SlideShare a Scribd company logo
1 of 36
FILIPINO VI
PAGSAGOT SA TANONG NA BAKIT AT
PAANO
Sabihin kung ang pagkakaugnay
ng bawat pares ng salita ay
magkasingkahulugan o
magkasalungat
hangal: matalino
Sabihin kung ang
pagkakaugnay ng bawat pares
ng salita ay
magkasingkahulugan o
magkasalungat
nagdaralita: naghihirap
Sabihin kung ang
pagkakaugnay ng bawat pares
ng salita ay
magkasingkahulugan o
magkasalungat
matagal: sandali
Sabihin kung ang
pagkakaugnay ng bawat pares
ng salita ay
magkasingkahulugan o
magkasalungat
namangha: nagulat
Sabihin kung ang
pagkakaugnay ng bawat pares
ng salita ay
magkasingkahulugan o
magkasalungat
intindihin: unawain
Sabihin kung ang
pagkakaugnay ng bawat pares
ng salita ay
magkasingkahulugan o
magkasalungat
lumubog: lumutang
Sabihin kung ang
pagkakaugnay ng bawat pares
ng salita ay
magkasingkahulugan o
magkasalungat
umuusok: umaaso
Sabihin kung ang
pagkakaugnay ng bawat pares
ng salita ay
magkasingkahulugan o
magkasalungat
lihim: sekreto
Sabihin kung ang
pagkakaugnay ng bawat pares
ng salita ay
magkasingkahulugan o
magkasalungat
dahop:sagana
Sabihin kung ang
pagkakaugnay ng bawat pares
ng salita ay
magkasingkahulugan o
magkasalungat
nabatid:nalaman
Gawin ang sumusunod.
1. Gumuhit ng isang parisukat.
2. Sa loob ng parisukat, gumuhit
ng bilog.
3. Sa loob ng bilog, gumuhit ng
parisukat.
4. Kulayan ng iba-iba ang bawat
espasyo.
Sino sa inyo ang
mahilig manood ng
palabas sa telebisyon?
Basahin natin ang
kuwentong “Oo Nga’t
Pagong”
Matagal-tagal ding hindi umahon
ang pagong. Natatakot kasi siyang
muling magkita sila ni matsing.
Nang inaakala niyang matagal
nang panahon ang lumipas,
naglakas-loob siyang umahon sa
ilog at maglakad-lakad naman sa
dalampasigan.
Nakarating si Pagong sa isang taniman
ng mga sili. Marahang-marahang
naglalakad si Pagong sa paligid ng
taniman. Natutuwang minamasdan ni
Pagong ang mga puno ng sili na hitik
na hitik sa bungang pulang-pula dahil
sa kahinugan. Wiling-wili siya sa
panonood sa mga mapupulang sili at
hindi niya namalayan ang paglapit ni
matsing.
"Aha! Nahuli rin kita! Hindi
ka na makaliligtas ngayon sa
akin," ang sabi ni Matsing sabay
sunggab sa nagulat na pagong.
"Kung naloko mo ako noon,
ngayon ay hindi na. Hinding hindi
na," nanggigigil na sigaw ni
Matsing.
"Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi
ko kayo naiintindihan sa
pinagsasasabi ninyo," ani Pagong.
"Ano? Hindi ba't ikaw ang pagong na
nagtanim ng saging? Ikaw ang pagong
na inihagis ko sa ilog?" sabi ni Matsing.
"Aba! Hindi po. Hindi ko po nalalaman
iyon. At hindi ko rin kilala kung sino
mang pagong iyong inihagis nyo sa
ilog," tugon ni Pagong.
"Hindi nga ba ikaw iyong
damuhong pagong na iyon?" tanong ni
Matsing na pinakasipat-sipat ang hawak
na pagong.
"Talaga pong hindi!" ani Pagong.
"Matagal na po ako rito. Ang gawain ko
po ay magbantay ng mga mapupulang
bungang ito," dugtong pa ni Pagong.
"Bakit, ano ba ang mga mapupulang
bungang iyan?" ang tanong ni Matsing.
"A, e, ito po ay gamot sa mata ng
lola ko. Inilalagay niya po ito sa
mata kapag kumakati. Pero hindi po
kayo maaaring kumuha nito, para
sa lola ko lamang ito," sabi ni Pagong.
"Makati rin ang mata ko. At sa ayaw
mo't sa gusto, kukuha ako nito," ani
Matsing at namitas agad ng maraming
pulang sili. Piniga niya't niligis ang mga
sili sa dalawang palad at kanya itong
ipinahid sa kanyang mga mata.
"Kra-kra-kra..." nagtatatarantang
na sigaw ni Matsing pagkat halos
umusok ang dalawang mata niya
sa hapdi at kirot. Mainit na mainit
ang mga mata niya. Kinapa-kapa ni
Matsing si Pagong. Subalit wala na ito
at nakalayo nang nagtatawa. Naisahan
na naman ang hangal na matsing.
Maraming araw ding nangapa-
ngapa ng mga bagay sa kanyang
paligid si Matsing. At si Pagong naman
ay malayang nakapamamasyal.
Isang araw, nasa isang bakuran si Pagong.
May handaan doon at nagkakatay ng baboy.
Sa malapit sa kinalalagyan ni Pagong ay may
mga taong nagpapakulo ng tubig sa isang
malaking kawa. Tahimik na nagmamasid-
masid doon si Pagong. Nagulat siya. Bigla
kasi siyang sinunggaban ni Matsing.
Nahuli na naman kita. Niloko mo
ako noon. Hinding hindi na kita
paliligtasin ngayon," ang sabi ni
Matsing. "Dahil sa iyo, matagal
akong hindi nakakita.“ "Ako po ang
dahilan? Bakit po?" tanong ni Pagong.
"E, ano pa! Hindi ba't ikaw ang Pagong
na kinunan ko ng sabi mo'y gamot sa
mata ng lola mo? E iyon pala'y
nakabubulag," ang sabi ni Matsing.
"Aba, naku! Hindi po. Ako po'y
matagal na rito sa pwesto kong
ito. Ako po'y nagbabantay ng
kawang iyon na paliguan ng aking
nanay," ang sabi ni Pagong. Itinuro kay
matsing ang tubig na kumukulo sa
kawa.
"Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng
nanay mo?" manghang tanong ni
Matsing.
"Opo! Pero sekreto po namin
iyan. Huwag po ninyong sasabihin
kahit kanino. Iyan po ang pampapula
ng pisngi ng Nanay ko," paliwanag ni
Pagong.
"Ibig ko ring pumula ang pisngi
ko," sabi ni Matsing.
"Ay hindi po maaari ito para sa
inyo. Talagang para sa nanay ko
lamang po iyan," sabi ni Pagong.
"A, basta! Gusto ko ring pumula
ang pisngi ko," sabi ng hangal na
matsing at tumakbong mabilis at
lumundag sa loob ng kawa ng
kumukulong tubig.
At doon natapos ang makulay na
buhay ng hangal na matsing.
Bakit matagal – tagal ding hindi
nagpakita si Pagong?
Paano hinuli ni matsing si Pagong
sa puno ng mga sili?
Paano inilagay ni matsing ang sili
sa kanyang mga mata?
Bakit kaya gustong-gusto ni matsing
na subukan ang mga sinasabi ni
Pagong?
Paano nagtapos ang buhay ni
matsing?
Kung pabibigyan sa iyo ng bagong
pamagat ang kuwento, anong
pamagat ang ibibigay mo? Bakit?
Ipaliwanag.
Kung ipababago sa iyo ang wakas ng
kuwento, paano mo ito babaguhin?
Pangkat 1: Ang pinakamasayang
bahagi ng kuwento
Pangkat 2: Ang pinakamalungkot
na bahagi ng kuwento
Pangkat 3: Ang bahaging may
mapupulot na aral
Basahin ang talata tungkol sa likas na yaman.
Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. Mabibilang
mo rito ang yamang kagubatan na matatagpuan ng iba’t
ibang punungkahoy, ibon at hayop. Subalit ang mga
ipinagmamalaki nating mga likas na yamang ito’y unit-
unti nang naglaho. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring
pinuputol ang mga puno sa ating mga kabundukan.
Bunga ng pagkawala ng mga puno, nawawala na rin ang
mga ibon at mga hayop na naninirahan dito. Wala na
ang mga ugat ng mga punungkahoy na sumisipsip ng
tubig kaya’t madalas na ang pagbaha. Sino kaya ang
maaaring sisihin sa mga pangyayaring ito? Bilang
mamamayang Pilipino, paano natin maililigtas ang ating
kagubatan at kapaligiran na patuloy na sinisira ng ibang
kababayan natin?
Sagutin ang sumusunod na tanong.
A. Bilang isang responsableng
mamamayan, paano mo matutulungan
ang ating likas na yaman na mapanatili
ang kagandahan nito?
B. Bakit umabot sa punto na nawala ang
mga ibon at hayop sa kagubatan?
C. Paano mo maliligtas ang mga hayop sa
kagubatan sa kapahamakan na
naghihintay sa kanila?
D. Bakit naging pabaya ang mga Pilipino sa
ating likas na yaman?
Sagutin ang sumusunod na tanong.
A. Ano ang mga dapat isaalang-alang
kung isasalaysay muli ang
napakinggang teksto?
B. Paano mo ito gagawin? Bakit
kailangang bigyan ng pansin sa
pagsasalaysay ang mga
mahahalagang bahagi ng teksto na
binasa?
Sagutin ang sumusunod na tanong.
C. Paano naging isang magandand
kuwento ang “Oo Nga’t Pagong”?
Ano-ano ang mga natatanging
katangian ng mga karakter sa
kwento?
Isalaysay kung paano maging
mabuting mamamayang Pilipino
para sa ikauunlad ng ating bansa.
Bakit kinakailangan maging
mapagmasid sa mga nangyayari sa
ating komunidad?
Manood ng balita ngayong
gabi at maghanda sa
pagsasalaysay nito bukas.

More Related Content

Similar to t-filipino.pptxhggamhahfgavajjhgfvhhghkhhh

ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptxARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptxDanielAldeguer1
 
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptxGrade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptxJulemie
 
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)R Borres
 
Filipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEFilipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEghelle23
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekdionesioable
 
Module baitang 7-unang-markahan(1)
Module baitang 7-unang-markahan(1)Module baitang 7-unang-markahan(1)
Module baitang 7-unang-markahan(1)092998
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptmarryrosegardose
 
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo at
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo atModyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo at
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo atdionesioable
 
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPT
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPTFilipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPT
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPTKatrinaReyes21
 
Ang-Punong-Kawayan.pptx
Ang-Punong-Kawayan.pptxAng-Punong-Kawayan.pptx
Ang-Punong-Kawayan.pptxmharizencinas1
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinosolivioronalyn
 
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento F6PN-Ia-g-3.1
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento F6PN-Ia-g-3.1Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento F6PN-Ia-g-3.1
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento F6PN-Ia-g-3.1Remylyn Pelayo
 
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised
Learning package baitang-7-unang-markahan-revisedLearning package baitang-7-unang-markahan-revised
Learning package baitang-7-unang-markahan-revisedBaita Sapad
 
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised-051512
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised-051512Learning package baitang-7-unang-markahan-revised-051512
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised-051512Maveh de Mesa
 

Similar to t-filipino.pptxhggamhahfgavajjhgfvhhghkhhh (20)

ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptxARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
ARALIN 2-PABULA AT EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD.pptx
 
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptxGrade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q1_W3_Day 1-5.pptx
 
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)
Grade 7 Learning Module in Filipino (Learning Package - Quarter 1 to 4)
 
ESP-Q3-WEEK 3.pptx
ESP-Q3-WEEK 3.pptxESP-Q3-WEEK 3.pptx
ESP-Q3-WEEK 3.pptx
 
Filipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULEFilipino Grade 7 MODULE
Filipino Grade 7 MODULE
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
 
Matutong Magkaisa.pdf
Matutong Magkaisa.pdfMatutong Magkaisa.pdf
Matutong Magkaisa.pdf
 
Module baitang 7-unang-markahan(1)
Module baitang 7-unang-markahan(1)Module baitang 7-unang-markahan(1)
Module baitang 7-unang-markahan(1)
 
Natreviwerfil
NatreviwerfilNatreviwerfil
Natreviwerfil
 
Pagbubuo ng pang uri
Pagbubuo ng pang  uriPagbubuo ng pang  uri
Pagbubuo ng pang uri
 
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.pptGrade 8 Karunungang Bayan.ppt
Grade 8 Karunungang Bayan.ppt
 
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo at
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo atModyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo at
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo at
 
Mt lm q1 tagalog
Mt   lm q1 tagalogMt   lm q1 tagalog
Mt lm q1 tagalog
 
Mt lm q1 tagalog
Mt   lm q1 tagalogMt   lm q1 tagalog
Mt lm q1 tagalog
 
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPT
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPTFilipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPT
Filipino 2 Quarter 3- Mga Pang-ugnay PPT
 
Ang-Punong-Kawayan.pptx
Ang-Punong-Kawayan.pptxAng-Punong-Kawayan.pptx
Ang-Punong-Kawayan.pptx
 
mga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipinomga akdang pampanitikan sa filipino
mga akdang pampanitikan sa filipino
 
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento F6PN-Ia-g-3.1
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento F6PN-Ia-g-3.1Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento F6PN-Ia-g-3.1
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento F6PN-Ia-g-3.1
 
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised
Learning package baitang-7-unang-markahan-revisedLearning package baitang-7-unang-markahan-revised
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised
 
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised-051512
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised-051512Learning package baitang-7-unang-markahan-revised-051512
Learning package baitang-7-unang-markahan-revised-051512
 

More from CarmehlynBalogbog

COT 3-PRESENTATION FINALyhhggggjhggjgcvvvvvvvvvv
COT 3-PRESENTATION FINALyhhggggjhggjgcvvvvvvvvvvCOT 3-PRESENTATION FINALyhhggggjhggjgcvvvvvvvvvv
COT 3-PRESENTATION FINALyhhggggjhggjgcvvvvvvvvvvCarmehlynBalogbog
 
t-english.pdfjnnnnnnnnnnnnnnnzkkkkkkkkkk
t-english.pdfjnnnnnnnnnnnnnnnzkkkkkkkkkkt-english.pdfjnnnnnnnnnnnnnnnzkkkkkkkkkk
t-english.pdfjnnnnnnnnnnnnnnnzkkkkkkkkkkCarmehlynBalogbog
 
t-science-circuit.pptxabcdefghijklmnopqr
t-science-circuit.pptxabcdefghijklmnopqrt-science-circuit.pptxabcdefghijklmnopqr
t-science-circuit.pptxabcdefghijklmnopqrCarmehlynBalogbog
 
COT3 2024 POWERPOINT.pptx124678906tytyhj
COT3 2024 POWERPOINT.pptx124678906tytyhjCOT3 2024 POWERPOINT.pptx124678906tytyhj
COT3 2024 POWERPOINT.pptx124678906tytyhjCarmehlynBalogbog
 
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docx
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docxDIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docx
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docxCarmehlynBalogbog
 
2024 INSET-MELAI beginningreadersppt-.pdf
2024 INSET-MELAI beginningreadersppt-.pdf2024 INSET-MELAI beginningreadersppt-.pdf
2024 INSET-MELAI beginningreadersppt-.pdfCarmehlynBalogbog
 
1 Bust - size.pdfBBVGBCVBNVCNVBBVVCCBCCHHHHHHBB
1 Bust - size.pdfBBVGBCVBNVCNVBBVVCCBCCHHHHHHBB1 Bust - size.pdfBBVGBCVBNVCNVBBVVCCBCCHHHHHHBB
1 Bust - size.pdfBBVGBCVBNVCNVBBVVCCBCCHHHHHHBBCarmehlynBalogbog
 
certificates-HONORS 2024 hfddhgd.mnbbbbbb
certificates-HONORS 2024 hfddhgd.mnbbbbbbcertificates-HONORS 2024 hfddhgd.mnbbbbbb
certificates-HONORS 2024 hfddhgd.mnbbbbbbCarmehlynBalogbog
 
Assessing-Learning-in-Math-Classrooms.pptx
Assessing-Learning-in-Math-Classrooms.pptxAssessing-Learning-in-Math-Classrooms.pptx
Assessing-Learning-in-Math-Classrooms.pptxCarmehlynBalogbog
 

More from CarmehlynBalogbog (11)

COT 3-PRESENTATION FINALyhhggggjhggjgcvvvvvvvvvv
COT 3-PRESENTATION FINALyhhggggjhggjgcvvvvvvvvvvCOT 3-PRESENTATION FINALyhhggggjhggjgcvvvvvvvvvv
COT 3-PRESENTATION FINALyhhggggjhggjgcvvvvvvvvvv
 
t-english.pdfjnnnnnnnnnnnnnnnzkkkkkkkkkk
t-english.pdfjnnnnnnnnnnnnnnnzkkkkkkkkkkt-english.pdfjnnnnnnnnnnnnnnnzkkkkkkkkkk
t-english.pdfjnnnnnnnnnnnnnnnzkkkkkkkkkk
 
t-science-circuit.pptxabcdefghijklmnopqr
t-science-circuit.pptxabcdefghijklmnopqrt-science-circuit.pptxabcdefghijklmnopqr
t-science-circuit.pptxabcdefghijklmnopqr
 
COT3 2024 POWERPOINT.pptx124678906tytyhj
COT3 2024 POWERPOINT.pptx124678906tytyhjCOT3 2024 POWERPOINT.pptx124678906tytyhj
COT3 2024 POWERPOINT.pptx124678906tytyhj
 
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docx
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docxDIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docx
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN.docx
 
2024 INSET-MELAI beginningreadersppt-.pdf
2024 INSET-MELAI beginningreadersppt-.pdf2024 INSET-MELAI beginningreadersppt-.pdf
2024 INSET-MELAI beginningreadersppt-.pdf
 
1 Bust - size.pdfBBVGBCVBNVCNVBBVVCCBCCHHHHHHBB
1 Bust - size.pdfBBVGBCVBNVCNVBBVVCCBCCHHHHHHBB1 Bust - size.pdfBBVGBCVBNVCNVBBVVCCBCCHHHHHHBB
1 Bust - size.pdfBBVGBCVBNVCNVBBVVCCBCCHHHHHHBB
 
certificates-HONORS 2024 hfddhgd.mnbbbbbb
certificates-HONORS 2024 hfddhgd.mnbbbbbbcertificates-HONORS 2024 hfddhgd.mnbbbbbb
certificates-HONORS 2024 hfddhgd.mnbbbbbb
 
Assessing-Learning-in-Math-Classrooms.pptx
Assessing-Learning-in-Math-Classrooms.pptxAssessing-Learning-in-Math-Classrooms.pptx
Assessing-Learning-in-Math-Classrooms.pptx
 
action-cell-plan.docx
action-cell-plan.docxaction-cell-plan.docx
action-cell-plan.docx
 
December 2020(3).pptx
December 2020(3).pptxDecember 2020(3).pptx
December 2020(3).pptx
 

t-filipino.pptxhggamhahfgavajjhgfvhhghkhhh

  • 1. FILIPINO VI PAGSAGOT SA TANONG NA BAKIT AT PAANO
  • 2. Sabihin kung ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat hangal: matalino
  • 3. Sabihin kung ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat nagdaralita: naghihirap
  • 4. Sabihin kung ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat matagal: sandali
  • 5. Sabihin kung ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat namangha: nagulat
  • 6. Sabihin kung ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat intindihin: unawain
  • 7. Sabihin kung ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat lumubog: lumutang
  • 8. Sabihin kung ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat umuusok: umaaso
  • 9. Sabihin kung ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat lihim: sekreto
  • 10. Sabihin kung ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat dahop:sagana
  • 11. Sabihin kung ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat nabatid:nalaman
  • 12. Gawin ang sumusunod. 1. Gumuhit ng isang parisukat. 2. Sa loob ng parisukat, gumuhit ng bilog. 3. Sa loob ng bilog, gumuhit ng parisukat. 4. Kulayan ng iba-iba ang bawat espasyo.
  • 13. Sino sa inyo ang mahilig manood ng palabas sa telebisyon?
  • 14. Basahin natin ang kuwentong “Oo Nga’t Pagong”
  • 15. Matagal-tagal ding hindi umahon ang pagong. Natatakot kasi siyang muling magkita sila ni matsing. Nang inaakala niyang matagal nang panahon ang lumipas, naglakas-loob siyang umahon sa ilog at maglakad-lakad naman sa dalampasigan.
  • 16. Nakarating si Pagong sa isang taniman ng mga sili. Marahang-marahang naglalakad si Pagong sa paligid ng taniman. Natutuwang minamasdan ni Pagong ang mga puno ng sili na hitik na hitik sa bungang pulang-pula dahil sa kahinugan. Wiling-wili siya sa panonood sa mga mapupulang sili at hindi niya namalayan ang paglapit ni matsing.
  • 17. "Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na makaliligtas ngayon sa akin," ang sabi ni Matsing sabay sunggab sa nagulat na pagong. "Kung naloko mo ako noon, ngayon ay hindi na. Hinding hindi na," nanggigigil na sigaw ni Matsing.
  • 18. "Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko kayo naiintindihan sa pinagsasasabi ninyo," ani Pagong. "Ano? Hindi ba't ikaw ang pagong na nagtanim ng saging? Ikaw ang pagong na inihagis ko sa ilog?" sabi ni Matsing. "Aba! Hindi po. Hindi ko po nalalaman iyon. At hindi ko rin kilala kung sino mang pagong iyong inihagis nyo sa ilog," tugon ni Pagong.
  • 19. "Hindi nga ba ikaw iyong damuhong pagong na iyon?" tanong ni Matsing na pinakasipat-sipat ang hawak na pagong. "Talaga pong hindi!" ani Pagong. "Matagal na po ako rito. Ang gawain ko po ay magbantay ng mga mapupulang bungang ito," dugtong pa ni Pagong. "Bakit, ano ba ang mga mapupulang bungang iyan?" ang tanong ni Matsing.
  • 20. "A, e, ito po ay gamot sa mata ng lola ko. Inilalagay niya po ito sa mata kapag kumakati. Pero hindi po kayo maaaring kumuha nito, para sa lola ko lamang ito," sabi ni Pagong. "Makati rin ang mata ko. At sa ayaw mo't sa gusto, kukuha ako nito," ani Matsing at namitas agad ng maraming pulang sili. Piniga niya't niligis ang mga sili sa dalawang palad at kanya itong ipinahid sa kanyang mga mata.
  • 21. "Kra-kra-kra..." nagtatatarantang na sigaw ni Matsing pagkat halos umusok ang dalawang mata niya sa hapdi at kirot. Mainit na mainit ang mga mata niya. Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong. Subalit wala na ito at nakalayo nang nagtatawa. Naisahan na naman ang hangal na matsing.
  • 22. Maraming araw ding nangapa- ngapa ng mga bagay sa kanyang paligid si Matsing. At si Pagong naman ay malayang nakapamamasyal. Isang araw, nasa isang bakuran si Pagong. May handaan doon at nagkakatay ng baboy. Sa malapit sa kinalalagyan ni Pagong ay may mga taong nagpapakulo ng tubig sa isang malaking kawa. Tahimik na nagmamasid- masid doon si Pagong. Nagulat siya. Bigla kasi siyang sinunggaban ni Matsing.
  • 23. Nahuli na naman kita. Niloko mo ako noon. Hinding hindi na kita paliligtasin ngayon," ang sabi ni Matsing. "Dahil sa iyo, matagal akong hindi nakakita.“ "Ako po ang dahilan? Bakit po?" tanong ni Pagong. "E, ano pa! Hindi ba't ikaw ang Pagong na kinunan ko ng sabi mo'y gamot sa mata ng lola mo? E iyon pala'y nakabubulag," ang sabi ni Matsing.
  • 24. "Aba, naku! Hindi po. Ako po'y matagal na rito sa pwesto kong ito. Ako po'y nagbabantay ng kawang iyon na paliguan ng aking nanay," ang sabi ni Pagong. Itinuro kay matsing ang tubig na kumukulo sa kawa. "Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng nanay mo?" manghang tanong ni Matsing.
  • 25. "Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag po ninyong sasabihin kahit kanino. Iyan po ang pampapula ng pisngi ng Nanay ko," paliwanag ni Pagong. "Ibig ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ni Matsing.
  • 26. "Ay hindi po maaari ito para sa inyo. Talagang para sa nanay ko lamang po iyan," sabi ni Pagong. "A, basta! Gusto ko ring pumula ang pisngi ko," sabi ng hangal na matsing at tumakbong mabilis at lumundag sa loob ng kawa ng kumukulong tubig. At doon natapos ang makulay na buhay ng hangal na matsing.
  • 27. Bakit matagal – tagal ding hindi nagpakita si Pagong? Paano hinuli ni matsing si Pagong sa puno ng mga sili? Paano inilagay ni matsing ang sili sa kanyang mga mata?
  • 28. Bakit kaya gustong-gusto ni matsing na subukan ang mga sinasabi ni Pagong? Paano nagtapos ang buhay ni matsing?
  • 29. Kung pabibigyan sa iyo ng bagong pamagat ang kuwento, anong pamagat ang ibibigay mo? Bakit? Ipaliwanag. Kung ipababago sa iyo ang wakas ng kuwento, paano mo ito babaguhin?
  • 30. Pangkat 1: Ang pinakamasayang bahagi ng kuwento Pangkat 2: Ang pinakamalungkot na bahagi ng kuwento Pangkat 3: Ang bahaging may mapupulot na aral
  • 31. Basahin ang talata tungkol sa likas na yaman. Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. Mabibilang mo rito ang yamang kagubatan na matatagpuan ng iba’t ibang punungkahoy, ibon at hayop. Subalit ang mga ipinagmamalaki nating mga likas na yamang ito’y unit- unti nang naglaho. Sa kasalukuyan, patuloy pa ring pinuputol ang mga puno sa ating mga kabundukan. Bunga ng pagkawala ng mga puno, nawawala na rin ang mga ibon at mga hayop na naninirahan dito. Wala na ang mga ugat ng mga punungkahoy na sumisipsip ng tubig kaya’t madalas na ang pagbaha. Sino kaya ang maaaring sisihin sa mga pangyayaring ito? Bilang mamamayang Pilipino, paano natin maililigtas ang ating kagubatan at kapaligiran na patuloy na sinisira ng ibang kababayan natin?
  • 32. Sagutin ang sumusunod na tanong. A. Bilang isang responsableng mamamayan, paano mo matutulungan ang ating likas na yaman na mapanatili ang kagandahan nito? B. Bakit umabot sa punto na nawala ang mga ibon at hayop sa kagubatan? C. Paano mo maliligtas ang mga hayop sa kagubatan sa kapahamakan na naghihintay sa kanila? D. Bakit naging pabaya ang mga Pilipino sa ating likas na yaman?
  • 33. Sagutin ang sumusunod na tanong. A. Ano ang mga dapat isaalang-alang kung isasalaysay muli ang napakinggang teksto? B. Paano mo ito gagawin? Bakit kailangang bigyan ng pansin sa pagsasalaysay ang mga mahahalagang bahagi ng teksto na binasa?
  • 34. Sagutin ang sumusunod na tanong. C. Paano naging isang magandand kuwento ang “Oo Nga’t Pagong”? Ano-ano ang mga natatanging katangian ng mga karakter sa kwento?
  • 35. Isalaysay kung paano maging mabuting mamamayang Pilipino para sa ikauunlad ng ating bansa. Bakit kinakailangan maging mapagmasid sa mga nangyayari sa ating komunidad?
  • 36. Manood ng balita ngayong gabi at maghanda sa pagsasalaysay nito bukas.