1. FILIPINO 6
Unang Trimester
Pagsasanay sa Paghihinuha
PAGHIHINUHA: Ito ang pagbibigay-kahulugan o paliwanag sa tulong ng mga pahiwatig at ng
sariling kaalaman sa isang larawan, pamagat, o pangyayari sa akda.
-Ang paghihinuha ay ang pagsasabi ng maaaring kalabasan o mangyari batay sa pangyayari sa
kuwento o talata.
-Kailangang basahing mabuti ang kuwento o talata, o kaya ay unawain ang mga larawan
upang makagawa ng isang lohikal na prediksyon
Sa paghihinuha, epektibo itong maipapahayag kung gagamitin ang mga panandang;
Siguro, marahil, baka, tila, sa aking palagay, sa tingin ko, maaaring, at iba pa.
PANUTO A: Basahin nang mabuti ang kuwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Matutong Magkaisa
Nalulungkot si Lolo Pedro sa nakita niya sa kanyang mga apo. Hindi magkasundo ang mga
ito. Lagi na lamang puro pagtatalo ang kanilang usapan .
“E, pambihira naman pala kayo,” pabulyaw na sabi ni Bryan. “Ako na lamang ba ang gagawa
rito?” Pare-pareho naman tayong nakikinabang dito, hindi ba?”
“Aba, ako, ginagawa ko ang tungkulin ko, sagot ni Christian.
“Tinapos mo naman ba?” tanong ni Edward.
“E, Ikaw, ba, Paulo, tinapos mo ba ang ginagawa mo?” sabi ni Christian na ang nakita naman
ay ang hindi tapos na gawain ni Paolo.
Naririnig ni Lolo Pedro ang pagtuturo-turuan ng mga apo. Katulong niya sa poultry farm ng
pamilya ang apat niyang apong lalaki. Hindi niya sila pinagsabihan o sinaway. Subalit lungkot
na lungkot siya. Kapag ganito nang ganito, malamang na hindi magtatagal at babagsak ang
kanilang poultry farm. Kailangang umisip na siya ng paraan upang magbago ang ugali ng
mga apo.
2. Lumabas si Lolo Pedro sa bakuran at doon tumuloy sa may beranda. Malunkgot na
nagmamasaid sa paligid. Dapithapon na nang siya ay matagpuan ng kaniyang apo sa
beranda. Naroon pa rin sa mukha niya ang matinding lungkot.
“Lolo, may sakit po ba kaypo,” tanong ni Christian. “O baka may masakit po sa inyo?”
“Siyanga po, Lolo. Bakit mukhang may dinaramdam kayo?” tanong ni Bryan sabay salat sa
pisngi ng kanilang lolo.
“Wala, wala akong sakit,” sabi ni Lolo Pedro. “Nalulungkot lamang ako kay may naalala
akong kuwento.”
“Kuwento, na sabi n’yo, Lolo?” Siya nga po p ala, matagal nang hindi ninyo kami
nakukuwentuhan,” sabi ni Edward.
Umupong paikot kay Lolo ang apat na apo. At napilitang magkuwento si Lolo Pedro.
“Isang araw, malungkot na nagmamasid ang kanyang alagang mga pananim sa isang
magsasaka.
“Bakit ganito? “Ang naibulong niya sa sarili
Hindi niya nalalaman na ang nag-uusap usap pala ang kanyang mga kagamitan at tanging
ang mga ito lamang ang nagkakarininigan at nagkakaunawaan.
“Alam mo, Araro, dapat sana ay nilaliman mo ang pagtipak mo sa lupa, sabi ni Pala.
“E, ginawa ko lamang ang talagang magagawa ko,” paliwanag ni Araro.
“Tinulungan sana tayo ni Asarol, “ paninisi ni Pala
“Nako, walang mangyayari sa pagtuturuan. Ang mabuti’y kumilos tayong lahat,” sabi ni Araro.
Ang matandang magsasaka ay hindi nakatagal sa nakikita niyang pagkalanta ng pananim na
napabayaan. Dali-dali itong kumuha ng araro at sinimulang bungkalin ang lupa. Matapos nito,
naglagay siya ng munting kanal na daluyan ng tubig. Ginamit naman ng magsasaka ang
pala. Tila lahat na gamitin ng magsasaka ay nakikisa sa kanya.
Lingid sa kaalaman ng magsasaka ay talaga ngang nagtutulungan na ang kanyang mga
kagamitan sa panamin. Muling sumigla ang mga pananim!
Nadala ang damdamin ng mga apo sa narinig na kuwento. Habang naglalakad pauwi ay nag-
usap usap ang apat na apo tungkol sa mga balak nilang gawin para sa poultry farm ni Lolo
Pedro.