Ang maikling kuwento ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan sa pamamagitan ng maiikli at payak na mga pangungusap. May mga sangkap ito tulad ng tagpuan, tauhan, at banghay na mahalaga sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ang mga uri ng maikling kuwento ay kinabibilangan ng kuwento ng pag-ibig, maromansang pakikipagsapalaran, at iba pa.