SlideShare a Scribd company logo
1 of 99
Pagsagot sa mga Tanong
na Bakit at Paano
Pagsulat ng Balangkas ng
Binasang Teksto
Pagpapakita ng larawan
ng isang sapatero.
Ano ang hanapbuhay ng
nasa larawan?
Masaya ba sila sa kanilang
hanapbuhay?
Ayusin ang ginulong mga titik
upang makabuo pa ng
kasingkahulugan ng mga salitang
may salungguhit
AAAKNMDSI__1. Nakatingin at
nanonood lang ang mga bata sa
gumagawa ng sapatos.
ANNAMGBA___2. Nag-alala at
natakot ang sapatero sa kanyang
kayamanan
MPAAYPA ___ 3. Ito ang gusto ng
sapatero, ang mapanatag at
matahimik ang kanyang kalooban
APSYA_____4.Nagkamali ng hatol at
desisyon ang mayaman sa
pagbibigay ng salapi
YAKPA_____5. Ang simple at
pangkaraniwang buhay ay mas
mainam kaysa sa mararangyang
walang kapanatagan sa buhay
Pagbasa ng
kuwento: Ang
Mag-asawang
Sapatero
Ang Mag-asawang Sapatero
Sa isang malayong lugar merong matandang
mag-asawa na ang tanging ikinabubuhay ay
paggawa ng mga sapatos.
Masaya ang mag-asawa, ngunit sa hindi
inaasahan,
naubusan sila ng mga parokyano na bibili sa
kanilang nagawang sapatos. Halos wala
silang pambili ng mga materyales upang
makagawa ng dalawang pares ng sapatos.
Minsan, sa sobrang-kapos ng materyales,
naisipan ng lalaki na gumawa ng pambatang
pares na sapatos.
Halos magdamag pinag-isipan ng lalaki
kung paano gumawa ng magandang
sapatos upang kumita ng malaki at
makabili ng pagkain.Umabot na sa
halos hating-gabi sa kakaisip ang
lalaki,hininto at iniwan na lang ang
kanyang ginagawang sapatos sa mesa
upang magpahinga at dahil pagod na
rin.Sinabi na lang ng lalaki sa sarili na
ipagpatuloy na lang ang kanyang
ginagawa kinabukasan.
Kinabukasan, nagulat ang lalaki sa
kanyang nakita, isang
napakagandang pambatang
sapatos ang sumambulat sa kanya.
Sinuri niya mabuti ang magarang
sapatos at halos perpekto ang
pagkagawa. Agad na sinabi sa
kanyang asawa, subalit, halos hindi
rin naniwala at ibinenta sa isang
kakilalang mayaman sa kanilang
lugar. Malaking halaga ang ibinayad
ng mayaman sa pagbili ng sapatos.
Sa sumunod na araw, bumili ang
lalaki ng mga materyales upang
gumawa uli ng ibebentang sapatos
at kasama na ang asawa. Umabot
sila hanggang hating-gabi sa
paggawa ng sapatos ngunit walang
natapos. Iniwan nila ang mga
ginagawa upang ipagpatuloy na
lang sa kinabukasan.
Ngunit, nang gumising ang dalawa,
nakita nila ang mga pares ng
napakagandang sapatos. Kanila itong
ibenebenta at natutuwa sila tuwing
nauubos ang mga inilalakong sapatos.
Mula noon iniiwan na lang ng mag-
asawa ang mga materyales at hindi sila
nabigo na makakakita mga yaring
sapatos na kanila naman ibebenta.
Dahil dito, yumaman at naging tanyag
ang mag-asawa sa larangan ng
paggawa ng sapatos.
Walang sapatos ang hindi naibebenta at
sumikat sila kahit mga taga-ibayong
lugar ay pumupunta sa kanilang
tindahan upang bumili ng sapatos.
Isang araw naisipan ng mag-asawa na
alamin kung sino ang tumutulong sa
kanila sa paggawa ng sapatos. Nag-
iwan sila ng mga materyales,
binantayan at nagtago upang di makita.
Halos di makapaniwala sa kanilang
nakita.
Dalawa pa lang mag-asawang
duwende ang gumagawa tuwing
hating-gabi ng sapatos. Masipag
ang mag-asawang duwende, pino
ang mga napakaputing sintas,
malinis ang pagkagawa. Ngunit,
naawa ang mag-asawa sapatero
dahil ang damit ng mag-asawang
duwende ay tila basahan at
nangangayat na ang dalawa sa
kagagawa.
Kinabukasan naisipan ng lalaki na
pasalamatan ang mag-asawang
duwende. Gumawa sila ng
napakagarang mga damit na babagay
sa dalawa, bumili sila ng isang
napakalaking tinapay at isang bote ng
gatas. Iniwan nila ito pagsapit ng
hating-gabi.Tuwang tuwa ang mag-
asawang duwende sa mga regalo. Halos
magtatalon sa tuwa ang lalaking
duwende at habang umiiyak naman ang
babae.
Simula noon hindi na nakita ng mag-
asawang mga duwende, ngunit, pinalad
naman sila kanilang buhay at lalong
matagumpay sa kanilang hanapbuhay.
Aral: Pasalamatan ang mga taong
tumutulong kahit hindi sa materyal na
bagay kundi sa simpleng pasasalamat
na galing sa puso upang maipakita lang
ang pagkagalak dahil sa tulong na
ibinigay.
Ipaliwanag nang mahusay ang sagot sa
mga tanong:
Paano nagkaroon ng suliranin ang mag-
asawang sapatero?
Bakit hindi makatulog ang lalaki?
Bakit iniwang hindi tapos ng lalaki ang
kanyang ginagawa?
Bakit nagulat ang sapatero pagkagising
niya kinabukasan?
Paano siya magtrabaho araw-araw?
Bakit kailangang maging kuntento ang
isang manggagawa sa kanyang
trabaho? Paano nagpasalamat ang
sapatero sa tumutulong sa kanila?
Pangkatang Gawain
Isulat ang mahahalagang pangyayari sa
kuwentong binasa. Gamitin ang balangkas sa
ibaba.
Pamagat
I. Sino-sino ang mga tauhan
A.
B.
C.
II. Saan ang tagpuan
III. Bakit naging malungkot ang sapatero?
A.
B.
IV. Paano naging masaya ang sapatero?
Kung gusto mong kumain ng
paborito mong pagkain, paano
mo sasabihin sa iyong nanay na
ipagluto ka? Bakit kailangan
mong gawin ito?
1. Paano sinasagot ang mga
tanong na Bakit at Paano?
2. Ano ang isinisulat sa isang
balangkas ng kuwentong binasa?
3. Sumasang-ayon ka ba sa may
akda sa kanyang paniwala na. Sa
simpleng bagay naninirahan
ang kaligayahan.
Paano?Ipaliwanag
Basahin ang talata,
sagutin ang mga
katanungan tungkol
dito.
Basahin ang maikling kwento at sagutin
ang mga tanong pagkatapos nito.
Ang Plaster ni Bong
Isang araw, pumasok si Bong sa klase
na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang
kanyang mga kaklase at unti-unting
naglapitan sa kanya. “Anong nangyari
sa iyo, Bong?”, tanong ni Annie. “Plaster
yan, hindi ba?
Naku, nabalian ka ng buto?” ang
malakas na sigaw ni Lito mula sa
likuran “"o, Lito. Nabali ang buto ko sa
braso. Nag-bisikleta kasi ako sa
madulas na kalsada at nadisgrasya.
Dapat talaga nakinig ako kay Nanay.
Hindi pa sana nangyari ito.”, mahinang
sagot ni Bong. “Bayaan mo na, Bong.
gagaling din yan pagkatapos ng ilang
buwan.”, sabi ni Amy habang
inaalalayan si Bong sa kanyang upuan.
Tumahimik ang lahat ng dumating
si Gng. Santos. Hudyat na ito ng
simula ng klase. (atapos nilang
magdasal ay nagsalita ang guro sa
lahat. “'alamat sa pag-aalala ninyo
sa inyong kaklase. Tulungan muna
natin siya sa ilang mga gawain
habang ang kamay niya ay naka-
plaster.” Ano ang damdaming
ipinahayag ng bawat sinabi ng mga
karakter sa kwento?
Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang. _Bong _Annie__ Lito
_Gng.Santos a. pagbibigay pag-asa b.
pagbibigay paalala c. pag-aalala d.
pagtataka e. pagsisisi
Isulat ang iyong palagay sa mga
sumusunod na katanungan.
1. Ano kaya ang nangyari kung
sinunod ni Bong ang utos ng kanyang
ina? 2. Bakit kaya naisip kaagad ni
Lito na nabalian ng buto si Bong?
3. Paano mapagagaan ang gawain ni
Bong?
Isulat ang balangkas ng kwento:
PAMAGAT
TAUHAN KATANGIAN
MGA PANGYAYARI
Takdang- aralin:
Bumasa ng maikling
kwento.
Gumawa ng tanong na
bakit at paano, sagutin ang
mga ito.
Gumawa ng balangkas ng
kwento.
Paggamit Nang
Wasto ng Pandiwa
(Pangkasalukuyan)
Paano
sinasagot ang
tanong na bakit
at paano?
Balikan natin ang
kuwentong binasa
kahapon.
Sino ang pangunahing
tauhan sa kuwento?
Sagutin ang ilang
katanungan tungkol sa
kuwentong binasa.
1. Magbigay ng mga
halimbawa ng salitang
kilos na ginagawa ninyo
sa umaga bago
pumasok sa
paaralan.
2. Ano ang tawag natin
sa mga salitang ito?
3. Kailan naganap ang
kilos?
Basahin ang mga pangungusap na
hinango sa kuwento(Sagot sa sa mga
tanong)
Umaawit siya mula umaga hanggang
gabi habang gumagawa ng sapatos.
Sa kanyang tabing bahay ay may
naninirahang nakaririwasang lalaki.
Ang mga batang nagmamasid at
nakakarinig nito ay lumalapit sa
kanya.
Basahin ang mga salitang may
salungguhit.
Isusulat ng guro ang mga salita
Pangkatang Gawain
Pangkat I- Isulat Mo
Sumulat ng balita tungkol sa
pagdiriwang o pagtitipon gamit ang
pandiwang nagaganap.
Pangkat II- Isakilos Mo
Isakilos ang mga pandiwang
ginagawa ng mga tao tuwing
kapistahan sa inyong lugar.
Pahulaan sa mga kaklase ang
pandiwa.
*umaawit *nagluluto *pumaparada
*sumasayaw *nanonood
Pangkat III-Iguhit Mo
Gumuhit ng tatlong gawain na
ginagawa mo tuwing umaga..
Pangkat IV-Likhain Mo
Lumikha ng iskit na ang paksa ay
pagiging kuntento sa ano mang
mayroon o ang
masamang nagyayari sa taong
mainggitin. Gumamit ng limang
pandiwa na nasa
aspektong pangkasalukuyan
Kailan ginagamit
ang aspekto ng
pandiwang
pangkasalukuyan?
Magbigay ng
pangungusap na
naglalahad ng iyong
ginagawa kapag malapit
na ang pagsusulit gamit
ang pandiwa sa
aspektong
pangkasalukuyan
Kailan ginagamit
ang aspekto ng
pandiwang
pangkasalukuyan?
PAGTATAYA:
Punan ng angkop na pandiwang
pangkasalukuyan ang bawat
patlang upang mabuo ang talata.
1. Inanyayahan ako ng aking
matalik na kaibigan na dumalo sa
pista sa kanilang lugar.Nang
magpunta kami sa plasa ay
may______________(laro) ng palaro
sa palosebo.
2. Marami ang _____________(sali)
sa palaro. 3. Marami rin ang
________(tinda) ng mga sisiw na
may iba‘t ibang kulay. 4.
__________(aliw) akong panoorin
ang mga batang kasali sa
palaro
5. habang_____________(pilit)
makarating sa pinakamataas na
bahagi na posteng kawayan
TAKDANG-ARALIN:
Gumupit ng isang
balitang isports at
idikit sa notbuk.
Bilugan ang mga
pandiwang nasa
aspektong
pangkasalukuyan.
Paggamit ng mga Bagong
Salitang Natutunan
Paglalarawan ng Tauhan
Batay sa Kilos at
Pagsasalita
Magbigay ng mga halimbawa
ng alamat na inyong nabasa.
Kapag sinabi nating alamat,
ano ito?
Pagpapakita ng larawan ng
sampagita?
1. Ilarawan ang sampagita.
2. Ano ang sinasagisag ng
sampagita?
pangungusap. Piliin ang kahulugan
sa mga salitang nasa kahon.
1. Mabilis na lumaganap ang
dengue sa iba‘t ibang lugar kaya
nabahala ang DOH.
2. Hindi nakailag ang bata sa
rumaragasang kotse. Sugatan
iyong isinugod sa ospital.
3. Nais lupigin ng mga dayuhan
ang mga mamamayan para
mapasakinla ang mayamang lupain
ng mga ito.
4. Sumabog sa paligid ang samyo
ng pabango nang dumating na
babae.
5. Si Aries at Crosse ang
pinakaiirog na mga anak nina G. at
Gng.Gulle
nagmamadali
kumalat
sakupin
amoy
pinakamamahal
linlangin
B. Pagbasa ng alamat.
―Ang Alamat ng Sampagita
ALAMAT NG SAMPAGUITA
Magandang babae, maraming
katangiang kaibig-ibig at
mabutinganak. Iyan si Aniway, isa sa
mga dalagang ipinagmamalaki ng
kanilangtribu. Pihikan sa pag-ibig ang
dalaga kaya wala pang nobyo. Isa lang
anglagi niyang dinadasal. Na sana ay
makatagpo siya ng karapat-dapat
nalalaki na magmamay-ari ng kanyang
puso.Mula sa malayong tribu ang
binatang si Maru.
Nang Makita ng binatasi Aniwa ay
hindi na tinigilan ng panliligaw.
Inamin ni Aniway na kaiba samga
lalaking nanligaw sa kanya,
malapit agad ang loob niya kay
Maru.Makaraan ang kulang isang
taon ay tingggap niya ang pag-ibig
ng binata.Maligayang-maligaya si
Aniway lalo nang sabihin ni Maru
na uuwi itosa kanilang tribu para
sunduin ang mga magulang.
Ibig na raw kasi nito namagpakasal
sila. Ipinangako ng binata na
babalik sa susunod na pagbilogng
buwan.Subalit lumipas na ang
dalawang pagsikat at paglubog ng
buwan, nianino ni Maru ay hindi na
nakita ni Aniway. Ang masama ay
ginamit ng isasa mga karibal ni
Maru ang sitwasyon para siraan
ang binata. Ikinalat nitona nag-
asawa ng iba si Maru at hindi na
babalik kay Aniway.
Inakalang totoo ang kumalat na balita,
sa labis na sama ng loob atkahihiyan ay
nagkasakit ng malubha si Aniway. Bago
namatay ay walasiyang nausal kundi
³Isinusumpa kita!... sumpa kita!´ Ang
mga salitang ³Isinusumpa kita!... sumpa
kita!´ ang tangingnaiwan ni Aniway kay
Maru, na dinapuan ng sakit kaya hindi
agadnakabalik.Sa sobrang
paghihinagpis, araw-araw ay halos
madilig ng luha niMaru ang puntod ni
Aniway.
Hindi matanggap ni Maru na
namatay angdalaga na masama
ang loob sa kanya.Ilng lingo
makaraan ay may tumubong
halaman sa libingan ni Aniway.
Nang mamulaklak iyon ay ubod ng
bango. Tinawag iyong sumpakita
, ang huling salitang binigkas ni
Aniway bago sumakabilang buhay.
Ang sumpa kita ay naging
sampaguita.
A.Pagtalakay sa kuwento:
1. Sino-sino ang magkatipan sa
alamat?
2 .Ilarawan ang dalagang katipan.
3 .Paano sila nagkakilala ng
binatang katipan?
4. Bakit labis na nasiphayo ang
dalaga?
5. Ano ang sinasagisag ng
bulaklak na nasa libingan ng
dalaga?
Pakinggan ang sumusunod na pahayag.
Sabihin kung sino ang tauhang
nagbitiw ng pahayag. Ilarawan siya
batay sa pagsasalita.
1. ―Talaga bang kailangan mong
lumisan?
2. ―Sumpa kita.
―Napupuno ng mabangong samyo ng
mga bulaklak na ito ang paligid.
―Natagpuan kita rito at binantayan
habang wala kang malay.
―Ang maliliit at mapuputing talulot ay
may kakaibang ganda.
Ang pahayag o sinabi nina Lakan
Galing at Liwayway ay malaking tulong
para matukoy ang kani-kanilang
katangian. Ilarawan ang mga tauhan
batay sa kanilang sinabi.
―Nangangako ako. Wala na akong
ibang mamahalin hanggang
kamatayan.
―Natagpuan kita rito at binantayan
habang wala kang malay.
Isadula Nyo
Pangkat I-Isadula ang Una hanggang
Ikalimang talata ng kuwentong binasa
Pangkat II- Isadula ang ikaanim
hanggang ikasampung talata ng
kuwento
Pangkat III-Isadula ang ikalabing isa
hanggang ikalabinlimang talata ng
kuwento
Pangkat IV-Isadula ang ikalabing anim
hanggang ikadalawampong talata ng
kuwento
Nanghiram ka ng notes sa iyong
kaklase. Ipinangako mong isasauli mo
agad pagktapos mong kopyahin. Pero
naiwan mo ang mga notes sa iyong
bahay.Pinilit mong maipdala ang mga
notes sa inyong paaralan. Anon gang
katangian mo.Dapat ba itong tularan ng
iba? Bakit?
Ang tauhan ng isang akda ay
nakikilala batay sa kanyang
sinabi at ikinikilos. Sa
pamamagitan ng pagsasalita at
pagkilos, matutukoy rin ang
katangian ng tauhan
PAGTATAYA:
A. Tukuyin ang katangian ng tauhan
batay sa kanyang pahayag. Isulat ang
angkop na sagot.
―Ginawa ko na po ang iniuutos ninyo.
―Ang ganda! Napakalinis at masinop na
nakaayos ang mga bagay-bagay.
―Huwag ka ng mag-alala. Naiintindihan
ko nabago ka pa lang kaya hindi mo pa
ito nagawa nang ayon sa gusto ko.
―Sino ka para punahin ang
ginagawa ko? Baka hindi mo alam
na ako ang pinakamahusay rito?
―Gagasta lamang ako sa mga
bagay na kailangan. Bibilhin ko
iyong maganda at matibay kahit
hindi kilala ang tatak o brand.
B. Gamitin sa sariling
pangungusap ang mga bagong
salitang natutunan sa aralin.
rumaragasa
lumaganap
lupigin
samyo
pinakaiirog
TAKDANG-ARALIN:
Panoorin ang ―Ang
Probinsyano. Ilarawan ang
mga pangunahing tauhan sa
teleserye .
Pagsulat ng Salaysay
Ano ang mga
hakbang sa
pagsulat ng
balangkas?
Ipasalaysay sa mga bata ang
mga pangyayaring naganap
sa isang teleserye.
Paano kayo nagsalaysay?
Pag-awit ng Lupang Hinirang
Sa tulong ng time line,
hayaan bumuo ng
pagsasalaysay ang mga
mag-aaral tungkol sa
kasaysayan ng
pambansang awit.
Ang Lupang Hinirang ay ang
pambansang awit ng Pilipinas. Binuo ni
Julian Felipe ang himig noong 1898 at
ang mga titik ng awit naman ay
inangkop mula sa tulang Filipinas na
isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila
noong 1899.
Nagsimula ito bilang isang martsang
pang-instrumental na ipinag-atas ni
Emilio Aguinaldo na gamitin sa
pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas
Marcha Filipina Magdalo ang unang
pangalan nito ngunit binago at naging
Marcha Nacional Filipina matapos
hirangin ito bilang pambansang awit ng
Unang Republika ng Pilipinas. Una
itong tinugtog ng bandang San
Francisco De Malabon sa araw ng
pagpapahayag ng kalayaan noong
Hunyo 12, 1898. Ang mga titik ng awit
ay idinagdag na lamang matapos isulat
ni Jose Palma ang tulang Filipinas
Naisipan ng pamahalaang kolonyal ng
Estados Unidos noong dekada 1920 na
isalin ang pambansang awit sa Ingles
mula sa Kastila matapos na
mapawalang bisa ang Flag Law.[1] Ang
pinaka-tanyag na pagsasalin ay ang
Philippine Hymn na ginawa nina
Senador Camilo Osias at isang
Amerikano na si Mary A. Lane.
Ito ang ginawang opisyal na pagsasalin
ng Kapulungan ng Pilipinas noong 1938.
Ang mga pagsasalin ng pambansang
awit sa Tagalog ay ginawa noong dekada
1940. Ang pinaka-tanyag sa mga salin
na ito ay ang "O Sintang Lupa" na sinulat
ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso
Santos at Francisco Caballo. Ito ang
naging pambansang awit noong 1948.
Nagbuo naman ng komisyon ang Kalihim ng
Edukasyon na si Gregorio Hernandez upang
baguhin ang mga salitang Tagalog ng
pambansang awit noong panunungkulan ni
Pangulong Ramon Magsaysay. Naging bunga
nito ang pambansang awit na "Lupang
Hinirang" na unang inawit noong Mayo 26,
1956. May mga kaunti pang mga pagbabago
ang idinagdag noong 1962 na ginagamit
hanggang sa kasalukuyan.
Magsusulat ng isang talatang
nagsasalaysay tungkol sa
kasaysayan ng Pambansang Awit.
Gagamitin ang timeline
B.Pagtalakay sa pamantayan sa
pagsulat ng salaysay.
1. Nagtataglay ng mga elemento
tulad ng tauhan, tagpuan at
banghay.
Nagtataglay ng tiyak na panimula,
katawan at kongklusyon.
Gumagamit ng wastong
pagkakasunud-sunod.
Gumagamit ng mga angkop na salita
at mga parirala upang mapanatili
ang kalinawan at maayos na
pagkakasunud-sunod.
Gumagamit ng mga paglalarawan o
pakikipag-usap upang maging kaaya-
aya ang pagsasalaysay kung
kinakailangan
Sumulat ng salaysay tungkol sa
iyong pangarap at buhay at kung
paano ito maisasakatuparan.
Isulat kung sino-sino ang mga
taong pinaglalaanan mo ng mga
pangarap sa buhay, at mga
kakayanan na maipagmamalaki
mo.
Gamit ang mga pamantayang
tinalakay sa pagsulat. Sumulat
ng salaysay tungkol sa iyong
sarili.
Ano-ano ang mga
dapat tandaan sa
pagsulat ng
salaysay?
1. Basahin ang timeline ng pag-
unlad ng wikang pambansa.
Sumulat ng talatang pasalaysay
gamit ang pamantayan sa
pagsulat ng salaysay.
Kagawaran ng Edukasyon
Nagpalabas si Kagawaran ng
Edukasyon Kalihim Jose Romero
ng kautusang Blg.7 na
ang wika ay tatawagin na
Pilipino.
Petsa 12 Agosto 1959
Pagsimula ng Linggo ng Wika
Nagpahayag ng isang
kautusan ang Pangulong
Ramon M. Magsaysay sa
taunang
pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa mula ika-
29 ng Marso hanggang ika-4
ng Abril
ngunit inilipat sa Agosto 13-19
tuwing taon. Petsa 26 Mar 1954
Pagiging Opisyal ng Wikang
Pambansa Ang Wikang
Pambansang Pilipino ay naging
opisyal sa bansa. Petsa 4 Hulyo
1946 Pagtuturo ng Wikang
Pambansa Sinisimulan ang
pagturo ng Wikang Pambansa sa
mga paaralan.
Petsa 19 Hunyo 1940
Batas-Komonwelt Blg. 576
Pinagtibay ng Batas-Koomonwelt
Blg. 576 na ang Pambansang
Wika ay magiging opisyal sa
Hulyo, 1946.
Petsa 7 Hunyo 1940
Paglilimbag ng Diksyunaryo
Ipinalabas ang Kautusang
Tagapagpaganap na nagtungo sa
paglilimbag ng Diksyunaryo ng
Pambansang Wika.
Petsa 1 Abril 1940
Kautusang Tagapagpaganap Blg.
134
Ayon sa Kautusang Tagapagpaganap
Blg. 134 Pangulong Quezon, Tagalog
ang ginawang batayan ng Wikang
Pambansa.
Petsa 30 Disyembre1937
Kongreso ng Batas
Inuprobahan ng Kongreso ng Batas
Komonwelt Blg. 184 na gumawa ng
Surian ng Wikang Pambansa.
Petsa Nob 1936
Saligang Batas ng 1935
Nakabanggit sa Saligang Batas ng
1935 na magkakaroon ng WIikang
Pambansa.
Petsa 1935
TAKDANG-ARALIN:
Sumulat ng maikling salaysay
tungkol sa isang mahalagang
pangyayari sa iyong buhay:
Karanasan sa pagkuha?
Pag-unawa sa
Pinanood sa
Pamamagitan ng
Pagguhit
Ano-ano ang mga dapat
tandaan sa pagsulat ng
salaysay?
1. Sino sa inyo ang takot sa
dilim?Bakit?
2. Ano ang karaniwang
kinatatakutan ng mga bata
kapag madilim?
Manonood tayo ngayon ng isang
maikling pelikula.
―Isang Gabi…Walang
Buwan….Walang Bituin…‖
https://www.youtube.com/watch
Batay sa pamagat,ano ang
gusto ninyong malaman sa
pelikula.
Pagbibigay ng mga pamantayan
na dapat gawin kapag
nanonood ng pelikula.
Insert video
https://www.youtube.com/watch?v=iaJTKkCcT_I
Pagsagot sa pagganyak na tanong.
Pagtalakay sa pelikulang
pinanood.
1. Sino-sino ang pangunahing
tauhan sa kuwento?
2 .Sa anong kataga,nagsisimula
ang pagkukuwento ni Lola?
3. Bakit nagalit si Carlo sa
kanyang lola?Tama ba ito?
Pangatwiranan.
4. Ano ang dapat ginawa ni Carlo
noong maysakit ang kanyang lola?
Ilarawan sa pamamagitan
ng pagguhit ang kapaligiran
kapag gabi na walang
buwan at walang bituin.
Isulat sa ibaba ng ginuhit
kung anong iyong
nararamdaman sa iyong
iginuhit.
Pangkatin ang mga bata.
Iguguhit ng bawat
pangkat ang sumusunod:
Pangkat I- Iguhit ang pangyayari
na gustong-gustong gawin ng
lola at ni Carlo.
Pangkat II- Iguhit ang
pangyayari na naging dahilan
kung bakit nagalit si Carlo sa
kanyang lola.
Pangkat III- Iguhit ang
pangyayari na ikinamatay
ng matanda.
Pangkat IV- Iguhit ang
pangyayari kung saan nasa
sementeryo si Carlo.
Kung ikaw si Carlo,
ano ang nararapat
mong gawin upang
makabawi ka sa
nagawa mong
pagkukulang sa iyong
lola?
Ano-ano ang mga
dapat tandaan
upang
maunawaan ang
pelikulang
pinanood?
Gumuhit ng isang
pangyayari sa
pelikula na
kinatakutan mo.
Iguhit sa malinis na
papel ang
pagkakasunod-sunod
ng pangyayari sa
pelikulang napanood
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

More Related Content

Similar to q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Sandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptxSandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptxrhea bejasa
 
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyCarlo Precioso
 
Marungko-Booklet-3.pdf
Marungko-Booklet-3.pdfMarungko-Booklet-3.pdf
Marungko-Booklet-3.pdfrowelynvaldez
 
interaktibong kagamitang panturo
interaktibong kagamitang panturointeraktibong kagamitang panturo
interaktibong kagamitang panturossusere801fe1
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...LalainGPellas
 
ESP_WK7_PPT.pptx
ESP_WK7_PPT.pptxESP_WK7_PPT.pptx
ESP_WK7_PPT.pptxapvf
 
COT 1-FILIPINO VI.pptx
COT 1-FILIPINO VI.pptxCOT 1-FILIPINO VI.pptx
COT 1-FILIPINO VI.pptxShenaCanoCover
 
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnx
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnxSIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnx
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnxmjaynelogrono21
 
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONESECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONELadylynBuellaBragais
 
Lessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa FilipinoLessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa FilipinoRodel Moreno
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekdionesioable
 
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismoModyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismodionesioable
 
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismoModyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismodionesioable
 
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba angFilipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba angAlice Failano
 

Similar to q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx (20)

FILIPINO.pptx
FILIPINO.pptxFILIPINO.pptx
FILIPINO.pptx
 
Sandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptxSandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptx
 
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
 
Marungko-Booklet-3.pdf
Marungko-Booklet-3.pdfMarungko-Booklet-3.pdf
Marungko-Booklet-3.pdf
 
interaktibong kagamitang panturo
interaktibong kagamitang panturointeraktibong kagamitang panturo
interaktibong kagamitang panturo
 
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
3RD QUARTER FILIPINO Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sari...
 
ESP_WK7_PPT.pptx
ESP_WK7_PPT.pptxESP_WK7_PPT.pptx
ESP_WK7_PPT.pptx
 
COT 1-FILIPINO VI.pptx
COT 1-FILIPINO VI.pptxCOT 1-FILIPINO VI.pptx
COT 1-FILIPINO VI.pptx
 
Sim eloi
Sim eloiSim eloi
Sim eloi
 
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnx
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnxSIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnx
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnx
 
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONESECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
SECOND QUARTER POWERPOINT IN ARALING PANLIPUNAN GRADE ONE
 
Lessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa FilipinoLessno Plan sa Filipino
Lessno Plan sa Filipino
 
3 qtr filipino-melc2-las
3 qtr filipino-melc2-las3 qtr filipino-melc2-las
3 qtr filipino-melc2-las
 
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ekModyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
Modyul 1 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo at ek
 
NOV-16.pptx
NOV-16.pptxNOV-16.pptx
NOV-16.pptx
 
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismoModyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
 
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismoModyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
 
Mt lm q4 tagalog
Mt   lm q4 tagalogMt   lm q4 tagalog
Mt lm q4 tagalog
 
Mt lm q4 tagalog
Mt   lm q4 tagalogMt   lm q4 tagalog
Mt lm q4 tagalog
 
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba angFilipino 6 dlp 5   mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
Filipino 6 dlp 5 mga salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang
 

More from MejayacelOrcales1

Math.pptxjjefhefjefejkfefefefefeeeeeeeee
Math.pptxjjefhefjefejkfefefefefeeeeeeeeeMath.pptxjjefhefjefejkfefefefefeeeeeeeee
Math.pptxjjefhefjefejkfefefefefeeeeeeeeeMejayacelOrcales1
 
English Quarter II Week1.pptxjjadjdgwdqqdq
English Quarter II Week1.pptxjjadjdgwdqqdqEnglish Quarter II Week1.pptxjjadjdgwdqqdq
English Quarter II Week1.pptxjjadjdgwdqqdqMejayacelOrcales1
 
mgatuntuninsapagbabaybay-130728012041-phpapp02.pdf
mgatuntuninsapagbabaybay-130728012041-phpapp02.pdfmgatuntuninsapagbabaybay-130728012041-phpapp02.pdf
mgatuntuninsapagbabaybay-130728012041-phpapp02.pdfMejayacelOrcales1
 
EsP - Positibong Saloobin sa Pag-aaral - Pagtatanong.pptx
EsP - Positibong Saloobin sa Pag-aaral - Pagtatanong.pptxEsP - Positibong Saloobin sa Pag-aaral - Pagtatanong.pptx
EsP - Positibong Saloobin sa Pag-aaral - Pagtatanong.pptxMejayacelOrcales1
 
YR2_8WK-LESSON-MAPS (1).docx
YR2_8WK-LESSON-MAPS (1).docxYR2_8WK-LESSON-MAPS (1).docx
YR2_8WK-LESSON-MAPS (1).docxMejayacelOrcales1
 

More from MejayacelOrcales1 (7)

Math.pptxjjefhefjefejkfefefefefeeeeeeeee
Math.pptxjjefhefjefejkfefefefefeeeeeeeeeMath.pptxjjefhefjefejkfefefefefeeeeeeeee
Math.pptxjjefhefjefejkfefefefefeeeeeeeee
 
English Quarter II Week1.pptxjjadjdgwdqqdq
English Quarter II Week1.pptxjjadjdgwdqqdqEnglish Quarter II Week1.pptxjjadjdgwdqqdq
English Quarter II Week1.pptxjjadjdgwdqqdq
 
mgatuntuninsapagbabaybay-130728012041-phpapp02.pdf
mgatuntuninsapagbabaybay-130728012041-phpapp02.pdfmgatuntuninsapagbabaybay-130728012041-phpapp02.pdf
mgatuntuninsapagbabaybay-130728012041-phpapp02.pdf
 
Kinder-Card-Template.docx
Kinder-Card-Template.docxKinder-Card-Template.docx
Kinder-Card-Template.docx
 
EsP - Positibong Saloobin sa Pag-aaral - Pagtatanong.pptx
EsP - Positibong Saloobin sa Pag-aaral - Pagtatanong.pptxEsP - Positibong Saloobin sa Pag-aaral - Pagtatanong.pptx
EsP - Positibong Saloobin sa Pag-aaral - Pagtatanong.pptx
 
MTB Titik Ii.pptx
MTB Titik Ii.pptxMTB Titik Ii.pptx
MTB Titik Ii.pptx
 
YR2_8WK-LESSON-MAPS (1).docx
YR2_8WK-LESSON-MAPS (1).docxYR2_8WK-LESSON-MAPS (1).docx
YR2_8WK-LESSON-MAPS (1).docx
 

Recently uploaded

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxComisoMhico
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 

Recently uploaded (20)

Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 

q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

  • 1.
  • 2. Pagsagot sa mga Tanong na Bakit at Paano Pagsulat ng Balangkas ng Binasang Teksto
  • 3. Pagpapakita ng larawan ng isang sapatero. Ano ang hanapbuhay ng nasa larawan?
  • 4. Masaya ba sila sa kanilang hanapbuhay? Ayusin ang ginulong mga titik upang makabuo pa ng kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit AAAKNMDSI__1. Nakatingin at nanonood lang ang mga bata sa gumagawa ng sapatos. ANNAMGBA___2. Nag-alala at natakot ang sapatero sa kanyang kayamanan
  • 5. MPAAYPA ___ 3. Ito ang gusto ng sapatero, ang mapanatag at matahimik ang kanyang kalooban APSYA_____4.Nagkamali ng hatol at desisyon ang mayaman sa pagbibigay ng salapi YAKPA_____5. Ang simple at pangkaraniwang buhay ay mas mainam kaysa sa mararangyang walang kapanatagan sa buhay
  • 7. Ang Mag-asawang Sapatero Sa isang malayong lugar merong matandang mag-asawa na ang tanging ikinabubuhay ay paggawa ng mga sapatos. Masaya ang mag-asawa, ngunit sa hindi inaasahan, naubusan sila ng mga parokyano na bibili sa kanilang nagawang sapatos. Halos wala silang pambili ng mga materyales upang makagawa ng dalawang pares ng sapatos. Minsan, sa sobrang-kapos ng materyales, naisipan ng lalaki na gumawa ng pambatang pares na sapatos.
  • 8. Halos magdamag pinag-isipan ng lalaki kung paano gumawa ng magandang sapatos upang kumita ng malaki at makabili ng pagkain.Umabot na sa halos hating-gabi sa kakaisip ang lalaki,hininto at iniwan na lang ang kanyang ginagawang sapatos sa mesa upang magpahinga at dahil pagod na rin.Sinabi na lang ng lalaki sa sarili na ipagpatuloy na lang ang kanyang ginagawa kinabukasan.
  • 9. Kinabukasan, nagulat ang lalaki sa kanyang nakita, isang napakagandang pambatang sapatos ang sumambulat sa kanya. Sinuri niya mabuti ang magarang sapatos at halos perpekto ang pagkagawa. Agad na sinabi sa kanyang asawa, subalit, halos hindi rin naniwala at ibinenta sa isang kakilalang mayaman sa kanilang lugar. Malaking halaga ang ibinayad ng mayaman sa pagbili ng sapatos.
  • 10. Sa sumunod na araw, bumili ang lalaki ng mga materyales upang gumawa uli ng ibebentang sapatos at kasama na ang asawa. Umabot sila hanggang hating-gabi sa paggawa ng sapatos ngunit walang natapos. Iniwan nila ang mga ginagawa upang ipagpatuloy na lang sa kinabukasan.
  • 11. Ngunit, nang gumising ang dalawa, nakita nila ang mga pares ng napakagandang sapatos. Kanila itong ibenebenta at natutuwa sila tuwing nauubos ang mga inilalakong sapatos. Mula noon iniiwan na lang ng mag- asawa ang mga materyales at hindi sila nabigo na makakakita mga yaring sapatos na kanila naman ibebenta. Dahil dito, yumaman at naging tanyag ang mag-asawa sa larangan ng paggawa ng sapatos.
  • 12. Walang sapatos ang hindi naibebenta at sumikat sila kahit mga taga-ibayong lugar ay pumupunta sa kanilang tindahan upang bumili ng sapatos. Isang araw naisipan ng mag-asawa na alamin kung sino ang tumutulong sa kanila sa paggawa ng sapatos. Nag- iwan sila ng mga materyales, binantayan at nagtago upang di makita. Halos di makapaniwala sa kanilang nakita.
  • 13. Dalawa pa lang mag-asawang duwende ang gumagawa tuwing hating-gabi ng sapatos. Masipag ang mag-asawang duwende, pino ang mga napakaputing sintas, malinis ang pagkagawa. Ngunit, naawa ang mag-asawa sapatero dahil ang damit ng mag-asawang duwende ay tila basahan at nangangayat na ang dalawa sa kagagawa.
  • 14. Kinabukasan naisipan ng lalaki na pasalamatan ang mag-asawang duwende. Gumawa sila ng napakagarang mga damit na babagay sa dalawa, bumili sila ng isang napakalaking tinapay at isang bote ng gatas. Iniwan nila ito pagsapit ng hating-gabi.Tuwang tuwa ang mag- asawang duwende sa mga regalo. Halos magtatalon sa tuwa ang lalaking duwende at habang umiiyak naman ang babae.
  • 15. Simula noon hindi na nakita ng mag- asawang mga duwende, ngunit, pinalad naman sila kanilang buhay at lalong matagumpay sa kanilang hanapbuhay. Aral: Pasalamatan ang mga taong tumutulong kahit hindi sa materyal na bagay kundi sa simpleng pasasalamat na galing sa puso upang maipakita lang ang pagkagalak dahil sa tulong na ibinigay.
  • 16. Ipaliwanag nang mahusay ang sagot sa mga tanong: Paano nagkaroon ng suliranin ang mag- asawang sapatero? Bakit hindi makatulog ang lalaki? Bakit iniwang hindi tapos ng lalaki ang kanyang ginagawa? Bakit nagulat ang sapatero pagkagising niya kinabukasan? Paano siya magtrabaho araw-araw? Bakit kailangang maging kuntento ang isang manggagawa sa kanyang trabaho? Paano nagpasalamat ang sapatero sa tumutulong sa kanila?
  • 17. Pangkatang Gawain Isulat ang mahahalagang pangyayari sa kuwentong binasa. Gamitin ang balangkas sa ibaba. Pamagat I. Sino-sino ang mga tauhan A. B. C. II. Saan ang tagpuan III. Bakit naging malungkot ang sapatero? A. B. IV. Paano naging masaya ang sapatero?
  • 18. Kung gusto mong kumain ng paborito mong pagkain, paano mo sasabihin sa iyong nanay na ipagluto ka? Bakit kailangan mong gawin ito?
  • 19. 1. Paano sinasagot ang mga tanong na Bakit at Paano? 2. Ano ang isinisulat sa isang balangkas ng kuwentong binasa? 3. Sumasang-ayon ka ba sa may akda sa kanyang paniwala na. Sa simpleng bagay naninirahan ang kaligayahan. Paano?Ipaliwanag
  • 20. Basahin ang talata, sagutin ang mga katanungan tungkol dito.
  • 21. Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito. Ang Plaster ni Bong Isang araw, pumasok si Bong sa klase na naka-benda ang kamay. Nagtaka ang kanyang mga kaklase at unti-unting naglapitan sa kanya. “Anong nangyari sa iyo, Bong?”, tanong ni Annie. “Plaster yan, hindi ba?
  • 22. Naku, nabalian ka ng buto?” ang malakas na sigaw ni Lito mula sa likuran “"o, Lito. Nabali ang buto ko sa braso. Nag-bisikleta kasi ako sa madulas na kalsada at nadisgrasya. Dapat talaga nakinig ako kay Nanay. Hindi pa sana nangyari ito.”, mahinang sagot ni Bong. “Bayaan mo na, Bong. gagaling din yan pagkatapos ng ilang buwan.”, sabi ni Amy habang inaalalayan si Bong sa kanyang upuan.
  • 23. Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito ng simula ng klase. (atapos nilang magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat. “'alamat sa pag-aalala ninyo sa inyong kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga gawain habang ang kamay niya ay naka- plaster.” Ano ang damdaming ipinahayag ng bawat sinabi ng mga karakter sa kwento?
  • 24. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. _Bong _Annie__ Lito _Gng.Santos a. pagbibigay pag-asa b. pagbibigay paalala c. pag-aalala d. pagtataka e. pagsisisi Isulat ang iyong palagay sa mga sumusunod na katanungan. 1. Ano kaya ang nangyari kung sinunod ni Bong ang utos ng kanyang ina? 2. Bakit kaya naisip kaagad ni Lito na nabalian ng buto si Bong? 3. Paano mapagagaan ang gawain ni Bong?
  • 25. Isulat ang balangkas ng kwento: PAMAGAT TAUHAN KATANGIAN MGA PANGYAYARI
  • 26. Takdang- aralin: Bumasa ng maikling kwento. Gumawa ng tanong na bakit at paano, sagutin ang mga ito. Gumawa ng balangkas ng kwento.
  • 27.
  • 28. Paggamit Nang Wasto ng Pandiwa (Pangkasalukuyan)
  • 29. Paano sinasagot ang tanong na bakit at paano?
  • 30. Balikan natin ang kuwentong binasa kahapon. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Sagutin ang ilang katanungan tungkol sa kuwentong binasa.
  • 31. 1. Magbigay ng mga halimbawa ng salitang kilos na ginagawa ninyo sa umaga bago pumasok sa paaralan. 2. Ano ang tawag natin sa mga salitang ito? 3. Kailan naganap ang kilos?
  • 32. Basahin ang mga pangungusap na hinango sa kuwento(Sagot sa sa mga tanong) Umaawit siya mula umaga hanggang gabi habang gumagawa ng sapatos. Sa kanyang tabing bahay ay may naninirahang nakaririwasang lalaki. Ang mga batang nagmamasid at nakakarinig nito ay lumalapit sa kanya. Basahin ang mga salitang may salungguhit. Isusulat ng guro ang mga salita
  • 33. Pangkatang Gawain Pangkat I- Isulat Mo Sumulat ng balita tungkol sa pagdiriwang o pagtitipon gamit ang pandiwang nagaganap. Pangkat II- Isakilos Mo Isakilos ang mga pandiwang ginagawa ng mga tao tuwing kapistahan sa inyong lugar. Pahulaan sa mga kaklase ang pandiwa. *umaawit *nagluluto *pumaparada *sumasayaw *nanonood
  • 34. Pangkat III-Iguhit Mo Gumuhit ng tatlong gawain na ginagawa mo tuwing umaga.. Pangkat IV-Likhain Mo Lumikha ng iskit na ang paksa ay pagiging kuntento sa ano mang mayroon o ang masamang nagyayari sa taong mainggitin. Gumamit ng limang pandiwa na nasa aspektong pangkasalukuyan
  • 35. Kailan ginagamit ang aspekto ng pandiwang pangkasalukuyan?
  • 36. Magbigay ng pangungusap na naglalahad ng iyong ginagawa kapag malapit na ang pagsusulit gamit ang pandiwa sa aspektong pangkasalukuyan
  • 37. Kailan ginagamit ang aspekto ng pandiwang pangkasalukuyan?
  • 38. PAGTATAYA: Punan ng angkop na pandiwang pangkasalukuyan ang bawat patlang upang mabuo ang talata. 1. Inanyayahan ako ng aking matalik na kaibigan na dumalo sa pista sa kanilang lugar.Nang magpunta kami sa plasa ay may______________(laro) ng palaro sa palosebo.
  • 39. 2. Marami ang _____________(sali) sa palaro. 3. Marami rin ang ________(tinda) ng mga sisiw na may iba‘t ibang kulay. 4. __________(aliw) akong panoorin ang mga batang kasali sa palaro 5. habang_____________(pilit) makarating sa pinakamataas na bahagi na posteng kawayan
  • 40. TAKDANG-ARALIN: Gumupit ng isang balitang isports at idikit sa notbuk. Bilugan ang mga pandiwang nasa aspektong pangkasalukuyan.
  • 41.
  • 42. Paggamit ng mga Bagong Salitang Natutunan Paglalarawan ng Tauhan Batay sa Kilos at Pagsasalita
  • 43. Magbigay ng mga halimbawa ng alamat na inyong nabasa. Kapag sinabi nating alamat, ano ito?
  • 44. Pagpapakita ng larawan ng sampagita? 1. Ilarawan ang sampagita. 2. Ano ang sinasagisag ng sampagita?
  • 45. pangungusap. Piliin ang kahulugan sa mga salitang nasa kahon. 1. Mabilis na lumaganap ang dengue sa iba‘t ibang lugar kaya nabahala ang DOH. 2. Hindi nakailag ang bata sa rumaragasang kotse. Sugatan iyong isinugod sa ospital.
  • 46. 3. Nais lupigin ng mga dayuhan ang mga mamamayan para mapasakinla ang mayamang lupain ng mga ito. 4. Sumabog sa paligid ang samyo ng pabango nang dumating na babae. 5. Si Aries at Crosse ang pinakaiirog na mga anak nina G. at Gng.Gulle
  • 48. ALAMAT NG SAMPAGUITA Magandang babae, maraming katangiang kaibig-ibig at mabutinganak. Iyan si Aniway, isa sa mga dalagang ipinagmamalaki ng kanilangtribu. Pihikan sa pag-ibig ang dalaga kaya wala pang nobyo. Isa lang anglagi niyang dinadasal. Na sana ay makatagpo siya ng karapat-dapat nalalaki na magmamay-ari ng kanyang puso.Mula sa malayong tribu ang binatang si Maru.
  • 49. Nang Makita ng binatasi Aniwa ay hindi na tinigilan ng panliligaw. Inamin ni Aniway na kaiba samga lalaking nanligaw sa kanya, malapit agad ang loob niya kay Maru.Makaraan ang kulang isang taon ay tingggap niya ang pag-ibig ng binata.Maligayang-maligaya si Aniway lalo nang sabihin ni Maru na uuwi itosa kanilang tribu para sunduin ang mga magulang.
  • 50. Ibig na raw kasi nito namagpakasal sila. Ipinangako ng binata na babalik sa susunod na pagbilogng buwan.Subalit lumipas na ang dalawang pagsikat at paglubog ng buwan, nianino ni Maru ay hindi na nakita ni Aniway. Ang masama ay ginamit ng isasa mga karibal ni Maru ang sitwasyon para siraan ang binata. Ikinalat nitona nag- asawa ng iba si Maru at hindi na babalik kay Aniway.
  • 51. Inakalang totoo ang kumalat na balita, sa labis na sama ng loob atkahihiyan ay nagkasakit ng malubha si Aniway. Bago namatay ay walasiyang nausal kundi ³Isinusumpa kita!... sumpa kita!´ Ang mga salitang ³Isinusumpa kita!... sumpa kita!´ ang tangingnaiwan ni Aniway kay Maru, na dinapuan ng sakit kaya hindi agadnakabalik.Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha niMaru ang puntod ni Aniway.
  • 52. Hindi matanggap ni Maru na namatay angdalaga na masama ang loob sa kanya.Ilng lingo makaraan ay may tumubong halaman sa libingan ni Aniway. Nang mamulaklak iyon ay ubod ng bango. Tinawag iyong sumpakita , ang huling salitang binigkas ni Aniway bago sumakabilang buhay. Ang sumpa kita ay naging sampaguita.
  • 53. A.Pagtalakay sa kuwento: 1. Sino-sino ang magkatipan sa alamat? 2 .Ilarawan ang dalagang katipan. 3 .Paano sila nagkakilala ng binatang katipan? 4. Bakit labis na nasiphayo ang dalaga? 5. Ano ang sinasagisag ng bulaklak na nasa libingan ng dalaga?
  • 54. Pakinggan ang sumusunod na pahayag. Sabihin kung sino ang tauhang nagbitiw ng pahayag. Ilarawan siya batay sa pagsasalita. 1. ―Talaga bang kailangan mong lumisan? 2. ―Sumpa kita. ―Napupuno ng mabangong samyo ng mga bulaklak na ito ang paligid. ―Natagpuan kita rito at binantayan habang wala kang malay. ―Ang maliliit at mapuputing talulot ay may kakaibang ganda.
  • 55. Ang pahayag o sinabi nina Lakan Galing at Liwayway ay malaking tulong para matukoy ang kani-kanilang katangian. Ilarawan ang mga tauhan batay sa kanilang sinabi. ―Nangangako ako. Wala na akong ibang mamahalin hanggang kamatayan. ―Natagpuan kita rito at binantayan habang wala kang malay.
  • 56. Isadula Nyo Pangkat I-Isadula ang Una hanggang Ikalimang talata ng kuwentong binasa Pangkat II- Isadula ang ikaanim hanggang ikasampung talata ng kuwento Pangkat III-Isadula ang ikalabing isa hanggang ikalabinlimang talata ng kuwento Pangkat IV-Isadula ang ikalabing anim hanggang ikadalawampong talata ng kuwento
  • 57. Nanghiram ka ng notes sa iyong kaklase. Ipinangako mong isasauli mo agad pagktapos mong kopyahin. Pero naiwan mo ang mga notes sa iyong bahay.Pinilit mong maipdala ang mga notes sa inyong paaralan. Anon gang katangian mo.Dapat ba itong tularan ng iba? Bakit?
  • 58. Ang tauhan ng isang akda ay nakikilala batay sa kanyang sinabi at ikinikilos. Sa pamamagitan ng pagsasalita at pagkilos, matutukoy rin ang katangian ng tauhan
  • 59. PAGTATAYA: A. Tukuyin ang katangian ng tauhan batay sa kanyang pahayag. Isulat ang angkop na sagot. ―Ginawa ko na po ang iniuutos ninyo. ―Ang ganda! Napakalinis at masinop na nakaayos ang mga bagay-bagay. ―Huwag ka ng mag-alala. Naiintindihan ko nabago ka pa lang kaya hindi mo pa ito nagawa nang ayon sa gusto ko.
  • 60. ―Sino ka para punahin ang ginagawa ko? Baka hindi mo alam na ako ang pinakamahusay rito? ―Gagasta lamang ako sa mga bagay na kailangan. Bibilhin ko iyong maganda at matibay kahit hindi kilala ang tatak o brand.
  • 61. B. Gamitin sa sariling pangungusap ang mga bagong salitang natutunan sa aralin. rumaragasa lumaganap lupigin samyo pinakaiirog
  • 62. TAKDANG-ARALIN: Panoorin ang ―Ang Probinsyano. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa teleserye .
  • 63.
  • 65. Ano ang mga hakbang sa pagsulat ng balangkas?
  • 66. Ipasalaysay sa mga bata ang mga pangyayaring naganap sa isang teleserye. Paano kayo nagsalaysay?
  • 67. Pag-awit ng Lupang Hinirang
  • 68. Sa tulong ng time line, hayaan bumuo ng pagsasalaysay ang mga mag-aaral tungkol sa kasaysayan ng pambansang awit.
  • 69. Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng Pilipinas. Binuo ni Julian Felipe ang himig noong 1898 at ang mga titik ng awit naman ay inangkop mula sa tulang Filipinas na isinulat ni Jose Palma sa wikang Kastila noong 1899. Nagsimula ito bilang isang martsang pang-instrumental na ipinag-atas ni Emilio Aguinaldo na gamitin sa pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas
  • 70. Marcha Filipina Magdalo ang unang pangalan nito ngunit binago at naging Marcha Nacional Filipina matapos hirangin ito bilang pambansang awit ng Unang Republika ng Pilipinas. Una itong tinugtog ng bandang San Francisco De Malabon sa araw ng pagpapahayag ng kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Ang mga titik ng awit ay idinagdag na lamang matapos isulat ni Jose Palma ang tulang Filipinas
  • 71. Naisipan ng pamahalaang kolonyal ng Estados Unidos noong dekada 1920 na isalin ang pambansang awit sa Ingles mula sa Kastila matapos na mapawalang bisa ang Flag Law.[1] Ang pinaka-tanyag na pagsasalin ay ang Philippine Hymn na ginawa nina Senador Camilo Osias at isang Amerikano na si Mary A. Lane.
  • 72. Ito ang ginawang opisyal na pagsasalin ng Kapulungan ng Pilipinas noong 1938. Ang mga pagsasalin ng pambansang awit sa Tagalog ay ginawa noong dekada 1940. Ang pinaka-tanyag sa mga salin na ito ay ang "O Sintang Lupa" na sinulat ni Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo. Ito ang naging pambansang awit noong 1948.
  • 73. Nagbuo naman ng komisyon ang Kalihim ng Edukasyon na si Gregorio Hernandez upang baguhin ang mga salitang Tagalog ng pambansang awit noong panunungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay. Naging bunga nito ang pambansang awit na "Lupang Hinirang" na unang inawit noong Mayo 26, 1956. May mga kaunti pang mga pagbabago ang idinagdag noong 1962 na ginagamit hanggang sa kasalukuyan.
  • 74. Magsusulat ng isang talatang nagsasalaysay tungkol sa kasaysayan ng Pambansang Awit. Gagamitin ang timeline B.Pagtalakay sa pamantayan sa pagsulat ng salaysay. 1. Nagtataglay ng mga elemento tulad ng tauhan, tagpuan at banghay.
  • 75. Nagtataglay ng tiyak na panimula, katawan at kongklusyon. Gumagamit ng wastong pagkakasunud-sunod. Gumagamit ng mga angkop na salita at mga parirala upang mapanatili ang kalinawan at maayos na pagkakasunud-sunod. Gumagamit ng mga paglalarawan o pakikipag-usap upang maging kaaya- aya ang pagsasalaysay kung kinakailangan
  • 76. Sumulat ng salaysay tungkol sa iyong pangarap at buhay at kung paano ito maisasakatuparan. Isulat kung sino-sino ang mga taong pinaglalaanan mo ng mga pangarap sa buhay, at mga kakayanan na maipagmamalaki mo.
  • 77. Gamit ang mga pamantayang tinalakay sa pagsulat. Sumulat ng salaysay tungkol sa iyong sarili.
  • 78. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng salaysay?
  • 79. 1. Basahin ang timeline ng pag- unlad ng wikang pambansa. Sumulat ng talatang pasalaysay gamit ang pamantayan sa pagsulat ng salaysay. Kagawaran ng Edukasyon Nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng kautusang Blg.7 na ang wika ay tatawagin na Pilipino.
  • 80. Petsa 12 Agosto 1959 Pagsimula ng Linggo ng Wika Nagpahayag ng isang kautusan ang Pangulong Ramon M. Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula ika- 29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril
  • 81. ngunit inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon. Petsa 26 Mar 1954 Pagiging Opisyal ng Wikang Pambansa Ang Wikang Pambansang Pilipino ay naging opisyal sa bansa. Petsa 4 Hulyo 1946 Pagtuturo ng Wikang Pambansa Sinisimulan ang pagturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan. Petsa 19 Hunyo 1940
  • 82. Batas-Komonwelt Blg. 576 Pinagtibay ng Batas-Koomonwelt Blg. 576 na ang Pambansang Wika ay magiging opisyal sa Hulyo, 1946. Petsa 7 Hunyo 1940 Paglilimbag ng Diksyunaryo Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtungo sa paglilimbag ng Diksyunaryo ng Pambansang Wika. Petsa 1 Abril 1940
  • 83. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 Ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 Pangulong Quezon, Tagalog ang ginawang batayan ng Wikang Pambansa. Petsa 30 Disyembre1937 Kongreso ng Batas Inuprobahan ng Kongreso ng Batas Komonwelt Blg. 184 na gumawa ng Surian ng Wikang Pambansa. Petsa Nob 1936
  • 84. Saligang Batas ng 1935 Nakabanggit sa Saligang Batas ng 1935 na magkakaroon ng WIikang Pambansa. Petsa 1935 TAKDANG-ARALIN: Sumulat ng maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa iyong buhay: Karanasan sa pagkuha?
  • 85.
  • 87. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng salaysay?
  • 88. 1. Sino sa inyo ang takot sa dilim?Bakit? 2. Ano ang karaniwang kinatatakutan ng mga bata kapag madilim?
  • 89. Manonood tayo ngayon ng isang maikling pelikula. ―Isang Gabi…Walang Buwan….Walang Bituin…‖ https://www.youtube.com/watch Batay sa pamagat,ano ang gusto ninyong malaman sa pelikula. Pagbibigay ng mga pamantayan na dapat gawin kapag nanonood ng pelikula.
  • 91. Pagsagot sa pagganyak na tanong. Pagtalakay sa pelikulang pinanood. 1. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? 2 .Sa anong kataga,nagsisimula ang pagkukuwento ni Lola? 3. Bakit nagalit si Carlo sa kanyang lola?Tama ba ito? Pangatwiranan. 4. Ano ang dapat ginawa ni Carlo noong maysakit ang kanyang lola?
  • 92. Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit ang kapaligiran kapag gabi na walang buwan at walang bituin. Isulat sa ibaba ng ginuhit kung anong iyong nararamdaman sa iyong iginuhit.
  • 93. Pangkatin ang mga bata. Iguguhit ng bawat pangkat ang sumusunod: Pangkat I- Iguhit ang pangyayari na gustong-gustong gawin ng lola at ni Carlo. Pangkat II- Iguhit ang pangyayari na naging dahilan kung bakit nagalit si Carlo sa kanyang lola.
  • 94. Pangkat III- Iguhit ang pangyayari na ikinamatay ng matanda. Pangkat IV- Iguhit ang pangyayari kung saan nasa sementeryo si Carlo.
  • 95. Kung ikaw si Carlo, ano ang nararapat mong gawin upang makabawi ka sa nagawa mong pagkukulang sa iyong lola?
  • 96. Ano-ano ang mga dapat tandaan upang maunawaan ang pelikulang pinanood?
  • 97. Gumuhit ng isang pangyayari sa pelikula na kinatakutan mo.
  • 98. Iguhit sa malinis na papel ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa pelikulang napanood