1. S a l a w I k a I n
Ang Salawikain o Kasabihan ay madalas nating naririnig banggitin ng mga matatanda
bilang paalala o pangaral sa atin subalit hindi binibigyan ng pansin ang mga salita lalo na ng mga
kabataan. Ang mga salita ay matalinghaga subalit may kahulugan upang mapag ingatan natin ang
mga sarili at mapaghandaan ang kinabukasan.
1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
2. Ubos-ubos biyaya pagkatapos nakatunganga.
3. Madaling ang maging tao, mahirap magpakatao.
4. Daig ng maagap ang taong masipag.
5. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
S a w I k a I n
Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang nagsasaad ng hindi tuwirang
paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaganapan o sitwasyon o sa pormang patalinhaga.
1. balat-sibuyas - maramdamin, madaling masaktan
2. ahas, ulupong - taksil, traidor
3. bantay-salakay - traidor, mabait lamang sa harapan
4. kabiyak ng dibdib - asawa, maybahay.
5. ngising-aso - nakakaloko, hindi sinserong pagkatuwa
2. K a s a b I h a n
Ang kasabihan ay madalas paulit-ulit at pamilyar na ekspresyon ng tao.
1. Wala nang hihigit pang kadakilaan sa pag-alay ng buhay sa bayan.
2. Huwag kang magtiwala sa 'di mo kakilala.
3. Walang mahirap na gawa 'pag dinaan sa tiyaga.
4. Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.
5. Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.
M a I k l I n g K w e
n t o
Ang maikling kuwento o maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang.
Halimbawa
3.
4. Alamat
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng
mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-
salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito.
Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng
kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.
Halimbawa
Alamat ng Butiki
Noong araw, sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng
kakahuyan.Ang ina; si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at
sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang
dilim.Ang anak; si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang utos
ng kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi siya
upang samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay.
Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa, natutuwa naman siya at naging mabait ang
kanyang anak na si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain.
Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang
makisig na binata.
Si Aling Rosa an nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga, samantalang si
Juan ay siyang naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina na si Aling
Rosa ay hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang magdasal.
Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang
kanyang nakilala; si Helena. Si Helena ay lubhang kaaki-akit, kung kaya’t agad umibig dito si
Juan. At dahil sa panunuyo ni Juan kay Helena, gabi na ito nang makauwi. “O anak, ginabi ka
5. yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon,” ang wika ni Aling Rosa
sa anak.
“Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat,” ang
pagsisinungaling ni Juan.
Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni
Juan sa dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena.
“Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya
nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita.”
“Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig.
Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko,” ang pagsusumamo ni Juan.
“Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong
ina na nasa iyong mga palad!” ang matigas na wika ni Helena.
Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng
taning ni Helena. Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi.
Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na mag-
orasyon. Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal iba ang
nasa isip ni Juan. Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang
kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at kahit
nanghihina na ay nagsalita ito.
“Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi
ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina,” ang
umiiyak na wika ni Aling Rosa.
“Dios ko po, Inay! Patawarin n’yo ako!” ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa
katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.
Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit
na hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.
Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita
niyang si Helena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong lumapit.
Sa takot, dagling gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa kisame.
Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba’t ibang uri ng kulisap at
insekto, at naglaro sa paligid.
6. Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya. At dahil
doon ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga
halamanan bilang kulisap.
Nagsisi ng husto si Juan ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si
Juan at ang sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang mag-
orasyon.
At haggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap
na sa paniniwala nila ay mga engkanto.
Epiko
Ang epiko ay mahabang salaysay na patula. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas. Ang
epiko ay madalas na patungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng
mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng
isang bayan. Ang salaysay ay umiikot sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. Ang kwento ay
hango kung minsan sa mga karaniwang pangyayari ngunit ang mga tauhan ay kadalasang hango
sa mga hindi pangkaraniwang nilalang na mayroong pambihirang katangian.
Ibalon (Epiko)
Ang Ibalon ay matandang pangalan ng Bicol. Noong 1895, si Prayle Jose Castaño ay
may kinaibigang bulag na lagalag na mang-aawit na si Cadungdung. Sa kanya narinig ng pari
ang epikong Ibalon. Itinala at isinalin ng pari sa Castila ang isinalaysay sa kanya ni Cadungdung.
Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking
baboy-ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at
doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng
mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-
ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na
upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong.
Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga
dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na
7. kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong
magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba
pang mga masasamang hayop sa Ibalon.
Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng
maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala
at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.
Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng
palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.
Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng
kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay.
Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang
sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang
mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang
palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang
siyang pumatay kay Rabut.
Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang
natutulog.
Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man
si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos
ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.
Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang
ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng
Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong.