2. Ano ang pangngalan?
Ang tawag sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at
pangyayari.
Ang pangngalan ay may dami o bilang. Kailanan ang
tawag sa dami o bilang ng pangngalan.
May tatlong uri ng kailanan ng pangngalan.
Kailanang isahan
Kailanang dalawahan
Kailanang marami
3. Kailanang Isahan – tumutukoy sa pangngalang likas na nag-iisa lamang
ang bilang. Gumamit ng pantukoy na ng, si at ni.
halimbawa: kapatid, kaibigan, ate, ina, si Ana
• Kaarawan ng kaibigan ko ngayon.
• Si Ana ay matalinong bata.
• Masipag mag-aral ang aking kapatid.
• Sinamahan ni ate si ina mamalengke.
Kailanang Dalawahan – tumutukoy sa pangngalang may dalawahang
bilang. Gumamit ng pantukoy na ang mga, mga, sina, nina, at mag - .
halimbawa: magkapatid, magkaibigan, sina Aling Gina at Maria
• Pinagbubutihan ng magkapatid ang kanilang pag-aaral.
• Magkasama sina Aling Gina at Maria kanina.
4. Kailanang Maramihan – tumutukoy sa pangngalang may bilang na
maramihan. Gumamit ng pantukoy na mag – at inuulit na una o unang
dalawang titik ng unang pantig.
halimbawa: magkakapatid, magkakaibigan, walong guro, mag-aaral
• Nagkakatuwaan ang magkakaibigan.
• Ang mga mag – aaral na tinuturuan niya at masisigasig mag –
aral.
5. Ito ay nagpaparami sa pamamagitan ng pantukoy, pang – uri, pamilang, at
panlapi.
Mga Halimbawa:
Pantukoy
bata mga bata
Pang – uri
kapatid mabubuting kapatid
Pamilang
Mag – aaral tatlong mag – aaral
Panlapi
Pinsan magpipinsan
6. Panghalip na Patulad
Ang panghalip na patulad ay kumakatawan sa bagay o
pangyayaring pagtutularan o paghahambingan.
Mga halimbawa:
ganito
ganiyan
ganoon.
Tandaan
Ang pangngalan ay may tatlong kailanan. Amga mga ito ay
kailanang isahan, dalawahan at maramihan.
Ang panghalip na patulad ay kumakatawan sa bagay o pang
yayaring pagtutularan o paghahambingan.