SlideShare a Scribd company logo
1 of 23
Download to read offline
Epiko
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 7
Ikalawang Markahan, Ikaapat na Linggo
ANNE FAITH G. HANDIG
Tagapaglinang ng Modyul
Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera
ii
PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”
Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa
pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa
layuning pang - edukasiyon at maaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito.
Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang
karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihitulutan ang paghalaw ng
anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.
iii
PAUNANG SALITA
Ang modyul na ito ay isang proyekto ng Curriculum Implementation Division
partikular ang Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran ng
Edukasyon, Schools Division ng CAR bilang tugon sa pagpapatupad ng K-12
Kurikulum.
Naglalayon itong mapataas ang performans ng mga mag-aaral partikular sa
Filipino.
Petsa ng Pagkakagawa : Agosto 2020
Lokasyon : Schools Division of Baguio City
Asignatura : Filipino
Baitang : 7
Uri ng Materyal : Modyul
Wika : Filipino
Markahan/Linggo : Ikalawang Markahan/Ikaapat na Linggo
Kasanayang Pampagkatuto:
F7PN-IIg-h-10 Natutukoy ang mahahalagang detalye sa napakinggang teksto
tungkol sa epiko sa Kabisayaan
F7PB-IIg-h-10 Nailalarawan ang mga natatanging aspetong pangkultura na
nagbibigay-hugis sa panitikan ng Kabisayaan (halimbawa: heograpiya, uri ng
pamumuhay, at iba pa)
F7PT-IIg-h-10 Naipaliliwanag ang pinagmulan ng salita (etimolohiya)
F7PU-IIg-h-10 Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa
pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura
F7WG-IIg-h-10 Nagagamit nang maayos ang mga pang-ugnay sa paglalahad
(una, ikalawa, halimbawa, at iba pa)
iv
PAGKILALA
Ang manunulat ay nagpapasalamat sa Baguio City Division sa pagkakataong
kanilang ipinagkaloob upang mabuo ang modyul na ito. Lubos din ang pasasalamat
ng manunulat sa Poong Maykapal sa paggabay at biyayang ipinagkaloob upang
matapos ang modyul na ito.
Development Team
Developer: Anne Faith G. Handig
Tagalapat: Maria Ramelia M. Ulpindo
School Learning Resources Management Committee
BRENDA M. CARIÑO JULIA A. BILIGAN
School Principal FDPA School Head
Quality Assurance Team
MARILYN S. API-IT LOURDES B. LOMAS-E
EPS – Filipino PSDS – BCNHS District
Learning Resource Management Section Staff
VICTOR A. FERNANDEZ LOIDA C. MANGANGEY
Education Program Specialist II –LRMDS EPS – LRMDS
CHRISTOPHER DAVID G. OLIVA PRISCILLA A. DIS-IW
Project Development Officer II- LRMDS Librarian II
LILY B. MABALOT
Librarian I
CONSULTANTS
JULIET C. SANNAD, EdD
Chief Education Supervisor – CID
SORAYA T. FACULO, PhD
Asst. Schools Division Superintendent
MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V
Schools Division Superintendent
v
TALAAN NG NILALAMAN
Pamagat ........................................................................................ i
Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi ............................................. ii
Paunang Salita .............................................................................. iii
Pagkilala ....................................................................................... iv
ALAMIN
 Panuntunan sa Paggamit ng Modyul …................................ 2
PAMAGAT NG MODYUL: EPIKO
Mga Inaasahang Matututuhan ...................................................... 4
SUBUKIN
 Paunang Pagtataya 4
BALIKAN ................................................................................ 6
 GAWAIN 1: Balik- aral 6
 GAWAIN 2: Paglalakbay sa Visayas 6
TUKLASIN .............................................................................. 7
SURIIN .................................................................................... 10
 GAWAIN 3: Paglinang sa Talasalitaan 10
 GAWAIN 4: Pag- unawa sa Binasa 11
 GAWAIN 5: Ilarawan Mo 13
PAGYAMANIN ......................................................................... 14
 Pagsanib ng Gramatika at Retorika 14
 Pagsasanay 1 14
 Pagsasanay 2 14
ISAISIP .................................................................................... 15
ISAGAWA . ................................................................................ 15
TAYAHIN ................................................................................... 16
 Pangwakas na Pagtataya
Kasagutan/ Susi sa pagwawasto .................................................... 18
Talasanggunian ........................................................................... 19
- 4 -
Alamin
PARAAN NG PAGGAMIT NG MODYUL
Iba’t ibang gawain ang nilalaman ng modyul na ito. Naririto ang mga
hakbang na dapat mong sundin.
1. Tunghayan ang tala ng mga inaasahang bunga ng pagkatuto upang
magkaroon ng hinuha sa mga kaalaman dapat mong matutuhan at
kasanayang dapat mong malinang sa pamamagitan ng modyul na ito. Ang
mga ito ay batay sa Pamantayang Pangnilalaman, Pamantayang Pagganap at
mga Kasanayang Pampagkatuto sa K to 12 na Kurikulum.
2. Sagutan ang Paunang Pagtataya. Ang iyong iskor ang magtatakda ng
lawak ng kaalaman sa araling saklaw ng modyul na ito. Kung ikaw ay
makakukuha ng 100% na tamang sagot, maaari ka ng kumuha ng susunod
na modyul. Kung hindi naman ay kinakailangan mong panumbalikan ang
mga naitakdang gawain sa modyul na ito.
3. Ang bawat gawain sa modyul na ito ay naglalayong malinang ang iyong
pagkatuto. Ang mga layuning ito ay dapat matamo pagkatapos ng pag-aaral
sa tulong ng modyul na ito at mapaghusay ang bunga ng pagkatuto
pagkatapos.
4. Basahin at unawain ang saklaw ng bawat aralin. Ang bawat bahagi ay
naglalaman ng mga impormasyon at kaalamang magiging patnubay sa iyong
pagkatuto.
5. Pagkatapos ng aralin, kumuha ng pansariling pagwawasto upang
alamin ang lawak ng kaalamang natutuhan. Kung hindi mo nakuha ang
tamang sagot sa katanungan, panumbalikan ang saklaw na mga
aralin/gawain. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng mabisang pagkatuto.
6. Isagawa ang bawat gawain na may isa o higit pang saklaw. Hindi
nakasasapat na magkaroon ka lamang ng kaalamang pangnilalaman, sa
halip ay maisagawa ang mga ito sa tunay na buhay.
7. Pagkatapos magawa ang mga gawain sa modyul na ito, kumuha ng
Panghuling Pagsusulit upang mataya ang pangkalahatang lawak ng
pagunawa hinggil sa aralin.
Ang mga gawain, kaalaman at kasanayan na nakapaloob sa modyul na
ito ay masusing naihanda sa pamamagitan ng isang mainam at maayos na
pamamaraan para maisagawa at maunawaan mo ang mga ito upang lalo pang
mapaigting ang pagnanais mong matuto at malunasan ang iyong mga
kahinaan.
- 5 -
Ang modyul na ito ay naglalayong matulungan ka para makamit mo
ang kailangang kasanayan sa pagkatuto. Inaasahan namin na malaki ang
maitutulong ng modyul na ito sa iyong pagkatuto.
IKALAWANG MARKAHAN – IKAAPAT NA LINGGO
Aralin 2.4: Epiko
MGA INAASAHANG MATUTUHAN
Sa pagtatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang:
 Natutukoy ang mahahalagang kaisipan mula sa epiko
 Nahihimay ang pinagmulan ng salitang mula sa akda ayon sa kayarian
nito
 Nailalarawan ang mga natatanging aspetong pangkultura na
nagbibigay-hugis sa panitikan ng Kabisayaan
 Nakikilala ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso sa
paglalahad
 Nakasusulat ng sanaysay kaugnay ng kultura ng Kabisayaan gamit ang
mga panandang pandiskurso
Subukin
Sukatin natin ang iyong kahandaan sa pag- unawa sa paksang ating
tatalakayin. Unawain at sagutin mo ang sumusunod na tanong. Isulat mo
ang iyong sagot sa sagutang papel.
Panimulang pagtataya: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan
at pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang wastong sagot.
1. Ito ang anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na punong-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari.
A. alamat B. epiko C. maikling kuwento D. nobela
2. Ang epikong bayan na ito ng mga Sulod sa pulo ng Panay ay itinuturing na
isa sa mga pinakamahabang naitalang epikong- bayan sa Pilipinas.
A. Darangen B. Diawaot C. Hinilawod D. Owaging
3. Ito ang katawagan sa halamang sinunog ni Bungot- Banwa na upang
makumpleto ang kaniyang ritwal para sa mga sanggol.
A. alanghiran B. alingharin C. alinghiran D. alanghari
- 4 -
4. Nang umibig at nagpakasal si Alunsina sa isang mortal na si Datu Paubari,
nagalit ang kaniyang mga manliligaw at binalak na sirain ang Halawod sa
pamamagitan ng _______.
A. bagyo B. lindol C. malaking baha D. sunog
5. Alin sa sumusunod ang kapansing- pansing katangian ni Labaw Donggon?
A. mapagmahal sa kaniyang mga magulang
B. maalaga sa kaniyang pamilya
C. mahilig sa magagandang babae
D. sakim sa kayamanan
6. Alin sa sumusunod ang kultura ng mga sinaunang mamamayan ng Sulod
ang makikita mula sa epiko?
A. pag- aalay ng mga hayop
B. paniniwala sa mga diwata o iba pang kababalaghan
C. pakikidigma para sa minamahal
D. pag- aalaga sa mga asawa at anak
7. Ito ang naging kondisyon ng ama ni Angoy Ginbitinan kay Labaw Donggon
upang mapakasalan ang dalaga.
A. kung mapapatay niya ang halimaw na si Manalintad
B. kung mabibigyan niya ng kayamanan ang pamilya
C. kung matatalo niya si Buyong Saragnayan
D. kung papayag siyang manirahan sa kanilang bayan
8. Paano natalo ni Buyong Saragnayan si Labaw Donggon?
A. nilubog niya ang ulo nito sa tubig sa loob ng pitong taon
B. sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting
C. ikinulong niya ito sa ilalim ng kanilang tahanan
D. hindi niya binigyan ng pagkain sa mahabang panahon
9. Ayon kay Alunsina, matatalo lamang daw si Saragnayan kapag napatay
ang ___________ na pinagtaguan ng kanyang hininga.
A. baboy-ramo C. anting- anting
B. isda D. ginto
10. Nagsikap ang mga anak ni Labaw Donggon na siya’y masagip at matapos
ang kanilang pakikipagdigma kay Saragnayan ay natagpuan na nila ang
kanilang ama. Saan nila natagpuan ang kanilang ama?
A. loob ng isang lambat na nasa may pampang malapit sa bahay
ng asawa ni Saragnayan
B. napakalalim na balon malapit sa tahanan ni Saragnayan
C. kulungan sa ilalim ng tahanan ng ni Saragnayan
D. malalim na bahagi ng karagatang nakapalibot sa tahanan
nina Saragnayan at ng kaniyang asawa
- 5 -
11-15. Tukuyin kung alin sa mga nasalungguhitan ang pang-ugnay o
panandang pandiskurso.
11. Ibig kong matulungan ang aking kababayan kung mabibigyan
A B C
lamang ako ng sapat na pagkakataon.
D
12. Balang- araw ay mabibigyan ko rin ng magandang buhay ang aking
A B
magulang pati na rin ang aking mga kapatid.
C D
13. Una, kinakailangang maaprubahan ng pangkat ang iyong
A B C
panukala.
D
14. Puspusan ang kaniyang paghahanda sa pagsusulit kaya naman
A B C D
nagawa niyang makapasa.
15. Nagtagal ng dalawang oras ang pagpupulong dahil sa
A B C
katanungan ng mga dumalo.
D
Balikan
Gawain 1: Balik-aral
Sa iyong pagpapatuloy sa pagkilala sa iba’t ibang uri ng akdang
pampanitikan, maaaring nakabasa ka na ng halimbawa ng epiko tulad na
lamang noong unang markahan. Kaya naman, magtala ng mga salitang may
kaugnayan sa epiko. Isulat ito sa concept map sa ibaba.
Epiko
___
___
____
____
____
___
- 6 -
Gawain 2: Paglalakbay sa Visayas
Sa pagpapatuloy ng iyong paglalakbay sa mga akdang pampanitikan
ng Bisaya, batid kong pamilyar ka na sa mga lugar at ilang kultura nila. Kaya
naman, tukuyin kung anong lugar ang inilalarawan sa mga pahayag. Punan
ng wastong letra ang crossword puzzle. Makatutulong ito sa iyang pagkilala
sa pinagmulan ng epikong susuriin sa araling ito.
Pahalang:
2. sa lugar na ito ipinagdiriwang ang
Dinagyang Festival
3. pulo kung saan nagmula ang epikong
Hinilawod
5. kilala bilang Queen City of the South
7. Ipinagdiriwang dito ang Ati-atihan
Festival
Pababa:
1. kilala ang lugar na ito sa matatamis at
masasarap na mga mangga
4. pinaniniwalaang dito nagmula ang
sayaw na Tinikling
6. ang ilog na ito ang unang katawagang
Hinilawod
Tuklasin
Sa pagsisimula ng iyong pagtuklas sa epikong susuriin, mahalagang
malaman mo ang pinagmulan nito. Kaya naman, basahin ang impormasyon
sa loob ng kahon upang magkaroon ng ideya sa pinagmulan nito.
Alam mo ba na…
ang Hinilawod ay epikong bayan ng mga Sulod sa pulo ng Panay at
itinuturing na isa sa mga pinakamahabang naitalang epikong- bayan sa
Pilipinas.
Ito ay isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng
Kanlurang Bisaya. Ito’y nagsasaad ng kaunlaran at kultura ng Panay
noong unang panahon. Ito raw ay inaawit nang may tatlong linggo, isa o
dalawang oras gabi- gabi.
Labingwalong kuwento ang napapaloob sa epikong ito at bawat
kuwento ay sumasaklaw sa tatlong henerasyon.
Mula sa https://www.tagaloglang.com/hinilawod/
- 7 -
Ngayong may ideya ka na sa epikong susuriin, simulant mo nang
basahin ito. Bigyang pansin ang katangian ng tauhan at mahahalagang
pangyayari mula rito
H I N I L A W O D
(Epiko ng mga Bisaya)
Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng mga diyos at diyosa, na ang magandang
diwatang si Alunsina ay ikasal pagsapit niya sa edad ng pagdadalaga. Maraming
makikisig na diyos sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang naghangad sa kaniyang
kamay subalit silang lahat ay nabigo dahil si Alunsina ay umibig at nagpakasal
sa isang mortal na si Datu Paubari, ang pinuno ng Halawod. Dahil dito, nagalit
ang mga manliligaw ni Alunsina at nagkaisa silang gantihan ang bagong kasal.
Binalak nilang sirain ang Halawod sa pamamagitan ng isang malaking baha.
Mabuti na lamang at nalaman ni Suklang Malayon, kapatid ni Alunsina ang
maitim na balak ng mga nabigong manliligaw kaya’t ang magkabiyak ay
nakatakas patungo sa isang mataas na lugar. Nakaligtas sila sa baha. Bumalik
lang sila nang napawi na ang baha. Tahimik silang nanirahan sa bukana ng Ilog
Halawod.
Pagkalipas ng ilang buwan ay nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol
na lalaki si Alunsina. Labis-labis ang kaligayahan ng mag-asawa sa pagdating
ng kanilang mumunting biyaya. Pinangalanan nilang Labaw Donggon,
Humadapnon, at Dumalapdap ang tatlong sanggol. Ipinatawag nila agad si
Bungot-Banwa, ang iginagalang na pari ng kanilang lahi upang isagawa ang
rituwal na magdudulot ng mabuting kalusugan sa tatlo. Nagsunog si Bungot-
Banwa ng talbos ng halamang alanghiran na sinamahan niya ng kamangyan at
saka inialay sa isang altar. Pagkatapos ay binuksan niya ang bintana at sa
pagpasok ng malamig na hangin mula sa hilaga, ang tatlong sanggol ay biglang
naging malalakas at makikisig na binata.
Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon
Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng interes sa
magagandang babae. Nang marinig niyang may isang magandang babaeng
nagngangalang Angoy Ginbitinan mula sa bayan ng Handug ay nagpaalam agad
siya sa ina upang hanapin ang dalaga. Pagkalipas ng ilang araw na paglalakbay
sa mga kapatagan, kabundukan, at mga lambak ay narating din niya ang
Handug. Kinausap niya ang ama ng dalaga upang hingin ang kamay ng anak.
Sinabi ng ama na papayag lamang siyang makasal ang anak na si Angoy
Ginbitinan kay Labaw Donggon kung mapapatay niya ang halimaw na si
Manalintad. Agad pinuntahan ni Labaw Donggon ang halimaw at nakipaglaban
siya rito. Napatay niya ang halimaw at ibinigay ang pinutol na buntot nito sa
ama ni Angoy Ginbitinan bilang patunay ng kanyang tagumpay. Ikinatuwa ito ng
ama kaya’t pumayag siyang ipakasal ang anak kay Labaw Donggon. Pagkatapos
ng kasal ay naglakbay ang dalawa pagbalik sa tahanan nina Labaw Donggon.
- 8 -
Sa kanilang paglalakbay ay may nasalubong silang mga binata na nag-
uusap-usap tungkol sa isang napakagandang dalagang nagngangalang Abyang
Durunuun na nakatira sa Tarambang Burok. Narinig niya mula sa usapan ng
mga binata na sila’y papunta sa tirahan ng dalaga upang manligaw sa kanya.
Naging interesado sa narinig si Labaw Donggon kaya naman pagkalipas lang ng
ilang linggong pagsasama ay inihabilin niya ang bagong asawa sa inang si
Alunsina at siya’y naglakbay patungo sa Tarambang Burok upang suyuin si
Abyang Durunuun. Nagtagumpay si Labaw Donggon na mapaibig ang
napakagandang si Abyang Durunuun.
Subalit hindi pa roon nagtapos ang kanyang paghahanap ng
mapapangasawa sapagkat pagkalipas ng ilang panahon nabalitaan na naman
niyang may isa pang napakagandang babae, si Nagmalitong Yawa Sinagmaling
Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan, ang diyos ng kadiliman. Nais din
niyang mapangasawa ito. Sinabi ni Donggon ang kanyang balak sa dalawang
asawa. Ayaw man nila, wala naman silang nagawa.
Sumakay si Labaw Donggon sa isang inagta o itim na bangka at naglayag
sa malalawak na karagatan patungong Gadlum. Naglakbay rin siya sa
malalayong kaulapan at sa mga batuhan hanggang sa marating niya ang
Tulogmatian, ang tahanan ni Buyong Saragnayan. Agad siyang hinarap ni
Saragnayan at tinanong kung ano ang kanyang kailangan. Sinabi niyang gusto
niyang mapangasawa si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Pinagtawanan
ng diyos ng kadiliman si Labaw Donggon at sinabing imposible ang hinahangad
nito dahil asawa na niya ang diwata.
Subalit hindi basta sumuko si Labaw Donggon. Hinamon niya sa isang
labanan si Saragnayan at sila’y naglaban sa loob ng maraming taon. Inilubog ni
Labaw Donggon ang ulo ni Saragnayan sa tubig sa loob ng pitong taon subalit
hindi niya pa rin napatay ang diyos ng kadiliman. Binayo niya nang binayo
subalit hindi rin niya ito nagapi. Sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting ni
Saragnayan ay natalo niya ang noo’y nanghihina at pagod na pagod nang si
Labaw Donggon. Ibinilanggo niya si Labaw Donggon sa isang kulungan sa ilalim
ng kanyang tahanan.
Samantala, kapwa nanganak ang dalawang asawa ni Labaw Donggon.
Parehong lalaki ang naging anak nila. Ang anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag
niyang Asu Mangga samantalang ang anak ni Abyang Durunuun ay
pinangalanang Abyang Baranugon. Nakapagsalita at nakatindig agad ang mga
bata. Kapuwa nila hinanap ang kanilang ama.
Sa kanilang paghahanap ay nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan.
Naglalakad sa ibabaw ng tubig si Baranugon at lulan naman ng bangka si Asu
Mangga. Napag-alaman nilang kapuwa nila hinahanap ang ama. Naglakbay sila
patungong Tulogmatian kung saan nila nalaman ang ginawa ni Saragnayan sa
kanilang ama. Sinabihan nila itong pakawalan ang kanilang ama. Pinagtawanan
lamang ni Saragnayan ang sinabi ng mga anak ni Labaw Donggon kaya’t
hinamon siya ng mga ito sa isang labanan. Buong tapang na nakipaglaban ang
- 9 -
Suriin
Gawin 3: Paglinang sa Talasalitaan
A. Hanapin at bilugan sa loob ng kahon ng palaisipan na nasa susunod na
pahina ang kasingkahulugan ng mga salitang nasalungguhitan sa mga
pangungusap. Isulat ang nahanap na salita sa patlang na nakalaan sa bawat
bilang.
_________________1. Humingi ng payo ang mag-asawa sa mga nakatatanda.
_________________2. Nagpunta sa kabilang bayan ang binata upang ligawan
ang magandang dalaga.
_________________3. Naglayag ang binata sa malawak na karagatan patungo
sa kinaroroonan ng dalaga.
_________________4. Ibinilanggo ang binata sa ilalim ng tahanan ng higante.
_________________5. Ibinuhos niya ang kaniyang lakas ngunit hindi niya ito
nagapi.
magkapatid kay Saragnayan. Ngunit napakahusay ni Saragnayan kaya’t
hindi nila ito matalo-talo. Bumalik si Baranugon sa kanilang lolang si
Abyang Alunsina upang sumangguni. Dito niya nalamang ang
kapangyarihan pala ni Saragnayan ay nakatago sa isang baboy-ramo.
Mapapatay lamang daw si Saragnayan kapag napatay ang baboy-ramong
pinagtaguan ng kanyang hininga. Sa tulong ng taglay nilang anting-anting
ay natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo. Sa pagkamatay
ng baboy-ramo ay nanghina si Saragnayan kaya’t madali na siyang
napatay ng palaso ni Baranugon. Gayunman ay hindi rin nila nakita ang
ama sa bilangguan nito. Maging ang mga tiyo nilang sina Humadapnon at
Dumalapdap ay tumulong na rin sa paghahanap kay Labaw Donggon.
Pagkalipas ng mahabang panahon ng paghahanap, natagpuan din nila ang
ama sa loob ng isang lambat na nasa may pampang malapit sa bahay ng
asawa ni Saragnayan.
Subalit wala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Labaw
Donggon. Nawala ito dahil sa matagal na pagkakakulong nang dahil sa
labis na paghahangad sa magagandang babae, kahit na siya ay may asawa
na. Naibalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon subalit hindi
pa rin nawala ang pagnanais nitong makahanap pang muli ng magandang
mapapangasawa. Ikinagalit ito ng kanyang dalawang asawa subalit
ipinaliwanag niyang pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal sa
kanyang mga asawa. Ipinagdasal ng dalawang babaeng nagmamahal sa
kanya na muling lumakas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay muling
nagbalik ang kakisigan at lakas ni Labaw Donggon
- 10 -
Gawain 4: Pag- unawa sa Binasa
Sagutin ang sumusunod na katanungan kaugnay ng binasang bahagi ng
epiko. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Ilarawan ang kanilang panganay na anak na si Labaw Donggon gamit ang
grapikong representasyon.
Labaw
Donggon
- 11 -
2. Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Itala ang mga pangyayari na nagpapakita
kung paano napaibig ni Labaw Donggon ang mga dalaga.
Pangyayari
Angoy
Ginbitinan
Abyang
Durunuun
Nagmalitong
Yawa
3. Kung ikaw ay isa sa mga anak ni Labaw Donggon, gagawin mo rin ba ang
ginawa ni na Asu Mangga at Abyang Baranugon? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Paano naipakita nina Alunsina at Datu Paubari ang kanilang pagmamahal
sa kanilang mga anak? Anong kultura ng Kabisayaan ang makikita mula
rito?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Sa pagwawakas ng bahagi ng epikong binasa, mayroon bang pagbabago
sa katangian ni Labaw Donggon? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
6. Ano- anong kaugalian ng mga sinaunang mamamayan ng Sulod ang
makikita sa epiko?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
7. Magtala ng dalawang aral na iyong napulot mula sa epiko. Bigyang pansin
ang kaugnayan nito sa pamilya at sa sarili.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
- 12 -
Gawain 5: Ilarawan mo
Punan ng wastong impormasyon ang grapikong representasyon. Matapos nito
ay ilarawan ang panitikang Kabisayaan batay sa mga impormasyong iyong
inilagay sa grapikong representasyon. Ang epikong binasa ang magiging
batayan mo sa pagsagot sa gawaing ito.
Pamprosesong tanong:
1. Batay sa iyong pagsagot sa gawain, paano mo mailalarawan ang panitikan
ng Kabisayaan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
EPIKO
Hinilawod
Uri ng Pamumuhay
(Ilarawan ang
pamumuhay ng tauhan)
Heograpiya
(Ilarawan ang
tagpuan)
Paniniwala
(Magbigay ng tiyak na
pangyayari na sumasalamin
sa kanilang paniniwala)
- 13 -
Pagyamanin
Pagsanib ng Gramatika at Retorika
Pagsasanay 1: Bumuo ng makabuluhang pangungusap base sa mga paksa
sa bawat bilang. Gamitin ang sumusunod na pang- ugnay o panandang
pandiskurso.
A. Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon
1. isa pa: __________________________________________________________
2. dahil sa: ________________________________________________________
3. sapagkat: _______________________________________________________
B. Sariling karanasan sa panahon ng COVID 19
4. kaya naman: ____________________________________________________
5. pagkatapos: _____________________________________________________
6. kung kaya: ______________________________________________________
Pagsasanay 2
Bilang mag- aaral sa ikapitong baitang, paano mo kinaharap ang ating
sitwasyon ngayong panahon ng pandemya? Ilahad ito sa pamamagitan ng
pagsulat ng sanaysay na binubuo ng tatlong talata na may apat hanggang
limang pangungusap. Salungguhitan ang mga pang-ugnay o panandang
pandiskursong nagamit. Gamiting gabay sa pagsulat ang Rubrik sa Pagsulat
ng Sanaysay sa susunod na pahina.
Pang- ugnay o Panandang Pandiskurso
1. pagdaragdag at pag-iisa- isa ng mga impormasyon
Ginagamit ang pang- ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng
pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari o pag- iisa-isa ng mga
impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang pagkatapos, pati, isa pa,
saka, unang, ganyan din at sa dakong huli.
2. pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Ang pang- ugnay sa bahaging ito’y ginagamit sa paglalahad ng
dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa
pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang- ugnay sa
bahaging ito ang sapagkat, dahil sa at kasi. Samantalang sa paglalahad
ng bunga at resulta, ginagamit ang pang- ugnay na bunga, kung kaya,
kaya, kaya naman, at tuloy
-mula sa Panitik: Filipino sa Panahon
ng Pagbabago(Habijan, E. et al., 2016)
- 14 -
Rubriks sa Pagsulat ng Sanaysay
Kaugnayan sa paksa 10
Kalinawan ng mga ideya/ kaisipan 10
Pagsunod sa panuto (3 talata, 4-5 na pangungusap) 5
Wastong baybay ng mga salita at wastong gamit ng mga bantas 5
Paggamit ng wastong pang-ugnay/ panandang pandiskurso 10
Kabuuan : 40
Isaisip
Gawain 5: Kumpletuhin ang pahayag sa loob ng speech balloon. Ilahad dito
ang iyong natutuhan sa epikong binasa at sa mga uri ng pang- uring
pahambing.
Isagawa
Gawain 6: Ibahagi mo!
Ipagpalagay nating ang klase ay bubuo ng travel blog, ito ay
naglalayong makahikayat ng iba pang tao na maglakbay at mahalin ang iba’t
ibang lugar sa Pilipinas. Bilang pakikiisa, ikaw ay naatasang magsulat ng
maikling teksto tungkol sa kultura ng Kabisayaan. Ang tekstong ito ay
naglalahad ng yamang taglay, pamumuhay at kaugalian ng Kabisayaan.
Lubos na makatutulong ang mga aral na iyong napulot mula sa epiko
sa pagbuo mo ng teksto, gayundin ang mga pang-ugnay o panandang
pandiskurso na natalakay sa araling ito.
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos
Nilalaman 20
Wastong gamit ng mga pang-ugnay 10
Kalinawan 10
Kabuuan 40
Ang aral na tumatak sa aking puso’t isip mula sa epiko ay
__________________________________. Ito ay makatutulong sa aking
___________________________________________________________.
Ang wastong pahayag sa paghahambing ay napakalahalaga sa aking pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan dahil ___________________________________.
Ito ay aking gagamitin nang wasto upang _________________________________.
- 15 -
Tayahin
Sukatin natin ang iyong kaalaman tungkol sa araling natalakay.
Basahin at unawain ang katanungan at sagutin nang buong katapatan ang
pagtatayang ito.
Pangwakas na Pagtataya: Basahin at unawain ang sumusunod na
katanungan at pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang wastong sagot.
1. Ito ang anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na punong-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari.
A. alamat B. epiko C. maikling kuwento D. nobela
2. Ang epikong bayan na ito ng mga Sulod sa pulo ng Panay ay itinuturing na
isa sa mga pinakamahabang naitalang epikong- bayan sa Pilipinas.
A. Darangen B. Diawaot C. Hinilawod D. Owaging
3. Ito ang katawagan sa halamang sinunog ni Bungot- Banwa na upang
makumpleto ang kaniyang ritwal para sa mga sanggol.
A. alanghiran B. alingharin C. alinghiran D. alanghari
4. Nang umibig at nagpakasal si Alunsina sa isang mortal na si Datu Paubari,
nagalit ang kaniyang mga manliligaw at binalak na sirain ang Halawod sa
pamamagitan ng _______.
A. bagyo B. lindol C. malaking baha D. sunog
5. Alin sa sumusunod ang kapansing- pansing katangian ni Labaw Donggon?
A. mapagmahal sa kaniyang mga magulang
B. maalaga sa kaniyang pamilya
C. mahilig sa magagandang babae
D. sakim sa kayamanan
6. Alin sa sumusunod ang kultura ng mga sinaunang mamamayan ng Sulod
ang makikita mula sa epiko?
A. pag- aalay ng mga hayop
B. paniniwala sa mga diwata o iba pang kababalaghan
C. pakikidigma para sa minamahal
D. pag- aalaga sa mga asawa at anak
7. Ito ang naging kondisyon ng ama ni Angoy Ginbitinan kay Labaw Donggon
upang mapakasalan ang dalaga.
A. kung mapapatay niya ang halimaw na si Manalintad
B. kung mabibigyan niya ng kayamanan ang pamilya
C. kung matatalo niya si Buyong Saragnayan
D. kung papayag siyang manirahan sa kanilang bayan
8. Paano natalo ni Buyong Saragnayan si Labaw Donggon?
A. nilubog niya ang ulo nito sa tubig sa loob ng pitong taon
B. sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting
C. ikinulong niya ito sa ilalim ng kanilang tahanan
- 16 -
D. hindi niya binigyan ng pagkain sa mahabang panahon
9. Ayon kay Alunsina, matatalo lamang daw si Saragnayan kapag napatay
ang ___________ na pinagtaguan ng kanyang hininga.
A. baboy-ramo C. anting- anting
B. isda D. ginto
10. Nagsikap ang mga anak ni Labaw Donggon na siya’y masagip at matapos
ang kanilang pakikipagdigma kay Saragnayan ay natagpuan na nila ang
kanilang ama. Saan nila natagpuan ang kanilang ama?
A. loob ng isang lambat na nasa may pampang malapit sa bahay
ng asawa ni Saragnayan
B. napakalalim na balon malapit sa tahanan ni Saragnayan
C. kulungan sa ilalim ng tahanan ng ni Saragnayan
D. malalim na bahagi ng karagatang nakapalibot sa tahanan
nina Saragnayan at ng kaniyang asawa
11-15. Tukuyin kung alin sa mga nasalungguhitan ang pang-ugnay o
panandang pandiskurso.
11. Ibig kong matulungan ang aking kababayan kung mabibigyan
A B C
lamang ako ng sapat na pagkakataon.
D
12. Balang- araw ay mabibigyan ko rin ng magandang buhay ang aking
A B
magulang pati na rin ang aking mga kapatid.
C D
13. Una, kinakailangang maaprubahan ng pangkat ang iyong
A B C
panukala.
D
14. Puspusan ang kaniyang paghahanda sa pagsusulit kaya naman
A B C D
nagawa niyang makapasa.
15. Nagtagal ng dalawang oras ang pagpupulong dahil sa
A B C
katanungan ng mga dumalo.
D
- 17 -
Susi sa Pagwawasto
Panimulang
Pagtataya
1.
B
6.
B
11.
C
2.
C
7.
A
12.C
3.
A
8.
B
13.A
4.
C
9.
A
14.
D
5.
C
10.
A
15.
C
Gawain
1
*malayang
makapagbibigay
ng
mga
salitang
may
kaugnayan
sa
epiko
ang
mga
mag-
aaral
Gawain
2
Pahalang:
2.
Iloilo
3.
Panay
5.
Cebu
7.
Aklan
Pababa:
1.
Guimaras
4.
Leyte
6.
Jalaur
Gawain
3
A.
1.
sumangguni
2.
suyuin
3.
naglakbay
4.
ikinulong
5.
nahuli
B.
1-5:
guro
ang
magwawasto
Gawain
4
*ang
guro
ang
magbibigay
ng
hatol
sa
kaangkupan
at
kawastuhan
ng
sagot
ng
mga
mag-
aaral
Pagsasanay
1
*guro
ang
magwawasto
Pangwakas
na
Pagtataya
1.
B
6.
B
11.
C
2.
C
7.
A
12.C
3.
A
8.
B
13.A
4.
C
9.
A
14.
D
5.
C
10.
A
15.
C
- 18 -
TALASANGGUNIAN
Julian, A. et al., Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc.
Quezon City. 2015
Habijan, E. et al., Panitik: Filipino sa panahon ng pagbabago 7 binagong
edisyon: K to 12. Adriana Publishing Co., INC. Quezon City. 2016
Accessed from https://www.tagaloglang.com/hinilawod/ on June 28, 2019
Accessed from https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-
epics-mga-epiko-labaw-donggon-epikong-bisaya_936.html on June 28, 2019
Accessed from
https://www.scribd.com/presentation/369352713/Kulturang-Kinagisnan-
Ng-Visayas on July 3, 2019
Accessed from https://www.tagaloglang.com/annual-festivals-in-the-
philippines/ on August 20, 2020
For inquiries or feedback, please write of call:
Department of Education – Schools Division of Baguio City
No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City
Telefax: 442-4326 / 442-7819
Email Address: depedbaguiocity@gmail.com
Social Media: facebook.com/DepEdTayoBaguioCity

More Related Content

What's hot

Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Aubrey Arebuabo
 
Nakalbo ang datu
Nakalbo ang datuNakalbo ang datu
Nakalbo ang datuRowie Lhyn
 
Pang-ugnay Activities.pptx
Pang-ugnay Activities.pptxPang-ugnay Activities.pptx
Pang-ugnay Activities.pptxrhea bejasa
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSESMAEL NAVARRO
 
FIL10.BOOKLET.Q3.w7-8.docx
FIL10.BOOKLET.Q3.w7-8.docxFIL10.BOOKLET.Q3.w7-8.docx
FIL10.BOOKLET.Q3.w7-8.docxLeahMaePanahon1
 
Jenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintasJenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintasJenita Guinoo
 
ARALIN TINIG NG LIGAW NA GANSA.pptx
ARALIN TINIG NG LIGAW NA GANSA.pptxARALIN TINIG NG LIGAW NA GANSA.pptx
ARALIN TINIG NG LIGAW NA GANSA.pptxGRACEZELCAMBEL1
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2Jenita Guinoo
 
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptxdulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptxreychelgamboa2
 
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptx
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptxSariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptx
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptxbryandomingo8
 
Mga patnubay sa pag aanyo
Mga patnubay sa pag aanyoMga patnubay sa pag aanyo
Mga patnubay sa pag aanyojomari saga
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagAllan Lloyd Martinez
 
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdfMENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdfGenerAbreaJayan
 
PASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptx
PASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptxPASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptx
PASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptxchelsiejadebuan
 
Modyul 14 pagsusuri ng akda batay sa teoryng feminismo
Modyul 14 pagsusuri ng akda batay sa teoryng feminismoModyul 14 pagsusuri ng akda batay sa teoryng feminismo
Modyul 14 pagsusuri ng akda batay sa teoryng feminismodionesioable
 
Modyul 8 nobela mula sa nigeria
Modyul 8 nobela mula sa nigeriaModyul 8 nobela mula sa nigeria
Modyul 8 nobela mula sa nigeriafaithdenys
 

What's hot (20)

Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
Ang Aking Pag-ibig (aralin at gawain)
 
Nakalbo ang datu
Nakalbo ang datuNakalbo ang datu
Nakalbo ang datu
 
Pang-ugnay Activities.pptx
Pang-ugnay Activities.pptxPang-ugnay Activities.pptx
Pang-ugnay Activities.pptx
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
 
FIL10.BOOKLET.Q3.w7-8.docx
FIL10.BOOKLET.Q3.w7-8.docxFIL10.BOOKLET.Q3.w7-8.docx
FIL10.BOOKLET.Q3.w7-8.docx
 
Jenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintasJenita powerpoint kwintas
Jenita powerpoint kwintas
 
ARALIN TINIG NG LIGAW NA GANSA.pptx
ARALIN TINIG NG LIGAW NA GANSA.pptxARALIN TINIG NG LIGAW NA GANSA.pptx
ARALIN TINIG NG LIGAW NA GANSA.pptx
 
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
ANG HATOL NG KUNEHO Gr.9 FILIPINO, ARALIN 2.2
 
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptxdulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
dulang pantelibisyon.SOSYO HISTORIKAL.pptx
 
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 1_ver1.pdf
 
Anekdota.pptx
Anekdota.pptxAnekdota.pptx
Anekdota.pptx
 
Mitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng KenyaMitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng Kenya
 
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptx
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptxSariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptx
Sariling Paghahatol o Pagmamatuwid sa isang Akdang Visayas (2).pptx
 
Mga patnubay sa pag aanyo
Mga patnubay sa pag aanyoMga patnubay sa pag aanyo
Mga patnubay sa pag aanyo
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
 
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdfMENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
MENSAHE NG BUTIL NG KAPE AT PASALAYSAY.pdf
 
PASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptx
PASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptxPASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptx
PASUSURI NG DOKYU-FILM-WK3-Q1.pptx
 
Modyul 14 pagsusuri ng akda batay sa teoryng feminismo
Modyul 14 pagsusuri ng akda batay sa teoryng feminismoModyul 14 pagsusuri ng akda batay sa teoryng feminismo
Modyul 14 pagsusuri ng akda batay sa teoryng feminismo
 
AKASYA O KALABASA.pptx
AKASYA O KALABASA.pptxAKASYA O KALABASA.pptx
AKASYA O KALABASA.pptx
 
Modyul 8 nobela mula sa nigeria
Modyul 8 nobela mula sa nigeriaModyul 8 nobela mula sa nigeria
Modyul 8 nobela mula sa nigeria
 

Similar to EPIKO NG BAGUIO LESSON PLAN.pdf

K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
aralingpanlipunan1_q4_mod5_kahalagahanngmgaistrakturamulasatahananpatungosapa...
aralingpanlipunan1_q4_mod5_kahalagahanngmgaistrakturamulasatahananpatungosapa...aralingpanlipunan1_q4_mod5_kahalagahanngmgaistrakturamulasatahananpatungosapa...
aralingpanlipunan1_q4_mod5_kahalagahanngmgaistrakturamulasatahananpatungosapa...JirahBanataoGaano
 
Thesis sa fil 2
Thesis sa fil 2Thesis sa fil 2
Thesis sa fil 2danbanilan
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoLizellRagasa
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfMerylLao
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guroelviesabang
 
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdfAP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdfDianaRoseDelaCruz6
 
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfnelietumpap1
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfNoelPiedad
 
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfJosephRRafananGPC
 
BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of work
BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of workBOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of work
BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of workmacasarteadrianjames
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Manuel Dinlayan
 
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdfAP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdfAngelika B.
 

Similar to EPIKO NG BAGUIO LESSON PLAN.pdf (20)

K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO (Q1-Q4)
 
aralingpanlipunan1_q4_mod5_kahalagahanngmgaistrakturamulasatahananpatungosapa...
aralingpanlipunan1_q4_mod5_kahalagahanngmgaistrakturamulasatahananpatungosapa...aralingpanlipunan1_q4_mod5_kahalagahanngmgaistrakturamulasatahananpatungosapa...
aralingpanlipunan1_q4_mod5_kahalagahanngmgaistrakturamulasatahananpatungosapa...
 
Ap4 tg u2
Ap4 tg u2Ap4 tg u2
Ap4 tg u2
 
Ap2 q3f
Ap2 q3fAp2 q3f
Ap2 q3f
 
Thesis sa fil 2
Thesis sa fil 2Thesis sa fil 2
Thesis sa fil 2
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdfesp_4_tg_pp.1-24.pdf
esp_4_tg_pp.1-24.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guroEdukasyon sa pagpapakatao  patnubay ng guro
Edukasyon sa pagpapakatao patnubay ng guro
 
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdfAP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
 
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdfESP-Q2_MODULE-7.pdf
ESP-Q2_MODULE-7.pdf
 
EsP7Q2F.pdf
EsP7Q2F.pdfEsP7Q2F.pdf
EsP7Q2F.pdf
 
EsPG5Q3.pdf
EsPG5Q3.pdfEsPG5Q3.pdf
EsPG5Q3.pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdfPRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
PRELIM --FIL 205 ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG EDUKASYON.pdf
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
BOW in AP (1).pdf
BOW in AP (1).pdfBOW in AP (1).pdf
BOW in AP (1).pdf
 
BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of work
BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of workBOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of work
BOW in AP.pdf.araling Panlipunan budget of work
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
 
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdfAP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf
 

More from melliahnicolebeboso2

Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptx
Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptxPampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptx
Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptxmelliahnicolebeboso2
 
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7melliahnicolebeboso2
 
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptx
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptxMga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptx
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptxmelliahnicolebeboso2
 
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptxPANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptxmelliahnicolebeboso2
 
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdfrehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdfmelliahnicolebeboso2
 
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdfponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdfmelliahnicolebeboso2
 

More from melliahnicolebeboso2 (8)

Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptx
Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptxPampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptx
Pampukaw sigla sa mga bata - LOGO BRAND GAME.pptx
 
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7
Pagbasa sa Filipino ng mga estudyante sa grade 7
 
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptx
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptxMga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptx
Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at - Copy.pptx
 
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptxPANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
PANITIKAN-SA-REHIYON-6-ulat-ni-krizel.pptx
 
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdfrehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
rehiyon-viigitnangbisayas-191202005908.pdf
 
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdfponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf
ponemangsuprasegmentalpowerpoint-150909120649-lva1-app6891.pdf
 
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptxPanitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
Panitikan-ng-Rehiyon-1.pptx
 
IBONG ADARNA.pptx
IBONG ADARNA.pptxIBONG ADARNA.pptx
IBONG ADARNA.pptx
 

Recently uploaded

AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...LlemorSoledSeyer1
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjAhKi3
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 

Recently uploaded (20)

AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
 
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvjFilipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
Filipino 3 Q4 Week 5.pptxkchcivuxucuxjvjcjvj
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 

EPIKO NG BAGUIO LESSON PLAN.pdf

  • 1. Epiko Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 7 Ikalawang Markahan, Ikaapat na Linggo ANNE FAITH G. HANDIG Tagapaglinang ng Modyul Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong Administratibo ng Cordillera
  • 2. ii PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency of office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” Ang modyul na ito ay inihanda para sa implementasyon ng K to 12 Curriculum sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource Management and Development System (LRMDS). Maaari itong kopyahin para sa layuning pang - edukasiyon at maaring hilingin ang pahintulot sa nagmamay-ari nito. Ang paghalaw o pagpapaunlad nito ay maaaring gawin, ibigay lamang ang karampatang pagkilala sa orihinal na lumikha. Hindi pinahihitulutan ang paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.
  • 3. iii PAUNANG SALITA Ang modyul na ito ay isang proyekto ng Curriculum Implementation Division partikular ang Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran ng Edukasyon, Schools Division ng CAR bilang tugon sa pagpapatupad ng K-12 Kurikulum. Naglalayon itong mapataas ang performans ng mga mag-aaral partikular sa Filipino. Petsa ng Pagkakagawa : Agosto 2020 Lokasyon : Schools Division of Baguio City Asignatura : Filipino Baitang : 7 Uri ng Materyal : Modyul Wika : Filipino Markahan/Linggo : Ikalawang Markahan/Ikaapat na Linggo Kasanayang Pampagkatuto: F7PN-IIg-h-10 Natutukoy ang mahahalagang detalye sa napakinggang teksto tungkol sa epiko sa Kabisayaan F7PB-IIg-h-10 Nailalarawan ang mga natatanging aspetong pangkultura na nagbibigay-hugis sa panitikan ng Kabisayaan (halimbawa: heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa) F7PT-IIg-h-10 Naipaliliwanag ang pinagmulan ng salita (etimolohiya) F7PU-IIg-h-10 Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya sa kinagisnang kultura F7WG-IIg-h-10 Nagagamit nang maayos ang mga pang-ugnay sa paglalahad (una, ikalawa, halimbawa, at iba pa)
  • 4. iv PAGKILALA Ang manunulat ay nagpapasalamat sa Baguio City Division sa pagkakataong kanilang ipinagkaloob upang mabuo ang modyul na ito. Lubos din ang pasasalamat ng manunulat sa Poong Maykapal sa paggabay at biyayang ipinagkaloob upang matapos ang modyul na ito. Development Team Developer: Anne Faith G. Handig Tagalapat: Maria Ramelia M. Ulpindo School Learning Resources Management Committee BRENDA M. CARIÑO JULIA A. BILIGAN School Principal FDPA School Head Quality Assurance Team MARILYN S. API-IT LOURDES B. LOMAS-E EPS – Filipino PSDS – BCNHS District Learning Resource Management Section Staff VICTOR A. FERNANDEZ LOIDA C. MANGANGEY Education Program Specialist II –LRMDS EPS – LRMDS CHRISTOPHER DAVID G. OLIVA PRISCILLA A. DIS-IW Project Development Officer II- LRMDS Librarian II LILY B. MABALOT Librarian I CONSULTANTS JULIET C. SANNAD, EdD Chief Education Supervisor – CID SORAYA T. FACULO, PhD Asst. Schools Division Superintendent MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V Schools Division Superintendent
  • 5. v TALAAN NG NILALAMAN Pamagat ........................................................................................ i Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi ............................................. ii Paunang Salita .............................................................................. iii Pagkilala ....................................................................................... iv ALAMIN  Panuntunan sa Paggamit ng Modyul …................................ 2 PAMAGAT NG MODYUL: EPIKO Mga Inaasahang Matututuhan ...................................................... 4 SUBUKIN  Paunang Pagtataya 4 BALIKAN ................................................................................ 6  GAWAIN 1: Balik- aral 6  GAWAIN 2: Paglalakbay sa Visayas 6 TUKLASIN .............................................................................. 7 SURIIN .................................................................................... 10  GAWAIN 3: Paglinang sa Talasalitaan 10  GAWAIN 4: Pag- unawa sa Binasa 11  GAWAIN 5: Ilarawan Mo 13 PAGYAMANIN ......................................................................... 14  Pagsanib ng Gramatika at Retorika 14  Pagsasanay 1 14  Pagsasanay 2 14 ISAISIP .................................................................................... 15 ISAGAWA . ................................................................................ 15 TAYAHIN ................................................................................... 16  Pangwakas na Pagtataya Kasagutan/ Susi sa pagwawasto .................................................... 18 Talasanggunian ........................................................................... 19
  • 6. - 4 - Alamin PARAAN NG PAGGAMIT NG MODYUL Iba’t ibang gawain ang nilalaman ng modyul na ito. Naririto ang mga hakbang na dapat mong sundin. 1. Tunghayan ang tala ng mga inaasahang bunga ng pagkatuto upang magkaroon ng hinuha sa mga kaalaman dapat mong matutuhan at kasanayang dapat mong malinang sa pamamagitan ng modyul na ito. Ang mga ito ay batay sa Pamantayang Pangnilalaman, Pamantayang Pagganap at mga Kasanayang Pampagkatuto sa K to 12 na Kurikulum. 2. Sagutan ang Paunang Pagtataya. Ang iyong iskor ang magtatakda ng lawak ng kaalaman sa araling saklaw ng modyul na ito. Kung ikaw ay makakukuha ng 100% na tamang sagot, maaari ka ng kumuha ng susunod na modyul. Kung hindi naman ay kinakailangan mong panumbalikan ang mga naitakdang gawain sa modyul na ito. 3. Ang bawat gawain sa modyul na ito ay naglalayong malinang ang iyong pagkatuto. Ang mga layuning ito ay dapat matamo pagkatapos ng pag-aaral sa tulong ng modyul na ito at mapaghusay ang bunga ng pagkatuto pagkatapos. 4. Basahin at unawain ang saklaw ng bawat aralin. Ang bawat bahagi ay naglalaman ng mga impormasyon at kaalamang magiging patnubay sa iyong pagkatuto. 5. Pagkatapos ng aralin, kumuha ng pansariling pagwawasto upang alamin ang lawak ng kaalamang natutuhan. Kung hindi mo nakuha ang tamang sagot sa katanungan, panumbalikan ang saklaw na mga aralin/gawain. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng mabisang pagkatuto. 6. Isagawa ang bawat gawain na may isa o higit pang saklaw. Hindi nakasasapat na magkaroon ka lamang ng kaalamang pangnilalaman, sa halip ay maisagawa ang mga ito sa tunay na buhay. 7. Pagkatapos magawa ang mga gawain sa modyul na ito, kumuha ng Panghuling Pagsusulit upang mataya ang pangkalahatang lawak ng pagunawa hinggil sa aralin. Ang mga gawain, kaalaman at kasanayan na nakapaloob sa modyul na ito ay masusing naihanda sa pamamagitan ng isang mainam at maayos na pamamaraan para maisagawa at maunawaan mo ang mga ito upang lalo pang mapaigting ang pagnanais mong matuto at malunasan ang iyong mga kahinaan.
  • 7. - 5 - Ang modyul na ito ay naglalayong matulungan ka para makamit mo ang kailangang kasanayan sa pagkatuto. Inaasahan namin na malaki ang maitutulong ng modyul na ito sa iyong pagkatuto. IKALAWANG MARKAHAN – IKAAPAT NA LINGGO Aralin 2.4: Epiko MGA INAASAHANG MATUTUHAN Sa pagtatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang:  Natutukoy ang mahahalagang kaisipan mula sa epiko  Nahihimay ang pinagmulan ng salitang mula sa akda ayon sa kayarian nito  Nailalarawan ang mga natatanging aspetong pangkultura na nagbibigay-hugis sa panitikan ng Kabisayaan  Nakikilala ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso sa paglalahad  Nakasusulat ng sanaysay kaugnay ng kultura ng Kabisayaan gamit ang mga panandang pandiskurso Subukin Sukatin natin ang iyong kahandaan sa pag- unawa sa paksang ating tatalakayin. Unawain at sagutin mo ang sumusunod na tanong. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel. Panimulang pagtataya: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan at pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang wastong sagot. 1. Ito ang anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na punong-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. A. alamat B. epiko C. maikling kuwento D. nobela 2. Ang epikong bayan na ito ng mga Sulod sa pulo ng Panay ay itinuturing na isa sa mga pinakamahabang naitalang epikong- bayan sa Pilipinas. A. Darangen B. Diawaot C. Hinilawod D. Owaging 3. Ito ang katawagan sa halamang sinunog ni Bungot- Banwa na upang makumpleto ang kaniyang ritwal para sa mga sanggol. A. alanghiran B. alingharin C. alinghiran D. alanghari
  • 8. - 4 - 4. Nang umibig at nagpakasal si Alunsina sa isang mortal na si Datu Paubari, nagalit ang kaniyang mga manliligaw at binalak na sirain ang Halawod sa pamamagitan ng _______. A. bagyo B. lindol C. malaking baha D. sunog 5. Alin sa sumusunod ang kapansing- pansing katangian ni Labaw Donggon? A. mapagmahal sa kaniyang mga magulang B. maalaga sa kaniyang pamilya C. mahilig sa magagandang babae D. sakim sa kayamanan 6. Alin sa sumusunod ang kultura ng mga sinaunang mamamayan ng Sulod ang makikita mula sa epiko? A. pag- aalay ng mga hayop B. paniniwala sa mga diwata o iba pang kababalaghan C. pakikidigma para sa minamahal D. pag- aalaga sa mga asawa at anak 7. Ito ang naging kondisyon ng ama ni Angoy Ginbitinan kay Labaw Donggon upang mapakasalan ang dalaga. A. kung mapapatay niya ang halimaw na si Manalintad B. kung mabibigyan niya ng kayamanan ang pamilya C. kung matatalo niya si Buyong Saragnayan D. kung papayag siyang manirahan sa kanilang bayan 8. Paano natalo ni Buyong Saragnayan si Labaw Donggon? A. nilubog niya ang ulo nito sa tubig sa loob ng pitong taon B. sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting C. ikinulong niya ito sa ilalim ng kanilang tahanan D. hindi niya binigyan ng pagkain sa mahabang panahon 9. Ayon kay Alunsina, matatalo lamang daw si Saragnayan kapag napatay ang ___________ na pinagtaguan ng kanyang hininga. A. baboy-ramo C. anting- anting B. isda D. ginto 10. Nagsikap ang mga anak ni Labaw Donggon na siya’y masagip at matapos ang kanilang pakikipagdigma kay Saragnayan ay natagpuan na nila ang kanilang ama. Saan nila natagpuan ang kanilang ama? A. loob ng isang lambat na nasa may pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan B. napakalalim na balon malapit sa tahanan ni Saragnayan C. kulungan sa ilalim ng tahanan ng ni Saragnayan D. malalim na bahagi ng karagatang nakapalibot sa tahanan nina Saragnayan at ng kaniyang asawa
  • 9. - 5 - 11-15. Tukuyin kung alin sa mga nasalungguhitan ang pang-ugnay o panandang pandiskurso. 11. Ibig kong matulungan ang aking kababayan kung mabibigyan A B C lamang ako ng sapat na pagkakataon. D 12. Balang- araw ay mabibigyan ko rin ng magandang buhay ang aking A B magulang pati na rin ang aking mga kapatid. C D 13. Una, kinakailangang maaprubahan ng pangkat ang iyong A B C panukala. D 14. Puspusan ang kaniyang paghahanda sa pagsusulit kaya naman A B C D nagawa niyang makapasa. 15. Nagtagal ng dalawang oras ang pagpupulong dahil sa A B C katanungan ng mga dumalo. D Balikan Gawain 1: Balik-aral Sa iyong pagpapatuloy sa pagkilala sa iba’t ibang uri ng akdang pampanitikan, maaaring nakabasa ka na ng halimbawa ng epiko tulad na lamang noong unang markahan. Kaya naman, magtala ng mga salitang may kaugnayan sa epiko. Isulat ito sa concept map sa ibaba. Epiko ___ ___ ____ ____ ____ ___
  • 10. - 6 - Gawain 2: Paglalakbay sa Visayas Sa pagpapatuloy ng iyong paglalakbay sa mga akdang pampanitikan ng Bisaya, batid kong pamilyar ka na sa mga lugar at ilang kultura nila. Kaya naman, tukuyin kung anong lugar ang inilalarawan sa mga pahayag. Punan ng wastong letra ang crossword puzzle. Makatutulong ito sa iyang pagkilala sa pinagmulan ng epikong susuriin sa araling ito. Pahalang: 2. sa lugar na ito ipinagdiriwang ang Dinagyang Festival 3. pulo kung saan nagmula ang epikong Hinilawod 5. kilala bilang Queen City of the South 7. Ipinagdiriwang dito ang Ati-atihan Festival Pababa: 1. kilala ang lugar na ito sa matatamis at masasarap na mga mangga 4. pinaniniwalaang dito nagmula ang sayaw na Tinikling 6. ang ilog na ito ang unang katawagang Hinilawod Tuklasin Sa pagsisimula ng iyong pagtuklas sa epikong susuriin, mahalagang malaman mo ang pinagmulan nito. Kaya naman, basahin ang impormasyon sa loob ng kahon upang magkaroon ng ideya sa pinagmulan nito. Alam mo ba na… ang Hinilawod ay epikong bayan ng mga Sulod sa pulo ng Panay at itinuturing na isa sa mga pinakamahabang naitalang epikong- bayan sa Pilipinas. Ito ay isa sa pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Kanlurang Bisaya. Ito’y nagsasaad ng kaunlaran at kultura ng Panay noong unang panahon. Ito raw ay inaawit nang may tatlong linggo, isa o dalawang oras gabi- gabi. Labingwalong kuwento ang napapaloob sa epikong ito at bawat kuwento ay sumasaklaw sa tatlong henerasyon. Mula sa https://www.tagaloglang.com/hinilawod/
  • 11. - 7 - Ngayong may ideya ka na sa epikong susuriin, simulant mo nang basahin ito. Bigyang pansin ang katangian ng tauhan at mahahalagang pangyayari mula rito H I N I L A W O D (Epiko ng mga Bisaya) Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng mga diyos at diyosa, na ang magandang diwatang si Alunsina ay ikasal pagsapit niya sa edad ng pagdadalaga. Maraming makikisig na diyos sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang naghangad sa kaniyang kamay subalit silang lahat ay nabigo dahil si Alunsina ay umibig at nagpakasal sa isang mortal na si Datu Paubari, ang pinuno ng Halawod. Dahil dito, nagalit ang mga manliligaw ni Alunsina at nagkaisa silang gantihan ang bagong kasal. Binalak nilang sirain ang Halawod sa pamamagitan ng isang malaking baha. Mabuti na lamang at nalaman ni Suklang Malayon, kapatid ni Alunsina ang maitim na balak ng mga nabigong manliligaw kaya’t ang magkabiyak ay nakatakas patungo sa isang mataas na lugar. Nakaligtas sila sa baha. Bumalik lang sila nang napawi na ang baha. Tahimik silang nanirahan sa bukana ng Ilog Halawod. Pagkalipas ng ilang buwan ay nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol na lalaki si Alunsina. Labis-labis ang kaligayahan ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang mumunting biyaya. Pinangalanan nilang Labaw Donggon, Humadapnon, at Dumalapdap ang tatlong sanggol. Ipinatawag nila agad si Bungot-Banwa, ang iginagalang na pari ng kanilang lahi upang isagawa ang rituwal na magdudulot ng mabuting kalusugan sa tatlo. Nagsunog si Bungot- Banwa ng talbos ng halamang alanghiran na sinamahan niya ng kamangyan at saka inialay sa isang altar. Pagkatapos ay binuksan niya ang bintana at sa pagpasok ng malamig na hangin mula sa hilaga, ang tatlong sanggol ay biglang naging malalakas at makikisig na binata. Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng interes sa magagandang babae. Nang marinig niyang may isang magandang babaeng nagngangalang Angoy Ginbitinan mula sa bayan ng Handug ay nagpaalam agad siya sa ina upang hanapin ang dalaga. Pagkalipas ng ilang araw na paglalakbay sa mga kapatagan, kabundukan, at mga lambak ay narating din niya ang Handug. Kinausap niya ang ama ng dalaga upang hingin ang kamay ng anak. Sinabi ng ama na papayag lamang siyang makasal ang anak na si Angoy Ginbitinan kay Labaw Donggon kung mapapatay niya ang halimaw na si Manalintad. Agad pinuntahan ni Labaw Donggon ang halimaw at nakipaglaban siya rito. Napatay niya ang halimaw at ibinigay ang pinutol na buntot nito sa ama ni Angoy Ginbitinan bilang patunay ng kanyang tagumpay. Ikinatuwa ito ng ama kaya’t pumayag siyang ipakasal ang anak kay Labaw Donggon. Pagkatapos ng kasal ay naglakbay ang dalawa pagbalik sa tahanan nina Labaw Donggon.
  • 12. - 8 - Sa kanilang paglalakbay ay may nasalubong silang mga binata na nag- uusap-usap tungkol sa isang napakagandang dalagang nagngangalang Abyang Durunuun na nakatira sa Tarambang Burok. Narinig niya mula sa usapan ng mga binata na sila’y papunta sa tirahan ng dalaga upang manligaw sa kanya. Naging interesado sa narinig si Labaw Donggon kaya naman pagkalipas lang ng ilang linggong pagsasama ay inihabilin niya ang bagong asawa sa inang si Alunsina at siya’y naglakbay patungo sa Tarambang Burok upang suyuin si Abyang Durunuun. Nagtagumpay si Labaw Donggon na mapaibig ang napakagandang si Abyang Durunuun. Subalit hindi pa roon nagtapos ang kanyang paghahanap ng mapapangasawa sapagkat pagkalipas ng ilang panahon nabalitaan na naman niyang may isa pang napakagandang babae, si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan, ang diyos ng kadiliman. Nais din niyang mapangasawa ito. Sinabi ni Donggon ang kanyang balak sa dalawang asawa. Ayaw man nila, wala naman silang nagawa. Sumakay si Labaw Donggon sa isang inagta o itim na bangka at naglayag sa malalawak na karagatan patungong Gadlum. Naglakbay rin siya sa malalayong kaulapan at sa mga batuhan hanggang sa marating niya ang Tulogmatian, ang tahanan ni Buyong Saragnayan. Agad siyang hinarap ni Saragnayan at tinanong kung ano ang kanyang kailangan. Sinabi niyang gusto niyang mapangasawa si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Pinagtawanan ng diyos ng kadiliman si Labaw Donggon at sinabing imposible ang hinahangad nito dahil asawa na niya ang diwata. Subalit hindi basta sumuko si Labaw Donggon. Hinamon niya sa isang labanan si Saragnayan at sila’y naglaban sa loob ng maraming taon. Inilubog ni Labaw Donggon ang ulo ni Saragnayan sa tubig sa loob ng pitong taon subalit hindi niya pa rin napatay ang diyos ng kadiliman. Binayo niya nang binayo subalit hindi rin niya ito nagapi. Sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting ni Saragnayan ay natalo niya ang noo’y nanghihina at pagod na pagod nang si Labaw Donggon. Ibinilanggo niya si Labaw Donggon sa isang kulungan sa ilalim ng kanyang tahanan. Samantala, kapwa nanganak ang dalawang asawa ni Labaw Donggon. Parehong lalaki ang naging anak nila. Ang anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag niyang Asu Mangga samantalang ang anak ni Abyang Durunuun ay pinangalanang Abyang Baranugon. Nakapagsalita at nakatindig agad ang mga bata. Kapuwa nila hinanap ang kanilang ama. Sa kanilang paghahanap ay nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng tubig si Baranugon at lulan naman ng bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang kapuwa nila hinahanap ang ama. Naglakbay sila patungong Tulogmatian kung saan nila nalaman ang ginawa ni Saragnayan sa kanilang ama. Sinabihan nila itong pakawalan ang kanilang ama. Pinagtawanan lamang ni Saragnayan ang sinabi ng mga anak ni Labaw Donggon kaya’t hinamon siya ng mga ito sa isang labanan. Buong tapang na nakipaglaban ang
  • 13. - 9 - Suriin Gawin 3: Paglinang sa Talasalitaan A. Hanapin at bilugan sa loob ng kahon ng palaisipan na nasa susunod na pahina ang kasingkahulugan ng mga salitang nasalungguhitan sa mga pangungusap. Isulat ang nahanap na salita sa patlang na nakalaan sa bawat bilang. _________________1. Humingi ng payo ang mag-asawa sa mga nakatatanda. _________________2. Nagpunta sa kabilang bayan ang binata upang ligawan ang magandang dalaga. _________________3. Naglayag ang binata sa malawak na karagatan patungo sa kinaroroonan ng dalaga. _________________4. Ibinilanggo ang binata sa ilalim ng tahanan ng higante. _________________5. Ibinuhos niya ang kaniyang lakas ngunit hindi niya ito nagapi. magkapatid kay Saragnayan. Ngunit napakahusay ni Saragnayan kaya’t hindi nila ito matalo-talo. Bumalik si Baranugon sa kanilang lolang si Abyang Alunsina upang sumangguni. Dito niya nalamang ang kapangyarihan pala ni Saragnayan ay nakatago sa isang baboy-ramo. Mapapatay lamang daw si Saragnayan kapag napatay ang baboy-ramong pinagtaguan ng kanyang hininga. Sa tulong ng taglay nilang anting-anting ay natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo. Sa pagkamatay ng baboy-ramo ay nanghina si Saragnayan kaya’t madali na siyang napatay ng palaso ni Baranugon. Gayunman ay hindi rin nila nakita ang ama sa bilangguan nito. Maging ang mga tiyo nilang sina Humadapnon at Dumalapdap ay tumulong na rin sa paghahanap kay Labaw Donggon. Pagkalipas ng mahabang panahon ng paghahanap, natagpuan din nila ang ama sa loob ng isang lambat na nasa may pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan. Subalit wala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Labaw Donggon. Nawala ito dahil sa matagal na pagkakakulong nang dahil sa labis na paghahangad sa magagandang babae, kahit na siya ay may asawa na. Naibalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Donggon subalit hindi pa rin nawala ang pagnanais nitong makahanap pang muli ng magandang mapapangasawa. Ikinagalit ito ng kanyang dalawang asawa subalit ipinaliwanag niyang pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal sa kanyang mga asawa. Ipinagdasal ng dalawang babaeng nagmamahal sa kanya na muling lumakas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay muling nagbalik ang kakisigan at lakas ni Labaw Donggon
  • 14. - 10 - Gawain 4: Pag- unawa sa Binasa Sagutin ang sumusunod na katanungan kaugnay ng binasang bahagi ng epiko. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Ilarawan ang kanilang panganay na anak na si Labaw Donggon gamit ang grapikong representasyon. Labaw Donggon
  • 15. - 11 - 2. Kumpletuhin ang tsart sa ibaba. Itala ang mga pangyayari na nagpapakita kung paano napaibig ni Labaw Donggon ang mga dalaga. Pangyayari Angoy Ginbitinan Abyang Durunuun Nagmalitong Yawa 3. Kung ikaw ay isa sa mga anak ni Labaw Donggon, gagawin mo rin ba ang ginawa ni na Asu Mangga at Abyang Baranugon? Bakit? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 4. Paano naipakita nina Alunsina at Datu Paubari ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga anak? Anong kultura ng Kabisayaan ang makikita mula rito? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 5. Sa pagwawakas ng bahagi ng epikong binasa, mayroon bang pagbabago sa katangian ni Labaw Donggon? Ipaliwanag. ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 6. Ano- anong kaugalian ng mga sinaunang mamamayan ng Sulod ang makikita sa epiko? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ 7. Magtala ng dalawang aral na iyong napulot mula sa epiko. Bigyang pansin ang kaugnayan nito sa pamilya at sa sarili. ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________
  • 16. - 12 - Gawain 5: Ilarawan mo Punan ng wastong impormasyon ang grapikong representasyon. Matapos nito ay ilarawan ang panitikang Kabisayaan batay sa mga impormasyong iyong inilagay sa grapikong representasyon. Ang epikong binasa ang magiging batayan mo sa pagsagot sa gawaing ito. Pamprosesong tanong: 1. Batay sa iyong pagsagot sa gawain, paano mo mailalarawan ang panitikan ng Kabisayaan? ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ EPIKO Hinilawod Uri ng Pamumuhay (Ilarawan ang pamumuhay ng tauhan) Heograpiya (Ilarawan ang tagpuan) Paniniwala (Magbigay ng tiyak na pangyayari na sumasalamin sa kanilang paniniwala)
  • 17. - 13 - Pagyamanin Pagsanib ng Gramatika at Retorika Pagsasanay 1: Bumuo ng makabuluhang pangungusap base sa mga paksa sa bawat bilang. Gamitin ang sumusunod na pang- ugnay o panandang pandiskurso. A. Pakikipagsapalaran ni Labaw Donggon 1. isa pa: __________________________________________________________ 2. dahil sa: ________________________________________________________ 3. sapagkat: _______________________________________________________ B. Sariling karanasan sa panahon ng COVID 19 4. kaya naman: ____________________________________________________ 5. pagkatapos: _____________________________________________________ 6. kung kaya: ______________________________________________________ Pagsasanay 2 Bilang mag- aaral sa ikapitong baitang, paano mo kinaharap ang ating sitwasyon ngayong panahon ng pandemya? Ilahad ito sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay na binubuo ng tatlong talata na may apat hanggang limang pangungusap. Salungguhitan ang mga pang-ugnay o panandang pandiskursong nagamit. Gamiting gabay sa pagsulat ang Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay sa susunod na pahina. Pang- ugnay o Panandang Pandiskurso 1. pagdaragdag at pag-iisa- isa ng mga impormasyon Ginagamit ang pang- ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari o pag- iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito ang mga salitang pagkatapos, pati, isa pa, saka, unang, ganyan din at sa dakong huli. 2. pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal Ang pang- ugnay sa bahaging ito’y ginagamit sa paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan. Kabilang na pang- ugnay sa bahaging ito ang sapagkat, dahil sa at kasi. Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta, ginagamit ang pang- ugnay na bunga, kung kaya, kaya, kaya naman, at tuloy -mula sa Panitik: Filipino sa Panahon ng Pagbabago(Habijan, E. et al., 2016)
  • 18. - 14 - Rubriks sa Pagsulat ng Sanaysay Kaugnayan sa paksa 10 Kalinawan ng mga ideya/ kaisipan 10 Pagsunod sa panuto (3 talata, 4-5 na pangungusap) 5 Wastong baybay ng mga salita at wastong gamit ng mga bantas 5 Paggamit ng wastong pang-ugnay/ panandang pandiskurso 10 Kabuuan : 40 Isaisip Gawain 5: Kumpletuhin ang pahayag sa loob ng speech balloon. Ilahad dito ang iyong natutuhan sa epikong binasa at sa mga uri ng pang- uring pahambing. Isagawa Gawain 6: Ibahagi mo! Ipagpalagay nating ang klase ay bubuo ng travel blog, ito ay naglalayong makahikayat ng iba pang tao na maglakbay at mahalin ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Bilang pakikiisa, ikaw ay naatasang magsulat ng maikling teksto tungkol sa kultura ng Kabisayaan. Ang tekstong ito ay naglalahad ng yamang taglay, pamumuhay at kaugalian ng Kabisayaan. Lubos na makatutulong ang mga aral na iyong napulot mula sa epiko sa pagbuo mo ng teksto, gayundin ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso na natalakay sa araling ito. Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos Nilalaman 20 Wastong gamit ng mga pang-ugnay 10 Kalinawan 10 Kabuuan 40 Ang aral na tumatak sa aking puso’t isip mula sa epiko ay __________________________________. Ito ay makatutulong sa aking ___________________________________________________________. Ang wastong pahayag sa paghahambing ay napakalahalaga sa aking pang- araw-araw na pakikipagtalastasan dahil ___________________________________. Ito ay aking gagamitin nang wasto upang _________________________________.
  • 19. - 15 - Tayahin Sukatin natin ang iyong kaalaman tungkol sa araling natalakay. Basahin at unawain ang katanungan at sagutin nang buong katapatan ang pagtatayang ito. Pangwakas na Pagtataya: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan at pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang wastong sagot. 1. Ito ang anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na punong-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. A. alamat B. epiko C. maikling kuwento D. nobela 2. Ang epikong bayan na ito ng mga Sulod sa pulo ng Panay ay itinuturing na isa sa mga pinakamahabang naitalang epikong- bayan sa Pilipinas. A. Darangen B. Diawaot C. Hinilawod D. Owaging 3. Ito ang katawagan sa halamang sinunog ni Bungot- Banwa na upang makumpleto ang kaniyang ritwal para sa mga sanggol. A. alanghiran B. alingharin C. alinghiran D. alanghari 4. Nang umibig at nagpakasal si Alunsina sa isang mortal na si Datu Paubari, nagalit ang kaniyang mga manliligaw at binalak na sirain ang Halawod sa pamamagitan ng _______. A. bagyo B. lindol C. malaking baha D. sunog 5. Alin sa sumusunod ang kapansing- pansing katangian ni Labaw Donggon? A. mapagmahal sa kaniyang mga magulang B. maalaga sa kaniyang pamilya C. mahilig sa magagandang babae D. sakim sa kayamanan 6. Alin sa sumusunod ang kultura ng mga sinaunang mamamayan ng Sulod ang makikita mula sa epiko? A. pag- aalay ng mga hayop B. paniniwala sa mga diwata o iba pang kababalaghan C. pakikidigma para sa minamahal D. pag- aalaga sa mga asawa at anak 7. Ito ang naging kondisyon ng ama ni Angoy Ginbitinan kay Labaw Donggon upang mapakasalan ang dalaga. A. kung mapapatay niya ang halimaw na si Manalintad B. kung mabibigyan niya ng kayamanan ang pamilya C. kung matatalo niya si Buyong Saragnayan D. kung papayag siyang manirahan sa kanilang bayan 8. Paano natalo ni Buyong Saragnayan si Labaw Donggon? A. nilubog niya ang ulo nito sa tubig sa loob ng pitong taon B. sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting C. ikinulong niya ito sa ilalim ng kanilang tahanan
  • 20. - 16 - D. hindi niya binigyan ng pagkain sa mahabang panahon 9. Ayon kay Alunsina, matatalo lamang daw si Saragnayan kapag napatay ang ___________ na pinagtaguan ng kanyang hininga. A. baboy-ramo C. anting- anting B. isda D. ginto 10. Nagsikap ang mga anak ni Labaw Donggon na siya’y masagip at matapos ang kanilang pakikipagdigma kay Saragnayan ay natagpuan na nila ang kanilang ama. Saan nila natagpuan ang kanilang ama? A. loob ng isang lambat na nasa may pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan B. napakalalim na balon malapit sa tahanan ni Saragnayan C. kulungan sa ilalim ng tahanan ng ni Saragnayan D. malalim na bahagi ng karagatang nakapalibot sa tahanan nina Saragnayan at ng kaniyang asawa 11-15. Tukuyin kung alin sa mga nasalungguhitan ang pang-ugnay o panandang pandiskurso. 11. Ibig kong matulungan ang aking kababayan kung mabibigyan A B C lamang ako ng sapat na pagkakataon. D 12. Balang- araw ay mabibigyan ko rin ng magandang buhay ang aking A B magulang pati na rin ang aking mga kapatid. C D 13. Una, kinakailangang maaprubahan ng pangkat ang iyong A B C panukala. D 14. Puspusan ang kaniyang paghahanda sa pagsusulit kaya naman A B C D nagawa niyang makapasa. 15. Nagtagal ng dalawang oras ang pagpupulong dahil sa A B C katanungan ng mga dumalo. D
  • 21. - 17 - Susi sa Pagwawasto Panimulang Pagtataya 1. B 6. B 11. C 2. C 7. A 12.C 3. A 8. B 13.A 4. C 9. A 14. D 5. C 10. A 15. C Gawain 1 *malayang makapagbibigay ng mga salitang may kaugnayan sa epiko ang mga mag- aaral Gawain 2 Pahalang: 2. Iloilo 3. Panay 5. Cebu 7. Aklan Pababa: 1. Guimaras 4. Leyte 6. Jalaur Gawain 3 A. 1. sumangguni 2. suyuin 3. naglakbay 4. ikinulong 5. nahuli B. 1-5: guro ang magwawasto Gawain 4 *ang guro ang magbibigay ng hatol sa kaangkupan at kawastuhan ng sagot ng mga mag- aaral Pagsasanay 1 *guro ang magwawasto Pangwakas na Pagtataya 1. B 6. B 11. C 2. C 7. A 12.C 3. A 8. B 13.A 4. C 9. A 14. D 5. C 10. A 15. C
  • 22. - 18 - TALASANGGUNIAN Julian, A. et al., Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc. Quezon City. 2015 Habijan, E. et al., Panitik: Filipino sa panahon ng pagbabago 7 binagong edisyon: K to 12. Adriana Publishing Co., INC. Quezon City. 2016 Accessed from https://www.tagaloglang.com/hinilawod/ on June 28, 2019 Accessed from https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of- epics-mga-epiko-labaw-donggon-epikong-bisaya_936.html on June 28, 2019 Accessed from https://www.scribd.com/presentation/369352713/Kulturang-Kinagisnan- Ng-Visayas on July 3, 2019 Accessed from https://www.tagaloglang.com/annual-festivals-in-the- philippines/ on August 20, 2020
  • 23. For inquiries or feedback, please write of call: Department of Education – Schools Division of Baguio City No. 82 Military Cut-off Road, Baguio City Telefax: 442-4326 / 442-7819 Email Address: depedbaguiocity@gmail.com Social Media: facebook.com/DepEdTayoBaguioCity