Ang kursong FLT 717 na Panitikan sa Edukasyon ng Pilipinas o Philippine Educational Literature ay tatlong yunit na kurso na nagbibigay kaalaman sa mga estudyante sa mga araling sumasaklaw sa panitikan. Binibigyang diin din ang pagbabasa ng mga akdang pampanitikan na nakasulat sa iba’t ibang yugto ng panahon. Ang pagpapahalaga sa nasabing gawain ay isasagawa sa pamamagitan ng pagbabahagi sa klase ng mga nilalaman ng bawat akda. Ang mga kaalaman at kakayahang matatamo sa pagbabahagi ay maaaring magamit sa pagtuturo at pagkatuto ng panitikan sa Pilipinas.
1. REYMARK E. PERANCO, MAEd.Fil.
Calicanan High School
Division of Tanjay City
KABANATA 1
PANITIKAN-DAAN TUNGO
SA INTELEKTWALISASYON
FLT 717 https://docs.google.com/presentation/d/11scFJYThLuXIB9EBW_Kqm2dft5cxTRvZ/edit?usp
=share_link&ouid=110374724122795652255&rtpof=true&sd=true
2. Mga Layunin
• Naipakikilala ang iba’t ibang uri ng
panitikan mula sa panahon bago dumating
ang mga Kastila hanggang sa kasalukuyan.
• Napalalim ang pag-unawa sa mga paraan ng
pagbibigay-buhay sa mga saloobin,
pagnanasa at paniniwalang Pilipino sa
pamamagitan ng panitikan bilang produkto
ng lipunan at kasaysayan.
3. •Nakabubuo ng kamalayan na
tumitingin sa panitikan bilang
mayamang bukal ng mga saloobin
at paniniwala tungkol sa
makatuwirang ugnayan ng tao sa
sarili,tao sa kapwa,sa kanyang
pamayanan at tao sa kanyang
lumikha.
4. GAWAIN
PANUTO: Pumunta sa link na ito
https://www.menti.com/alddbdq745h8
at gamitin ang code na 7243 5883 para
maka access sa tanong. Maari din na i-scan ang
QR code.
ANO ANG IYONG SARILING
PAGPAPAKAHULUGAN SA SALITANG
PANITIKAN?
6. Ano ang Panitikan?
Ang salitang Tagalog na “ panitikan “ ay galing
sa unlaping PANG- ( na nagiging PAN- kapag
ang kasunod na salitang -ugat ay nagsisimula sa
titik T; sa pagkakasunod sa PAN-; at a
nawawalan sa hulaping –AN, samakatwid: pang
*titik* an. Ang salitang ito ay panumbas ng
Tagalog sa “literatura” o literature na kapwa
batay sa ugat na Lating “letra” na ang kahulugan
ay “letra” o “titik”
7. •Ayon kay Edgar Allan Poe, ang
tinaguriang Ama ng Maikling
Kuwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at
bungang-isip na hango sa isang
tunay na pangyayari sa buhay. Ito
ay nababasa sa isang tagpuan,
nakapupukaw ng damdamin, at
mabisang nakapagkikintal ng diwa
o damdaming may kaisahan.
8. •Ayon kay Azakarias, ang panitikan
ay pagpapahayag ng mga
damdamin ng tao hinggil sa mga
bagay-bagay sa daigdig,sa
pamumuhay,lipunan at
pamamahalan, at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa Bathalang lumikha.
9. “Ang panitikan ay nasusulat
na tala ng pinakamabuting
kaisipan at damdamin ng
tao.”
W.J. Long
10. Ang literatura ay pagpapahayag ng
mga damdamin ng tao hinggil sa
mga bagay-bagay sa daigdig,sa
pamumuhay,sa lipunan at
pamamahalaan at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa Bathalang lumikha.
( J. Panganiban)
11. •Ang Literaturang Filipino ay
pahayag na pasalita o pasulat ng
mga damdaming Pilipino hinggil sa
pamumuhay,pag-uugaling
panglipunan ,paniniwalang
pampulitika at pananampalatayang
niyakap ng mga Pilipino.
12. •Ang panitikan ay lakas na nakapagbabago sa
pag-unlad ng lipunan at kabihasnan. Ang
panitikan ay liwanag na walang pagmamaliw.
Mamamatay lamang ito kung wala ng wika sa
daigdig at ang mga tao’y hindi na
nakapagpapahayag ng kanilang damdamin at
isipan. Ang tunay na panitikan ay kalipunan ng
mga diwa, panaginip at damdamin ng tao na
nasusulat sa maganda, madiwa at masining na
pahayag.
13. •Ang panitikang Pilipino ay may
pambihirang kabuuan. Ito’y nagsimula
sa mga pasalitang tradisyon. Ang mga
kalapit-bansa ng Pilipinas gaya ng
Indonesya, Malaysia, India, Arabia at
Cambodia’y nangag-ambag ng
kani-kanilang panitikan sa Pilipinas gaya
ng mga epiko, alamat,
kuwentong-bayan, awiting bayan,
karunungang bayan at mga iba’t ibang
uri ng dula.
18. Kahalagahan ng Pag-aaral ng
Panitikang Pilipino
▪Malalaman natin ang ating
kalinangan at mararangal na
tradisyon.
▪Malalaman natin kung paano
nagiging tagapagpagunita ang mga
katutubong kaugalian kapag
nanghihiram ng mga bagong ugali
at palakad.
19. ▪Makikilala ang mga manunulat na
Pilipino at mapahahalagahan ang mga
gintong kaisipan na ipinamana nila sa
atin.
▪Matutuhan nating ipagmalaki ang mga
bagay na tunay na atin at magiging
matibay at matatag tayo sa pagkilala sa
pagkalahi.
▪Mapahalagahan natin ang kagandahan
ng sariling wika at makapagbubukas ito
ng isipan sa ganap na pag-unawa sa
ating pagka-Pilipino.
32. URI NG PANITIKAN
•Ang dalawang pangunahing uri ng
panitikan ay piksyon at hindi
piksyon.
33. •Ang panitikang piksyon ay isang uri na
naglalaman ng mga kwentong
kathang-isip na nagpapakita ng mga
karakter, pangyayari, at mga lugar na
hindi tunay o hindi nangyari sa totoong
buhay.
•Kabilang dito ang mga nobela, maikling
kwento, tula, at iba pa.
34. • Ang panitikang hindi piksyon ay isang uri na
hindi naglalaman ng mga kwentong
kathang-isip, ngunit naglalayong magbigay ng
impormasyon at kaalaman sa mambabasa.
• Ito ay binubuo ng iba’t ibang anyo ng mga
teksto na nakasulat, tulad ng mga aklat,
artikulo, sanaysay, biograpya, mga
pagsasaliksik at iba pa.
54. Patula
•Ito’y nabubuo sa pamamagitan
ng pagsasama-sama ng
maanyong salita sa mga
taludtod na may sukat o
bilang ng mga pantig at
pagtutugma ng mga salita sa
hulihan ng mga taludtod sa
bawat saknong.
55. Tuluyan o Prosa
•Ito’y nabubuo sa
pamamagitan ng
malayang
pagsasama-sama ng
mga salita sa mga
pangungusap.
57. Mga Uri ng Tula
•1. Tulang Liriko o Tula ng
Damdamin
•2. Tulang Pasalaysay
•3. Tulang Patnigan
•4. Tulang Pangtanghalan
58. Mga Uri ng Tulang Liriko
• Kantahin/Awit – Ito’y may payak na mga salita at
sukat at ang layunin nito’y para awitin.
• Ang Soneto – Ito’y isang tulang may labing-apat na
taludtod at ang bawat taludturan ay tigalawang
taludtod.
• Ang Elehiya – Ito’y isang tulang nagpapahayag ng
panimdim ng pagkalumbay dahil sa isang
minamahal na namatay.
• Ang Oda – Ito’y isang tula ng paghanga o pagpuri sa
isang bagay. Ito’y nasusulat sa masining na
pahayag.
• Dalit – Tulang nagpaparangal sa dakilang lumikha.
59. Mga Uri ng Tulang Pasalaysay
•1. Epiko
•2. Awit at Kurido
•3. Karaniwang Tulang
Pasalaysay
61. Tulang Pantanghalan o Padula
•Katulad din ito sa mga
karaniwang dula, ang
kaibahan nga lamang ay
binibigkas ng mga tauhan
ang kanilang mga dayalogo
sa paraang patula.
62. Ang mga Akdang Tuluyan
A. Nobela o Kathambuhay – Ito’y isang
salaysay na mahabang nahahati sa mga
kabanata. Ang mga pangyayari nito’y
hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng
tao, sumasakop ng mahabang panahon at
ginagalawan ng maraming tauhan.
Hal. “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos
Madaling Araw ni Iñigo Ed Regalado
63. Mga Uri ng Nobela
• Nobela ng Pangyayari – Ang diin ng pagkakasulat ay nasa
mga pangyayari sa nobela.
• Halimbawa: “Laksang Tagumpay” ni Teofilo E. Sauco at
“Pinaglahuan” ni Ramon Reyes Guzman
• Nobela ng Tauhan – Ang binibigyan ng diin sa nobelang
ito’y ang katauhan ng pangunang tauhan, ang mga
hangarin at mga pangangailangan ng mga tauhan ang
binibigyan ng pansin.
• Halimbawa: “Nalantang Bulaklak” at “Nena at Neneng”
ni Valeriano H. Peña
• Halimbawa: “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni
Jose P. Rizal
64. • Nobela ng Romansa – Ang nobelang ito’y
tungkol sa pag-iibigan o romansa.
• Halimbawa: “Naluoy na Paquita” ni
Valeriano H. Peña at “Salawahang
Pag-ibig” ni Lope K. Santos
• Nobela ng Pagbabago – Sa nobelang ito,
ang binibigyan ng diin ay ang mga layunin
ng may akda o ang kanyang mga
hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa
pamahalaan.
65. •Nobela ng Kasaysayan – Ang nobelang
ito’y nagsasalaysay ng mga
pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng
bayan. Inilalarawan dito ang mga
bayaning nag-ambag ng kanilang
pagtatanggol at pag-ibig sa bayan.
•Halimbawa: “Paghihimagsik ng Masa” ni
Teodoro Agoncillo at ang “Filipino
Rebel” ni Maximo Kalaw
66. B. Maikling Kuwento – Ito’y
isang maikling kathang
pampanitikang nagsasalaysay ng
pang-araw-araw na buhay na
may isa o ilang tauhan, may
isang pangyayari at isang
kakintalan.
67. •Kuwento ng Katutubong Kulay – Sa kuwentong ito, ang
binibigyan ng diin ay ang kapaligiran ng pinangyarihan, ang
mga kaugalian at mga pananamit ng mga tauhan at ang uri
ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Halimbawa: “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda at
“Nagbibihis na ang Nayon” ni Brigido Batungbakal
•Kuwento ng Madulang Pangyayari – Dito sa kuwentong ito,
ang binibigyan ng pansin at diin ay mga mahahalaga,
kasindak-sindak at mga pambihirang pangyayaring
nakapagbabago sa mga tauhan.
Halimbawa: “Bahay na Bato”
68. • Kuwento ng Pakikipagsapalaran – Nasa balangkas
ng pangyayari at wala sa tauhan ang kawilihan o
interes sa kuwentong ito.
• Halimbawa: “Bakya” ni Hernando Ocampo at
“Mabangis na Lungsod”’ ni Efren R. Abueg
• Kuwento ng Kababalaghan – Mga di
kapaniwala-paniwalang mga pangyayari bukod pa
sa mga katatakutan ay ang diin ng kuwentong ito.
• Halimbawa: “Paniningil ng Alila” ni Salvador Banas
69. • Kuwento ng Tauhan – Sa kuwentong ito ang interes
at diin ay nasa pangunang tauhan.
• Halimbawa: “Walong Taong Gulang” ni Genoveva
Edroza Matute
• Kuwento ng Sikolohiko – Bihira ang sumusulat ng
ganitong uri ng kuwento sapagkat may kahirapang
ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang kailangan
ng kuwentong ito ay maipadama sa mga bumabasa
ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari.
• Halimbawa: “Ang Pusa sa Aking Hapag” ni Jesus A.
Arceo at “Dugo at Utak” ni Cornelio Reyes
70. • Kuwento ng Katatakutan – Ang diin ng
kuwentong ito ay nasa mga nakasisindak ng
mga pangyayari na nakapagpapatinag ng
damdamin at kilos ng mga bumabasa.
• Halimbawa: “Gabi ng Lagim”
• Kuwento ng Katatawanan – Ang layunin ng
kuwentong ito’y magpatawa at bigyan ng aliw
ang mga bumabasa.
• Halimbawa: “Tubig sa Buslo” ni Mateo Cruz
Cornelio
71. Dula – Ito ay isang uri ng tuluyang
ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang
yugto at ang bawat yugto ay
maraming tagpo. Karaniwa’y ang
mga dula ay tatatluhing yugto. Ang
tagpo naman ay ang paglalabas
masok sa tanghalan ng bawat
tauhan.
72. D. Alamat – Ito ay isang uri ng
tuluyang ang mga pangyayari
ay likhang isip lamang at hindi
totoo sa tunay na buhay.
Karaniwan na ang paksa’y
nagsasalaysay ng pinagmulan
ng isang bagay, kalagayan,
pook, at katawagan.
73. E. Pabula – Ang pabula’y kuwento ng
mga hayop at ng mga bata. Ito’y
laging may aral na napupulot. Ang
mga pabula’y likhang isip lamang ng
mga manunulat at walang
katotohanan sa tunay na buhay. Ang
layunin nito’y gisingin ang isipan ng
mga bata sa mga pangyayaring
makahuhubog ng kanilang ugali,
kilos, at isipan.
74. F. Sanaysay – Ang sanaysay
ay pagpapahayag ng
kurukuro o opinyon ng may
akda tungkol sa isang
suliranin o pangyayari. Ito’y
isang paglalahad at may
dalawang uri.
75. • Pormal na Sanaysay – Ang paksa nito’y hindi
karaniwan at kailangan ang matiyagang
pag-aaral at pananaliksik ng susulat.
• Impormal na Sanaysay – Ang mga paksa nito
ay yaong mga karaniwan lamang at hindi na
nangangailangan ng lubusang pag-aaral upang
makasulat ng ganitong uri ng sanaysay.
Kadalasan ng mga paksa’y hugot sa karanasan
ng sumulat, dili kaya’y bunga ng kanyang
obserbasyon o pananaw.
76. Pantanghalan
Dula – Ito ay isang uri ng tuluyang
ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang
yugto at ang bawat yugto ay
maraming tagpo. Karaniwa’y ang
mga dula ay tatatluhing yugto. Ang
tagpo naman ay ang paglalabas
masok sa tanghalan ng bawat
tauhan.
77. Mga uri ng Dula
•Komedya – dulang nagtatapos sa tagumpay ng pangunang tauhan.
Masaya at kawili-wili sa mga nanonood.
•Trahedya – dulang nagtatapos sa kamatayan ng pangunang tauhan.
Ito’y kinapapalooban ng mga mahihigpit na tunggalian. Ang mga
tauhan ay mapupusok at may maaapoy na damdamin.
•Melodrama – ang dulang ito’y may mga malulungkot na pangyayari
na halos ang mga pangunang tauhan ay mabingit sa kamatayan
ngunit sa bandang huli’y magtatagumpay din sila at magwawakas sa
kaligayahan.
•Parsa – may layunin ang dulang ito’y magpatawa at libangin ang
mga nanonood. Ang mga sitwasyon ay katawa –tawa maging ang
mga kilos at pananalita ng mga tauhan.
•Saynete – ito’y isa ring dulang ang pinakalayunin ay magpatawa
ngunit ang mga pangyayari ay karaniwan lamang. Ang mga
gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong
nagsasalita.
78. G. Talambuhay – Ang
talambuhay ay kasaysayan ng
buhay ng isang tao.
79. Uri ng Talambuhay
•Talambuhay na Pansarili – ang may-akda ang
sumulat ng kanyang sariling buhay, ngunit sa
kanyang kamatayan ay iba na ang magtatapos.
Halimbawa – “Ang Mabuting Pakikipaglaban”
(The Good Fight) ni Pang. Manuel L. Quezon
•Talambuhay na Paiba – ito’y kasaysayan ng
buhay ng isang taong sinulat ng iba.
Halimbawa – “Itinadhana sa Kadakilaan” ni
Anacleto I. Dizon
80. H. Balita – Ito’y isang
paglalahad ng mga
pang-araw-araw na pangyayari
sa lipunan, pamahalaan,
paaralan, sa mga sakuna, sa
industriya, sa agham at sa mga
iba’t ibang paksa sa buong
bansa at sa ibayong dagat man.
81. G.Talumpati – Ito’y isang akdang
pampanitikang ang layunin ay
bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig. Ang mga layunin ng
talumpati ay humikayat,
magpaliwanag, magbigay ng
impormasyon, mangatuwiran at
magbigay ng opinyon o paniniwala