Maikling Kuwento at Teoryang Pampanitikan Ginawa ni: Menchu Lacsamana
Walang Panginoon ni Deogracias A. Rosario
Pag-usapan: Anu-ano ang problema ng  mga magsasakang Pilipino  sa kasalukuyan? Pag-uulat ng pangkat
MARKISMONG PANANAW Sinusuri nito ang kultura, pulitika, ekonomiya at pilosopiya Nakasandig ito sa konsepto ng realismo (lipunan at panahon)
Pagsusuring Pamapanitikan 1. Anong suliraning  pangkabuhayan ang  pinapaksa ng maikling kuwento?
2. Natalakay ba sa kuwento ang tungkol sa kultura, pulitika, ekonomiya at pilosopiya sa buhay? Aling bahagi sa kuwento  ang magpapatunay nito?  Ipaliwanag.
Kapangyarihan ni Buenaventura Medina Jr.
Para sa iyo, alin ang mabisang paraan ng pagdidisiplina sa anak,  pamalo o pangaral? Bakit? Pangatwiranan.
Saykolohikal na Pananaw binibigyang -diin ang  behavior ng partikular na tauhan,  sinusuri ang motibo o  layuning nagbunsod upang kumilos sa isang partikular na paraan
Sinusuri ang mga pangyayari na kinikilusan ng tauhan at kaugnayan nito sa kanyang pasya, gawi, galaw  at paniniwala .
Pagsusuring Pampanitikan 1. Anong uri ng tauhan ang nilikha ng may-akda batay sa kanyang kilos, pananalita at paniniwala? Basahin ang bahaging ito sa teksto.
2. Piliin ang bahagi sa kuwento na nagpapatunay ng dahilan ng kilos, gawi, paniniwala at pasya ng pangunahing tauhan. May kaugnayan ba ito sa kanyang nakaraan?  Patunayan,
Ang Mangingisda ni Ponciano B. Pineda
Pag-usapan: 1. Ano ang iyong pilosopiya sa buhay? Ipaliwanag. 2. Para sa iyo, paggawa ba ng masama ang makapag-aahon sa kahirapan sa isang tao? Pangatwiranan.
Eksistensyalismo Ang  kalayaan  at hangaring awtentiko ang tanging nais kilalanin dito
Pananaw: Malaya ang tao Responsible ang tao Indibidwal ang tao
Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali maliban sa taong nakaranas nito Personal ang batayan ng  tao sa pakikipag-ugnayan sa  lipunan at mundo
Pagsusuring Pampanitikan 1.Kilalanin ang pangunahing tauhan sa kuwento sa pamamagitan ng kanyang: -paniniwala sa buhay -kalagayan sa buhay -mithiin sa buhay
-pagsasakatuparan ng mithiin  -ginawang pagpapasya -kinahinatnan
2. Aling bahagi ng kuwento ang nagpapakita ng  pagsasagawa ng malayang pagpapasya ng pangunahing tauhan? 3. Bakit sinasabing ito ay isang malayang pagpapasya?
Mabangis na Lungsod ni Efren Reyes Abueg
Pag-usapan: Ilarawan ang Maynila. Anu-ano ang makikita dito?
Naturalismo Tinangka ng pananaw na ito ang mas matapat, di pinipiling representasyon ng realidad
Pananaw: Ang buhay ay isang marumi, mabangis at walang awang kagubatan
Pananaw: Ang buhay ay isang marumi, mabangis at walang awang kagubatan
Inilalarawan ang mga kasuklam-suklam na mga detalye Ang tao ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan
Pesimista ang tao. Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay Ang mga tauhan ay nasa marurumi, mapaniil na lugar tulad ng  slums
Pagsusuring Pampanitikan Ilahad ang mga bahagi ng  kuwentong nagpapakita ng epekto ng kapaligiran sa tauhan
Ang Kalupi ni Benjamin P. Pascual
Pag-usapan: Dapat bang maging mapanghusga ang isang tao sa kanyang kapwa? Ipaliwanag.
Formalismo Binibigyang-diin ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda
Pagsusuring Pampanitikan 1. Ano ang uri ng maikling  kuwento ang binasang seleksyon? 2. Suriin ang mga tiyak na bahagi ng kuwento na  nagpapakita ng mga  kagandahan ng mga elemento
Pagkamakatotohanan ng  tauhan Pagkamakatotohanan ng mga pangyayari Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
Pinakamaigting na bahagi Tagpuan Tema ng kuwento
I sang Saglit, Munting Ibon ni Genoveva Edroza Matute
Pag-usapan: 1. Ano sa palagay mo ang  susi ng isang matatag na pamilya? 2. Naniniwala ka bang handang itaya ng magulang ang kanyang buhay alang-alang sa anak? Patunayan.
Dekonstruksyon Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayang gumagamit sa teksto at hindi ang teksto mismo
Habang sinusulat ang teksto, ang kahulugan nito'y nasa manunulat ngunit kapag nasa kamay na ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa
Pagsusuring Pampanitikan 1. Magbigay ng reaksyon  hinggil sa kaugnayan ng pamagat ng kuwento sa  tauhan, pangyayari at  mensahe.
2.Umpisa ng isang alternatibong wakas ng kuwento.
Banyaga ni Liwayway Arceo
Pag-usapan: Ano ang imahe ng Pilipina sa buong daigdig? Bakit? Ipaliwanag. Paano mababago ang imaheng ito?
Feminismo nag Naglalayon na mawala ang mga de kahong imaheng ibinibigay sa babae Sa paksa, inilalarawan ang mga karanasan ng mga kababaihan sa matapat na paraan
Pa Pagsusuring Pampanitikan 1. Basahin sa kuwento ang kalakasan ng tauhang  babae. 2. Ilahad ang pagbabago sa tauhang babae.

Maikling Kuwento