SlideShare a Scribd company logo
2
“Di Maabot ng Kawalang-
Malay”
Ni Edgardo M. Reyes
(Maikling Kuwento)
A. Buod
Sa simula'y ang paglalaro ng dalawang bata ng taguan-lata, sina Ida at Emy
—isang larawan ng kainosentihan ng dalawang bata. Nang hapon na'y kinailangan
nang umuwi ni Ida pagkat pauwi na di umano ang kanyang ina, may sakit ang
kanyang kapatid na si Obet, at baka mapagalitan si Ida kapag dumating ang ina na
wala ito upang bantayan si Obet.
Sa halip na maputol ang paglalaro, sumama na lang si Emy sa bahay ni Ida
upang makipagkuwentuhan. Mauungkat sa kuwentuhang ito ang di nila masigurong
trabaho ng nanay ni Ida—umaalis nang bihis na bihis, magandang-maganda, at
kapag bumalik ay marami nang pera. Sa mga kuwentuhang ito'y may mga kataga
pa ring hindi masabi-sabi ang dalawang bata; lalo, pagdating sa usapin ng 'tunay'
na trabaho ng ina ni Ida. Muungkat din na wala nang ama si Ida ngunit hindi na
nasabi ang dahilan nito. Si Emy nama'y magsasabing ang kanyang ina ay laging
naglalaro/nagsusugal ng baraha. Ginabi sila sa kuwentuhan at kinailangan nang
umuwi ni Emy.
Naiwan si Ida sa dumidilim na barung-barong. Nagugutom na siya. Nagsindi
siya ng gasera. Maya-maya'y tanaw na niya ang paparating na ina at sinalubong
ito. Iniabot ng kanyang ina ang isang supot. Inakyat ng ina si Obet at pinainom ng
gamot. Kinain ni Ida ang pansit mula sa supot. Napansin ni Ida ang naglandas na
luha sa pisngi ng ina. Tinanong Ida ang ina. Hindi sumagot ang ina. Nangalahati na
sa kinakaing pansit si Ida nang inalok niya ang kalahati sa kanyang ina. Kumain na
daw ito. Nagpaalam si Ida na dadalhin na lamang ang natirang pansit sa kaibigang
si Emy. Pumayag ang ina.
3
Patakbong dinala ni Ida ang supot na may lamang pansit patungo kina Emy.
Sa eskinita'y matitisod si Ida. Matatapon ang pansit sa kanal.
B. Elementong Pampanitikan Batay sa Dulog Formalistiko
Sa dulog formalistiko higit na pinagtutuunan ng pansin ang istruktura
o pagkakabuo sa isang akda. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na
ang kariktan ng isang akda ay nasa anyo o porma nito at walang kaugnayan
ang pinagmulan, pagkatao at mga karanasan sa buhay ng manunulat sa
pagkakabuo ng isang akda.
Ang pagtuklas at pagpapaliwanag ng anyo ng akda ang tanging
layunin ng pagsusuring formalistiko. Pinaniniwalaan din kasi sa dulog na ito
na ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa
sariling paraan. Anumang akda ay may mga elemento at bawat elemento ay
magkakaugnay. Dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri, wala
ring lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa. Samaktuwid,
tahasang idinidikta ng may-akda ang nais niyang ipaabot sa mambabasa
nang hindi humihingi at nangangailangan pa ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang-unawa.
Sa pamamagitan ng pagsusuri batay sa dulog na ito, nagkakaroon ng
batayan o saligan ang mambabasa sa kung papaano nito higit na
mapahahalagahan ang kasiningan ng isang akdang hinimay-himay ang
pagkakabuo. At sapagkat maaaring masalamin ng sino man ang kanyang
sarili sa pamamagitan ng panitikan, magsisilbing gabay ito upang ang
realidad ng buhay ay kanyang mapagtagumpayan sang-ayon sa kung
papaano nakihamok ang tauhan sa akda sa kanyang suliranin sa isang
partikular na lipunang kanyang kinabibilangan.
1. Uri ng Genre- Maikling Kuwento ng Tauhan
4
Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan na naglalayong
magsalaysay ng isang mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay
ng pangunahing tauhan na nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mga
mambabasa. Ito ay likha ng bungang-isip ng manunulat na hango sa isang
bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari. Sapagkat ito’y
may makitid na larangan, mabilis na galaw kaya’t tuluy-tuloy ang
pagsasalaysay, matipid at payak ang mga pangungusap, kakaunti ang mga
tauhan na lagi nang may pangunahing tauhan, payak o karaniwan ang paksa
at maikli ang panahong sinasakop.
Ayon kay Animoza (2006), ang maikling kuwento ay isang uri ng
akdang tuluyan na lumilikha ng isang tauhang may naiibang pagkatao at
katangian o kaya’y may naiibang karanasan.
Sa uri ng kuwentong ito- kuwento ng tauhan, inilalarawan ang mga
pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan
ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. Sa madaling
salita, higit na binibigyang-diin dito ang pangunahing tauhan.
Matutunghayan sa simula pa lamang ng akda na ang kuwento ay
pumapaimbulog sa isang pitong taong gulang na batang babae na siya
namang pinatutungkulan at inilalarawan ng pamagat nito. Bilang isang bata,
karapatan nitong maging malaya sa mga suliraning kaakibat ng buhay na ‘di
pa maabot ng kaniyang murang isipan. Ang kaniyang kawalang-malay sa
mga suliraning ito ang siya rin namang nagliligtas sa kanya upang mabuhay
ng masaya at malayo sa mga problemang dala ng buhay.
Ang sumusunod na pahayag ay nagpapatunay na ito ay isang kuwento
ng tauhan:
[1]
“Tinakpan ng batang babae ang kupi at kalawanging
lata gatas. Nanggigipalpal sa alikabok ang kanyang paa’t
binti. Kaypala’y mga pitong taong gulang siya.”
[2]
“Hinawi ng bata ang ilang hibla ng tuwid at
malagong buhok na lumaylay sa kanyang mukhang
5
nangingintab sa pawis. Bahagya siyang yumuko.
Nagpalinga-linga. Paikot na sinuyod ng tanaw ang
kabuuan ng makipot na bakuran. Malikot ang bilugan at
maitim niyang mata.”
(p. 123;tal. 1- 2)
[6]
“Kumurap-kurap ang mga mata ng bata. Patuloy na
nakatuon ang kanyang tingin sa talaksan ng kahoy.
Tumaas-bumaba ang kanyang manipis na dibdib na ang
kaliwang bahagi ay inihahantad ng pilas at marurusing na
damit sa laylayan ay may naglawit na himulmol.”
(p. 123;talata 6)
Litaw na litaw ang pagiging bata ng tauhan sa akda. Ang pagkahilig
nito sa paglalaro ay inilarawan din sa akda. Gayundin, kapansin-pansin ang
kawalang-malay nito sa mga bagay-bagay na nagaganap sa kanyang paligid
na di kayang abutin ng kaniyang murang isipan.
2. Paksang-Diwa o Tema
Ayon kay Animoza (2006), ang diwa noong una’y nangangahulugan ng
aral subalit ngayon, lalo na sa sangay ng maikling kuwento, iyan ay walang
ibig sabihin kundi mahalagang pangkaisipan (significant idea). Ang diwa ay
kaluluwa ng kalamnan, ang daloy ng walang patid sa loob ng kuwento na
gayong hindi nakikita ay nasasalat naman ng damdamin.
Ito ay itinuturing na kaluluwa ng alinmang akdang pampanitikan higit
ng maikling kuwento sapagkat ang paksang-diwa ang siyang naghahayag ng
pagkaunawa ng mambabasa sa buhay at kapaligiran. Dito nakatuon at
umiinog ang bawat pangyayari sa kuwento na maaaring magdulot ng
malaking pagbabago sa mambabasa sa anumang aspeto ng buhay.
Kamus-musan na siyang dahilan ng kawalang-malay o pagka-inosente
ng mga bata sa mga bagay-bagay na may malaking epekto sa kanilang
buhay ang isa sa naging sentro ng akda. Ang paulit-ulit na pagbanggit ng
salitang “ewan” at “’di ko alam” ng pangunahing tauhan bilang tugon nito sa
mga tanong ng kanyang kalaro tungkol sa kanyang buhay ay isang
6
indikasyon na hindi pa nito sadyang nauunawaan ang lahat-lahat patungkol
sa mga bagay-bagay.
Narito ang patunay:
[21]
“Oo nga, e… Ngayon, sabi ng nanay ko, sabi…
kelangang mapagamot daw uli dahil… dahil… ewan ko
ba…” (p. 124;talata 21)
[23]
“Di ko laan, e… Ang nanay ko, laan…”
(p. 125;talata 23)
[40]
“O, e ba’t… kanginang ‘malis ang nanay mo, nakita
ko… ang ganda-ganda ng suot. Siguro, mahal ‘yon, no?”
[41]
“Ewan.”
[42]
“Bakit ewan?” (p. 126;talata 40-42)
[44]
“Kasi… kasi, uwi lang niya ‘yon no’ng minsang
umalis siya. Sabi ko nga, ‘Nay, bi… binili mo? Sabi niya…
sabi niya… ewan. Di ko maisip ang sabi niya, e.”
(p. 126;talata 44)
Ang pagiging bata ay itinuturing na isa sa pinakamasayang bahagi ng
buhay ng tao sapagkat sa panahong ito walang anuman silang ibang iniisip
kundi ang maglaro, matulog, kumain at mag-aral kung naisin. Ang mga
bagay na hindi kayang abutin ng kanilang murang isipan ay maaaring
ipagsawalang-bahala. Gayundin naman ang pagharap sa mga suliranin ng
buhay ay hindi maaaring ipilit sa kanila upang bigyang-kalutasan.
Ikalawa, ipinakita rin sa akda ang labis na kahirapan ng buhay lalo na
sa mga squatters area.
7
Narito ang patunay:
[70]
“Wala kaming kanin, e. Kanginang umaga nga
pinautang lang ako ng Nanay ng pandesal ke Aling
Bebang. Tatlo. Tig-iisa kami. Saka… saka… kanginang
tanghali… ano ‘yon… ‘yong… k’wan, lugaw. ‘Yon ang
kinain naming.’Alang ulam. Sabi ni Nanay, pag… lugaw
daw, talagang ‘alang ulam.” (p. 128;talata 70)
Ang uri ng pamumuhay rito ay hindi mapasusubaliang mahirap at may
kagipitan lalo na sa mga taong hindi nakapag-aral at walang ng matinong
hanap-buhay. Ito ang siyang nag-uudyok sa kanila upang kumapit sa
patalim nang sa gayon ay pansamantalang may maipantustos sa pang-araw-
araw na pangangailangan gaya ng ina ni Ida na napipilitang magbenta ng
aliw.
Tunghayan ang patunay:
[40]
“O, e ba’t… kanginang ‘malis ang nanay mo, nakita
ko… ang ganda-ganda ng suot. Siguro, mahal ‘yon, no?”
(p. 126;talata 40)
[56]
“Sabi ni Aling Bebang, m-maganda raw ang nanay
mo. Pero, ang nanay mo raw… ang nanay mo raw…”
(p. 127;talata 56)
[58]
“Yong sabi ni Aling Bebang. ‘Yong… kaya raw… kaya
raw ganoon ang nanay mo, e, dahil ‘ala kang tatay. Bakit
nga ‘ala kang tatay, ha, Ida?” (p. 127;talata 58)
Mababanaag sa mga pahayag na nauunawaan at pinag-uusapan ng
mga matatanda ang paraan ng paghahanap-buhay ng ina ni Ida. Mahihinuha
ring nakabantay ang mga mata ng kanilang mga kapit-bahay sa kanyang ina
kung nakagayak o nakapustura ito sa tuwing umaalis.
3. Banghay
3.1 Simula
8
Ayon kina Guerero at mga kasama nito (2012), ang bahaging ito ay
sadyang napakahalaga sapagkat nakasalalay dito ang pagpukaw sa
kawilihan ng mambabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa ng akda. Dito’y
inilalarawan at ipinakikilala ang mga tauhan, tagpuan at suliraning
kakaharapin ng tauhang tampok sa akda.
Naging masining ang may-akda sa kanyang paglalarawan sa bawat
pangyayari upang agad ay mapagana ng mga mambabasa ang kanilang
imahinasyon. Sa simula’y agad mahihinuha ang kaugnayan ng pamagat sa
kuwento nang ihayag at ilarawan nito ang katangian ng mga tauhan.
Matutunghayan ang patunay sa ibaba:
[1]
“Tinakpan ng batang babae ang kupi at kalawanging
lata gatas. Nanggigipalpal sa alikabok ang kanyang paa’t
binti. Kaypala’y mga pitong taong gulang siya.”
[2]
“Hinawi ng bata ang ilang hibla ng tuwid at
malagong buhok na lumaylay sa kanyang mukhang
nangingintab sa pawis. Bahagya siyang yumuko.
Nagpalinga-linga. Paikot na sinuyod ng tanaw ang
kabuuan ng makipot na bakuran. Malikot ang bilugan at
maitim niyang mata.”
(p. 123;talata 1-2)
[9]
“Pung, Emy!” sigaw ng bata kasunod ang matinis na
hagikgik. Palundag siyang tumayo at halos magkadarapa
sa pagtakbong pabalik sa lata ng gatas. Tinakpan niya
iyon.”
[10]
“Seyb!” At makaitlong napalundag ang bata:
nakatawa, nakatuon sa hita ang mga palad.”
(p. 124;talata 9-10)
Mauunawaang ang bata ay nakikipaglaro sa simula ng kuwento. Ang
pagiging marusing, pawisan, at walang kaayusan nito sa sarili ay ‘di nito
alintana dala ng matinding kagustuhan nitong mahanap ang nagtatagong
kalaro. Isa itong malinaw na paglalarawan na bilang mga bata ay paglalaro
ang siyang tanging makapagpapasaya sa kanila sa kabila ng kabalituan ng
9
buhay na mayroon sila. Ito ay isa ring paraan ng pagtakas sa katotohanan
at mga suliraning naghihintay sa kanila.
3.2 Suliranin
Ang suliranin ay ang pagsubok na kinakaharap ng tauhan sa akda. ito
ang magpapalutang sa katangiang taglay ng tauhan na maaaring positibo o
negatibo at magbibigay-daan upang magkaroon ng kulay at maging kawili-
wili ang mga pangyayari sa kuwento.
Ang pagkakasakit ni Obet, nakababatang kapatid ni Ida, ang siyang
suliranin sa kuwento. Ito ang siyang naging dahilan upang ang masayang
pakikipaglaro ni Ida kay Emy ay matigil.
Narito ang patunay:
[13]
“Dinampot ng tinawag na Ida ang lata. Akmang
ihahagis sa malayo. Nguni’t hindi nagtuloy. Dahan-
dahang bumaba ang kamay niyang may hawak sa lata.
Hinarap niya si Emy. Pagkuwa’y tumanaw siya sa bahay
sa kabilang bakuran. Nakakunot ang kanyang noo.”
[14]
“’Yoko na kaya…” sabi ni Ida.” (p. 124;tal. 13-14)
[16]
“Hapon na, e. Baka… baka dumating ng nanay ko.”
[17]
“Ma’no? ‘Andito ka lang naman sa’min.”
[18]
“Oo nga… pero… pero…, m-me sakit si Obet, e.
Pinababantayan sa’kin ni Nanay.”
[19]
“Baka magalit pag… pag dumating siya na ‘ala ko sa’min.
Tulog lang kangina si Obet kaya… kaya ‘ko nakaalis.”
[20]
“Me sakit na naman pala si Obet, no? Di ba no’ng
k’wan lang… kelan ‘yon… dinuktor siya… ‘ka mo no’n?”
10
[21]
“Oo nga, e… Ngayon, sabi ng nanay ko, sabi…
kelangang mapagamot daw uli dahil… dahil…ewan ko
ba…” (p. 124;talata 16-21)
Bagaman nakahadlang ang pagkakasakit ng kapatid sa pakikipaglaro sa
kaibigan ang pag-ayaw ay naglalarawan naman ng pagiging responsableng kapatid ni
Ida at masunuring anak sa tagubilin ng kanyang magulang. Ang pag-aalala sa kapatid
ay mapapansin sa kanya.
3.3 Tunggalian
Dito inilalahad ang pagharap ng pangunahing tauhan sa masalimuot
na kaganapan sa akda. Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo
upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari
kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda.
Ang pagiging musmos ni Ida na hindi pa lubusang nauunawaan ang
katotohanan ng buhay ay siya nitong kalikasan. Karaniwang nagiging
dahilan ito upang maisantabi ang mga kagaya niya sa mga suliraning
kaakibat ng buhay.
Dahil dito, bilang magulang, tungkulin ng kanyang ina na labanan ang
kahirapan ng buhay. Ang magpunyagi nang may maipangtustos sa kanilang
pangangailangan sa kabila ng pag-iisa, karukhaan at kagipitan ay dapat
nitong gawin. Sa sariling pamamaraan ipinakita ng ina ang kanyang
pagharap sa hamon ng buhay at lipunang kanyang kinabibilangan sa
pamamagitan ng paghahanap-buhay sa mabilis na paraan, ang pagkapit sa
patalim. Matutunghayan sa naging usapan ng magkaibigang batang babae
ang paraan kung paano tinutustusan ng ina ni Ida ang kanilang mga
pangangailangan:
[47]
“Saan ba nagpunta ang nanay mo?”
(p. 126;talata 47)
11
[48]
“Ewan. Sa dati siguro.”
[49]
“Saan dati?”)
[50]
“Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi…
kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang
nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang
dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro,
doon uli siya nagpunta. Ewan.”
(p. 127;talata 48-50)
Sa inosenteng kagaya ni Ida, ang hanap-buhay ng kanyang ina ay
isang palaisipan subalit sa mga lubusang nakauunawa sa buhay na kanilang
kiansasadlakan, ang mabilis na pagkakaroon ng salapi ay mula sa
pagbebenta nito ng aliw.
3.4 Kasukdulan
Sa bahaging ito matutunghayan ang katuparan o kasawian ng
pangunahing tauhan sa kanyang ipinaglalaban. Mahalagang bahagi ito ng
akda sapagkat ipinakikita rito ang mga pangyayari kung saan ang sagabal
ay unti-unting nabibigyang-kalutasan at ang kapalaran ng pangunahing
tauhan ay mahihinuha’t mapagpapasyahan na.
Ang pagdating ng ina ni Ida ang siyang nagbigay sigla at pag-asa sa
kanya at sa kapatid na may karamdaman. Nakasalalay sa kanyang ina ang
lunas sa mga sakit na nadarama nilang magkapatid. Si Ida na tiyak mula pa
pananghalian na di napunan ng anumang pagkain ang sikmura ay gutom na
gayundin ang nakababatang kapatid na si Obet na nakikipaglaban sa hirap
na nadarama ng kanyang katawan dulot ng pagkakasakit. Kaya naman,
pinananabikan ni Ida ang pagbabalik ng ina mula sa kung saan. Ang
susunod na pahayag ay magpapatunay rito:
[77]
“Patalong nanaog si Ida. Patakbong sumalubong sa
darating.”
12
[78]
“Nay!” malayo pa ang babai’y hiyaw na ni Ida.
Nagkakatapi-tapilok siya sa mabatong eskinita.”
[79]
“Huminto sa pagtakbo si Ida nang malapit sa babae.
Yumakap siya sa hita nito.”
(p. 129;talata 77-79)
[82]
“Nagpatuloy sa paglalakad ang babae. Higit na
mabilis ang kanyang hakbang. Patakbo namang sumunod
si Ida. Sapo niya ng mga palad ang ilalim ng supot na
hawak ng ina, hanggang sa tuluyang bitawan nito iyon at
mailipat sa kanyang kamay.” (p. 129;talata 82)
3.5 Kakalasan
Ang elementong ito ng maikling kuwento ay nag-iiwan ng impresyon
sa isipan at kumukurot sa damdamin ng mambabasa. Patungo ito sa
katapusan at kalutasan ng suliranin sa akda.
Ang pagkain ni Ida ng pansin na tila iyon na ang pinakamasarap na
pagkaing natikman niya sa buong buhay niya ay kumukurot sa puso ng
kanyang ina na nagbunsod upang umagos ang luha sa mga mata nito.
Matutunghayan ang patunay sa ibaba:
[92]
“Makailang napalunok si Ida. Nanginginig ang
kanyang kamay nang dumampot siya ng pansit at
sumubo. Namulawan siya. Pahigop niyang nilulon ang
ilang naglawit na miki at bihon. Abut-abot ang kanyang
pagnguya, pagsubo.”
[93]
“Nag-angat ng mukha si Ida. Sumulyap siya sa ina.
Tumango. Ngunit saglit lamang. Muli siyang nag-angat ng
mukha at tumingin sa ina. Ang haplit niyang pagnguya ay
unti-unting dumalang hanggang sa tuluyang mapakat ang
kanyang bibig.”
[94]
“Ang babae ay nakatitig din kay Ida. Kukurap-kurap
ang mga mata. May kumislap doon. Nagsipaglandas sa
13
gilid ng ilong. Dumaan sa sulok ng mapulang labi.
Nagtagpo sa ilalim ng baba. Nagsamang gumuhit na
pababa sa leeg.” (p. 130;talata 92-94)
‘Di man lubusang ipahayag ng ina ang nadarama ay mababanaag dito
ang nadaramang kasawian sa kapalarang mayroon silang mag-iina. Ang
luhang umagos sa mga mata niya ay naglalarawan ng maraming bagay-
pagmamahalan at pagkahabag sa kanyang anak na ‘di man tahasang
binanggit o ipahayag ay makikita’t madarama na sa kanya nakasalalay ang
kinabukasan at buhay ng kanyang mga anak.
3.6 Wakas
Ayon kina Guerero at mga kasama nito (2012), sa bahaging ito
nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin. Ang kahihinatnan ng mga tauhan at
ng mga pangyayari sa akda ay inilalahad dito.
Bagama’t ang isang maikling kuwento ay maaari nang magwakas sa
kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ang isang katuusan
upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari
ritong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing
tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.
Nag-iwan ng tuwa at panghihinayang ang pagwawakas sa akda. Sa
kabila ng pagiging bata at kalagayan sa buhay ni Ida, kapansin-pansin na
marunong itong makipagkapwa sa halip iatabi ang natitirang pansit ay
naisipan nitong ibahagi sa kaibigang sumama sa kanya sa pag-uwi sa
kanilang bahay. Sa kasamaang palad, ang kapanabikan ni Idang maihatid
at maibigay ang natitirang pansit sa kaibigang si Emy ay nauwi sa wala.
Pagmamadali at kawalang-ingat ang siyang naging dahilan ng pagtilapon at
pagkalat ng pansin sa makutim na lubak sa kanal.
Tunghayan ang patunay:
14
[103]
“Nay,” tawag ni Ida at kinalabit sa bisig ang ina.
“Dadalhan ko nang konti nito si Emy. Sinamahan naman
niya ako kangina rito, e. Ha, “Nay, ha?” (p. 130 ;tal.103)
[106]
“M-magugulat si… si Emy,” sabi ni Ida. ‘Kala siguro
n’ya, di tayo… di tayo nagkakar’on ng pansit! ‘Kala siguro
niya, panay lu… lugaw ang kinakain natin!”
[107]
“Pagkabalot ng pansit ay nagmamadaling nanaog si
Ida. Patakbo niyang tinalunton ang makitid na eskinita.
Nagkatisud-tisod siya sa nakausling bato hanggang sa
tuluyang madapa. Sumambulat ang pansit. Humagis na
pakalat hanggang sa makutim na labak sa kanal.”
(p. 131;talata 106-107)
Sa mundong ito, ang buhay ng ilan sa atin ay masasalamin sa
kuwento ng batang si Ida. Ang pagiging mapagbigay sa kabila ng kahirapang
nararanasan ay ating nagagawa. Gayundin, makikita na sa kabila ng
pagkapit sa patalim ng ina ni Ida ay pinalalaki siya nitong mabuting bata.
Malungkot mang isipin, tulad ng tumilapong pansit sa kanal, ang
maginhawang buhay para sa mga kagaya nilang mahihirap ay pansamantala
lamang. Sapagkat sa kanilang paggising kinabukasan ay naghihintay pa rin
ang isang malaking suliraning dapat nilang harapin- ang kahirapan.
4. Paglalarawang-Tauhan
Sinasabing ang tauhan ang siyang nagbibigay-buhay sa akda. Malaki
ang gampanin ng tauhan sa paghinuha at pagkamulat ng mambabasa sa
kaisipang hatid ng akda. Maaaring makilala ang tauhan batay sa kanyang
panlabas na kaanyuan o lalong mabisa pa sa kanyang iniisip, sinasalita at
ikinikilos.
Ang pagkainosente ng pangunahing tauhan sa mga bagay-bagay sa
kanyang paligid maging sa kanyang pagkatao ay naglalarawan at
nagpapatunay na di pa nito lubusang nauunawaan ang kanyang kalagayan
15
sa buhay na niyag harapin. Ang hanapbuhay ng kanyang ina ay isa ring
palaisipan sa kanya. Matutunghayan ang mga patunay sa susunod na
usapan sa ibaba:
[47]
“Saan ba nagpunta ang nanay mo?” (p. 126;tal. 47)
[48]
“Ewan. Sa dati siguro.”
[49]
“Saan dati?”
[50]
“Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi…
kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang
nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang
dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro,
doon uli siya nagpunta. Ewan.”
(p. 127;talata 48-50)
Bilang bata madali rin itong mapaniwala sa kung ano ang sinasabi sa
kanya ng sino mang nakatatanda lalo ng kanyang magulang.
Basahin ito sa usapan sa ibaba:
[58]
“Yong sabi ni Aling Bebang. ‘Yong… kaya raw… kaya
raw ganoon ang nanay mo, e, dahil ‘ala kang tatay. Bakit
nga ‘ala kang tatay, ha, Ida?”
[59]
“A, meron po.”
[60]
“Nasaan siya?”
[61]
“Kuwan… sabi ng nanay ko, patay na raw.”
[62]
“Patay?”
[63]
“Oo. Pero, kung di patay ang tatay ko, sabi ng
Nanay, palaging ang dami-dami raw naming pera. Kasi,
patay na siya, e.”
16
[64]
“Sana, hindi patay ang tatay mo.”
(p. 127; talata 58-64)
[65]
“Sana nga.” Yumuko si Ida. Pinalis ang mga libag na
nahilod sa tuhod. “Alam mo, sabi ng nanay ko, sabi, no’n
daw buhay ang tatay ko, pulis daw. Matapang siya…
talaga… ‘kala mo… Saka, ‘ala pa raw kami rito no’n. Sa…
sa malayo kami nakatira.” (p. 128;talata 65)
Dagdag pa sa patunay nang pagiging bata ni Ida ang kawalang-ingat
at padalos-dalos ng kilos nito.
Narito ang mga patunay:
[77]
“Patalong nanaog si Ida. Patakbong sumalubong sa
darating.”
[78]
“Nay!” malayo pa ang babai’y hiyaw na ni Ida.
Nagkakatapi-tapilok siya sa mabatong eskinita.”
(p. 129;talata 77-78)
[107]
“Pagkabalot ng pansit ay nagmamadaling nanaog si
Ida. Patakbo niyang tinalunton ang makitid na eskinita.
Nagkatisud-tisod siya sa nakausling bato hanggang sa
tuluyang madapa. Sumambulat ang pansit. Humagis na
pakalat hanggang sa makutim na labak sa kanal.”
(p. 131;talata 107)
5. Tagpuan
Bilang mahalagang elemento, ang tagpuan ay mahalagang masuri rin
dahil isa ito sa mga salik na may malaking impluwensiya sa paghubog at
pagpapabago sa kamalayan at pagkatao ng mga tauhan sa akda.
Ang tagpuan ay tumutukoy sa lugar at panahong pinangyarihan ng
mga tagpo sa akda. Naglalarawan ito sa ginagalawan o kapaligiran ng
tauhan.
17
Naganap ang kuwento sa lugar na kabilang sa masasabing may
kahirapan ang buhay. Karaniwang tinatawag ito ng karamihang squatters
area. Sa lugar na ito makikita ang mga di kaaya-ayang bagay maging ang
paraan ng pagpapalipas ng oras at ng isang araw ng mga taong naninirahan
doon.
Narito ang patunay:
[3]
“Pasaglit-saglit, sa pag-ikot ng bata ay tumigil siya,
nagpapako ng tingin sa dram ng tubig sa may gripong
labahan, sa yerong nakatabing sa naglalawa at mabahong
pusalian, sa tabinging tiklis na tapunan ng mga basurang
nilalangaw sa gilid ng eskinita, sa matayog na posteng
ilaw sa labas ng bakod na alambreng may tinik.”
(p. 123;talata 3)
[26]
“Ala ditong nanay ko. Nag… nag… Ano ‘yon… ‘yong
nagbabaraha… d’yan sa tapat?” Inginuso ni Emy ang
isang bahay sa kabilang eskinita. Katabi iyon ng iba pang
mga bahay na ang pagkakahanay ay walang kaayusan.
Karamiha’y maliliit. Dikit-dikit halos, liban sa pasilyong
daanan ng tao na kakikitaan ng ilang batang
nagsisipaglaro.” (p. 125;talata 26)
[28]
“Magkasabay silang lumabas sa bakuran. Kumanan
sa makitid na eskinita. Sa magkabilang gilid ng eskinita
ay may lumot na kanal, dinadaluyan ng malapot na lubak
na siya manding nagpapasigla sa pagtubo ng damo sa
tabi. Sa kanal na iyon nakapasanga ang agusan ng mga
pusalian, labahan at dumihan sa pook na iyon.”
(p. 125;talata 28)
Samantala, ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan ay naganap sa kanilang munting barung-barong. Ito ang siyang
tagpuan sa kuwento na hindi nalalayo sa anyo ng mga bahay na nauna nang
nabanggit. Mababakas ang kalagayan sa buhay ng pangunahing tauhan sa
18
akda. Ang karukhaan ay hindi mapasusubalian at kitang-kita ito sa anyo ng
kanilang tahanan.
Tunghayan ang patunay:
[29]
“Sinapit nila sa kabilang bakuran ang isang barung-
barong na anyong kamalig ng palay. Nakagiray sa kaliwa.
Nadirindingan ng pinagsanib-sanib na karton, lona at
inunat na bald eng petrolyo. Ang atip na kupi-kuping yero
ay maraming maliliit na butas na sinuutan ng binilot na
palara upang kaypala’y hindi tagusin ng tubig kung
umuulan. Sa malas, ang mga yerong iyon ay pinulot
lamang sa labi ng isang natupok na gusali.”
[30]
“Magkasunod na pumanhik ang dalawang bata sa
barung-barong na ang hagdanan ay may dalawang
baiting at yari sa tabling gato at putuk-putok”
(p. 125;talata 29-30)
Sa gayong kalagayan, isang malaking hamon ang naghihintay sa
pangunahing tauhan sa oras na mamulat ito sa katotohanan at unti-unting
maunawaan ang buhay. Mababanaag na ang pook na iyon at ang mga taong
naninirahan doon ay may malaking impluwensiya sa paghubog ng pagkatao
at pag-unawa sa nito mundo.
6. Simbolo o Sagisag
Ang simbolo o sagisag ay mga salitang kapag ay nag-iiwan ng
kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa. Ang pagtukoy sa mga
sagisag buhat sa akda ay isang pagsasanay upang masubok ang kakayahan
ng mambabasa na mag-isip ng lalo pang malalim upang mailabas ang mga
nakakubling kaisipan buhat sa akda.
Mga nakausling bato ang isa sa mga simbolong ginamit sa kuwento.
Ang mga batong ito ay itinuturing na sagabal sa daan. Ito rin ang naging
dahilan kung bakit makaulit na magkatisud-tisod hanggang sa madapa ang
pangunahing tauhan.
19
Sa realidad ng buhay, ang tao ay humaharap sa maraming pagsubok
gaya ng sinisimbolo ng mga bato sa daan. May pagkakataong ika’y matitisod
at tuluyang madarapa dahil dito. Subalit pagkatapos nito, ikaw ay babangon,
tatayo, at matututo sa iyong naging pagkakamali. Ang mga nakausling
batong ito ang siyang magiging dahilan upang ika’y maging matapang at
maingat sa susunod na pakikihamok sa mga suliraning nakasasagabal sa
iyong pangarap at pagtatagumpay sa buhay.
Ang batang si Ida na padalus-dalos kung kumilos at ‘di inalintana ang
mga nakausling batong nakasasagabal sa kanyang daraanan ay tuluyang
nadapa. Sa kasamaang palad pa’y ang bagay na minsan lamang niya
maipagmamalaki sa kaibigan, dahil sa kawalang ingat ay nasayang at
napunta sa wala.
Tunghayan ang patunay:
[78]
“Nay!” malayo pa ang babai’y hiyaw na ni Ida.
Nagkakatapi-tapilok siya sa mabatong eskinita.”
(p. 129;talata 78)
[107]
“Pagkabalot ng pansit ay nagmamadaling nanaog si
Ida. Patakbo niyang tinalunton ang makitid na eskinita.
Nagkatisud-tisod siya sa nakausling bato hanggang sa
tuluyang madapa. Sumambulat ang pansit. Humagis na
pakalat hanggang sa makutim na labak sa kanal.”
(p. 131;talata 107)
Ang pagkakadapang iyon ng pangunahing tauhan ay maaaring
mabunsod sa kanya upang maging maingat sa kanyang mga galaw sa
susunod. Maaari ring magbukas ito ng bagong kabanata sa kanyang buhay
kung saan matututuhan at mauunawaan niyang ang mga kagaya niya ay
kailangang maging matatag sa uri ng buhay mayroon sila.
7. Estilo
20
Ang estilo ay tumutukoy sa pamamaraang ginamit ng manunulat sa
paglikha ng obra nito. Sa pamamagitan nito, nailalabas niya ang mga
kaisipang hatid ng kanyang akda na siyang pupukaw sa interes at damdamin
ng mambabasa.
Sa masining na paglalarawan sa mga pangyayari sa kuwento,
napagagana ng mambabasa ang kanyang imahinasyon. Malaya itong
nakapaglalakbay sa bawat tagpo at kaganapan sa akda na kahit binabasa ay
tila nasasaksihan ng iyong mga mata at nadarama ng iyong damdamin.
Ang maayos na pagkasunud-sunod ng mga pangyayari sa akda ay
kapansin-pansin. Ang wakas ay nagdulot ng iba’t ibang reaksyon at marahil
puna sa ilang mambabasa.
Habang naging epektibo rin ang ginawang pagsasalaysay ng may akda
sa pamamagitan ng obhektibong paningin o paninging palayon. Sa paninging
ito, ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot
habang itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig.
Narito ang patunay:
[1]
“Tinakpan ng batang babae ang kupi at kalawanging
lata gatas. Nanggigipalpal sa alikabok ang kanyang paa’t
binti. Kaypala’y mga pitong taong gulang siya.”
(p 123;talata 1)
Ang tagapagsalaysay ay hindi rin nakapagbibigay-puna o paliwanag.
Tumatayong tagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kuwento.
Makikita niya ang ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang kanilang sinasabi
ngunit hindi niya tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o nadarama.
Tunghayan ang sumusunod na patunay sa usapan ng dalawang batang
babae:
[47]
“Saan ba nagpunta ang nanay mo?”
(p. 126;talata 47)
21
[48]
“Ewan. Sa dati siguro.”
[49]
“Saan dati?”
[50]
“Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi…
kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang
nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang
dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro,
doon uli siya nagpunta. Ewan.” (p. 127;talata 48-50)
C. Pagpapahalagang Pangkatauhan
1. Maka-Diyos
Ang pagpapahalagang pangkatauhan na ito ay nauukol sa paniniwala
at pagsunod sa mga tuntuning itinakda ng Dakilang Lumikha.
Ang pagmamahal sa magulang ay nangangahulugang pagmamahal din
sa Diyos. Sa murang isipan ni Ida ang mga salita ng kanyang ina ay
mahalaga. Maraming bagay man siyang ‘di pa lubusang nauunawaan subalit
naniniwala siya at tumatalima sa anumang sabihin o iutos sa kanya ng
kanyang ina.
Narito ang mga patunay:
[18]
“Oo nga… pero… pero…, m-me sakit si Obet, e.
Pinababantayan sa’kin ni Nanay.”
[19]
“Baka magalit pag… pag dumating siya na ‘ala ko sa’min.
Tulog lang kangina si Obet kaya… kaya ‘ko nakaalis.”
(p. 124;talata 18-19)
[63]
“Oo. Pero, kung di patay ang tatay ko, sabi ng
Nanay, palaging ang dami-dami raw naming pera. Kasi,
patay na siya, e.” (p. 127;talata 63)
[65]
“Sana nga.” Yumuko si Ida. Pinalis ang mga libag na
nahilod sa tuhod. “Alam mo, sabi ng nanay ko, sabi, no’n
22
daw buhay ang tatay ko, pulis daw. Matapang siya…
talaga… ‘kala mo… Saka, ‘ala pa raw kami rito no’n. Sa…
sa malayo kami nakatira.” (p. 128;talata 65)
[70]
“Wala kaming kanin, e. Kanginang umaga nga
pinautang lang ako ng Nanay ng pandesal ke Aling
Bebang. Tatlo. Tig-iisa kami. Saka… saka… kanginang
tanghali… ano ‘yon… ‘yong… k’wan, lugaw. ‘Yon ang
kinain naming.’Alang ulam. Sabi ni Nanay, pag… lugaw
daw, talagang ‘alang ulam.” (p. 128;talata 70)
Kapansin-pansin ang pagiging masunuring bata ni Ida. Ang kanyang
kawalang-malay sa mga bagay-bagay ay hindi naging suliranin para sa
kanyang ina upang maging responsableng bata.
2. Makatao
Ang pagpapahalagang pangkatauhan na ito ay nangangahulugang
pagmamahal sa kapwa-tao. Ang pagmamalasakit at pag-iisip para sa
kapakanan at kabutihan ng kapwa ay nagpapakita ng pagiging makatao.
Kailanma’y hindi hadlang ang kalagayan sa buhay ng tao upang
makalimutan nitong makipagkapwa.
Tunghayan ang patunay:
[70]
“Wala kaming kanin, e. Kanginang umaga nga
pinautang lang ako ng Nanay ng pandesal ke Aling
Bebang. Tatlo. Tig-iisa kami. (p. 128;talata 70)
Ipinakita ng mga tauhan sa akda sa kani-kanilang simpleng
kaparaanan ang pagmamalasakit at pagiging makatao.
Ang pangunahing tauhan, sa kabila ng pagiging bata at kawalang-
malay nito sa maraming bagay sa kanyang sariling paraan ay kinakitaan ng
pakikipagkapwa sa kanyang kalaro.
Narito ang patunay:
23
[103]
“Nay,” tawag ni Ida at kinalabit sa bisig ang ina.
“Dadal’an ko nang konti nito si Emy. Sinamahan naman
niya ako kangina rito, e. ha. ‘Nay, ha?” (p. 130 ;tal. 103)
3. Makabayan
Tumutukoy ito sa pagmamahal at pagmamalasakit sa sariling bansa.
Ang paghahanap-buhay nang hindi nakakapanakit ng kapwa at nagdudulot
ng kapinsalaan sa bayan o bansa sa pangkalahatan ay isang paraan upang
maipakita ang pagiging makabayan.
Pinatunayan ng ina ng pangunahing tauhan ang kanyang pagsisikap na
maitaguyod ang pangangailangan ng kanyang mga anak sa kabila ng pag-
iisa at kawalan ng katuwang sa buhay. Kahit lingid sa kaalaman ng iba ang
paraan kung paano siya kumita ng salapi ay ‘di naman ito naging pasakit o
pabigat sa kanyang lipunan sa kabila ng kahirapang nararanasan nito.
Tunghayan ang patunay sa usapan sa ibaba:
[47]
“Saan ba nagpunta ang nanay mo?” (p. 126;tal. 47)
[48]
“Ewan. Sa dati siguro.”
[49]
“Saan dati?”
[50]
“Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi…
kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang
nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang
dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro,
doon uli siya nagpunta. Ewan.”
(p. 127;talata 48-50)
Nakalulungkot man ang kanilang kapalaran subalit makikita ang
pagiging responsableng ina nito sa kabila ng lahat.
4. Makakalikasan
24
Ito ay tumutukoy sa pagpapahalaga sa kalikasan. May kaugnayan din
ito sa mga kalikasan ng isang bagay at ng pagiging tao tungo sa kanyang
kapaligiran batay sa mga sitwasyong nagaganap sa kanyang kapaligiran.
Likas sa mga bata ang maglaro. At dahil bata pa at walang pakialam,
anumang itsura, suot o anyo nila sa harap ng kahit sino pa man ay di nila
alintana. Ang panlilimahid at pagiging marusing ay likas sa mga batang
naglalaro sa lansangan.
Narito ang patunay:
[1]
“Tinakpan ng batang babae ang kupi at kalawanging
lata gatas. Nanggigipalpal sa alikabok ang kanyang paa’t
binti. Kaypala’y mga pitong taong gulang siya.”
[2]
“Hinawi ng bata ang ilang hibla ng tuwid at
malagong buhok na lumaylay sa kanyang mukhang
nangingintab sa pawis. Bahagya siyang yumuko.
Nagpalinga-linga. Paikot na sinuyod ng tanaw ang
kabuuan ng makipot na bakuran. Malikot ang bilugan at
maitim niyang mata.”
(p. 123;talata 1-2)
Mahalaga para sa mga bata ang magkaroon ng oras sa paglalaro. Sa
pamamagitan nito, natututo silang makisalamuha sa kanilang kapwa at
nakararamdam ng kasiyahan sa kanilang mga sarili.
D. Pagsusuri Batay sa Kaukulang Pananaw na Pampanitikan
1. Realismo
Nakatuon sa makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga
bagay, mga tao at lipunan ang teoryang pampanitikang ito. Ito ay sukdulan
ng katotohanan, higit na binibigyang-pansin ang katotohanan kaysa
kagandahan at pinahahalagahan nito ang paraan ng pagsasalaysay kaysa sa
paksa.
25
Tunay na malaki ang impluwensiya ng matatanda sa mga bata.
Matutunghayan natin ang patunay sa naging daloy ng usapan ng dalawang
bata:
[40]
“O, e ba’t… kanginang ‘malis ang nanay mo, nakita
ko… ang ganda-ganda ng suot. Siguro, mahal ‘yon, no?”
(p. 126;talata 40)
[56]
“Sabi ni Aling Bebang, m-maganda raw ang nanay
mo. Pero, ang nanay mo raw… ang nanay mo raw…”
(p. 127;talata 56)
[58]
“Yong sabi ni Aling Bebang. ‘Yong… kaya raw… kaya
raw ganoon ang nanay mo, e, dahil ‘ala kang tatay. Bakit
nga ‘ala kang tatay, ha, Ida?” (p. 127;talata 58)
[59]
“A, meron po.”
[60]
“Nasaan siya?”
[61]
“Kuwan… sabi ng nanay ko, patay na raw.”
[62]
“Patay?”
[63]
“Oo. Pero, kung di patay ang tatay ko, sabi ng
Nanay, palaging ang dami-dami raw naming pera. Kasi,
patay na siya, e.”
[64]
“Sana, hindi patay ang tatay mo.”
(p. 127;talata 59-64)
[65]
“Sana nga.” Yumuko si Ida. Pinalis ang mga libag na
nahilod sa tuhod. “Alam mo, sabi ng nanay ko, sabi, no’n
daw buhay ang tatay ko, pulis daw. Matapang siya…
talaga… ‘kala mo… Saka, ‘ala pa raw kami rito no’n. Sa…
sa malayo kami nakatira.” (p. 128;talata 65)
26
Anumang sabihin o gawin nila ay may malaking epekto sa kanilang
isipan. Ito ay kanilang madaling paniwalaan at nagiging batayan ng kanilang
mga kaalaman hangga’t hindi pa sila umaabot sa hustong gulang kung saan
sa panahong iyon maunawaan at matuklasan mismo ng kanilang mga sarili
ang sagot sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanila.
2. Sosyolohikal
Ang layunin ng panitikan sa dulog na ito ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naniniwala
ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang
panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang
kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.
Dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o
salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan.
Kahirapan ng buhay ang suliraning tampok sa akda. Ito rin ang dahilan
kung bakit nagagawang magbenta ng aliw ang ina ni Ida kapalit ng salaping
maipangtutustos sa pangangailangan nilang mag-iina.
Narito ang patunay:
[40]
“O, e ba’t… kanginang ‘malis ang nanay mo, nakita
ko… ang ganda-ganda ng suot. Siguro, mahal ‘yon, no?”
(p. 126;talata 40)
[47]
“Saan ba nagpunta ang nanay mo?” (p. 126;tal. 47)
[48]
“Ewan. Sa dati siguro.”
[49]
“Saan dati?”
[50]
“Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi…
kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang
nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang
27
dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro,
doon uli siya nagpunta. Ewan.”
(p. 127;talata 48-50)
Hindi mapasusubalian na kahirapan ang siyang pinag-uugatan ng mga
suliranin kung saan kinakailangang kumapit ang tao sa patalim upang
mabuhay.
3. Formalistiko
Ang tungkulin ng teoryang pampanitikang ito ay matukoy ang
nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat sa akda.
Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang isang akdang pampanitikan ay
may sariling buhay at umiiral sa sariling paraan. Higit na pinahahalagahan
dito ang istruktura at pagkakabuo sa akda.
Kapansin-pansin ang kaayusan ng mga pangyayari sa akda. Sa simula
ay naging mabisa na ang paglalarawan sa tauhan, kapaligiran at uri ng
pamumuhay mayroon ang mga tauhang tampok sa akda. Sinundan ito ng
suliranin na nagbigay-daan upang lalong mapalutang ang katangiang taglay
ng bawat tauhan. Naging makapigil-hininga rin ang na tagpo kung saan
nilalasap ng pangunahing tauhan ang sarap ng kinakaing pansit at pag-agos
ng luha sa mga mata ng ina nito habang nakikita ang gayong paraan ng
pagkain. At ang wakas ay nag-iwan ng isang malaking kakintalan kung saan
pinatunayan ang kaugnayan ng pamagat sa pagiging bata ng pangunahing
tauhan na naging padalus-dalos sa kanyang kilos dahilan upang siya’y
tuluyang madapa at mapunta sa wala ang pansit na sana’y ibibigay sa
kaibigan.
4. Imahismo
Ang layunin ng panitikan sa pananaw na ito ay gumamit ng mga
imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
28
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
Ang paglalarawan sa naging damdamin ng ina ni Ida habang
pinanonood siyang kumain ng pansit ay naging epektibo upang higit na
mapangibabaw ang pagkaawa sa naging anyo nito.
Tunghayan ang patunay:
[93]
“Ang babae ay nakatitig din kay Ida. Kukurap-kurap
ang mga mata. May kumislap doon. Dumaan sa sulok ng
mapulang labi. Nagtagpo sa ilalim ng baba. Nagsamang
gumuhit na pababa sa leeg.” (p. 130 ;tal. 93)
Malinaw na napaluha ang ina dahil kumukurot sa puso nito ang anyo
ng kanyang anak habang kinakain ang pansit na tila noon lamang ito
nakatikim. Alam niya ang kanyang anak ay gutom na gutom mula pa sa
maghapong kahihintay sa kanya. Dumagdag pa sa bigat na kanyang
nadarama ang sitwasyon kung saan nakasalalay sa uri ng hanap-buhay na
mayroon siya ang kanilang kinabukasan.
5. Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao - ang pamantayan ng tama at mali.
Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda
ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na
rin sa kaantasan nito.
Sa gayong uri ng lugar na tampok sa akda, ang pagsusugal ay isang
paraan ng pagpapalipas ng oras ng mga tao. Kalimitang nagdudulot ito ng
29
kasiyahan lalo pa’t kung nananalo. Subalit ang pagkahumaling dito ay
nagiging dahilan ng kapabayaan sa mga responsibilidad na dapat gampanan
ng isang tao.
Tunghayan ang susunod na pahayag sa ibaba bilang patunay:
[25]
“Di ka ba hahanapin ng… ng nanay mo?”
[26]
“’Ala ditong nanay ko. ‘Nag… nag… Ano ‘yon… ‘yong
nagbabaraha… d’yan sa tapat?” inginuso ni Emy ang
isang bahay sa kabilang eskinita.”
(p. 125;talata 25-26)
Ang pagsusugal gamit ang baraha ay impluwensiyang hatid ng
dayuhan sa bansa na kalaunan ay nakagawian na ng mga tao. Ang paglalaro
nito ay may masamang dulot sa isipan ng mga bata lalo na’t nawawalan
nang oras ang mga magulang sa kanilang mga anak na magampanan ang
kanilang responsibilidad gaya na lamang ng ina ni Emy na walang kamalay-
malay sa mga pinupuntahan ng kanyang anak maging sa mga nasasaganap
nitong tsismis na hindi naman makatutulong sa kanyang paglaki.
Sa kabilang banda, ang paraan ng paghahanap-buhay ng ina ni Ida,
lingid man sa kaalaman ng kanyang mga kapit-bahay ay di pa rin
maiwasang pag-usapan ito. Matutunghayan ito sa mga tinuran ni Aling
Bebang na nasagap ni Emy:
[56]
“Sabi ni Aling Bebang, m-maganda raw ang nanay
mo. Pero, ang nanay mo raw… ang nanay mo raw…”
(p. 127; talata 56)
[58]
“Yong sabi ni Aling Bebang. ‘Yong… kaya raw… kaya
raw ganoon ang nanay mo, e, dahil ‘ala kang tatay. Bakit
nga ‘ala kang tatay, ha, Ida?” (p. 127;talata 58)
Gayon pa man, may mabigat na dahilan ang ina ni Ida kung bakit
nagagawa niya ang kumapit sa patalim. Alam niyang bilang ina, tungkulin
30
niyang ang humanap ng paraan upang maitaguyod ang pangangailangan ng
kanyang mga anak.
Narito ang patunay:
[47]
“Saan ba nagpunta ang nanay mo?” (p. 126;tal. 47)
[48]
“Ewan. Sa dati siguro.”
[49]
“Saan dati?”
[50]
“Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi…
kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang
nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang
dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro,
doon uli siya nagpunta. Ewan.”
(p. 127;talata 48-50)
E. Larawang Sosyo-kultural na Pamumuhay
Ito ay may kaugnayan sa wika, relihiyon, paniniwala, kilos, gawi, asal
na siyang pamantayang isinasaalang-alang ng mga tao sa kanilang pang-
araw-araw na pamumuhay sa isang partikular na komunidad.
Kapansin-pansin ang pagkainosente ni Ida sa mga bagay na hindi pa
nito lubusang nauunawaan at mapagtanto kung ano. Maging ang paraan ng
kanyang pagsasalita ay nagpapatunay na ito’y bata pa at marami pang
dapat malaman sa buhay at kapaligirang na kanyang kinabibilangan.
Narito ang patunay:
[21]
“Oo nga, e… Ngayon, sabi ng nanay ko, sabi…
kelangang mapagamot daw uli dahil… dahil… ewan ko
ba…” (p. 124;talata 21)
[23]
“Di ko laan, e… Ang nanay ko, laan…”
(p. 124;talata 23)
31
[40]
“O, e ba’t… kanginang ‘malis ang nanay mo, nakita
ko… ang ganda-ganda ng suot. Siguro, mahal ‘yon, no?”
[41]
“Ewan.”
[42]
“Bakit ewan? (p. 126;talata 40-42)
[44]
“Kasi… kasi, uwi lang niya ‘yon no’ng minsang
umalis siya. Sabi ko nga, ‘Nay, bi… binili mo? Sabi niya…
sabi niya… ewan. Di ko maisip ang sabi niya, e.”
(p. 126;talata 44)
Di maitatatwang ang wala pa sa hustong gulang ang pangunahing
tauhan sapagkat kapansin-pansin ito sa paraan ng kanyang pagsasalita at
pagtugon sa kausap.
Sa gayong uri ng lugar kung saan marami ang walang matinong
hanap-buhay, ang pagbabaraha ay nakagawiang paraan ng pagpapalipas
oras at pakikihalubilo sa kapwa ng mga tao. Ang patunay ay matutunghayan
sa naging usapan ng magkaibigang Ida ta Emy:
“’Ala ditong nanay ko. ‘Nag… nag… Ano ‘yon… ‘yong
nagbabaraha… d’yan sa tapat?” inginuso ni Emy ang
isang bahay sa kabilang eskinita.”
(p. 125;talata 26)
Larawan ng magandang samahan ang mayroon ang mga tao sa kabila
ng di kaaya-ayang lugar na mayroon sila. Samantala, ang pagpapautang ay
nagpapakita ng pagtulong sa kapwa sa maliit na paraan. Malaking bagay ang
nakagisnang kulturang ito sa mga taong walang sapat na salapi upang mabili
ng kanilang pangangailangan.
Ang noo’y walang makain na mag-iina ay napunan ang kanilang
sikmura dahil sa pagpapautang ni Aling Bebang:
Narito ang patunay:
32
[70]
“Wala kaming kanin, e. Kanginang umaga nga
pinautang lang ako ng Nanay ng pandesal ke Aling
Bebang. Tatlo. Tig-iisa kami. Saka… saka… kanginang
tanghali… ano ‘yon… ‘yong… k’wan, lugaw. ‘Yon ang
kinain naming.’Alang ulam. Sabi ni Nanay, pag… lugaw
daw, talagang ‘alang ulam.” (p. 128;talata 70)

More Related Content

What's hot

HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA asa net
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoSandy Suante
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANMARYJEANBONGCATO
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikankim desabelle
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoDenni Domingo
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaRosalie Orito
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaRodel Moreno
 
Maikling kwento batay sa tiyak na mambabasa
Maikling kwento batay sa tiyak na mambabasaMaikling kwento batay sa tiyak na mambabasa
Maikling kwento batay sa tiyak na mambabasaJessamaeLandingin1
 
pananaw na sikolohikal
pananaw na sikolohikalpananaw na sikolohikal
pananaw na sikolohikalmyrepearl
 
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)Yam Jin Joo
 
Presentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoPresentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoANNABELE DE ROMA
 
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasRajna Coleen Carrasco
 

What's hot (20)

Karagatan
KaragatanKaragatan
Karagatan
 
Tayutay
TayutayTayutay
Tayutay
 
HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA HALIMBAWA NG MGA DULA
HALIMBAWA NG MGA DULA
 
Lathalain
LathalainLathalain
Lathalain
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
 
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKANANG PANUNURING PAMPANITIKAN
ANG PANUNURING PAMPANITIKAN
 
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikanPagsusuri ng akdang pampanitikan
Pagsusuri ng akdang pampanitikan
 
Karilyo
KarilyoKarilyo
Karilyo
 
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryoPagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
Pagsusuri sa panitikang pilipino sa panahon ng kontemporaryo
 
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akdaMga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
Mga dakilang manunulat at ang pamagat ng kanilang akda
 
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang LupaPagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
Pagsusuri sa Pag-Ibig sa Tinubuang Lupa
 
TEORYANG DEKONSTRUKSYON
TEORYANG DEKONSTRUKSYONTEORYANG DEKONSTRUKSYON
TEORYANG DEKONSTRUKSYON
 
Maikling kwento batay sa tiyak na mambabasa
Maikling kwento batay sa tiyak na mambabasaMaikling kwento batay sa tiyak na mambabasa
Maikling kwento batay sa tiyak na mambabasa
 
pananaw na sikolohikal
pananaw na sikolohikalpananaw na sikolohikal
pananaw na sikolohikal
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)
Pagsusuri ng Maikling Kwento sa Panahon ng kastila (Ang Pagong at Ang Matsing)
 
Banghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwentoBanghay ng maikling kuwento
Banghay ng maikling kuwento
 
Presentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipinoPresentation in panitikang pilipino
Presentation in panitikang pilipino
 
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
 

Viewers also liked

HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOasa net
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwentorosemelyn
 
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora CruzPagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora CruzShaina Mavreen Villaroza
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanKedamien Riley
 
Maikling kwento at nobela
Maikling kwento at nobelaMaikling kwento at nobela
Maikling kwento at nobelaCha-cha Malinao
 
Uri ng pagsulat
Uri ng pagsulatUri ng pagsulat
Uri ng pagsulatbadebade11
 
Buod ng nobelang pusong walang pagibig ni roman reyes
Buod ng nobelang pusong walang pagibig ni roman reyesBuod ng nobelang pusong walang pagibig ni roman reyes
Buod ng nobelang pusong walang pagibig ni roman reyesJames Robert Villacorteza
 
Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13Rosalie Orito
 
Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1
Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1
Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1EDITHA HONRADEZ
 
ARTICLE III - Sections11-16
ARTICLE III - Sections11-16ARTICLE III - Sections11-16
ARTICLE III - Sections11-16tzeri_apple
 
Nagbibihis na ang nayon
Nagbibihis na ang nayonNagbibihis na ang nayon
Nagbibihis na ang nayonisabel guape
 
Nagkaroon ng anak sina wigan at bugan
Nagkaroon ng anak sina wigan at buganNagkaroon ng anak sina wigan at bugan
Nagkaroon ng anak sina wigan at buganPRINTDESK by Dan
 
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...God Father Learning Center of Pagudpud
 

Viewers also liked (20)

HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora CruzPagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
Pagsusuri sa maikling kwentong Bansot (Buod) ni Aurora Cruz
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
 
Maikling kwento at nobela
Maikling kwento at nobelaMaikling kwento at nobela
Maikling kwento at nobela
 
Uri ng pagsulat
Uri ng pagsulatUri ng pagsulat
Uri ng pagsulat
 
Buod ng nobelang pusong walang pagibig ni roman reyes
Buod ng nobelang pusong walang pagibig ni roman reyesBuod ng nobelang pusong walang pagibig ni roman reyes
Buod ng nobelang pusong walang pagibig ni roman reyes
 
Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13Katuturan ng maikling kuwento.13
Katuturan ng maikling kuwento.13
 
Kinagisnang balon
Kinagisnang balonKinagisnang balon
Kinagisnang balon
 
JGUZMAN CV ENGLISH
JGUZMAN CV ENGLISHJGUZMAN CV ENGLISH
JGUZMAN CV ENGLISH
 
Fil 7
Fil 7Fil 7
Fil 7
 
Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1
Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1
Edith honradez ang sapatero at ang mga duwende.1
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Bago mo ako ipalaot
Bago mo ako ipalaotBago mo ako ipalaot
Bago mo ako ipalaot
 
Dekada 60 at 70
Dekada 60 at 70Dekada 60 at 70
Dekada 60 at 70
 
ARTICLE III - Sections11-16
ARTICLE III - Sections11-16ARTICLE III - Sections11-16
ARTICLE III - Sections11-16
 
Nagbibihis na ang nayon
Nagbibihis na ang nayonNagbibihis na ang nayon
Nagbibihis na ang nayon
 
Nagkaroon ng anak sina wigan at bugan
Nagkaroon ng anak sina wigan at buganNagkaroon ng anak sina wigan at bugan
Nagkaroon ng anak sina wigan at bugan
 
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...
Dekada 80 (Di mo masilip ang langit at Tatlong Kwento sa Buhay ni Julian Cand...
 
Ang mangingisda
Ang mangingisdaAng mangingisda
Ang mangingisda
 

Similar to Pagsusuri sa Maikling Kuwento- "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. Reyes

Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asyaFilipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asyaMarizLizetteAdolfo1
 
WASTONG PAGKASUNOD-SUNOD-WK4-Q1 [Autosaved].pptx
WASTONG PAGKASUNOD-SUNOD-WK4-Q1 [Autosaved].pptxWASTONG PAGKASUNOD-SUNOD-WK4-Q1 [Autosaved].pptx
WASTONG PAGKASUNOD-SUNOD-WK4-Q1 [Autosaved].pptxchelsiejadebuan
 
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptxAralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptxJohnHeraldOdron1
 
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Rich Elle
 
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxq2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxMejayacelOrcales1
 
Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6EDNACONEJOS
 
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptx
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptxPagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptx
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptxArvinDayag
 
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxCHRISTIANJIMENEZ846508
 
DISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSDISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSJayRomel1
 
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz ReyesPagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyesnessa-baloro
 
3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga teksto
3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga teksto3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga teksto
3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga tekstoMariaCecilia93
 

Similar to Pagsusuri sa Maikling Kuwento- "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. Reyes (20)

Ang Pagtutuli
Ang PagtutuliAng Pagtutuli
Ang Pagtutuli
 
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asyaFilipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
Filipino 9_Mga akdang pampanitikan sa timog silangang asya
 
M.k. hand out
M.k. hand outM.k. hand out
M.k. hand out
 
Anekdota.pptx
Anekdota.pptxAnekdota.pptx
Anekdota.pptx
 
maikling kwento
maikling kwentomaikling kwento
maikling kwento
 
Anekdota Filipino 10 Mullah Nassredin hh
Anekdota Filipino 10 Mullah Nassredin hhAnekdota Filipino 10 Mullah Nassredin hh
Anekdota Filipino 10 Mullah Nassredin hh
 
WASTONG PAGKASUNOD-SUNOD-WK4-Q1 [Autosaved].pptx
WASTONG PAGKASUNOD-SUNOD-WK4-Q1 [Autosaved].pptxWASTONG PAGKASUNOD-SUNOD-WK4-Q1 [Autosaved].pptx
WASTONG PAGKASUNOD-SUNOD-WK4-Q1 [Autosaved].pptx
 
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptxAralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
Aralin 5 Kwarter 2 Fil10.pptx
 
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
Mga Kwentong Bayan at Tula - Grade 7
 
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxq2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
 
Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6Las q2 filipino 8_w6
Las q2 filipino 8_w6
 
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptx
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptxPagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptx
Pagbibigay – kahulugan sa sawikain.pptx
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
 
DISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSSDISS 11-HUMSS
DISS 11-HUMSS
 
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz ReyesPagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
Pagsusuri sa akdang utos ng hari ni Jun Cruz Reyes
 
Fil iskrapbuk
Fil iskrapbukFil iskrapbuk
Fil iskrapbuk
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
Matutong Magkaisa.pdf
Matutong Magkaisa.pdfMatutong Magkaisa.pdf
Matutong Magkaisa.pdf
 
3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga teksto
3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga teksto3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga teksto
3.TEKSTONG-NARATIBO.pptx pagbasa at pagsusuri ng mga teksto
 

Pagsusuri sa Maikling Kuwento- "Di Maabot ng Kawalang Malay" ni Edgardo M. Reyes

  • 1. 2 “Di Maabot ng Kawalang- Malay” Ni Edgardo M. Reyes (Maikling Kuwento) A. Buod Sa simula'y ang paglalaro ng dalawang bata ng taguan-lata, sina Ida at Emy —isang larawan ng kainosentihan ng dalawang bata. Nang hapon na'y kinailangan nang umuwi ni Ida pagkat pauwi na di umano ang kanyang ina, may sakit ang kanyang kapatid na si Obet, at baka mapagalitan si Ida kapag dumating ang ina na wala ito upang bantayan si Obet. Sa halip na maputol ang paglalaro, sumama na lang si Emy sa bahay ni Ida upang makipagkuwentuhan. Mauungkat sa kuwentuhang ito ang di nila masigurong trabaho ng nanay ni Ida—umaalis nang bihis na bihis, magandang-maganda, at kapag bumalik ay marami nang pera. Sa mga kuwentuhang ito'y may mga kataga pa ring hindi masabi-sabi ang dalawang bata; lalo, pagdating sa usapin ng 'tunay' na trabaho ng ina ni Ida. Muungkat din na wala nang ama si Ida ngunit hindi na nasabi ang dahilan nito. Si Emy nama'y magsasabing ang kanyang ina ay laging naglalaro/nagsusugal ng baraha. Ginabi sila sa kuwentuhan at kinailangan nang umuwi ni Emy. Naiwan si Ida sa dumidilim na barung-barong. Nagugutom na siya. Nagsindi siya ng gasera. Maya-maya'y tanaw na niya ang paparating na ina at sinalubong ito. Iniabot ng kanyang ina ang isang supot. Inakyat ng ina si Obet at pinainom ng gamot. Kinain ni Ida ang pansit mula sa supot. Napansin ni Ida ang naglandas na luha sa pisngi ng ina. Tinanong Ida ang ina. Hindi sumagot ang ina. Nangalahati na sa kinakaing pansit si Ida nang inalok niya ang kalahati sa kanyang ina. Kumain na daw ito. Nagpaalam si Ida na dadalhin na lamang ang natirang pansit sa kaibigang si Emy. Pumayag ang ina.
  • 2. 3 Patakbong dinala ni Ida ang supot na may lamang pansit patungo kina Emy. Sa eskinita'y matitisod si Ida. Matatapon ang pansit sa kanal. B. Elementong Pampanitikan Batay sa Dulog Formalistiko Sa dulog formalistiko higit na pinagtutuunan ng pansin ang istruktura o pagkakabuo sa isang akda. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang kariktan ng isang akda ay nasa anyo o porma nito at walang kaugnayan ang pinagmulan, pagkatao at mga karanasan sa buhay ng manunulat sa pagkakabuo ng isang akda. Ang pagtuklas at pagpapaliwanag ng anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuring formalistiko. Pinaniniwalaan din kasi sa dulog na ito na ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa sariling paraan. Anumang akda ay may mga elemento at bawat elemento ay magkakaugnay. Dahil may adhikaing gawing obhektibo ang pagsusuri, wala ring lugar ang opinyon at interpretasyon ng mambabasa. Samaktuwid, tahasang idinidikta ng may-akda ang nais niyang ipaabot sa mambabasa nang hindi humihingi at nangangailangan pa ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa. Sa pamamagitan ng pagsusuri batay sa dulog na ito, nagkakaroon ng batayan o saligan ang mambabasa sa kung papaano nito higit na mapahahalagahan ang kasiningan ng isang akdang hinimay-himay ang pagkakabuo. At sapagkat maaaring masalamin ng sino man ang kanyang sarili sa pamamagitan ng panitikan, magsisilbing gabay ito upang ang realidad ng buhay ay kanyang mapagtagumpayan sang-ayon sa kung papaano nakihamok ang tauhan sa akda sa kanyang suliranin sa isang partikular na lipunang kanyang kinabibilangan. 1. Uri ng Genre- Maikling Kuwento ng Tauhan
  • 3. 4 Ang maikling kuwento ay isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan na nag-iiwan ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Ito ay likha ng bungang-isip ng manunulat na hango sa isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring mangyari. Sapagkat ito’y may makitid na larangan, mabilis na galaw kaya’t tuluy-tuloy ang pagsasalaysay, matipid at payak ang mga pangungusap, kakaunti ang mga tauhan na lagi nang may pangunahing tauhan, payak o karaniwan ang paksa at maikli ang panahong sinasakop. Ayon kay Animoza (2006), ang maikling kuwento ay isang uri ng akdang tuluyan na lumilikha ng isang tauhang may naiibang pagkatao at katangian o kaya’y may naiibang karanasan. Sa uri ng kuwentong ito- kuwento ng tauhan, inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. Sa madaling salita, higit na binibigyang-diin dito ang pangunahing tauhan. Matutunghayan sa simula pa lamang ng akda na ang kuwento ay pumapaimbulog sa isang pitong taong gulang na batang babae na siya namang pinatutungkulan at inilalarawan ng pamagat nito. Bilang isang bata, karapatan nitong maging malaya sa mga suliraning kaakibat ng buhay na ‘di pa maabot ng kaniyang murang isipan. Ang kaniyang kawalang-malay sa mga suliraning ito ang siya rin namang nagliligtas sa kanya upang mabuhay ng masaya at malayo sa mga problemang dala ng buhay. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapatunay na ito ay isang kuwento ng tauhan: [1] “Tinakpan ng batang babae ang kupi at kalawanging lata gatas. Nanggigipalpal sa alikabok ang kanyang paa’t binti. Kaypala’y mga pitong taong gulang siya.” [2] “Hinawi ng bata ang ilang hibla ng tuwid at malagong buhok na lumaylay sa kanyang mukhang
  • 4. 5 nangingintab sa pawis. Bahagya siyang yumuko. Nagpalinga-linga. Paikot na sinuyod ng tanaw ang kabuuan ng makipot na bakuran. Malikot ang bilugan at maitim niyang mata.” (p. 123;tal. 1- 2) [6] “Kumurap-kurap ang mga mata ng bata. Patuloy na nakatuon ang kanyang tingin sa talaksan ng kahoy. Tumaas-bumaba ang kanyang manipis na dibdib na ang kaliwang bahagi ay inihahantad ng pilas at marurusing na damit sa laylayan ay may naglawit na himulmol.” (p. 123;talata 6) Litaw na litaw ang pagiging bata ng tauhan sa akda. Ang pagkahilig nito sa paglalaro ay inilarawan din sa akda. Gayundin, kapansin-pansin ang kawalang-malay nito sa mga bagay-bagay na nagaganap sa kanyang paligid na di kayang abutin ng kaniyang murang isipan. 2. Paksang-Diwa o Tema Ayon kay Animoza (2006), ang diwa noong una’y nangangahulugan ng aral subalit ngayon, lalo na sa sangay ng maikling kuwento, iyan ay walang ibig sabihin kundi mahalagang pangkaisipan (significant idea). Ang diwa ay kaluluwa ng kalamnan, ang daloy ng walang patid sa loob ng kuwento na gayong hindi nakikita ay nasasalat naman ng damdamin. Ito ay itinuturing na kaluluwa ng alinmang akdang pampanitikan higit ng maikling kuwento sapagkat ang paksang-diwa ang siyang naghahayag ng pagkaunawa ng mambabasa sa buhay at kapaligiran. Dito nakatuon at umiinog ang bawat pangyayari sa kuwento na maaaring magdulot ng malaking pagbabago sa mambabasa sa anumang aspeto ng buhay. Kamus-musan na siyang dahilan ng kawalang-malay o pagka-inosente ng mga bata sa mga bagay-bagay na may malaking epekto sa kanilang buhay ang isa sa naging sentro ng akda. Ang paulit-ulit na pagbanggit ng salitang “ewan” at “’di ko alam” ng pangunahing tauhan bilang tugon nito sa mga tanong ng kanyang kalaro tungkol sa kanyang buhay ay isang
  • 5. 6 indikasyon na hindi pa nito sadyang nauunawaan ang lahat-lahat patungkol sa mga bagay-bagay. Narito ang patunay: [21] “Oo nga, e… Ngayon, sabi ng nanay ko, sabi… kelangang mapagamot daw uli dahil… dahil… ewan ko ba…” (p. 124;talata 21) [23] “Di ko laan, e… Ang nanay ko, laan…” (p. 125;talata 23) [40] “O, e ba’t… kanginang ‘malis ang nanay mo, nakita ko… ang ganda-ganda ng suot. Siguro, mahal ‘yon, no?” [41] “Ewan.” [42] “Bakit ewan?” (p. 126;talata 40-42) [44] “Kasi… kasi, uwi lang niya ‘yon no’ng minsang umalis siya. Sabi ko nga, ‘Nay, bi… binili mo? Sabi niya… sabi niya… ewan. Di ko maisip ang sabi niya, e.” (p. 126;talata 44) Ang pagiging bata ay itinuturing na isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay ng tao sapagkat sa panahong ito walang anuman silang ibang iniisip kundi ang maglaro, matulog, kumain at mag-aral kung naisin. Ang mga bagay na hindi kayang abutin ng kanilang murang isipan ay maaaring ipagsawalang-bahala. Gayundin naman ang pagharap sa mga suliranin ng buhay ay hindi maaaring ipilit sa kanila upang bigyang-kalutasan. Ikalawa, ipinakita rin sa akda ang labis na kahirapan ng buhay lalo na sa mga squatters area.
  • 6. 7 Narito ang patunay: [70] “Wala kaming kanin, e. Kanginang umaga nga pinautang lang ako ng Nanay ng pandesal ke Aling Bebang. Tatlo. Tig-iisa kami. Saka… saka… kanginang tanghali… ano ‘yon… ‘yong… k’wan, lugaw. ‘Yon ang kinain naming.’Alang ulam. Sabi ni Nanay, pag… lugaw daw, talagang ‘alang ulam.” (p. 128;talata 70) Ang uri ng pamumuhay rito ay hindi mapasusubaliang mahirap at may kagipitan lalo na sa mga taong hindi nakapag-aral at walang ng matinong hanap-buhay. Ito ang siyang nag-uudyok sa kanila upang kumapit sa patalim nang sa gayon ay pansamantalang may maipantustos sa pang-araw- araw na pangangailangan gaya ng ina ni Ida na napipilitang magbenta ng aliw. Tunghayan ang patunay: [40] “O, e ba’t… kanginang ‘malis ang nanay mo, nakita ko… ang ganda-ganda ng suot. Siguro, mahal ‘yon, no?” (p. 126;talata 40) [56] “Sabi ni Aling Bebang, m-maganda raw ang nanay mo. Pero, ang nanay mo raw… ang nanay mo raw…” (p. 127;talata 56) [58] “Yong sabi ni Aling Bebang. ‘Yong… kaya raw… kaya raw ganoon ang nanay mo, e, dahil ‘ala kang tatay. Bakit nga ‘ala kang tatay, ha, Ida?” (p. 127;talata 58) Mababanaag sa mga pahayag na nauunawaan at pinag-uusapan ng mga matatanda ang paraan ng paghahanap-buhay ng ina ni Ida. Mahihinuha ring nakabantay ang mga mata ng kanilang mga kapit-bahay sa kanyang ina kung nakagayak o nakapustura ito sa tuwing umaalis. 3. Banghay 3.1 Simula
  • 7. 8 Ayon kina Guerero at mga kasama nito (2012), ang bahaging ito ay sadyang napakahalaga sapagkat nakasalalay dito ang pagpukaw sa kawilihan ng mambabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa ng akda. Dito’y inilalarawan at ipinakikilala ang mga tauhan, tagpuan at suliraning kakaharapin ng tauhang tampok sa akda. Naging masining ang may-akda sa kanyang paglalarawan sa bawat pangyayari upang agad ay mapagana ng mga mambabasa ang kanilang imahinasyon. Sa simula’y agad mahihinuha ang kaugnayan ng pamagat sa kuwento nang ihayag at ilarawan nito ang katangian ng mga tauhan. Matutunghayan ang patunay sa ibaba: [1] “Tinakpan ng batang babae ang kupi at kalawanging lata gatas. Nanggigipalpal sa alikabok ang kanyang paa’t binti. Kaypala’y mga pitong taong gulang siya.” [2] “Hinawi ng bata ang ilang hibla ng tuwid at malagong buhok na lumaylay sa kanyang mukhang nangingintab sa pawis. Bahagya siyang yumuko. Nagpalinga-linga. Paikot na sinuyod ng tanaw ang kabuuan ng makipot na bakuran. Malikot ang bilugan at maitim niyang mata.” (p. 123;talata 1-2) [9] “Pung, Emy!” sigaw ng bata kasunod ang matinis na hagikgik. Palundag siyang tumayo at halos magkadarapa sa pagtakbong pabalik sa lata ng gatas. Tinakpan niya iyon.” [10] “Seyb!” At makaitlong napalundag ang bata: nakatawa, nakatuon sa hita ang mga palad.” (p. 124;talata 9-10) Mauunawaang ang bata ay nakikipaglaro sa simula ng kuwento. Ang pagiging marusing, pawisan, at walang kaayusan nito sa sarili ay ‘di nito alintana dala ng matinding kagustuhan nitong mahanap ang nagtatagong kalaro. Isa itong malinaw na paglalarawan na bilang mga bata ay paglalaro ang siyang tanging makapagpapasaya sa kanila sa kabila ng kabalituan ng
  • 8. 9 buhay na mayroon sila. Ito ay isa ring paraan ng pagtakas sa katotohanan at mga suliraning naghihintay sa kanila. 3.2 Suliranin Ang suliranin ay ang pagsubok na kinakaharap ng tauhan sa akda. ito ang magpapalutang sa katangiang taglay ng tauhan na maaaring positibo o negatibo at magbibigay-daan upang magkaroon ng kulay at maging kawili- wili ang mga pangyayari sa kuwento. Ang pagkakasakit ni Obet, nakababatang kapatid ni Ida, ang siyang suliranin sa kuwento. Ito ang siyang naging dahilan upang ang masayang pakikipaglaro ni Ida kay Emy ay matigil. Narito ang patunay: [13] “Dinampot ng tinawag na Ida ang lata. Akmang ihahagis sa malayo. Nguni’t hindi nagtuloy. Dahan- dahang bumaba ang kamay niyang may hawak sa lata. Hinarap niya si Emy. Pagkuwa’y tumanaw siya sa bahay sa kabilang bakuran. Nakakunot ang kanyang noo.” [14] “’Yoko na kaya…” sabi ni Ida.” (p. 124;tal. 13-14) [16] “Hapon na, e. Baka… baka dumating ng nanay ko.” [17] “Ma’no? ‘Andito ka lang naman sa’min.” [18] “Oo nga… pero… pero…, m-me sakit si Obet, e. Pinababantayan sa’kin ni Nanay.” [19] “Baka magalit pag… pag dumating siya na ‘ala ko sa’min. Tulog lang kangina si Obet kaya… kaya ‘ko nakaalis.” [20] “Me sakit na naman pala si Obet, no? Di ba no’ng k’wan lang… kelan ‘yon… dinuktor siya… ‘ka mo no’n?”
  • 9. 10 [21] “Oo nga, e… Ngayon, sabi ng nanay ko, sabi… kelangang mapagamot daw uli dahil… dahil…ewan ko ba…” (p. 124;talata 16-21) Bagaman nakahadlang ang pagkakasakit ng kapatid sa pakikipaglaro sa kaibigan ang pag-ayaw ay naglalarawan naman ng pagiging responsableng kapatid ni Ida at masunuring anak sa tagubilin ng kanyang magulang. Ang pag-aalala sa kapatid ay mapapansin sa kanya. 3.3 Tunggalian Dito inilalahad ang pagharap ng pangunahing tauhan sa masalimuot na kaganapan sa akda. Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari kaya’t sinasabing ito ang sanligan ng akda. Ang pagiging musmos ni Ida na hindi pa lubusang nauunawaan ang katotohanan ng buhay ay siya nitong kalikasan. Karaniwang nagiging dahilan ito upang maisantabi ang mga kagaya niya sa mga suliraning kaakibat ng buhay. Dahil dito, bilang magulang, tungkulin ng kanyang ina na labanan ang kahirapan ng buhay. Ang magpunyagi nang may maipangtustos sa kanilang pangangailangan sa kabila ng pag-iisa, karukhaan at kagipitan ay dapat nitong gawin. Sa sariling pamamaraan ipinakita ng ina ang kanyang pagharap sa hamon ng buhay at lipunang kanyang kinabibilangan sa pamamagitan ng paghahanap-buhay sa mabilis na paraan, ang pagkapit sa patalim. Matutunghayan sa naging usapan ng magkaibigang batang babae ang paraan kung paano tinutustusan ng ina ni Ida ang kanilang mga pangangailangan: [47] “Saan ba nagpunta ang nanay mo?” (p. 126;talata 47)
  • 10. 11 [48] “Ewan. Sa dati siguro.” [49] “Saan dati?”) [50] “Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi… kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro, doon uli siya nagpunta. Ewan.” (p. 127;talata 48-50) Sa inosenteng kagaya ni Ida, ang hanap-buhay ng kanyang ina ay isang palaisipan subalit sa mga lubusang nakauunawa sa buhay na kanilang kiansasadlakan, ang mabilis na pagkakaroon ng salapi ay mula sa pagbebenta nito ng aliw. 3.4 Kasukdulan Sa bahaging ito matutunghayan ang katuparan o kasawian ng pangunahing tauhan sa kanyang ipinaglalaban. Mahalagang bahagi ito ng akda sapagkat ipinakikita rito ang mga pangyayari kung saan ang sagabal ay unti-unting nabibigyang-kalutasan at ang kapalaran ng pangunahing tauhan ay mahihinuha’t mapagpapasyahan na. Ang pagdating ng ina ni Ida ang siyang nagbigay sigla at pag-asa sa kanya at sa kapatid na may karamdaman. Nakasalalay sa kanyang ina ang lunas sa mga sakit na nadarama nilang magkapatid. Si Ida na tiyak mula pa pananghalian na di napunan ng anumang pagkain ang sikmura ay gutom na gayundin ang nakababatang kapatid na si Obet na nakikipaglaban sa hirap na nadarama ng kanyang katawan dulot ng pagkakasakit. Kaya naman, pinananabikan ni Ida ang pagbabalik ng ina mula sa kung saan. Ang susunod na pahayag ay magpapatunay rito: [77] “Patalong nanaog si Ida. Patakbong sumalubong sa darating.”
  • 11. 12 [78] “Nay!” malayo pa ang babai’y hiyaw na ni Ida. Nagkakatapi-tapilok siya sa mabatong eskinita.” [79] “Huminto sa pagtakbo si Ida nang malapit sa babae. Yumakap siya sa hita nito.” (p. 129;talata 77-79) [82] “Nagpatuloy sa paglalakad ang babae. Higit na mabilis ang kanyang hakbang. Patakbo namang sumunod si Ida. Sapo niya ng mga palad ang ilalim ng supot na hawak ng ina, hanggang sa tuluyang bitawan nito iyon at mailipat sa kanyang kamay.” (p. 129;talata 82) 3.5 Kakalasan Ang elementong ito ng maikling kuwento ay nag-iiwan ng impresyon sa isipan at kumukurot sa damdamin ng mambabasa. Patungo ito sa katapusan at kalutasan ng suliranin sa akda. Ang pagkain ni Ida ng pansin na tila iyon na ang pinakamasarap na pagkaing natikman niya sa buong buhay niya ay kumukurot sa puso ng kanyang ina na nagbunsod upang umagos ang luha sa mga mata nito. Matutunghayan ang patunay sa ibaba: [92] “Makailang napalunok si Ida. Nanginginig ang kanyang kamay nang dumampot siya ng pansit at sumubo. Namulawan siya. Pahigop niyang nilulon ang ilang naglawit na miki at bihon. Abut-abot ang kanyang pagnguya, pagsubo.” [93] “Nag-angat ng mukha si Ida. Sumulyap siya sa ina. Tumango. Ngunit saglit lamang. Muli siyang nag-angat ng mukha at tumingin sa ina. Ang haplit niyang pagnguya ay unti-unting dumalang hanggang sa tuluyang mapakat ang kanyang bibig.” [94] “Ang babae ay nakatitig din kay Ida. Kukurap-kurap ang mga mata. May kumislap doon. Nagsipaglandas sa
  • 12. 13 gilid ng ilong. Dumaan sa sulok ng mapulang labi. Nagtagpo sa ilalim ng baba. Nagsamang gumuhit na pababa sa leeg.” (p. 130;talata 92-94) ‘Di man lubusang ipahayag ng ina ang nadarama ay mababanaag dito ang nadaramang kasawian sa kapalarang mayroon silang mag-iina. Ang luhang umagos sa mga mata niya ay naglalarawan ng maraming bagay- pagmamahalan at pagkahabag sa kanyang anak na ‘di man tahasang binanggit o ipahayag ay makikita’t madarama na sa kanya nakasalalay ang kinabukasan at buhay ng kanyang mga anak. 3.6 Wakas Ayon kina Guerero at mga kasama nito (2012), sa bahaging ito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin. Ang kahihinatnan ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa akda ay inilalahad dito. Bagama’t ang isang maikling kuwento ay maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ang isang katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari ritong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa. Nag-iwan ng tuwa at panghihinayang ang pagwawakas sa akda. Sa kabila ng pagiging bata at kalagayan sa buhay ni Ida, kapansin-pansin na marunong itong makipagkapwa sa halip iatabi ang natitirang pansit ay naisipan nitong ibahagi sa kaibigang sumama sa kanya sa pag-uwi sa kanilang bahay. Sa kasamaang palad, ang kapanabikan ni Idang maihatid at maibigay ang natitirang pansit sa kaibigang si Emy ay nauwi sa wala. Pagmamadali at kawalang-ingat ang siyang naging dahilan ng pagtilapon at pagkalat ng pansin sa makutim na lubak sa kanal. Tunghayan ang patunay:
  • 13. 14 [103] “Nay,” tawag ni Ida at kinalabit sa bisig ang ina. “Dadalhan ko nang konti nito si Emy. Sinamahan naman niya ako kangina rito, e. Ha, “Nay, ha?” (p. 130 ;tal.103) [106] “M-magugulat si… si Emy,” sabi ni Ida. ‘Kala siguro n’ya, di tayo… di tayo nagkakar’on ng pansit! ‘Kala siguro niya, panay lu… lugaw ang kinakain natin!” [107] “Pagkabalot ng pansit ay nagmamadaling nanaog si Ida. Patakbo niyang tinalunton ang makitid na eskinita. Nagkatisud-tisod siya sa nakausling bato hanggang sa tuluyang madapa. Sumambulat ang pansit. Humagis na pakalat hanggang sa makutim na labak sa kanal.” (p. 131;talata 106-107) Sa mundong ito, ang buhay ng ilan sa atin ay masasalamin sa kuwento ng batang si Ida. Ang pagiging mapagbigay sa kabila ng kahirapang nararanasan ay ating nagagawa. Gayundin, makikita na sa kabila ng pagkapit sa patalim ng ina ni Ida ay pinalalaki siya nitong mabuting bata. Malungkot mang isipin, tulad ng tumilapong pansit sa kanal, ang maginhawang buhay para sa mga kagaya nilang mahihirap ay pansamantala lamang. Sapagkat sa kanilang paggising kinabukasan ay naghihintay pa rin ang isang malaking suliraning dapat nilang harapin- ang kahirapan. 4. Paglalarawang-Tauhan Sinasabing ang tauhan ang siyang nagbibigay-buhay sa akda. Malaki ang gampanin ng tauhan sa paghinuha at pagkamulat ng mambabasa sa kaisipang hatid ng akda. Maaaring makilala ang tauhan batay sa kanyang panlabas na kaanyuan o lalong mabisa pa sa kanyang iniisip, sinasalita at ikinikilos. Ang pagkainosente ng pangunahing tauhan sa mga bagay-bagay sa kanyang paligid maging sa kanyang pagkatao ay naglalarawan at nagpapatunay na di pa nito lubusang nauunawaan ang kanyang kalagayan
  • 14. 15 sa buhay na niyag harapin. Ang hanapbuhay ng kanyang ina ay isa ring palaisipan sa kanya. Matutunghayan ang mga patunay sa susunod na usapan sa ibaba: [47] “Saan ba nagpunta ang nanay mo?” (p. 126;tal. 47) [48] “Ewan. Sa dati siguro.” [49] “Saan dati?” [50] “Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi… kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro, doon uli siya nagpunta. Ewan.” (p. 127;talata 48-50) Bilang bata madali rin itong mapaniwala sa kung ano ang sinasabi sa kanya ng sino mang nakatatanda lalo ng kanyang magulang. Basahin ito sa usapan sa ibaba: [58] “Yong sabi ni Aling Bebang. ‘Yong… kaya raw… kaya raw ganoon ang nanay mo, e, dahil ‘ala kang tatay. Bakit nga ‘ala kang tatay, ha, Ida?” [59] “A, meron po.” [60] “Nasaan siya?” [61] “Kuwan… sabi ng nanay ko, patay na raw.” [62] “Patay?” [63] “Oo. Pero, kung di patay ang tatay ko, sabi ng Nanay, palaging ang dami-dami raw naming pera. Kasi, patay na siya, e.”
  • 15. 16 [64] “Sana, hindi patay ang tatay mo.” (p. 127; talata 58-64) [65] “Sana nga.” Yumuko si Ida. Pinalis ang mga libag na nahilod sa tuhod. “Alam mo, sabi ng nanay ko, sabi, no’n daw buhay ang tatay ko, pulis daw. Matapang siya… talaga… ‘kala mo… Saka, ‘ala pa raw kami rito no’n. Sa… sa malayo kami nakatira.” (p. 128;talata 65) Dagdag pa sa patunay nang pagiging bata ni Ida ang kawalang-ingat at padalos-dalos ng kilos nito. Narito ang mga patunay: [77] “Patalong nanaog si Ida. Patakbong sumalubong sa darating.” [78] “Nay!” malayo pa ang babai’y hiyaw na ni Ida. Nagkakatapi-tapilok siya sa mabatong eskinita.” (p. 129;talata 77-78) [107] “Pagkabalot ng pansit ay nagmamadaling nanaog si Ida. Patakbo niyang tinalunton ang makitid na eskinita. Nagkatisud-tisod siya sa nakausling bato hanggang sa tuluyang madapa. Sumambulat ang pansit. Humagis na pakalat hanggang sa makutim na labak sa kanal.” (p. 131;talata 107) 5. Tagpuan Bilang mahalagang elemento, ang tagpuan ay mahalagang masuri rin dahil isa ito sa mga salik na may malaking impluwensiya sa paghubog at pagpapabago sa kamalayan at pagkatao ng mga tauhan sa akda. Ang tagpuan ay tumutukoy sa lugar at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda. Naglalarawan ito sa ginagalawan o kapaligiran ng tauhan.
  • 16. 17 Naganap ang kuwento sa lugar na kabilang sa masasabing may kahirapan ang buhay. Karaniwang tinatawag ito ng karamihang squatters area. Sa lugar na ito makikita ang mga di kaaya-ayang bagay maging ang paraan ng pagpapalipas ng oras at ng isang araw ng mga taong naninirahan doon. Narito ang patunay: [3] “Pasaglit-saglit, sa pag-ikot ng bata ay tumigil siya, nagpapako ng tingin sa dram ng tubig sa may gripong labahan, sa yerong nakatabing sa naglalawa at mabahong pusalian, sa tabinging tiklis na tapunan ng mga basurang nilalangaw sa gilid ng eskinita, sa matayog na posteng ilaw sa labas ng bakod na alambreng may tinik.” (p. 123;talata 3) [26] “Ala ditong nanay ko. Nag… nag… Ano ‘yon… ‘yong nagbabaraha… d’yan sa tapat?” Inginuso ni Emy ang isang bahay sa kabilang eskinita. Katabi iyon ng iba pang mga bahay na ang pagkakahanay ay walang kaayusan. Karamiha’y maliliit. Dikit-dikit halos, liban sa pasilyong daanan ng tao na kakikitaan ng ilang batang nagsisipaglaro.” (p. 125;talata 26) [28] “Magkasabay silang lumabas sa bakuran. Kumanan sa makitid na eskinita. Sa magkabilang gilid ng eskinita ay may lumot na kanal, dinadaluyan ng malapot na lubak na siya manding nagpapasigla sa pagtubo ng damo sa tabi. Sa kanal na iyon nakapasanga ang agusan ng mga pusalian, labahan at dumihan sa pook na iyon.” (p. 125;talata 28) Samantala, ang mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan ay naganap sa kanilang munting barung-barong. Ito ang siyang tagpuan sa kuwento na hindi nalalayo sa anyo ng mga bahay na nauna nang nabanggit. Mababakas ang kalagayan sa buhay ng pangunahing tauhan sa
  • 17. 18 akda. Ang karukhaan ay hindi mapasusubalian at kitang-kita ito sa anyo ng kanilang tahanan. Tunghayan ang patunay: [29] “Sinapit nila sa kabilang bakuran ang isang barung- barong na anyong kamalig ng palay. Nakagiray sa kaliwa. Nadirindingan ng pinagsanib-sanib na karton, lona at inunat na bald eng petrolyo. Ang atip na kupi-kuping yero ay maraming maliliit na butas na sinuutan ng binilot na palara upang kaypala’y hindi tagusin ng tubig kung umuulan. Sa malas, ang mga yerong iyon ay pinulot lamang sa labi ng isang natupok na gusali.” [30] “Magkasunod na pumanhik ang dalawang bata sa barung-barong na ang hagdanan ay may dalawang baiting at yari sa tabling gato at putuk-putok” (p. 125;talata 29-30) Sa gayong kalagayan, isang malaking hamon ang naghihintay sa pangunahing tauhan sa oras na mamulat ito sa katotohanan at unti-unting maunawaan ang buhay. Mababanaag na ang pook na iyon at ang mga taong naninirahan doon ay may malaking impluwensiya sa paghubog ng pagkatao at pag-unawa sa nito mundo. 6. Simbolo o Sagisag Ang simbolo o sagisag ay mga salitang kapag ay nag-iiwan ng kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa. Ang pagtukoy sa mga sagisag buhat sa akda ay isang pagsasanay upang masubok ang kakayahan ng mambabasa na mag-isip ng lalo pang malalim upang mailabas ang mga nakakubling kaisipan buhat sa akda. Mga nakausling bato ang isa sa mga simbolong ginamit sa kuwento. Ang mga batong ito ay itinuturing na sagabal sa daan. Ito rin ang naging dahilan kung bakit makaulit na magkatisud-tisod hanggang sa madapa ang pangunahing tauhan.
  • 18. 19 Sa realidad ng buhay, ang tao ay humaharap sa maraming pagsubok gaya ng sinisimbolo ng mga bato sa daan. May pagkakataong ika’y matitisod at tuluyang madarapa dahil dito. Subalit pagkatapos nito, ikaw ay babangon, tatayo, at matututo sa iyong naging pagkakamali. Ang mga nakausling batong ito ang siyang magiging dahilan upang ika’y maging matapang at maingat sa susunod na pakikihamok sa mga suliraning nakasasagabal sa iyong pangarap at pagtatagumpay sa buhay. Ang batang si Ida na padalus-dalos kung kumilos at ‘di inalintana ang mga nakausling batong nakasasagabal sa kanyang daraanan ay tuluyang nadapa. Sa kasamaang palad pa’y ang bagay na minsan lamang niya maipagmamalaki sa kaibigan, dahil sa kawalang ingat ay nasayang at napunta sa wala. Tunghayan ang patunay: [78] “Nay!” malayo pa ang babai’y hiyaw na ni Ida. Nagkakatapi-tapilok siya sa mabatong eskinita.” (p. 129;talata 78) [107] “Pagkabalot ng pansit ay nagmamadaling nanaog si Ida. Patakbo niyang tinalunton ang makitid na eskinita. Nagkatisud-tisod siya sa nakausling bato hanggang sa tuluyang madapa. Sumambulat ang pansit. Humagis na pakalat hanggang sa makutim na labak sa kanal.” (p. 131;talata 107) Ang pagkakadapang iyon ng pangunahing tauhan ay maaaring mabunsod sa kanya upang maging maingat sa kanyang mga galaw sa susunod. Maaari ring magbukas ito ng bagong kabanata sa kanyang buhay kung saan matututuhan at mauunawaan niyang ang mga kagaya niya ay kailangang maging matatag sa uri ng buhay mayroon sila. 7. Estilo
  • 19. 20 Ang estilo ay tumutukoy sa pamamaraang ginamit ng manunulat sa paglikha ng obra nito. Sa pamamagitan nito, nailalabas niya ang mga kaisipang hatid ng kanyang akda na siyang pupukaw sa interes at damdamin ng mambabasa. Sa masining na paglalarawan sa mga pangyayari sa kuwento, napagagana ng mambabasa ang kanyang imahinasyon. Malaya itong nakapaglalakbay sa bawat tagpo at kaganapan sa akda na kahit binabasa ay tila nasasaksihan ng iyong mga mata at nadarama ng iyong damdamin. Ang maayos na pagkasunud-sunod ng mga pangyayari sa akda ay kapansin-pansin. Ang wakas ay nagdulot ng iba’t ibang reaksyon at marahil puna sa ilang mambabasa. Habang naging epektibo rin ang ginawang pagsasalaysay ng may akda sa pamamagitan ng obhektibong paningin o paninging palayon. Sa paninging ito, ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Narito ang patunay: [1] “Tinakpan ng batang babae ang kupi at kalawanging lata gatas. Nanggigipalpal sa alikabok ang kanyang paa’t binti. Kaypala’y mga pitong taong gulang siya.” (p 123;talata 1) Ang tagapagsalaysay ay hindi rin nakapagbibigay-puna o paliwanag. Tumatayong tagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kuwento. Makikita niya ang ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang kanilang sinasabi ngunit hindi niya tuwirang masasabi ang kanilang iniisip o nadarama. Tunghayan ang sumusunod na patunay sa usapan ng dalawang batang babae: [47] “Saan ba nagpunta ang nanay mo?” (p. 126;talata 47)
  • 20. 21 [48] “Ewan. Sa dati siguro.” [49] “Saan dati?” [50] “Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi… kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro, doon uli siya nagpunta. Ewan.” (p. 127;talata 48-50) C. Pagpapahalagang Pangkatauhan 1. Maka-Diyos Ang pagpapahalagang pangkatauhan na ito ay nauukol sa paniniwala at pagsunod sa mga tuntuning itinakda ng Dakilang Lumikha. Ang pagmamahal sa magulang ay nangangahulugang pagmamahal din sa Diyos. Sa murang isipan ni Ida ang mga salita ng kanyang ina ay mahalaga. Maraming bagay man siyang ‘di pa lubusang nauunawaan subalit naniniwala siya at tumatalima sa anumang sabihin o iutos sa kanya ng kanyang ina. Narito ang mga patunay: [18] “Oo nga… pero… pero…, m-me sakit si Obet, e. Pinababantayan sa’kin ni Nanay.” [19] “Baka magalit pag… pag dumating siya na ‘ala ko sa’min. Tulog lang kangina si Obet kaya… kaya ‘ko nakaalis.” (p. 124;talata 18-19) [63] “Oo. Pero, kung di patay ang tatay ko, sabi ng Nanay, palaging ang dami-dami raw naming pera. Kasi, patay na siya, e.” (p. 127;talata 63) [65] “Sana nga.” Yumuko si Ida. Pinalis ang mga libag na nahilod sa tuhod. “Alam mo, sabi ng nanay ko, sabi, no’n
  • 21. 22 daw buhay ang tatay ko, pulis daw. Matapang siya… talaga… ‘kala mo… Saka, ‘ala pa raw kami rito no’n. Sa… sa malayo kami nakatira.” (p. 128;talata 65) [70] “Wala kaming kanin, e. Kanginang umaga nga pinautang lang ako ng Nanay ng pandesal ke Aling Bebang. Tatlo. Tig-iisa kami. Saka… saka… kanginang tanghali… ano ‘yon… ‘yong… k’wan, lugaw. ‘Yon ang kinain naming.’Alang ulam. Sabi ni Nanay, pag… lugaw daw, talagang ‘alang ulam.” (p. 128;talata 70) Kapansin-pansin ang pagiging masunuring bata ni Ida. Ang kanyang kawalang-malay sa mga bagay-bagay ay hindi naging suliranin para sa kanyang ina upang maging responsableng bata. 2. Makatao Ang pagpapahalagang pangkatauhan na ito ay nangangahulugang pagmamahal sa kapwa-tao. Ang pagmamalasakit at pag-iisip para sa kapakanan at kabutihan ng kapwa ay nagpapakita ng pagiging makatao. Kailanma’y hindi hadlang ang kalagayan sa buhay ng tao upang makalimutan nitong makipagkapwa. Tunghayan ang patunay: [70] “Wala kaming kanin, e. Kanginang umaga nga pinautang lang ako ng Nanay ng pandesal ke Aling Bebang. Tatlo. Tig-iisa kami. (p. 128;talata 70) Ipinakita ng mga tauhan sa akda sa kani-kanilang simpleng kaparaanan ang pagmamalasakit at pagiging makatao. Ang pangunahing tauhan, sa kabila ng pagiging bata at kawalang- malay nito sa maraming bagay sa kanyang sariling paraan ay kinakitaan ng pakikipagkapwa sa kanyang kalaro. Narito ang patunay:
  • 22. 23 [103] “Nay,” tawag ni Ida at kinalabit sa bisig ang ina. “Dadal’an ko nang konti nito si Emy. Sinamahan naman niya ako kangina rito, e. ha. ‘Nay, ha?” (p. 130 ;tal. 103) 3. Makabayan Tumutukoy ito sa pagmamahal at pagmamalasakit sa sariling bansa. Ang paghahanap-buhay nang hindi nakakapanakit ng kapwa at nagdudulot ng kapinsalaan sa bayan o bansa sa pangkalahatan ay isang paraan upang maipakita ang pagiging makabayan. Pinatunayan ng ina ng pangunahing tauhan ang kanyang pagsisikap na maitaguyod ang pangangailangan ng kanyang mga anak sa kabila ng pag- iisa at kawalan ng katuwang sa buhay. Kahit lingid sa kaalaman ng iba ang paraan kung paano siya kumita ng salapi ay ‘di naman ito naging pasakit o pabigat sa kanyang lipunan sa kabila ng kahirapang nararanasan nito. Tunghayan ang patunay sa usapan sa ibaba: [47] “Saan ba nagpunta ang nanay mo?” (p. 126;tal. 47) [48] “Ewan. Sa dati siguro.” [49] “Saan dati?” [50] “Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi… kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro, doon uli siya nagpunta. Ewan.” (p. 127;talata 48-50) Nakalulungkot man ang kanilang kapalaran subalit makikita ang pagiging responsableng ina nito sa kabila ng lahat. 4. Makakalikasan
  • 23. 24 Ito ay tumutukoy sa pagpapahalaga sa kalikasan. May kaugnayan din ito sa mga kalikasan ng isang bagay at ng pagiging tao tungo sa kanyang kapaligiran batay sa mga sitwasyong nagaganap sa kanyang kapaligiran. Likas sa mga bata ang maglaro. At dahil bata pa at walang pakialam, anumang itsura, suot o anyo nila sa harap ng kahit sino pa man ay di nila alintana. Ang panlilimahid at pagiging marusing ay likas sa mga batang naglalaro sa lansangan. Narito ang patunay: [1] “Tinakpan ng batang babae ang kupi at kalawanging lata gatas. Nanggigipalpal sa alikabok ang kanyang paa’t binti. Kaypala’y mga pitong taong gulang siya.” [2] “Hinawi ng bata ang ilang hibla ng tuwid at malagong buhok na lumaylay sa kanyang mukhang nangingintab sa pawis. Bahagya siyang yumuko. Nagpalinga-linga. Paikot na sinuyod ng tanaw ang kabuuan ng makipot na bakuran. Malikot ang bilugan at maitim niyang mata.” (p. 123;talata 1-2) Mahalaga para sa mga bata ang magkaroon ng oras sa paglalaro. Sa pamamagitan nito, natututo silang makisalamuha sa kanilang kapwa at nakararamdam ng kasiyahan sa kanilang mga sarili. D. Pagsusuri Batay sa Kaukulang Pananaw na Pampanitikan 1. Realismo Nakatuon sa makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan ang teoryang pampanitikang ito. Ito ay sukdulan ng katotohanan, higit na binibigyang-pansin ang katotohanan kaysa kagandahan at pinahahalagahan nito ang paraan ng pagsasalaysay kaysa sa paksa.
  • 24. 25 Tunay na malaki ang impluwensiya ng matatanda sa mga bata. Matutunghayan natin ang patunay sa naging daloy ng usapan ng dalawang bata: [40] “O, e ba’t… kanginang ‘malis ang nanay mo, nakita ko… ang ganda-ganda ng suot. Siguro, mahal ‘yon, no?” (p. 126;talata 40) [56] “Sabi ni Aling Bebang, m-maganda raw ang nanay mo. Pero, ang nanay mo raw… ang nanay mo raw…” (p. 127;talata 56) [58] “Yong sabi ni Aling Bebang. ‘Yong… kaya raw… kaya raw ganoon ang nanay mo, e, dahil ‘ala kang tatay. Bakit nga ‘ala kang tatay, ha, Ida?” (p. 127;talata 58) [59] “A, meron po.” [60] “Nasaan siya?” [61] “Kuwan… sabi ng nanay ko, patay na raw.” [62] “Patay?” [63] “Oo. Pero, kung di patay ang tatay ko, sabi ng Nanay, palaging ang dami-dami raw naming pera. Kasi, patay na siya, e.” [64] “Sana, hindi patay ang tatay mo.” (p. 127;talata 59-64) [65] “Sana nga.” Yumuko si Ida. Pinalis ang mga libag na nahilod sa tuhod. “Alam mo, sabi ng nanay ko, sabi, no’n daw buhay ang tatay ko, pulis daw. Matapang siya… talaga… ‘kala mo… Saka, ‘ala pa raw kami rito no’n. Sa… sa malayo kami nakatira.” (p. 128;talata 65)
  • 25. 26 Anumang sabihin o gawin nila ay may malaking epekto sa kanilang isipan. Ito ay kanilang madaling paniwalaan at nagiging batayan ng kanilang mga kaalaman hangga’t hindi pa sila umaabot sa hustong gulang kung saan sa panahong iyon maunawaan at matuklasan mismo ng kanilang mga sarili ang sagot sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanila. 2. Sosyolohikal Ang layunin ng panitikan sa dulog na ito ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon. Dahil dito, ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ay repleksyon o salamin ng mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Kahirapan ng buhay ang suliraning tampok sa akda. Ito rin ang dahilan kung bakit nagagawang magbenta ng aliw ang ina ni Ida kapalit ng salaping maipangtutustos sa pangangailangan nilang mag-iina. Narito ang patunay: [40] “O, e ba’t… kanginang ‘malis ang nanay mo, nakita ko… ang ganda-ganda ng suot. Siguro, mahal ‘yon, no?” (p. 126;talata 40) [47] “Saan ba nagpunta ang nanay mo?” (p. 126;tal. 47) [48] “Ewan. Sa dati siguro.” [49] “Saan dati?” [50] “Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi… kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang
  • 26. 27 dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro, doon uli siya nagpunta. Ewan.” (p. 127;talata 48-50) Hindi mapasusubalian na kahirapan ang siyang pinag-uugatan ng mga suliranin kung saan kinakailangang kumapit ang tao sa patalim upang mabuhay. 3. Formalistiko Ang tungkulin ng teoryang pampanitikang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat sa akda. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa sariling paraan. Higit na pinahahalagahan dito ang istruktura at pagkakabuo sa akda. Kapansin-pansin ang kaayusan ng mga pangyayari sa akda. Sa simula ay naging mabisa na ang paglalarawan sa tauhan, kapaligiran at uri ng pamumuhay mayroon ang mga tauhang tampok sa akda. Sinundan ito ng suliranin na nagbigay-daan upang lalong mapalutang ang katangiang taglay ng bawat tauhan. Naging makapigil-hininga rin ang na tagpo kung saan nilalasap ng pangunahing tauhan ang sarap ng kinakaing pansit at pag-agos ng luha sa mga mata ng ina nito habang nakikita ang gayong paraan ng pagkain. At ang wakas ay nag-iwan ng isang malaking kakintalan kung saan pinatunayan ang kaugnayan ng pamagat sa pagiging bata ng pangunahing tauhan na naging padalus-dalos sa kanyang kilos dahilan upang siya’y tuluyang madapa at mapunta sa wala ang pansit na sana’y ibibigay sa kaibigan. 4. Imahismo Ang layunin ng panitikan sa pananaw na ito ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
  • 27. 28 saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Ang paglalarawan sa naging damdamin ng ina ni Ida habang pinanonood siyang kumain ng pansit ay naging epektibo upang higit na mapangibabaw ang pagkaawa sa naging anyo nito. Tunghayan ang patunay: [93] “Ang babae ay nakatitig din kay Ida. Kukurap-kurap ang mga mata. May kumislap doon. Dumaan sa sulok ng mapulang labi. Nagtagpo sa ilalim ng baba. Nagsamang gumuhit na pababa sa leeg.” (p. 130 ;tal. 93) Malinaw na napaluha ang ina dahil kumukurot sa puso nito ang anyo ng kanyang anak habang kinakain ang pansit na tila noon lamang ito nakatikim. Alam niya ang kanyang anak ay gutom na gutom mula pa sa maghapong kahihintay sa kanya. Dumagdag pa sa bigat na kanyang nadarama ang sitwasyon kung saan nakasalalay sa uri ng hanap-buhay na mayroon siya ang kanilang kinabukasan. 5. Moralistiko Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao - ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. Sa gayong uri ng lugar na tampok sa akda, ang pagsusugal ay isang paraan ng pagpapalipas ng oras ng mga tao. Kalimitang nagdudulot ito ng
  • 28. 29 kasiyahan lalo pa’t kung nananalo. Subalit ang pagkahumaling dito ay nagiging dahilan ng kapabayaan sa mga responsibilidad na dapat gampanan ng isang tao. Tunghayan ang susunod na pahayag sa ibaba bilang patunay: [25] “Di ka ba hahanapin ng… ng nanay mo?” [26] “’Ala ditong nanay ko. ‘Nag… nag… Ano ‘yon… ‘yong nagbabaraha… d’yan sa tapat?” inginuso ni Emy ang isang bahay sa kabilang eskinita.” (p. 125;talata 25-26) Ang pagsusugal gamit ang baraha ay impluwensiyang hatid ng dayuhan sa bansa na kalaunan ay nakagawian na ng mga tao. Ang paglalaro nito ay may masamang dulot sa isipan ng mga bata lalo na’t nawawalan nang oras ang mga magulang sa kanilang mga anak na magampanan ang kanilang responsibilidad gaya na lamang ng ina ni Emy na walang kamalay- malay sa mga pinupuntahan ng kanyang anak maging sa mga nasasaganap nitong tsismis na hindi naman makatutulong sa kanyang paglaki. Sa kabilang banda, ang paraan ng paghahanap-buhay ng ina ni Ida, lingid man sa kaalaman ng kanyang mga kapit-bahay ay di pa rin maiwasang pag-usapan ito. Matutunghayan ito sa mga tinuran ni Aling Bebang na nasagap ni Emy: [56] “Sabi ni Aling Bebang, m-maganda raw ang nanay mo. Pero, ang nanay mo raw… ang nanay mo raw…” (p. 127; talata 56) [58] “Yong sabi ni Aling Bebang. ‘Yong… kaya raw… kaya raw ganoon ang nanay mo, e, dahil ‘ala kang tatay. Bakit nga ‘ala kang tatay, ha, Ida?” (p. 127;talata 58) Gayon pa man, may mabigat na dahilan ang ina ni Ida kung bakit nagagawa niya ang kumapit sa patalim. Alam niyang bilang ina, tungkulin
  • 29. 30 niyang ang humanap ng paraan upang maitaguyod ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Narito ang patunay: [47] “Saan ba nagpunta ang nanay mo?” (p. 126;tal. 47) [48] “Ewan. Sa dati siguro.” [49] “Saan dati?” [50] “Sa… kuwan…” Napakamot sa ulo si Ida. “Kasi… kasi… noon bang unang magkasakit si Obet.. umalis ang nanay ko. Nang magbalik siya noon, may pera na. Ang dami-dami po. Talaga. Naipagamot nga si Obet. Siguro, doon uli siya nagpunta. Ewan.” (p. 127;talata 48-50) E. Larawang Sosyo-kultural na Pamumuhay Ito ay may kaugnayan sa wika, relihiyon, paniniwala, kilos, gawi, asal na siyang pamantayang isinasaalang-alang ng mga tao sa kanilang pang- araw-araw na pamumuhay sa isang partikular na komunidad. Kapansin-pansin ang pagkainosente ni Ida sa mga bagay na hindi pa nito lubusang nauunawaan at mapagtanto kung ano. Maging ang paraan ng kanyang pagsasalita ay nagpapatunay na ito’y bata pa at marami pang dapat malaman sa buhay at kapaligirang na kanyang kinabibilangan. Narito ang patunay: [21] “Oo nga, e… Ngayon, sabi ng nanay ko, sabi… kelangang mapagamot daw uli dahil… dahil… ewan ko ba…” (p. 124;talata 21) [23] “Di ko laan, e… Ang nanay ko, laan…” (p. 124;talata 23)
  • 30. 31 [40] “O, e ba’t… kanginang ‘malis ang nanay mo, nakita ko… ang ganda-ganda ng suot. Siguro, mahal ‘yon, no?” [41] “Ewan.” [42] “Bakit ewan? (p. 126;talata 40-42) [44] “Kasi… kasi, uwi lang niya ‘yon no’ng minsang umalis siya. Sabi ko nga, ‘Nay, bi… binili mo? Sabi niya… sabi niya… ewan. Di ko maisip ang sabi niya, e.” (p. 126;talata 44) Di maitatatwang ang wala pa sa hustong gulang ang pangunahing tauhan sapagkat kapansin-pansin ito sa paraan ng kanyang pagsasalita at pagtugon sa kausap. Sa gayong uri ng lugar kung saan marami ang walang matinong hanap-buhay, ang pagbabaraha ay nakagawiang paraan ng pagpapalipas oras at pakikihalubilo sa kapwa ng mga tao. Ang patunay ay matutunghayan sa naging usapan ng magkaibigang Ida ta Emy: “’Ala ditong nanay ko. ‘Nag… nag… Ano ‘yon… ‘yong nagbabaraha… d’yan sa tapat?” inginuso ni Emy ang isang bahay sa kabilang eskinita.” (p. 125;talata 26) Larawan ng magandang samahan ang mayroon ang mga tao sa kabila ng di kaaya-ayang lugar na mayroon sila. Samantala, ang pagpapautang ay nagpapakita ng pagtulong sa kapwa sa maliit na paraan. Malaking bagay ang nakagisnang kulturang ito sa mga taong walang sapat na salapi upang mabili ng kanilang pangangailangan. Ang noo’y walang makain na mag-iina ay napunan ang kanilang sikmura dahil sa pagpapautang ni Aling Bebang: Narito ang patunay:
  • 31. 32 [70] “Wala kaming kanin, e. Kanginang umaga nga pinautang lang ako ng Nanay ng pandesal ke Aling Bebang. Tatlo. Tig-iisa kami. Saka… saka… kanginang tanghali… ano ‘yon… ‘yong… k’wan, lugaw. ‘Yon ang kinain naming.’Alang ulam. Sabi ni Nanay, pag… lugaw daw, talagang ‘alang ulam.” (p. 128;talata 70)