SlideShare a Scribd company logo
1 of 3
Download to read offline
Damon and Pythias
Sina Damon at Pythias ay magkaibigang matalik. Sila'y nagmamahalan ng
higit pa sa magkapatid. Minsan, may nagawa si Pythias na isang bagay na
ikinagalit ng hari. Ang hari ng Roma ng mga panahong iyon ay isang malupit
na hari. At wala itong kinikilalang katwiran. Ipinakulong nito so Pythias.
Nagmakaawa si Damon sa malupit na hari, alang-alang sa kanyang sa
kanyang kaibigan.
"Pakawalan n'yo na po siya," ang hiling niya. Ngunit matigas ang hari sa
desisyon nito.
"Hindi ko siya pakakawalan. Sa katunayan, kamatayan ang dapat igawad sa
kanya! Tama! Kamatayan nga!" Lalong nahabag si Damon para sa kanyang
kaibigan ngunit ano nga ba ang kanyang magagawa?
"Mahal na hari," ang sabi na lang ni Pythias na noon di'y tanggap na ang
kapalaran."Kung kamatayan man ang dapat igawad sa akin, malugod kong
tatanggapin. Ngunit pahintulutan nyo po sana akong Makita ang aking mahal
na asawa at mga anak bago ako mamatay." Nag-isip ang hari.
" Nasa malayong lugar ang iyong pamilya. Papaano ako makatitityak na
kapag pinayagan kita'y muli kang magbabalik?" Noon nagsalita si Damon,
"Hayaan ninyong ako ang makulong kapalit ng aking kaibigan, hanggang sa
siya'y makabalik."
"At kung hindi na siya magbalik?" ang tanong ng malupit na hari.
"Kung ganoo'y ako ang inyong patayin kapalit niya," tugon ni Damon.
Natuwa ang malupit na hari sa pangyayari. Pinayagan nitong makaalis si
Pythias para dalawin ang pamilya at ikinulong si Damon kapalit nito. Sa isip-
isip ng hari, dito niya ngayon masusubukan ang magkaibigang ito.
Makalipas ang ilang Linggo, iyon na ang sukdulan ng panahong
ipinagkaloob ng hari kay Pythias na magbalik ito. Ngunit hindi pa rin ito
dumarating noong araw na iyon.
"Tuluyan ka nang pinabayaan ng kaibigan mo. Sinasabi ko na nga ba't hindi
na siya magbabalik," ang sabi ng hari kay Damon.
"Naantala lang siya marahil. Ngunit alam kong siya'y magbabalik," tugon ni
Damon.
"At paano ka nakatitiyak?" "Dahil si Pythias ay isang mabuti at matalik na
kaibigan. Hindi niya ako hahayaang mapahamak." Natawa ang hari,
"Ang taas ng pananampalataya mo sa iyong kaibigan. Isa kang hangal!
Kapag hindi nakabalik ang kaibigan mo hanngang sa paglubog ng araw,
mamamatay ka kapalit ng buhay niya!" Dumating nga ang paglubog ng araw.
Hindi pa rin dumating si Pythias. Tuwang-tuwa ang hari.
"Ngayo'y tanggapin mo ang kamatayan bunga ng pagtataksil ng iyong
kaibigan!" ang sabi nito. Ngunit hanggang sa huling sandali; umaasa pa rin
si Damon sa pagbabalik ni Pythias.
"Alam kong babalik siya…Babalik siya…" Itinaas na ng malupit na hari ang
espada nito upang pugutan ng ulo sa sarili niyang kamay si Damon. Nang
biglang may sumigaw sa bukana ng palasyo. "Huwag!" ang sabi nito.
Napatingin si Damon sa pinagmulan ng sigaw at laking tuwa niya sa nakita.
"Pythias!" "Narito na ako. Pakawalan n'yo na ang kaibigan ko," ang sabi ni
Pythias sa hari. "Namatay ang aking kabayo habang ako'y naglalakbay
pabalik kung kaya't ako'y naatagalan. Kinakailangan kong tumakbo patungo
rito para lamang umabot sa kasunduan at mailigtas ang buhay ng aking
kaibigan. Ngayong narito na alo, handa ko nang tanggapin ang aking
kamatayan." Ngunit nagsalita agad si Damon, "Hindi. Hindi ka dapat
mamatay Pythias. May pamilya ka at asawang nagmamahal at mga anak na
naghihintay sa iyo sa tahanan, samantalang ako'y wala. Ako na lang ang
patayin ninyo kapalit ng aking kaibigan, mahal na hari!"
Hindi makapaniwala ang malupit na hari sa nasaksihan. Hindi siya
makapaniwalang may ganoong klase ng pagkakaibigan na handang ibuwis
ang buhay para sa isa't isa. "Kung mayroon lang sana akong kaibigan na
tulad ninyo, handa kong ipagpalit ang anumang kapangyarihan o
karangyaan. Sige, lumaya kayong dalawa! Wala ni isa man sa inyo ang
dapat mamatay." At masaya ngang lumaya sina Pythias at Damon.
MENSAHE:
Ang tunay na magkaibigan ay hindi nag-iiwanan. Ang tunay na kaibigan ay
handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kapakanan ng kanyang
kaibigan. Katulad ng pagmamahal ni Hesus sa atin.
Damon and Pythias.pdf

More Related Content

What's hot

Ibong adarna mga tauhan
Ibong adarna   mga tauhanIbong adarna   mga tauhan
Ibong adarna mga tauhanwinterordinado
 
Ang Awit ng Ibong Adarna.pptx
Ang Awit ng Ibong Adarna.pptxAng Awit ng Ibong Adarna.pptx
Ang Awit ng Ibong Adarna.pptxcamille papalid
 
409 trabalhadores do evangelho
409   trabalhadores do evangelho409   trabalhadores do evangelho
409 trabalhadores do evangelhoSUSSURRO DE AMOR
 
Pangngalang Pambalana
Pangngalang Pambalana Pangngalang Pambalana
Pangngalang Pambalana Mailyn Viodor
 
Fs3 power pointpress.
Fs3 power pointpress.Fs3 power pointpress.
Fs3 power pointpress.Sarah3098
 
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)SCPS
 
maikling-kuwento-hashnu.pptx
maikling-kuwento-hashnu.pptxmaikling-kuwento-hashnu.pptx
maikling-kuwento-hashnu.pptxPrincejoyManzano1
 
O Lamento de Israel - Sérgio Lopes
O Lamento de Israel - Sérgio LopesO Lamento de Israel - Sérgio Lopes
O Lamento de Israel - Sérgio LopesYasmim Bonelli
 
Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Jenita Guinoo
 
Talasalitaan
TalasalitaanTalasalitaan
TalasalitaanJay Rish
 
3 plena paz - Harpa Cristã
3   plena paz - Harpa Cristã3   plena paz - Harpa Cristã
3 plena paz - Harpa CristãSelly Oliveira
 
Ang aso-at-ang-leon
Ang aso-at-ang-leonAng aso-at-ang-leon
Ang aso-at-ang-leonReneChua5
 
Ninguém explica deus
Ninguém explica deusNinguém explica deus
Ninguém explica deusBruno Vieira
 

What's hot (20)

Ibong adarna mga tauhan
Ibong adarna   mga tauhanIbong adarna   mga tauhan
Ibong adarna mga tauhan
 
Ang Awit ng Ibong Adarna.pptx
Ang Awit ng Ibong Adarna.pptxAng Awit ng Ibong Adarna.pptx
Ang Awit ng Ibong Adarna.pptx
 
409 trabalhadores do evangelho
409   trabalhadores do evangelho409   trabalhadores do evangelho
409 trabalhadores do evangelho
 
Pangngalang Pambalana
Pangngalang Pambalana Pangngalang Pambalana
Pangngalang Pambalana
 
Magbugtungan tayo!
Magbugtungan tayo!Magbugtungan tayo!
Magbugtungan tayo!
 
Fs3 power pointpress.
Fs3 power pointpress.Fs3 power pointpress.
Fs3 power pointpress.
 
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
Ibong Adarna (Kabanata 1-3)
 
maikling-kuwento-hashnu.pptx
maikling-kuwento-hashnu.pptxmaikling-kuwento-hashnu.pptx
maikling-kuwento-hashnu.pptx
 
002 saudosa lembrança
002   saudosa lembrança002   saudosa lembrança
002 saudosa lembrança
 
Panitikang Bisaya
Panitikang BisayaPanitikang Bisaya
Panitikang Bisaya
 
Ang guryon (1)
Ang guryon (1)Ang guryon (1)
Ang guryon (1)
 
467 sobre as ondas do mar
467   sobre as ondas do mar467   sobre as ondas do mar
467 sobre as ondas do mar
 
O Lamento de Israel - Sérgio Lopes
O Lamento de Israel - Sérgio LopesO Lamento de Israel - Sérgio Lopes
O Lamento de Israel - Sérgio Lopes
 
Meu alvo kleber lucas
Meu alvo   kleber lucasMeu alvo   kleber lucas
Meu alvo kleber lucas
 
Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7
 
Talasalitaan
TalasalitaanTalasalitaan
Talasalitaan
 
3 plena paz - Harpa Cristã
3   plena paz - Harpa Cristã3   plena paz - Harpa Cristã
3 plena paz - Harpa Cristã
 
Mga Alamat
Mga AlamatMga Alamat
Mga Alamat
 
Ang aso-at-ang-leon
Ang aso-at-ang-leonAng aso-at-ang-leon
Ang aso-at-ang-leon
 
Ninguém explica deus
Ninguém explica deusNinguém explica deus
Ninguém explica deus
 

More from JoanneMOlivares

PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.docx
PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.docxPANGKATANG GAWAIN-Panghalip.docx
PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.docxJoanneMOlivares
 
PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.pdf
PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.pdfPANGKATANG GAWAIN-Panghalip.pdf
PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.pdfJoanneMOlivares
 
Kami ang Ngayon at ang Bukas
Kami ang Ngayon at ang BukasKami ang Ngayon at ang Bukas
Kami ang Ngayon at ang BukasJoanneMOlivares
 
Pagsasanay sa pagkuha ng kahulugan ng kilos at pahayag ng tauhan sa pabula
Pagsasanay sa pagkuha ng kahulugan ng kilos at pahayag ng tauhan sa pabulaPagsasanay sa pagkuha ng kahulugan ng kilos at pahayag ng tauhan sa pabula
Pagsasanay sa pagkuha ng kahulugan ng kilos at pahayag ng tauhan sa pabulaJoanneMOlivares
 
Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid
Si Dagang Bayan at si Dagang BukidSi Dagang Bayan at si Dagang Bukid
Si Dagang Bayan at si Dagang BukidJoanneMOlivares
 

More from JoanneMOlivares (6)

PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.docx
PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.docxPANGKATANG GAWAIN-Panghalip.docx
PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.docx
 
PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.pdf
PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.pdfPANGKATANG GAWAIN-Panghalip.pdf
PANGKATANG GAWAIN-Panghalip.pdf
 
Matutong Magkaisa.pdf
Matutong Magkaisa.pdfMatutong Magkaisa.pdf
Matutong Magkaisa.pdf
 
Kami ang Ngayon at ang Bukas
Kami ang Ngayon at ang BukasKami ang Ngayon at ang Bukas
Kami ang Ngayon at ang Bukas
 
Pagsasanay sa pagkuha ng kahulugan ng kilos at pahayag ng tauhan sa pabula
Pagsasanay sa pagkuha ng kahulugan ng kilos at pahayag ng tauhan sa pabulaPagsasanay sa pagkuha ng kahulugan ng kilos at pahayag ng tauhan sa pabula
Pagsasanay sa pagkuha ng kahulugan ng kilos at pahayag ng tauhan sa pabula
 
Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid
Si Dagang Bayan at si Dagang BukidSi Dagang Bayan at si Dagang Bukid
Si Dagang Bayan at si Dagang Bukid
 

Damon and Pythias.pdf

  • 1. Damon and Pythias Sina Damon at Pythias ay magkaibigang matalik. Sila'y nagmamahalan ng higit pa sa magkapatid. Minsan, may nagawa si Pythias na isang bagay na ikinagalit ng hari. Ang hari ng Roma ng mga panahong iyon ay isang malupit na hari. At wala itong kinikilalang katwiran. Ipinakulong nito so Pythias. Nagmakaawa si Damon sa malupit na hari, alang-alang sa kanyang sa kanyang kaibigan. "Pakawalan n'yo na po siya," ang hiling niya. Ngunit matigas ang hari sa desisyon nito. "Hindi ko siya pakakawalan. Sa katunayan, kamatayan ang dapat igawad sa kanya! Tama! Kamatayan nga!" Lalong nahabag si Damon para sa kanyang kaibigan ngunit ano nga ba ang kanyang magagawa? "Mahal na hari," ang sabi na lang ni Pythias na noon di'y tanggap na ang kapalaran."Kung kamatayan man ang dapat igawad sa akin, malugod kong tatanggapin. Ngunit pahintulutan nyo po sana akong Makita ang aking mahal na asawa at mga anak bago ako mamatay." Nag-isip ang hari. " Nasa malayong lugar ang iyong pamilya. Papaano ako makatitityak na kapag pinayagan kita'y muli kang magbabalik?" Noon nagsalita si Damon, "Hayaan ninyong ako ang makulong kapalit ng aking kaibigan, hanggang sa siya'y makabalik." "At kung hindi na siya magbalik?" ang tanong ng malupit na hari. "Kung ganoo'y ako ang inyong patayin kapalit niya," tugon ni Damon. Natuwa ang malupit na hari sa pangyayari. Pinayagan nitong makaalis si Pythias para dalawin ang pamilya at ikinulong si Damon kapalit nito. Sa isip- isip ng hari, dito niya ngayon masusubukan ang magkaibigang ito. Makalipas ang ilang Linggo, iyon na ang sukdulan ng panahong ipinagkaloob ng hari kay Pythias na magbalik ito. Ngunit hindi pa rin ito dumarating noong araw na iyon. "Tuluyan ka nang pinabayaan ng kaibigan mo. Sinasabi ko na nga ba't hindi na siya magbabalik," ang sabi ng hari kay Damon.
  • 2. "Naantala lang siya marahil. Ngunit alam kong siya'y magbabalik," tugon ni Damon. "At paano ka nakatitiyak?" "Dahil si Pythias ay isang mabuti at matalik na kaibigan. Hindi niya ako hahayaang mapahamak." Natawa ang hari, "Ang taas ng pananampalataya mo sa iyong kaibigan. Isa kang hangal! Kapag hindi nakabalik ang kaibigan mo hanngang sa paglubog ng araw, mamamatay ka kapalit ng buhay niya!" Dumating nga ang paglubog ng araw. Hindi pa rin dumating si Pythias. Tuwang-tuwa ang hari. "Ngayo'y tanggapin mo ang kamatayan bunga ng pagtataksil ng iyong kaibigan!" ang sabi nito. Ngunit hanggang sa huling sandali; umaasa pa rin si Damon sa pagbabalik ni Pythias. "Alam kong babalik siya…Babalik siya…" Itinaas na ng malupit na hari ang espada nito upang pugutan ng ulo sa sarili niyang kamay si Damon. Nang biglang may sumigaw sa bukana ng palasyo. "Huwag!" ang sabi nito. Napatingin si Damon sa pinagmulan ng sigaw at laking tuwa niya sa nakita. "Pythias!" "Narito na ako. Pakawalan n'yo na ang kaibigan ko," ang sabi ni Pythias sa hari. "Namatay ang aking kabayo habang ako'y naglalakbay pabalik kung kaya't ako'y naatagalan. Kinakailangan kong tumakbo patungo rito para lamang umabot sa kasunduan at mailigtas ang buhay ng aking kaibigan. Ngayong narito na alo, handa ko nang tanggapin ang aking kamatayan." Ngunit nagsalita agad si Damon, "Hindi. Hindi ka dapat mamatay Pythias. May pamilya ka at asawang nagmamahal at mga anak na naghihintay sa iyo sa tahanan, samantalang ako'y wala. Ako na lang ang patayin ninyo kapalit ng aking kaibigan, mahal na hari!" Hindi makapaniwala ang malupit na hari sa nasaksihan. Hindi siya makapaniwalang may ganoong klase ng pagkakaibigan na handang ibuwis ang buhay para sa isa't isa. "Kung mayroon lang sana akong kaibigan na tulad ninyo, handa kong ipagpalit ang anumang kapangyarihan o karangyaan. Sige, lumaya kayong dalawa! Wala ni isa man sa inyo ang dapat mamatay." At masaya ngang lumaya sina Pythias at Damon. MENSAHE: Ang tunay na magkaibigan ay hindi nag-iiwanan. Ang tunay na kaibigan ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kapakanan ng kanyang kaibigan. Katulad ng pagmamahal ni Hesus sa atin.