SlideShare a Scribd company logo
1 of 23
Download to read offline
Department of Education
Republic of the Philippines
Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City
Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 5-Week 5:
Alamat ni Prinsesa Manorah
Self-Learning Module
1
Alamin
Isang mabungang araw sa iyo, minamahal kong mag-aaral. Lubos
akong natutuwa sa iyong patuloy na pagsisikap sa pagsagot sa mga gawaing
binalangkas para lalong madagdagan ang iyong kaalaman. Ang bawat
pagsasanay ay masusing inihanda para lubos mong maunawaan ang aralin.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang ang iyong
kasanayan sa pamantayan ukol sa:
1. natutukoy ang pinagmulan ng salita (etimolohiya) (F9PT-IIId-e52);
2. naisusulat muli ang maikling kuwento nang may pagbabago sa ilang
pangyayari at mga katangian ng sinoman sa mga tauhan; ang sariling
wakas sa naunang alamat na binasa (F9PU-IIId-e-54);
3. nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan
batay sa usapang napakinggan (F9PN-IIIf-53); at
4. napatutunayan ang pagiging makatotohanan/’di makatotohanan ng
akda (F9PB-IIIf-53).
Handa ka na ba? Halika at pagyamanin mo ang iyong kaalaman at
isipan sa modyul na ito.
Subukin
Bilang paghahanda sa ating aralin, gumawa ako ng isang pagsasanay
na susubok sa iyong kaalaman ukol dito.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga katanungan. Piliin at
isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.
1. Ang mga Pilipino ay magigiliw sa mga bisitang dumarayo sa ating
bansa. Ang salitang may salungguhit ay nagpapakita ng
_______________.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw
2
2. Madalas ang paghikab ni Lita habang siya ay kumukuha ng pagsusulit.
Ang salitang may salungguhit ay nagpapakita ng _______________.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw
3. Matigas ang loob ni Ambet sa pagtulong sa kaniyang mga kamag-anak.
Ang sugnay na may salungguhit ay nagpapakita ng _______________.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw
4. “Apir tayo, mga kapatid”, ang masayang sabi ni Lito sa kaniyang mga
kapatid. Ang “apir” ay mula sa salitang _______________.
A. ap hear C. up hear
B. ap here D. up here
5. Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa kabubuhat ng balde-baldeng galon
ng tubig. Ang salitang tagaktak ay nagmula sa salitang _______________.
A. gak gak gak C. tak tak tak
B. tak gak gak D. tack tack tack
6. Si Aling Mameng ay may pitong pamangkin na mababait at masisipag.
Ang salitang pamangkin ay mula sa mga salitang _______________.
A. para namang iyo C. para namang tayo
B. para namang akin D. para namang sa iyo
7. Dinalaw ng dalaga ang pook na pinagbaunan niya ng kamay ng binata
at napansin niya ang isang halamang tumubo na may tila daliri. Ito ay
hango mula sa akdang _______________.
A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Saging
B. Alamat ng Mangga D. Alamat ng Lanzones
8. Matapos mamatay ang binata, kinuha ng diwata ang puso niya at
ibinaon sa bundok. Makalipas ang ilang panahon, tumubo at namunga
ng hugis-puso ang puno. Ito ay hango mula sa akdang _______________.
A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Mangga
B. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Lanzones
9. Nagbuwis ng buhay si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896 sa
Bagumbayan. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _______________ na
pangyayari.
A. makatotohanan C. walang katotohanan
B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan
3
10. Sina Antonio Luna at Juan Luna ay pinatay sa Cabanatuan City noong
Hunyo 5, 1899. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _______________ na
pangyayari.
A. makatotohanan C. walang katotohanan
B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan
Aralin
5
Alamat ni Prinsesa
Manorah
Ang mga akda gaya ng alamat, pabula, parabula, maikling kuwento,
nobela at iba pa ay karaniwang kapupulutan ng mga aral na maaari nating
maging gabay sa pamumuhay. Ang pagbabasa ng mga ganitong uri ng
panitikan ay makatutulong sa atin upang lalo pa nating makilala ang ating
pamayanan at kulturang pinagmulan.
Balikan
Bago ka tumungo sa bagong aralin, iyo munang sagutin ang susunod
na gawain upang mataya ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin.
Panuto: Sa isang hiwalay na papel, sumulat ng pangyayaring nagpapakita
ng tunggaliang tao vs. tao at tao vs. sarili mula sa akdang, “Isang Libo’t
Isang Gabi.” Gayahin ang grapikong pantulong sa ibaba.
Tao vs. Tao Tao vs. Sarili
4
Tuklasin
Ngayon ay nasa bahagi ka na ng pagtuklas. Alamin natin ang iyong
ideya tungkol sa tatalakayin nating aralin sa pagbasa ng isang alamat.
Ang Buwang Hugis-Suklay
Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta
Noong unang panahon, may
isang mangingisda na nagpaalam
sa kaniyang asawa na lumuwas sa
kabayanan upang mamili ng mga
gamit sa pangingisda.
Nagpabili ang kaniyang
asawa ng kendi para sa kaniyang
anak na lalaki, at isang suklay na
hugis buwan.
Sinabi ng kaniyang asawa na
upang hindi niya makalimutan,
tumingala lamang siya sa
kalangitan at makikita niya ang
buwang hugis-suklay.
Sa araw na iyon, ang buwan ay talaga namang magsisimula nang
maging hugis-suklay.
Nagsimulang humayo ang mangingisda at matapos ang maraming araw
at gabi ng paglalakbay, narating niya ang kabayanan.
Agad-agad niyang binili ang mga kagamitan sa pangingisda at ang
kendi para sa anak. Ngunit sa kasamaang palad, nakalimutan niya ang
ipinagbilin ng asawa na dapat bilhin. Naghalughog siya sa buong tindahan
upang maalala lamang niya ang ipinabili ng asawa. Napansin ito ng
tagapangalaga ng tindahan.
“Maaari ko po ba kayong tulungan?”, tanong ng tagapangalaga sa
mangingisda.
“Hinahanap ko ang ipinabibili ng aking mahal na asawa.” tugon naman
niya.
5
“Pampapula ho ba ng labi?”
“Hindi.”
“Pitaka?”
“Hindi rin.”
“Unan?”
“Unan? Naaalala ko na! Sinabi niyang tumingala ako sa buwan.”
Masayang tugon ng mangingisda. (Sa orihinal na teksto, ginamit ang salitang
spoon upang magkasintunog sa moon. Sa salin na ito, ginamit ng tagapagsalin
ang salitang unan upang maging magkasintunog sa salitang buwan.)
Tumingala ang tagapangalaga at nakita ang bilog na bilog na buwan na
siya ring nakita ng mangingisda sa kaniyang pagdating sa kabayanan mula
sa mahabang paglalakbay.
“Alam ko na. Makikipagpustahan ako sa ‘yo. Ito ang gusto ng asawa
mong bilhin mo para sa kaniya,” panghahamon ng tagabantay ng tindahan.
Agad-agad na inilagay ng tagabantay ang bilog na bagay sa isang supot.
Binayaran ito ng mangingisda at lumisan.
Sa kaniyang pagdating, nadatnan niya ang nag-aabang niyang asawa,
anak, ang kaniyang ina at ama.
“Kumuha ka ng kendi,” ang sabi niya sa kaniyang anak.
“Natandaan mo ba kung anong ipinabili ko sa ‘yo?”, ang tanong ng
kaniyang asawa.
Masayang itinuro ng mangingisda ang lukbutan na kinalalagyan ng
kaniyang binili para sa asawa.
“Wala naman dito ang suklay na hugis-buwan,” pasigaw na sabi ng
asawa.
Lumapit ang mangingisda sa kinalalagyan ng lukbutan, dinukot ang
supot at inabot sa asawa.
Pinunit ng asawa ang supot at nakita ang sarili sa salamin kasabay ng
panghahamak.
Ganoon na lamang ang pagkabigla ng mangingisda sa naging reaksiyon
ng asawa.
“Bakit ka nagdala ng mia noi? Ito’y isang pang-aalipusta!” pasigaw ng
asawa.
6
(Ang mia noi ay mga salitang Lao na
katumbas ng pangalawang asawa na mas bata sa
unang asawa. Ito’y bahagi ng lipunang Thai at
Lao.)
Hinablot ng ina ng lalaki ang salamin at
nagwika.
“Nakakadiri ka nga. Nagdala ka ng mia noi,
na napakatanda na at nangungulubot pa. Paano
mo ito nagagawa?”
Tumayo ang kaniyang anak na noo’y
nakaupo malapit sa kaniyang lola at hinablot ang
salamin.
“Lolo, tingnan ninyo. Kinuha niya ang aking
kendi at kinakain pa.” pagalit na sabi ng bata.
“Tingnan ko nga ang masamang taong ito.”
Hinablot ng lolo ang salamin mula sa bata.
“Iniismiran pa ako ng kontrabidang ito! Sasaksakin ko nga ng aking patalim.”
Inilapag sa sahig ng lolo ang salamin at inundayan ng saksak.
“Sasaksakin din niya ako!” sigaw ng lolo.
Nang makita ito ng lolo, siya’y galit na galit na sinaksak ang salamin at
tuluyang nabasag.
“Ngayon ay hindi ka na makagagambala pa sa kahit sino!” ang sabi ng
lolo.
Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa
sagutang papel ang iyong kasagutan.
1. Bakit tinawag na hugis-suklay ang buwan?
2. Saan patungo ang mangingisda at ano ang ipinabibili sa kanya ng
kanyang asawa at anak?
3. Ano ang dahilan ng pagkakagulo ng mag-anak? Ilahad.
4. Ano-ano ang mga kaugaliang ipinakita ng bawat karakter?
5. Magtala ng mga gawi, kilos, at karakter ng mga tauhan na nabanggit
sa akda.
Mahusay! Naibahagi mo ang iyong kaalaman sa iyong binasang alamat.
Ngayon, tingnan natin ang kaugnayan nito sa ating tatalakaying aralin.
7
Suriin
Ang bawat lugar, bagay o mga pangyayari ay may kani-kaniyang
katawagan o pangalan, ngunit alam mo ba kung ano ang pinagmulan ng mga
katawagan o pangalang ito? Ito ay tinatawag nating alamat. Halina’t basahin
natin ito.
Alamat ni Prinsesa Manorah
Salin ni Dr. Romulo N. Peralta
Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N.
Peralta) Isang alamat na pasalin-salin sa iba’t ibang panahon at henerasyon
mula noong panahon ng Ayutthaya at nagbigay-inspirasyon kay Haring Rama
V ng Thailand.
Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesang alamat ng Thai at ang
pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Janta
kinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang
pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila’y nakalilipad at
nagagawang itago ang kani-kanilang pakpak kung kanilang nanaisin.
Sa loob ng kahariang Krairat
(Grairat), nakatago ang kagubatan ng
Himmapan kung saan din namamahay
ang mga nakatatakot na nilalang na
hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa
loob ng kagubatan, nakakubli ang
maganda at kaaya-ayang lawa kung saan
ang pitong kinnaree ay masayang
dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi
(kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng
lawa, nakatira ang isang ermitanyo na
nagsasagawa ng kaniyang meditasyon.
Isang araw, napadako ang isang
binata habang naglalakbay sa kagubatan
ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun.
Nakita niya ang pitong kinnaree na
masayang nagtatampisaw sa ilog.
Namangha siya sa nakabibighaning
8
kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang
prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring
Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang
prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa
sarili kung paano niya ito mahuhuli.
Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit na
kagubatan. Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak.
Sinabi sa kaniya ng ermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree
dahil agad- agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo
na may isang dragon na nakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan na
maaaring makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at
nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon.
Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun, ngunit
napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na
siyang ipanghuhuli niya sa
Prinsesa Manorah.
Nagpasalamat ang binata
at patakbong umalis na
dala-dala ang
makapangyarihang lubid
at patagong tinungo ang
ilog kung saan naglalaro
ang mga kinnaree.
Habang abala sa
paglalaro ang mga
kinnaree, inihagis ni
Prahnbun ang lubid at
matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang
pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa
kundi agad-agad na lumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin.
Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah
upang hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at
maibigay kay Prinsipe Suton na noo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo
papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa
Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang
prinsipe.
Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit
niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe
at binayaran siya nito ng napakalaking halaga.
9
Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang
palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung
saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa
isa’t isa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang
inang prinsesa at amang hari ang buong
pangyayari, masayang-masaya sila at agad-
agad nagbalak na magsagawa ng kasal para
kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah.
Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah
kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang
namuhay nang masaya’t matiwasay
habambuhay.
Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa
hiwalay na papel ang iyong kasagutan.
1. Tungkol saan ang alamat na iyong binasa?
2. Paano sinimulan ng manunulat ang alamat?
3. Bakit gustong hulihin ni Prahnbun si prinsesa Manorah?
4. Ano ang naging reaksiyon ni prinsipe Suton nang makita si prinsesa
Manorah?
5. Makatotohanan ba o ‘di makatotohanan ang mga pangyayari sa akda?
Pangatuwiranan ang iyong sagot.
Ang kuwento ni Prinsesa Manorah ay isang alamat mula sa
pinanggalingang bansa nito. Ang alamat o legend sa wikang Ingles ay
tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, o pangyayari o
katawagan na maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan.
Ito ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan
ng mga bagay-bagay at ng mga pangyayaring mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang
salitang alamat ay panumbas sa salitang, “legendus” ng wikang Latin at
“legend” ng wikang Ingles na ang ibig sabihin ay “upang mabasa.”
Nang dahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno at noo’y wala pang
sistema ng panulat, ito ay nagpasalin-salin na lamang.
10
Binabati kita! Ngayon naman ay alamin mo ang mahahalagang
impormasyong magpapayabong pa sa iyong kaalaman at pinag-aaralan ukol
sa alamat. Narito at basahin mo nang may pang-unawa.
Ano ang tinatawag na kilos, gawi, at karakter?
Ang kilos ay kasingkahulugan ng gawa o paggawa, aktuwal na
kasanayan, o pagsasabuhay. Ang mga adhikain, pagpapahalaga, motibo,
iniisip at pagkatao ng isa ay makikita sa mismong ikinikilos at ginagawa.
Nagiging produkto ang kilos ng kung ano ang nasa loob ng isang indibidwal.
Ang gawi ay tumutukoy sa mga pang-araw-araw na nakasanayan ng
isang tao o grupo ng mga tao. Sa tagal at sa dami ng mga gumagawa ng isang
gawi ay maaaring maisama na ito sa kultura at tradisyon ng mga tao sa isang
lugar.
Ang karakter (o pag-uugali) ng isang tauhan ay ang paraan kung paano
siya nag-iisip, kumikilos at nagpapasya batay sa papel na ginagampanan o
binibigyang-buhay.
Sa isang alamat o kuwento, maituturing na mahalagang sangkap ang
kilos, gawi at karakter ng isang tauhang gumaganap upang lubos na
maunawaan ng mambabasa ang pagkamakatotohanan at ‘di makatotohanan
ng mga pangyayaring inilalahad. Nasasalig din dito kung paano tatanggapin
ng mga nakikinig o bumabasa ang mga aral at mensaheng hatid nito.
Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di Makatotohanang mga Pahayag
1. Makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na nangyari o nangyayari
na may dahilan o basehan. Ito rin ay suportado ng mga ebidensiya o
katuwiran. Ginagamitan ito ng mga salitang nagpapahayag ng batayan
o patunay gaya ng batay sa, mula sa, ang mga patunay, napatunayan,
ayon sa, at iba pa.
Halimbawa:
a. Batay sa pagsisiyasat, totoong nagkasala ka.
b. Mula sa datos na aking nakalap, talagang laganap na ang krimen
sa ating bansa.
c. Ang mga patunay na aking nakalap ay makapipinsala sa iyo.
d. Napatunayang mabisa ang panukala ni Pangulong Duterte.
e. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na ang mga gamot na
inaangkat ng bansa ay makatutulong sa kasalukuyang krisis-
pangkalusugan.
11
2. ‘Di makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na walang basehan
kung bakit nangyari. Ito ay hindi suportado ng mga ebidensiya o
katuwiran. Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang
nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan o di-katiyakan tulad ng baka, sa
aking palagay, palagay ko, sa tingin ko, marahil, sa tingin ko, at iba pa.
Halimbawa:
1. Baka mangyari ang mga sinabi sa pamahiin.
2. Sa aking palagay, totoo ang iyong mga sinasabi.
3. Palagay ko, mataas ang aking grado.
4. Sa tingin ko, mas masaya kung sama-sama tayo.
5. Marahil ang mga bagay na ito ay makasisira sa ating pagsasama.
Sa pag-aaral ng mga salita, mahalagang nalalaman natin ang
pinagmulan o etimolohiya upang magamit ito nang wasto at naaayon sa
sitwasyon.
Ano ang etimolohiya?
Ang etimolohiya o pinagmulan ng salita ay ang pag-aaral ng
kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig
sabihin sa paglipas ng panahon.
Paraan ng Pinagmulan ng Salita
• Pagsasama ng mga salita - Salita na nabuo sa pamamagitan ng
pagsasama ng dalawa o higit pang mga salita.
Halimbawa: Pamangkin – Para namang akin
Pangungusap: Si Aling Mameng ay may pitong pamangkin na
mababait at masisipag.
• Hiram na salita - Banyaga ang mga salitang ito ngunit, inaangkop ang
salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng pag-uusap.
Halimbawa: Apir – Up here
Pangungusap: “Apir tayo, mga kapatid”, ang masayang sabi
ni Lito sa kaniyang mga kapatid.
• Morpolohikal na Pinagmulan - Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa
ugat ng salita. Posible na malayo na ang kahulugan nito sa orihinal na
ipinahihiwatig. Tumutukoy ito sa pag-aaral sa pagbabago ng anyo at
12
istruktura ng mga salita. Nag-ugat ang salita mula sa iba pang salita
na nagbago ang kahulugan.
Halimbawa: obrero o manggagawa – obra
Pangungusap: Nag-aklas ang mga obrero dahil hindi
ipinagkaloob ng pamahalaan ang dagdag
sahod nilang hinihingi.
• Onomatopoeia - Naglalarawan sa pinagmulan ng salita batay sa tunog.
Halimbawa: Tagaktak – tak-tak-tak
Pangungusap: Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa
kabubuhat ng balde-baldeng galon ng tubig.
Pagyamanin
Ang pagkilala sa mga tauhan ng isang alamat ay nararapat lamang. Sa
pagsasanay na ito ay iyong susubukin kung nakilala mo ang mga tauhan sa
akdang iyong binasa.
Gawain 1. Nagmula saan?
A. Panuto: Tukuyin ang pinagmulan ng mga salita sa ibaba at piliin ang
tamang kasagutan sa loob ng kahon. Gayahin ang pormat at sagutin sa
hiwalay na papel.
ap hear para namang akin
balangay photobomber
batanghay tak tak tak
fhotobambi tack tack tack
para namang iyo up here
13
Salita Etimolohiya
1. fotobam
2. barangay
3. apir
4. pamangkin
5. tagaktak
B. Panuto: Mula sa mga etimolohiya o pinagmulan ng mga salita na iyong
naging kasagutan, bumuo ng mga pangungusap na nagsasaad o
kinapalolooban ng gawi, kilos at karakter ng mga tauhan sa mga nabasa
mong halimbawa ng alamat. Gawin ito sa hiwalay na papel.
1.
2.
3.
4.
5.
14
Gawain 2. Punan Mo Ako!
Panuto: Kilalanin ang mga tauhan at bigyang-kahulugan ang kanilang kilos,
gawi at karakter batay sa usapang napakinggan (ipabasa ito sa nakatatanda
o sinomang makatutulong sa iyo). Isulat ang iyong sagot sa loob ng grapikong
pantulong. Gayahin ang pormat at sagutin sa hiwalay na papel.
Napakinggang Pahayag
Tauhang
Binabanggit
Pagbibigay-kahulugan sa:
Kilos Gawi Karakter
Alamat ni Prinsesa Manorah
Naisip niya na kung
mahuhuli niya ang
prinsesa, dadalhin niya
ito kay Prinsipe Suton,
ang anak ng Haring
Artityawong at Reyna
Jantaivee ng Udon
Panjah.
Agad-agad siyang naakit
sa kagandahan ni
Prinsesa Manorah.
Ang pinakabata sa
pitong anak na kinnaree
ng Haring Prathum at
Reynang Janta kinnaree.
“Napakahirap ang
manghuli ng kinnaree
dahil agad-agad itong
lumilipad kapag
tinatakot.”
Hindi natuwa nang
marinig ang balak ni
Prahnbun, ngunit
napapayag din itong
bigyan niya si Prahnbun
ng makapangyarihang
lubid na siyang
ipanghuhuli niya sa
Prinsesa Manorah.
15
Gawain 3. Patunayan Mo!
Panuto: Isulat sa loob ng grapikong pantulong ang mga makatotohanan at
‘di makatotohanang pangyayaring naganap sa akda at bigyan ito ng mga
patunay. Gayahin ang pormat at sagutin sa hiwalay na papel.
‘Di makatotohanan
Patunay
Alamat ni Prinsesa
Manorah
Makatotohanan
Patunay
16
Isaisip
Ang isang akda gaya ng alamat ay kapupulutan ng aral o leksiyon na
maaaring maging gabay mo sa iyong buhay. Sa gawaing ito ay tiyak kong
mapatitibay mo ang mga aral na iyong natutuhan sa mga akdang iyong
nabasa/napakinggan.
Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ng mga aral o kaalamang
nakapukaw sa iyong isipan. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Etimolohiya
Natutuhan ko na …
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
_____
__________________________
__________________________
_______________________
Natutuhan ko na …
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
_____
__________________________
__________________________
_______________________
Gawi, kilos at karakter
Natutuhan ko na …
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
Natutuhan ko na …
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
Makatotohanan at
‘Di Makatotohanan
Alamat ni Prinsesa
Manorah
17
Isagawa
Ang pagbabasa ay isang gawaing nakalilibang at nakatutulong sa lahat
upang lalong malinang ang iyong kaalaman. Sa gawaing ito ay masusubok
naman ang iyong kakayahan sa pagbuo ng isang akdang kapupulutan ng
aral.
Panuto: Balikan ang, “Alamat ni Prinsesa Manorah” at sumulat ng gusto
mong maging wakas nito kung saan babaguhin o papalitan mo ang ilang
pangyayari at mga katangian ng sinoman sa mga tauhan at tukuyin ang
pinagmulan ng mga salita o etimolohiya. Bigyang-kahulugan ang kilos, gawi,
at karakter ng mga tauhan at patunayan ang pagiging makatotohanan at ‘di
makatotohanan ng akda. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Sariling wakas na may binago o pinalitang pangyayari at katangian
ng sinoman sa tauhan
Etimolohiya
18
Pamantayan sa Pagwawasto
Pamantayan 5
puntos
4
puntos
3
puntos
2
puntos
Nakagamit ng mga wastong salita na
kung saan natutukoy ang
pinagmulan nito
Nailahad nang tama at angkop sa
tema o paksa ang binuong sariling
wakas ng alamat
Nakapagpakita ng pagbabagong
ginawa sa gawi, kilos at karakter ng
tauhan sa isinulat na wakas
Nakatukoy ng patunay sa pagiging
makatotohanan at ‘di makatotohanan
sa mga pangyayaring inilahad
Kabuuan
Kilos, gawi, at karakter
Makatotohanan at ‘di makatotohanan
19
Tayahin
Ang gawaing ito ay isinulat o ginawa upang masukat ang mga
kaalamang iyong natutuhan sa modyul na ito.
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat
sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.
1. Mahilig kumamot sa ulo si Jose kapag hindi niya alam ang isasagot o
sasabihin. Ang pariralang may salungguhit ay halimbawa ng
_______________.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw
2. Ang bunsong anak ni Mang Fidel ay mabait at mahinhin. Ang
pariralang may salungguhit ay halimbawa ng _______________.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw
3. Mapanlait sa kapwa si Aling Bebang dahil siya ay nabibilang sa mataas
na antas ng lipunan. Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng
_______________.
A. gawi C. kilos
B. karakter D. pananaw
4. Naninirahan sa dulo ng Barangay Matahimik ang pamilya nina Mang
Nelson at Aling Nelia. Ang salitang barangay ay nagmula sa lumang
bangkang Malay na tinatawag na _______________.
A. balangay C. batangay
B. balanghay D. batanghay
5. Kahit saang lugar magpunta si Lorna, lagi siyang nagse-selfie. Ang
salitang selfie ay nagmula sa pagkuha ng litrato ng _______________.
A. kaibigan C. kapatid
B. kalaro D. sarili
6. Maraming naiinis kay Juanito dahil mahilig siyang mag-fotobam. Ang
fotobam ay mula sa salitang _______________.
A. fhotobambi C. photobomber
B. fotobhomb D. photobombom
20
7. Si Sultan Barabas ay namatay at inilibing sa hardin ng kaniyang
kaharian. Sa paglipas ng taon, may tumubong puno sa kaniyang
libingan. Ang bunga nito ay mapait ngunit nang mahinog ay matamis.
Ito ay hango mula sa akdang _______________.
A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Mangga
B. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Bayabas
8. Pagkaraan ng ilang araw, magaling na si Aling Rosa at hinanap niya
ang kaniyang anak. Sa kaniyang paghahanap ay napansin niya ang
isang halamang may bungang maraming tila mata. Inalagaan niya
itong mabuti. Ito ay hango mula sa akdang _______________.
A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Mangga
B. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Bayabas
9. Ang COVID-19 ay isang uri ng virus na nagmula sa China. Ang
sintomas nito ay pananakit ng lalamunan patungo sa puso at sa
katawan. Karaniwang mga hayop ang tinatamaan ng virus na ito. Ang
pangungusap ay nagsasaad ng _______________ na pangyayari.
A. makatotohanan C. walang katotohanan
B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan
10. Ayon sa DOH, may panibagong variant ang COVID-19 na kumakalat sa
ating mundo. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _______________ na
pangyayari.
A. makatotohanan C. walang katotohanan
B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan
21
Karagdagang Gawain
Ang iyong pagsisikap na matapos ang modyul na ito ay lubhang kasiya-
siya. Natutuwa ako at ikaw ay nasa huling bahagi na ng ating aralin. Binabati
kita at aking aasahan na ang lahat ng iyong natutuhan sa modyul na ito ay
hindi mo kalilimutan.
Bilang huling gawain, lumikha ng iyong sariling alamat na nagpapakita
ng mga gawi, kilos at karakter kaugnay ng mga kilalang tao na iyong
natutunghayan sa inyong pamayanan.
Pamantayan:
Nilalaman – 10 puntos
Kaayusan ng ideya – 10 puntos
Wastong gamit ng mga salita – 10 puntos
Kabuuan – 30 puntos
22
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Peralta, R.N. et al. (2014), Panitikang Asyano 9 Meralco Avenue, Pasig
City. Department of Education – Instructional Materials Council
Secretariat (DepEd- IMCS).
Tayahin
1.
C
2.
A
3.
A
4.
A
5.
D
6.
C
7.
D
8.
A
9.
B
10.
A
Pagyamanin
Gawain
1-3
Ang
sagot
ay
depende
sa
pananaw
o
opinion
ng
mag-
aaral.
Isaisip
Ang
sagot
ay
depende
sa
pananaw
o
opinion
ng
mag-
aaral.
Isagawa
Ang
sagot
ay
depende
sa
pananaw
o
opinion
ng
mag-
aaral.
Subukin
1.
A
2.
C
3.
A
4.
D
5.
C
6.
B
7.
C
8.
C
9.
A
10.
B

More Related Content

What's hot

Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)Jenita Guinoo
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagAllan Lloyd Martinez
 
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10Mahabang pagsusulit sa_filipino_10
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10chinovits
 
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaFilipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaJuan Miguel Palero
 
Metaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na PagpapakahuluganMetaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na PagpapakahuluganJeremiah Castro
 
Filipino 9 tg_draft_4.1.2014
Filipino 9 tg_draft_4.1.2014Filipino 9 tg_draft_4.1.2014
Filipino 9 tg_draft_4.1.2014Eemlliuq Agalalan
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptEDNACONEJOS
 
Modyul (Aginaldo ng mga Mago)
Modyul (Aginaldo ng mga Mago)Modyul (Aginaldo ng mga Mago)
Modyul (Aginaldo ng mga Mago)Aubrey Arebuabo
 
Filipino 9 Long Test-3rd Quarter.pdf
Filipino 9 Long Test-3rd Quarter.pdfFilipino 9 Long Test-3rd Quarter.pdf
Filipino 9 Long Test-3rd Quarter.pdfNicamariSalvatierra1
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Ceej Susana
 
TIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULATIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULALovely Jan
 
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptxW3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptxreychelgamboa2
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)faithdenys
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSESMAEL NAVARRO
 
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIreneGabor2
 
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9Lorelyn Dela Masa
 
Filipino 9 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Filipino 9 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereFilipino 9 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Filipino 9 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereJuan Miguel Palero
 

What's hot (20)

Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
Alamat ni Prinsesa Manorrah(powerpoint)
 
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang PagpapahayagTuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
Tuwiran at Di Tuwirang Pagpapahayag
 
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10Mahabang pagsusulit sa_filipino_10
Mahabang pagsusulit sa_filipino_10
 
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaFilipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
 
Aralin 1.2b pabula at kasaysayan nito
Aralin 1.2b pabula at kasaysayan nitoAralin 1.2b pabula at kasaysayan nito
Aralin 1.2b pabula at kasaysayan nito
 
Metaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na PagpapakahuluganMetaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na Pagpapakahulugan
 
Filiipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson planFiliipino 9 detailed lesson plan
Filiipino 9 detailed lesson plan
 
Filipino 9 tg_draft_4.1.2014
Filipino 9 tg_draft_4.1.2014Filipino 9 tg_draft_4.1.2014
Filipino 9 tg_draft_4.1.2014
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 ppt
 
Modyul (Aginaldo ng mga Mago)
Modyul (Aginaldo ng mga Mago)Modyul (Aginaldo ng mga Mago)
Modyul (Aginaldo ng mga Mago)
 
Filipino 9 Long Test-3rd Quarter.pdf
Filipino 9 Long Test-3rd Quarter.pdfFilipino 9 Long Test-3rd Quarter.pdf
Filipino 9 Long Test-3rd Quarter.pdf
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)
 
TIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULATIYO SIMON : DULA
TIYO SIMON : DULA
 
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptxW3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
W3-DAY 1-4 Q2_Aralin 2.Alamat.pptx
 
Filipino 9 Parabula
Filipino 9 ParabulaFilipino 9 Parabula
Filipino 9 Parabula
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
 
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
 
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
 
Filipino 9 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Filipino 9 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me TangereFilipino 9 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Filipino 9 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
 

Similar to DISS 11-HUMSS

Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismodionesioable
 
Kahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptxKahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptxjose isip
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekdionesioable
 
Unang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralinUnang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralinbenchhood
 
alamatniprinsesamanorrahpowerpoint.pdf
alamatniprinsesamanorrahpowerpoint.pdfalamatniprinsesamanorrahpowerpoint.pdf
alamatniprinsesamanorrahpowerpoint.pdfRozhayneTolero1
 
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo at
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo atModyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo at
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo atdionesioable
 
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikalModyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikaldionesioable
 
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyCarlo Precioso
 
alamatni prinsesamanorrah grade 9.pptx
alamatni prinsesamanorrah grade  9.pptxalamatni prinsesamanorrah grade  9.pptx
alamatni prinsesamanorrah grade 9.pptxDenandSanbuenaventur
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)GinalynMedes1
 
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxCHRISTIANJIMENEZ846508
 
FILIPINO LESSON WEEK 1 QUEARTER4 (3).pptx
FILIPINO LESSON WEEK 1 QUEARTER4  (3).pptxFILIPINO LESSON WEEK 1 QUEARTER4  (3).pptx
FILIPINO LESSON WEEK 1 QUEARTER4 (3).pptxjaniceagam1
 
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdfNang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdfAndreaBobis
 

Similar to DISS 11-HUMSS (20)

Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
 
Kahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptxKahulugan ng SalitaALS.pptx
Kahulugan ng SalitaALS.pptx
 
NOV-16.pptx
NOV-16.pptxNOV-16.pptx
NOV-16.pptx
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
 
Ang kuwintas 2
Ang kuwintas 2Ang kuwintas 2
Ang kuwintas 2
 
Unang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralinUnang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralin
 
Modyul 21 (1)
Modyul 21 (1)Modyul 21 (1)
Modyul 21 (1)
 
alamatniprinsesamanorrahpowerpoint.pdf
alamatniprinsesamanorrahpowerpoint.pdfalamatniprinsesamanorrahpowerpoint.pdf
alamatniprinsesamanorrahpowerpoint.pdf
 
Ang Ama_g9.pptx
Ang Ama_g9.pptxAng Ama_g9.pptx
Ang Ama_g9.pptx
 
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo at
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo atModyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo at
Modyul 13 pagsusuri ng akda batay sa teoryang naturalismo at
 
de guzman
de guzmande guzman
de guzman
 
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikalModyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
 
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
 
alamatni prinsesamanorrah grade 9.pptx
alamatni prinsesamanorrah grade  9.pptxalamatni prinsesamanorrah grade  9.pptx
alamatni prinsesamanorrah grade 9.pptx
 
FILIPINO.pptx
FILIPINO.pptxFILIPINO.pptx
FILIPINO.pptx
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
 
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
 
FILIPINO LESSON WEEK 1 QUEARTER4 (3).pptx
FILIPINO LESSON WEEK 1 QUEARTER4  (3).pptxFILIPINO LESSON WEEK 1 QUEARTER4  (3).pptx
FILIPINO LESSON WEEK 1 QUEARTER4 (3).pptx
 
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdfNang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
Nang_minsangmaligaw_si_Adrian.pdf
 

Recently uploaded

Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 

Recently uploaded (20)

Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 

DISS 11-HUMSS

  • 1. Department of Education Republic of the Philippines Region III DIVISION OF GAPAN CITY Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City Filipino 9 Ikatlong Markahan – Modyul 5-Week 5: Alamat ni Prinsesa Manorah Self-Learning Module
  • 2. 1 Alamin Isang mabungang araw sa iyo, minamahal kong mag-aaral. Lubos akong natutuwa sa iyong patuloy na pagsisikap sa pagsagot sa mga gawaing binalangkas para lalong madagdagan ang iyong kaalaman. Ang bawat pagsasanay ay masusing inihanda para lubos mong maunawaan ang aralin. Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang malilinang ang iyong kasanayan sa pamantayan ukol sa: 1. natutukoy ang pinagmulan ng salita (etimolohiya) (F9PT-IIId-e52); 2. naisusulat muli ang maikling kuwento nang may pagbabago sa ilang pangyayari at mga katangian ng sinoman sa mga tauhan; ang sariling wakas sa naunang alamat na binasa (F9PU-IIId-e-54); 3. nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa usapang napakinggan (F9PN-IIIf-53); at 4. napatutunayan ang pagiging makatotohanan/’di makatotohanan ng akda (F9PB-IIIf-53). Handa ka na ba? Halika at pagyamanin mo ang iyong kaalaman at isipan sa modyul na ito. Subukin Bilang paghahanda sa ating aralin, gumawa ako ng isang pagsasanay na susubok sa iyong kaalaman ukol dito. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga katanungan. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel. 1. Ang mga Pilipino ay magigiliw sa mga bisitang dumarayo sa ating bansa. Ang salitang may salungguhit ay nagpapakita ng _______________. A. gawi C. kilos B. karakter D. pananaw
  • 3. 2 2. Madalas ang paghikab ni Lita habang siya ay kumukuha ng pagsusulit. Ang salitang may salungguhit ay nagpapakita ng _______________. A. gawi C. kilos B. karakter D. pananaw 3. Matigas ang loob ni Ambet sa pagtulong sa kaniyang mga kamag-anak. Ang sugnay na may salungguhit ay nagpapakita ng _______________. A. gawi C. kilos B. karakter D. pananaw 4. “Apir tayo, mga kapatid”, ang masayang sabi ni Lito sa kaniyang mga kapatid. Ang “apir” ay mula sa salitang _______________. A. ap hear C. up hear B. ap here D. up here 5. Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa kabubuhat ng balde-baldeng galon ng tubig. Ang salitang tagaktak ay nagmula sa salitang _______________. A. gak gak gak C. tak tak tak B. tak gak gak D. tack tack tack 6. Si Aling Mameng ay may pitong pamangkin na mababait at masisipag. Ang salitang pamangkin ay mula sa mga salitang _______________. A. para namang iyo C. para namang tayo B. para namang akin D. para namang sa iyo 7. Dinalaw ng dalaga ang pook na pinagbaunan niya ng kamay ng binata at napansin niya ang isang halamang tumubo na may tila daliri. Ito ay hango mula sa akdang _______________. A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Saging B. Alamat ng Mangga D. Alamat ng Lanzones 8. Matapos mamatay ang binata, kinuha ng diwata ang puso niya at ibinaon sa bundok. Makalipas ang ilang panahon, tumubo at namunga ng hugis-puso ang puno. Ito ay hango mula sa akdang _______________. A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Mangga B. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Lanzones 9. Nagbuwis ng buhay si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _______________ na pangyayari. A. makatotohanan C. walang katotohanan B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan
  • 4. 3 10. Sina Antonio Luna at Juan Luna ay pinatay sa Cabanatuan City noong Hunyo 5, 1899. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _______________ na pangyayari. A. makatotohanan C. walang katotohanan B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan Aralin 5 Alamat ni Prinsesa Manorah Ang mga akda gaya ng alamat, pabula, parabula, maikling kuwento, nobela at iba pa ay karaniwang kapupulutan ng mga aral na maaari nating maging gabay sa pamumuhay. Ang pagbabasa ng mga ganitong uri ng panitikan ay makatutulong sa atin upang lalo pa nating makilala ang ating pamayanan at kulturang pinagmulan. Balikan Bago ka tumungo sa bagong aralin, iyo munang sagutin ang susunod na gawain upang mataya ang iyong natutuhan sa nakaraang aralin. Panuto: Sa isang hiwalay na papel, sumulat ng pangyayaring nagpapakita ng tunggaliang tao vs. tao at tao vs. sarili mula sa akdang, “Isang Libo’t Isang Gabi.” Gayahin ang grapikong pantulong sa ibaba. Tao vs. Tao Tao vs. Sarili
  • 5. 4 Tuklasin Ngayon ay nasa bahagi ka na ng pagtuklas. Alamin natin ang iyong ideya tungkol sa tatalakayin nating aralin sa pagbasa ng isang alamat. Ang Buwang Hugis-Suklay Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta Noong unang panahon, may isang mangingisda na nagpaalam sa kaniyang asawa na lumuwas sa kabayanan upang mamili ng mga gamit sa pangingisda. Nagpabili ang kaniyang asawa ng kendi para sa kaniyang anak na lalaki, at isang suklay na hugis buwan. Sinabi ng kaniyang asawa na upang hindi niya makalimutan, tumingala lamang siya sa kalangitan at makikita niya ang buwang hugis-suklay. Sa araw na iyon, ang buwan ay talaga namang magsisimula nang maging hugis-suklay. Nagsimulang humayo ang mangingisda at matapos ang maraming araw at gabi ng paglalakbay, narating niya ang kabayanan. Agad-agad niyang binili ang mga kagamitan sa pangingisda at ang kendi para sa anak. Ngunit sa kasamaang palad, nakalimutan niya ang ipinagbilin ng asawa na dapat bilhin. Naghalughog siya sa buong tindahan upang maalala lamang niya ang ipinabili ng asawa. Napansin ito ng tagapangalaga ng tindahan. “Maaari ko po ba kayong tulungan?”, tanong ng tagapangalaga sa mangingisda. “Hinahanap ko ang ipinabibili ng aking mahal na asawa.” tugon naman niya.
  • 6. 5 “Pampapula ho ba ng labi?” “Hindi.” “Pitaka?” “Hindi rin.” “Unan?” “Unan? Naaalala ko na! Sinabi niyang tumingala ako sa buwan.” Masayang tugon ng mangingisda. (Sa orihinal na teksto, ginamit ang salitang spoon upang magkasintunog sa moon. Sa salin na ito, ginamit ng tagapagsalin ang salitang unan upang maging magkasintunog sa salitang buwan.) Tumingala ang tagapangalaga at nakita ang bilog na bilog na buwan na siya ring nakita ng mangingisda sa kaniyang pagdating sa kabayanan mula sa mahabang paglalakbay. “Alam ko na. Makikipagpustahan ako sa ‘yo. Ito ang gusto ng asawa mong bilhin mo para sa kaniya,” panghahamon ng tagabantay ng tindahan. Agad-agad na inilagay ng tagabantay ang bilog na bagay sa isang supot. Binayaran ito ng mangingisda at lumisan. Sa kaniyang pagdating, nadatnan niya ang nag-aabang niyang asawa, anak, ang kaniyang ina at ama. “Kumuha ka ng kendi,” ang sabi niya sa kaniyang anak. “Natandaan mo ba kung anong ipinabili ko sa ‘yo?”, ang tanong ng kaniyang asawa. Masayang itinuro ng mangingisda ang lukbutan na kinalalagyan ng kaniyang binili para sa asawa. “Wala naman dito ang suklay na hugis-buwan,” pasigaw na sabi ng asawa. Lumapit ang mangingisda sa kinalalagyan ng lukbutan, dinukot ang supot at inabot sa asawa. Pinunit ng asawa ang supot at nakita ang sarili sa salamin kasabay ng panghahamak. Ganoon na lamang ang pagkabigla ng mangingisda sa naging reaksiyon ng asawa. “Bakit ka nagdala ng mia noi? Ito’y isang pang-aalipusta!” pasigaw ng asawa.
  • 7. 6 (Ang mia noi ay mga salitang Lao na katumbas ng pangalawang asawa na mas bata sa unang asawa. Ito’y bahagi ng lipunang Thai at Lao.) Hinablot ng ina ng lalaki ang salamin at nagwika. “Nakakadiri ka nga. Nagdala ka ng mia noi, na napakatanda na at nangungulubot pa. Paano mo ito nagagawa?” Tumayo ang kaniyang anak na noo’y nakaupo malapit sa kaniyang lola at hinablot ang salamin. “Lolo, tingnan ninyo. Kinuha niya ang aking kendi at kinakain pa.” pagalit na sabi ng bata. “Tingnan ko nga ang masamang taong ito.” Hinablot ng lolo ang salamin mula sa bata. “Iniismiran pa ako ng kontrabidang ito! Sasaksakin ko nga ng aking patalim.” Inilapag sa sahig ng lolo ang salamin at inundayan ng saksak. “Sasaksakin din niya ako!” sigaw ng lolo. Nang makita ito ng lolo, siya’y galit na galit na sinaksak ang salamin at tuluyang nabasag. “Ngayon ay hindi ka na makagagambala pa sa kahit sino!” ang sabi ng lolo. Pag-unawa sa Binasa Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan. 1. Bakit tinawag na hugis-suklay ang buwan? 2. Saan patungo ang mangingisda at ano ang ipinabibili sa kanya ng kanyang asawa at anak? 3. Ano ang dahilan ng pagkakagulo ng mag-anak? Ilahad. 4. Ano-ano ang mga kaugaliang ipinakita ng bawat karakter? 5. Magtala ng mga gawi, kilos, at karakter ng mga tauhan na nabanggit sa akda. Mahusay! Naibahagi mo ang iyong kaalaman sa iyong binasang alamat. Ngayon, tingnan natin ang kaugnayan nito sa ating tatalakaying aralin.
  • 8. 7 Suriin Ang bawat lugar, bagay o mga pangyayari ay may kani-kaniyang katawagan o pangalan, ngunit alam mo ba kung ano ang pinagmulan ng mga katawagan o pangalang ito? Ito ay tinatawag nating alamat. Halina’t basahin natin ito. Alamat ni Prinsesa Manorah Salin ni Dr. Romulo N. Peralta Ang Alamat ni Prinsesa Manorah (Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta) Isang alamat na pasalin-salin sa iba’t ibang panahon at henerasyon mula noong panahon ng Ayutthaya at nagbigay-inspirasyon kay Haring Rama V ng Thailand. Si Kinnaree Manorah ay isang prinsesang alamat ng Thai at ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Janta kinnaree. Siya ay nakatira sa maalamat na kaharian ng Bundok Grairat. Ang pitong kinnaree ay kalahating babae at kalahating sisne. Sila’y nakalilipad at nagagawang itago ang kani-kanilang pakpak kung kanilang nanaisin. Sa loob ng kahariang Krairat (Grairat), nakatago ang kagubatan ng Himmapan kung saan din namamahay ang mga nakatatakot na nilalang na hindi kilala sa daigdig ng mga tao. Sa loob ng kagubatan, nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi (kalakihan ng buwan). Sa di-kalayuan ng lawa, nakatira ang isang ermitanyo na nagsasagawa ng kaniyang meditasyon. Isang araw, napadako ang isang binata habang naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nakita niya ang pitong kinnaree na masayang nagtatampisaw sa ilog. Namangha siya sa nakabibighaning
  • 9. 8 kagandahan ni Prinsesa Manorah. Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa. Ngunit naitanong niya sa sarili kung paano niya ito mahuhuli. Alam ni Prahnbun na may ermitanyong nakatira sa malapit na kagubatan. Pinuntahan niya ito upang magpatulong sa kaniyang balak. Sinabi sa kaniya ng ermitanyo na napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil agad- agad itong lumilipad kapag tinatakot. Ngunit naisip ng ermitanyo na may isang dragon na nakatira sa pinakasulok-sulukan ng kagubatan na maaaring makatulong sa kanila. Nagpasalamat ang binata sa ermitanyo at nagmamadaling lumisan upang hanapin ang dragon. Hindi natuwa ang dragon nang marinig ang balak ni Prahnbun, ngunit napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang ipanghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at patakbong umalis na dala-dala ang makapangyarihang lubid at patagong tinungo ang ilog kung saan naglalaro ang mga kinnaree. Habang abala sa paglalaro ang mga kinnaree, inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa. Ngunit sila’y walang nagawa kundi agad-agad na lumipad dahil sa takot na sila rin ay paghuhulihin. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at tuluyang madala pabalik sa Udon Panjah at maibigay kay Prinsipe Suton na noo’y naglalakbay rin sakay sa kabayo papunta sa kagubatan. Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe. Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsipe at binayaran siya nito ng napakalaking halaga.
  • 10. 9 Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa. Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang inang prinsesa at amang hari ang buong pangyayari, masayang-masaya sila at agad- agad nagbalak na magsagawa ng kasal para kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah. Bumalik sila sa palasyo ng Udon Panjah kung saan isinagawa ang kasal at tuluyang namuhay nang masaya’t matiwasay habambuhay. Pag-unawa sa Binasa Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong kasagutan. 1. Tungkol saan ang alamat na iyong binasa? 2. Paano sinimulan ng manunulat ang alamat? 3. Bakit gustong hulihin ni Prahnbun si prinsesa Manorah? 4. Ano ang naging reaksiyon ni prinsipe Suton nang makita si prinsesa Manorah? 5. Makatotohanan ba o ‘di makatotohanan ang mga pangyayari sa akda? Pangatuwiranan ang iyong sagot. Ang kuwento ni Prinsesa Manorah ay isang alamat mula sa pinanggalingang bansa nito. Ang alamat o legend sa wikang Ingles ay tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, o pangyayari o katawagan na maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan. Ito ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay at ng mga pangyayaring mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang, “legendus” ng wikang Latin at “legend” ng wikang Ingles na ang ibig sabihin ay “upang mabasa.” Nang dahil sa pandarayuhan ng ating mga ninuno at noo’y wala pang sistema ng panulat, ito ay nagpasalin-salin na lamang.
  • 11. 10 Binabati kita! Ngayon naman ay alamin mo ang mahahalagang impormasyong magpapayabong pa sa iyong kaalaman at pinag-aaralan ukol sa alamat. Narito at basahin mo nang may pang-unawa. Ano ang tinatawag na kilos, gawi, at karakter? Ang kilos ay kasingkahulugan ng gawa o paggawa, aktuwal na kasanayan, o pagsasabuhay. Ang mga adhikain, pagpapahalaga, motibo, iniisip at pagkatao ng isa ay makikita sa mismong ikinikilos at ginagawa. Nagiging produkto ang kilos ng kung ano ang nasa loob ng isang indibidwal. Ang gawi ay tumutukoy sa mga pang-araw-araw na nakasanayan ng isang tao o grupo ng mga tao. Sa tagal at sa dami ng mga gumagawa ng isang gawi ay maaaring maisama na ito sa kultura at tradisyon ng mga tao sa isang lugar. Ang karakter (o pag-uugali) ng isang tauhan ay ang paraan kung paano siya nag-iisip, kumikilos at nagpapasya batay sa papel na ginagampanan o binibigyang-buhay. Sa isang alamat o kuwento, maituturing na mahalagang sangkap ang kilos, gawi at karakter ng isang tauhang gumaganap upang lubos na maunawaan ng mambabasa ang pagkamakatotohanan at ‘di makatotohanan ng mga pangyayaring inilalahad. Nasasalig din dito kung paano tatanggapin ng mga nakikinig o bumabasa ang mga aral at mensaheng hatid nito. Pagkilala sa Makatotohanan at ‘Di Makatotohanang mga Pahayag 1. Makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na nangyari o nangyayari na may dahilan o basehan. Ito rin ay suportado ng mga ebidensiya o katuwiran. Ginagamitan ito ng mga salitang nagpapahayag ng batayan o patunay gaya ng batay sa, mula sa, ang mga patunay, napatunayan, ayon sa, at iba pa. Halimbawa: a. Batay sa pagsisiyasat, totoong nagkasala ka. b. Mula sa datos na aking nakalap, talagang laganap na ang krimen sa ating bansa. c. Ang mga patunay na aking nakalap ay makapipinsala sa iyo. d. Napatunayang mabisa ang panukala ni Pangulong Duterte. e. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na ang mga gamot na inaangkat ng bansa ay makatutulong sa kasalukuyang krisis- pangkalusugan.
  • 12. 11 2. ‘Di makatotohanan – Ito ay ang mga pahayag na walang basehan kung bakit nangyari. Ito ay hindi suportado ng mga ebidensiya o katuwiran. Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan o di-katiyakan tulad ng baka, sa aking palagay, palagay ko, sa tingin ko, marahil, sa tingin ko, at iba pa. Halimbawa: 1. Baka mangyari ang mga sinabi sa pamahiin. 2. Sa aking palagay, totoo ang iyong mga sinasabi. 3. Palagay ko, mataas ang aking grado. 4. Sa tingin ko, mas masaya kung sama-sama tayo. 5. Marahil ang mga bagay na ito ay makasisira sa ating pagsasama. Sa pag-aaral ng mga salita, mahalagang nalalaman natin ang pinagmulan o etimolohiya upang magamit ito nang wasto at naaayon sa sitwasyon. Ano ang etimolohiya? Ang etimolohiya o pinagmulan ng salita ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng mga salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at ibig sabihin sa paglipas ng panahon. Paraan ng Pinagmulan ng Salita • Pagsasama ng mga salita - Salita na nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawa o higit pang mga salita. Halimbawa: Pamangkin – Para namang akin Pangungusap: Si Aling Mameng ay may pitong pamangkin na mababait at masisipag. • Hiram na salita - Banyaga ang mga salitang ito ngunit, inaangkop ang salita para sa lokal at pangkaraniwang paraan ng pag-uusap. Halimbawa: Apir – Up here Pangungusap: “Apir tayo, mga kapatid”, ang masayang sabi ni Lito sa kaniyang mga kapatid. • Morpolohikal na Pinagmulan - Nagpapakita ito ng paglilihis mula sa ugat ng salita. Posible na malayo na ang kahulugan nito sa orihinal na ipinahihiwatig. Tumutukoy ito sa pag-aaral sa pagbabago ng anyo at
  • 13. 12 istruktura ng mga salita. Nag-ugat ang salita mula sa iba pang salita na nagbago ang kahulugan. Halimbawa: obrero o manggagawa – obra Pangungusap: Nag-aklas ang mga obrero dahil hindi ipinagkaloob ng pamahalaan ang dagdag sahod nilang hinihingi. • Onomatopoeia - Naglalarawan sa pinagmulan ng salita batay sa tunog. Halimbawa: Tagaktak – tak-tak-tak Pangungusap: Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa kabubuhat ng balde-baldeng galon ng tubig. Pagyamanin Ang pagkilala sa mga tauhan ng isang alamat ay nararapat lamang. Sa pagsasanay na ito ay iyong susubukin kung nakilala mo ang mga tauhan sa akdang iyong binasa. Gawain 1. Nagmula saan? A. Panuto: Tukuyin ang pinagmulan ng mga salita sa ibaba at piliin ang tamang kasagutan sa loob ng kahon. Gayahin ang pormat at sagutin sa hiwalay na papel. ap hear para namang akin balangay photobomber batanghay tak tak tak fhotobambi tack tack tack para namang iyo up here
  • 14. 13 Salita Etimolohiya 1. fotobam 2. barangay 3. apir 4. pamangkin 5. tagaktak B. Panuto: Mula sa mga etimolohiya o pinagmulan ng mga salita na iyong naging kasagutan, bumuo ng mga pangungusap na nagsasaad o kinapalolooban ng gawi, kilos at karakter ng mga tauhan sa mga nabasa mong halimbawa ng alamat. Gawin ito sa hiwalay na papel. 1. 2. 3. 4. 5.
  • 15. 14 Gawain 2. Punan Mo Ako! Panuto: Kilalanin ang mga tauhan at bigyang-kahulugan ang kanilang kilos, gawi at karakter batay sa usapang napakinggan (ipabasa ito sa nakatatanda o sinomang makatutulong sa iyo). Isulat ang iyong sagot sa loob ng grapikong pantulong. Gayahin ang pormat at sagutin sa hiwalay na papel. Napakinggang Pahayag Tauhang Binabanggit Pagbibigay-kahulugan sa: Kilos Gawi Karakter Alamat ni Prinsesa Manorah Naisip niya na kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe Suton, ang anak ng Haring Artityawong at Reyna Jantaivee ng Udon Panjah. Agad-agad siyang naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah. Ang pinakabata sa pitong anak na kinnaree ng Haring Prathum at Reynang Janta kinnaree. “Napakahirap ang manghuli ng kinnaree dahil agad-agad itong lumilipad kapag tinatakot.” Hindi natuwa nang marinig ang balak ni Prahnbun, ngunit napapayag din itong bigyan niya si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang ipanghuhuli niya sa Prinsesa Manorah.
  • 16. 15 Gawain 3. Patunayan Mo! Panuto: Isulat sa loob ng grapikong pantulong ang mga makatotohanan at ‘di makatotohanang pangyayaring naganap sa akda at bigyan ito ng mga patunay. Gayahin ang pormat at sagutin sa hiwalay na papel. ‘Di makatotohanan Patunay Alamat ni Prinsesa Manorah Makatotohanan Patunay
  • 17. 16 Isaisip Ang isang akda gaya ng alamat ay kapupulutan ng aral o leksiyon na maaaring maging gabay mo sa iyong buhay. Sa gawaing ito ay tiyak kong mapatitibay mo ang mga aral na iyong natutuhan sa mga akdang iyong nabasa/napakinggan. Panuto: Punan ang mga kahon sa ibaba ng mga aral o kaalamang nakapukaw sa iyong isipan. Gawin ito sa hiwalay na papel. Etimolohiya Natutuhan ko na … __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ _____ __________________________ __________________________ _______________________ Natutuhan ko na … __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ _____ __________________________ __________________________ _______________________ Gawi, kilos at karakter Natutuhan ko na … __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ Natutuhan ko na … __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ Makatotohanan at ‘Di Makatotohanan Alamat ni Prinsesa Manorah
  • 18. 17 Isagawa Ang pagbabasa ay isang gawaing nakalilibang at nakatutulong sa lahat upang lalong malinang ang iyong kaalaman. Sa gawaing ito ay masusubok naman ang iyong kakayahan sa pagbuo ng isang akdang kapupulutan ng aral. Panuto: Balikan ang, “Alamat ni Prinsesa Manorah” at sumulat ng gusto mong maging wakas nito kung saan babaguhin o papalitan mo ang ilang pangyayari at mga katangian ng sinoman sa mga tauhan at tukuyin ang pinagmulan ng mga salita o etimolohiya. Bigyang-kahulugan ang kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan at patunayan ang pagiging makatotohanan at ‘di makatotohanan ng akda. Gawin ito sa hiwalay na papel. Sariling wakas na may binago o pinalitang pangyayari at katangian ng sinoman sa tauhan Etimolohiya
  • 19. 18 Pamantayan sa Pagwawasto Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos Nakagamit ng mga wastong salita na kung saan natutukoy ang pinagmulan nito Nailahad nang tama at angkop sa tema o paksa ang binuong sariling wakas ng alamat Nakapagpakita ng pagbabagong ginawa sa gawi, kilos at karakter ng tauhan sa isinulat na wakas Nakatukoy ng patunay sa pagiging makatotohanan at ‘di makatotohanan sa mga pangyayaring inilahad Kabuuan Kilos, gawi, at karakter Makatotohanan at ‘di makatotohanan
  • 20. 19 Tayahin Ang gawaing ito ay isinulat o ginawa upang masukat ang mga kaalamang iyong natutuhan sa modyul na ito. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot. 1. Mahilig kumamot sa ulo si Jose kapag hindi niya alam ang isasagot o sasabihin. Ang pariralang may salungguhit ay halimbawa ng _______________. A. gawi C. kilos B. karakter D. pananaw 2. Ang bunsong anak ni Mang Fidel ay mabait at mahinhin. Ang pariralang may salungguhit ay halimbawa ng _______________. A. gawi C. kilos B. karakter D. pananaw 3. Mapanlait sa kapwa si Aling Bebang dahil siya ay nabibilang sa mataas na antas ng lipunan. Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng _______________. A. gawi C. kilos B. karakter D. pananaw 4. Naninirahan sa dulo ng Barangay Matahimik ang pamilya nina Mang Nelson at Aling Nelia. Ang salitang barangay ay nagmula sa lumang bangkang Malay na tinatawag na _______________. A. balangay C. batangay B. balanghay D. batanghay 5. Kahit saang lugar magpunta si Lorna, lagi siyang nagse-selfie. Ang salitang selfie ay nagmula sa pagkuha ng litrato ng _______________. A. kaibigan C. kapatid B. kalaro D. sarili 6. Maraming naiinis kay Juanito dahil mahilig siyang mag-fotobam. Ang fotobam ay mula sa salitang _______________. A. fhotobambi C. photobomber B. fotobhomb D. photobombom
  • 21. 20 7. Si Sultan Barabas ay namatay at inilibing sa hardin ng kaniyang kaharian. Sa paglipas ng taon, may tumubong puno sa kaniyang libingan. Ang bunga nito ay mapait ngunit nang mahinog ay matamis. Ito ay hango mula sa akdang _______________. A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Mangga B. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Bayabas 8. Pagkaraan ng ilang araw, magaling na si Aling Rosa at hinanap niya ang kaniyang anak. Sa kaniyang paghahanap ay napansin niya ang isang halamang may bungang maraming tila mata. Inalagaan niya itong mabuti. Ito ay hango mula sa akdang _______________. A. Alamat ng Pinya C. Alamat ng Mangga B. Alamat ng Makopa D. Alamat ng Bayabas 9. Ang COVID-19 ay isang uri ng virus na nagmula sa China. Ang sintomas nito ay pananakit ng lalamunan patungo sa puso at sa katawan. Karaniwang mga hayop ang tinatamaan ng virus na ito. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _______________ na pangyayari. A. makatotohanan C. walang katotohanan B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan 10. Ayon sa DOH, may panibagong variant ang COVID-19 na kumakalat sa ating mundo. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _______________ na pangyayari. A. makatotohanan C. walang katotohanan B. ‘di makatotohanan D. medyo makatotohanan
  • 22. 21 Karagdagang Gawain Ang iyong pagsisikap na matapos ang modyul na ito ay lubhang kasiya- siya. Natutuwa ako at ikaw ay nasa huling bahagi na ng ating aralin. Binabati kita at aking aasahan na ang lahat ng iyong natutuhan sa modyul na ito ay hindi mo kalilimutan. Bilang huling gawain, lumikha ng iyong sariling alamat na nagpapakita ng mga gawi, kilos at karakter kaugnay ng mga kilalang tao na iyong natutunghayan sa inyong pamayanan. Pamantayan: Nilalaman – 10 puntos Kaayusan ng ideya – 10 puntos Wastong gamit ng mga salita – 10 puntos Kabuuan – 30 puntos
  • 23. 22 Susi sa Pagwawasto Sanggunian Peralta, R.N. et al. (2014), Panitikang Asyano 9 Meralco Avenue, Pasig City. Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd- IMCS). Tayahin 1. C 2. A 3. A 4. A 5. D 6. C 7. D 8. A 9. B 10. A Pagyamanin Gawain 1-3 Ang sagot ay depende sa pananaw o opinion ng mag- aaral. Isaisip Ang sagot ay depende sa pananaw o opinion ng mag- aaral. Isagawa Ang sagot ay depende sa pananaw o opinion ng mag- aaral. Subukin 1. A 2. C 3. A 4. D 5. C 6. B 7. C 8. C 9. A 10. B