2. Simula- simula ng akda na
pumupukaw sa interes ng mga
mambabasa kung kaya’t
epektibo ito. Maaaring simulan ito sa
noon, una, sa simula pa lamang, at iba
pa.
3. Gitna- dito kinakailangang
mapanatili ang interes ng
mambabasa sa kawing-kawing na
mga ideya. Maaaring gamiting ang
samantala, saka, mayamaya,
hanggang, kasunod, walang ano-
ano, at iba pa.
4. Wakas- napakahalaga ng huling bahagi ng
akda dahil dito naiiwan sa mambabasa ang
mahahalagang kaisipan. Dito nakapaloob ang
isahan at panlahat na mensahe. Maaaring
gumamit ng: pagkatapos, sa huli, sa wakas, o
pang panandang maghuhudyat ng
makahulugang pagtatapos.
5. Halimbawa:
Sa simula pa lamang, maraming akdang
pampanitikan na namayani noong panahon
ng mga katutubo.
Kasunod ng paglabas ng mga akdang
pampanitikan ay ang pagpapahalaga sa
kultura ng lahi.
Sa huli, hindi maaaring paghiwalayin ang
panitikan at kultura.
7. Panuto: Gamit ang mga salitang hudyat ng simula, gitna at
wakas. Gamitin sa pangungusap ang mga ito. 3 puntos sa
bawat pangungusap.
1.noon
2.una
3.sa simula pa lamang
4.Samantala
5.Saka
6.Mayamaya
7.Hanggang
8.kasunod
9.sa huli
10. sa wakas