SlideShare a Scribd company logo
1 of 9
Download to read offline
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph
Pangalan: _____________________________________ Baitang/Pangkat:__________
Paaralan: _____________________________________ Petsa: _____________________
GAWAING PAGKATUTO
FILIPINO 9
Unang Markahan-Ikaapat na Linggo
I. Panimula
Kamusta ka habang ipinagpapatuloy mo ang iyong pag-aaral sa bahay?
Naiinip ka na rin ba tulad ng iyong mga kaklase? Marami ka na bang
nabasang akda, kuwento at mga karanasang tumatalakay sa kasalukuyang
nararanasang pandemya?
Naranasan mo na bang sumulat ng isang akda na ibinabahagi mo rin
ang iyong sariling karanasan sa panahon ng pamdemya? Naging madali ba ang
pagsulat mo? Alam mo ba na mas magiging mahusay ka pang sumulat kung
kilala mo ang iba’t ibang pang-ugnay, na makatutulong sa iyo upang maging
maaayos at magkakaugnay ang iyong pagsulat?
Sa araling ito iyong malalaman at matututuhang alamin ang iba’t ibang
pang-ugnay na makatutulong sa pagbuo ng sulatin, pangungusap at sariling
akda.
Nawa ang aralin na ito ang magbibigay ng gabay sa iyo upang mas higit
pang maging mahusay ka sa pagbuo ng likhang komposisyon, maging akda man
ito, pangungusap at sulatin.
II.Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw.
(F9WG-If-44)
III.Mga Layunin
Sa pagtatapos ng gawaing pagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang mga pang-ugnay na ginamit sa pangungusap;
2. nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay sa pagbuo ng
pangungusap at pagsulat ng akda; at
3. nakasusulat ng isang sanaysay na nilalakipan ng angkop na pang-
ugnay.
IV. Pagtalakay
Sa araling ito, alamin mo ang mga pang-ugnay na pangkayarian: ang
pangatnig,pang-angkop at pang-ukol.
Basahin at unawain ang teksto upang mas makilala mo ang mga pang-
ugnay na pangatnig, pang-angkop at pang-ukol. Bigyan ng pansin ang mga
salitang may salungguhit.
Tungkulin mo, Gampanan mo
ni Lea L. Domincil, Zambales NHS
Bawat tao ay may karapatang tinatamasa sa mundo. Subalit huwag
mong kalimutan na ang bawat karapatan ay may nakaatang na tungkulin o
responsibilidad. Responsibilidad na dapat gampanan ng bawat isang
mamamayan. Habang tinatamasa mo ang iyong mga karapatan, laging itanim
sa isipan ang tungkuling kaakibat nito.
Ang pagsunod sa batas ay isang tungkuling dapat sundin ng bawat
mamamayan na tulad mo upang maging maayos at tahimik ang iyong
pamumuhay. Higit sa lahat upang maproteksyonan ang buhay at ari-ariang
ipinundar mo. Kung ikaw ay lalabag sa batas na ipinatutupad ng pamahalaan,
maaaring malagay sa kapahamakan ang bawat buhay ng tao. Samakatuwid tao
ang gagawa ng mga kaguluhan at di pagkakaunawaan ng bawat isa.
Ang pagbabayad ng buwis ay isang tungkuling hindi dapat kalimutan. Ito
ay napakahalaga sa pag-unlad, serbisyong pangmamamayan, pagpapanatili ng
kapayapaan, edukasyon para sa mahihirap, kalusugan ng mamamayan at iba
pang gawaing pampamahalaan. Isang halimbawa na lang ay ang kinahaharap
na pandemya ng ating bansa ngayon. Dahil sa mga buwis na ibinabayad ng
bawat isang mamamayan, malaking tulong ang dulot nito sa ating pamahalaan.
Ang pinakamahalagang tungkulin mo bilang isang mamamayan ay gawin
ang iyong makakaya anoman ang nakatalaga sa iyo. Gawin ang responsibilidad
mo upang makatulong sa mga nangangailangan at para sa sa ikagiginhawa ng
bawat isa sapagkat sa bandang huli, ikaw magiging susi na matamo ang
kapayapaaan, kaayusan at kaunlaran ng ating bayan.
Kaya, tungkulin mo, gampanan mo!
Naunawaan mo ba ang teksto na iyong binasa? Subukang sagutin ang mga
sumusunod na tanong batay sa akdang iyong binasa.
1. Ano ang pangunahing layuning nais iparating ng may-akda?
2. Sino ang kinakausap ng may-akda.
3. Paano mo maisasakatuparan ang iyong mga tungkulin?
4. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang ating mga tungkulin?
5. Isa-isahin ang mga pang-ugnay na ginamit sa akda.
Mula sa mga ibinigay mong mga pang-ugnay na hango sa teksto, iyong
alamin ang mga uri nito.
Ang pang-ugnay ay mga salitang ginagamit upang mag-ugnay sa
dalawang salita,parirala at pangungusap.Ito ay nakakatulong upang maging
organisado ang ating mga sinusulat.
Narito ang iba’t ibang pang-ugnay:
1.Pangatnig-mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita,parirala,o
sugnay.
Halimbawa: at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit, kung, nang, bago, kung
gayon, sana at iba pa
* Higit sa lahat upang maproteksyonan ang buhay at ari-ariang ipinundar
mo.
* Kaya, tungkulin mo, gampanan mo .
2.Pang-angkop-mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan.
Halimbawa: na, ng, g
* May nakaatang na tungkulin.
* Maaaring malagay sa kapahamakan ang bawat buhay ng tao.
3. Pang-ukol - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.
Halimbawa: ang/si, ng/ni/kay, ayon sa/ayon kay, para sa/para kay, hinggil
sa/hinggil kay, tunkol sa/tungkol kay, na may, alinsunod sa/kay, laban sa/kay
* Ang pagsunod sa batas ay isang tungkuling dapat sundin ng bawat.
mamamayan
* Ang gamot na dala ng nars ay para sa kaniyang ama.
V. Mga Gawain
A. HANAPIN AT GUHITAN MO
Panuto: Guhitan ang mga ginamit na pang-ugnay sa bawat pangungusap.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Umalis siya na may dalang bag.
2. Ako man ay natakot sa pandemya.
3. Nagkasakit na sana ako kung di siya dumating at tinulungan ako.
4. Likas na masipag magtrabaho ang mga Filipino.
5. Totoong mahina ang resistensiya niya.
6. Mahirap maglakbay sa ngayon dahil sa Corona Virus.
7. Maraming mabubuting tao sa panahon ngayon.
8. Ayon sa mga Kagawaran ng Kalusugan, malaking tulong ang pananatili
sa ating mga tahanan.
9. Ang gamot na ito ay para sa aking ama.
10. Tumutulong siya sa kampanya laban sa Covid19.
B. PANG-UGNAY, PANGKATIN MO
Panuto: Pangkatin ang mga pang-ugnay na may salungguhit sa bawat
pangungusap. Sundan ang kahon sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Panagtnig Pang-angkop Pang-ukol
1. Ang pagtanggap at pag-unawa sa mga taong nagkasakit ay tanda ng
pagiging isang mabuting tao.
2. Ang pagbibigay ng tulong pati ang pagtuturo ng kaalaman ay isang
mabuting gawain.
3. Kaya nilang paramihin ang mabubuting tao sa panahon ngayon.
4. Ang sambayanan ay hindi magugutom kung may sapat na imbak ng
pagkain ang pamahalaan.
5. Ayon sa panawagan, ang pagtulong sa mga kapatid nating nabiktima ng
Covid19 ay tunay na kailangan.
6. Ang proyektong Pangkabuhayan na ito ay para sa mga nawalan ng
hanapbuhay.
7. Ang pag-uusapan sa miting ay tungkol sa makabagong pamamaraan sa
pagpuksa sa Corona Virus.
8. Mahusay ang programang inilunsad ng Pamayanan.
9. Hindi sila lalaban kung ibinigay ang kanilang kahilingan.
10.Sagana ang kanilang pamumuhay sapagkat masipag ang kanilang
magulang.
C. MALI KO, ITAMA MO
Panuto: Iwasto ang pangatnig na may salungguhit sa bawat bilang. Piliin ang
tamang pang-ugnay sa kahon sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa sagutang
papel.
ngunit dahil at
o ng kung
para nang na
1. Maginhawang maglakbay sa ngayon para sa tag-araw.
2. May bagong alkalde na hinirang ang Pangulo.
3. Dapat ng magtanim pa ng halamang namumulaklak.
4. Malapit at matapos ang pandemyang ating kinakaharap.
5. Umiiyak ang Inay kaya nahawaan ng sakit ang Itay.
6. Alin sa dalawa ang gusto mo para sa iyong nalalapit na kaarawan,bike at
cellphone?
7. Dahil ako’y nagkasakit,ikaw ang hahalili sa akin.
8. Kaya ikaw ay lumusog,kumain ka ng masustansyang pagkain.
9. Gustung-gusto mo nang mamasyal dahil laganap pa ang Corona Virus sa
kapaligiran.
10. Magsikap o maghanapbuhay upang di umasa sa iba.
D. KULANG KO, PUNUAN MO
Panuto: Punan ng tamang pang-ugnay ang bawat patlang at uriin ito kung
pangatnig, pang-angkop at pang-ukol. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Hating Gabi
ni Jhoana D. Esposo, Zambales NHS
Malalim na ang gabi, tahimik ang paligid ________ ang buwan ay tila
malungkot na kasingpanlaw ng nangungulila sa paglingap ng mapag-arugang
mga bisig. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, halos di lumapat ang aking
mga talampakan sa sahig________ kabahayan, upang hindi makalikha ng
anomang ingay. Tinungo ko ang pinto at pinihit ito, lumabas ako na dinarasal
na __________ ay walang makaramdam ng aking pag-alis ng bahay.
Sinalubong ako ng mahalumigmig na hangin, parang may sariling isip ang
kamay ko na yakapin ang sarili ko _________ kahit papaano ay maibsan ang
nanunuot __________ lamig sa aking balat. Tinalunton ko ang daan sa isang
pamilyar na lugar, sa may luma at halos magigiba nang kubo. Mula sa sinag ng
buwan na tila nakikisilip sa aking kilos, naaninag ko ang isang anino na kilalang
kilala ko. Agad siyang lumingon sa akin at sinalubong ako _________ mahigpit
na yakap at ganoon rin naman ako sa kaniya. “Kamusta?”, ang matamlay kong
tanong. “Mabuti naman,__________ mahirap”, sagot niya. “Masaya ka ba doon?”,
tanong ko ulit. “Oo, ___________ mas masaya sana kung kasama ko kayo”, sambit
niya kasabay ng mabibigat na luha mula sa kaniyang mga mata. Parang kinurot
ang puso ko, gusto kong sabihin sa kaniya at isumbat na “bakit iyon ang pinili
mo?” ngunit mas pinili ko ang hindi isatinig ito baka higit pa siyang masaktan.
“Alagaan mong mabuti si tatay mo ha, ang mga kapatid mo. Ikaw ang panganay
__________ ikaw na ang bahala sa kanila habang wala ako”, saad niya. “Opo,
inay”, sagot ko. “Kailangan eh, alam ko ang nasa isip mo, kung dito lang tayo
aasa sa bukid walang mangyayari.” Gusto ko rin kayong mabigyan ng
magandang kinabukasan, tandaan ninyo na ginagawa ko ito para sa ating
pamilya”, masikip sa dibdib niya ang binitiwang mga salita, mga salita ng
pamamaalam.
Bukas Flight na niya patungo sa ibang bansa, mag-aalaga ng hindi niya
sariling mga anak para magtrabaho _________ amin, sa kinabukasan ng aming
pamilya.
E. BIGAY KO, GAMITIN MO
Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang sumusunod na mga
pang-ugnay. Mula sa mga pangungusap na iyong nabuo, gawin itong isang
komposisyon na may paksa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. dahil 6. para kay/sa
2. at 7. ng
3. sapagkat 8. kung
4. kaya 9. o
5. na 10. ayon sa/kay
Magaling! Natapos mo na ang mga gawaing inilaan para sa iyo. Batid ko na
malinaw na sa iyo ang mga mga pang-ugnay, kung gayon, maghanda ng isang
buong papel para sa iyong pagsusulit.
V. Pagsusulit
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay tungkol sa sariling karanasan sa COVID-19,
ang pandemyang nagpabago sa buhay ng bawat Pilipino. Gumamit ng mga pang-
ugnay at guhitan ang mga ito.
Gamitin ang sumusunod na mga gabay sa pagsulat:
1. Batay sa sariling karanasan habang nasa panahon ng Pandemya
2. Makatotohanan ang paglalahad ng mga impormasyon
3. Gumamit ng tamang bantas sa pagsulat
4. Angkop at magkakaugnay ang kaisipan
5. Gumamit ng tamang pang-ugnay sa pagbuo ng akda
Rubriks sa Paggawa ng sanaysay
RUBRIKS
PAMANTAYAN 5 3 1
Nilalaman Nakapagbigay ng
mga tamang
impormasyon para
sa paksa
May mga
impormasyon na
hindi tama para
sa paksa
Hindi angkop ang
mga
impormasyon
para sa paksa
Organisasyon ng
mga
Impormasyon
Lohikal ang
pagkakaayos ng
mga impormasyon
May ilang
impormasyon na
hindi nakaayos
Wala sa ayos ang
mga
impormasyon
Pagbabaybay at
Pagbabantas
Angkop ang
pagkakagamit ng
mga bantas
May ilang bantas
ang hindi angkop
ang
pagkakagamit
Hindi angkop
ang mga bantas
na ginamit
Paggamit ng mga
pang-ugnay
Angkop ang
pagkakagamit ng
mga pang-ugnay
May ilang pang-
ugnay ang hindi
angkop ang
pagkakagamit
Hindi angkop ang
pagkakagamit ng
pang-ugnay
VI. Pangwakas
Panuto: Pagbubuod sa natapos na aralin sa pamamagitan ng
estratehiyang “ANA”.
Ang dati kong alam _____________________________________________________
Napag-alaman ko _______________________________________________________
Ang nais kong mabatid __________________________________________________
VII. Mga Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG
codes/Suggested LR. 2020. E-book. Pasig City: Department of Education
Curriculum and Standard
Peralta,Romulo N. et.al, Unang Edisyon 2014 Panitikang Asyano Modyul ng
mag-aaral sa Filipino 9 Sunshine Interlinks Publishing House,Inc.

More Related Content

What's hot

Filipino 9 paggamit ng mga pang ugnay at transitional devices
Filipino 9 paggamit ng mga pang ugnay at transitional devicesFilipino 9 paggamit ng mga pang ugnay at transitional devices
Filipino 9 paggamit ng mga pang ugnay at transitional devicesMarizLizetteAdolfo1
 
Pamantayan sa Pagbigkas ng Tula
Pamantayan sa Pagbigkas ng TulaPamantayan sa Pagbigkas ng Tula
Pamantayan sa Pagbigkas ng TulaJeremiah Castro
 
pagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdaminpagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdaminDaneela Rose Andoy
 
Ang alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahAng alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahRose Espino
 
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptxIBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptxchelsiejadebuan
 
Pagbibigay ng Opinyon, Matibay na Paninindigan -Filipino 9.pptx
Pagbibigay ng Opinyon, Matibay na Paninindigan -Filipino 9.pptxPagbibigay ng Opinyon, Matibay na Paninindigan -Filipino 9.pptx
Pagbibigay ng Opinyon, Matibay na Paninindigan -Filipino 9.pptxLeighPazFabreroUrban
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagAllan Lloyd Martinez
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxPrincejoyManzano1
 
Ikatlong Bahagi -Pagtataksil kay Don Juan
Ikatlong Bahagi -Pagtataksil kay Don JuanIkatlong Bahagi -Pagtataksil kay Don Juan
Ikatlong Bahagi -Pagtataksil kay Don JuanKim Libunao
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagJuan Miguel Palero
 
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxchelsiejadebuan
 
PAGHAHAMBING (Kahulugan at Dalawang Uri)
PAGHAHAMBING (Kahulugan at Dalawang Uri)PAGHAHAMBING (Kahulugan at Dalawang Uri)
PAGHAHAMBING (Kahulugan at Dalawang Uri)RachelMaeRequilme1
 
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanTula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanKennethSalvador4
 

What's hot (20)

Filipino 9 paggamit ng mga pang ugnay at transitional devices
Filipino 9 paggamit ng mga pang ugnay at transitional devicesFilipino 9 paggamit ng mga pang ugnay at transitional devices
Filipino 9 paggamit ng mga pang ugnay at transitional devices
 
Pamantayan sa Pagbigkas ng Tula
Pamantayan sa Pagbigkas ng TulaPamantayan sa Pagbigkas ng Tula
Pamantayan sa Pagbigkas ng Tula
 
Informance
InformanceInformance
Informance
 
pagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdaminpagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdamin
 
Ang alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorahAng alamat ni prinsesa manorah
Ang alamat ni prinsesa manorah
 
filipino7-pabula week 3.pptx
filipino7-pabula week 3.pptxfilipino7-pabula week 3.pptx
filipino7-pabula week 3.pptx
 
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptxIBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
IBA'T IBANG PARAAN SA PAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN-Q3.pptx
 
Pagbibigay ng Opinyon, Matibay na Paninindigan -Filipino 9.pptx
Pagbibigay ng Opinyon, Matibay na Paninindigan -Filipino 9.pptxPagbibigay ng Opinyon, Matibay na Paninindigan -Filipino 9.pptx
Pagbibigay ng Opinyon, Matibay na Paninindigan -Filipino 9.pptx
 
Tula
TulaTula
Tula
 
LP 4 ppt..pptx
LP 4 ppt..pptxLP 4 ppt..pptx
LP 4 ppt..pptx
 
kolokasyon.pptx
kolokasyon.pptxkolokasyon.pptx
kolokasyon.pptx
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
 
Ikatlong Bahagi -Pagtataksil kay Don Juan
Ikatlong Bahagi -Pagtataksil kay Don JuanIkatlong Bahagi -Pagtataksil kay Don Juan
Ikatlong Bahagi -Pagtataksil kay Don Juan
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
 
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptxANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
ANAPORIK-KATAPORIK-Q3.pptx
 
PAGHAHAMBING (Kahulugan at Dalawang Uri)
PAGHAHAMBING (Kahulugan at Dalawang Uri)PAGHAHAMBING (Kahulugan at Dalawang Uri)
PAGHAHAMBING (Kahulugan at Dalawang Uri)
 
ELEMENTO NG TULA
ELEMENTO NG TULAELEMENTO NG TULA
ELEMENTO NG TULA
 
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang MarkahanTula- Aralin 3-Unang Markahan
Tula- Aralin 3-Unang Markahan
 
Tula g10
Tula g10Tula g10
Tula g10
 

Similar to Grade 9 filipino week 4 las

Modyul 5 pagsulat ng liham pangangalakal na nag-aaplay sa t
Modyul 5 pagsulat ng liham  pangangalakal na nag-aaplay sa tModyul 5 pagsulat ng liham  pangangalakal na nag-aaplay sa t
Modyul 5 pagsulat ng liham pangangalakal na nag-aaplay sa tdionesioable
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling LarangBeth Aunab
 
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxevafecampanado1
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2JonilynUbaldo1
 
Kahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptxKahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptxjose isip
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd QuarterEDITHA HONRADEZ
 
WEEK-7-ESP-day-1-5.pptx
WEEK-7-ESP-day-1-5.pptxWEEK-7-ESP-day-1-5.pptx
WEEK-7-ESP-day-1-5.pptxJoerelAganon
 
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASEGrade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASER Borres
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikanModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikandionesioable
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...LalainGPellas
 
Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdf
Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdfKom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdf
Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdfCarlJansenCapalaran
 
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuroFilipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuroAlice Failano
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoAllan Ortiz
 
FIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptx
FIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptxFIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptx
FIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptxArcelynPalacay1
 
Compilation of academic write ups in piling larang
Compilation of academic write ups in piling larangCompilation of academic write ups in piling larang
Compilation of academic write ups in piling larangStemGeneroso
 
Alamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptxAlamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptxJeanibabePerezPanag
 

Similar to Grade 9 filipino week 4 las (20)

ESP 6_WEEK 3.pptx
ESP 6_WEEK 3.pptxESP 6_WEEK 3.pptx
ESP 6_WEEK 3.pptx
 
Modyul 5 pagsulat ng liham pangangalakal na nag-aaplay sa t
Modyul 5 pagsulat ng liham  pangangalakal na nag-aaplay sa tModyul 5 pagsulat ng liham  pangangalakal na nag-aaplay sa t
Modyul 5 pagsulat ng liham pangangalakal na nag-aaplay sa t
 
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
(Kaila Enolpe) Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin sa Piling Larang
 
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
FILIPINO 8 ARALIN 1.1-KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2
 
Kahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptxKahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptx
 
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd  QuarterFilipino 3 Learner's Manual 2nd  Quarter
Filipino 3 Learner's Manual 2nd Quarter
 
3 fil lm q2
3 fil lm q23 fil lm q2
3 fil lm q2
 
WEEK-7-ESP-day-1-5.pptx
WEEK-7-ESP-day-1-5.pptxWEEK-7-ESP-day-1-5.pptx
WEEK-7-ESP-day-1-5.pptx
 
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASEGrade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
 
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikanModyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
Modyul 9 pagsusuri ng akda batay sa realismo at sosyolohikan
 
AP1_Q1_LAS1.docx
AP1_Q1_LAS1.docxAP1_Q1_LAS1.docx
AP1_Q1_LAS1.docx
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
 
Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdf
Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdfKom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdf
Kom-Pan-11_Q1_Modyul-5_Edisyon2_ver1.pdf
 
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuroFilipino 6 dlp 11   pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
Filipino 6 dlp 11 pagsabi ng sarilig palagay o kuru-kuro
 
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismoModyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
Modyul 3 pagsusuri sa akda batay sa mga teoryang humanismo / marxismo
 
FIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptx
FIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptxFIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptx
FIL-3-WEEK-2-DAY-1-4.pptx
 
WEEK1DAY1.pptx
WEEK1DAY1.pptxWEEK1DAY1.pptx
WEEK1DAY1.pptx
 
Compilation of academic write ups in piling larang
Compilation of academic write ups in piling larangCompilation of academic write ups in piling larang
Compilation of academic write ups in piling larang
 
Alamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptxAlamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptx
Alamat ng Isla ng pitong makasalanan.pptx
 

Recently uploaded

FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxlaranangeva7
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxRyzaMendoza3
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 

Recently uploaded (20)

FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptxPaghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
Paghihinuha sa Pagbuo ng kanabsbwhn.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 

Grade 9 filipino week 4 las

  • 1. Republic of the Philippines Department of Education Region III SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES Zone 6, Iba, Zambales Tel./Fax No. (047) 602 1391 E-mail Address: zambales@deped.gov.ph website: www.depedzambales.ph Pangalan: _____________________________________ Baitang/Pangkat:__________ Paaralan: _____________________________________ Petsa: _____________________ GAWAING PAGKATUTO FILIPINO 9 Unang Markahan-Ikaapat na Linggo I. Panimula Kamusta ka habang ipinagpapatuloy mo ang iyong pag-aaral sa bahay? Naiinip ka na rin ba tulad ng iyong mga kaklase? Marami ka na bang nabasang akda, kuwento at mga karanasang tumatalakay sa kasalukuyang nararanasang pandemya? Naranasan mo na bang sumulat ng isang akda na ibinabahagi mo rin ang iyong sariling karanasan sa panahon ng pamdemya? Naging madali ba ang pagsulat mo? Alam mo ba na mas magiging mahusay ka pang sumulat kung kilala mo ang iba’t ibang pang-ugnay, na makatutulong sa iyo upang maging maaayos at magkakaugnay ang iyong pagsulat? Sa araling ito iyong malalaman at matututuhang alamin ang iba’t ibang pang-ugnay na makatutulong sa pagbuo ng sulatin, pangungusap at sariling akda. Nawa ang aralin na ito ang magbibigay ng gabay sa iyo upang mas higit pang maging mahusay ka sa pagbuo ng likhang komposisyon, maging akda man ito, pangungusap at sulatin. II.Kasanayang Pampagkatuto Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw. (F9WG-If-44)
  • 2. III.Mga Layunin Sa pagtatapos ng gawaing pagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang: 1. natutukoy ang mga pang-ugnay na ginamit sa pangungusap; 2. nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay sa pagbuo ng pangungusap at pagsulat ng akda; at 3. nakasusulat ng isang sanaysay na nilalakipan ng angkop na pang- ugnay. IV. Pagtalakay Sa araling ito, alamin mo ang mga pang-ugnay na pangkayarian: ang pangatnig,pang-angkop at pang-ukol. Basahin at unawain ang teksto upang mas makilala mo ang mga pang- ugnay na pangatnig, pang-angkop at pang-ukol. Bigyan ng pansin ang mga salitang may salungguhit. Tungkulin mo, Gampanan mo ni Lea L. Domincil, Zambales NHS Bawat tao ay may karapatang tinatamasa sa mundo. Subalit huwag mong kalimutan na ang bawat karapatan ay may nakaatang na tungkulin o responsibilidad. Responsibilidad na dapat gampanan ng bawat isang mamamayan. Habang tinatamasa mo ang iyong mga karapatan, laging itanim sa isipan ang tungkuling kaakibat nito. Ang pagsunod sa batas ay isang tungkuling dapat sundin ng bawat mamamayan na tulad mo upang maging maayos at tahimik ang iyong pamumuhay. Higit sa lahat upang maproteksyonan ang buhay at ari-ariang ipinundar mo. Kung ikaw ay lalabag sa batas na ipinatutupad ng pamahalaan, maaaring malagay sa kapahamakan ang bawat buhay ng tao. Samakatuwid tao ang gagawa ng mga kaguluhan at di pagkakaunawaan ng bawat isa. Ang pagbabayad ng buwis ay isang tungkuling hindi dapat kalimutan. Ito ay napakahalaga sa pag-unlad, serbisyong pangmamamayan, pagpapanatili ng kapayapaan, edukasyon para sa mahihirap, kalusugan ng mamamayan at iba
  • 3. pang gawaing pampamahalaan. Isang halimbawa na lang ay ang kinahaharap na pandemya ng ating bansa ngayon. Dahil sa mga buwis na ibinabayad ng bawat isang mamamayan, malaking tulong ang dulot nito sa ating pamahalaan. Ang pinakamahalagang tungkulin mo bilang isang mamamayan ay gawin ang iyong makakaya anoman ang nakatalaga sa iyo. Gawin ang responsibilidad mo upang makatulong sa mga nangangailangan at para sa sa ikagiginhawa ng bawat isa sapagkat sa bandang huli, ikaw magiging susi na matamo ang kapayapaaan, kaayusan at kaunlaran ng ating bayan. Kaya, tungkulin mo, gampanan mo! Naunawaan mo ba ang teksto na iyong binasa? Subukang sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa akdang iyong binasa. 1. Ano ang pangunahing layuning nais iparating ng may-akda? 2. Sino ang kinakausap ng may-akda. 3. Paano mo maisasakatuparan ang iyong mga tungkulin? 4. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang ating mga tungkulin? 5. Isa-isahin ang mga pang-ugnay na ginamit sa akda. Mula sa mga ibinigay mong mga pang-ugnay na hango sa teksto, iyong alamin ang mga uri nito. Ang pang-ugnay ay mga salitang ginagamit upang mag-ugnay sa dalawang salita,parirala at pangungusap.Ito ay nakakatulong upang maging organisado ang ating mga sinusulat. Narito ang iba’t ibang pang-ugnay: 1.Pangatnig-mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita,parirala,o sugnay. Halimbawa: at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit, kung, nang, bago, kung gayon, sana at iba pa * Higit sa lahat upang maproteksyonan ang buhay at ari-ariang ipinundar mo. * Kaya, tungkulin mo, gampanan mo .
  • 4. 2.Pang-angkop-mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Halimbawa: na, ng, g * May nakaatang na tungkulin. * Maaaring malagay sa kapahamakan ang bawat buhay ng tao. 3. Pang-ukol - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita. Halimbawa: ang/si, ng/ni/kay, ayon sa/ayon kay, para sa/para kay, hinggil sa/hinggil kay, tunkol sa/tungkol kay, na may, alinsunod sa/kay, laban sa/kay * Ang pagsunod sa batas ay isang tungkuling dapat sundin ng bawat. mamamayan * Ang gamot na dala ng nars ay para sa kaniyang ama. V. Mga Gawain A. HANAPIN AT GUHITAN MO Panuto: Guhitan ang mga ginamit na pang-ugnay sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Umalis siya na may dalang bag. 2. Ako man ay natakot sa pandemya. 3. Nagkasakit na sana ako kung di siya dumating at tinulungan ako. 4. Likas na masipag magtrabaho ang mga Filipino. 5. Totoong mahina ang resistensiya niya. 6. Mahirap maglakbay sa ngayon dahil sa Corona Virus. 7. Maraming mabubuting tao sa panahon ngayon. 8. Ayon sa mga Kagawaran ng Kalusugan, malaking tulong ang pananatili sa ating mga tahanan.
  • 5. 9. Ang gamot na ito ay para sa aking ama. 10. Tumutulong siya sa kampanya laban sa Covid19. B. PANG-UGNAY, PANGKATIN MO Panuto: Pangkatin ang mga pang-ugnay na may salungguhit sa bawat pangungusap. Sundan ang kahon sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Panagtnig Pang-angkop Pang-ukol 1. Ang pagtanggap at pag-unawa sa mga taong nagkasakit ay tanda ng pagiging isang mabuting tao. 2. Ang pagbibigay ng tulong pati ang pagtuturo ng kaalaman ay isang mabuting gawain. 3. Kaya nilang paramihin ang mabubuting tao sa panahon ngayon. 4. Ang sambayanan ay hindi magugutom kung may sapat na imbak ng pagkain ang pamahalaan. 5. Ayon sa panawagan, ang pagtulong sa mga kapatid nating nabiktima ng Covid19 ay tunay na kailangan. 6. Ang proyektong Pangkabuhayan na ito ay para sa mga nawalan ng hanapbuhay. 7. Ang pag-uusapan sa miting ay tungkol sa makabagong pamamaraan sa pagpuksa sa Corona Virus. 8. Mahusay ang programang inilunsad ng Pamayanan. 9. Hindi sila lalaban kung ibinigay ang kanilang kahilingan. 10.Sagana ang kanilang pamumuhay sapagkat masipag ang kanilang magulang.
  • 6. C. MALI KO, ITAMA MO Panuto: Iwasto ang pangatnig na may salungguhit sa bawat bilang. Piliin ang tamang pang-ugnay sa kahon sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. ngunit dahil at o ng kung para nang na 1. Maginhawang maglakbay sa ngayon para sa tag-araw. 2. May bagong alkalde na hinirang ang Pangulo. 3. Dapat ng magtanim pa ng halamang namumulaklak. 4. Malapit at matapos ang pandemyang ating kinakaharap. 5. Umiiyak ang Inay kaya nahawaan ng sakit ang Itay. 6. Alin sa dalawa ang gusto mo para sa iyong nalalapit na kaarawan,bike at cellphone? 7. Dahil ako’y nagkasakit,ikaw ang hahalili sa akin. 8. Kaya ikaw ay lumusog,kumain ka ng masustansyang pagkain. 9. Gustung-gusto mo nang mamasyal dahil laganap pa ang Corona Virus sa kapaligiran. 10. Magsikap o maghanapbuhay upang di umasa sa iba. D. KULANG KO, PUNUAN MO Panuto: Punan ng tamang pang-ugnay ang bawat patlang at uriin ito kung pangatnig, pang-angkop at pang-ukol. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Hating Gabi ni Jhoana D. Esposo, Zambales NHS Malalim na ang gabi, tahimik ang paligid ________ ang buwan ay tila malungkot na kasingpanlaw ng nangungulila sa paglingap ng mapag-arugang
  • 7. mga bisig. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, halos di lumapat ang aking mga talampakan sa sahig________ kabahayan, upang hindi makalikha ng anomang ingay. Tinungo ko ang pinto at pinihit ito, lumabas ako na dinarasal na __________ ay walang makaramdam ng aking pag-alis ng bahay. Sinalubong ako ng mahalumigmig na hangin, parang may sariling isip ang kamay ko na yakapin ang sarili ko _________ kahit papaano ay maibsan ang nanunuot __________ lamig sa aking balat. Tinalunton ko ang daan sa isang pamilyar na lugar, sa may luma at halos magigiba nang kubo. Mula sa sinag ng buwan na tila nakikisilip sa aking kilos, naaninag ko ang isang anino na kilalang kilala ko. Agad siyang lumingon sa akin at sinalubong ako _________ mahigpit na yakap at ganoon rin naman ako sa kaniya. “Kamusta?”, ang matamlay kong tanong. “Mabuti naman,__________ mahirap”, sagot niya. “Masaya ka ba doon?”, tanong ko ulit. “Oo, ___________ mas masaya sana kung kasama ko kayo”, sambit niya kasabay ng mabibigat na luha mula sa kaniyang mga mata. Parang kinurot ang puso ko, gusto kong sabihin sa kaniya at isumbat na “bakit iyon ang pinili mo?” ngunit mas pinili ko ang hindi isatinig ito baka higit pa siyang masaktan. “Alagaan mong mabuti si tatay mo ha, ang mga kapatid mo. Ikaw ang panganay __________ ikaw na ang bahala sa kanila habang wala ako”, saad niya. “Opo, inay”, sagot ko. “Kailangan eh, alam ko ang nasa isip mo, kung dito lang tayo aasa sa bukid walang mangyayari.” Gusto ko rin kayong mabigyan ng magandang kinabukasan, tandaan ninyo na ginagawa ko ito para sa ating pamilya”, masikip sa dibdib niya ang binitiwang mga salita, mga salita ng pamamaalam. Bukas Flight na niya patungo sa ibang bansa, mag-aalaga ng hindi niya sariling mga anak para magtrabaho _________ amin, sa kinabukasan ng aming pamilya. E. BIGAY KO, GAMITIN MO Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang sumusunod na mga pang-ugnay. Mula sa mga pangungusap na iyong nabuo, gawin itong isang komposisyon na may paksa. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. dahil 6. para kay/sa 2. at 7. ng 3. sapagkat 8. kung 4. kaya 9. o 5. na 10. ayon sa/kay
  • 8. Magaling! Natapos mo na ang mga gawaing inilaan para sa iyo. Batid ko na malinaw na sa iyo ang mga mga pang-ugnay, kung gayon, maghanda ng isang buong papel para sa iyong pagsusulit. V. Pagsusulit Panuto: Bumuo ng isang sanaysay tungkol sa sariling karanasan sa COVID-19, ang pandemyang nagpabago sa buhay ng bawat Pilipino. Gumamit ng mga pang- ugnay at guhitan ang mga ito. Gamitin ang sumusunod na mga gabay sa pagsulat: 1. Batay sa sariling karanasan habang nasa panahon ng Pandemya 2. Makatotohanan ang paglalahad ng mga impormasyon 3. Gumamit ng tamang bantas sa pagsulat 4. Angkop at magkakaugnay ang kaisipan 5. Gumamit ng tamang pang-ugnay sa pagbuo ng akda Rubriks sa Paggawa ng sanaysay RUBRIKS PAMANTAYAN 5 3 1 Nilalaman Nakapagbigay ng mga tamang impormasyon para sa paksa May mga impormasyon na hindi tama para sa paksa Hindi angkop ang mga impormasyon para sa paksa Organisasyon ng mga Impormasyon Lohikal ang pagkakaayos ng mga impormasyon May ilang impormasyon na hindi nakaayos Wala sa ayos ang mga impormasyon Pagbabaybay at Pagbabantas Angkop ang pagkakagamit ng mga bantas May ilang bantas ang hindi angkop ang pagkakagamit Hindi angkop ang mga bantas na ginamit Paggamit ng mga pang-ugnay Angkop ang pagkakagamit ng mga pang-ugnay May ilang pang- ugnay ang hindi angkop ang pagkakagamit Hindi angkop ang pagkakagamit ng pang-ugnay
  • 9. VI. Pangwakas Panuto: Pagbubuod sa natapos na aralin sa pamamagitan ng estratehiyang “ANA”. Ang dati kong alam _____________________________________________________ Napag-alaman ko _______________________________________________________ Ang nais kong mabatid __________________________________________________ VII. Mga Sanggunian K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG codes/Suggested LR. 2020. E-book. Pasig City: Department of Education Curriculum and Standard Peralta,Romulo N. et.al, Unang Edisyon 2014 Panitikang Asyano Modyul ng mag-aaral sa Filipino 9 Sunshine Interlinks Publishing House,Inc.