SlideShare a Scribd company logo
1 of 29
Download to read offline
JENITA D.
GUINOO
ARALIN 2.1: GR.9-FILIPINO MODYUL
GRAMATIKA/RETORIKA:
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
MGA LAYUNIN:
1.Nakikilala ang pagkakaiba ng gamit ng
mga sangkap sa maayos na
pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay
kahulugan, layunin at intensyon
2. Napapahalagahan ang paraan ng
pagbigkas ng mga salita ayon sa
wastong diin, haba, tono at antala
3. Nakapagbibigay paliwanag sa mga
naging sagot sa bawat gawain bilang
PANIMULA:
Sa alinmang wika, mahalaga ang
mga tunog. Makabuluhan ang mga
tunog sapagkat napag-iiba-iba nito ang
kahulugan ng salita. Bukod sa
pagkilatis sa tunog, may iba pang
paraan upang makilala ang kahulugan
ng salita o pahayag gayundin ang
layunin, intensyon, at saloobin ng
nagsasalita.
Basahin nang wasto ang mga salita at
pahayag batay sa bantas na ginamit.
A. 1. Totoo? Maganda siya? 3. Mahal ka niya?
Totoo! Maganda siya. Mahal ka niya.
2. Magagaling? Sila?
Magagaling sila.
B.1. May bisita tayo bukas? 2. Ikaw ang may-sala sa nangyari?
May bisita tayo bukas. Ikaw ang may-sala sa nangyari.
Sagutin:
1. Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at
A2? Ng mga pahayag sa B1 at B2?
2.Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1
at a2? Ng mga pahayag sa B1 at B2?
3.Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o
saloobing nais ibigay ng bawat pahayag.
Pagpapayamang Pangkomunikatibo
Sa pagsulat, makikilala ang kahulugan ng salita o pahayag sa
tulong ng mga bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, o tandang
padamdam.
Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang
kahulugan, layunin, o intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa
pamamagitan ng ponemang suprasegmental o ng mga tono, haba,
diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita. Higit nitong napapalinaw
o nadaragdagan ang kahulugan ng mga ponemang segmental na
bumubuo sa mga salita. Tulad ng pag-awit, may tono rin sa
pagsasalita: mababa, katamtaman, at mataas.
HALIMBAWA:
3_
1. 2 ga 2. 3
ta la
1 2
la ta 1
ga
3_
3. 2 pon 4. 3
ka ha
1 2
ha ka 1
pon
Bago ang talakayan, aalamin na muna natin ang ibig sabihin
ng Ponemang Suprasegmental at ano ang pinagbubuhatan ng
salitang ito upang lubos na maunawaan natin ang aralin.
1. Ano ang ponema?
2. Ano ang kahulugan ng suprasegmental?
3. Ano naman ang ibig sabihin ng segmental?
Mga gabay na tanong:
Alam mo ba na….
Ang Ponolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa mahahalagang
tunog na nagbibigay kahulugan sa pagsambit ng salita na
nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang halos
magkakatulad ang kaligirang baybay.
Sa Ponolohiya o palatunugan, lahat ng pamamaraan ay
ginagamit sa pagsusuri at pag-aanalisa ng mga tunog sa
maagham na paraan.
Ang ponema ay tumutukoy sa anumang yunit ng mga tunog o pagbigkas na
taglay ang kahulugan samantalang graphemes naman ang tawag sa
pagsulat ng salita ayon sa tuntunin ng asimilasyon.
Ponema ang tawag sa yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na
may kahulugang tunog. Makahulugang yunit ng tunog na nagpapabago sa
kahulugan ng isang salita. Ito ay kaiba sa morpema na kung saan ay
tumutukoy sa pinagsama-samang tunog upang makabuo ng salita. Ang
morpema ay tinatawag na pinakamaliit na yunit ng salita.
Ang salitang “Ponema” ay mula sa salitang Griyego na “Phoneme” na
nangangahulugang makatuturang tunog at ng “Phone”na
nangangahulugang salitang tinig (boses) na naaasimila sa wikang Filipino
bilang Ponema.
Ang segmental ay tinatawag na makahulugang tunog samantalang ang
suprasegmental ay tinatawag na pantulong sa ponemang segmental na ang
tinutukoy na ginagamit bilang pantulong ay ang tono (Pitch), haba (Length),
diin (Stress), at antala (Juncture)
Halimbawa:
Sa pagluluto natin ng Sinigang Baboy, alin kaya dito ang
maihahalintulad sa tunog o ponema?Alin ang pinakaprinsipal na sangkap o
ang segmental at alin naman ang pantulong sa segmental o ang
suprasegmental?
Ang ponema rito ay ang sinigang, ang pinakaprinsipal na sangkap ay ang
baboy o ang segmental at ang pantulong sa segmental o ang suprasegmental
ay ang lahat ng mga rekados na nagpapasarap sa nilutong sinigang na baboy.
Ibig sabihin, ang tunog ay hindi magiging maayos ang pagkakalahad ng
kahulugan, layunin at intensyon kung wala ang mga pantulong sa pagbubuo
nito na ginagampanan ng apat na suprasegmental: tono (Pitch), haba (Length),
diin (Stress), at antala (Juncture)
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na
naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng
nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan,
layunin o intension ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin,
tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
1. Diin- Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang
pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng
kahulugan nito.
-Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Mga halimbawa:
a.) /BU:hay /=kapalaran ng tao /bu:HAY / = humihinga pa lamang
b.)/ LA:mang/ =natatangi /la:MANG /= nakahihigit; nangunguna
2. Tono/Intonasyon – Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,
makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapgbigay-kahulugan, at makapagpahina
ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman , at bilang 3 sa mataas.
Mga Halimbawa:
a.) kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
b.) Talaga = 213, pag-aalinlangan
Talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
3. Antala/ Hinto- Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang
guhit na pahilis (//), o gitling ( - ).
Mga Halimbawa:
a. Hindi/ ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na
ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang
na si Arvyl.)
b. Hindi ako, si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay
maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi
siya ang gumawa kundi si Joshua.)
c. Hindi ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay
nagsasabing hindi siya si Joshua.)
Karagdagang Kaalaman:
= nangangahulugang hilaw pa ang tuno o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita
= nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan
? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay waring may
pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas
halimbawa: /SU:ka?/ =vinegar
/BA:ga?/ = lungs
/ BA:ta?/ = child
h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa
bunganga
halimbawa: /SU:kah/ = vomit
/BA:gah/ = for instance, or for example (for explaining something)
/ BA:tah/ = robe, damit na sinusuot upang di malamigan
: = banayad na pagbigkas na siyang ginagamit sa pagtukoy sa haba sa
pagbigkas ng salita
. = ang kagyat na pagbigkas ng salita
Halimbawa: / bu:hay/ = magiging mahaba ang pagbigkas sa bu kapag
ang tinutukoy na kahulugan ng salita ay life
/ bu.hay/ = ay mabilis ang pagbigkas sa salitang bu at ito ay
nangangahulugang humihinga pa.
/ pu:no?/ = tree
/ pu.no?/ = full
/ ta:nan/ = umalis nang walang paalam
/ ta.nan/ = nangangahulugang lahat sa Cebuano na
tanggap na sa Filipino
Gawain : Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang
may iba-ibang diin.Ibigay ang isinasaad na kahulugan nito.
1./BU:kas/= __________ / bu:KAS/ = ___________
2./LI:gaw/= __________ / li:GAW/ = ___________
3./GA:lah/= _________ / ga:LAH /= ___________
4./PU:la?/= __________ / pu:LAH/ = ___________
5./BU:koh/= __________/ bu:KOH/ = ___________
Mga kahulugan ng salita ayon sa diin.
1./BU:kas/= tomorrow / bu:KAS/ = open
2./LI:gaw/= _to court / li:GAW/ = _wild
3./GA:lah/=long sleeve shirt / ga:LAH /= palaboy
4./PU:la?/= to criticize / pu:LAH/ = _red color__
5./BU:koh/= _coconut / bu:KOH/ = being discovered
Pagsasanay 1: Bigkasin Mo
Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang
baybay subalit magkaiba ang bigkas.
1. / SA:ka/ - ________________/ sa:KA/ - ______________
2. / BU:hay/-_______________ / bu:HAY/- ______________
3./ki:tah/ - ________________/ ki:TA?/- ______________
4. /ta:lah/-_________________/ta:la?/ - ______________
5./ba:lah/-________________ /ba.la?/ ______________
PAGSASANAY 2: TONO
Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin nito.Maaaring gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Isulat sa
sagutang papel.
1. Kanina = ____, pag-aalinlangan
kanina = ____, pagpapatibay, pagpapahayag
2. mayaman = ____, pagtatanong
mayaman = ____, pagpapahayag
3. magaling = ____, pagpupuri
magaling = ____, pag-aalinlangan
4. kumusta = ____, pagtatanong na masaya
kumusta = ____, pag-aalala
5. Ayaw mo = ____, paghamon
Ayaw mo = ____, pagtatanong
PAGSASANAY 3: DIIN
Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang pagbabago
ng kahulugan batay sa diin.
Halimbawa : /SA:ka/ - bukid , /saKA/ at saka (also)
1. /BA:ba/ - ____________________ /ba:BA/ - _________________
2. /BA:ta?/ - ____________________ / ba:TAH/ - _________________
3. /BA:gah/ - ____________________ /ba:GA?/ - _________________
4. /LA:bi// - _____________________ / la:BI/ - _________________
5. /BA:sah/- ____________________ / ba:SA?/ - _________________
Mga Kasagutan sa pagsasanay 3:
1./BA:ta?/ = ____child_ / ba:Tah/ = robe_
2./BA:gah/= ningas ng apoy/ba.GA?/ = lungs
3./LA:bi?/ = ___lips____ / la:BI? / = corpse
4./BA:sah/= ___to read__/ ba:SA?/ = __wet_
5./BA:ba?/= __jaw__ / ba:BA?/ = _go
down
PAGSASANAY 4: HINTO/ ANTALA
Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba
ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon.
1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin.
2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko.
3. Hindi siya ang kaibigan ko.
PAGLALAHAT
 Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa
pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay ng kahulugan,
layunin at intensyon? Ipaliwanag.
Karagdagang Pagsasanay:
A.Isulat ang wastong diin ng mga salitang nasa panaklong ayon sa wastong
gamit nito sa pangungusap.
(pala) 1. Dumating na ______ siya kagabi na may dalang maraming _________.
(kasi) 2. Hindi nakadalo ang kanyang _______ _________ may lagnat ito.
(dating) 3. ______ matamlay na ang bata noong bagong _______pa lamang nito.
(sila) 4. ______ ay na______ ng malalaking Leon.
(lamang) 5. Ako ________ dapat ang maging __________ sa amin.
(tabi) 6. ______ po, maaari bang ta______ sa iyo?
(taga) 7. Ang lalaking ______ probinsiya ay may ______ sa kanyang mukha.
(yaya) 8. Ang aming ______ ay nag- ______ nang mamasyal.
(busog) 9. Hindi ko magalaw ang aking ______ sapagkat ako’y sobrang _______.
(puso) 10. Ang pagpapaayos ng kanilang ______ ang laging nasa kanyang _____.
B. Gamit ang natututunan, sumulat ng isang talata gamit ang mga salitang
magkakaiba ang kahulugan ngunit pareho ang kaligirang baybay nito.
Mga Mungkahing Paksa:
1. Ang Pagdiriwang ng “Buwan ng Wika”
2. Paghahanda para sa Bakasyon
3. Pamimitas ng Lanzones sa Gawisan
4. Panliligaw ng Kabataan sa Bagong Henerasyon
5. Sariling Piling Paksa
Mga pamantayan sa Pagmamarka
 Kaangkupan ng mga salita sa kaisipan - 30%
 Kawastuan ng pagbabago ng diin - 30%
 Organisasyon ng ideya - 40%
100%
Binabati kita! Matagumpay at maluwalhati mong naisagawa
ang mga gawain sa araling ito. Kung malinaw na sa iyo ang
lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay.
Maligayang paglalakbay at pag-aaral!
Jen

More Related Content

What's hot

IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptxIBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptxchelsiejadebuan
 
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptx
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptxkuwentong-bayan Munting Ibon.pptx
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptxJANICEGALORIO2
 
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyon
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyonPagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyon
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyonAnnaLynPatayan
 
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianUri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianMAILYNVIODOR1
 
Pagpapalawak ng Pangungusap Fil 10.pptx
Pagpapalawak ng Pangungusap Fil 10.pptxPagpapalawak ng Pangungusap Fil 10.pptx
Pagpapalawak ng Pangungusap Fil 10.pptxMarlonJeremyToledo
 
Mga Ayos ng Pangungusap
Mga Ayos ng PangungusapMga Ayos ng Pangungusap
Mga Ayos ng PangungusapMAILYNVIODOR1
 
Wastong Gamit ng mga Bantas.pptx
Wastong Gamit ng mga Bantas.pptxWastong Gamit ng mga Bantas.pptx
Wastong Gamit ng mga Bantas.pptxGeraldine Llorente
 
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7Wimabelle Banawa
 
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....AnnalynModelo
 
IBA'T IBANG BAHAGI NG TAHANAN
IBA'T IBANG BAHAGI NG TAHANAN IBA'T IBANG BAHAGI NG TAHANAN
IBA'T IBANG BAHAGI NG TAHANAN Elaine Estacio
 
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptxW3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptxreychelgamboa2
 

What's hot (20)

Palabuuan ng Pangungusap
Palabuuan  ng Pangungusap Palabuuan  ng Pangungusap
Palabuuan ng Pangungusap
 
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptxIBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
 
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptx
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptxkuwentong-bayan Munting Ibon.pptx
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptx
 
PANG-ABAY
PANG-ABAYPANG-ABAY
PANG-ABAY
 
Grade 7 Q2 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Q2 Filipino LAS.pdfGrade 7 Q2 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Q2 Filipino LAS.pdf
 
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyon
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyonPagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyon
Pagtukoy sa damdamin ng tagapagsalita tono, bilis, diin, at intonasyon
 
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa KayarianUri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
 
Diptonggo sa-filipino
Diptonggo sa-filipinoDiptonggo sa-filipino
Diptonggo sa-filipino
 
Mga sagot-sa-kayarian-ng-pang-uri 11
Mga sagot-sa-kayarian-ng-pang-uri 11Mga sagot-sa-kayarian-ng-pang-uri 11
Mga sagot-sa-kayarian-ng-pang-uri 11
 
Pagpapalawak ng Pangungusap Fil 10.pptx
Pagpapalawak ng Pangungusap Fil 10.pptxPagpapalawak ng Pangungusap Fil 10.pptx
Pagpapalawak ng Pangungusap Fil 10.pptx
 
Mga Ayos ng Pangungusap
Mga Ayos ng PangungusapMga Ayos ng Pangungusap
Mga Ayos ng Pangungusap
 
Wastong Gamit ng mga Bantas.pptx
Wastong Gamit ng mga Bantas.pptxWastong Gamit ng mga Bantas.pptx
Wastong Gamit ng mga Bantas.pptx
 
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EPIKO Baitang 7
 
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....
w6 Paggamit nang Wasto ng mga Pandiwa ayon sa Panahunan sa Pagsasalaysay (1)....
 
Grade 7 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Filipino LAS.pdfGrade 7 Filipino LAS.pdf
Grade 7 Filipino LAS.pdf
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
IBA'T IBANG BAHAGI NG TAHANAN
IBA'T IBANG BAHAGI NG TAHANAN IBA'T IBANG BAHAGI NG TAHANAN
IBA'T IBANG BAHAGI NG TAHANAN
 
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptxW3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
 
Filipino 8 pang uri
Filipino 8 pang uriFilipino 8 pang uri
Filipino 8 pang uri
 
ANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINO
ANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINOANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINO
ANG DIPTONGGO NG WIKANG FILIPINO
 

Similar to ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf

G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptxG9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptxRenanteNuas1
 
Ponema 110207003034-phpapp01
Ponema 110207003034-phpapp01Ponema 110207003034-phpapp01
Ponema 110207003034-phpapp01Noemi Morales
 
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.pptKABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.pptYollySamontezaCargad
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptELLAMAYDECENA2
 
Wastong bigkas ng mga salita
Wastong bigkas ng mga salitaWastong bigkas ng mga salita
Wastong bigkas ng mga salitaJenita Guinoo
 
ponemang suprasegmental.pptx
ponemang suprasegmental.pptxponemang suprasegmental.pptx
ponemang suprasegmental.pptxreychelgamboa2
 
Mga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang FilipinoMga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang Filipinoeijrem
 
Proyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang FilipinoProyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang FilipinoJorebel Billones
 
ponemang suprasegmental,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
ponemang suprasegmental,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,ponemang suprasegmental,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
ponemang suprasegmental,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,janemorimonte2
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalshekainalea
 
Ponemang Suprasegemental.docx
Ponemang Suprasegemental.docxPonemang Suprasegemental.docx
Ponemang Suprasegemental.docxjuday5
 
Ponemang Sugprasegmental.pptx
Ponemang Sugprasegmental.pptxPonemang Sugprasegmental.pptx
Ponemang Sugprasegmental.pptxRioGDavid
 
Filipino_301 P O N E M A magandang araw
Filipino_301 P O N E M A  magandang arawFilipino_301 P O N E M A  magandang araw
Filipino_301 P O N E M A magandang arawKarenPieza1
 
1112734 634466593814442500
1112734 6344665938144425001112734 634466593814442500
1112734 634466593814442500Tyron Ralar
 
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptxAng Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptxRyanRodriguez98
 
Kakayahang Lingguwistika ng mga Pilipino
Kakayahang  Lingguwistika ng mga PilipinoKakayahang  Lingguwistika ng mga Pilipino
Kakayahang Lingguwistika ng mga PilipinoRiceaRaymaro
 

Similar to ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf (20)

G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptxG9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
G9-ponemang-suprasegmental-gr9-powerpoint-presentation.pptx
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Ponema 110207003034-phpapp01
Ponema 110207003034-phpapp01Ponema 110207003034-phpapp01
Ponema 110207003034-phpapp01
 
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.pptKABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
KABANATA 2 Gramar at Lingguwistika.ppt
 
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.pptKOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINOponolohiya-ppt.ppt
 
Wastong bigkas ng mga salita
Wastong bigkas ng mga salitaWastong bigkas ng mga salita
Wastong bigkas ng mga salita
 
ponemang suprasegmental.pptx
ponemang suprasegmental.pptxponemang suprasegmental.pptx
ponemang suprasegmental.pptx
 
Mga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang FilipinoMga Istruktura ng Wikang Filipino
Mga Istruktura ng Wikang Filipino
 
Proyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang FilipinoProyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
Proyekto sa Instrukura ng Wikang Filipino
 
ponemang suprasegmental,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
ponemang suprasegmental,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,ponemang suprasegmental,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
ponemang suprasegmental,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,,
 
Ponolohiya.pptx
Ponolohiya.pptxPonolohiya.pptx
Ponolohiya.pptx
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmental
 
Ponemang Suprasegemental.docx
Ponemang Suprasegemental.docxPonemang Suprasegemental.docx
Ponemang Suprasegemental.docx
 
Ponemang Sugprasegmental.pptx
Ponemang Sugprasegmental.pptxPonemang Sugprasegmental.pptx
Ponemang Sugprasegmental.pptx
 
Filipino_301 P O N E M A magandang araw
Filipino_301 P O N E M A  magandang arawFilipino_301 P O N E M A  magandang araw
Filipino_301 P O N E M A magandang araw
 
1112734 634466593814442500
1112734 6344665938144425001112734 634466593814442500
1112734 634466593814442500
 
PONOLOHIYA.pptx
PONOLOHIYA.pptxPONOLOHIYA.pptx
PONOLOHIYA.pptx
 
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptxAng Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
Ang Estruktura at Kayarian ng Wika.pptx
 
Kakayahang Lingguwistika ng mga Pilipino
Kakayahang  Lingguwistika ng mga PilipinoKakayahang  Lingguwistika ng mga Pilipino
Kakayahang Lingguwistika ng mga Pilipino
 

More from melliahnicolebeboso2

Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptx
Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptxPampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptx
Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptxmelliahnicolebeboso2
 
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7melliahnicolebeboso2
 
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptx
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptxMga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptx
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptxmelliahnicolebeboso2
 
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptxPANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptxmelliahnicolebeboso2
 
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdfrehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdfmelliahnicolebeboso2
 

More from melliahnicolebeboso2 (8)

Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptx
Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptxPampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptx
Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptx
 
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7
 
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptx
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptxMga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptx
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptx
 
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptxPANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
 
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdfrehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
 
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptxPanitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
 
IBONG ADARNA.pptx
IBONG ADARNA.pptxIBONG ADARNA.pptx
IBONG ADARNA.pptx
 
EPIKO NG BAGUIO LESSON PLAN.pdf
EPIKO NG BAGUIO LESSON PLAN.pdfEPIKO NG BAGUIO LESSON PLAN.pdf
EPIKO NG BAGUIO LESSON PLAN.pdf
 

Recently uploaded

ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxlaranangeva7
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawMichaelJawhare
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 

Recently uploaded (20)

ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 

ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf

  • 2. ARALIN 2.1: GR.9-FILIPINO MODYUL GRAMATIKA/RETORIKA: PONEMANG SUPRASEGMENTAL
  • 3. MGA LAYUNIN: 1.Nakikilala ang pagkakaiba ng gamit ng mga sangkap sa maayos na pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay kahulugan, layunin at intensyon 2. Napapahalagahan ang paraan ng pagbigkas ng mga salita ayon sa wastong diin, haba, tono at antala 3. Nakapagbibigay paliwanag sa mga naging sagot sa bawat gawain bilang
  • 4. PANIMULA: Sa alinmang wika, mahalaga ang mga tunog. Makabuluhan ang mga tunog sapagkat napag-iiba-iba nito ang kahulugan ng salita. Bukod sa pagkilatis sa tunog, may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita o pahayag gayundin ang layunin, intensyon, at saloobin ng nagsasalita.
  • 5. Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay sa bantas na ginamit. A. 1. Totoo? Maganda siya? 3. Mahal ka niya? Totoo! Maganda siya. Mahal ka niya. 2. Magagaling? Sila? Magagaling sila. B.1. May bisita tayo bukas? 2. Ikaw ang may-sala sa nangyari? May bisita tayo bukas. Ikaw ang may-sala sa nangyari.
  • 6. Sagutin: 1. Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at A2? Ng mga pahayag sa B1 at B2? 2.Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1 at a2? Ng mga pahayag sa B1 at B2? 3.Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o saloobing nais ibigay ng bawat pahayag.
  • 7. Pagpapayamang Pangkomunikatibo Sa pagsulat, makikilala ang kahulugan ng salita o pahayag sa tulong ng mga bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, o tandang padamdam. Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang kahulugan, layunin, o intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa pamamagitan ng ponemang suprasegmental o ng mga tono, haba, diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita. Higit nitong napapalinaw o nadaragdagan ang kahulugan ng mga ponemang segmental na bumubuo sa mga salita. Tulad ng pag-awit, may tono rin sa pagsasalita: mababa, katamtaman, at mataas.
  • 8. HALIMBAWA: 3_ 1. 2 ga 2. 3 ta la 1 2 la ta 1 ga 3_ 3. 2 pon 4. 3 ka ha 1 2 ha ka 1 pon
  • 9. Bago ang talakayan, aalamin na muna natin ang ibig sabihin ng Ponemang Suprasegmental at ano ang pinagbubuhatan ng salitang ito upang lubos na maunawaan natin ang aralin. 1. Ano ang ponema? 2. Ano ang kahulugan ng suprasegmental? 3. Ano naman ang ibig sabihin ng segmental? Mga gabay na tanong:
  • 10. Alam mo ba na…. Ang Ponolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa mahahalagang tunog na nagbibigay kahulugan sa pagsambit ng salita na nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang halos magkakatulad ang kaligirang baybay. Sa Ponolohiya o palatunugan, lahat ng pamamaraan ay ginagamit sa pagsusuri at pag-aanalisa ng mga tunog sa maagham na paraan.
  • 11. Ang ponema ay tumutukoy sa anumang yunit ng mga tunog o pagbigkas na taglay ang kahulugan samantalang graphemes naman ang tawag sa pagsulat ng salita ayon sa tuntunin ng asimilasyon. Ponema ang tawag sa yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na may kahulugang tunog. Makahulugang yunit ng tunog na nagpapabago sa kahulugan ng isang salita. Ito ay kaiba sa morpema na kung saan ay tumutukoy sa pinagsama-samang tunog upang makabuo ng salita. Ang morpema ay tinatawag na pinakamaliit na yunit ng salita.
  • 12. Ang salitang “Ponema” ay mula sa salitang Griyego na “Phoneme” na nangangahulugang makatuturang tunog at ng “Phone”na nangangahulugang salitang tinig (boses) na naaasimila sa wikang Filipino bilang Ponema. Ang segmental ay tinatawag na makahulugang tunog samantalang ang suprasegmental ay tinatawag na pantulong sa ponemang segmental na ang tinutukoy na ginagamit bilang pantulong ay ang tono (Pitch), haba (Length), diin (Stress), at antala (Juncture)
  • 13. Halimbawa: Sa pagluluto natin ng Sinigang Baboy, alin kaya dito ang maihahalintulad sa tunog o ponema?Alin ang pinakaprinsipal na sangkap o ang segmental at alin naman ang pantulong sa segmental o ang suprasegmental? Ang ponema rito ay ang sinigang, ang pinakaprinsipal na sangkap ay ang baboy o ang segmental at ang pantulong sa segmental o ang suprasegmental ay ang lahat ng mga rekados na nagpapasarap sa nilutong sinigang na baboy. Ibig sabihin, ang tunog ay hindi magiging maayos ang pagkakalahad ng kahulugan, layunin at intensyon kung wala ang mga pantulong sa pagbubuo nito na ginagampanan ng apat na suprasegmental: tono (Pitch), haba (Length), diin (Stress), at antala (Juncture)
  • 14. PONEMANG SUPRASEGMENTAL Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o intension ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita. 1. Diin- Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito. -Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
  • 15. Mga halimbawa: a.) /BU:hay /=kapalaran ng tao /bu:HAY / = humihinga pa lamang b.)/ LA:mang/ =natatangi /la:MANG /= nakahihigit; nangunguna 2. Tono/Intonasyon – Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapgbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa. Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit. Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman , at bilang 3 sa mataas. Mga Halimbawa: a.) kahapon = 213, pag-aalinlangan Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag b.) Talaga = 213, pag-aalinlangan Talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
  • 16. 3. Antala/ Hinto- Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis (//), o gitling ( - ). Mga Halimbawa: a. Hindi/ ako si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang na si Arvyl.) b. Hindi ako, si Joshua. (Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi siya ang gumawa kundi si Joshua.) c. Hindi ako si Joshua. (Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si Joshua.)
  • 17. Karagdagang Kaalaman: = nangangahulugang hilaw pa ang tuno o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita = nangangahulugang luto na ang tunog, may taglay na itong kahulugan ? = tinatawag itong glottal stop o nangangahulugang sa pagbigkas ng salita ay waring may pumipigil sa hanging galing sa bunganga sa paglabas halimbawa: /SU:ka?/ =vinegar /BA:ga?/ = lungs / BA:ta?/ = child h = glottal fricative ay nangangahulugang sa pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa bunganga halimbawa: /SU:kah/ = vomit /BA:gah/ = for instance, or for example (for explaining something) / BA:tah/ = robe, damit na sinusuot upang di malamigan
  • 18. : = banayad na pagbigkas na siyang ginagamit sa pagtukoy sa haba sa pagbigkas ng salita . = ang kagyat na pagbigkas ng salita Halimbawa: / bu:hay/ = magiging mahaba ang pagbigkas sa bu kapag ang tinutukoy na kahulugan ng salita ay life / bu.hay/ = ay mabilis ang pagbigkas sa salitang bu at ito ay nangangahulugang humihinga pa. / pu:no?/ = tree / pu.no?/ = full / ta:nan/ = umalis nang walang paalam / ta.nan/ = nangangahulugang lahat sa Cebuano na tanggap na sa Filipino
  • 19. Gawain : Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang may iba-ibang diin.Ibigay ang isinasaad na kahulugan nito. 1./BU:kas/= __________ / bu:KAS/ = ___________ 2./LI:gaw/= __________ / li:GAW/ = ___________ 3./GA:lah/= _________ / ga:LAH /= ___________ 4./PU:la?/= __________ / pu:LAH/ = ___________ 5./BU:koh/= __________/ bu:KOH/ = ___________
  • 20. Mga kahulugan ng salita ayon sa diin. 1./BU:kas/= tomorrow / bu:KAS/ = open 2./LI:gaw/= _to court / li:GAW/ = _wild 3./GA:lah/=long sleeve shirt / ga:LAH /= palaboy 4./PU:la?/= to criticize / pu:LAH/ = _red color__ 5./BU:koh/= _coconut / bu:KOH/ = being discovered
  • 21. Pagsasanay 1: Bigkasin Mo Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas. 1. / SA:ka/ - ________________/ sa:KA/ - ______________ 2. / BU:hay/-_______________ / bu:HAY/- ______________ 3./ki:tah/ - ________________/ ki:TA?/- ______________ 4. /ta:lah/-_________________/ta:la?/ - ______________ 5./ba:lah/-________________ /ba.la?/ ______________
  • 22. PAGSASANAY 2: TONO Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag sa layunin nito.Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas. Isulat sa sagutang papel. 1. Kanina = ____, pag-aalinlangan kanina = ____, pagpapatibay, pagpapahayag 2. mayaman = ____, pagtatanong mayaman = ____, pagpapahayag 3. magaling = ____, pagpupuri magaling = ____, pag-aalinlangan 4. kumusta = ____, pagtatanong na masaya kumusta = ____, pag-aalala 5. Ayaw mo = ____, paghamon Ayaw mo = ____, pagtatanong
  • 23. PAGSASANAY 3: DIIN Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang pagbabago ng kahulugan batay sa diin. Halimbawa : /SA:ka/ - bukid , /saKA/ at saka (also) 1. /BA:ba/ - ____________________ /ba:BA/ - _________________ 2. /BA:ta?/ - ____________________ / ba:TAH/ - _________________ 3. /BA:gah/ - ____________________ /ba:GA?/ - _________________ 4. /LA:bi// - _____________________ / la:BI/ - _________________ 5. /BA:sah/- ____________________ / ba:SA?/ - _________________
  • 24. Mga Kasagutan sa pagsasanay 3: 1./BA:ta?/ = ____child_ / ba:Tah/ = robe_ 2./BA:gah/= ningas ng apoy/ba.GA?/ = lungs 3./LA:bi?/ = ___lips____ / la:BI? / = corpse 4./BA:sah/= ___to read__/ ba:SA?/ = __wet_ 5./BA:ba?/= __jaw__ / ba:BA?/ = _go down
  • 25. PAGSASANAY 4: HINTO/ ANTALA Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at intonasyon. 1. Hindi si Arvyl ang sumulat sa akin. 2. Wrenyl, Matthew, Mark ang tatay ko. 3. Hindi siya ang kaibigan ko.
  • 26. PAGLALAHAT  Paano nakatutulong ang ponemang suprasegmental sa pagpapahayag ng saloobin, pagbibigay ng kahulugan, layunin at intensyon? Ipaliwanag.
  • 27. Karagdagang Pagsasanay: A.Isulat ang wastong diin ng mga salitang nasa panaklong ayon sa wastong gamit nito sa pangungusap. (pala) 1. Dumating na ______ siya kagabi na may dalang maraming _________. (kasi) 2. Hindi nakadalo ang kanyang _______ _________ may lagnat ito. (dating) 3. ______ matamlay na ang bata noong bagong _______pa lamang nito. (sila) 4. ______ ay na______ ng malalaking Leon. (lamang) 5. Ako ________ dapat ang maging __________ sa amin. (tabi) 6. ______ po, maaari bang ta______ sa iyo? (taga) 7. Ang lalaking ______ probinsiya ay may ______ sa kanyang mukha. (yaya) 8. Ang aming ______ ay nag- ______ nang mamasyal. (busog) 9. Hindi ko magalaw ang aking ______ sapagkat ako’y sobrang _______. (puso) 10. Ang pagpapaayos ng kanilang ______ ang laging nasa kanyang _____.
  • 28. B. Gamit ang natututunan, sumulat ng isang talata gamit ang mga salitang magkakaiba ang kahulugan ngunit pareho ang kaligirang baybay nito. Mga Mungkahing Paksa: 1. Ang Pagdiriwang ng “Buwan ng Wika” 2. Paghahanda para sa Bakasyon 3. Pamimitas ng Lanzones sa Gawisan 4. Panliligaw ng Kabataan sa Bagong Henerasyon 5. Sariling Piling Paksa Mga pamantayan sa Pagmamarka  Kaangkupan ng mga salita sa kaisipan - 30%  Kawastuan ng pagbabago ng diin - 30%  Organisasyon ng ideya - 40% 100%
  • 29. Binabati kita! Matagumpay at maluwalhati mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa iyong paglalakbay. Maligayang paglalakbay at pag-aaral! Jen