Kahulugan ng Sanaysay,Dalawang Uri ng Sanaysay,Layunin ng sanaysay,Mga Katangiang Dapat Taglayin Ng Isang Mananaysay,Sangkap ng Sanaysay at Bahagi ng Sanaysay.
Filipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang PasalaysayJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa tauhan bilang elemento ng akdang pasalaysay. Dito din matatagpuan ang mga kahulugan at uri ng mga tauhan sa kuwento.
Kahulugan ng Sanaysay,Dalawang Uri ng Sanaysay,Layunin ng sanaysay,Mga Katangiang Dapat Taglayin Ng Isang Mananaysay,Sangkap ng Sanaysay at Bahagi ng Sanaysay.
Filipino 9 Ang Tauhan bilang Elemento ng Akdang PasalaysayJuan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa tauhan bilang elemento ng akdang pasalaysay. Dito din matatagpuan ang mga kahulugan at uri ng mga tauhan sa kuwento.
2. Ang maikling kuwento ay isang maigsing
salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan.
3. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong
makakatotohanang salaysay ng realidad,
ngunit ito ay isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng
pangunahing tauhan.
4. Ayon kay Edgar Allan Poe, ang
tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay
isang akdang pampanitikang likha ng
guni-guni at bungang-isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay.
5. Ito ay nababasa sa isang tagpuan,
nakakapukaw ng damdamin at mabisang
nakakakintal ng diwa o damdaming may
kasiyahan.
6. Bahagi ng Maikling Kuwento
Simula- mahalaga ang bahaging ito sapagkat
dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa.
a.Pagpapakilala sa tauhan
b.Pagpapahiwatig sa suliranin na kakaharapin
ng tauhan
c.Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng
damdaming palilitawin sa kuwento
d.Paglalarawan sa tagpuan
7. Saglit na kasiglahan- naglalahad ng
panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
Suliranin- problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri:
•Tao laban sa tao
•Tao laban sa sarili
•Tao laban sa lipunan
•Tao laban sa kapaligiran o kalikasan
8. Kasukdulan- Sa kasukdulan nakakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian
ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan- Ito ang tulay sa wakas ng kwento.
Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan
ng kwento.
9. Sangkap ng Maikling Kuwento
Tauhan- nagbibigay buhay sa kuwento,
makikilala sila sa kanilang panlabas na
kaanyuan, pisikal, pananamit at kilos na
nagpapahiwatig ng kanilang diyalogo.
Tagpuan- tumutukoy sa pook o lugar na
pinangyarihan ng kuwento.
Paksang Diwa- pinakakaluluwa ng maikling
kuwento.
10. Kaisipan- mensahe ng kuwento.
Banghay- ito ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa kuwento.
Bahagi ng Banghay
•Simula
•Saglit na kasiglahan
•Suliranin
•Kasukdulan
•Kakalasan
•Wakas
11. Tema o Paksa- ito ang sentral na ideya sa
loob ng kuwento o mahalagang pangkaisipan
ng akda.
12. Mga Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Katutubong Kulay
-Binibigyang diin ang kapaligiran, pananamit
ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay
ng mga tao sa nasabing pook.
Kuwento ng Pakikipagsapalaran
-nasa balangkas na pangyayari ang kawilihan o
interes ng sa kuwentong ito.
13. Kuwentong Kababalaghan
-mga di-kapani-paniwalang kuwento tungkol sa
katatakutan.
Kuwento ng Tauhan
-ang interes ng diin ay nasa pangunahing
tauhan.
Kuwentong Katatawanan
-ang diin ng kuwentong ito magpatawa o
mabigyang aliw ang mambabasa.
14. Kuwento ng Pag-ibig
-tungkol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan
at katambal niyang tauhan.
Kuwento ng Kapaligiran
- pangyayring mahalaga sa lipunan, kadalasan
tungkol sa kalikasan.
15. Kuwento ng Madulang Pangyayari
-Binibigyang pansin ang mahahalagang
pangyayari na nakakapagpabago sa tauhan.
16. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Markismo
• paglalabanan ng malakas at mahina na kung
saan nagtatagumpay ang mahina.
• inilalahad din sa teoryang ito kung bakit
nagaganap ang pang-aapi.
• nakapaloob ang mga tauhang bida at
kontrabida, may suliranin ang bida at
gumagawa nito ay ang kontrabida.
17. Teoryang Bayograpikal
• ito ay nakatuon sa lantad na pagbubunyag ng
ilang bahagi ng buhay ng manunulat na
nakadaragdag sa kagandahan at kaisipan nito.
• sinasalamanin ng akda ang katauhan ng
manunulat.
18. Teoryang Historikal
• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng
kanyang pagkahubog.
• Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay
bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
19. Teoryang Historikal
• ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng
kanyang pagkahubog.
• nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay
bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
20. Teoryang Klasismo
• ito ay ang mga sinulat ng mga dakilang
manunulat.
• pinapahalagahan ang kaisipan kaysa damdamin.
• ipinahahayag ng teoryang ito na ang isang
akda ay hindi naluluma o nalalaos.
21. Teoryang Humanismo
• ipinapakita na ang tao ang sentro ng mundo.
• binibigyang tuon dito ang kalakasan at
mabuting katangian ng isang tao.
22. Teoryang Romantisismo
• pinapahalagahan ang damdamin at guni-guni.
• higit na mahalaga ang damdamin kaysa isipan.
• pagbibigay halaga sa bisa ng pagkakagamit ng
kalikasan at kapaligiran sa pagiging
masining ng akda.
23. Teoryang Realismo
• nagpapahayag ito ng pagtanggap sa
katotohanan o realidad ng buhay.
• tumatalagay sa katotohanan sa lipunang
ginagalawan.
24. Teoryang Pormalistiko
• nakatuon sa nilalaman, kaanyuan, kaayusan at
paraan ng pagkakasulat ng may akda.
• may sinusundan na panuntunan sa pagsulat ng
akda.
25. Teoryang Siko-analitiko
• nakatuon sa kalagayan ng isang tao, maaring
pag-iisip o ang kanyang pag-uugali.
• pag-aaral sa kilos o gawi ng mga tauhan at
pananalitang ginagamit ng mga tauhan.
26. Teoryang Sosylohikal
• nagpapakita ng mga paksang nagbibigay ng
kaapihang dinanas ng tauhan sa kuwento, ang
akda rin ang nagiging salamin sa tunay na
nagyayari sa lipunan.
27. Teoryang Feminismo
• tumutukoy sa kalakasan at sa kakayahan ng
tauhang babae sa isang kuwento o akda.
Teoryang Eksistensyalismo
• layuning ipakita ang kalayaan ng mga tao na
pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili
na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili
sa mundo.
29. Teoryang Dekonstruksyon
• layuning ipakita ang iba’t ibang aspekto na
bumubuo sa tao at mundo, pinaniniwalaan ng
isang manunulat na walang isang pananaw ang
nag-uudyok sa may-akda na sumulat kundi
pinaghalu-halong pananaw na nais iparating
ay ang kabuuan ng pagkatao at mundo.
30. Bisang Pampanitikan
1.BISANG PANG-KAISIPAN- Nagbubunsod sa mga
mambabasa na mag-isip upangumunlad ang diwa
at kaisipan.
2.BISANG PANG-KAASALAN- Nilikha upang magbigay
dunong magbigay-aral athumubog ng katauhan.
3.BISANG PANDAMDAMIN- Tumutukoy sa naging
epekto o pagbabagong naganap sa damdamin ng
mambabasa.