3. AMA NAMIN
Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para
nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga
sala,
Para nang pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa
tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.
10. Kapag nagsusulat ng sanaysay, lagi itong nag-
uumpisa sa pagbanggit ng pangunahing
kaisipan. Ito ang paksang pag-uusapan.
Upang mas maintindihan ng mambabasa ang
pangunahing kaisipan at upang mas
mapalawak ito, mahalaga ang paggamit ng
mga suportang kaisipan.
11. Ang mga suportang kaisipan ay
nagbibigay ng karagdagang
impormasyon tungkol sa pangunahing
kaisipan. Madalas ay tatlong suportang
kaisipan lamang ang ginagamit upang
magpaliwanag.
12. Halimbawa:
Pangunahing Kaisipan – Ang pambansang
bayani, si Dr. Jose Rizal.
Mga Suportang Kaisipan
– Edukasyon at impluwensya ni Dr. Rizal
– Mga naisulat at nagawa para sa bayan
– Paano inaalala si Rizal sa ngayon
13. Narito ang isa pang halimbawa:
Si Leo ay palaging maagang dumarating sa
paaralan. Gusto niya kasing makapagbasa pa ng
kaniyang mga aralin bago dumating ang guro. Palagi
siyang sumasagot kapag may tanong ang kanyang
mga guro. Pagdating ng bahay, ginagawa niya muna
ang kanyang mga takdang-aralin bago maglaro o
manood ng telebisyon. Ito ang dahilan kung bakit
matataas ang kanyang nakukuhang marka.
14. Pangunahing Kaisapan – Mabuting mag-aaral
si Leo
Suportang Kaisipan
– Maagang dumarating sa paaralan.
- Palagi siyang sumasagot kapag may tanong
- Ginagawa niya muna ang kanyang takdang-
aralin bago maglaro
- Matataas ang kanyang nakukuhang marka.
16. Isang mabait na bata si Carol. Magalang siyang makipag-
usap sa mga tao. Sinusunod niya ang mga payo ng kanyang
mga magulang at guro. Siya ay tumutulong sa mga gawaing-
bahay at mga gawain sa paaralan.
Pangunahing Kaisipan:
Mabait na bata si Carol
Suportang Kaisipan:
- Magalang siyang makipag-usap
- Sumusunod siya sa payo ng magulang at guro.
- Tumutulong sa gawaing bahay at paaralan.
17. Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakakuha ng iba’t ibang
kaalaman. Maaari nilang gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang
mga buhay. Ang pagbabasa araw araw ay nakatutulong din sa
pagpapahaba ng atensiyon ng isang tao. Nalilinang din nito ang
bokabolaryo ng mambabasa. Mas maraming salita kang
matututunan kung ikaw ay magbabasa. Napakarami talagang
benepisyong makukuha ang isang tao kung siya ay palaging
magbabasa.
Pangunahing Kaisipan:
Kahalagahan ng Pagbabasa
Suportang Kaisipan:
- Nakakakuha ng iba’t ibang kaalaman
- Nakatutulong din sa pagpapahaba ng atensiyon ng isang tao