SlideShare a Scribd company logo
WIKA: VARAYTI AT VARYASYON,
DISKURSO AT MGA TEORYA
NG DISKURSO
LEKTYUR
Marissa R. Guiab
Pamantasang Normal ng Pilipinas Hilagang Luzon
Alicia, Isabela
MGA LAYUNIN
 Maibigay ang iba’t ibang kahulugan ng wika
 Maipaliwanag ang mga dahilan ng baryasyon
at barayti ng wika
 Matukoy ang kahulugan ng diskurso
 Maipaliwanag ang papel ng mga teoryang
pandiskurso sa pag-aaral ng wika
Ano ang wika?
1. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa
pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pasulat o pasalitang simbolo. (Webster 1974: 536).

2. Ang wika ay masistemang simbolo na nababatay
sa arbitraryong tuntunin. . . na maaaring magbago at
mamodipika ayon sa pangangailangan ng taong
gumagamit nito. (Robins, 1985)

 3. Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt
na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang
mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na
nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasaaayos sa mga klase at patern na lumilikha
sa isang kumplikado at simetrikal na istruktura.
Ang mga simbolong ito ay mayroon ding
kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.
(Archibald A. Hill, w.t.)
4. Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kutltura. (Henry Gleason, w.t.)

5. Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa
paglikha ng kanyang sining. Karaniwa’y di totooong
mahalaga kung ano man ang wikang iyon. Ang higit
na mahalaga ‘y kung paano ginagamit ng
maguniguning manunulat ang wikang kasangkapan.
(Pineda, 2004:236).
6. Ang wikang buhay, saan man at kailan man ay
umuunlad habang ginagamit. Nagaganap ito sa
prosesong natural sa kusang pag-aangkin ng mga
elementong pangwika at intensyunal sa bisa ng
progresibong pagpaplanong pangwika. Ang
nagkakakontak na mga wika ay nagkakahiraman sa
alin man sa nabanggit na mga aspekto bagaman
higit na ekstensibo sa antas na bokabularyo. Ito’y
ibinubunsod ng partikular o espesyal na
pangangailangan ng humihiram na wika .(KWF,
1997:20)
7. Kung ang kultura ang kabuuan ng isip,
damdamin, gawi, kaalaman at karanasan na
nagtatakda ng maaangking kakanyahan ng
isang kalipunan ng tao, ang wika ay di lamang
daluyan kundi, higit pa rito, tagapagpahayag at
impukan-imbakan ng alinmang kultura.
(Salazar, 1996:19).
8. Ang wika, unang-una ay sinasalita, at ang
pagsulat na anyo ay nababatay sa anyong
pasalita. (del Rosario, 1991:42).
 9. Ang wika ang siyang pangunahing
instrumento ng komunikasyong panlipunan .
bilang instrumento, maaaring matamo sa
pamamagitan nito ang instrumental at
sentimental na pangangailangan ng tao. Ang
wika ay behikulo para makisangkot at
makibahagi ang tao sa mga gawain ng
lipunan upang matamo ang mga
pangangailangan nito. (Constantino,
1996:12).
10. Hindi isang sistema ng palatandaan o isang
neutral na daluyan ng isipan at damdamin ang
wika. Likha ito ng lipunan, samakatwid, may
katakdaang kultural ito. Ito ay kapahayagang
kultural ng isang sambayanang may
katakdaang panlipunan at pangkasaysayan.
(Melendrez-Cruz, 1996:195).

11. Ang wika ay kasangkapan na ginagamit at
nabubuhay lamang habang patuloy na ginagamit;
ang wika ay kasangkapan ng lipunan na kapag
nawalan na ng silbi sa lipunan ay tuluyang
mawawala at ang anyong pasalita at pasulat ng
wika ay dapat na di-magkahiwalay; at ang wika ay
gamit sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
(Santiago, 1995:2)

12. Ang wika ay malimit na binibigyang-
kahulugan bilang sistema ng mga tunog,
arbitraryo na ginagamit na komunikasyong
pantao. (Hutch 1991).
13. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon
sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar,
para sa isang partikular na layunin na
ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal
para makapagpahayag. (Bouman, 1990).
14. Ang wika ay napakasalimuot na kasangkapan sa
pakikipagtalastasan. Kailangan nating malaman ang mga
pangkahalatang katangian ng wika at gayundin ay masuri
ang wikang itinuturo natin, upang makagawa tayo ng mga
epektibong mga kagamitan at pamamaraan sa pagtuturo.
(Otanes, 1990:96).
15. Ang wika ay gamit sa pakikipagtalastasan o sa ibang
salita, ay sa paghahatid at pagtanggap o pagkaunawa ng
mga mensahe. (Swanson, 1976:68).
16. Ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong
arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at
natatamo ng lahat ng tao. (Brown, 1980).
 17. Ang wika ay masistemang arbitraryo ng mga
sinasalitang tunog na ginagamit para sa pantaong
pakikipagkomunikasyon. (Wardaugh, 1972).
 18. Ang wika ay isang institusyon na kung saan ay
ginagamit ng tao sa pakikipagtalasatasan sa
bawat isa sa pamamagitan ng nakagawiang
paraang pasalita-pakikinig na naaayon sa
simbolong pa-arbitraryo. (Hall, 1969).
19.Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga
salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing
na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na
pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng
kalakip na mga sangkap ng pananalita.
20. Binigyang-kahulugan naman ni Finnocchiaro ang
wika bilang sistema ng arbitraryo, ng mga simbolong
pasalita na nagbibigay-pahintulot sa mga taong may
kultura, o ng mga taong natutuhan ang ganoong
kultura na makipagtalastasan o makipagpalitan ng
usapan. (sa Villafuerte, et al, 2005:3).
VARYASYON AT VARAYTI NG
WIKA
Ang varyasyon ay ang mga linguistic items
na nakapaloob sa wika.
Ang isang varayti ng wika ay masasabi na
isang set ng mga linguistic items na may
magkaparehong distribusyon.
 Ang Filipino o alinmang wika sa Pilipinas ay
matatawag na iba’t ibang varyasyon ng wika.
 Ang wikang ginagamit ng mga tindera, ng mga
manggagawa, ng mga mag-aaral at anumang
pangkat ay masasabi ring iba’t ibang varayti ng
mga wika.
 Varyasyon-pagkakaiba-iba. Varayti- tiyak na uri
ng baryasyon.
URI NG VARYASYON NG WIKA
 1. Wika
 Ang wika ay maituturing na mas malaki kaysa
dayalek. Masasabing ang wika bilang isang
varyasyon ay may mas maraming linguistic items
kaysa dayalek.
 Halimbawa : Ang Tagalog ay maituturing na isang
wika dahil ito ay binubuo ng iba’t ibang dayalek
tulad ng Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Batangas,
Tagalog-Laguna, Tagalog-Rizal, Tagalog-Bulacan,
at iba pa.

Maituturing na wika ang isang wika kung ito ay
istandard.
Ayon kay Haugen (1966) ang mga sumusunod ay
maituturing na batayan ng pagiging istandard ng
isang wika:
1. Kung ito ay pinipili
 Ang isang partikular na varayti ay maituturing na
istandard na wika kung ito’y pinili upang magamit
bilang pangkalahatang wika. Ang pagpili sa
nasabing varayti bilang istandard ay batay sa
pulitikal at sosyal na kahalagahan nito..

2. Kodipikasyon
 May mga ahensya at pangkat ng mga tao na
bumuo ng diksyunaryo o mga aklat sa gramar
na nauukol sa napiling varayti.
3. Elaborasyon ng gamit
 Kailangang magamit ang napiling varayti sa
mahahalagang tungkulin sa pulitika, ekonomiya,
edukasyon, kultura , sosyal at mga moral na
gawain.
 Kailangan din itong magamit maging sa pormal
na pagsulat sa mga siyentipikong dokumento at
sa iba pang anyo ng literatura .

4. Pagtanggap ng tao
 Kailangang tanggapin ng mga tao ang
napiling varayti ng wika dahil ito ang
magsisilbing lakas upang mapag-isa ang
bansa. Ito ang magiging palatandaan
(marker) ng pagkakaiba ng bansa sa iba pang
bansa.
2. Dayalek
Ang dayalek ay varayti ng isang
partikular na wika na may tiyak na set
ng mga tungtuning leksikal, ponolohikal
at gramatikal na ikinaiiba nito sa iba
pang dayalek.

Ang varayting ito ay sinasalita ng mga
tao sa heograpikong pamayanan.
Sa Pilipinas, maraming mga rehiyonal na
dayalek tulad ng Ilokano, Waray,
Kapampangan at iba pa.
 Ngunit sa loob ng rehiyonal na dayalek,
mayroon pa ring dayalek na matutukoy.
Tulad ng nabanggit na, iba ang Tagalog
ng Bulacan sa Tagalog na ginagamit sa
Batangas, Laguna at Rizal.
Varyasyon ng dayalek
 2.1 Idyolek ang tawag sa kabuuan ng mga katangian
sa pagsasalita ng tao. May iba’t ibang salik na
nakapaloob dito, kung bakit ito nagaganap. Ang mga
salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at
istatus sa lipunan.

2.2 Sosyolek. Ang varayting ito ay sinasalita ng mga
tao sa isang lipunan. Pabiro niyang sinasabi na may
varayti ng wika ang mga dukha, gayundin ang mga
nasa matataas na antas ng lipunan.

 2.3 Lingua franca. Ito ay istandard na dayalek, ngunit
hindi nangangahulugang superyor sa ibang dayalek,
na nabigyan ng isang tiyak na istatus dahil sa sosyal,
ekonomik at pulitikal na kapangyarihan ng mga
gumagamit/mananalita.
 3. Register.
 Ang register ay varyasyon batay sa gamit
samantalang ang dayalek ay batay sa taong
gumagamit.
 Ang pagkakaiba sa register ay batay sa kung
ano ang ginagawa ng isang tao samantalang ang
mga pagkakaiba sa dayalek ay nakikita kung
sino o ano ang isang tao.
 Ang register ay tinatawag ding istilo ng pananalita.
 Ang register ay may disiplinal na kalikasan
(Oxford English Dictionary).
 May kanya-kanyang register sa larangan ng
 wika,
 edukasyon,
 matematika,
 agham,
 agham panlipunan at
 teknolohiya.
Ayon kay Hughe ang mga register ay may
antas ng gamit na angkop sa mga partikular
na paksa o kalagayang sosyal.
 Foreign o banyaga
 Scientific o makaagham
 Literary o pampanitikan
 Common o karaniwan
 Technical
 Dialectal
 Colloquial
 Slang
Iba pang dimensyon ng register
1.Dimensyon ng kapangyarihan. Ang kausap ay
mas mababa, kapareho, o mas mataas ang
kalagayan/antas kaysa sa nagsasalita.
2. Dimensyon ng Pakikiisa. Kaisa ba ng
tagapagsalita ang kausap (sa paniniwala,
persepsyon at pag-iisip)?
3. Pormalidad ng Okasyon. Ang okasyon ba ay
nangangailangan ng pormalidad o impormalidad?
4. Kadalubhasaan ng nagsasalita at
ng kanyang kausap. Magkapareho ba o
hindi ang magkausap sa antas ng
pagkadalubhasa (expertise)?
5. Teknikalidad. Ang paggamit ba ng
nagsasalita ng teknikal na salita ay
naaayon sa kaalamang teknikal ng
kanyang kausap?
IBA PANG URI NG VARYASYON
1. Diin. Ang diin ang nagbibigay ng empasis sa
letra o pantig ng salita na siyang nagiging
batayan kung papaano bibigkasin ang salita.
Kung minsan ginagamit ng isang tao ang
pagbigkas upang matukoy ang kanyang
pinagmulan.
2. Morpolohiya. Makikita ang baryasyon sa
pamamagitan ng pagdaragdag ng panlapi sa
salita. Nagkakaroon ito ng pagbabago sa
kahulugan ng salita.
3. Sintaks. Nagkakaroon ng pagbabago sa
ayos ng mga salita sa loob ng pangungusap,
kaya nagbabago rin ang kahulugan nito.
4. Bokabularyo. Ginagamit ng mananalita ang
iba’t ibang barayti sa bokabularyo upang
maipakita ang kanyang istatus sa lipunan na
matutukoy sa pamamagitan ng antas ng
edukasyong naabot.

PAGHAHALO NG MGA VARAYTI
 Ang mga baryasyon sa wika, dayalek at
register ay nagkakahalu-halo pa rin kahit na sa
iisang pananalita (speech). May dalawang
paraan kung paano nagkakahalo ang mga varayti.

1. Code Switching (Pagpapalit-koda)- Ito ay
resulta ng pagkakaroon ng register na kung saan
ang isang mananalita ay gagamit ng iba’t ibang
register sa iba’t ibang pagkakataon/sitwasyon.
 Halimbawa: Magandang morning , guys.

Tatlong uri ng code switching:
1.1 Metaphorical code switching. Ang isang varayti
na karaniwang ginagamit lamang sa isang uri ng
sitwasyon ay ginagamit rin sa iba pang sitwasyon
dahil ang paksang pinag-uusapan ay dati lamang
ginagamit sa unang sitwasyon.
1.2 Conversational code switching. Ang isang
mananalita ay maaaring gumamit ng iba pang koda o
varayti sa iisang pangungusap.
1.3 Situational code switching. Ang paglilipat o
pagbabago ng gamit ng varayti o koda ay depende sa
pagbabago sa sitwasyon.
2. Panghihiram (Borrowing). Ang
isang salita o higit pang mga salita ay
hinihiram mula sa isang barayti tungo
sa isa pang barayti dahil walang
katumbas ang mga ito sa barayting
ginagamit ng mananalita.
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA AT
AKADEMIKONG WIKA
Definisyon ng Filipino (KWF)
 … ang katutubong wika na ginagamit
sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang
buhay ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga
wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at
ebolusyon ng iba’t ibang barayti nng wika para sa
iba’t ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalin
nito sa may iba’t ibang sanligang sosyal at para sa
mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.
Ang Filipino bilang asignatura (akademik na
wika)
 Ang wikang Filipino ay isa sa mga
asignaturang itinuturo at ituturo ayon sa
kurikulum ng batayang edukasyon.
 Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang
ang wika sa antas interpersonal para magamit
bilang lingua franca at sa antas transaksyunal
para magamit sa akademiko at higit na
mataas na lebel ng pakikipagtalastasan.
Ang Filipino bilang wikang panturo
 Itinadhana ng Konstitusyon ng 1987, Artikulo
XIV, sek. 7, ang gamit ng Filipino bilang
opisyal at wikang panturo sa paaralan. Para
sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang
itinatadhana ang batas, English.
 Gayundin, may opisyal na batayan sa
paggamit nito gaya ng isinasaad sa
Kautusang Pangkagawaran ng DECS, Blg. 52
s. 1987 (sek, 2-a).
Ang Filipino bilang pangalawang wika
 Filipino ang pangalawang wika ng marami sa
mga lugar na di-Katagalugan.
 Ipinakikita ng mga sarbey na malaking
bahagdan na ng mga mamamayang Pilipino
ang nakauunawa at gumagamit ng Filipino
bilang lingua franca para makipagtalastasan
sa kapwa Pilipino.
II. DISKURSO AT KOMUNIKASYON
 1. Kahulugan ng Diskurso
 Ayon kay Webster (1974:285), ang diskurso
ay tumutukoy sa verbal na komunikasyon
tulad ng pag-uusap. Maari din itong formal at
sistematikong pagsusuri ng isang paksa,
pasalita man o pasulat, tulad ng disertasyon.
 Samakatwid, ang diskurso ay isang anyo ng
pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang
paksa. (Bernales, et.al.2006:86).
 Ang diskurso ay pagtatala ng likas na umiiral na uri
ng wika –pasalita o pasulat- sa loob ng kontekstong
komunikatibo.
 “Ang diskurso ay anyong linggwistik na binubuo ng
mga pangungusap (structural). “
 Lilimitahan ng depinisyong ito ang diskurso. Mas
mabuting pagsamahin ang konseptong “teksto” at
konsepto ng diskurso bilang tekstong pasalita o
pasulat; na ginamit bilang mensahe na may
tungkuling komunikatibo (functional).
(Enkvist,1978:2).
 Sa isang banda, ang diskurso ay teksto na
binubuo ng mga salita, pangungusap, talata o
artikulo na taglay ang tamang kayarian ng
wika, na may tiyak na gamit o tungkulin para
sa mabisang komunikasyon-pasalita o
pasulat.
KONTEKSTO NG DISKURSO
 Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa
anumang oras, lugar at konteksto.
 Ang mga kontekstong iyon ay madalas ituring
bilang mga partikular na kumbinasyon ng mga
taong bumubuo sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon.
 Kung gayon, ang konteksto ng isang diskurso
ay maaring interpersonal, panggrupo, pang-
organisasyon, pangmasa, pang-interkultural at
pangkasarian.
Kasanayang Pangwika
1. Ang kasanayang komunikatibo ayon kay Noam
Chomsky ay kahusayang pragmatiko na
nagsasangkot sa kakayahan ng isang ispiker na
piliin ang angkop na varayti ng wika para sa isang
tiyak na sitwasyong sosyal.
 Ang konseptong ito ay tinatawag ding
sosyolinggwistiks.
Tinukoy ni Lyle Bachman ang dalawang
konseptong kaugnay ng kahusayang
komunikatibo:
1) ang kasanayang tekstwal o
kakayahang sumulat nang may kakipilan at
organisasyon,
2) ang kasanayang ilokusyonari o
kakayahang magamit ang wika para sa
pagbuo ng idea, manipulasyon, heuristic
(pagkatuto) at imahinasyon.
2. Ang kasanayang linggwistiko naman ang
mental grammar ng isang indibidwal, ang di-
namamalayang kaalaman sa sistema ng mga
tuntunin ng wika.
 Ang konseptong ito ay tinawag ding payak na
kasanayan.

Wika at diskurso
 Sa anumang diskurso (pasalita o pasulat)
isaalang-alang ang teksto at konteksto.
 Ang paggamit ng wika ay nakapokus
sa porma o istruktura ng pangungusap
at paggamit nito (teksto) kasama ang
nagsalita, nakinig at kapaligiran ng mga
ito (konteksto).
MGA TEORYA NG DISKURSO
 1. Speech Act Theory
 Ayon kay Littlejohn (1992:88) speech act ang
batayang yunit ng wika sa pagpapahayag ng
kahulugan.
 Isa itong paglilinaw ng intensyon.
 Nangangahulugang kapag nagsasalita, naglalaro
o di kaya’y kumikilos o umaarte ang nagsasalita
iyon ay ayon sa kanyang layon o intensyon.
Apat na uri ng speech act
Pinangkat ni Searle sa apat na uri ang speech act:
1. Utterance act. Kaakibat nito ang paraan ng pagbigkas, ang
aktwal na pagbigkas, ang pahayag.
2. Propositional act. Nakapaloob dito ang konseptong locution ni
Austin na tumutukoy sa pangungusap na nagpapahayag ng
kaugnayan ng pangngalan sa pandiwa , ng paksa sa layon.
3. Illocutionary act. May kinalaman sa pagsasagawa ng intensyon
para sa kausap. Kasama rito ang layuning makuha ang reaksyon o
kasagutan ng kausap.4
4. Perlocutionary act. Sadyang nakalaang magsagawa ng mga
epekto sa kaasalan ng mga tao.
Dalawang uri ng alituntuning nakapaloob sa
pagsasalita ng wika:
 1. alituntuning constitutive- lumilikha ng mga asal
o gawi batay sa mga alituntuning binuo. Sa
klasrum, may mga alituntuning nabuo hinggil sa
relasyong guro-mag-aaral.
 2. alituntuning regulative-nagbibigay-giya sa
pagsasagawa ng mga estblisadong asal o kilos
gaya ng paghingi ng pabor o pagpapaabot ng
pakiusap..
 2. Ethnography of communication. Nauukol
ito sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit,
padron at tungkulin ng nagsasalita. Ang
pinakasusi ng teoryang ito ay ang
pamamaraang partisipant obserbasyon na
nangangailangan ng imersyon sa isang
partikualr na komunidad.


Mga teknik na maaaring magamit sa partisipant
obserbasyon:
 1) introspection o paggamit ng intuition,
 2) detached observation o ang di-partiswipatoring
obserbasyon ng interaksyon sa komunidad,
 3) Pakikipanayam o planadong interaksyong verbal sa
mga miyembro ng komunidad;
 4) philology o agham ng wika (halimbawa ang
paggamit ng mga pasulat na materyales ),
 5) Ethnosemantics 0 ang pag-aaral ng mga kahulugang
cultural,
 6) Ethnomethodology 0 ang detalyadong analisis ng
mga usapan, tinatawag ding diskors analisis ng mga
linggwista, at
 7) phenomenology o ang pag-aaral ng usapan bilang
isang problemang penomenolohikal.
3. Pragmatic Theory
 Sa linggwistiks, pinag-uusapan ang kahulugan
ayon sa sintaks at semantiks. Ngunit ang
kahulugan ay hindi lamang sa istruktura ng mga
pangungusap at sa kahulugang taglay nito.
 Ang kahulugang pragmatik ay nakukuha sa
kontekstong pinaggagamitan ng mga
pangungusap o pahayag.
 Ang pragmatiks ay ang pag-aaral na kung
ano ang ibig ipakahulugan ng tagapagsalita
kung gumagamit siya ng partikular na
istruktura sa isang konteksto.
 Sinasabi nga ni Grice na ang bawat pahayag
o pangungusap ay nagtataglay ng dalawang
bahagi: kung ano ang sinabi at kung ano ang
ipinahihiwatig (implied or implicative).
 4. Teoryang Prosody
 Ang prosody ay ang suprasegmental na
sistema na binubuo ng intonasyon, haba, diin
at antala sa Filipino.
 Sa antas pandiskurso, ang sistemang
suprasegmental ay nagbibigay rin ng
emosyon, damdamin, konbiksyon,
himig/tono, at sinseridad at iba pa.
 Ang mga suprasegmental na ito na kasama
sa pagdidiskurso ay nakapagbibigay din ng
ibang kahulugan.
 5. Mga Iskrip at Teoryang Komunikasyon
 Napakaraming iskrip ng komunikasyon. Iskrip
sa klasrum, iskrip ng prinsipal, iskrip sa
kantina, iskrip sa palaruan, at iba.
 Upang matugunan ang iba’t ibang layunin o
goal sa pang-araw-araw na buhay, dapat
magdisenyo ng plano o iskrip sa pagtatamo
ng bawat layunin.
 Ang iskrip ay set ng aksyon sa temporal na
ayos upang makamit ang layunin.
 6. Communication accommodation theory.
(http://www.mcgraw-hill.com.) Sinusuri sa
teroyang ito ang mga motibasyon at bunga ng
pangyayari kung ang dalawang ispiker ay
nagbabago ng istilo ng komunkasyon.
 Ang mga teorista nito ay naniniwalang sa
komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang
ibagay o i-akma ang kanilang istilo kapag
nakikipag-usap sa iba.
 Ang pag-aakmang ito ay nangyayari sa dalawang
paraan: pagkakaiba/paghiwalay (divergence) at
pagtatagpo/pagsasalubong ( convergence).
 Ang mga grupong may mas malakas na
pagmamalaking etniko ay madalas
gumagamit ng divergence upang bigyang-
diin at ipakilala ang kanilang identidad.
 Samantala, ang convergence ay nagaganap
kung may matinding pangangailangan para
sa sosyal aprubal. Ang madalas gumawa nito
ay ang mga indibidwal na walang
kapangyarihan
7. Narrative paradigm (http://www.mcgraw-hill.com.)
Ilalarawan ng teoryang ito ang mga tao bilang mga
storytelling animals. Nagpanukala ang teoryang ito
na ang naratibong lohika ay pamalit sa tradisyunal na
lohika ng argumento.
 Iminumungkahi ng naratibong lohika na husgahan
ang kredibilidad ng isang ispiker batay sa kakipilan
at katapatan ng kanilang istorya.
 Diumano, isa itong demokratikong paghuhusga
sapagkat hindi naman kailangan ng pagsasanay sa
oratoryo at panghihikayat upang makalikha ng
paghuhusga batay sa kakipilan at katapatan.
Mga Gawaing Interaktibo
 A. Pag-usapan ang kahalagahan ng wika sa buhay ng
tao . Magbigay ng mga tiyak na halimbawa.

 B. Talakayin ang mga dahilan ng pagkakaroon ng
varyasyon at varayti ng wika.

 C. Ibigay ang pagkakaiba ng mga terminolohiya
 1. dayalek at wika
 2. idyolek at register
 3. idyolek at sosyolek
 4. varyasyon at varayti
 5. code switching at borrowing
 6. Tagalog, Pilipino, Filipino

 D. Pumili ng isa mula sa mga tinalakay o
iniulat na teorya ng diskurso na higit mong
sinasang-ayunan at ipaliwanag kung bakit
iyon sinasang-ayunan.

 E. Magpangkatan. Magsaliksik sa aklatan o
sa internet hinggil sa iba pang teoryang
pandiskurso o pangkomunikasyon. I-ulat sa
klase ang nasaliksik.

More Related Content

What's hot

Baryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIka
WENDELL TARAYA
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
JoshuaBalanquit2
 
Filipino report-diskurso
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskurso
abigail Dayrit
 
Pagsasalin (re echo)
Pagsasalin (re echo)Pagsasalin (re echo)
Pagsasalin (re echo)
Maria Angelina Bacarra
 
Ang Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng KurikulumAng Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng Kurikulum
Charmaine Madrona
 
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
TEACHER JHAJHA
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
John Ervin
 
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wikaFil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
University of Santo Tomas
 
Diskurso sa Filipino
Diskurso sa FilipinoDiskurso sa Filipino
Diskurso sa Filipino
Avigail Gabaleo Maximo
 
Ang pakikinig
Ang pakikinigAng pakikinig
Ang pakikinig
Paul Mitchell Chua
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wikaAllan Ortiz
 
Ang pamahayagan sa pilipinas
Ang pamahayagan sa pilipinasAng pamahayagan sa pilipinas
Ang pamahayagan sa pilipinasKing Ayapana
 
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITANPONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
DONNA G. DELGADO-OLIVERIO, MATF, LPT
 
Pagsasalin report
Pagsasalin reportPagsasalin report
Pagsasalin report
Cherie Cadayona
 
MORPOLOHIYA
MORPOLOHIYAMORPOLOHIYA
MORPOLOHIYA
clauds0809
 

What's hot (20)

Baryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIkaBaryasyon at Barayti ng WIka
Baryasyon at Barayti ng WIka
 
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at LipunanFil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
Fil 106: Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
 
Filipino report-diskurso
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskurso
 
Pagsasalin (re echo)
Pagsasalin (re echo)Pagsasalin (re echo)
Pagsasalin (re echo)
 
Ang Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng KurikulumAng Paglinang ng Kurikulum
Ang Paglinang ng Kurikulum
 
Fil1 morpema
Fil1 morpemaFil1 morpema
Fil1 morpema
 
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
 
Fil1 prelim-1
Fil1 prelim-1Fil1 prelim-1
Fil1 prelim-1
 
Katuturan ng wika
Katuturan ng wikaKatuturan ng wika
Katuturan ng wika
 
Sintaksis
SintaksisSintaksis
Sintaksis
 
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wikaFil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
 
Ortograpiya
OrtograpiyaOrtograpiya
Ortograpiya
 
Diskurso sa Filipino
Diskurso sa FilipinoDiskurso sa Filipino
Diskurso sa Filipino
 
Ponema
PonemaPonema
Ponema
 
Ang pakikinig
Ang pakikinigAng pakikinig
Ang pakikinig
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Ang pamahayagan sa pilipinas
Ang pamahayagan sa pilipinasAng pamahayagan sa pilipinas
Ang pamahayagan sa pilipinas
 
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITANPONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
 
Pagsasalin report
Pagsasalin reportPagsasalin report
Pagsasalin report
 
MORPOLOHIYA
MORPOLOHIYAMORPOLOHIYA
MORPOLOHIYA
 

Similar to Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso

1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
MariaCecilia93
 
WIKA AT LIPUNAN.pptx_guillero12345678901
WIKA AT LIPUNAN.pptx_guillero12345678901WIKA AT LIPUNAN.pptx_guillero12345678901
WIKA AT LIPUNAN.pptx_guillero12345678901
SherwinAlmojera1
 
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
MhelJoyDizon
 
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKAGE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
Samar State university
 
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptxAralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
EllaMaeMamaedAguilar
 
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptxKOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
ZendrexIlagan2
 
KomPan Aralin 1.pptx
KomPan Aralin 1.pptxKomPan Aralin 1.pptx
KomPan Aralin 1.pptx
VanessaLastimosa3
 
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika (1).pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika (1).pptxAralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika (1).pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika (1).pptx
BalacanoKyleGianB
 
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptxBARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
qfeedtbz
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx
Marife Culaba
 
week-12-filipinolohiya.pptx filipinolohiya
week-12-filipinolohiya.pptx filipinolohiyaweek-12-filipinolohiya.pptx filipinolohiya
week-12-filipinolohiya.pptx filipinolohiya
JanmelLunaSantos
 
week 1 komunikasyon 2.pptx
week 1 komunikasyon 2.pptxweek 1 komunikasyon 2.pptx
week 1 komunikasyon 2.pptx
Eliezeralan11
 
Ang Wika.pptx
Ang Wika.pptxAng Wika.pptx
Ang Wika.pptx
MariaCecilia93
 
Komunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptx
Komunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptxKomunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptx
Komunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptx
DANILOSYOLIM
 
lesson 1.pptx
lesson 1.pptxlesson 1.pptx
lesson 1.pptx
Marife Culaba
 
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptxAralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
ClaireAntonetteIcain1
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
JudyAnnTongol
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
JudyAnnTongol
 

Similar to Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso (20)

1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
1Komunikasyon-at-Pananaliksik-Sa-Wika-at-Kulturang-Pilipino.pptx
 
WIKA AT LIPUNAN.pptx_guillero12345678901
WIKA AT LIPUNAN.pptx_guillero12345678901WIKA AT LIPUNAN.pptx_guillero12345678901
WIKA AT LIPUNAN.pptx_guillero12345678901
 
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptxARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
ARALIN-1-Kahulugan-at-kabuluhan-ng-wika.pptx
 
Aralin 2 gçô ang wika at lipunan
Aralin 2 gçô ang wika at lipunanAralin 2 gçô ang wika at lipunan
Aralin 2 gçô ang wika at lipunan
 
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKAGE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
GE 5 - YUNIT 2: VARYASYON AT REHISTRO NG WIKA
 
Attachments 2012 06_29
Attachments 2012 06_29Attachments 2012 06_29
Attachments 2012 06_29
 
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptxAralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
 
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptxKOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
KOMPANA .kahulugan ng wika.pptx
 
KomPan Aralin 1.pptx
KomPan Aralin 1.pptxKomPan Aralin 1.pptx
KomPan Aralin 1.pptx
 
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika (1).pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika (1).pptxAralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika (1).pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika (1).pptx
 
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptxBARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
BARAYTI-Paket-01.pptx BARAYTI-Paket-01.pptx
 
1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx1_Q1-Komunikasyon.pptx
1_Q1-Komunikasyon.pptx
 
week-12-filipinolohiya.pptx filipinolohiya
week-12-filipinolohiya.pptx filipinolohiyaweek-12-filipinolohiya.pptx filipinolohiya
week-12-filipinolohiya.pptx filipinolohiya
 
week 1 komunikasyon 2.pptx
week 1 komunikasyon 2.pptxweek 1 komunikasyon 2.pptx
week 1 komunikasyon 2.pptx
 
Ang Wika.pptx
Ang Wika.pptxAng Wika.pptx
Ang Wika.pptx
 
Komunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptx
Komunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptxKomunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptx
Komunikasyon-at-pananaliksik-sa-wika-at-kulturang-pILIPINO.pptx
 
lesson 1.pptx
lesson 1.pptxlesson 1.pptx
lesson 1.pptx
 
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptxAralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
Aralin_1_Ang_Mga_Batayang_Kaalaman_sa_Wika.pptx
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
 
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Lesson 1
 

Wika, varayti at varyasyon,diskurso at mga teorya ng diskurso

  • 1. WIKA: VARAYTI AT VARYASYON, DISKURSO AT MGA TEORYA NG DISKURSO LEKTYUR Marissa R. Guiab Pamantasang Normal ng Pilipinas Hilagang Luzon Alicia, Isabela
  • 2. MGA LAYUNIN  Maibigay ang iba’t ibang kahulugan ng wika  Maipaliwanag ang mga dahilan ng baryasyon at barayti ng wika  Matukoy ang kahulugan ng diskurso  Maipaliwanag ang papel ng mga teoryang pandiskurso sa pag-aaral ng wika
  • 3. Ano ang wika? 1. Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo. (Webster 1974: 536).  2. Ang wika ay masistemang simbolo na nababatay sa arbitraryong tuntunin. . . na maaaring magbago at mamodipika ayon sa pangangailangan ng taong gumagamit nito. (Robins, 1985) 
  • 4.  3. Ang wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang kumplikado at simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan. (Archibald A. Hill, w.t.)
  • 5. 4. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kutltura. (Henry Gleason, w.t.)  5. Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang sining. Karaniwa’y di totooong mahalaga kung ano man ang wikang iyon. Ang higit na mahalaga ‘y kung paano ginagamit ng maguniguning manunulat ang wikang kasangkapan. (Pineda, 2004:236).
  • 6. 6. Ang wikang buhay, saan man at kailan man ay umuunlad habang ginagamit. Nagaganap ito sa prosesong natural sa kusang pag-aangkin ng mga elementong pangwika at intensyunal sa bisa ng progresibong pagpaplanong pangwika. Ang nagkakakontak na mga wika ay nagkakahiraman sa alin man sa nabanggit na mga aspekto bagaman higit na ekstensibo sa antas na bokabularyo. Ito’y ibinubunsod ng partikular o espesyal na pangangailangan ng humihiram na wika .(KWF, 1997:20)
  • 7. 7. Kung ang kultura ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at karanasan na nagtatakda ng maaangking kakanyahan ng isang kalipunan ng tao, ang wika ay di lamang daluyan kundi, higit pa rito, tagapagpahayag at impukan-imbakan ng alinmang kultura. (Salazar, 1996:19). 8. Ang wika, unang-una ay sinasalita, at ang pagsulat na anyo ay nababatay sa anyong pasalita. (del Rosario, 1991:42).
  • 8.  9. Ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan . bilang instrumento, maaaring matamo sa pamamagitan nito ang instrumental at sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangan nito. (Constantino, 1996:12).
  • 9. 10. Hindi isang sistema ng palatandaan o isang neutral na daluyan ng isipan at damdamin ang wika. Likha ito ng lipunan, samakatwid, may katakdaang kultural ito. Ito ay kapahayagang kultural ng isang sambayanang may katakdaang panlipunan at pangkasaysayan. (Melendrez-Cruz, 1996:195). 
  • 10. 11. Ang wika ay kasangkapan na ginagamit at nabubuhay lamang habang patuloy na ginagamit; ang wika ay kasangkapan ng lipunan na kapag nawalan na ng silbi sa lipunan ay tuluyang mawawala at ang anyong pasalita at pasulat ng wika ay dapat na di-magkahiwalay; at ang wika ay gamit sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe. (Santiago, 1995:2) 
  • 11. 12. Ang wika ay malimit na binibigyang- kahulugan bilang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit na komunikasyong pantao. (Hutch 1991). 13. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal para makapagpahayag. (Bouman, 1990).
  • 12. 14. Ang wika ay napakasalimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Kailangan nating malaman ang mga pangkahalatang katangian ng wika at gayundin ay masuri ang wikang itinuturo natin, upang makagawa tayo ng mga epektibong mga kagamitan at pamamaraan sa pagtuturo. (Otanes, 1990:96). 15. Ang wika ay gamit sa pakikipagtalastasan o sa ibang salita, ay sa paghahatid at pagtanggap o pagkaunawa ng mga mensahe. (Swanson, 1976:68). 16. Ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao. (Brown, 1980).
  • 13.  17. Ang wika ay masistemang arbitraryo ng mga sinasalitang tunog na ginagamit para sa pantaong pakikipagkomunikasyon. (Wardaugh, 1972).  18. Ang wika ay isang institusyon na kung saan ay ginagamit ng tao sa pakikipagtalasatasan sa bawat isa sa pamamagitan ng nakagawiang paraang pasalita-pakikinig na naaayon sa simbolong pa-arbitraryo. (Hall, 1969).
  • 14. 19.Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na mga sangkap ng pananalita. 20. Binigyang-kahulugan naman ni Finnocchiaro ang wika bilang sistema ng arbitraryo, ng mga simbolong pasalita na nagbibigay-pahintulot sa mga taong may kultura, o ng mga taong natutuhan ang ganoong kultura na makipagtalastasan o makipagpalitan ng usapan. (sa Villafuerte, et al, 2005:3).
  • 15. VARYASYON AT VARAYTI NG WIKA Ang varyasyon ay ang mga linguistic items na nakapaloob sa wika. Ang isang varayti ng wika ay masasabi na isang set ng mga linguistic items na may magkaparehong distribusyon.
  • 16.  Ang Filipino o alinmang wika sa Pilipinas ay matatawag na iba’t ibang varyasyon ng wika.  Ang wikang ginagamit ng mga tindera, ng mga manggagawa, ng mga mag-aaral at anumang pangkat ay masasabi ring iba’t ibang varayti ng mga wika.  Varyasyon-pagkakaiba-iba. Varayti- tiyak na uri ng baryasyon.
  • 17. URI NG VARYASYON NG WIKA  1. Wika  Ang wika ay maituturing na mas malaki kaysa dayalek. Masasabing ang wika bilang isang varyasyon ay may mas maraming linguistic items kaysa dayalek.  Halimbawa : Ang Tagalog ay maituturing na isang wika dahil ito ay binubuo ng iba’t ibang dayalek tulad ng Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna, Tagalog-Rizal, Tagalog-Bulacan, at iba pa. 
  • 18. Maituturing na wika ang isang wika kung ito ay istandard. Ayon kay Haugen (1966) ang mga sumusunod ay maituturing na batayan ng pagiging istandard ng isang wika: 1. Kung ito ay pinipili  Ang isang partikular na varayti ay maituturing na istandard na wika kung ito’y pinili upang magamit bilang pangkalahatang wika. Ang pagpili sa nasabing varayti bilang istandard ay batay sa pulitikal at sosyal na kahalagahan nito.. 
  • 19. 2. Kodipikasyon  May mga ahensya at pangkat ng mga tao na bumuo ng diksyunaryo o mga aklat sa gramar na nauukol sa napiling varayti. 3. Elaborasyon ng gamit  Kailangang magamit ang napiling varayti sa mahahalagang tungkulin sa pulitika, ekonomiya, edukasyon, kultura , sosyal at mga moral na gawain.  Kailangan din itong magamit maging sa pormal na pagsulat sa mga siyentipikong dokumento at sa iba pang anyo ng literatura . 
  • 20. 4. Pagtanggap ng tao  Kailangang tanggapin ng mga tao ang napiling varayti ng wika dahil ito ang magsisilbing lakas upang mapag-isa ang bansa. Ito ang magiging palatandaan (marker) ng pagkakaiba ng bansa sa iba pang bansa.
  • 21. 2. Dayalek Ang dayalek ay varayti ng isang partikular na wika na may tiyak na set ng mga tungtuning leksikal, ponolohikal at gramatikal na ikinaiiba nito sa iba pang dayalek.  Ang varayting ito ay sinasalita ng mga tao sa heograpikong pamayanan.
  • 22. Sa Pilipinas, maraming mga rehiyonal na dayalek tulad ng Ilokano, Waray, Kapampangan at iba pa.  Ngunit sa loob ng rehiyonal na dayalek, mayroon pa ring dayalek na matutukoy. Tulad ng nabanggit na, iba ang Tagalog ng Bulacan sa Tagalog na ginagamit sa Batangas, Laguna at Rizal.
  • 23. Varyasyon ng dayalek  2.1 Idyolek ang tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba’t ibang salik na nakapaloob dito, kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.  2.2 Sosyolek. Ang varayting ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Pabiro niyang sinasabi na may varayti ng wika ang mga dukha, gayundin ang mga nasa matataas na antas ng lipunan.   2.3 Lingua franca. Ito ay istandard na dayalek, ngunit hindi nangangahulugang superyor sa ibang dayalek, na nabigyan ng isang tiyak na istatus dahil sa sosyal, ekonomik at pulitikal na kapangyarihan ng mga gumagamit/mananalita.
  • 24.  3. Register.  Ang register ay varyasyon batay sa gamit samantalang ang dayalek ay batay sa taong gumagamit.  Ang pagkakaiba sa register ay batay sa kung ano ang ginagawa ng isang tao samantalang ang mga pagkakaiba sa dayalek ay nakikita kung sino o ano ang isang tao.  Ang register ay tinatawag ding istilo ng pananalita.
  • 25.  Ang register ay may disiplinal na kalikasan (Oxford English Dictionary).  May kanya-kanyang register sa larangan ng  wika,  edukasyon,  matematika,  agham,  agham panlipunan at  teknolohiya.
  • 26. Ayon kay Hughe ang mga register ay may antas ng gamit na angkop sa mga partikular na paksa o kalagayang sosyal.  Foreign o banyaga  Scientific o makaagham  Literary o pampanitikan  Common o karaniwan  Technical  Dialectal  Colloquial  Slang
  • 27. Iba pang dimensyon ng register 1.Dimensyon ng kapangyarihan. Ang kausap ay mas mababa, kapareho, o mas mataas ang kalagayan/antas kaysa sa nagsasalita. 2. Dimensyon ng Pakikiisa. Kaisa ba ng tagapagsalita ang kausap (sa paniniwala, persepsyon at pag-iisip)? 3. Pormalidad ng Okasyon. Ang okasyon ba ay nangangailangan ng pormalidad o impormalidad?
  • 28. 4. Kadalubhasaan ng nagsasalita at ng kanyang kausap. Magkapareho ba o hindi ang magkausap sa antas ng pagkadalubhasa (expertise)? 5. Teknikalidad. Ang paggamit ba ng nagsasalita ng teknikal na salita ay naaayon sa kaalamang teknikal ng kanyang kausap?
  • 29. IBA PANG URI NG VARYASYON 1. Diin. Ang diin ang nagbibigay ng empasis sa letra o pantig ng salita na siyang nagiging batayan kung papaano bibigkasin ang salita. Kung minsan ginagamit ng isang tao ang pagbigkas upang matukoy ang kanyang pinagmulan. 2. Morpolohiya. Makikita ang baryasyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng panlapi sa salita. Nagkakaroon ito ng pagbabago sa kahulugan ng salita.
  • 30. 3. Sintaks. Nagkakaroon ng pagbabago sa ayos ng mga salita sa loob ng pangungusap, kaya nagbabago rin ang kahulugan nito. 4. Bokabularyo. Ginagamit ng mananalita ang iba’t ibang barayti sa bokabularyo upang maipakita ang kanyang istatus sa lipunan na matutukoy sa pamamagitan ng antas ng edukasyong naabot. 
  • 31. PAGHAHALO NG MGA VARAYTI  Ang mga baryasyon sa wika, dayalek at register ay nagkakahalu-halo pa rin kahit na sa iisang pananalita (speech). May dalawang paraan kung paano nagkakahalo ang mga varayti.  1. Code Switching (Pagpapalit-koda)- Ito ay resulta ng pagkakaroon ng register na kung saan ang isang mananalita ay gagamit ng iba’t ibang register sa iba’t ibang pagkakataon/sitwasyon.  Halimbawa: Magandang morning , guys. 
  • 32. Tatlong uri ng code switching: 1.1 Metaphorical code switching. Ang isang varayti na karaniwang ginagamit lamang sa isang uri ng sitwasyon ay ginagamit rin sa iba pang sitwasyon dahil ang paksang pinag-uusapan ay dati lamang ginagamit sa unang sitwasyon. 1.2 Conversational code switching. Ang isang mananalita ay maaaring gumamit ng iba pang koda o varayti sa iisang pangungusap. 1.3 Situational code switching. Ang paglilipat o pagbabago ng gamit ng varayti o koda ay depende sa pagbabago sa sitwasyon.
  • 33. 2. Panghihiram (Borrowing). Ang isang salita o higit pang mga salita ay hinihiram mula sa isang barayti tungo sa isa pang barayti dahil walang katumbas ang mga ito sa barayting ginagamit ng mananalita.
  • 34. FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA AT AKADEMIKONG WIKA Definisyon ng Filipino (KWF)  … ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang barayti nng wika para sa iba’t ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalin nito sa may iba’t ibang sanligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
  • 35. Ang Filipino bilang asignatura (akademik na wika)  Ang wikang Filipino ay isa sa mga asignaturang itinuturo at ituturo ayon sa kurikulum ng batayang edukasyon.  Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang wika sa antas interpersonal para magamit bilang lingua franca at sa antas transaksyunal para magamit sa akademiko at higit na mataas na lebel ng pakikipagtalastasan.
  • 36. Ang Filipino bilang wikang panturo  Itinadhana ng Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, sek. 7, ang gamit ng Filipino bilang opisyal at wikang panturo sa paaralan. Para sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang itinatadhana ang batas, English.  Gayundin, may opisyal na batayan sa paggamit nito gaya ng isinasaad sa Kautusang Pangkagawaran ng DECS, Blg. 52 s. 1987 (sek, 2-a).
  • 37. Ang Filipino bilang pangalawang wika  Filipino ang pangalawang wika ng marami sa mga lugar na di-Katagalugan.  Ipinakikita ng mga sarbey na malaking bahagdan na ng mga mamamayang Pilipino ang nakauunawa at gumagamit ng Filipino bilang lingua franca para makipagtalastasan sa kapwa Pilipino.
  • 38. II. DISKURSO AT KOMUNIKASYON  1. Kahulugan ng Diskurso  Ayon kay Webster (1974:285), ang diskurso ay tumutukoy sa verbal na komunikasyon tulad ng pag-uusap. Maari din itong formal at sistematikong pagsusuri ng isang paksa, pasalita man o pasulat, tulad ng disertasyon.  Samakatwid, ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. (Bernales, et.al.2006:86).
  • 39.  Ang diskurso ay pagtatala ng likas na umiiral na uri ng wika –pasalita o pasulat- sa loob ng kontekstong komunikatibo.  “Ang diskurso ay anyong linggwistik na binubuo ng mga pangungusap (structural). “  Lilimitahan ng depinisyong ito ang diskurso. Mas mabuting pagsamahin ang konseptong “teksto” at konsepto ng diskurso bilang tekstong pasalita o pasulat; na ginamit bilang mensahe na may tungkuling komunikatibo (functional). (Enkvist,1978:2).
  • 40.  Sa isang banda, ang diskurso ay teksto na binubuo ng mga salita, pangungusap, talata o artikulo na taglay ang tamang kayarian ng wika, na may tiyak na gamit o tungkulin para sa mabisang komunikasyon-pasalita o pasulat.
  • 41. KONTEKSTO NG DISKURSO  Ang isang tao ay nakikipagtalastasan sa iba sa anumang oras, lugar at konteksto.  Ang mga kontekstong iyon ay madalas ituring bilang mga partikular na kumbinasyon ng mga taong bumubuo sa isang sitwasyong pangkomunikasyon.  Kung gayon, ang konteksto ng isang diskurso ay maaring interpersonal, panggrupo, pang- organisasyon, pangmasa, pang-interkultural at pangkasarian.
  • 42. Kasanayang Pangwika 1. Ang kasanayang komunikatibo ayon kay Noam Chomsky ay kahusayang pragmatiko na nagsasangkot sa kakayahan ng isang ispiker na piliin ang angkop na varayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal.  Ang konseptong ito ay tinatawag ding sosyolinggwistiks.
  • 43. Tinukoy ni Lyle Bachman ang dalawang konseptong kaugnay ng kahusayang komunikatibo: 1) ang kasanayang tekstwal o kakayahang sumulat nang may kakipilan at organisasyon, 2) ang kasanayang ilokusyonari o kakayahang magamit ang wika para sa pagbuo ng idea, manipulasyon, heuristic (pagkatuto) at imahinasyon.
  • 44. 2. Ang kasanayang linggwistiko naman ang mental grammar ng isang indibidwal, ang di- namamalayang kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika.  Ang konseptong ito ay tinawag ding payak na kasanayan. 
  • 45. Wika at diskurso  Sa anumang diskurso (pasalita o pasulat) isaalang-alang ang teksto at konteksto.  Ang paggamit ng wika ay nakapokus sa porma o istruktura ng pangungusap at paggamit nito (teksto) kasama ang nagsalita, nakinig at kapaligiran ng mga ito (konteksto).
  • 46. MGA TEORYA NG DISKURSO  1. Speech Act Theory  Ayon kay Littlejohn (1992:88) speech act ang batayang yunit ng wika sa pagpapahayag ng kahulugan.  Isa itong paglilinaw ng intensyon.  Nangangahulugang kapag nagsasalita, naglalaro o di kaya’y kumikilos o umaarte ang nagsasalita iyon ay ayon sa kanyang layon o intensyon.
  • 47. Apat na uri ng speech act Pinangkat ni Searle sa apat na uri ang speech act: 1. Utterance act. Kaakibat nito ang paraan ng pagbigkas, ang aktwal na pagbigkas, ang pahayag. 2. Propositional act. Nakapaloob dito ang konseptong locution ni Austin na tumutukoy sa pangungusap na nagpapahayag ng kaugnayan ng pangngalan sa pandiwa , ng paksa sa layon. 3. Illocutionary act. May kinalaman sa pagsasagawa ng intensyon para sa kausap. Kasama rito ang layuning makuha ang reaksyon o kasagutan ng kausap.4 4. Perlocutionary act. Sadyang nakalaang magsagawa ng mga epekto sa kaasalan ng mga tao.
  • 48. Dalawang uri ng alituntuning nakapaloob sa pagsasalita ng wika:  1. alituntuning constitutive- lumilikha ng mga asal o gawi batay sa mga alituntuning binuo. Sa klasrum, may mga alituntuning nabuo hinggil sa relasyong guro-mag-aaral.  2. alituntuning regulative-nagbibigay-giya sa pagsasagawa ng mga estblisadong asal o kilos gaya ng paghingi ng pabor o pagpapaabot ng pakiusap..
  • 49.  2. Ethnography of communication. Nauukol ito sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, padron at tungkulin ng nagsasalita. Ang pinakasusi ng teoryang ito ay ang pamamaraang partisipant obserbasyon na nangangailangan ng imersyon sa isang partikualr na komunidad.  
  • 50. Mga teknik na maaaring magamit sa partisipant obserbasyon:  1) introspection o paggamit ng intuition,  2) detached observation o ang di-partiswipatoring obserbasyon ng interaksyon sa komunidad,  3) Pakikipanayam o planadong interaksyong verbal sa mga miyembro ng komunidad;  4) philology o agham ng wika (halimbawa ang paggamit ng mga pasulat na materyales ),  5) Ethnosemantics 0 ang pag-aaral ng mga kahulugang cultural,  6) Ethnomethodology 0 ang detalyadong analisis ng mga usapan, tinatawag ding diskors analisis ng mga linggwista, at  7) phenomenology o ang pag-aaral ng usapan bilang isang problemang penomenolohikal.
  • 51. 3. Pragmatic Theory  Sa linggwistiks, pinag-uusapan ang kahulugan ayon sa sintaks at semantiks. Ngunit ang kahulugan ay hindi lamang sa istruktura ng mga pangungusap at sa kahulugang taglay nito.  Ang kahulugang pragmatik ay nakukuha sa kontekstong pinaggagamitan ng mga pangungusap o pahayag.
  • 52.  Ang pragmatiks ay ang pag-aaral na kung ano ang ibig ipakahulugan ng tagapagsalita kung gumagamit siya ng partikular na istruktura sa isang konteksto.  Sinasabi nga ni Grice na ang bawat pahayag o pangungusap ay nagtataglay ng dalawang bahagi: kung ano ang sinabi at kung ano ang ipinahihiwatig (implied or implicative).
  • 53.  4. Teoryang Prosody  Ang prosody ay ang suprasegmental na sistema na binubuo ng intonasyon, haba, diin at antala sa Filipino.  Sa antas pandiskurso, ang sistemang suprasegmental ay nagbibigay rin ng emosyon, damdamin, konbiksyon, himig/tono, at sinseridad at iba pa.  Ang mga suprasegmental na ito na kasama sa pagdidiskurso ay nakapagbibigay din ng ibang kahulugan.
  • 54.  5. Mga Iskrip at Teoryang Komunikasyon  Napakaraming iskrip ng komunikasyon. Iskrip sa klasrum, iskrip ng prinsipal, iskrip sa kantina, iskrip sa palaruan, at iba.  Upang matugunan ang iba’t ibang layunin o goal sa pang-araw-araw na buhay, dapat magdisenyo ng plano o iskrip sa pagtatamo ng bawat layunin.  Ang iskrip ay set ng aksyon sa temporal na ayos upang makamit ang layunin.
  • 55.  6. Communication accommodation theory. (http://www.mcgraw-hill.com.) Sinusuri sa teroyang ito ang mga motibasyon at bunga ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng istilo ng komunkasyon.  Ang mga teorista nito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang mga tao ay nagtatangkang ibagay o i-akma ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba.  Ang pag-aakmang ito ay nangyayari sa dalawang paraan: pagkakaiba/paghiwalay (divergence) at pagtatagpo/pagsasalubong ( convergence).
  • 56.  Ang mga grupong may mas malakas na pagmamalaking etniko ay madalas gumagamit ng divergence upang bigyang- diin at ipakilala ang kanilang identidad.  Samantala, ang convergence ay nagaganap kung may matinding pangangailangan para sa sosyal aprubal. Ang madalas gumawa nito ay ang mga indibidwal na walang kapangyarihan
  • 57. 7. Narrative paradigm (http://www.mcgraw-hill.com.) Ilalarawan ng teoryang ito ang mga tao bilang mga storytelling animals. Nagpanukala ang teoryang ito na ang naratibong lohika ay pamalit sa tradisyunal na lohika ng argumento.  Iminumungkahi ng naratibong lohika na husgahan ang kredibilidad ng isang ispiker batay sa kakipilan at katapatan ng kanilang istorya.  Diumano, isa itong demokratikong paghuhusga sapagkat hindi naman kailangan ng pagsasanay sa oratoryo at panghihikayat upang makalikha ng paghuhusga batay sa kakipilan at katapatan.
  • 58. Mga Gawaing Interaktibo  A. Pag-usapan ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao . Magbigay ng mga tiyak na halimbawa.   B. Talakayin ang mga dahilan ng pagkakaroon ng varyasyon at varayti ng wika.   C. Ibigay ang pagkakaiba ng mga terminolohiya  1. dayalek at wika  2. idyolek at register  3. idyolek at sosyolek  4. varyasyon at varayti  5. code switching at borrowing  6. Tagalog, Pilipino, Filipino
  • 59.   D. Pumili ng isa mula sa mga tinalakay o iniulat na teorya ng diskurso na higit mong sinasang-ayunan at ipaliwanag kung bakit iyon sinasang-ayunan.   E. Magpangkatan. Magsaliksik sa aklatan o sa internet hinggil sa iba pang teoryang pandiskurso o pangkomunikasyon. I-ulat sa klase ang nasaliksik.