala na mas malaki at mahalaga ang tunay na mundo kaysa
ang mundo ng Internet.
Bionote
Ito ay isang maikling impormatibong
sulatin na karaniwang isang talata lamang at
naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o
indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang
panauhin o bilang propesyunal.
Bionote
Nakapagtapos si ROLANDO A. BERNALES ng BSE-Filipino bilang cum laude
at nakatanggap ng graduate certificate na katumbas ng Master of Arts in Teaching
sa Linggwistikang Filipino sa Philippine Normal University. Nakapagtapos siya ng
Ed. D. sa Educational Management sa University of Makati. Siya ay nagging puno
ng Departamento ng Filipino sa loob ng limang taon at isang taon bilang puno ng
Departamneto ng Lenggwahe at Literatura sa University of Makati bago maging
Professor II sa kasalukuyan. Siya ang Executive Director ng Center for Innovative
Education and Sciences. Isa rin siyang akademik consultant ng Mutya Publishing
House, Inc. at isang malikhaing manunulat ng tula, kwento, at sanaysay. Siya ay
awtor, ko-awtor, editor, at/o consultant ng hindi kukulangin sa 70 na mga aklat sa
wika, pagbasa at panitikan sa antas preschool, elementarya, sekundarya at
tersyarya. Siya ay kabilang sa Ten Outstanding Students of the Philippines noong
1989 at nakatanggap ng Award for Exemplary Performance as a Public Servant
noong 2000 mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati. Isa rin sityang Palanca
Awardee. Siya ay panghabambuhay na kasapi ng Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino. Miyembro rin siya ng KAGURO, SANGFIL at
APNIEVE.
Talumpati
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon
ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng
mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala.
Talumpati
Ang kabataan ang tinuturing na pag-asa ng bayan. Ngunit, paano kung ang mga kabataang ating inaasahan ay napunta sa kulungan?
Pag-asa pa ba itong maituturing o dagdag lamang sa mga pasanin?
Ang bilang ng krimen sa ating bansa ay mabilis na nadaragdagan sa paglipas ng panahon. Ngunit mayroong mas nakakaalarma pa
rito. Pabata nang pabata ang mga nasasangkot sa krimen tulad ng pagtutulak ng illegal na droga, panggagahasa at pagnanakaw. Karamihan
sa mga menor de edad ay ginagamit ng mga sindikato sa paggawa ng kriminal na gawain. Dahil dito, ang kabuuang 52,576 na mga menor
de edad ay nasa detensyon o nasa ilalim ng custodial setting bago pa man maipasa ang RA 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act (JJWA)
ng 2006.
Sa ilalim ng JJWA, hindi maaaring panagutin sa batas ang mga nakagawa ng krimen kapag sila ay nasa edad 15 anyos pababa ngunit
nito lamang Pebrero, inaprubahan ng House Committee on Justice ang panukalang batas na layong ibaba sa siyam na taong gulang ang
minimum age of criminal liability. Mula sa 15 anyos, ibinaba ng House Bill No. 505 sa siyam na taong gulang ang edad ng bata na
maaaring managot sa batas kapag siya ay nakagawa ng krimen. Ngunit ang pagbaba ba ng edad ng criminal na pananagutan ay isang
makatarungang solusyon upang matugunan ang suliraning ito?
Bilang sila rin ay mga kabataang may karapatan, lalong lalo na sa kalayaan, at sa paniniwalang ito ay pagnanakaw sa kinabukasan
ng mga kabataan, ako’y mariing naniniwala na hindi na dapat binabaan ang minimum age of criminal liability dahil sa sumusunod na mga
punto.
Una, ayon sa Psychological Association of the Philippines, ang isip ng mga bata ay nasa proseso pa ng pag-unlad. Sa panahong ito
may mga mahahalagang pagbabago sa kanilang utak particular na sa prefrontal region na hindi pa ganap na nabubuo hanggang sa young
adulthood (mid 20s). Dahil dito, mas nahihimok silang gumawa ng mga bagy na mapanganib at labag sa batas. Bagama’t masasabing kahit
papaano ay may kakayahan silang maunawaan kung ano ang tama at mali, kulang pa rin ang kanilang kapasidad, dahil na rin sa kanilang
murang edad, na makita ang pangmatagalang epekto ng kanilang mga desisyon para sa kanilang sarili at kapaligiran. Dagdag pa rito, ang
mga bata ay karaniwang walang laban sa mga pananakot at pamumuwersa ng mga matatanda. Bilang mga bata, wala silang kalayaang
katulad ng sa mga matatanda upang lubusang tumutol at iiwas ang sarili sa mga sitwasyong patungo sa paglabag sa batas.
Ikalawa, ang pagbaba ng edad ng criminal na pananagutan ay isang pagkilos ng karahasan laban sa mga bata. Ayon sa kinatawan ng
Pilipinas sa UNICEF Lotta Sylwander, ang mga batang sumasalungat sa batas ay biktima lamang ng pangyayari, karamihan ay dahil sa
kahirapan at pananamantala ng mga sindikato. Bilang karagdagan, magdudulot lamang ng trauma sa mga menor de edad ang naturang
panukala ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate. Itutulak lamang nito ang mga ito sa higit pang dikriminasyon, pang-aabuso at kalaunan
sa higit pang pag-uugaling antisosyal batay sa pahayag ng grupong Save the Children Philippines. Ayon naman kay Dr. Liane Alampay ng
Philippine Psychological Association, mas may posibilidad na maulit ang mga krimen lalo na’t “vulnerable” ang mga kabataan. Ang
pagkukulong sa mga bata sa mga bilangguan o mga katulad na pasilidad, lalo na kung sila ay musmos pa, ay maaaring magtulak pa sa
kanilang maging hardened offenders.
Ikatlo, ang mga kabataan ay nararapat sa libreng edukasyon, sapat na pangangalaga sa kalusugan, pabahay at hindi ang
pananagutan para sa isang bagay na pinilit silang gawin. Sa halip na tamasin ang mga karapatang ito, sila ay nagiging biktima ng
kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan at pagpapabaya ng estado. “Branding children as criminals removes accountability
from adults who are responsible for safeguarding them. If children who have been exploited by criminal syndicates are penalized instead
of the adults who abused them, we fail to uphold the right and well-being of children,” pahayag ng UNICEF. Ang pamamaraan ay hindi
naaayon sa pinbakamahusay na interes ng mga bata. Hindi nito pinoprotektahan ang mga kabataan mula sa mga walang awa at walang
prinsipyong sindikatong criminal. Sa pagpapatupad ng panukalang ito, hindi pa rin natin masisiguro na hindi na gagamit ng mga bata ang
mga sindikato sa paggawa ng mga krimen. Sinisikap lamang nito na takpan ang mga problemang hindi matugunan ng pamahalaan. Paano
mapoprotektahan ang mga bata kung ang mga krimen ay hindi pa natatapos? Kung ang kahirapan ay nagpapagutom sa mga batang ito
hanggang bsa kamatyan? Kung gusto nating protektahan ang mga bata at ang kanilang hinaharap, dapat hulihin ang mga sindikatong
nambibiktima ng mga bata at tugunan ang kahirapan sa halip na ibinaba ang edad ng kriminal na pananagutan.
Sa isang talumpati ni Pangulong Duterte, tinitingnan niya ang JJWA bilang dahilan kung bakit dumarami ang mga krimeng
kinasasangkutan ng mga bata. Ako ay tumututol ditto. Ayon sa datos ng Philippine National Police, 98% ng mga naitalang krimen sa
Pilipinas muka 2006 hanggang 2012 ay gawa ng mga matatanda. Sa katunayan, sa 9,562 kabataang nasasangkot sa mga krimen, 452
lamang ditto ang 11 anyos pababa. Sapagkat maliit na porsyento lamang ng kabuuang bilang ng krimen sa Pilipinas ang kinasasangkutan
ng mga bata, sapat ang mga probisyon sa JJWA upang tugunan ang mga paglabag sa batas ng mga batang ito. Hinihikayat nito ang
komunidad na gabayan ang mga bata sa kanilang paglaki upang hindi masangkot sa krimen. Inilalatag ng JJWAang mga paraan kung
paano dapat hawakan ang mga kaso ng mga batang walang criminal na pananagutan, mga batang nakagawa ng malubhang paglabag
sa batas, at mga batang paulit-ulit na gumagawa ng krimen. Ang karapatan ng mga bata ay hindi dapat ilagay sa kompromiso para
lamang bilisan ang pagtugon sa kriminalidad.
Sa pagtatapos ng araw, ang karapatan pa rin ng mga batang ito ang dapat unang pagtuunang-pansin. Ang muling pagsasama-
sama ng mga bata at ang kanilang mga pamilya at pigilan ang kanilang pagkakasangkot sa krimen at pagpapalakas ng mga istemang
panlipunan ay maaaring gawing hakbang upang protektahan ang mga kabataan. Ang solusyon sa suliraning ito ay dapat maghangad sa
kanilang pinakamabuting interes. Lumipas man ang panahon ngunit ang pahayag ni Gat Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng
bayan ay totoo pa rin hanggang ngayon at iyan ang dapat nating panghawakan sa pagprotekta at pag-aruga sa mga kabataan.
Posisyong Papel
Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro
hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-
akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido
pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa
akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
Pinikit mo ang iyong mata at nag-iwan ng buntong-hininga. Kasabay nito ang pagbalik ng mga alaalaa kung paano ka paulit-
ulit na pinagtaksilan ng iyong asawa. Napatingin ka nalang sa singsing na nagpapaalala sayo sa kaniyang pinangakong walang hanggang
pagmamahal. Pangkong unti-unti nang napapako. Kung ikaw ang asawa, mananatili ka ba sa kasal kung saan nasasakal ka na sa poot at
lungkot? Matutupad mo pa ba ang iyong pangakong, “Maging kabiyak ng iyong puso, sa habang-buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o
kalusugan, at mananatili sa habaang-buhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon”?
Ang kasal ang nagtatali sa dalawang taong nagmamahalan upang maging wagas ang kanilang pag-iibigan. Ito ay mistulang
matamis na pagkain na panghabambuhay na pinagsasaluhan ng mga mag-asawa. Ngunit hindi lahat ng kasal ay matamis na pinagsasaluhan
bawat segundo hanggang dulo. Mayroong mga mag-asawang gusto nang kumalas sa panghabambuhay na pangmamahalan. Kung kaya’t
kung may pagkakataon lang, marami ng may gusting wakasan ang napasok na kasalan.
Napakainit ng usaping diborsyo sa mga Pilipino spagkat ang Pilipinas na lamang at ang Vatican ang hindi nagpatupad nito.
Nito lamang Marso 2018, inaprubahan na ng mga mambabatas sa House of Representatives ang House Bill No. 7303. Sa botong 134 na
sang-ayon, 57 na di sang-ayon at dalawang abstaining, lusot sa ikatlo at huling pagbasa at pagrepaso sa panukala ang “Act of Absolute
Divorce and Dissolution of Marriage”. Ang panukalang ito ay para sa mga mag-asawang may tinatawag na “irremediably failed
marriages”. Ang diborsyo ang nagpapawalang-bisa sa kasal ng dalawang tao, at magbibigay-laya sa dating mag-asawa na makapagpakasal
ulit.
Divorce Bill sa Pilipinas:
Nararapat bang Isabatas?
Sinasabing ito ang sagot sa dasal ng mga mag-asaawang nais kalagan ang bigkis ng kanilang kasal, ngunit ito ba ay tama?
Nararapat bang isabatas ang diborsyo? Sa aking pananaw bilang Pilipino at bilang isang Kristiyano, hindi dapat isabatas ang panukalang
ito dahil sa mga sumusunod na punto.
Una, ang pag-aasawa ay dapat malasin bilang isang habang-buhay na pagsasama. Ito ang nilinaw ni Hesus sa Mateo 19:4-6
nang sagutin Niya ang itinanong sa Kaniya tungkol sa pagiging angkop ng diborsyo. Sinabi Niya, “Hindi ba ninyo na nabasa na ang Diyos
na lumalang sa kanila mula sa ssimula ay ginawa silang lalaki at babae at nagsabi, ‘Sa dahilang ito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at
ang kaniyang ina at pipisan sa kaniyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman’? Kung kaya hindi na sila dalawa, kundi isang
laman. Kaya ang pinagtuwang ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.”
Ikalawa, ipinahayag sa 1987 Constitution, Article II, Section 12 na “The State recognizes the sanctity of family life and
shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social interaction.” Lumilitaw na ang iminungkahing batas ng diborsyo ay
salungat sa probisyon ng konstitusyong layong protektahan at palakasin ang kasal at pamilya bilang mga pangunahing instistusyong
panlipunan. Dagdag pa rito, inilalagay ng kulturang Pilipino ang pamilya sa sentro ng buhay ng isang tao – ang pangunahing
pinagmumulan ng pinansyal na seguridad at ang bukal ng emosyonal, moral ar espiritwal na pag-unlad. Ang pagkasira ng pamilya ay di
lamang makasisira sa relasyon ng mag-asawa kundi pati na rin sa pisikal na kaunlaran, emosyonal na paglago, at ang moral at espiritwal
nap ag-unlad ng bawat miyembro ng pamilya, lalo na ang mga bata.
Ikatlo, gagawin ng panukalang diborsyo o pagpapawalang-bisa sa isang kasal na mas madali para sa mga iresponsableng
kabiyak na magkaroon ng legal na pagpasok sa maraming marital na pang-aabuso na pumipinsala sa pagtatayo ng isang maayos na
lipunan. Bilang ang kulturang Pilipino ay nakasentro sa pamilya, ang pagsasabatas ng diborsyo ay maaaring mag-ambag sa paglaganap ng
sakit sa emosyonal, moral at espiritwal na aspeto. Bilang karagdagan, ang pagsasabatas ng panukalang ito ay maaaring maging dahilan ng
madaliang pagpasok sa isang kasal ng dalawang tao sapagkat kapag hindi magtagumpay ang kasal, maaari silang makipagdiborsyo.
Ang pagsasamang humantong sa pang-aabuso at pagkakasakitan ay isa sa mga tinitingnang dahilan kung bakit dapat
isabatas ang divorce bill. Ngunit kung napapangalagaan ng mga mag-asawa ang kanilang pagsasama at kung sila ay mayroong pag-ibig,
respeto, pag-unawa at suporta sa isa’t isa, hindi na dapat humantong sa hiwalayan. Ang mga bagay na nasira ay di dapat basta-basta na
lamang tinatapon lalo na kung pwede pa naman itong ayusin. Kung nasasaktan ka bilang asawa, maaari kang lumaban at protektahan ang
iyong sarili sapagkat karapatan mo iyon. Subalit, hindi ibig sabihin na sisirain mo na ang pangakong kasabay niyong binitawan sa harap ng
Diyos. Kung makatutulong ang pansamantalang paglayo, maaari mong gawin ‘yon. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong pamilya o
malapit na kaibigan. Pwede rin kayong dumaan sa marriage counselling upang maisaayos ang gusot niyong mag-asawa.
Ang pagpapakasal ay hindi isang biro. Hindi ito sulat ng lapis na pwede mong burahin kapag nagkamali ka. Ang iyong
asawa ay hindi tinta ng ballpen na pwede mong lagyan ng correction tape para mapalitan siya. Kapag nagdesisyon kang pumasok sa isang
kasal, asahan mong kaakibat ng saya at tawa ang lungkot at iyak. Kapag ang dalawang tao ay humarap sa altar ng diyos, hindi na dapat
sirain ang taling nag-uugnay sa kanila. Ang iyong mga puso ay kabiyak na ng isa’t isa, sa habang-buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man
o kalusugan, at mananatili sa habang-buhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon sa Ephesians 5:22-23 – “Wives, submit to your
husbands. Husbands, love your wives as you love yourselves.”
Sintesis
Ito ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang teksto. Ito
ay isang bersyon ng pinaikling teksto o babasahin. Ito ay ang
paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong
nakuha mula sa tekstong binasa na na sa yamang pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari. Marapat lamang namaging malinaw
sa pagpapahayag.Kailangang panatilihin ang mga binanggit na
katotohanon at mga puntong binibigyang diin ng may akda.
Sintesis ukol sa Inflation Rate
Pamagat : Epekto ng TRAIN Law sa Pagtaas ng Inflation Rate
Uri : Background Synthesis
Anyo : Explanatory
Layunin : Layunin nito na mapatunayan na ang pagpapatupad ng TRAIN Law
ang dahilan kung bakit tumaas ang inflation rate sa bansa.
Thesis Statement : Ang pagpapatupad ng TRAIN Law ang dahilan sa pagtaas ng inflation
rate sa bansa.
Paghahalimbawa
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nangunguna ang mga produktong
pagkain at transportasyon sa pinakamabilis ang pagtaas ng presyo dulot na rin ng matas na presyo ng
produktong langis sa pandaigdigang pamilihan. Sa isang pahayag ng Department of Budget and
Management, National Economic and Development Authority at Department of Finance, inamin nilang
nagsimulang magmahal ang mga bilihin gaya ng bigas, mais, isda, tabako at pamasahe na naging
dahilan ng mataas na inflation rate.
Paghahambing
Ayon sa isang editorial ng Pang-masa, tinitingnan nitong dahilan ang Tax Reform for Acceleration
and Inclusion (TRAIN) Law sa pagtaas ng excise tax ng petroleum products na nagdulot ng di mabilang na
pagtaas ng presyo ng gasoline, diesel, kerosene, at LPG. Ang mataas na presyo ng gasoline at diesel ang
dahilan kung bakit nagmahal ang presyo ng mga bilihin. Ngunit sa isang pahayag ni Astro del Castillo,
President and Managing Director ng First Grade Finance, Inc., pinaniniwalaan niya na maliit lamang ang
epekto ng TRAIN Law sa inflation rate sa Pilipinas kundi mas nakakaapekto ditto ang paghina ng piso
laban sa dolyar.
Konsesyon
Maraming posibleng dahilan kung bakit tumaas ang inflation rate sa ating bansa. Maaaring tumaas
ang presyo ng mga produkto at serbisyo dahil sa pagbaba ng halaga ng piso katumbas sa dolyar,
pagtaas ng gastos sa produksyon, paglago ng lokal na ekonomiya o di kaya’y paglago ng ekonomiya ng
mga karatig na bansa.
Sanggunian:
https://www.veritas846.ph/paghina-ng-ekonomiya-ng-bansa-epekto-ng-mataas-na-inflation-rate
https://www.google.com.ph/ampls/www.philstar.com/pilipino-star-ngayon
https://www.google.com.ph/ampls/www.philstar.com/pang-masa/puntomo/2018/09/16/1851933/
editoryal-taas-ng-bilihin-eoekto-ng-train/amp
Pamagat : Pagtaas ng Inflation Rate noong 2018
Uri : Thesis-Driven Synthesis
Anyo : Argumentative
Layunin : Layunin nito na mapatunayan na ang inflation rate sa Pilipinas ay mabilisang
tumaas noong 2018.
Thesis Statement : Ang inflation rate sa Pilipinas ay mabilisang tumaas noong 2018.
Paghahambing
Sa taong 2018, mabilis ang pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas. Ayon kay Punongbayan (2018),
ang 6.4% na inflation rate noong Agosto ay mas mataas sa 4% na target ng gobyerno para sa 2018.
Ito ay mas mataas sa 6.2% inflation rate forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ngunit mas naalarma
tayo nang pumelo sa 6.7% ang inflation rate sa buwan ng Setyembre.
Konsesyon
Matagal nang nakaranas ng mabilisang pagtaas ng inflation rate ang ating bansa. Ang 6.7% ang
pinakamabilis simula noong Pebrero 20 na nakapagrehistro ng 7.2% ayon sa datos ng Philippine
Statistics Authority (PSA). Sa mga panahong ito nakaranas ng paghihirap ang ating ekonomiya dahil sa
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Paghahalimbawa
Ayon sa pag-aaral ni Prop. Dennis Mapa, nakakaapekto ang dagdag-buwis lalo na sa diesel ssa
paglobo ng mga bilihin. Ang mga bilihin gaya ng bigas, isda, mais, tabako at pamasahe ay ilan lamang
sa nagmistulang nagmahal ayon sa pahayag ng Department of Budget and Management, National
Economic and Development Authority at Department of Finance.
Lakbay Sanaysay
Ito ay uri ng sulatin kung saan ang
may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng
kaniyang mga naranasan, gabay, o damdamin
sa paglalakbay.
LakbaySanaysay
Ang pagpunta sa zoo ay bihira lamang manguna sa ating bucket list. Ngunit, ang Zoo-Paradise
World na aming napuntahan ang magpapabago sa iyong isipan. Bihira man itong dayuhin, ang
paglalakbay naming dito’y isang magandang karanasan na nais kong ibahagi.
Noong Hulyo 13, kami ay naglakabay sa Brgy. Salngan sa bayan ng Zamboanguita, Negros
Oriental kung saan matatagpuan ang Zoo-Paradise World. Sinalubong kami ng isang matanda at
dalawang batang babae na siyang nagbabantay sa entrance ng zoo. Napansin naming na medyo
nagmahal na ang kanilang entrance fee ngunit nagpatuloy pa rin kami sa aming paglalakbay. Una
naming pinasok ang museum ng zoo kung saan kami’y namangha sa iba’t ibang mga hayop na naka-
preserba dito gaya ng orangutan, sigbin, baraw-gabi, at tarsier. Nagulat din kami nang makita ang isang
human fetus sa loob ng isang garapon.
Nabigyan kami ng pagkakataon na mapanayam si Sister Gregoria Miguel-Veronilla na isyang
nagbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa lugar. Ang Zoo-Paradise World ay pinangunahan ng
yumaing Eleuterio Tropa na mas kilala bilang Father Tropa, isang dating paring Katoliko na bumuo ng
sariling relihiyosong pangkalikasang grupo na tinawag ang kanilang mga sarili na “The Lamplighters”.
“Love one another and love nature.” Ito ang misyon at motto ng kanilang simbahan. Noon, ang lahat daw
ng mga miyembro ay kinakailangang magsuot ng itim na kamiseta na ipinares sa pula at berde na
pantalon. Napansin ko na mahahaba ang buhok ng mga lamplighter na aking nakasalubong, ito pala ay
dahil sa ipinagbabawal para sa kapwa babae at lalaki ang pagputol ng buhok. Wala ring sinumang
pinapayagan na magsuot ng tsinelas. Kahit na sila ay magpunta sa bayan, wala pa rin silang sapin sa paa
kung kaya’t nakukuha nila ang atensyon ng marami.
Kilala rin bilang Spaceship 2000 ET ang Zoo-Paradise World. Ito ay isang malawak na ipil-ipil
forested area na nakapaloob sa isang perimeter fence. Nakita naming ang iba’t ibang species ng ibon at
ibang mga hayop tulad ng ahas, buwaya, warty at guinea pig, at ilang mga unggoy. Nalula kami sa laki
ng isa sa apat na buwaya na aming nakita. Ang mga tagabantay lamang ang nagpapakain at nag-
aalaga sa mga hayop kaya kahit nag-iingay na sa gutom ang unggoy na aming kaharap, di pa rin
naming siya mapakain kahit guto naming. Mahigpit nilang pinagbabawal sa mga bumibisita ang
pagpapakain sa mga hayop, tanging sila lamang ang gumagawa nito.
Ang Zoo-Paradise World ang siyang personal na misyon ni Father Tropa. Ito ang nagpapakita na
pinili niyang mabuhay na malayo sa sibilisasyon. Nang mamatay si Father Tropa noong taong 1993, ang
lahat ng kaniyang memorabilia ay nagging element ng interes sa zoo. Ilan din sa mga prineserba ng zoo
ang mga ligaw na hayop na mas malaki pa sa tao. Sa kasalukuyan, ang natitirang kamag-anak ni Father
Tropa ang nagsasagawa sa operasyon ng zoo at patuloy na itinataguyod ang pamana na naiwan niya.
Ito ang aking kauna-unahang pagkakataon sa maglakbay sa Zoo-Paradise World at ito rin ang
kauna-unahang zoo na aking napuntahan. Kahit sa saglit na pagnisita, ako ay nawili sa ganda ng
kalikasan at hiwagang hatid ng mga hayop na bihira kong makasalimuha. Sulit ang nagging paglalakbay
naming sapagkat marami kaming natuklasan,natutuhan at nakilala.
Ang pamanang ito ni Father Tropa ay nagsisilbing pasyalan ng mga taong may pagmamahal
para sa kailikasan at sa mga hayop na itinuturing itong tahanan. Samantala, sa paglipas ng panahon unti-
unti nang nawawalan ng bisita ang Zoo-Paradise World. Dahil sa lumiliit na bilang ng mga hayop na
makikita rito, tila’y nawawalan na rin ng interes na dumayo ang mag tao. Ang mga lamplighter ay
nangangailangan din ng suporta mula sa atin upang patuloy na itaguyod ang pamanang ito. Kung gusto
niyong makahanap ng nakakakalma at nakawiwiling pasyalan na naglalayong protektahan ang mga
hayop,punta na sa Zoo-Paradise World!
RepleksibongSanaysay
Ito ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim
sa isang anyong tuluyan o prosa. Ang replektibong
sanaysay ay nangangailangan ng sariling perspektibo,
opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isa itong masining
na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw
at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
Kasawian sa Buhay
Pamilya - isang salita na binubuo ng pitong letra pero sobra-sobra ang halaga. Ano ba ang pamilya? Ang
pamilya any nagsisilbing bukal ng lakas, says at pagmamahal. Ang pamilya ang siyang gumagabay, nagtuturo ng
mga mabubuting asal, nagbibigay ng pangangailangan at nagmamahal nang walang kapalit. Ito ay binubuo ng
ina, ama at mga anak na nagsisilbing pundasyon ng bawat isa. Teka, isa, dalawa, tatlo...bakit parang kulang tayo?
Halos matakpan na ng dilim ang paligid. Nalibot ko na any buong lugar at naghanap na ako kung saan-
saan pero tila'y paikot-ikot lang ako at di ko pa rin siya mahanap. Ilang sandali pa'y napagtanto kong wala
naman akong mahahanap. Labimpitong taon na ang nakalipas pero narito pa rin sa puso ko ang
pangungulila...pangungulila para sa isang among di man lang nasubaybayan ang paglaki ko. May mga tanong sa
puso ko na di ko masagot-sagot gaya na lamang ng, "Paano ba lumaki nang may tatay?". Hindi ko maiwasang
mainggit sa ibang bata na nakakasama ang kanilang mga ama. Nakakasama sa pagtulog, nakikita sa paggising
sa umaga, at nayayakap sa tuwing may problema. Ako'y sobrang nalulungkot peso taliwas into gusto ko na lamang
isipin na namayapa na siya. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na siya. At sana napapangiti ko siya
habang pinapanood niya ako dito sa baba. Sana nakikita niya kung paano ko nilalabanan any bawat araw nang
wala siya.
Mahirap nang lumaking walang ama pero mas mahirap pala kung pati nanay no do mo nakakasama.
Ayokong magalit, ayokong magtampo pero dahil sa tao rin ako, hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit. Ilang
taon na ang lumipas mula noong mamatay si Papa bang muling mag-asawa ang aking ina. Tanggap ko
naman ang desisyon niya. Sa katunayan, masaya ako't may nagpapaligaya multi sa nanay ko. Ngunit sa
pagbuo niya ng bagong pamilya, kinailangan niyang manirahan sa bahay ng stepfather ko sa Cagayan
de Oro. Aaminin ko na nalungkot ako dahil alam kong sa paglayo niya bihira ko na lamang siyang
makakasama. Nang isilang ang aking nakababatang kapatid, alam kong sa kaniya na nakatuon ang
atensyon ng aking ina. Sa tuwing kausap ko si Mama sa telepono, ang kapatid ko ang lagi niyang
bukambibig. Pagdating sa mga pangangailangan, kailangang siya ang mauna. Minsan nararamdaman
kong sa aming tatlong magkakapatid, ako, ang ate ko, at si Onyok, ako ang minsan lamang pagtuunan ng
atensyon habang sila ang parating hinahanap at kinakamusta. Aaminin kong nagseselos ako pero mas
nangingibabaw pa rin ang pag-unawa bilang anak at bilang kapatid.
Nang idilat ko ang aking mga mata, nagkamalay ako sa ingay at gulo ng di nagkakaunawaang
mga tao. Napatanong ako, "Nawawala ba ako o sadyang ito talaga ang tahanan ko?" Pero bakit ganito?
Nang mamatay si Papa at manirahan sa ibang lugar si Mama, bakit kailangan ko pang maiwan sa isang
pamilyang puno ng sigawan na tila ba'y wala ng kapayapaan? Hindi ko na nga maalala kung kailan ako
huling tumawa sa tahanang ito. Kahit saan ako tumingin, hindi ko nakikita sa lugar na ito ang kanlungan.
Alam kong ang pamilyang ito ay biyaya ng Panginoon, pero masama ba kung hilingin kong sana'y masaya
at maayos kami? Ngunit alam ko na di rin nila piniling maging ganito kami. Ipinagdarasal ko na lamang na
dumating ang araw na mapuno ng pagmamahal ang itinuturing kong tahanan.
Walang sinuman ang makapipili ng kaniyang pamilya. Sila at kaloob sa atin ng Diyos gaya ng
pagkaloob sa'tin para naman sa kanila. Maglakbay man tayo sa buong mundo at maging sa kalawakan,
hindi tayo makakahanap ng perpektong pamilya. Sa pagtatapos ng araw, kahit gaano man kagulo sila pa
rin ang ating uuwian at aasahan sa lungkot man o kasiyahan.
Adyenda
Ito ay isang listahan, plano, o balangkas
ng mga pag-uusapan,dedisyunan o gagawin sa
isangpulong. Ito ay kronolohikal o ayon sa
pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa
indibwal. Ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing
dapat aksyunan o bigyan prayoridad.
Adyenda
PETSA : Ika-9 ng Setyembre, 2019
LUGAR : Zamboanguita Science High School
RE : Paghahanda para sa Science and Math Month
Celebration
PARA SA : Mga Guro mula sa Departmento ng Siyensya
at Matematika
Mga SSG Officers
Mga Classroom Presidents ng Bawat Klase
MULA KAY : Kaye A. Elnas
Pangulo
Supreme Student Government
SUSUNOD NA PAGPUPULONG : Ika-16 ng Setyembre, 2019
ORAS : 8:40 ng umaga
Katitikan
Ito ay dokumentong nagtatala ng
mahahalagang diskusyon at desisyon. Ibinabatay
sa adyendang unang inihanda ng tagapangulo ng
lupon na maaaring gawin ng kalihim, typist, o
reporter sa korte – maaaring maikli at tuwiran
o detalyado.
KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG NG MATH AND SCIENCE CLUB NG ZAMBOANGUITA SCIENCE HIGH
SCHOOL
Resume
Ito ay talaan ng mga personal na
detalye ng isang tao at ng kanyang mga
ginawa, naging trabaho, at mga tagumpay.
Ito ay kadalasang ipinapasa sa tuwing
mag-aaplay sa isang paaralan o trabaho.
Resume
Edukasyong Natamo:
• Master of Science in Applied Mathematics/Statistics
Silliman University
2011
• Bachelor of Science Major in Mathematics
Silliman University
2010
Cum Laude
Kasanayan:
• Mayroong matalas na kasanayan sa komunikasyon sa parehong
pagbigkas at pagsulat
• Marunong sa data analysis tools
• Mahusay sa quantitative, problem solving at analytical skills
• May karanasan sa query at report development
• Marunong sa relational database principles
• Matalas sa pag-aangkop ng mga prinsipyo sa Matematika sa
paglutas ng problema
Gawaing Karanasan:
• Propesor sa Matematika
Charleston School of the Arts
Hunyo 2015 hanggang Marso 2019
• Guro sa Matematika
Silliman University
Hunyo 2013 hanggang Marso 2015
• Bookkeeper
Georgia Perimeter College
Enero 2012 hanggang Agosto 2012
• Research/Teaching Assistant
Silliman University
Agosto 2010 hanggang Disyembre
2011
Personal na Sanggunian:
• Gracia Rodel B. Deloria, MA-Ed.
Master Teacher II
graciarodel.deloria@deped.gov.ph
09267752693
• Andren Rose A. Credo, CPA
Senior Accountant
ara.credo03@gmail.com
09066866352
• Adolf C. Ege, Ed. D.
Professor II
adolfegesu@gmail.com
09353605957
Application Leter
Ito ay isa sa mga uri ng pormal na
liham. Ang uri ng liham na ito ay
isinusulat upang ilahad ang kagustuhan ng
isang tao sa isang trabaho o posisyon sa
isang kompanya.
Application Letter
Larawang Sanaysay
Isa itong koleksyon ng mga imahe na
inilagay sa isang partikular na
pagkasund-sunod upang ipahayag ang mga
pangyayari, damdamin at mga konsepto sa
pinakapayak na paraan.
LarawangSanaysay
Nabuhay ako’t naglakbay kasama ka. Sa paghihintay,
ikaw ang paborito kong kasama.
Sa bawat lungkot at hirap na nadarama ko, haplos mo
ang nagbibigay sa akin ng pag-asa.
Kailangan ko ang iyong paggabay sa kahit saan man
ako maglakbay. Kamay mo ang hawak ko, oh aking gabay.
Wala ka man sa tabi ko, iniwanan mo naman ako ng
makakasama. Isang kaibigan, kapatid at kalaro sa
katauhan ng isang batang nagbibigay saya.
Binigyan mo ako ng pagkakataong matuto nang mag-isa
o di kaya’y may kasama.
Hinayaan mo akong lubusang makilala ang sarili ko.
Pinagkatiwalaan mo rin akong makakilala ng ibang tao.
Batid kong ginagawa mo lahat para sa ikabubuti ko.
Tirik ang araw at masikip man ang lugar, pagkayod mo
ay walang humpay.
Sa bawat yapak at padyak mo, ako ang iniisip mo.
Alam kong hindi ka susuko kahit daanan mo’y hindi
sigurado.
Nakakapagod mabuhay sa mundong ito pero patuloy
kang nagsisikap para alagaan ang kinabukasan ko. Ikaw
ang nagsisilbing gulong ng sinasakyan kong buhay.
Salamat sa bawat pagsubok na hindi mo inatrasan at
sa lahat ng pagod na di mo sinukuan.
Hiling ko’y dumating ang araw na hindi mo na kailangang
kumayod at hindi ka na mapapagod. Sapagkat sa lahat ng ginawa
at patuloy mong ginagawa, matiwasay sa buhay ang nararapat
para sayo.
Memorandum
Isa itong kasulatan (note), dokumento o
iba pang uri ng pakikipag-ugnayan na
tumutulong para ipaalala ang ilang bagay, tao,
mga pangyayari, paksa, hinggil sa negosyo o
trabaho sa opisina at marami pang iba.
Memorandum
Ang may-akda ay nais magbigay ng kredito sa mga may-ari
ng mga larawang ginamit bilang background ng iilang teksto.
Ang kahulugan ng mga akademikong sulatin na nakapaloob dito
ay hindi rin pagmamay-ari ng may-akda. Maraming salamat!
Isinulat at inihanda ni: Kaye A. Elnas

More Related Content

What's hot

Catch-up Friday_Public Order and Safety.pdf
Catch-up Friday_Public Order and Safety.pdfCatch-up Friday_Public Order and Safety.pdf
Catch-up Friday_Public Order and Safety.pdfJEFFREYBERMUDEZ2
 
Pandarayuhan
Pandarayuhan Pandarayuhan
Pandarayuhan 11271980
 
Esp10.module9
Esp10.module9Esp10.module9
Esp10.module9Corz Gaza
 
Una hanggang ikalimang araw.
Una hanggang ikalimang araw.Una hanggang ikalimang araw.
Una hanggang ikalimang araw.Ian Villegas
 
elemento ng maikling kuwento.pptx
elemento ng maikling kuwento.pptxelemento ng maikling kuwento.pptx
elemento ng maikling kuwento.pptxJoycePerez27
 
ESP10 Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay
 ESP10 Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay ESP10 Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay
ESP10 Mga Isyung Moral Tungkol sa BuhayMa. Hazel Forastero
 
MGA BATAS AT PATAKARAN LABAN SA DISKRIMINASYON.pptx
MGA BATAS AT PATAKARAN LABAN SA DISKRIMINASYON.pptxMGA BATAS AT PATAKARAN LABAN SA DISKRIMINASYON.pptx
MGA BATAS AT PATAKARAN LABAN SA DISKRIMINASYON.pptxAbbhyMhaeCeriales
 
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selection
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selectionGrade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selection
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selectionEDITHA HONRADEZ
 
EMCEE SCRIPT_Xmas King & Queen 2022.docx
EMCEE SCRIPT_Xmas King & Queen 2022.docxEMCEE SCRIPT_Xmas King & Queen 2022.docx
EMCEE SCRIPT_Xmas King & Queen 2022.docxRigino Macunay Jr.
 
Konsensya at likas na batas moral revised.pptx
Konsensya at likas na batas moral revised.pptxKonsensya at likas na batas moral revised.pptx
Konsensya at likas na batas moral revised.pptxGenerosaFrancisco
 
Alim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugaoAlim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugaojunaid mascara
 
Statistics ice breakers and orientation
Statistics ice breakers and orientationStatistics ice breakers and orientation
Statistics ice breakers and orientationJason Edington
 
Mga isyung moral sa buhay
Mga isyung moral sa buhayMga isyung moral sa buhay
Mga isyung moral sa buhayFaith De Leon
 

What's hot (20)

Banghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwentoBanghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwento
 
Catch-up Friday_Public Order and Safety.pdf
Catch-up Friday_Public Order and Safety.pdfCatch-up Friday_Public Order and Safety.pdf
Catch-up Friday_Public Order and Safety.pdf
 
Pandarayuhan
Pandarayuhan Pandarayuhan
Pandarayuhan
 
Esp10.module9
Esp10.module9Esp10.module9
Esp10.module9
 
The plea of an aborted fetus
The plea of an aborted fetusThe plea of an aborted fetus
The plea of an aborted fetus
 
Una hanggang ikalimang araw.
Una hanggang ikalimang araw.Una hanggang ikalimang araw.
Una hanggang ikalimang araw.
 
MAIKLING KWENTO
MAIKLING KWENTOMAIKLING KWENTO
MAIKLING KWENTO
 
elemento ng maikling kuwento.pptx
elemento ng maikling kuwento.pptxelemento ng maikling kuwento.pptx
elemento ng maikling kuwento.pptx
 
ESP10 Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay
 ESP10 Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay ESP10 Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay
ESP10 Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay
 
Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos
Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilosModyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos
Modyul 6 layunin, paraan, sirkumstansya at kahihinatnan ng makataong kilos
 
MGA BATAS AT PATAKARAN LABAN SA DISKRIMINASYON.pptx
MGA BATAS AT PATAKARAN LABAN SA DISKRIMINASYON.pptxMGA BATAS AT PATAKARAN LABAN SA DISKRIMINASYON.pptx
MGA BATAS AT PATAKARAN LABAN SA DISKRIMINASYON.pptx
 
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selection
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selectionGrade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selection
Grade 6-english-reading-major-events-ideas-in-a-selection
 
Math 9 (module 4)
Math 9 (module 4)Math 9 (module 4)
Math 9 (module 4)
 
EMCEE SCRIPT_Xmas King & Queen 2022.docx
EMCEE SCRIPT_Xmas King & Queen 2022.docxEMCEE SCRIPT_Xmas King & Queen 2022.docx
EMCEE SCRIPT_Xmas King & Queen 2022.docx
 
Look up! v3.1
Look up! v3.1Look up! v3.1
Look up! v3.1
 
Konsensya at likas na batas moral revised.pptx
Konsensya at likas na batas moral revised.pptxKonsensya at likas na batas moral revised.pptx
Konsensya at likas na batas moral revised.pptx
 
Alim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugaoAlim- Epiko ng mga ifugao
Alim- Epiko ng mga ifugao
 
Statistics ice breakers and orientation
Statistics ice breakers and orientationStatistics ice breakers and orientation
Statistics ice breakers and orientation
 
Pagkamamamayan
PagkamamamayanPagkamamamayan
Pagkamamamayan
 
Mga isyung moral sa buhay
Mga isyung moral sa buhayMga isyung moral sa buhay
Mga isyung moral sa buhay
 

Similar to (Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang

(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10ruth ferrer
 
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptx
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptxap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptx
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptxMERLINDAELCANO3
 
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptx
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptxAP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptx
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptxPearlFernandez3
 
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docxLEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docxVirgilNierva
 
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxJOYCONCEPCION6
 
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfaralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfFyuTexNathanDaGreat
 
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptxJaiVilla2
 
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong PanlipunanAP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong PanlipunanJhing Pantaleon
 
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LaranganBeth Aunab
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
1. Kontemporaryong isyu.pptx
1. Kontemporaryong isyu.pptx1. Kontemporaryong isyu.pptx
1. Kontemporaryong isyu.pptxHarold Catalan
 

Similar to (Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang (20)

(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Andren Credo) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Arnold Rabor) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Gelmie Paculanang) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
Isyu at Hamong Panlipunan AP 10
 
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(James Deloria) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Trixi Angiela Diaz) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mary Grace Piala) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Robeth Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptx
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptxap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptx
ap10-isyu at hamong panlipunanan-converted.pptx
 
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptx
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptxAP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptx
AP 10 ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN.pptx
 
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docxLEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
LEARNING PACKET AP 10 3RD QUARTER.docx
 
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptxARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
ARALIN-2-ANG-LIPUNAN.pptx
 
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdfaralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
aralin-2-ang-lipunan-220929093112-a34ec716.pdf
 
ANG LIPUNAN
ANG LIPUNANANG LIPUNAN
ANG LIPUNAN
 
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
533124946-Aralin-2-Ang-Lipunan.pptx
 
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong PanlipunanAP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
 
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Jerome Generoso) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Abegail Bagaan) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
1. Kontemporaryong isyu.pptx
1. Kontemporaryong isyu.pptx1. Kontemporaryong isyu.pptx
1. Kontemporaryong isyu.pptx
 

More from Beth Aunab

(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin Beth Aunab
 
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin Beth Aunab
 
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin Beth Aunab
 
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin Beth Aunab
 
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong SulatinBeth Aunab
 
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatinBeth Aunab
 
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LaranganBeth Aunab
 
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 

More from Beth Aunab (17)

(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Joshua Tubil) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Aya Cafino) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rhea Mae Luyao) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Riza Guisingmadali) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Leah Alegre) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Mark Canosa) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Ren Ayangco) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin (Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Alec Dayot) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Emilia Velasquez)Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Rhena Rodriguez) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Inah Kris Ferrero) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
(Allyssa Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin
 
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
(Adrian Panoncillon) kompilasyon ng mga Akademikong sulatin
 
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
(Stephon Vince Elola) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larangan
 
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rosebelle Banua) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Rica Alcano) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Fredelin Parallon) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 

Recently uploaded

power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxlouieilo1
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 

Recently uploaded (20)

power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 

(Kaye Elnas) Kompilasyon ng Akademikong Sulatin sa Piling Larang

  • 1. KOMPILASYON NG MGA AKADEMIKONG SULATIN Piling Larang (Akademik) Isinulat at inihanda ni: Kaye A. Elnas
  • 2. Abstrak Ito ay isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag-aaral na inilalagay bago ang introduksyon. Ito ag siksik na bersiyon ng mismong papel.
  • 3. Abstrak Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga negatibong epekto ng pagkakahumaling ng mga tao lalo na ang mga kabataan sa Internet at social media. Tinatalakay sa artikulong ito ang mensahe ng isang Pinoy Indie Film na pinamagatang “Unfriend” sa ilalim ng direksyon ni Joselito Artalejos. Binigyang-diin ng artikulong ito ang panayam kay “Janine” kung saan tila’y nagiging sakit na ng ilang Pilipino ang pagka-adik sa Internet. Ang sobrang pagkahumaling ng mga tao sa Internet ay pinagmumulan na rin ng cyberbullying tulad ng panglalait at pagbabanta. Nakapaloob din dito ang pahayag ng isang sociologist na si Prof. Gerald Abersos. Ayon sa kaniya, ang sobrang paggamit ng Internet at social media ay maaaring magdulot ng depresyon. Maaaring lumiit ang kanilang mundo sapagkat nakakapagtago sila sa ibang pagkatao at nawawalan ng privacy. Ang artikulong ito ay nagpapaalala na mas malaki at mahalaga ang tunay na mundo kaysa ang mundo ng Internet.
  • 4. Bionote Ito ay isang maikling impormatibong sulatin na karaniwang isang talata lamang at naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang tao o indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang panauhin o bilang propesyunal.
  • 5. Bionote Nakapagtapos si ROLANDO A. BERNALES ng BSE-Filipino bilang cum laude at nakatanggap ng graduate certificate na katumbas ng Master of Arts in Teaching sa Linggwistikang Filipino sa Philippine Normal University. Nakapagtapos siya ng Ed. D. sa Educational Management sa University of Makati. Siya ay nagging puno ng Departamento ng Filipino sa loob ng limang taon at isang taon bilang puno ng Departamneto ng Lenggwahe at Literatura sa University of Makati bago maging Professor II sa kasalukuyan. Siya ang Executive Director ng Center for Innovative Education and Sciences. Isa rin siyang akademik consultant ng Mutya Publishing House, Inc. at isang malikhaing manunulat ng tula, kwento, at sanaysay. Siya ay awtor, ko-awtor, editor, at/o consultant ng hindi kukulangin sa 70 na mga aklat sa wika, pagbasa at panitikan sa antas preschool, elementarya, sekundarya at tersyarya. Siya ay kabilang sa Ten Outstanding Students of the Philippines noong 1989 at nakatanggap ng Award for Exemplary Performance as a Public Servant noong 2000 mula sa Pamahalaang Lungsod ng Makati. Isa rin sityang Palanca Awardee. Siya ay panghabambuhay na kasapi ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino. Miyembro rin siya ng KAGURO, SANGFIL at APNIEVE.
  • 6. Talumpati Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
  • 7. Talumpati Ang kabataan ang tinuturing na pag-asa ng bayan. Ngunit, paano kung ang mga kabataang ating inaasahan ay napunta sa kulungan? Pag-asa pa ba itong maituturing o dagdag lamang sa mga pasanin? Ang bilang ng krimen sa ating bansa ay mabilis na nadaragdagan sa paglipas ng panahon. Ngunit mayroong mas nakakaalarma pa rito. Pabata nang pabata ang mga nasasangkot sa krimen tulad ng pagtutulak ng illegal na droga, panggagahasa at pagnanakaw. Karamihan sa mga menor de edad ay ginagamit ng mga sindikato sa paggawa ng kriminal na gawain. Dahil dito, ang kabuuang 52,576 na mga menor de edad ay nasa detensyon o nasa ilalim ng custodial setting bago pa man maipasa ang RA 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act (JJWA) ng 2006. Sa ilalim ng JJWA, hindi maaaring panagutin sa batas ang mga nakagawa ng krimen kapag sila ay nasa edad 15 anyos pababa ngunit nito lamang Pebrero, inaprubahan ng House Committee on Justice ang panukalang batas na layong ibaba sa siyam na taong gulang ang minimum age of criminal liability. Mula sa 15 anyos, ibinaba ng House Bill No. 505 sa siyam na taong gulang ang edad ng bata na maaaring managot sa batas kapag siya ay nakagawa ng krimen. Ngunit ang pagbaba ba ng edad ng criminal na pananagutan ay isang makatarungang solusyon upang matugunan ang suliraning ito? Bilang sila rin ay mga kabataang may karapatan, lalong lalo na sa kalayaan, at sa paniniwalang ito ay pagnanakaw sa kinabukasan ng mga kabataan, ako’y mariing naniniwala na hindi na dapat binabaan ang minimum age of criminal liability dahil sa sumusunod na mga punto.
  • 8. Una, ayon sa Psychological Association of the Philippines, ang isip ng mga bata ay nasa proseso pa ng pag-unlad. Sa panahong ito may mga mahahalagang pagbabago sa kanilang utak particular na sa prefrontal region na hindi pa ganap na nabubuo hanggang sa young adulthood (mid 20s). Dahil dito, mas nahihimok silang gumawa ng mga bagy na mapanganib at labag sa batas. Bagama’t masasabing kahit papaano ay may kakayahan silang maunawaan kung ano ang tama at mali, kulang pa rin ang kanilang kapasidad, dahil na rin sa kanilang murang edad, na makita ang pangmatagalang epekto ng kanilang mga desisyon para sa kanilang sarili at kapaligiran. Dagdag pa rito, ang mga bata ay karaniwang walang laban sa mga pananakot at pamumuwersa ng mga matatanda. Bilang mga bata, wala silang kalayaang katulad ng sa mga matatanda upang lubusang tumutol at iiwas ang sarili sa mga sitwasyong patungo sa paglabag sa batas. Ikalawa, ang pagbaba ng edad ng criminal na pananagutan ay isang pagkilos ng karahasan laban sa mga bata. Ayon sa kinatawan ng Pilipinas sa UNICEF Lotta Sylwander, ang mga batang sumasalungat sa batas ay biktima lamang ng pangyayari, karamihan ay dahil sa kahirapan at pananamantala ng mga sindikato. Bilang karagdagan, magdudulot lamang ng trauma sa mga menor de edad ang naturang panukala ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate. Itutulak lamang nito ang mga ito sa higit pang dikriminasyon, pang-aabuso at kalaunan sa higit pang pag-uugaling antisosyal batay sa pahayag ng grupong Save the Children Philippines. Ayon naman kay Dr. Liane Alampay ng Philippine Psychological Association, mas may posibilidad na maulit ang mga krimen lalo na’t “vulnerable” ang mga kabataan. Ang pagkukulong sa mga bata sa mga bilangguan o mga katulad na pasilidad, lalo na kung sila ay musmos pa, ay maaaring magtulak pa sa kanilang maging hardened offenders.
  • 9. Ikatlo, ang mga kabataan ay nararapat sa libreng edukasyon, sapat na pangangalaga sa kalusugan, pabahay at hindi ang pananagutan para sa isang bagay na pinilit silang gawin. Sa halip na tamasin ang mga karapatang ito, sila ay nagiging biktima ng kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan at pagpapabaya ng estado. “Branding children as criminals removes accountability from adults who are responsible for safeguarding them. If children who have been exploited by criminal syndicates are penalized instead of the adults who abused them, we fail to uphold the right and well-being of children,” pahayag ng UNICEF. Ang pamamaraan ay hindi naaayon sa pinbakamahusay na interes ng mga bata. Hindi nito pinoprotektahan ang mga kabataan mula sa mga walang awa at walang prinsipyong sindikatong criminal. Sa pagpapatupad ng panukalang ito, hindi pa rin natin masisiguro na hindi na gagamit ng mga bata ang mga sindikato sa paggawa ng mga krimen. Sinisikap lamang nito na takpan ang mga problemang hindi matugunan ng pamahalaan. Paano mapoprotektahan ang mga bata kung ang mga krimen ay hindi pa natatapos? Kung ang kahirapan ay nagpapagutom sa mga batang ito hanggang bsa kamatyan? Kung gusto nating protektahan ang mga bata at ang kanilang hinaharap, dapat hulihin ang mga sindikatong nambibiktima ng mga bata at tugunan ang kahirapan sa halip na ibinaba ang edad ng kriminal na pananagutan. Sa isang talumpati ni Pangulong Duterte, tinitingnan niya ang JJWA bilang dahilan kung bakit dumarami ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga bata. Ako ay tumututol ditto. Ayon sa datos ng Philippine National Police, 98% ng mga naitalang krimen sa Pilipinas muka 2006 hanggang 2012 ay gawa ng mga matatanda. Sa katunayan, sa 9,562 kabataang nasasangkot sa mga krimen, 452 lamang ditto ang 11 anyos pababa. Sapagkat maliit na porsyento lamang ng kabuuang bilang ng krimen sa Pilipinas ang kinasasangkutan
  • 10. ng mga bata, sapat ang mga probisyon sa JJWA upang tugunan ang mga paglabag sa batas ng mga batang ito. Hinihikayat nito ang komunidad na gabayan ang mga bata sa kanilang paglaki upang hindi masangkot sa krimen. Inilalatag ng JJWAang mga paraan kung paano dapat hawakan ang mga kaso ng mga batang walang criminal na pananagutan, mga batang nakagawa ng malubhang paglabag sa batas, at mga batang paulit-ulit na gumagawa ng krimen. Ang karapatan ng mga bata ay hindi dapat ilagay sa kompromiso para lamang bilisan ang pagtugon sa kriminalidad. Sa pagtatapos ng araw, ang karapatan pa rin ng mga batang ito ang dapat unang pagtuunang-pansin. Ang muling pagsasama- sama ng mga bata at ang kanilang mga pamilya at pigilan ang kanilang pagkakasangkot sa krimen at pagpapalakas ng mga istemang panlipunan ay maaaring gawing hakbang upang protektahan ang mga kabataan. Ang solusyon sa suliraning ito ay dapat maghangad sa kanilang pinakamabuting interes. Lumipas man ang panahon ngunit ang pahayag ni Gat Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan ay totoo pa rin hanggang ngayon at iyan ang dapat nating panghawakan sa pagprotekta at pag-aruga sa mga kabataan.
  • 11. Posisyong Papel Ito ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may- akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
  • 12. Pinikit mo ang iyong mata at nag-iwan ng buntong-hininga. Kasabay nito ang pagbalik ng mga alaalaa kung paano ka paulit- ulit na pinagtaksilan ng iyong asawa. Napatingin ka nalang sa singsing na nagpapaalala sayo sa kaniyang pinangakong walang hanggang pagmamahal. Pangkong unti-unti nang napapako. Kung ikaw ang asawa, mananatili ka ba sa kasal kung saan nasasakal ka na sa poot at lungkot? Matutupad mo pa ba ang iyong pangakong, “Maging kabiyak ng iyong puso, sa habang-buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mananatili sa habaang-buhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon”? Ang kasal ang nagtatali sa dalawang taong nagmamahalan upang maging wagas ang kanilang pag-iibigan. Ito ay mistulang matamis na pagkain na panghabambuhay na pinagsasaluhan ng mga mag-asawa. Ngunit hindi lahat ng kasal ay matamis na pinagsasaluhan bawat segundo hanggang dulo. Mayroong mga mag-asawang gusto nang kumalas sa panghabambuhay na pangmamahalan. Kung kaya’t kung may pagkakataon lang, marami ng may gusting wakasan ang napasok na kasalan. Napakainit ng usaping diborsyo sa mga Pilipino spagkat ang Pilipinas na lamang at ang Vatican ang hindi nagpatupad nito. Nito lamang Marso 2018, inaprubahan na ng mga mambabatas sa House of Representatives ang House Bill No. 7303. Sa botong 134 na sang-ayon, 57 na di sang-ayon at dalawang abstaining, lusot sa ikatlo at huling pagbasa at pagrepaso sa panukala ang “Act of Absolute Divorce and Dissolution of Marriage”. Ang panukalang ito ay para sa mga mag-asawang may tinatawag na “irremediably failed marriages”. Ang diborsyo ang nagpapawalang-bisa sa kasal ng dalawang tao, at magbibigay-laya sa dating mag-asawa na makapagpakasal ulit. Divorce Bill sa Pilipinas: Nararapat bang Isabatas?
  • 13. Sinasabing ito ang sagot sa dasal ng mga mag-asaawang nais kalagan ang bigkis ng kanilang kasal, ngunit ito ba ay tama? Nararapat bang isabatas ang diborsyo? Sa aking pananaw bilang Pilipino at bilang isang Kristiyano, hindi dapat isabatas ang panukalang ito dahil sa mga sumusunod na punto. Una, ang pag-aasawa ay dapat malasin bilang isang habang-buhay na pagsasama. Ito ang nilinaw ni Hesus sa Mateo 19:4-6 nang sagutin Niya ang itinanong sa Kaniya tungkol sa pagiging angkop ng diborsyo. Sinabi Niya, “Hindi ba ninyo na nabasa na ang Diyos na lumalang sa kanila mula sa ssimula ay ginawa silang lalaki at babae at nagsabi, ‘Sa dahilang ito ay iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at pipisan sa kaniyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman’? Kung kaya hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Kaya ang pinagtuwang ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinumang tao.” Ikalawa, ipinahayag sa 1987 Constitution, Article II, Section 12 na “The State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social interaction.” Lumilitaw na ang iminungkahing batas ng diborsyo ay salungat sa probisyon ng konstitusyong layong protektahan at palakasin ang kasal at pamilya bilang mga pangunahing instistusyong panlipunan. Dagdag pa rito, inilalagay ng kulturang Pilipino ang pamilya sa sentro ng buhay ng isang tao – ang pangunahing pinagmumulan ng pinansyal na seguridad at ang bukal ng emosyonal, moral ar espiritwal na pag-unlad. Ang pagkasira ng pamilya ay di lamang makasisira sa relasyon ng mag-asawa kundi pati na rin sa pisikal na kaunlaran, emosyonal na paglago, at ang moral at espiritwal nap ag-unlad ng bawat miyembro ng pamilya, lalo na ang mga bata. Ikatlo, gagawin ng panukalang diborsyo o pagpapawalang-bisa sa isang kasal na mas madali para sa mga iresponsableng kabiyak na magkaroon ng legal na pagpasok sa maraming marital na pang-aabuso na pumipinsala sa pagtatayo ng isang maayos na lipunan. Bilang ang kulturang Pilipino ay nakasentro sa pamilya, ang pagsasabatas ng diborsyo ay maaaring mag-ambag sa paglaganap ng sakit sa emosyonal, moral at espiritwal na aspeto. Bilang karagdagan, ang pagsasabatas ng panukalang ito ay maaaring maging dahilan ng madaliang pagpasok sa isang kasal ng dalawang tao sapagkat kapag hindi magtagumpay ang kasal, maaari silang makipagdiborsyo.
  • 14. Ang pagsasamang humantong sa pang-aabuso at pagkakasakitan ay isa sa mga tinitingnang dahilan kung bakit dapat isabatas ang divorce bill. Ngunit kung napapangalagaan ng mga mag-asawa ang kanilang pagsasama at kung sila ay mayroong pag-ibig, respeto, pag-unawa at suporta sa isa’t isa, hindi na dapat humantong sa hiwalayan. Ang mga bagay na nasira ay di dapat basta-basta na lamang tinatapon lalo na kung pwede pa naman itong ayusin. Kung nasasaktan ka bilang asawa, maaari kang lumaban at protektahan ang iyong sarili sapagkat karapatan mo iyon. Subalit, hindi ibig sabihin na sisirain mo na ang pangakong kasabay niyong binitawan sa harap ng Diyos. Kung makatutulong ang pansamantalang paglayo, maaari mong gawin ‘yon. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong pamilya o malapit na kaibigan. Pwede rin kayong dumaan sa marriage counselling upang maisaayos ang gusot niyong mag-asawa. Ang pagpapakasal ay hindi isang biro. Hindi ito sulat ng lapis na pwede mong burahin kapag nagkamali ka. Ang iyong asawa ay hindi tinta ng ballpen na pwede mong lagyan ng correction tape para mapalitan siya. Kapag nagdesisyon kang pumasok sa isang kasal, asahan mong kaakibat ng saya at tawa ang lungkot at iyak. Kapag ang dalawang tao ay humarap sa altar ng diyos, hindi na dapat sirain ang taling nag-uugnay sa kanila. Ang iyong mga puso ay kabiyak na ng isa’t isa, sa habang-buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mananatili sa habang-buhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon sa Ephesians 5:22-23 – “Wives, submit to your husbands. Husbands, love your wives as you love yourselves.”
  • 15. Sintesis Ito ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang teksto. Ito ay isang bersyon ng pinaikling teksto o babasahin. Ito ay ang paglalahad ng anumang kaisipan at natutunang impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa na na sa yamang pagkakasunud- sunod ng mga pangyayari. Marapat lamang namaging malinaw sa pagpapahayag.Kailangang panatilihin ang mga binanggit na katotohanon at mga puntong binibigyang diin ng may akda.
  • 16. Sintesis ukol sa Inflation Rate Pamagat : Epekto ng TRAIN Law sa Pagtaas ng Inflation Rate Uri : Background Synthesis Anyo : Explanatory Layunin : Layunin nito na mapatunayan na ang pagpapatupad ng TRAIN Law ang dahilan kung bakit tumaas ang inflation rate sa bansa. Thesis Statement : Ang pagpapatupad ng TRAIN Law ang dahilan sa pagtaas ng inflation rate sa bansa. Paghahalimbawa Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nangunguna ang mga produktong pagkain at transportasyon sa pinakamabilis ang pagtaas ng presyo dulot na rin ng matas na presyo ng produktong langis sa pandaigdigang pamilihan. Sa isang pahayag ng Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority at Department of Finance, inamin nilang nagsimulang magmahal ang mga bilihin gaya ng bigas, mais, isda, tabako at pamasahe na naging dahilan ng mataas na inflation rate.
  • 17. Paghahambing Ayon sa isang editorial ng Pang-masa, tinitingnan nitong dahilan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa pagtaas ng excise tax ng petroleum products na nagdulot ng di mabilang na pagtaas ng presyo ng gasoline, diesel, kerosene, at LPG. Ang mataas na presyo ng gasoline at diesel ang dahilan kung bakit nagmahal ang presyo ng mga bilihin. Ngunit sa isang pahayag ni Astro del Castillo, President and Managing Director ng First Grade Finance, Inc., pinaniniwalaan niya na maliit lamang ang epekto ng TRAIN Law sa inflation rate sa Pilipinas kundi mas nakakaapekto ditto ang paghina ng piso laban sa dolyar. Konsesyon Maraming posibleng dahilan kung bakit tumaas ang inflation rate sa ating bansa. Maaaring tumaas ang presyo ng mga produkto at serbisyo dahil sa pagbaba ng halaga ng piso katumbas sa dolyar, pagtaas ng gastos sa produksyon, paglago ng lokal na ekonomiya o di kaya’y paglago ng ekonomiya ng mga karatig na bansa. Sanggunian: https://www.veritas846.ph/paghina-ng-ekonomiya-ng-bansa-epekto-ng-mataas-na-inflation-rate https://www.google.com.ph/ampls/www.philstar.com/pilipino-star-ngayon https://www.google.com.ph/ampls/www.philstar.com/pang-masa/puntomo/2018/09/16/1851933/ editoryal-taas-ng-bilihin-eoekto-ng-train/amp
  • 18. Pamagat : Pagtaas ng Inflation Rate noong 2018 Uri : Thesis-Driven Synthesis Anyo : Argumentative Layunin : Layunin nito na mapatunayan na ang inflation rate sa Pilipinas ay mabilisang tumaas noong 2018. Thesis Statement : Ang inflation rate sa Pilipinas ay mabilisang tumaas noong 2018. Paghahambing Sa taong 2018, mabilis ang pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas. Ayon kay Punongbayan (2018), ang 6.4% na inflation rate noong Agosto ay mas mataas sa 4% na target ng gobyerno para sa 2018. Ito ay mas mataas sa 6.2% inflation rate forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Ngunit mas naalarma tayo nang pumelo sa 6.7% ang inflation rate sa buwan ng Setyembre. Konsesyon Matagal nang nakaranas ng mabilisang pagtaas ng inflation rate ang ating bansa. Ang 6.7% ang pinakamabilis simula noong Pebrero 20 na nakapagrehistro ng 7.2% ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Sa mga panahong ito nakaranas ng paghihirap ang ating ekonomiya dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Paghahalimbawa Ayon sa pag-aaral ni Prop. Dennis Mapa, nakakaapekto ang dagdag-buwis lalo na sa diesel ssa paglobo ng mga bilihin. Ang mga bilihin gaya ng bigas, isda, mais, tabako at pamasahe ay ilan lamang sa nagmistulang nagmahal ayon sa pahayag ng Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority at Department of Finance.
  • 19. Lakbay Sanaysay Ito ay uri ng sulatin kung saan ang may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng kaniyang mga naranasan, gabay, o damdamin sa paglalakbay.
  • 21. Ang pagpunta sa zoo ay bihira lamang manguna sa ating bucket list. Ngunit, ang Zoo-Paradise World na aming napuntahan ang magpapabago sa iyong isipan. Bihira man itong dayuhin, ang paglalakbay naming dito’y isang magandang karanasan na nais kong ibahagi. Noong Hulyo 13, kami ay naglakabay sa Brgy. Salngan sa bayan ng Zamboanguita, Negros Oriental kung saan matatagpuan ang Zoo-Paradise World. Sinalubong kami ng isang matanda at dalawang batang babae na siyang nagbabantay sa entrance ng zoo. Napansin naming na medyo nagmahal na ang kanilang entrance fee ngunit nagpatuloy pa rin kami sa aming paglalakbay. Una naming pinasok ang museum ng zoo kung saan kami’y namangha sa iba’t ibang mga hayop na naka- preserba dito gaya ng orangutan, sigbin, baraw-gabi, at tarsier. Nagulat din kami nang makita ang isang human fetus sa loob ng isang garapon. Nabigyan kami ng pagkakataon na mapanayam si Sister Gregoria Miguel-Veronilla na isyang nagbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa lugar. Ang Zoo-Paradise World ay pinangunahan ng yumaing Eleuterio Tropa na mas kilala bilang Father Tropa, isang dating paring Katoliko na bumuo ng sariling relihiyosong pangkalikasang grupo na tinawag ang kanilang mga sarili na “The Lamplighters”. “Love one another and love nature.” Ito ang misyon at motto ng kanilang simbahan. Noon, ang lahat daw ng mga miyembro ay kinakailangang magsuot ng itim na kamiseta na ipinares sa pula at berde na pantalon. Napansin ko na mahahaba ang buhok ng mga lamplighter na aking nakasalubong, ito pala ay dahil sa ipinagbabawal para sa kapwa babae at lalaki ang pagputol ng buhok. Wala ring sinumang pinapayagan na magsuot ng tsinelas. Kahit na sila ay magpunta sa bayan, wala pa rin silang sapin sa paa kung kaya’t nakukuha nila ang atensyon ng marami.
  • 22. Kilala rin bilang Spaceship 2000 ET ang Zoo-Paradise World. Ito ay isang malawak na ipil-ipil forested area na nakapaloob sa isang perimeter fence. Nakita naming ang iba’t ibang species ng ibon at ibang mga hayop tulad ng ahas, buwaya, warty at guinea pig, at ilang mga unggoy. Nalula kami sa laki ng isa sa apat na buwaya na aming nakita. Ang mga tagabantay lamang ang nagpapakain at nag- aalaga sa mga hayop kaya kahit nag-iingay na sa gutom ang unggoy na aming kaharap, di pa rin naming siya mapakain kahit guto naming. Mahigpit nilang pinagbabawal sa mga bumibisita ang pagpapakain sa mga hayop, tanging sila lamang ang gumagawa nito. Ang Zoo-Paradise World ang siyang personal na misyon ni Father Tropa. Ito ang nagpapakita na pinili niyang mabuhay na malayo sa sibilisasyon. Nang mamatay si Father Tropa noong taong 1993, ang lahat ng kaniyang memorabilia ay nagging element ng interes sa zoo. Ilan din sa mga prineserba ng zoo ang mga ligaw na hayop na mas malaki pa sa tao. Sa kasalukuyan, ang natitirang kamag-anak ni Father Tropa ang nagsasagawa sa operasyon ng zoo at patuloy na itinataguyod ang pamana na naiwan niya. Ito ang aking kauna-unahang pagkakataon sa maglakbay sa Zoo-Paradise World at ito rin ang kauna-unahang zoo na aking napuntahan. Kahit sa saglit na pagnisita, ako ay nawili sa ganda ng kalikasan at hiwagang hatid ng mga hayop na bihira kong makasalimuha. Sulit ang nagging paglalakbay naming sapagkat marami kaming natuklasan,natutuhan at nakilala. Ang pamanang ito ni Father Tropa ay nagsisilbing pasyalan ng mga taong may pagmamahal para sa kailikasan at sa mga hayop na itinuturing itong tahanan. Samantala, sa paglipas ng panahon unti- unti nang nawawalan ng bisita ang Zoo-Paradise World. Dahil sa lumiliit na bilang ng mga hayop na makikita rito, tila’y nawawalan na rin ng interes na dumayo ang mag tao. Ang mga lamplighter ay nangangailangan din ng suporta mula sa atin upang patuloy na itaguyod ang pamanang ito. Kung gusto niyong makahanap ng nakakakalma at nakawiwiling pasyalan na naglalayong protektahan ang mga hayop,punta na sa Zoo-Paradise World!
  • 23. RepleksibongSanaysay Ito ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa. Ang replektibong sanaysay ay nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isa itong masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.
  • 24. Kasawian sa Buhay Pamilya - isang salita na binubuo ng pitong letra pero sobra-sobra ang halaga. Ano ba ang pamilya? Ang pamilya any nagsisilbing bukal ng lakas, says at pagmamahal. Ang pamilya ang siyang gumagabay, nagtuturo ng mga mabubuting asal, nagbibigay ng pangangailangan at nagmamahal nang walang kapalit. Ito ay binubuo ng ina, ama at mga anak na nagsisilbing pundasyon ng bawat isa. Teka, isa, dalawa, tatlo...bakit parang kulang tayo? Halos matakpan na ng dilim ang paligid. Nalibot ko na any buong lugar at naghanap na ako kung saan- saan pero tila'y paikot-ikot lang ako at di ko pa rin siya mahanap. Ilang sandali pa'y napagtanto kong wala naman akong mahahanap. Labimpitong taon na ang nakalipas pero narito pa rin sa puso ko ang pangungulila...pangungulila para sa isang among di man lang nasubaybayan ang paglaki ko. May mga tanong sa puso ko na di ko masagot-sagot gaya na lamang ng, "Paano ba lumaki nang may tatay?". Hindi ko maiwasang mainggit sa ibang bata na nakakasama ang kanilang mga ama. Nakakasama sa pagtulog, nakikita sa paggising sa umaga, at nayayakap sa tuwing may problema. Ako'y sobrang nalulungkot peso taliwas into gusto ko na lamang isipin na namayapa na siya. Kung nasaan man siya ngayon, alam kong masaya na siya. At sana napapangiti ko siya habang pinapanood niya ako dito sa baba. Sana nakikita niya kung paano ko nilalabanan any bawat araw nang wala siya. Mahirap nang lumaking walang ama pero mas mahirap pala kung pati nanay no do mo nakakasama. Ayokong magalit, ayokong magtampo pero dahil sa tao rin ako, hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit. Ilang
  • 25. taon na ang lumipas mula noong mamatay si Papa bang muling mag-asawa ang aking ina. Tanggap ko naman ang desisyon niya. Sa katunayan, masaya ako't may nagpapaligaya multi sa nanay ko. Ngunit sa pagbuo niya ng bagong pamilya, kinailangan niyang manirahan sa bahay ng stepfather ko sa Cagayan de Oro. Aaminin ko na nalungkot ako dahil alam kong sa paglayo niya bihira ko na lamang siyang makakasama. Nang isilang ang aking nakababatang kapatid, alam kong sa kaniya na nakatuon ang atensyon ng aking ina. Sa tuwing kausap ko si Mama sa telepono, ang kapatid ko ang lagi niyang bukambibig. Pagdating sa mga pangangailangan, kailangang siya ang mauna. Minsan nararamdaman kong sa aming tatlong magkakapatid, ako, ang ate ko, at si Onyok, ako ang minsan lamang pagtuunan ng atensyon habang sila ang parating hinahanap at kinakamusta. Aaminin kong nagseselos ako pero mas nangingibabaw pa rin ang pag-unawa bilang anak at bilang kapatid. Nang idilat ko ang aking mga mata, nagkamalay ako sa ingay at gulo ng di nagkakaunawaang mga tao. Napatanong ako, "Nawawala ba ako o sadyang ito talaga ang tahanan ko?" Pero bakit ganito? Nang mamatay si Papa at manirahan sa ibang lugar si Mama, bakit kailangan ko pang maiwan sa isang pamilyang puno ng sigawan na tila ba'y wala ng kapayapaan? Hindi ko na nga maalala kung kailan ako huling tumawa sa tahanang ito. Kahit saan ako tumingin, hindi ko nakikita sa lugar na ito ang kanlungan. Alam kong ang pamilyang ito ay biyaya ng Panginoon, pero masama ba kung hilingin kong sana'y masaya at maayos kami? Ngunit alam ko na di rin nila piniling maging ganito kami. Ipinagdarasal ko na lamang na dumating ang araw na mapuno ng pagmamahal ang itinuturing kong tahanan. Walang sinuman ang makapipili ng kaniyang pamilya. Sila at kaloob sa atin ng Diyos gaya ng pagkaloob sa'tin para naman sa kanila. Maglakbay man tayo sa buong mundo at maging sa kalawakan, hindi tayo makakahanap ng perpektong pamilya. Sa pagtatapos ng araw, kahit gaano man kagulo sila pa rin ang ating uuwian at aasahan sa lungkot man o kasiyahan.
  • 26. Adyenda Ito ay isang listahan, plano, o balangkas ng mga pag-uusapan,dedisyunan o gagawin sa isangpulong. Ito ay kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa indibwal. Ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing dapat aksyunan o bigyan prayoridad.
  • 27. Adyenda PETSA : Ika-9 ng Setyembre, 2019 LUGAR : Zamboanguita Science High School RE : Paghahanda para sa Science and Math Month Celebration PARA SA : Mga Guro mula sa Departmento ng Siyensya at Matematika Mga SSG Officers Mga Classroom Presidents ng Bawat Klase MULA KAY : Kaye A. Elnas Pangulo Supreme Student Government
  • 28.
  • 29. SUSUNOD NA PAGPUPULONG : Ika-16 ng Setyembre, 2019 ORAS : 8:40 ng umaga
  • 30. Katitikan Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon. Ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng tagapangulo ng lupon na maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte – maaaring maikli at tuwiran o detalyado.
  • 31. KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG NG MATH AND SCIENCE CLUB NG ZAMBOANGUITA SCIENCE HIGH SCHOOL
  • 32.
  • 33. Resume Ito ay talaan ng mga personal na detalye ng isang tao at ng kanyang mga ginawa, naging trabaho, at mga tagumpay. Ito ay kadalasang ipinapasa sa tuwing mag-aaplay sa isang paaralan o trabaho.
  • 35. Edukasyong Natamo: • Master of Science in Applied Mathematics/Statistics Silliman University 2011 • Bachelor of Science Major in Mathematics Silliman University 2010 Cum Laude Kasanayan: • Mayroong matalas na kasanayan sa komunikasyon sa parehong pagbigkas at pagsulat • Marunong sa data analysis tools • Mahusay sa quantitative, problem solving at analytical skills • May karanasan sa query at report development • Marunong sa relational database principles • Matalas sa pag-aangkop ng mga prinsipyo sa Matematika sa paglutas ng problema
  • 36. Gawaing Karanasan: • Propesor sa Matematika Charleston School of the Arts Hunyo 2015 hanggang Marso 2019 • Guro sa Matematika Silliman University Hunyo 2013 hanggang Marso 2015 • Bookkeeper Georgia Perimeter College Enero 2012 hanggang Agosto 2012 • Research/Teaching Assistant Silliman University Agosto 2010 hanggang Disyembre 2011 Personal na Sanggunian: • Gracia Rodel B. Deloria, MA-Ed. Master Teacher II graciarodel.deloria@deped.gov.ph 09267752693 • Andren Rose A. Credo, CPA Senior Accountant ara.credo03@gmail.com 09066866352 • Adolf C. Ege, Ed. D. Professor II adolfegesu@gmail.com 09353605957
  • 37. Application Leter Ito ay isa sa mga uri ng pormal na liham. Ang uri ng liham na ito ay isinusulat upang ilahad ang kagustuhan ng isang tao sa isang trabaho o posisyon sa isang kompanya.
  • 39. Larawang Sanaysay Isa itong koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkasund-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
  • 40. LarawangSanaysay Nabuhay ako’t naglakbay kasama ka. Sa paghihintay, ikaw ang paborito kong kasama.
  • 41. Sa bawat lungkot at hirap na nadarama ko, haplos mo ang nagbibigay sa akin ng pag-asa.
  • 42. Kailangan ko ang iyong paggabay sa kahit saan man ako maglakbay. Kamay mo ang hawak ko, oh aking gabay.
  • 43. Wala ka man sa tabi ko, iniwanan mo naman ako ng makakasama. Isang kaibigan, kapatid at kalaro sa katauhan ng isang batang nagbibigay saya.
  • 44. Binigyan mo ako ng pagkakataong matuto nang mag-isa o di kaya’y may kasama.
  • 45. Hinayaan mo akong lubusang makilala ang sarili ko. Pinagkatiwalaan mo rin akong makakilala ng ibang tao.
  • 46. Batid kong ginagawa mo lahat para sa ikabubuti ko. Tirik ang araw at masikip man ang lugar, pagkayod mo ay walang humpay.
  • 47. Sa bawat yapak at padyak mo, ako ang iniisip mo. Alam kong hindi ka susuko kahit daanan mo’y hindi sigurado.
  • 48. Nakakapagod mabuhay sa mundong ito pero patuloy kang nagsisikap para alagaan ang kinabukasan ko. Ikaw ang nagsisilbing gulong ng sinasakyan kong buhay.
  • 49. Salamat sa bawat pagsubok na hindi mo inatrasan at sa lahat ng pagod na di mo sinukuan.
  • 50. Hiling ko’y dumating ang araw na hindi mo na kailangang kumayod at hindi ka na mapapagod. Sapagkat sa lahat ng ginawa at patuloy mong ginagawa, matiwasay sa buhay ang nararapat para sayo.
  • 51. Memorandum Isa itong kasulatan (note), dokumento o iba pang uri ng pakikipag-ugnayan na tumutulong para ipaalala ang ilang bagay, tao, mga pangyayari, paksa, hinggil sa negosyo o trabaho sa opisina at marami pang iba.
  • 53. Ang may-akda ay nais magbigay ng kredito sa mga may-ari ng mga larawang ginamit bilang background ng iilang teksto. Ang kahulugan ng mga akademikong sulatin na nakapaloob dito ay hindi rin pagmamay-ari ng may-akda. Maraming salamat! Isinulat at inihanda ni: Kaye A. Elnas