SlideShare a Scribd company logo
1 
Republika ng Pilipinas 
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas 
PAARALANG GRADWADO 
MASTER NG SINING SA FILIPINO 
Sta. Mesa, Maynila 
DIWANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKAN 
Iniharap kay Prop. Rogelio Ordonez 
Guro 
Bilang kahingian sa asignaturang 
Panitikang Mapanghimagsik 
MAF 504 
NI 
Nimpha Landicho Gonzaga 
MAF-1 
Hulyo, 2014
2 
Republika ng Pilipinas 
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas 
PAARALANG GRADWADO 
MASTER NG SINING SA FILIPINO 
Sta. Mesa, Maynila 
PAMAGAT: DIWANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKAN 
MANUNURI: NIMPHA LANDICHO GONZAGA 
KURSO: MASTER NG SINING SA FILIPINO 
URING PAMPANITIKAN PAMAGAT NG MGA KATHA MAY-AKDA 
Sanaysay Si Rizal At Ang Sinasabing Halaw Ni Pedro C. Cruz 
Katamaran Ng Mga Pilipino 
Tula Ibig Kong Makita Benigno R. Ramos 
Tula Sa Pagkamatay Ng Isang Newsboy Lamberto Antonio 
Maikling Kwento AMBO Wilfredo Pa. Virtusio
3 
Introduksyon 
Paano nga ba ang panitikan ay maging interpretasyon ng realidad at 
pagpapahayag ng may diwang naghihimagsik? Maraming manunulat na ang 
nagtatangkang imulat ang mga tao sa katotohanan na laganap na nangyayari ngayon 
sa ating lipunan at upang patunayan na ang panitikan ay salamin ng buhay. Sa 
pagpapahayag ng mga hinaing at maalab na damdamin upang makatulong na 
gisingin at mamulat sa pamamagitan ng akdang pampanitikan. 
Katulad na lamang ng mga nobela na naisulat ni Dr. Jose Rizal, ang Noli Me 
Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891) na hindi lamang akdang pampanitikan 
kundi bilang dokumentong historikal na nagmistulang makapangyarihang 
konsensiya upang mapukaw ang kamalayan ng mga Pilipino sa hindi makataong 
pamamalakad ng mga Kastila. Ang mga akdang pampanitikan na kapupulutan ng 
mga kaalaman at kaisipan hinggil sa kasaysayan at lipunan. 
Tuwirang tumutuligsa at naghihimagsik sa umiiral na pamumuno sa ating 
bansa, mga kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila na karamihan sa 
mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino 
sa hindi makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang 
pamahalaan. Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng 
mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na 
sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila. Nagsisulat ang mga 
Pilipino sa panahong ito ng mg a panitikang nagrerebolusyon. 
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim 
ng ibat- ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang 
Kastila at upang patuloy na makasulat. Sa panahon ng Propaganda,
maraming mga nasulat na panitikan sa wikang Tagalog. Ang mga ito ay sanaysay, 
tula, kuwento, liham at mga talumpati na hitik sa damdaming bayan. Napatatag ang 
Katipunan, isinulat nila ang Kartilya ng Katipunan sa wikang Tagalog. 
4 
Sa pagpapahayag ng kanilang mga hinaing at ng kanilang maalab na 
damdaming bayan, maraming tula at sanaysay ang naisulat na siyang nakatulong 
upang magising ang damdaming bayan at sumilang ang nasyonalismo. Pagkatapos 
ng matagal-tagal nang panahon ng pananakop ng mga Kastila, unti-unti na ring 
namulat ang isipan at damdaming bayan ng mga Pilipino. Maging hanggang sa 
kasalukuyan maraming manunulat ang nagtatangkang imulat ang mga mambabasa 
sa kabulukan ng sistema sa ating pamahalaan at lipunang ginagalawan. 
Uring Pampanitikan 
Ang mga akdang pampanitikan na tatalakayin nitong papel ay sanaysay, tula 
at maikling kwento. Sa maanyong sanaysay, karaniwang inaakay ng manunulat ang 
mambabasa sa malalim na pag-iisip, pinapalakbay ang guni-guni sa tulong ng 
matipunong kuro at magagandang pananalita. Seryoso sa pagtalakay ang may-akda. 
Hindi nagpapaliguy-ligoy, tuwiran ang kanyang pahayag, hindi nagbibiro bagaman 
at maaring magpasaring o mangutya. Supil o kontrolado ang emosyon ng may-akda. 
Binibigyang-diin ang katotohanan, tahas ang tono at malinaw ang estruktura. 
Palibhasa ay may layuning magpaliwanag, humimok, o magturo, kaya ang 
paglinang ng tema ay sa pamamagitan ng lohikal na kaayusan na malimit ay 
sinusuportahan ng mga patotoo. Dito umiikot ang tema ng Si Rizal at Ang 
Sinasabing Katamaran Ng Mga Pilipino, sanaysay na hinalaw ni Pedro C. Cruz na 
siyang tugon ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal na nalathala sa La Solidaridad.
5 
Ang tula ay pagpapahayag nang matapat na katotohanan na pinatinig at 
pinatingkad ng pananaw at pandama ng makata. Ang mga taludtod ay hindi pumpon 
lamang ng mga salita kundi manapa’y salamin ng pansariling daigdig at ng mga 
karanasan, mithiin, adhikain, at kapalaran ng tao sa kanyang paligid. Gumagalugad 
sa katotohanan at kahiwagan ng buhay, hinahabi ng guni-guni at ipinapahayag sa 
piling-piling salita. Layunin ng mga may-akda ng Ibig Kong Makita at Sa 
Pagkamatay ng Newsboy na hindi maglarawan lamang kundi gumamit ng mga 
manuring ulirat at ituon ito sa “sa mga bagay na nagaganap.” Sa madaling salita, 
pinag-iisa ng makata ang anyo at laman ng tula tungo sa matalas at kritikal na 
paglalantad ng mga realidad sa buhay na karaniwang natatago sa paningin ng 
karaniwang mambabasa. 
Ang maikling kwento ang pinakamaunlad na sangay ng panitikan sa 
Pilipinas. Ito ay maituturing na mayabong na punongkahoy na marami at malalim 
ang mga ugat. Ang maikling kwento ay tinatawag ding maikling katha. Sangay ito 
ng salaysay na may isang kakintalan. May sariling katangian kabilang na dito ang 
mga sumusunod: 1 isang madulang bahagi ng buhay ang tinatalakay; 2isang 
pangunahing tauhang may mahalagang suliranin; 3isang mahalagang tagpo; 
4mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na medaling sinusundan 
ng wakas; at 5iisang kakintalan. Ang maikling kwentong “Ambo” na isinulat ng 
batikang manunulat na si Wilfredo Pa. Virtusio ay may malaking impluwensya sa 
moralidad ng isang tao at sa ating lipunan. Ang lipunang kinabibilangan ng mga 
tauhan ay nangyayari sa tunay na buhay ng lipunan natin sa kasalukuyan. 
Maliwanag na naipakita ang uri ng lipunang ginagalawan ng mga tauhan. 
Naniniwala ang mga manunulat na tungkulin ng panitikan na magmulat sa 
mga mamamayan tungkol sa kalagayan ng lipunan sa ilalaim ng sistemang marahas
at mapaniil. Sa pamamagitan ng estratehiyang pampanitikan, nakalikha sila ng mga 
larawan ---makukulay at matatapat---ng tagisan ng pwersa sa kasaysayan na 
karaniwang humahantong sa malalagim na wakas---paghihirap at kamatayan para sa 
uring api. Ang mambabasa ay kailangang imulat sa mga kontradiksyon ng lipunan; 
sa madaling salita, pumasok ang publiko bilang mga taong kailangang gisingin sa 
kanilang kalagayang api. 
Malakas ang paniniwala na ang panitikan ay salamin o repleksyon ng buhay; 
6 
kung malalim ang pagkakabaon ng akda sa ganitong paniniwala, higit ang 
kahusayan nito kaysa akdang walang pagtatakdang maging salamin ng mga 
kontradiksyon sa lipunan. 
Sanaysay Na Mapanghimagsik 
Ang pinaghalawan lathalain sa La Solidaridad ay siyang tugon ng ating 
bayaning si Dr. Jose Rizal sa tuligsa ng mga Kastila sa sinasabing katamaran ng 
mga Pilipino. Isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La Indolencia de los 
Filipinos,” na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang 
Setyembre 15, 1890. Hindi tinutulan ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang sanaysay 
manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga 
kababayan at nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay 
masasabi ngang tamad. 
SI RIZAL AT ANG SINASABING KATAMARAN NG MGA PILIPINO 
Halaw ni Pedro C. Cruz 
Kung walang paturuan at laya ang isang lupain ay hindi magkakaroon ng 
pagbabagong anuman, walang paraang magagawa upang magdulot ng 
pinakamimithing bunga.
Naakala kong isang mabuting patakaran ng isang bansang umiibig sa bayan 
ang paggunita kung di man ang pagbuhay sa lahat ng mabubuting binhi, aral at 
simulain ng kanyang mga bayani. Ang Martir ng Bagumbayan ay dinadakila, 
pinupuri at halos sinasamba ng sambayanang Pilipino dahil sa kanyang kagitingan 
at malaking pag-ibig sa tinubuan, kaya’t hindi magiging kalabisan, manapa’y lalong 
angkop na halawin ang isa sa kanyang mga sinulat ukol sa isang paksang di iilang 
panahong pinag-uukulan ng pansin at pagkukuro ng ating mga palasuri at palaaral. 
Ang tinutukoy ko’y ang kanyang mga lathalain sa La Solidarida, at ang mga 
nakabasa ay yaong marurunong lamang ng wikang kastila noong may mahigit sa 
isang saling-lahing nakaraan. At sapagkat ang paksang kanyang pinag-uukulan ng 
kuro ay mahalaga sa kasaysayan ng lahi, minarapat naming bumanggit nang 
pahapyaw sa makatwirang paninindigan ng bayani sa nasabing paksa. 
May palagay ang ating bayaning Rizal na lahat ng pagtuligsa sa sinasabing 
katamaran ng mga Pilipino ay anak lamang ng masamang pagpapalagay , maling 
pagkakilala, kasahulan ng sariling kuro, kakapusan ng pagmamatwid, 
kaamangmangan sa nakalipas, at iba pa. sinasabi niyang ang pagtuligsa ay nag-ugat 
sa mga narinig lamang ng mga sumusulat at sa hilig na pagpapasama gayon din sa 
masamang kaugalian ng ilan na ipalagay na mabuti ang ganang kanila at masama 
ang sa iba. 
Nguni’t ang ating bayani, palasuri sa kabuhayan ng mga tao,bayan at lahi, 
gumagamit ng salaming walang kulay, may panukat na di maraya kundi bagkus 
naglalantad ng katotohanan, walang pangiming magsabi ng matwid at bukas ang 
puso at isipan sa paglalahad ng kanyang kuro ay nagpaliwanag sa isang paraang 
kasiya-siya. 
7 
Hindi niya itinakwil na may matatagpuang katamaran sa mga Pilipino. 
Ipinahayag niyang sa pagsusuri sa lahat ng tao at sa lahat “naming kakilala simula 
sa kabataan ay nababakas ang isang katamaran.” Gayon man, gaya ng katotohanang 
walang nangyayaring di may dahilan , hindi walang sanhi ang gayong ugali ng mga 
kababayan natin. 
Ang pangunahing sanhi, aniya, ay nag-ugat sa hilig dahil sa di nagbabagong 
takbo ng panahon. 
Bilang isang paghahambing ay kanyang sinabi, “Ang mainit na singaw ng 
panahonay pumipilit sa isang tao na manahimik at magpahinga, gaya rin ng 
pangyayaring ang lamigay nagtataboy sa tao upang gumawa at maging masigla. 
Dahil dito, ang Kastilaay lalong tamad kaysa Pranses; ang Pranses ay lalong tamad 
kaysa Aleman.” At ang kanyang dugtong: “Ang mga Europeo ring ito na labis -labis 
magparatang ng katamaran sa mga tao sa mga kolonya (at ang binabanggit niya’y 
hindi na ang mag Kastila kundi ang mga Aleman at Ingles ) ay paanong
nangamumuhay sa mga bayang mainit ang singaw. Naliligid ng mga utusan, 
kailanman ay hindi sila naglakad kundi lulan ng mga sasakyan; at kinakailangan 
ang mga alila hindi lamamg upang mag-alis ng kanilang bota kundi upang sila’y 
abanikuhan o paypayan. 
8 
Anupa’t sa kanyang pansin, sila’y nabubuhay na sagana, kumakain ng 
mabuti, at gumagawa sa kanilang sariling kabutihan, samantalang ang mga Pilipino 
ay di man makatikim ng masarap na pagkain; walang inaasahan at gumagawa para 
sa iba, at gumagawang hirap at napipilitan. 
Marahil, aniya pa, ay sasabihin ng mga puti na sila’y sadyang hindi hiyang sa 
panahon dito, ngunit iya’y isang pagkakamali, sapagka’t ang tao’y maaaring 
mabuhay sa alin mang singaw ng panahon. Ang pumapatay sa mga Europeo sa mga 
bayang mainit ay ang pagmamalabis sa alak, sapagka’t ibig nilang ugaliin sa ilalim 
ng ibang langitang pinagkaugalian nila sa kanila. 
Ipinaliwanag ni Rizal na sa mga bansang mainit ang singaw ay hindi mabuti 
ang mahihirap na gawain, samantalang sa mga bayang malalamig, ang hindi 
pagkilos ay nangangahulugan ng paninigas sa lamg; ang hindi paggawa ay 
kamatayan. Kaya naman ang Kalikasan na nakauunawang tulad ng isang 
makatarungang ina ay nagdulot ng matabang lupain bilang gantimpala, at ang 
pagbubungkal dito ng isang oras ay katumbas ng gawain sa isang araw sa mga 
lupaing malalamig. 
Gayon man ay sinabi niyang hindiligtas sa katamaran ang mga Europeo. At 
ang kanyang tanong: “ Hindi ba natin nakikitang ang masiglang Europeo, yaong 
pinalakas ng taglamig, ay nagsisilisan sa kanyang gawain sa maikling panahon ng 
tag-init, at ipinipinid ang kanyang kamalig, at ginugugol nila ang kanilang panahon 
sa kasasalita at kakukumpas sa lilim, at tabi ng isang kainan, nagtutungo sa mga 
paliguan at nag-uupuan at nag papalakad-lakad? Gaano pa sa mga bayang mainit na 
ang dugo ay pinasusubo ng walang hulaw na init ng Araw, at ang paggawa ay 
nakapanlalata sa pagod?” 
Bukod diyan ay may mainam siyang banggit sa mga bagay na nasaksihan sa 
Maynila: “Sino ang tamad sa mga tanggapan sa Maynila, ang kawawang kawaning 
pumasok mula sa ika-8 ng umaga o ang umuuwi bago magtanghaling-tapat o ang 
walang ginawa kundi ang humitit, magkatang ng mga paa sa silya o sa mesa at 
makipag-usap sa kanyang mga kaibigan ukol sa kasamaan ng iba?” 
Palibhasa’y isa siyang manggagamot at dalubhasa, inihambing ni Rizal ang 
kalagayan ng katamaang ipinararatang sa mga Pilipino sa isang maysakit, ngunit 
ipinakilalang ang pagkakasakit o ang paglubha ng karamdaman ay hindi dahil sa 
panghihina ng mga sangkap ng katawan kundi dahil sa masamang pagtingin ng 
manggagamot o ng pamahalaan. Gayon man, ang sisi ay ibinubunton sa balana at 
ayaw aminin ang sariling pananagutan.
“Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang sakit na malubha nguni’t hindi 
9 
minana.” 
At ang ganyan pahayag ay pinatunayan niya sa pagsasabing ang libu-libong 
Pilipino, bago dumating dito ang mga Europeo ay may masiglang 
pakikipagkalakalan sa lahat ng bansang karatig gaya ng Tsina, Borneo, at Molukas. 
Ipinaliwanag niyang nang dumating dito si Pigafetta, kasama ni Magallanes sa 
unang pagdaong sa Samar, ay nakatugon sila roon ng mga kalakal, samantalang sa 
Butuan ay nasaksihang ang mga tao’y gumagamit ng mga damit na yari sa seda at 
mga balarawa may mahahabang pulugang ginto: Ang kanilang pangunahing kalakal 
ay bigas, dalanghita, limon at sagana sa kabuhayan sa kapuluan, maging sa 
Palawan, bukod sa ang lahat halos ay gumagawa sa kanilang sariling bukid. 
Sinasabing limangpung taon bago dumating ang mga Kastila sa Luson, ang 
mga mamamayan dito ay nakauunawa na ng wikang Kastila. At ang ekspidisyon ni 
Legaspi sa Butuan ay nakatagpo ng mga mangangalakal na taga-Luson, may mga 
paraw na puno ng pagkit,kumot,porselana at iba pa, samantalang sa Sebu ay may 
saganang mina at sangkap na yari sag into,matao at laging dinadaungan ng mga 
sasakyang buhat sa Indiya. Nang sunugin ng mga Kastila ang mga kinabuhayang 
ikinaramay ng maraming kaluluwa, ang kapinsalaan ay madaling nalunasan ng 
saganang sangkap at ani sa mga pulong kanugnog. 
Bilang pagpapatotoo sa lahat nang iyan ay kanyang tinukoy hindi lamang si 
Morga, hindi lamang si Chirino, kundi pati sina Colin, Argensola, Gaspar de San 
Agustin at iba pang nag-ukol ng pansin sa ating kalakal at kabuhayan nang mga 
panahong yaon. 
Lumilitaw na ang mga Pilipino sa kabila ng singaw ng panahon, sa kabila ng 
kanilang kaunting pangangailangan (kakaunti noon kaysa ngayon) ay hindi mga 
tamad ng katulad ng mga Pilipino ngayon, at maging ang moral at ugali ay hindi rin 
kagaya ng kanilang inaambil sa atin. 
At ang mahalagang suliranin ay ito: 
Ano ang dahilan nakatulong sa pagkakatulog ng nakamumuhing hilig na ito 
ng mga Pilipino? Bakit ang sambayanang Pilipinong dating maibigan sa kanilang 
kaugalian, ay tumalilis sa dating hilig sa paggawa, sa kalakalan at sa paglalakbay sa 
ibang bansa hanggang sa lubusang malibot ang kanyang kahapon? 
“Ang ugat ng hilig na ito ngayon sa hindi paggawa ay ang kamatay-matay na 
dagok ng mga pangyayari, ang nabigong pagsisikap ng mga tao, ang kandungan at 
kamangmangan, mga maling simulain, at ibang bunga ng kapusukan, na humamon 
sa katamaran na nagimg malubha sapagka’t sa halip na lunasan sa pamamagitan ng 
katalinuhan, ng maingat napagbubulay-bulay at pagkilala sa kamaliang nagawa ng 
masamang pulitika, sa kabulagan at kapabayaan ay lalo’t lalong lumala hanggang sa 
kasalukuyang kalagayan.” 
Sapagka’t dumating ang mga digma.
10 
Nagkaroon ng mga ligalig na bunga ng pagbabago ng mga pangyayari. 
Maraming labanan ang kinasuungan. Nagkaroon ng mga patayan at paghihinalaan 
ukol sa paghihimagsik. At maidaragdag pa riyan ang panunulisan ni Limahong, at 
ang hindi matapos-tapos na pakikihamok na kumaladkad sa mga Pilipino upang 
ipagtanggol ang karangalan ng Espanya, at ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng 
mga Kastila sa Borno, Molukas, Indo-China, at itaboy ang kalabangmga Olandes. 
Sa dakong huli ng lathala ni Rizal ay sinasabing “gumagawa ang tao dahil sa 
isang layunin; alisin mo ang layuning iyan at siya’y mananatili sa hindi paggawa.” 
Idinugtong pa niyang “ ang pinakamasipag na tao sa daigdig ay maghahalukipkip 
ng kamay buhat sa sandaling makilala niyang kabaliwan lamang ang gumagawa 
nang walang mapapakinabang, at ang bunga ng kanyang gawain ay magiging sanhi 
ng kanyang pagkasawi.” 
Ang mga Pilipino, ayon sa bayani, ay nagsikap na ring magapi ang 
naghaharing katamaran, ngunit marami siyang kalaban at hindi siya nagtagumpay. 
Sinabi pa rin na sa isang tahanang naliligalig ay walang sinisisi kundi ang puno o 
ama ng tahanan. At sa kanyang halimbawa, ay ipinaliliwanag na ang isang taong 
walang laya sa paggawa ay walang pananagutan sa kanyang gawain, at sapagka’t 
ang Pilipino, sa pamamahala ng pamahalaang dayo ay walang laya, hindi sila 
masisisi kundi ang mga namamahala na rin 
Nagbigay pa nga ng masamang halimbawa ang pamahalaang nakasasakop, ayon 
kay Rizal, sapagkat sila’y naliligiran ng mga utusan at inaaring hamak ang 
paggawa. 
Hindi pa nasiyahan sa ganyang mga simulaing inihasik ay nagturo pa ng 
sugal, at ang sugal ay nakakapagpapatamad. 
Paano maituturing na mapanghimagsik ang sanaysay na ito? 
Sa kabuuan masasabi natin na hindi kinampihan o binatikos ng may akda ang 
nasabing katamaran, bagkus binigyan niya ng hustisya ang nasabing katangian sa 
pamamagitan ng pagtitimbang ng mahahalagang bagay na naka-impluwensya sa 
nasabing katamaran umano ng mga Pilipino. Ito ay pagtuligsa at pambabatikos sa 
umiiral na sistema sa panahon ni Dr. Jose Rizal.
Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan 
ng mga Kastila. Kinitil din ng mga kastila ang pagmamahal ng mga Pilipino sa 
paggawa dahil sa tinatawag na “forced labor”. 
Dahil sa mga masasamang palakad ng pamahalaan, tiwaling pagtuturo ng 
relihiyon at dahil sa ugali na rin ng mga Kastila.Tiwali ang sistemang edukasyon, 
kung mayroon mang edukasyon. Ang itinuturo sa mga paaralan ay dasal at iba pang 
karunungang hindi magagamit ng nagsisipag-aral. Walang kursong pang-agrikultura, 
11 
pang-industriya at iba pa, na lalong kailangan noon ng Pilipinas. 
Laganap rin ng mga panahong ito ang pagsusugal na kinahumalingan ng mga 
Pilipino. Inaasa na lamang ng mga Pilipino ang kanilang kapalaran sa sugal. Mataas 
ang buwis na ipinapataw sa mga Pilipino, kaya’t ang kalakhan ng bahagi ng 
kanilang inaani ay sa pamahalaan o sa mga prayle napupunta. 
Ang pananakop at ilang mga kaguluhan na naganap sa lipunan ang nagpalala 
sa kalagayan ng Pilipinas. Sinabi ng mga Prayle na ang mga mahihirap ay may higit 
na oportunidad na makaakyat sa langit. Dahil dito maraming Pilipino ang 
naniniwala na hindi na nila kailangang magkaroon ng ilang yaman mula sa 
pagtratrabaho dahil hindi rin naman nila ito madadala sa langit Tinanggap na ng 
mga Pilipino na sila ay nakababa sa mga kastila. Bukod pa dito, hindi sila 
nabibigyan ng mga oportunidad na tulad ng ibinibigay sa ibang lahi. 
Gusto ng mga Pilipinong mag-aral, walang paaralan o kung mayron ay 
kulang sa gamit at wastong salalayan ng karunungan. Gusto ng mga Pilipinong 
magnegosyo, walang puhunan at walang proteksiyon sa pamahalaan. Gusto ng mga 
Pilipino na magbungkal ng lupa at magtayo ng industriya, mataas naman ang buwis 
at nagsasamantala pa ang mga pinunong bayan.
Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang halaga 
sa kanilang mga produkto, matapos alipinin ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa 
para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa kanila 
ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y wala pang bayad 
o kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan. 
Layunin ng sanaysay na ito na imulat ang mga mambabasa at pagmunihan 
ang mga katibayang pangkasaysayan na nagsasaad na hindi likas na tamad ang mga 
Pilipino. Ang sabi nga ni Rizal “Ang katamaran ng mga Pilipino ay sakit na 
malubha ngunit hindi minana.” Ang kawalan ng diwa ng pagkakaisa ay sanhi rin ng 
katamaran ng mga Pilipino.Walang pagkakaisa ang mga mamamayan, wala silang 
lakas na hadlangan ang mapaminsalang hakbang ng pamahalaan at iba pang 
puwersa ng lipunan. Wala ring pagsusumigasig upang maisagawa ang mga bagay 
na makapagpapaunlad sa nakakarami. 
12 
Tulang Mapanghimagsik: Ibig Kong Makita 
Ang tulang"Ibig kong Makita" ni Benigno R. Ramos ay sumasalamin sa 
suliranin ng ating lipunan laban sa moralidad. Nagnanais itong makita ang 
magagandang asal ng Pilipino, kailangan ng matalinong pagpasya na itanghal ang 
kabutihan at itakwil ang kasamaan. Pinatutunayan ng maraming kritiko na ang 
bawat pananaw na ginagamit sa pagsusuri sa alin mang akda ay may kakambal na 
pilosopiya sa buhay. Ito’y matatagpuan sa pagpapahayag na ginagamitan ng 
kaisipang moral. 
IBIG KONG MAKITA 
Benigno R. Ramos
“Ibig kong Makita ang bayang dakilang pangarap ni Rizal, ang bayang may 
13 
budhi at di natatakot sa dayuhan”. 
Ibig kong Makita ang isang lalaki sa panunungkulan na nagkakasya na sa 
sweldong sa kanya'y kalood ng bayan; 
Ibig kong Makita ang isang pinunong maalam dumamay , katoto ng lahat at 
walang higanti sa kaaway; 
Ibig kong Makita ang isang lalaki kung pulitiko man ay matuto sanang 
tumupad sa kanyang pangako't parangal; 
Ibig kong makita ang isang pangkating hindi manlilinlang at di uunahin ang 
sariling buti kahit magbulaan; 
Ibig kong makita ang pamahalaang hindi nagbibigay ng p’westo kung hindi sa 
matatanda na at may kasanayan; 
Ibig kong makitang mawala na rito ang Pulitikahan at nang hindi tayo laging 
nababagabag hanggang magpatayan; 
Ibig kong makita ang unibersidad na tinuturuan ang magugulang na at di mga 
batang halos walang malay; 
Ibig kong makita ang isang medikong kung nakararaan ng isang maysakit, 
kahit di tawagin, ay kusang aalay; 
Ibig kong makita'y isang abogadong magiging tanggulan at di babaluktot dahil 
sa salapi at santong katwiran; 
Ibig kong makita'y isang botikaryong hindi magpapalabnaw ng timpla ng 
gamot at di magdaraya sa hangad na yumaman; 
Ibig kong makita ang kadalagahang mahinhin, marangal, mapuri, marunong at 
sa wika natin ay sanay na sanay; 
Ibig kong makita ang kabinataang malakas, matapang, malaya, bihasa, at 
sasama agad kung maghimagsikan; 
Ibig kong makita ang isang simbahang di mangangalakal sa ngalan ng Diyos at 
di sumisingil sa gawaing banal; 
Ibig kong makita ang pagkakaroon ng gawaan ng awto at damit, baso at bubog, 
ng papel at pinggan; 
Ibig kong makitang tayo ay marunong gumawa ng tanang kailangan natin at di 
tulad ngayong tagabili lamang; 
Ibig kong makita'y mga Obreristang hindi salanggapang na kunwa ay lider ng 
mga Obrero bago'y tagasakal; 
Ibig kong makita ang mga Obero ay matututo lamang kilanlin ang tigre at saka 
ang tupa sa mga balangay 
Ibig kong makitang bawat mahirap ay may pahayagan at nang hindi bawat 
mandaraya'y pinaniniwalaan; 
Ibig kong ating eskwela publika ay maging aralan ng pagkamagiting at huwag 
lagi nang sayaw nang sayaw;
Ibig kong ang ating Nayo't Bukid ay may Paaralan na wala nang bayad at wala 
14 
pang gugol sa mga … ambagan; 
Ibig kong ang ating matatanda'y matutong magdasal sa sariling wika at nang 
matatalos ang ibig isaysay; 
Ibig kong ang isang makata ay siyang maunang maunang gumalang ng 
kanyang salita at mga bisyo sana ay ilagan; 
Ibig kong ang isang dalagang maganda'y ingatang nagpasyal sa awto ng isang 
lalaki at baka sa dulo ay kulungan; 
Ibig kong ang isang tao ay umibig ng di lalakipan ng masamang hangad na 
masamantala ang kasuyong hirang; 
Ibig kong makita ang mga binatang hindi nanliligaw dahil lang sa pilak ng 
isang babae na tinatapatan; 
Ibig kong makita ang isang pulis na hindi si Bantay-Salakay at ang mga titik 
na hindi pasusuhol at di magnanakaw; 
Ibig kong makita ang pamahayagang hindi nasisilaw sa mga anuns'yo at sa 
mga Apong makapangyarihan; 
Ibig kong makita ang hukom na walang tanging kinikilingan kundi ang 
matuwid at lahat-lahat sa kanya ay pantay; 
Ibig kong makita, sa isang salita, ang Pangasiwaang hindi pang-kumpare, hindi 
pampartido't di pangkaibigan; 
Ibig kong Makita ang bayang dakilang pangarap ni Rizal, ang bayang may 
budhi at di natatakot sa mga dayuhan! 
Paano maituturing na mapanghimasik ang tula na "Ibig kong Makita" isinulat 
ni Benigno R. Ramos? 
Napakarami nating problema na kinakaharap at layunin ng akda na ito na 
mabigyan ng pagkakatataon ang mga mambabasa na makilahok upang mabawasan 
man lang ang umiiral na problema sa kasalukuyan.Kapag nasasabi ang katagang 
problema nariyan ang kahirapan, pagkagutom, edukasyon, mga pulitikong kurakot, 
sistema, malaking populasyon at martamin pang iba. 
Pero kung iisipin natin, ang mga problemang nasabi ay magkakaugnay, may 
relasyon, magkakadugtong.Lahat ito ay nakakahadlang sa pag-unlad ng bansa.
Maaari rin na ang ugat ng lahat ng mga problema ay nasabi na, di nga lang natin 
alam kung pano ipapaliwanag.Sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin, parami ng 
parami ang mga mamamayan na nababalisa. Pero sa gitna ng karamihan ng 
kababayan nating mahihirap, bakit may mga taong sobrang yaman? 
Dito na pumapasok ang iba pang mga problema. 
Una, Edukasyon, may mga mahihirap dahil hindi sila nakapag-aral dahil wala 
din silang perang pampaaral. May mga nakapag-aaral nga pero hindi nila ginagamit 
nang maayos ang napag-aaralan nila. Meron ding nagpapanggap na nag-aaral pero 
wala talagang natututunan. 
Pangalawa, Nariyan ang kawalan ng sinseridad sa panunungkulan ng mga 
pulitiko at nagtatrabaho sa gobyerno na ang palaging iniisip ay kung paano 
makakakuhasa kaban ng bayan.....hindi daw naman lahat pero karamihan sa kanila. 
Ang kahirapan natin ay kagagawan ng mga namumuno sa pamahalaan, wala silang 
ibang intesyon sa posisyon kundi magpayaman. Sa pulitika, pag nanalo yung tatay, 
isusunod na yung asawa tapos mga anak, tapos mga kamag-anak. Tuloy- tuloy na 
ang pag-akyat sa pwesto ng buong angkan kahit hindi sila nararapat magkaroon ng 
pwesto sa gobyerno. Meron talagang mga taong ayaw magpalamang sa ibang tao. 
Kapag meron silang ayaw sa sistema, dinadaan nila sa karahasan at pananakot. 
Kailan kaya natin makikita ang pagbabago na nais makita ng may-akda? 
15
16 
Tulang Mapanghimagsik: Sa Pagkamatay ng Isang Newsboy 
Si Lamberto Antonio ay batikang makata, kwentista, at mananalaysay. 
Isinulat ang akda sa simula ng dekada’80, subalit saksi tayo na naglipana pa rin sa 
ngayon ang mga batang naghahanap-buhay sa lansangan. Ang child labor ay isa pa 
ring pangunahing problemang panlipunan. 
. 
SA PAGKAMATAY NG ISANG NEWSBOY 
Lamberto Antonio 
Hindi na siya maaaring ibangon 
Ng mga pahinang naging pananggalang 
Sa kahubdan at matinding gutom. 
Maaari lamang siyang takpan ng mga iyon, 
At ipagsanggalang sa mga langaw, 
Sa huling pagkakataon. 
Sapagkat musmos siyang nawalan ng pulso, 
Wala na siyang panahon upang gagapin 
Ang mga pangyayaring nagpapaikot sa mundo. 
Marahil ay hahanapin siya sa pag-aalmusal 
Ng mga taong nahirati sa pagbasa 
Ng balitang kasing-init ng kape’t pandesal. 
Sayang at di na niya masisilayan 
(Sa kauna-unahang pagkakataon) 
Ang sariling retratong naligaw 
Sa espasyong batbat ng anunsiyo— 
Newsboy na biktima ng isang kaskasero, 
Gumulong ang ulo na parang sensilyo.
17 
Paano maituturing na mapanghimasik ang tula na isinulat ni Lamberto 
Antonio? 
Ang paglipana ng mga batang nagtatrabaho sa lansangan ay tanda ng 
matinding kahirapan. Nakalulungkot na ang mga batang sana’y naglalaro at nag-aaral 
ay nakikipaghabulan sa dyip, ginagaygay ang mapanganib na highway upang 
makaraos sa bawat araw. Karamihan sa mga batang ito na nasa edad 17 pababa ay 
magbabasura, nagpapedicab, magbabakaw, mangingisda, industrial workers (cyber 
sex), domestic helper, at manininda sa lansangan. Sa mga kanayunan at liblib na 
pook, nariyan ang mga batang manggagawa sa mga minahan, pangisdaan, tubuhan, 
atbp. Kahirapan ng buhay ang nagtulak upang magkaroon ng mga batang 
manggagawa, mga batang manggagawang dapat na nasa paaralan ngunit kailangang 
magtrabaho ng maaga dahil sa kagutuman, dahil hikahos ang mga magulang, dahil 
hirap ang buong pamilya. 
Inilalarawan ng akdang ito ang kondisyon na ang paksa ay naglalayong 
pukawin ang ligalig ng mambabasang may nalalabi pang konsensya at malasakit sa 
kapwa lalo sa ating gobyerno, may isang sandali sa tulang “Sa Pagkamatay ng Isang 
Newsboy” ni Lamberto Antonio na nagpadanas, hindi lamang nagpaunawa, ng 
kahulugan ng isang salita dahil sa mga puwersang nilikha ng mga nakapaligid na 
salita sa pahina, isang sandali kung kailan masasabing nagkaroon ng tunay na 
pagpukaw sa damdamin ng mambabasa upang maipadama ang kahirapan ang 
dinanas ng mga mga batang nagtatrabaho sa lansangan. 
Karaniwan sa pamilyang Pilipino ay binubuo ng 2-3 na anak kaya kung 
titignan, malaking bahagi ng nakakaranas ng gutom ay mga bata. Ang malaganap, 
mabilisan at patuloy pagtataas ng presyo ng langis kasama ng presyo ng bilihin ay 
nagpapalalala sa kagutuman ng mga bata. Hindi kinakaya ng kakarampot na sweldo 
o kita ng kanilang mga magulang ang halaga ng bilihin. Nasasakripisyo ang
kalusugan ng mga bata kapalit ng malaking tubo ng mga kumpanya ng langis at 
batayang bilihin. Ang karapatan sa pagkain ay kapantay ng karapatang mabuhay. 
Ito ay batayang karapatan ng lahat ng tao lalo na ang mga bata. Ang kagutuman at 
malnutrisyon ay mga problemang bunsod ng kawalan ng pambansang 
industriyalisasyon, ng tunay na repormang agraryo, ng trabaho at nakabubuhay na 
sahod ng manggagawa. 
Ang mga bata ay may limitasyon sa kaalaman at pisikal na kakayahan upang 
ipagtanggol ang kanilang mga sarili mula sa iba’t ibang tipo ng paglabag 
sa kanilang batayang karapatan. Dahil dito, masasabi natin na ang mga batang 
Pilipino ay isa sa pinaka-bulnerableng sektor sa isang lipunang laganap ang 
kahirapan at kawalan ng hustisya. 
18 
Ang kalagayan ng batang Pilipino ay salamin ng lipunang Pilipino.Ang 
pagsusulong ng kapakanan at pagkalinga sa mga bata ay isang panlipunang 
responsibilidad.Bukod sa pagkain, ang tahanan ay isa sa pangunahing kailangan ng 
tao lalo na ng mga bata dahil ang tahanan ang kanilang unang paaralan. Bukod sa 
nagsisilbing proteksyon sa init at lamig, ang tahanan ay lugar ng pagkalinga ng 
pamilya at pamayanan. Dito hinuhubog ang pagkatao ng mga bata. Kung kaya't 
kapag pinagkait sa kanila ang tahanan, o kaya'y pinalayas o dinemolis ang kanilang 
bahay, hindi lamang pisikal na istruktura ang sinisira kundi ang buhay-pamilya at 
buhay-pamayanan ng mga bata. Ang mga relocation sites ay mas masahol pa ang 
kalagayan kumpara sa mga komunidad ng maralita dahil ito ay malayo sa trabaho o 
hanap-buhay, walang kuryente at malinis na tubig, hindi maayos ang daan, at 
malayo sa paaralan at ospital. 
Isa ang Pilipinas sa may pinakamasahol na porma ng "child labor" sa anyo 
ng pagtatrabaho sa bukid, pagpapaalila bilang kasambahay at pagpapatrabaho sa
mga kriminal na sindikato sa droga at prostitusyon. Nalalantad sila sa mga 
mapanganib sa sitwasyon, mga lihis na gawi, at lalo pang paglabag sa kanilang 
karapatan bilang bata at bilang tao. 
19 
Dugo at karahasan ang prinsipal na imahen sa tulang ito, sa kanyang 
kamatayan, wala na siyang pagkakataong unawain ang mga pangyayaring taglay ng 
mga kopya ng pahayagang kanyang ipinagbibili. Bukod dito, hindi na niya 
masisilayan (sa kauna-unahang pagkakataon) ang sariling retratong naligaw sa 
espasyong batbat ng anunsyo--- 
Ang pinakahuling imahen—“Gumulong ang ulo na parang sensilyo”---salapi 
ang sensilyo, at salapi ang sagisag ng mga makapangyarihan sa lipunang sumaksi sa 
buhay at kamatayan ng newsboy. Nauwi sa isang walang halagang bagay ang buhay 
ng isang indibidwal. Naging balita ang isang tagapagbili ng bagay na nagbibigay ng 
balita anunsyo sa mga mamamayan. 
Layunin ng akdang ito na matapang na mailantad ang katotohanan sa tulong 
ng panitikan. Laganap ang kahirapan at gutom na namamayani sa ating bansa at 
marami pang buhay ang masasakripisyo lalo na ang mga batang umaasa lamang sa 
biyaya na makukuha lamang nila sa lansangan sa halip na tulong ng gobyerno.
20 
Maikling Kwentong Mapanghimagsik: Ambo 
Ang maikling kuwentong “Ambo” na hango sa kalipunang Ambo at iba pang 
akda ay nagwagi ng unang gantimpala sa Gawad Balagtas noong 1969. Ito ay 
isinulat ng batikan at premyadong manunulat na si Wilfredo Pa. Virtusio, isang 
kilalang manunulat sa Kontemporaryong Panitikang Pilipino. 
Ang pagdaranas ng sagad na kahirapan at gutom ay isang realidad sa ating lipunan. 
Malinaw na makikita ang realidad sa kwentong Ambo. Si Ambo at ang kanyang 
pamilya ay kumakatawan wsa milyun-miltong Pilipinong nagdaranas ng labis na 
kahirapan at gutom. Ang pagdurusang dulot ng hirap at gutom ay nagtulak sa 
kanyang gumawa nang hindi nararapat lalo pa’t ang ugat ng kanyang pagdurusa ay 
ang pagwawalambahala ng pamahalaan gayundin ang korupsiyon o mga 
katiwaliang nangyayari sa pamahalaan. "Kung minsan nakagagawa ang tao ng 
kasalanan dahil din sa kapwa tao." 
Sa kabila ng marami ng batas at karapatang pantao na inamiyendahan, 
ginawa at inilathala ng ating gobyerno't mambabatas, laganap pa rin ang pang-aapi 
at marami pa rin ang mga taong di nabigyan ng sapat hustisya sa ating lipunan. 
AMBO 
Wilfredo Pa. Virtusio 
Dati-rati, alas-singko pa lamang ay gising na si Ambo, nakabihis na, 
nakainom na ng malabnaw at matabang na kape at naglalakad na---- naglalakad 
lamang----patungo sa opisina ng sangay na iyon ng gobyerno sa may Port Area. 
Ngunit ngayong umaga, kalong na ng sarisaring ingay ang kalapit nilang mga 
kuwarto ay nakababad pa rin siya sa kuwarto. 
“Bakit, ha, Ambo?” tanong ng kabiyak niyang si Marta. 
Walang kibong ibinaling ni Ambo ang tingin sa katabing asawa. Tumiim sa 
kanya ang butuhan at marak na mukha nito.
21 
“Di ka ba papasok ngayon, ha, Ambo?” 
“Parang tinatamad na ‘kong pumasok,” sabi ni Ambo. “Pasok ‘ko nang 
pasok, e, ‘ala namang nanagyayari.” 
“Konting tiyaga.” 
“Parang gusto ko na talagang mainis, Marta,” at bahagyang tumigas ang 
boses ni Ambo. “Sa araw-araw na ginawa ng D’yos, nakikiusap, nagmamakaawa, 
halos maglumuhod ka sa mga ‘yon. At kung iisiping pinagtrabahuhan mo naman 
ang kinukuha mo. . .” 
“Konti pang tiis. . . Pasasaan ba’t bibigay rin nila ‘yon.” 
“Kelan pa, Marta?” 
“Me awa ang D’yos.” 
Natahimik si Ambo. Me awa ang Diyos. Bukambibig ni Marta iyon at 
ngayon, naitanong niya sa sarili kung kailan pa kaya darating ang awa ng Diyos. 
Napagmasdan niya ang nakahilatang mga anak sa kabuuan ng munting kuwartong 
iyon at naisip niyang kailangang ilawit na ng Diyos na iyon ang kanyang habag 
kung mayroon nga iyong habag sa mga taong tulad niya. 
Mayamaya’y dinalahit si Marta ng tuyot, sunod-sunod na pag-ubo. Yumanig 
ang yayat na balikat ni Marta at ang galit ni Ambo’y nahalinhan ng pagkaawa sa 
asawa, na pagkatapos ay humangga sa labis na pagkabahala nang tumiim sa 
kanyang isipan na may sakit si Marta, may tuberkulosis at hindi makapaglabada pa. 
Si Marta’y may TB, patuloy na dumuro sa kanyang utak, at muli, natingnan 
niya ang nakahigang mga anak. Pito ang kanyang mga anak, pito, at natutulog ang 
mga iyon at mayamaya pa, magigising ang mga iyon at hihingi ng pagkain at 
magpapalahaw ng iyak sapagkat wala silang maibigay na pagkain. Naipasya niyang 
muling lumabas ng bahay nang umagang iyon: hindi, hindi niya matitiis na 
makitang nananangis ang mga anak dahil sa gutom. 
Humupa na ang pag-ubo ni Marta. Bumangon si Ambo at hinakbang ang 
pinakakusina ng kuwartong iyong inuupahan nila ng treinta pesos kada buwan. 
Nasa harapan ng kalan ang panganay nilang si Sonia. Sampung taon si Sonia, payat 
at maiksi ang kaliwang paa. 
“Tay, ‘sang linggo na ‘tong latak na pinakukuluan ko,” sabi ni Sonia. 
Walang kibo niyang tinungo ang hugasan ng plato. Walang sabon sa 
habonera. Naghilamos siyang hindi gumagamit ng sabon. 
Gising na ang tatlo sa kanyang mga anak. Nilalaro ni Roma, otso anyos at 
sumunod kay Sonia, ang bunso nilang mag-iisang taon. Kinikiliti ni Roma ang 
sanggol, anaki’y gustong patawanin pero hindi tumatawa ang sanggol. 
“Ta . . . Tata . . . Ta . . .” 
Nakalahad ang butuhang kamay na lumalapit sa kanya si Nida. Pitong taon si 
Nida, ngunit sa edad na iyo’y wala pa itong alam na gawin kundi magtatata at 
ilahad ang yayat na mga kamay. Humihingi sa kanya ng singko sentimos-singko
sentimos-ang kahabag-habag na batang iyon at siya, siyang ama’y walang singko 
sentimos na maibigay. 
Dali-dali niyang isinuot ang sulsihang pantalon at T-shirt. Mahaba ang T-shirt 
at bahagyang natatakpan niyon ang sulsi sa likuran ng kanyang pantalon. 
Siguro nama’y di magtatagal ‘tong lagnat ko,”narinig niyang sabi ni Marta. 
22 
“Makakapaglaba na ‘ko uli.” 
Di karaniwang lagnat ‘yan, ibig sabihin ni Ambo, ngunit hindi na siya 
nagsalita pa. 
“Magkape ka muna,” sabi ni Marta nang mapansing bihis na siya. 
“Di na,” tinungo niya ang pinto. 
“Pagbutihin mo’ng pakiusap sa kanila, Ambo,” pahabol na bilin ng asawa. 
Mabilis, walang imik siyang lumabas ng kuwartong iyon. 
Matindi ang sikat ng araw at waring ibig tupukin niyon ang anit ni Ambo. 
May isa’t kalahating kilometro ang layo ng opisina ng sangay na iyon ng 
gobyernong pinaglilingkuran niya mula sa kalyeng tinitirhan nila at nilalakad 
lamang ni Ambo ang distansyang iyon. Nilalakad sapagkat ang treinta sentimos 
niyang ipamamasahe (kung mapalad siyang magkaroon ng halagang iyon) ay 
malaking bagay ang magagawa sa kanila. Maibibili niya ang halagang iyon ng diyes 
na tuyo, diyes na asukal, at ang diyes –hindi singko lamang-ay maibibigay niya kay 
Nida. 
Ngunit ngayo’y wala siya ni isang kusing sa bulsa. 
Pagbutihin mong pakiusap sa kanila. Naglalaro sa utak niya ang biling iyon 
ni Marta. Nakadama siya ng sikad ng paghihimagsik sa dibdib. Bakit siya dapat 
makiusap? Ang kinukuha naman niya’y suweldo niya, ang karapatang bayad ng 
gobyerno sa paglilingkod niya. Ano ang dapat niyang ipakiusap? 
A, pero dapat siyang makiusap, pakuwa’y naipasya niya. Hindi niya 
madadaan sa init ng ulo ang hepe niyang si Mr. Reyes. Kailangang makiusap pa 
siya, maglumuhod kung maaari. Ang voucher niya’y matagal na sa mesa ni Mr. 
Reyes ngunit hindi pa rin napipirmahan niyon. Laging abala sa trabaho o kaya’y 
mamaya o bukas na kaya, hanggang sabihin niyon ang tunay na dahilan kung bakit 
hindi niyon mapirmahan ang voucher. 
“Alang pondo ang gobyerno ,” sabi ni Mr.Reyes. “Gaya ng siguro’y alam mo 
na, malaking anomalya ang ginawa ng mga tao rito ng nakaraang administration. 
Kelan nga lang, e, me natanggap kaming sirkular buhat sa Malakanyang na 
nagsasabi na magbawas kami ng mga kaswal dito. Pero di naman magagawa 
karaka. Malalakas na pulitiko rin ang me rekomenda sa marami sa mga kaswal 
dito.” 
“Gusto nyong sabihin, e, alang pag-asang makuha pa’ng suweldo ko?” 
“Ilang b’wan ka na bang di sumasahod?” 
“Tatlo na ho.”
Napakamot sa batok si Mr. Reyes. “ Titingnan natin,” pagkuway sabi nito. 
Magdadalawang buwan na ang pakikipag-usap niyang iyon kay Mr. Reyes at 
hanggang ngayon ay hindi pa rin napipirmahan niyon ang voucher niya. Bale 
limang buwan na siyang hindi sumasahod. Sumahod pa nga kaya siya, naitanong 
niya sa sarili. Noong isang Linggo lamang ay dalawang kaswal ang tinanggal sa 
trabaho nang hindi nakasahod. Matiwalag rin kaya siya sa trabaho? 
Napabilis ang paghakbang niya. Nahingingan niya, ang nagrekomenda sa 
dalawang iyon ay hindi gaanong malakas kaya natanggal. Si Mr. Maique na 
nagrekomenda sa kanya’y hindi isang representante o senador kaya. Nagging amo 
niya si Mr. Maique sa huling pribadong kompanyang pinagtatrabahuan at minsang 
masalubong niya ito sa Avenida matapos ang ilang taon maalis sa opisinang iyon 
(“pinagbakasyon” siya nang matuklasan sa taunang physical examination na may 
ganggaholeng butas ang dalawa niyang baga) ay nabanggit niya ritong tila hindi na 
siya makasumpong pang muli sa trabaho (kahit na sa posisyong dyanitor). Marami 
higit na mas batang aplikante sa kanya (siya’y sobra nang kuwarenta), at mas 
maraming mas pinag-aralan kasya kanya (grade 1 lang ang naabot niya). 
Nagdalang-habag, inalapit siya ni Mr. Maique sa kumpare niyong hepe ng 
isang dibisyon sa opisina ng sangay na iyon ng gobyerno. A, hindi nga malakas ang 
nagrekomenda sa kanya at hindi malayong maalis rin siya sa gawain. 
Ngunit hindi niya dapat pag-aksayahan ng panahon at isip kung matatanggal 
siya sa trabaho o hindi. Ang dapat niyang pagkaabalahan ay kung paano makukuha 
ang suweldo niya. Iyon ang kailangan niya, ngayon. May sakit si Marta at hindi 
makapaglabada. Nagugutom ang kanyang mga anak. Hanggang kailan tatagal ang 
mga ito? 
Nagpatuloy siya ng paglalakad, nag–iisip. Naisip niya, ang binanggit na 
dahilan ni Mr. Reyes kung bakit hindi sila nasusuwelduhan. Walang pondo ang 
gobyerno. Ayon kina Sandoval, isang kawani sa accounting division, kung ilang 
milyon daw ang ninakaw ng mga tao ng nakaraang administrasyon sa sangay na 
iyon ng pamahalaan. Sampu, labindalawang milyong piso. Over-pricing ng mga 
makinarya. Mga ghost delivery. Pang-uumit ng mga piyesa sa bodega. Wala pa raw 
dalawampung katao ang naghati-hati. Hindi pa raw nakakalaboso ang mga swerte, 
sabi ni Sandoval. Pag talagang malakas ang kapit mo, naaalala niya ang sinabing 
iyon ni Sandoval, kahit ano pa mang kawalanghiyaan ang gawin mo’y ligtas ka. 
Maiisip niyang para ngang totoo iyon. Kung may pull ka, ayos lahat ang lakarin mo 
sa gobyerno. May kilala siyang mga kaswal rin sa opisinang iyon na regular na 
sumasahod. A, kaipala’y di siya sumusuweldo sapagkat wala siyang malakas na 
kapit. 
23 
Pasado alas-nuwebe na nang matapos ni Ambo ang paglilinis sa tokang 
gusali. Nagsisimula pa lamang magdatingan ang karamihan sa mga empleyado. 
Sina Sandoval at mga kasama sa acconting division ay alas-diyes na nang dumating.
Nangaupo ang mga iyon sa kani-kanilang mesa, ngunit hindi ang trabaho ang 
inatupag. May nagbasa ng dyaryo, may naghinuko, may tumunghay sa dalang libro. 
Mayamaya’y pinalibutan ng mga kasamahan ang noo’y nagbasa-ng-dyaryong si 
Sandoval. 
24 
“Milyon, mga pare ko, milyon,” sabi ni Sandoval at ibinaba niya ang 
tinutunghayang dyaryo. “Ito na’ng pinakamarangyang handaang nabalitaan ko. 
Imported ang pagkain, ang orchestra, ang mga entertainer. At ang mga panauhin, 
mga pare ko, mga duke, prisesa’t prinsipe at kung sinu-sino pang kabilang sa 
dugong-bughaw.” 
“Umabot daw sa dalawang milyon ang nagastos,” sabad naman ni Javier,” 
“Iba talaga’ng makuwarta, ano, ha?” 
Dalawang milyon . . .dalawang milyon . . . Nagsumiksik sa utak ni Ambo ang 
halagang iyon. Dalawang milyon ang ginastos sa isang anibersaryo ng kasal. A, 
tama na sa kanya ang kung ilang daang piso. Sapat na sa kanya ang kaunting 
halagang makatitighaw sa gutom ng kanyang pamilya at maipambabayad sa 
pagpapagamot ni Marta. 
Bahagya pa siyang nagulat nang maalala si Mr. Reyes. Maaaring nasa 
kuwarto na niya si Mr. Reyes. Kaninang linisin niya ang kuwarto niyo’y wala pa 
iyon ni ang sekretarya nito. 
Bilang puno ng general services ay may sariling silid si Mr. Reyes. Air 
conditioned, de alpombra, at makabago ang interior decoration. Napasukan na ni 
Ambo sa loob si Dory, ang sekretarya ni Mr. Reyes. Bata pa si Dory, marahil ay 
lalabingwalo, ngunit taglay na ng mga mata nito ang lamlam, panglaw ng isang 
babaeng ganap nang nakakilala sa buhay. Hindi na lihim sa opisina ang relasyon 
nito sa may asawang si Mr. Reyes. 
“Nand’yan na ba’ng Boss?” 
“Nandito na pero mainit ang ulo,” sabi ni Dory. 
Mainit ang ulo ni Mr. Reyes. A siguro’y talunan na naman sa sugal. 
Bulong nina Sandoval ay nagmamadyong, nagpopoker, nagkakarera si Mr. Reyes. 
Nambubulyaw si Mr. Reyes, nagmumra kung mainit ang ulo. A, pero kailangan 
niyang lapitan ito, makausap. 
“Me bilin s’yang h’wag iistorbohin,”sabi ni Dory . 
“Pero kelangang-kelangan ko s’yang makausap.” 
“Kung mapilit ka’y ikaw na lang ang pumasok,” at muling hinarap ng 
sekretarya ang kanyang pagmamakinilya. 
Kinabahan siya, tulad ng dati tuwing makakaharap si Mr. Reyes. Huminga 
muna siya nang malalim bago pinasok ang divider na nagkukubli kay Mr. Reyes. 
Nakataas sa ibabaw ng mesa ang mga paa ni Mr. Reyes, natatakpan ng 
binabasang diyaryo ang mukha. 
Mr. Reyes . . .”tawag ni Ambo at lumapit sa mesa ng hepe.
Bilang bumaba ang dyaryo at natambad ang malapad at kunot-noong mukha 
25 
ni Mr. Reyes. 
“O, anong kelangan mo?” Dama niya karaka ang suya sa boses nito. 
“Y-yong hong v-voucher ko . . .” nasabi niya sa wakas. 
“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yong di ko pa napipirmahan ‘yon?” 
Kumikitib ang magkabilang ugat sa pilisan ni Mr. Reyes. “Ke kulit-kulit mo.” 
“Kelangang-kelangan ko hong pera.” Binayad at nakikiusap ang boses niya. 
“A, wala akong magagawa! Sige, makakalabas ka na.” 
“Mr. Reyes, me sakit ho’ng asawa ko’t nagugutom ang mga anak ko . . .” 
“Ako ba’y talagang ginagalit mo, ha?” 
“Para n’yo nnang awa, Mr. Reyes . . .” 
“A, kabron kang talaga!” At sa pagkainis, muli nitong itinaas ang mga paa sa 
mesa at itinuloy ang pagbabasa. 
“Mr. Reyes . . .” 
Hindi siya pinansin ni Mr. Reyes at unti-unti’y may namuong galit sa 
kanyang dibdib, pero bago sumiklab iyo’y nagawa niyang pigilan ang sarili. 
A, kailangang maging mahinahon siya. Babalikan na lamang niya si Mr. Reyes, 
baka mayamaya lamang ay lipas na ang init ng ulo. 
Dinadamuhan ni Ambo ang tagiliran ng gusali nang ipatawag siya ng 
guwardiya sa gate. Malayo pa siya sa tarangkaha’y nakita na niyang paika-ikang 
sumasalubong sa kanya si Sonia. 
“A-ang Nanay . . . sumuka ng dugo . . .” 
Pahablot niyang hinawakan sa kamay si Sonia at mabilis silang lumabas ng 
gate. Sa himpapawid, nakalutang ang kumukulong init-araw. Wari’y patay ang 
hangin at ang nalalanghap ay ang amoy-usok na buga ng mga dyip, kotse, trak, 
bus.Naniningkit ang mga mata na Ambo, tiim na tiim ang mga bagang. May 
paghihimagsikna nagsmulang magbangon sa kanyang dibdib. Napapikit siya, at sa 
pakiwari niya, ang paligid ay nag-uumikot na pula-itim na daigdig at sa pag-inog 
niyo’y kasama siyang nadadala, natatangay. 
May kalahating oras na silang naglalakad, siya at ang iika-ikang si Sonia, at 
ang gutom at pagod at pagkabahala’y nagtulong-tulong upang ang kimkim na 
himagsik sa loob ni Ambo’y mag-ulol, mag-alimpuyo. Silang mag-ama’y 
naglalakad sa ilalim ng matalisik na init ng araw sapagkat wala sila sa treinta 
sentimos na ipamamasahe, at doon sa kuwartong inuupahan , maaaring 
naghihingalo o patay na si Marta. Patuloy na humahagibis ang mga sasakyan, ang 
balanang nasasalabat nila’y nagwawalang-bahala, at naisip niya sina Sandoval, 
Javier, Roncal , Dory, at Mr. Reyes. Maaaring sa mga sandaling ito’y 
nanananghalian na ang mga iyon o namamahinga o kaya’y naglalaro ng ahedres o
kaya’y nagpupusoy. Naisip niya ang mayamang pulitiko’t negosyanteng gumasta 
ng dalawang milyon sa isang handaan at ang iba pang katulad niyon. Nasaan sila sa 
mga sandaling iyon? A, sila’y nasa kani-kanilang magagarang tahanan, nasa pang-araw 
na mga naitklab, nasa mga pasugalan , nasa mga otel at motel na kaulayaw ng 
kanilang mga kerida, o nasa kani-kanilang mga opisina’t pinapaputok ang isip kung 
paano lalong magkakamal ng salapi, samantalang siya’y naritong naglalakad sa 
ilalim ng nakatutupok na sikat araw kasama ang iika-ikang anak. 
Naratnan niyang nakalupasay si Marta, yumayanig ang yayat na balikat sa di-masawatang 
pag-ubo habang hagud-hagod sa likod ni Roma. Nagkalat ang buu-buong 
dugo sa banig. Ang sanggol ay walang damdaming nakatingin sa ina, matiim 
na nakatinging animo’y isang matandang bantad na sa kalagiman ng buhay. 
Nagpapalahaw ang iba pa niyang anak, at mababatid niyang umiiyak ang mga iyon 
hindi dahil sa nangyayari sa ina kundi dahil sa nagugutom ang mga iyon. May 
naramdaman siyang yumapos sa mga binti, kumalabit. 
“Tay, gutom na kami. ‘Tay. Gutom na kami.” 
Sabay-sabay na nagpalahaw ang iba pa niyang mga anak at ang dumaraing, 
nakalulunos na paanghay ng mga iyon, gutom na kami, ‘Tay, ‘ingi pagkain, ‘Tay, 
ay sumasaliw sa putol-putol, tuyot na uh, uh, uh, uh, hu ni Marta. Napapikit siya’t 
wari niya’y umiikot ang paligid, umiinog na pula-itim na daigdig, at nang imulat 
niya ang paningi’y gumagalaw, sa simula’y mabagal, pagkatapos ay mabilis, 
mabilis na mabilis ang bawat tamaan ng kanyang tingin, ang bangkito, ang 
daigdig,ang pinto, ang sanggol, ang ibang mga anak, si Marta… 
“Ta…Tata…Ta…” 
Hindi ganap na magkahugis sa kanyang paningin ang anyo ni Nida, ngunit 
ang tatata ay malinaw na nakaabot sa pandinig. Humihingi ng singko sentimos si 
Nida at siya’y wala ni isang kusing na maibigay. Nagugutom ang kanyang mga 
anak, at siya, siyang ama’y walang pagkaing maibigay. Maysakit si Marta, at siya, 
siyang asawa’y walang magawa. 
“Ta…tata…Ta…” 
Isang malabong anino ang nakatanghod sa aknyang si Nida, at sa biglang 
igkas ng silakbo’y binigwasan niya iyon ng sampal sa mukha. At sa iglap ding iyo’y 
nagsalimbayang pula-itim ang paligid, iswang walang katuturang daigdig na kalong 
ng nakakukulili, nakakabinging ingay---tili, iyak, ubo, daing---at supil ng matinding 
kahibanga’y dinaluhong niya ang nagpapalahaw na mga aninong iyon, sinampal, 
sinuntok, sinipa, pinagtatadyakan, ngunit sa halip na tumigil ay lalong nag-ibayo 
ang pag-iyak at pagtili at pagtangis, at nang hindi na niya matagalan ang matinding 
kainagang iyo’y nagtatakbo siyang palabas, sapu-sapo ng dalawang kamay ang ulo. 
Ngayon, muli siyang naglalakad sa matinding sikat ng araw. Ang lunsod ay 
isa pa ring umiinog na pual-itim na daigdig. Walang kaisahan ang mga isisping 
gumigitaw sa kanyang utak. Si Marta, si Nida, ang mga anak niya. Si Sandoval, si 
26
Javier, si Dory. Si Mr. Reyes. Ang mayamang pulitiko at negosyanteng iyon. Ang 
voucher niya. 
“Hoy, nagpapakamatay ka ba?” 
Tuloy siya sa paglalakad. Pasuray-suray, animo’y lasing. 
“Hoy, talaga bang nagpapakamatay ka?” 
Ipinilig niya ang ulo, at saglit, bumagal ang pag-inog ng pula-itim na daigdig 
at namalayan niyang nakatinding sa gitna ng kalye, siyang dahilan ng pagkakabuhol 
ng trapiko. Di-magkamayaw ang businahan ng mga sasakyan, at mula paa 
hanggang ulong pinagmumura siya ng nagmamaneho. 
“Gago!” Nakaabot sa kanyang pandinig. 
“Mga gago rin kayo!” sigaw niya at hinarap ang mga sasakyan, nanlisik ang 
27 
mga mata. 
Nagtutungayaw, iniurong ng nagmamaneho ng nasa unahan ang kotse, 
ikinambiyo’t inilagang mahagip si Ambo. Sumunod ang iba pang sasakyan, at 
mayamaya pa’y naiwang nag-iisa sa gitna ng lansangan si Ambo. 
Itinuloy niya ang paglalakad. Lakad. Lakad. Bumibilis ang pag-inog ng 
paligid, tulad ng pagdagsa ng putol-putol at walang kaisahang mga gunita. Ang. 
voucher niya. Ayaw pirmahan ni Mr. Reyes ang voucher niya. Ayaw ibigay ng 
gobyerno ang sweldo niya. May sakit si Marta. Nagugutom ang kanyang mga 
anak. Nagtatapon ng milyung-milyon piso ang pulitiko-negosyanteng iyon. 
Walang-puso ang gobyerno, may tinitingnan, walang malasakit sa tulad niya. Si 
Nida at ang iba pang mga anak niya. Si Marta... 
Nang humakbang siya muli, ang bahid na itim sa umiikot na paligid ay 
naglaho; ngayon, isang umiinog na bolang pula ang daigdig. Isang nagbabagang 
pula ang darang sa init na lunsod. 
Nagsumpungan niya ang sarili sa harap ng kongretong gusaling iyon. 
Humuhulas sa pawis ang buo niyang katawan, ngunit wala siyang nararamdamang 
pagod, gutom. Bumagal nang bahagya ang pag-inog ng paligid subalit ngayo’y 
naglalagablab na bolang apoy iyon. 
Nasa loob si Mr. Reyes. Ayaw pirmahan ni Mr. Reyes ang voucher niya. 
Ayaw ibigay ng gobyerno ang suweldo niya… 
Lumapit siya sa guardpost. Nakayukayok ang guwardiya. A, natutulog ang 
tanod ng gobyerno. Bigla, inagaw niya ang baril na hawak ng tanod. Napatayo ang 
guwardiya, at napaurong siyang nakaumang ang dulo ng baril sa katawan nito. 
Napangiti ang tanod nang wari’y makilala siya, dahan-dahang lumapit sa kanyta. A, 
nakangisi ang tanod, iniinsulto siya, iniinsulto. Dumiin ang daliri niya sa gatilyo at 
halos kaalinsaabay ng dumagundong na putok ay nakita niyang bumagsak ang 
guwardiya, unti-unting nahandusay, ang naninirik na mga mata’y nakatuon sa 
kanya, sa wari’y nagtatanong kung ano—at bakit—iyon nangyari.
Mayamaya’y tumigil sa pagkisay ang nakalugmok na katawan. Napatay niya 
nag tanod. Napatay niya! May saya anaki’y kaligayahang sumuno sa dibdib niya. 
At biglang bumilis ang pag-inog ng pulang bola, mabilis na mabilis. Nakaliliyo, 
nagsasalimbayang kulay-dugo ang daigdig, at patakbo niyang sinugod ang pinto ng 
konkretong gusali. 
Nagpulasan ang malalabong anino. May tumalon sa bintana, may nagtago sa 
mesa. May naulinigan siyang mga tinig na tumatawag sa pangalan niya, ngunit 
waring napakalayo ang pinagmumulan ng mga tinig. Muling dumiin ang daliri niya 
sa gatilyo, at isang malabong anino ang nahandusay. Inulit niya ang pagkalabit, at 
isa pang malabong anino ang bumagsak. Minsan a at isa uling malabong anino ang 
nalugmok. 
Pinid ang pintong iyon. Sumisigaw siya, labas ka d’yan! Labas d’yan!, ngunit 
nanatiling nakasara ang pinto. Pinagtatadyakan niya ang dahon ng pinto, pinukpok 
ng puluhan ng baril, subalt namalaging pinid ang pinto. 
“Labas d’yan! Ayaw niyong pirmahan ang voucher ko! Ayaw n’yong ibigay 
28 
ang sweldo ko!” 
Tinugon siya ng paikpik na katahimikan, at siya’y nakadama ng biglang 
pagkapagal. Humihingal siya at wari’y ibig siyang madala ng mabilis na pag-ikot 
ng paligid. Nangangalog ang kanyang tuhod, nangangapos ang hininga. Napasandal 
siya sa into, humihingal at pinagpapawisan ng malamig. 
Unti-unting bumanayad ang pag-ikot ng paligid, unti-unting pumupusyaw 
ang kulay-dugong bahid niyon.Ang lumulukob ngayo’y dilim, isang papakapal na 
karimlang nagdudulot sa damdamin niya ng lungkot, panglaw, ng isang uri ng 
napakatinding pangungulilang humahangga sa kirot, sa pumipiga at lumuluray sa 
sakit. 
Si Marta…si Nida…ang mga anak niya… 
Pakuwan, humahangos na pumasok ang unipormado at armadong mga pulis, 
nakatutok ang tangang mga baril sa kanya, subalit siya’y hindi man lang 
nagpamalas ng kahit anong pagkilos ng paglaban; napatutok lamang ang blangko 
niyang paningin sa nagsasalinbayang malalabong aninong iyon. Bumuka ang mga 
labi niya, ngunit iglap lang iyon, umangil ang sandata ng mga pulis at isa, 
dalawa,tatlo, apat, lima, marami, di-mabilang na mga tingga ang bumistay sa 
katawan niya at siya’y nalugmok at sa nagdidilim, nagliliwanag niyang isispa’y 
sumalingit ang mapusyaw na larawan ng kanyang mag-anak, at swa pagkakasubsob 
sa nagdadanak-sa-sariling dugong baldosang sahig, pinilit niyang makatihaya, pilit 
itinutok ang nagwawatig na tingin sa nagsasalimbayang malalabong aninong iyon, 
pilit na pinanulay sa nanlalabong paningin ang pakiusap, hinaing na hindi mabigkas 
ng mga labi—si Marta, si Nida, ang mga anak niya. Subalit muling bumuga ang 
sandata ng mga pulis, malupit, walang awang tumadtad sa katawan niya at sa 
papatakas nang malay, bumabanayd ang nakakaliyong pag-inog ng itim na daigdig,
bumabanayad at dumidiin hanggang sa mayamaya’y kalungin ng sakdal-dilim na 
karimlan ang kaganapan ng lahat. 
Paano maituturing na mapanghimasik ang maikling kuwento na isinulat ni 
Wilfredo Pa. Virtusio? 
Ang “Ambo”, isang kuwentong sumasalamin at lutang na lutang ang ng 
realidad ng buhay. Ang mga pangyayari sa buhay ni Ambo ay isa lamang pag-uulit 
sa mga pangyayari sa tunay na buhay ng milyun-milyung Pilipino sa iba’t ibang 
panig ng bansa. 
29 
Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng 
maraming mamamayan. Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga opisyales 
na walang ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping nagmumula sa 
paghihirap ng mga taong ang nais lamang ay maibigay ang pangunahing 
pangangailangan ng kanilang pamilya. Ano nga ba ang ating mararamdaman kung 
hindi maibigay sa loob ng limang buwan ang inaasahang suweldo dahil wala raw 
pondo ang gobyerno samantalang nabalitaan mong isang pinuno ng gobyerno ay 
gumastos ng dalawang milyong piso sa isang gabing handaan para sa anibersaryo 
ng kanyang kasal? 
Isang anyo ng panitikan na nagmumulat sa mamamayan na ang bahagi ng 
lipunan kung saan bulgarang madarama ang korupsyon, pang- iisa ng kapwa at 
patuloy na takbo ng bulok na sistemang ang biktima ay ang mga mamamayang 
walang tinig, lakas at kapangyarihang baligtarin ang isang bangungot na lumalamon 
sa ating pagka- Pilipino. 
Ang korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan ay nagbubunga ng labis na 
kahirapan sa marami nating kababayan sapagkat ang salaping dapat sanang
mapunta sa kaban ng bayan upang magamit sa ikabubuti ng mga mamamayan ay 
napupunta at pinakikinabangan lamang ng iilan. Ang korupsyon ay makikita sa 
halos lahat ng lebel ng pamahalaan mula sa pinakamababa hanggang sa 
pinakamataas. 
30 
Hindi rin maitatwa ang katotohanang laganap ang korapsiyon at 
pagsasamantala ng mga nakaupo sa pamahalaan kaya’t hindi na bago sa pandinig 
ng madla ang realidad na may mga pulitikong gumagastos ng milyon sa isang 
marangyang hapunan lang gayong milyong Pilipino ang namamatay sa matinding 
gutom, sakit, at kahirapan. 
Nais gisingin ng may-akda ang ating mga isipan upang bigyang katarungan 
ang mga bagay na gaya ng mga nangyayari sa kwento. Naging makatotohanan ang 
takbo ng mga pangyayari sa kwento. Nakapaghatid ito ng mga damdamin tulad ng 
awa, pagkakasuklam at inis. Nakapagbukas ng isipan tungkol sa mga katotohanang 
nangyayari sa ating paligid. Mga katotohanang kadalasang nangyayari sa tunay na 
buhay. 
Maraming tao sa ating lipunan ang yumayaman dahil sa pagpapahirap sa mga 
maliliit at kapus-palad. Mga taong sarili lamang ang iniintindi at kahit maghirap 
man ang kapwa ay walang pakialam. Kasama na rito ang mga pulitikong inuubos 
ang kaban ng bayan na galing sa dugo at pawis ng mga mamamayan. Na kung sa 
pamumulitika'y ginagamit ang galing at talino upang bilugin ang ulo ng mga tao. Ito 
namang si Juan ang daling maniwala sa tamis ng mga pangako ng mga ito. Sa huli 
pagkahalal sa iba ginagamit ang talino, sa pagpapayaman sa mga bulsa ng mga ito. 
Kasi naman si Juan rin lang ang dahilan kung bakit ganito ang kanyang gobyerno. 
Ang pananamantala sa maliliit at mahihinang mga tao sa ating paligid ay 
alam nating nakapapanlumong moralidad o ugali ng tao. Marami sa atin ang may
ganitong katangian na ang hangad ay makapagtamasa lamang ng karangyaan ng 
mundo, kadalasan sila ang mga taong makasarili. May kasabihan tayo na "Kung 
walang magpapaapi ay walang mang- aapi". Oo nga't totoo ang kasabihang ito, 
ngunit kung ang pagtatanggol naman sa sarili at karapatan ay kalakip nito ang 
buhay o kamatayan. Sino kaya ang may tunay na tapang upang harapin kahit 
kamatayan? 
Layunin ng akdang ito na matapang na mailantad ang katotohanan sa tulong 
ng panitikan. Lubhang malawak at laganap ang kahirapan at gutom na namamayani 
sa ating bansa at kung hihintayin lagi ang paglalawit ng pamahalaan ng tulong sa 
mga tulad ni Ambo ay marami pang buhay ang masasakripisyo. 
31
32 
Talaan ng Sanggunian 
Aklat 
Baesa-Julian, Ailene G. et al. Pluma III Wika at Panitikan para sa mataas na 
paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House.Inc.2010 . 
Cruz, Teresita Cristobal, Ed. D. Gintong Ani. Quezon City: FNB Educational, 
Inc.2009. 
Imbat, Celia B. at Reyes, Maurita M. Filipino sa Hayskul III. Manila: Sta. Teresa 
Publications.1997. 
Marasigan, Emily V. Pluma IV Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. 
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.2012. 
Reyes, Soledad S. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular.Quezon City: 
Ateneo De Manila University Press.1997. 
Tepace, Alita I. Ph. D. Yaman ng Pamana III Wika at Panitikan. Quezon City: 
Vibal Publishing House, Inc.2010. 
Websayt 
“Mula Tula Hanggang Dula, Mula Tradisyon Hanggang Sa Bulok Na Sistema: 
Ang Panitikang Mapanghimagsik Sa Panitikang Pilipino.” 
http://mgasigwaatagos.blogspot.com/2010/10/mula-tula-hanggang-dula- 
mula-tradisyon.html 
Wika at Panitikan. http://filipinowikapanitikan-smcc.weebly.com/ibig-kong-makita. 
html

More Related Content

What's hot

Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Rajna Coleen Carrasco
 
Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng CagayanRehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Marlene Panaglima
 
ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1
Evangeline Romano
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
yahweh19
 
Maikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaMaikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dula
Kedamien Riley
 
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptxKASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
AimieFeGutgutaoRamos
 
Kurikulum chelle
Kurikulum chelleKurikulum chelle
Kurikulum chelle
joydonaldduck
 
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Ma. Jessabel Roca
 
Pamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoPamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoKriza Erin Babor
 
Pelikula
PelikulaPelikula
Pelikula
Glory
 
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMaikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
MariecrisBarayugaDul
 
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
Shiela Mae Gutierrez
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
iwishihadnt
 
Region 8
Region 8Region 8
Region 8
hansrequiero
 
Panitikan o literatura ng Rehiyon X
Panitikan o literatura ng Rehiyon XPanitikan o literatura ng Rehiyon X
Panitikan o literatura ng Rehiyon X
AaldousMatienzo
 
Teoryang romantisismo at realismo
Teoryang romantisismo at realismoTeoryang romantisismo at realismo
Teoryang romantisismo at realismo
benjie olazo
 
Panahong pre kolonyal
Panahong pre kolonyalPanahong pre kolonyal
Panahong pre kolonyal
Jve Buenconsejo
 
Panunuring Pampanitikan
Panunuring Pampanitikan Panunuring Pampanitikan
Panunuring Pampanitikan
Danielle Joyce Manacpo
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santos
clairearce
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Marcelino Christian Santos
 

What's hot (20)

Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinasKaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
Kaligirang kasaysayan-ng-nobela-sa-asya-at-pilipinas
 
Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng CagayanRehiyon 2: Lambak ng Cagayan
Rehiyon 2: Lambak ng Cagayan
 
ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1ang panitikan ng rehiyon 1
ang panitikan ng rehiyon 1
 
Panahon ng amerikan
Panahon ng amerikanPanahon ng amerikan
Panahon ng amerikan
 
Maikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dulaMaikling kasaysayan ng dula
Maikling kasaysayan ng dula
 
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptxKASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
KASAYSAYAN NG KURIKULUM SA PILIPINAS.pptx
 
Kurikulum chelle
Kurikulum chelleKurikulum chelle
Kurikulum chelle
 
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
Mga Panitikan sa Rehiyon 3 (Gitnang Luzon)
 
Pamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nitoPamatnubay at mga uri nito
Pamatnubay at mga uri nito
 
Pelikula
PelikulaPelikula
Pelikula
 
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMaikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
 
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Region 8
Region 8Region 8
Region 8
 
Panitikan o literatura ng Rehiyon X
Panitikan o literatura ng Rehiyon XPanitikan o literatura ng Rehiyon X
Panitikan o literatura ng Rehiyon X
 
Teoryang romantisismo at realismo
Teoryang romantisismo at realismoTeoryang romantisismo at realismo
Teoryang romantisismo at realismo
 
Panahong pre kolonyal
Panahong pre kolonyalPanahong pre kolonyal
Panahong pre kolonyal
 
Panunuring Pampanitikan
Panunuring Pampanitikan Panunuring Pampanitikan
Panunuring Pampanitikan
 
Lope K. Santos
Lope K. SantosLope K. Santos
Lope K. Santos
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
 

Viewers also liked

Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
Merelle Matullano
 
Templeyt sa konseptong papel
Templeyt sa konseptong papelTempleyt sa konseptong papel
Templeyt sa konseptong papel
April Lj
 
"My Own" Solution to Poverty in Philippines
"My Own" Solution to Poverty in Philippines"My Own" Solution to Poverty in Philippines
"My Own" Solution to Poverty in Philippines
Juaymah Daine Rivera
 
Talumpati sa filipino1 a
Talumpati sa filipino1 aTalumpati sa filipino1 a
Talumpati sa filipino1 aMark Joey
 
Panahon ng propaganda
Panahon ng propagandaPanahon ng propaganda
Panahon ng propaganda
Vheyah Cohen
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonGilbert Joyosa
 
Konseptong papel
Konseptong papelKonseptong papel
Konseptong papel
Angeline Espeso
 
pagsasatao ni rizal
pagsasatao ni rizalpagsasatao ni rizal
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
asa net
 

Viewers also liked (11)

Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
Ang Listahan ng mga Sanggunian (Filipino)
 
Templeyt sa konseptong papel
Templeyt sa konseptong papelTempleyt sa konseptong papel
Templeyt sa konseptong papel
 
"My Own" Solution to Poverty in Philippines
"My Own" Solution to Poverty in Philippines"My Own" Solution to Poverty in Philippines
"My Own" Solution to Poverty in Philippines
 
Talumpati sa filipino1 a
Talumpati sa filipino1 aTalumpati sa filipino1 a
Talumpati sa filipino1 a
 
Panahon ng propaganda
Panahon ng propagandaPanahon ng propaganda
Panahon ng propaganda
 
1
11
1
 
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahonKaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
Kaligirang pangkasaysayan ng tula sa iba’t ibang panahon
 
Tula
TulaTula
Tula
 
Konseptong papel
Konseptong papelKonseptong papel
Konseptong papel
 
pagsasatao ni rizal
pagsasatao ni rizalpagsasatao ni rizal
pagsasatao ni rizal
 
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTOHALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO
 

Similar to Diwang Mapanghimagsik

Ang Panitikang Filipino
Ang Panitikang FilipinoAng Panitikang Filipino
Ang Panitikang Filipino
Daneela Rose Andoy
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang Filipino
Mark Arce
 
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOYUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
Samar State university
 
Panitikang Filipino
Panitikang FilipinoPanitikang Filipino
Panitikang Filipino
Daneela Rose Andoy
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
Jhon Ricky Salosa
 
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
Nimpha Gonzaga
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
Manuel Daria
 
Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)
Samar State university
 
GROUP-1-FILN4-Midterm-Report.pptx
GROUP-1-FILN4-Midterm-Report.pptxGROUP-1-FILN4-Midterm-Report.pptx
GROUP-1-FILN4-Midterm-Report.pptx
ZyraMilkyArauctoSiso
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
MaryJaneCabides
 
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling Pagtalakay
BonJovi13
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)
Ceej Susana
 
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
ConchitinaAbdula2
 
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKANANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
MARYJEANBONGCATO
 
KABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdf
KABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdfKABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdf
KABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdf
ReymarkPeranco2
 
sanaysay.pptx
sanaysay.pptxsanaysay.pptx
sanaysay.pptx
Emelisa Tapdasan
 
Ang Panitikan
Ang PanitikanAng Panitikan
Ang Panitikan
Marlene Panaglima
 
BEED6 Lesson 1.pptx
BEED6 Lesson 1.pptxBEED6 Lesson 1.pptx
BEED6 Lesson 1.pptx
PascualJaniceC
 
4th-Q-Unang-Linggo-1-5-araw.pdf
4th-Q-Unang-Linggo-1-5-araw.pdf4th-Q-Unang-Linggo-1-5-araw.pdf
4th-Q-Unang-Linggo-1-5-araw.pdf
IreneGabor2
 
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ
JUN-JUN RAMOS
 

Similar to Diwang Mapanghimagsik (20)

Ang Panitikang Filipino
Ang Panitikang FilipinoAng Panitikang Filipino
Ang Panitikang Filipino
 
Ang Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang FilipinoAng Ating Panitikang Filipino
Ang Ating Panitikang Filipino
 
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOYUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
 
Panitikang Filipino
Panitikang FilipinoPanitikang Filipino
Panitikang Filipino
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
 
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINOPAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA  PANITIKANG FILIPINO
PAGSUSURI SA MGA AKDANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKANG FILIPINO
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)
 
GROUP-1-FILN4-Midterm-Report.pptx
GROUP-1-FILN4-Midterm-Report.pptxGROUP-1-FILN4-Midterm-Report.pptx
GROUP-1-FILN4-Midterm-Report.pptx
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling Pagtalakay
 
Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)Nobela (christinesusana)
Nobela (christinesusana)
 
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
 
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKANANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
ANG KALIKASAN AT KAHALAGAHAN NG PANITIKAN
 
KABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdf
KABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdfKABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdf
KABANATA 1_ PERANCO_Panitikan-sa-Pilipinas-EDD_FILIPINO.pdf
 
sanaysay.pptx
sanaysay.pptxsanaysay.pptx
sanaysay.pptx
 
Ang Panitikan
Ang PanitikanAng Panitikan
Ang Panitikan
 
BEED6 Lesson 1.pptx
BEED6 Lesson 1.pptxBEED6 Lesson 1.pptx
BEED6 Lesson 1.pptx
 
4th-Q-Unang-Linggo-1-5-araw.pdf
4th-Q-Unang-Linggo-1-5-araw.pdf4th-Q-Unang-Linggo-1-5-araw.pdf
4th-Q-Unang-Linggo-1-5-araw.pdf
 
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ
Pananalig Pampanitikan by nujnujramski & MJ
 

Diwang Mapanghimagsik

  • 1. 1 Republika ng Pilipinas Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas PAARALANG GRADWADO MASTER NG SINING SA FILIPINO Sta. Mesa, Maynila DIWANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKAN Iniharap kay Prop. Rogelio Ordonez Guro Bilang kahingian sa asignaturang Panitikang Mapanghimagsik MAF 504 NI Nimpha Landicho Gonzaga MAF-1 Hulyo, 2014
  • 2. 2 Republika ng Pilipinas Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas PAARALANG GRADWADO MASTER NG SINING SA FILIPINO Sta. Mesa, Maynila PAMAGAT: DIWANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKAN MANUNURI: NIMPHA LANDICHO GONZAGA KURSO: MASTER NG SINING SA FILIPINO URING PAMPANITIKAN PAMAGAT NG MGA KATHA MAY-AKDA Sanaysay Si Rizal At Ang Sinasabing Halaw Ni Pedro C. Cruz Katamaran Ng Mga Pilipino Tula Ibig Kong Makita Benigno R. Ramos Tula Sa Pagkamatay Ng Isang Newsboy Lamberto Antonio Maikling Kwento AMBO Wilfredo Pa. Virtusio
  • 3. 3 Introduksyon Paano nga ba ang panitikan ay maging interpretasyon ng realidad at pagpapahayag ng may diwang naghihimagsik? Maraming manunulat na ang nagtatangkang imulat ang mga tao sa katotohanan na laganap na nangyayari ngayon sa ating lipunan at upang patunayan na ang panitikan ay salamin ng buhay. Sa pagpapahayag ng mga hinaing at maalab na damdamin upang makatulong na gisingin at mamulat sa pamamagitan ng akdang pampanitikan. Katulad na lamang ng mga nobela na naisulat ni Dr. Jose Rizal, ang Noli Me Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891) na hindi lamang akdang pampanitikan kundi bilang dokumentong historikal na nagmistulang makapangyarihang konsensiya upang mapukaw ang kamalayan ng mga Pilipino sa hindi makataong pamamalakad ng mga Kastila. Ang mga akdang pampanitikan na kapupulutan ng mga kaalaman at kaisipan hinggil sa kasaysayan at lipunan. Tuwirang tumutuligsa at naghihimagsik sa umiiral na pamumuno sa ating bansa, mga kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop ng Kastila na karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at nagbukas sa kamalayang Pilipino sa hindi makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan. Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila. Nagsisulat ang mga Pilipino sa panahong ito ng mg a panitikang nagrerebolusyon. Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng ibat- ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat. Sa panahon ng Propaganda,
  • 4. maraming mga nasulat na panitikan sa wikang Tagalog. Ang mga ito ay sanaysay, tula, kuwento, liham at mga talumpati na hitik sa damdaming bayan. Napatatag ang Katipunan, isinulat nila ang Kartilya ng Katipunan sa wikang Tagalog. 4 Sa pagpapahayag ng kanilang mga hinaing at ng kanilang maalab na damdaming bayan, maraming tula at sanaysay ang naisulat na siyang nakatulong upang magising ang damdaming bayan at sumilang ang nasyonalismo. Pagkatapos ng matagal-tagal nang panahon ng pananakop ng mga Kastila, unti-unti na ring namulat ang isipan at damdaming bayan ng mga Pilipino. Maging hanggang sa kasalukuyan maraming manunulat ang nagtatangkang imulat ang mga mambabasa sa kabulukan ng sistema sa ating pamahalaan at lipunang ginagalawan. Uring Pampanitikan Ang mga akdang pampanitikan na tatalakayin nitong papel ay sanaysay, tula at maikling kwento. Sa maanyong sanaysay, karaniwang inaakay ng manunulat ang mambabasa sa malalim na pag-iisip, pinapalakbay ang guni-guni sa tulong ng matipunong kuro at magagandang pananalita. Seryoso sa pagtalakay ang may-akda. Hindi nagpapaliguy-ligoy, tuwiran ang kanyang pahayag, hindi nagbibiro bagaman at maaring magpasaring o mangutya. Supil o kontrolado ang emosyon ng may-akda. Binibigyang-diin ang katotohanan, tahas ang tono at malinaw ang estruktura. Palibhasa ay may layuning magpaliwanag, humimok, o magturo, kaya ang paglinang ng tema ay sa pamamagitan ng lohikal na kaayusan na malimit ay sinusuportahan ng mga patotoo. Dito umiikot ang tema ng Si Rizal at Ang Sinasabing Katamaran Ng Mga Pilipino, sanaysay na hinalaw ni Pedro C. Cruz na siyang tugon ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal na nalathala sa La Solidaridad.
  • 5. 5 Ang tula ay pagpapahayag nang matapat na katotohanan na pinatinig at pinatingkad ng pananaw at pandama ng makata. Ang mga taludtod ay hindi pumpon lamang ng mga salita kundi manapa’y salamin ng pansariling daigdig at ng mga karanasan, mithiin, adhikain, at kapalaran ng tao sa kanyang paligid. Gumagalugad sa katotohanan at kahiwagan ng buhay, hinahabi ng guni-guni at ipinapahayag sa piling-piling salita. Layunin ng mga may-akda ng Ibig Kong Makita at Sa Pagkamatay ng Newsboy na hindi maglarawan lamang kundi gumamit ng mga manuring ulirat at ituon ito sa “sa mga bagay na nagaganap.” Sa madaling salita, pinag-iisa ng makata ang anyo at laman ng tula tungo sa matalas at kritikal na paglalantad ng mga realidad sa buhay na karaniwang natatago sa paningin ng karaniwang mambabasa. Ang maikling kwento ang pinakamaunlad na sangay ng panitikan sa Pilipinas. Ito ay maituturing na mayabong na punongkahoy na marami at malalim ang mga ugat. Ang maikling kwento ay tinatawag ding maikling katha. Sangay ito ng salaysay na may isang kakintalan. May sariling katangian kabilang na dito ang mga sumusunod: 1 isang madulang bahagi ng buhay ang tinatalakay; 2isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin; 3isang mahalagang tagpo; 4mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na medaling sinusundan ng wakas; at 5iisang kakintalan. Ang maikling kwentong “Ambo” na isinulat ng batikang manunulat na si Wilfredo Pa. Virtusio ay may malaking impluwensya sa moralidad ng isang tao at sa ating lipunan. Ang lipunang kinabibilangan ng mga tauhan ay nangyayari sa tunay na buhay ng lipunan natin sa kasalukuyan. Maliwanag na naipakita ang uri ng lipunang ginagalawan ng mga tauhan. Naniniwala ang mga manunulat na tungkulin ng panitikan na magmulat sa mga mamamayan tungkol sa kalagayan ng lipunan sa ilalaim ng sistemang marahas
  • 6. at mapaniil. Sa pamamagitan ng estratehiyang pampanitikan, nakalikha sila ng mga larawan ---makukulay at matatapat---ng tagisan ng pwersa sa kasaysayan na karaniwang humahantong sa malalagim na wakas---paghihirap at kamatayan para sa uring api. Ang mambabasa ay kailangang imulat sa mga kontradiksyon ng lipunan; sa madaling salita, pumasok ang publiko bilang mga taong kailangang gisingin sa kanilang kalagayang api. Malakas ang paniniwala na ang panitikan ay salamin o repleksyon ng buhay; 6 kung malalim ang pagkakabaon ng akda sa ganitong paniniwala, higit ang kahusayan nito kaysa akdang walang pagtatakdang maging salamin ng mga kontradiksyon sa lipunan. Sanaysay Na Mapanghimagsik Ang pinaghalawan lathalain sa La Solidaridad ay siyang tugon ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal sa tuligsa ng mga Kastila sa sinasabing katamaran ng mga Pilipino. Isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La Indolencia de los Filipinos,” na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Hindi tinutulan ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang sanaysay manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan at nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. SI RIZAL AT ANG SINASABING KATAMARAN NG MGA PILIPINO Halaw ni Pedro C. Cruz Kung walang paturuan at laya ang isang lupain ay hindi magkakaroon ng pagbabagong anuman, walang paraang magagawa upang magdulot ng pinakamimithing bunga.
  • 7. Naakala kong isang mabuting patakaran ng isang bansang umiibig sa bayan ang paggunita kung di man ang pagbuhay sa lahat ng mabubuting binhi, aral at simulain ng kanyang mga bayani. Ang Martir ng Bagumbayan ay dinadakila, pinupuri at halos sinasamba ng sambayanang Pilipino dahil sa kanyang kagitingan at malaking pag-ibig sa tinubuan, kaya’t hindi magiging kalabisan, manapa’y lalong angkop na halawin ang isa sa kanyang mga sinulat ukol sa isang paksang di iilang panahong pinag-uukulan ng pansin at pagkukuro ng ating mga palasuri at palaaral. Ang tinutukoy ko’y ang kanyang mga lathalain sa La Solidarida, at ang mga nakabasa ay yaong marurunong lamang ng wikang kastila noong may mahigit sa isang saling-lahing nakaraan. At sapagkat ang paksang kanyang pinag-uukulan ng kuro ay mahalaga sa kasaysayan ng lahi, minarapat naming bumanggit nang pahapyaw sa makatwirang paninindigan ng bayani sa nasabing paksa. May palagay ang ating bayaning Rizal na lahat ng pagtuligsa sa sinasabing katamaran ng mga Pilipino ay anak lamang ng masamang pagpapalagay , maling pagkakilala, kasahulan ng sariling kuro, kakapusan ng pagmamatwid, kaamangmangan sa nakalipas, at iba pa. sinasabi niyang ang pagtuligsa ay nag-ugat sa mga narinig lamang ng mga sumusulat at sa hilig na pagpapasama gayon din sa masamang kaugalian ng ilan na ipalagay na mabuti ang ganang kanila at masama ang sa iba. Nguni’t ang ating bayani, palasuri sa kabuhayan ng mga tao,bayan at lahi, gumagamit ng salaming walang kulay, may panukat na di maraya kundi bagkus naglalantad ng katotohanan, walang pangiming magsabi ng matwid at bukas ang puso at isipan sa paglalahad ng kanyang kuro ay nagpaliwanag sa isang paraang kasiya-siya. 7 Hindi niya itinakwil na may matatagpuang katamaran sa mga Pilipino. Ipinahayag niyang sa pagsusuri sa lahat ng tao at sa lahat “naming kakilala simula sa kabataan ay nababakas ang isang katamaran.” Gayon man, gaya ng katotohanang walang nangyayaring di may dahilan , hindi walang sanhi ang gayong ugali ng mga kababayan natin. Ang pangunahing sanhi, aniya, ay nag-ugat sa hilig dahil sa di nagbabagong takbo ng panahon. Bilang isang paghahambing ay kanyang sinabi, “Ang mainit na singaw ng panahonay pumipilit sa isang tao na manahimik at magpahinga, gaya rin ng pangyayaring ang lamigay nagtataboy sa tao upang gumawa at maging masigla. Dahil dito, ang Kastilaay lalong tamad kaysa Pranses; ang Pranses ay lalong tamad kaysa Aleman.” At ang kanyang dugtong: “Ang mga Europeo ring ito na labis -labis magparatang ng katamaran sa mga tao sa mga kolonya (at ang binabanggit niya’y hindi na ang mag Kastila kundi ang mga Aleman at Ingles ) ay paanong
  • 8. nangamumuhay sa mga bayang mainit ang singaw. Naliligid ng mga utusan, kailanman ay hindi sila naglakad kundi lulan ng mga sasakyan; at kinakailangan ang mga alila hindi lamamg upang mag-alis ng kanilang bota kundi upang sila’y abanikuhan o paypayan. 8 Anupa’t sa kanyang pansin, sila’y nabubuhay na sagana, kumakain ng mabuti, at gumagawa sa kanilang sariling kabutihan, samantalang ang mga Pilipino ay di man makatikim ng masarap na pagkain; walang inaasahan at gumagawa para sa iba, at gumagawang hirap at napipilitan. Marahil, aniya pa, ay sasabihin ng mga puti na sila’y sadyang hindi hiyang sa panahon dito, ngunit iya’y isang pagkakamali, sapagka’t ang tao’y maaaring mabuhay sa alin mang singaw ng panahon. Ang pumapatay sa mga Europeo sa mga bayang mainit ay ang pagmamalabis sa alak, sapagka’t ibig nilang ugaliin sa ilalim ng ibang langitang pinagkaugalian nila sa kanila. Ipinaliwanag ni Rizal na sa mga bansang mainit ang singaw ay hindi mabuti ang mahihirap na gawain, samantalang sa mga bayang malalamig, ang hindi pagkilos ay nangangahulugan ng paninigas sa lamg; ang hindi paggawa ay kamatayan. Kaya naman ang Kalikasan na nakauunawang tulad ng isang makatarungang ina ay nagdulot ng matabang lupain bilang gantimpala, at ang pagbubungkal dito ng isang oras ay katumbas ng gawain sa isang araw sa mga lupaing malalamig. Gayon man ay sinabi niyang hindiligtas sa katamaran ang mga Europeo. At ang kanyang tanong: “ Hindi ba natin nakikitang ang masiglang Europeo, yaong pinalakas ng taglamig, ay nagsisilisan sa kanyang gawain sa maikling panahon ng tag-init, at ipinipinid ang kanyang kamalig, at ginugugol nila ang kanilang panahon sa kasasalita at kakukumpas sa lilim, at tabi ng isang kainan, nagtutungo sa mga paliguan at nag-uupuan at nag papalakad-lakad? Gaano pa sa mga bayang mainit na ang dugo ay pinasusubo ng walang hulaw na init ng Araw, at ang paggawa ay nakapanlalata sa pagod?” Bukod diyan ay may mainam siyang banggit sa mga bagay na nasaksihan sa Maynila: “Sino ang tamad sa mga tanggapan sa Maynila, ang kawawang kawaning pumasok mula sa ika-8 ng umaga o ang umuuwi bago magtanghaling-tapat o ang walang ginawa kundi ang humitit, magkatang ng mga paa sa silya o sa mesa at makipag-usap sa kanyang mga kaibigan ukol sa kasamaan ng iba?” Palibhasa’y isa siyang manggagamot at dalubhasa, inihambing ni Rizal ang kalagayan ng katamaang ipinararatang sa mga Pilipino sa isang maysakit, ngunit ipinakilalang ang pagkakasakit o ang paglubha ng karamdaman ay hindi dahil sa panghihina ng mga sangkap ng katawan kundi dahil sa masamang pagtingin ng manggagamot o ng pamahalaan. Gayon man, ang sisi ay ibinubunton sa balana at ayaw aminin ang sariling pananagutan.
  • 9. “Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang sakit na malubha nguni’t hindi 9 minana.” At ang ganyan pahayag ay pinatunayan niya sa pagsasabing ang libu-libong Pilipino, bago dumating dito ang mga Europeo ay may masiglang pakikipagkalakalan sa lahat ng bansang karatig gaya ng Tsina, Borneo, at Molukas. Ipinaliwanag niyang nang dumating dito si Pigafetta, kasama ni Magallanes sa unang pagdaong sa Samar, ay nakatugon sila roon ng mga kalakal, samantalang sa Butuan ay nasaksihang ang mga tao’y gumagamit ng mga damit na yari sa seda at mga balarawa may mahahabang pulugang ginto: Ang kanilang pangunahing kalakal ay bigas, dalanghita, limon at sagana sa kabuhayan sa kapuluan, maging sa Palawan, bukod sa ang lahat halos ay gumagawa sa kanilang sariling bukid. Sinasabing limangpung taon bago dumating ang mga Kastila sa Luson, ang mga mamamayan dito ay nakauunawa na ng wikang Kastila. At ang ekspidisyon ni Legaspi sa Butuan ay nakatagpo ng mga mangangalakal na taga-Luson, may mga paraw na puno ng pagkit,kumot,porselana at iba pa, samantalang sa Sebu ay may saganang mina at sangkap na yari sag into,matao at laging dinadaungan ng mga sasakyang buhat sa Indiya. Nang sunugin ng mga Kastila ang mga kinabuhayang ikinaramay ng maraming kaluluwa, ang kapinsalaan ay madaling nalunasan ng saganang sangkap at ani sa mga pulong kanugnog. Bilang pagpapatotoo sa lahat nang iyan ay kanyang tinukoy hindi lamang si Morga, hindi lamang si Chirino, kundi pati sina Colin, Argensola, Gaspar de San Agustin at iba pang nag-ukol ng pansin sa ating kalakal at kabuhayan nang mga panahong yaon. Lumilitaw na ang mga Pilipino sa kabila ng singaw ng panahon, sa kabila ng kanilang kaunting pangangailangan (kakaunti noon kaysa ngayon) ay hindi mga tamad ng katulad ng mga Pilipino ngayon, at maging ang moral at ugali ay hindi rin kagaya ng kanilang inaambil sa atin. At ang mahalagang suliranin ay ito: Ano ang dahilan nakatulong sa pagkakatulog ng nakamumuhing hilig na ito ng mga Pilipino? Bakit ang sambayanang Pilipinong dating maibigan sa kanilang kaugalian, ay tumalilis sa dating hilig sa paggawa, sa kalakalan at sa paglalakbay sa ibang bansa hanggang sa lubusang malibot ang kanyang kahapon? “Ang ugat ng hilig na ito ngayon sa hindi paggawa ay ang kamatay-matay na dagok ng mga pangyayari, ang nabigong pagsisikap ng mga tao, ang kandungan at kamangmangan, mga maling simulain, at ibang bunga ng kapusukan, na humamon sa katamaran na nagimg malubha sapagka’t sa halip na lunasan sa pamamagitan ng katalinuhan, ng maingat napagbubulay-bulay at pagkilala sa kamaliang nagawa ng masamang pulitika, sa kabulagan at kapabayaan ay lalo’t lalong lumala hanggang sa kasalukuyang kalagayan.” Sapagka’t dumating ang mga digma.
  • 10. 10 Nagkaroon ng mga ligalig na bunga ng pagbabago ng mga pangyayari. Maraming labanan ang kinasuungan. Nagkaroon ng mga patayan at paghihinalaan ukol sa paghihimagsik. At maidaragdag pa riyan ang panunulisan ni Limahong, at ang hindi matapos-tapos na pakikihamok na kumaladkad sa mga Pilipino upang ipagtanggol ang karangalan ng Espanya, at ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng mga Kastila sa Borno, Molukas, Indo-China, at itaboy ang kalabangmga Olandes. Sa dakong huli ng lathala ni Rizal ay sinasabing “gumagawa ang tao dahil sa isang layunin; alisin mo ang layuning iyan at siya’y mananatili sa hindi paggawa.” Idinugtong pa niyang “ ang pinakamasipag na tao sa daigdig ay maghahalukipkip ng kamay buhat sa sandaling makilala niyang kabaliwan lamang ang gumagawa nang walang mapapakinabang, at ang bunga ng kanyang gawain ay magiging sanhi ng kanyang pagkasawi.” Ang mga Pilipino, ayon sa bayani, ay nagsikap na ring magapi ang naghaharing katamaran, ngunit marami siyang kalaban at hindi siya nagtagumpay. Sinabi pa rin na sa isang tahanang naliligalig ay walang sinisisi kundi ang puno o ama ng tahanan. At sa kanyang halimbawa, ay ipinaliliwanag na ang isang taong walang laya sa paggawa ay walang pananagutan sa kanyang gawain, at sapagka’t ang Pilipino, sa pamamahala ng pamahalaang dayo ay walang laya, hindi sila masisisi kundi ang mga namamahala na rin Nagbigay pa nga ng masamang halimbawa ang pamahalaang nakasasakop, ayon kay Rizal, sapagkat sila’y naliligiran ng mga utusan at inaaring hamak ang paggawa. Hindi pa nasiyahan sa ganyang mga simulaing inihasik ay nagturo pa ng sugal, at ang sugal ay nakakapagpapatamad. Paano maituturing na mapanghimagsik ang sanaysay na ito? Sa kabuuan masasabi natin na hindi kinampihan o binatikos ng may akda ang nasabing katamaran, bagkus binigyan niya ng hustisya ang nasabing katangian sa pamamagitan ng pagtitimbang ng mahahalagang bagay na naka-impluwensya sa nasabing katamaran umano ng mga Pilipino. Ito ay pagtuligsa at pambabatikos sa umiiral na sistema sa panahon ni Dr. Jose Rizal.
  • 11. Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan ng mga Kastila. Kinitil din ng mga kastila ang pagmamahal ng mga Pilipino sa paggawa dahil sa tinatawag na “forced labor”. Dahil sa mga masasamang palakad ng pamahalaan, tiwaling pagtuturo ng relihiyon at dahil sa ugali na rin ng mga Kastila.Tiwali ang sistemang edukasyon, kung mayroon mang edukasyon. Ang itinuturo sa mga paaralan ay dasal at iba pang karunungang hindi magagamit ng nagsisipag-aral. Walang kursong pang-agrikultura, 11 pang-industriya at iba pa, na lalong kailangan noon ng Pilipinas. Laganap rin ng mga panahong ito ang pagsusugal na kinahumalingan ng mga Pilipino. Inaasa na lamang ng mga Pilipino ang kanilang kapalaran sa sugal. Mataas ang buwis na ipinapataw sa mga Pilipino, kaya’t ang kalakhan ng bahagi ng kanilang inaani ay sa pamahalaan o sa mga prayle napupunta. Ang pananakop at ilang mga kaguluhan na naganap sa lipunan ang nagpalala sa kalagayan ng Pilipinas. Sinabi ng mga Prayle na ang mga mahihirap ay may higit na oportunidad na makaakyat sa langit. Dahil dito maraming Pilipino ang naniniwala na hindi na nila kailangang magkaroon ng ilang yaman mula sa pagtratrabaho dahil hindi rin naman nila ito madadala sa langit Tinanggap na ng mga Pilipino na sila ay nakababa sa mga kastila. Bukod pa dito, hindi sila nabibigyan ng mga oportunidad na tulad ng ibinibigay sa ibang lahi. Gusto ng mga Pilipinong mag-aral, walang paaralan o kung mayron ay kulang sa gamit at wastong salalayan ng karunungan. Gusto ng mga Pilipinong magnegosyo, walang puhunan at walang proteksiyon sa pamahalaan. Gusto ng mga Pilipino na magbungkal ng lupa at magtayo ng industriya, mataas naman ang buwis at nagsasamantala pa ang mga pinunong bayan.
  • 12. Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa kanilang mga produkto, matapos alipinin ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y wala pang bayad o kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan. Layunin ng sanaysay na ito na imulat ang mga mambabasa at pagmunihan ang mga katibayang pangkasaysayan na nagsasaad na hindi likas na tamad ang mga Pilipino. Ang sabi nga ni Rizal “Ang katamaran ng mga Pilipino ay sakit na malubha ngunit hindi minana.” Ang kawalan ng diwa ng pagkakaisa ay sanhi rin ng katamaran ng mga Pilipino.Walang pagkakaisa ang mga mamamayan, wala silang lakas na hadlangan ang mapaminsalang hakbang ng pamahalaan at iba pang puwersa ng lipunan. Wala ring pagsusumigasig upang maisagawa ang mga bagay na makapagpapaunlad sa nakakarami. 12 Tulang Mapanghimagsik: Ibig Kong Makita Ang tulang"Ibig kong Makita" ni Benigno R. Ramos ay sumasalamin sa suliranin ng ating lipunan laban sa moralidad. Nagnanais itong makita ang magagandang asal ng Pilipino, kailangan ng matalinong pagpasya na itanghal ang kabutihan at itakwil ang kasamaan. Pinatutunayan ng maraming kritiko na ang bawat pananaw na ginagamit sa pagsusuri sa alin mang akda ay may kakambal na pilosopiya sa buhay. Ito’y matatagpuan sa pagpapahayag na ginagamitan ng kaisipang moral. IBIG KONG MAKITA Benigno R. Ramos
  • 13. “Ibig kong Makita ang bayang dakilang pangarap ni Rizal, ang bayang may 13 budhi at di natatakot sa dayuhan”. Ibig kong Makita ang isang lalaki sa panunungkulan na nagkakasya na sa sweldong sa kanya'y kalood ng bayan; Ibig kong Makita ang isang pinunong maalam dumamay , katoto ng lahat at walang higanti sa kaaway; Ibig kong Makita ang isang lalaki kung pulitiko man ay matuto sanang tumupad sa kanyang pangako't parangal; Ibig kong makita ang isang pangkating hindi manlilinlang at di uunahin ang sariling buti kahit magbulaan; Ibig kong makita ang pamahalaang hindi nagbibigay ng p’westo kung hindi sa matatanda na at may kasanayan; Ibig kong makitang mawala na rito ang Pulitikahan at nang hindi tayo laging nababagabag hanggang magpatayan; Ibig kong makita ang unibersidad na tinuturuan ang magugulang na at di mga batang halos walang malay; Ibig kong makita ang isang medikong kung nakararaan ng isang maysakit, kahit di tawagin, ay kusang aalay; Ibig kong makita'y isang abogadong magiging tanggulan at di babaluktot dahil sa salapi at santong katwiran; Ibig kong makita'y isang botikaryong hindi magpapalabnaw ng timpla ng gamot at di magdaraya sa hangad na yumaman; Ibig kong makita ang kadalagahang mahinhin, marangal, mapuri, marunong at sa wika natin ay sanay na sanay; Ibig kong makita ang kabinataang malakas, matapang, malaya, bihasa, at sasama agad kung maghimagsikan; Ibig kong makita ang isang simbahang di mangangalakal sa ngalan ng Diyos at di sumisingil sa gawaing banal; Ibig kong makita ang pagkakaroon ng gawaan ng awto at damit, baso at bubog, ng papel at pinggan; Ibig kong makitang tayo ay marunong gumawa ng tanang kailangan natin at di tulad ngayong tagabili lamang; Ibig kong makita'y mga Obreristang hindi salanggapang na kunwa ay lider ng mga Obrero bago'y tagasakal; Ibig kong makita ang mga Obero ay matututo lamang kilanlin ang tigre at saka ang tupa sa mga balangay Ibig kong makitang bawat mahirap ay may pahayagan at nang hindi bawat mandaraya'y pinaniniwalaan; Ibig kong ating eskwela publika ay maging aralan ng pagkamagiting at huwag lagi nang sayaw nang sayaw;
  • 14. Ibig kong ang ating Nayo't Bukid ay may Paaralan na wala nang bayad at wala 14 pang gugol sa mga … ambagan; Ibig kong ang ating matatanda'y matutong magdasal sa sariling wika at nang matatalos ang ibig isaysay; Ibig kong ang isang makata ay siyang maunang maunang gumalang ng kanyang salita at mga bisyo sana ay ilagan; Ibig kong ang isang dalagang maganda'y ingatang nagpasyal sa awto ng isang lalaki at baka sa dulo ay kulungan; Ibig kong ang isang tao ay umibig ng di lalakipan ng masamang hangad na masamantala ang kasuyong hirang; Ibig kong makita ang mga binatang hindi nanliligaw dahil lang sa pilak ng isang babae na tinatapatan; Ibig kong makita ang isang pulis na hindi si Bantay-Salakay at ang mga titik na hindi pasusuhol at di magnanakaw; Ibig kong makita ang pamahayagang hindi nasisilaw sa mga anuns'yo at sa mga Apong makapangyarihan; Ibig kong makita ang hukom na walang tanging kinikilingan kundi ang matuwid at lahat-lahat sa kanya ay pantay; Ibig kong makita, sa isang salita, ang Pangasiwaang hindi pang-kumpare, hindi pampartido't di pangkaibigan; Ibig kong Makita ang bayang dakilang pangarap ni Rizal, ang bayang may budhi at di natatakot sa mga dayuhan! Paano maituturing na mapanghimasik ang tula na "Ibig kong Makita" isinulat ni Benigno R. Ramos? Napakarami nating problema na kinakaharap at layunin ng akda na ito na mabigyan ng pagkakatataon ang mga mambabasa na makilahok upang mabawasan man lang ang umiiral na problema sa kasalukuyan.Kapag nasasabi ang katagang problema nariyan ang kahirapan, pagkagutom, edukasyon, mga pulitikong kurakot, sistema, malaking populasyon at martamin pang iba. Pero kung iisipin natin, ang mga problemang nasabi ay magkakaugnay, may relasyon, magkakadugtong.Lahat ito ay nakakahadlang sa pag-unlad ng bansa.
  • 15. Maaari rin na ang ugat ng lahat ng mga problema ay nasabi na, di nga lang natin alam kung pano ipapaliwanag.Sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin, parami ng parami ang mga mamamayan na nababalisa. Pero sa gitna ng karamihan ng kababayan nating mahihirap, bakit may mga taong sobrang yaman? Dito na pumapasok ang iba pang mga problema. Una, Edukasyon, may mga mahihirap dahil hindi sila nakapag-aral dahil wala din silang perang pampaaral. May mga nakapag-aaral nga pero hindi nila ginagamit nang maayos ang napag-aaralan nila. Meron ding nagpapanggap na nag-aaral pero wala talagang natututunan. Pangalawa, Nariyan ang kawalan ng sinseridad sa panunungkulan ng mga pulitiko at nagtatrabaho sa gobyerno na ang palaging iniisip ay kung paano makakakuhasa kaban ng bayan.....hindi daw naman lahat pero karamihan sa kanila. Ang kahirapan natin ay kagagawan ng mga namumuno sa pamahalaan, wala silang ibang intesyon sa posisyon kundi magpayaman. Sa pulitika, pag nanalo yung tatay, isusunod na yung asawa tapos mga anak, tapos mga kamag-anak. Tuloy- tuloy na ang pag-akyat sa pwesto ng buong angkan kahit hindi sila nararapat magkaroon ng pwesto sa gobyerno. Meron talagang mga taong ayaw magpalamang sa ibang tao. Kapag meron silang ayaw sa sistema, dinadaan nila sa karahasan at pananakot. Kailan kaya natin makikita ang pagbabago na nais makita ng may-akda? 15
  • 16. 16 Tulang Mapanghimagsik: Sa Pagkamatay ng Isang Newsboy Si Lamberto Antonio ay batikang makata, kwentista, at mananalaysay. Isinulat ang akda sa simula ng dekada’80, subalit saksi tayo na naglipana pa rin sa ngayon ang mga batang naghahanap-buhay sa lansangan. Ang child labor ay isa pa ring pangunahing problemang panlipunan. . SA PAGKAMATAY NG ISANG NEWSBOY Lamberto Antonio Hindi na siya maaaring ibangon Ng mga pahinang naging pananggalang Sa kahubdan at matinding gutom. Maaari lamang siyang takpan ng mga iyon, At ipagsanggalang sa mga langaw, Sa huling pagkakataon. Sapagkat musmos siyang nawalan ng pulso, Wala na siyang panahon upang gagapin Ang mga pangyayaring nagpapaikot sa mundo. Marahil ay hahanapin siya sa pag-aalmusal Ng mga taong nahirati sa pagbasa Ng balitang kasing-init ng kape’t pandesal. Sayang at di na niya masisilayan (Sa kauna-unahang pagkakataon) Ang sariling retratong naligaw Sa espasyong batbat ng anunsiyo— Newsboy na biktima ng isang kaskasero, Gumulong ang ulo na parang sensilyo.
  • 17. 17 Paano maituturing na mapanghimasik ang tula na isinulat ni Lamberto Antonio? Ang paglipana ng mga batang nagtatrabaho sa lansangan ay tanda ng matinding kahirapan. Nakalulungkot na ang mga batang sana’y naglalaro at nag-aaral ay nakikipaghabulan sa dyip, ginagaygay ang mapanganib na highway upang makaraos sa bawat araw. Karamihan sa mga batang ito na nasa edad 17 pababa ay magbabasura, nagpapedicab, magbabakaw, mangingisda, industrial workers (cyber sex), domestic helper, at manininda sa lansangan. Sa mga kanayunan at liblib na pook, nariyan ang mga batang manggagawa sa mga minahan, pangisdaan, tubuhan, atbp. Kahirapan ng buhay ang nagtulak upang magkaroon ng mga batang manggagawa, mga batang manggagawang dapat na nasa paaralan ngunit kailangang magtrabaho ng maaga dahil sa kagutuman, dahil hikahos ang mga magulang, dahil hirap ang buong pamilya. Inilalarawan ng akdang ito ang kondisyon na ang paksa ay naglalayong pukawin ang ligalig ng mambabasang may nalalabi pang konsensya at malasakit sa kapwa lalo sa ating gobyerno, may isang sandali sa tulang “Sa Pagkamatay ng Isang Newsboy” ni Lamberto Antonio na nagpadanas, hindi lamang nagpaunawa, ng kahulugan ng isang salita dahil sa mga puwersang nilikha ng mga nakapaligid na salita sa pahina, isang sandali kung kailan masasabing nagkaroon ng tunay na pagpukaw sa damdamin ng mambabasa upang maipadama ang kahirapan ang dinanas ng mga mga batang nagtatrabaho sa lansangan. Karaniwan sa pamilyang Pilipino ay binubuo ng 2-3 na anak kaya kung titignan, malaking bahagi ng nakakaranas ng gutom ay mga bata. Ang malaganap, mabilisan at patuloy pagtataas ng presyo ng langis kasama ng presyo ng bilihin ay nagpapalalala sa kagutuman ng mga bata. Hindi kinakaya ng kakarampot na sweldo o kita ng kanilang mga magulang ang halaga ng bilihin. Nasasakripisyo ang
  • 18. kalusugan ng mga bata kapalit ng malaking tubo ng mga kumpanya ng langis at batayang bilihin. Ang karapatan sa pagkain ay kapantay ng karapatang mabuhay. Ito ay batayang karapatan ng lahat ng tao lalo na ang mga bata. Ang kagutuman at malnutrisyon ay mga problemang bunsod ng kawalan ng pambansang industriyalisasyon, ng tunay na repormang agraryo, ng trabaho at nakabubuhay na sahod ng manggagawa. Ang mga bata ay may limitasyon sa kaalaman at pisikal na kakayahan upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili mula sa iba’t ibang tipo ng paglabag sa kanilang batayang karapatan. Dahil dito, masasabi natin na ang mga batang Pilipino ay isa sa pinaka-bulnerableng sektor sa isang lipunang laganap ang kahirapan at kawalan ng hustisya. 18 Ang kalagayan ng batang Pilipino ay salamin ng lipunang Pilipino.Ang pagsusulong ng kapakanan at pagkalinga sa mga bata ay isang panlipunang responsibilidad.Bukod sa pagkain, ang tahanan ay isa sa pangunahing kailangan ng tao lalo na ng mga bata dahil ang tahanan ang kanilang unang paaralan. Bukod sa nagsisilbing proteksyon sa init at lamig, ang tahanan ay lugar ng pagkalinga ng pamilya at pamayanan. Dito hinuhubog ang pagkatao ng mga bata. Kung kaya't kapag pinagkait sa kanila ang tahanan, o kaya'y pinalayas o dinemolis ang kanilang bahay, hindi lamang pisikal na istruktura ang sinisira kundi ang buhay-pamilya at buhay-pamayanan ng mga bata. Ang mga relocation sites ay mas masahol pa ang kalagayan kumpara sa mga komunidad ng maralita dahil ito ay malayo sa trabaho o hanap-buhay, walang kuryente at malinis na tubig, hindi maayos ang daan, at malayo sa paaralan at ospital. Isa ang Pilipinas sa may pinakamasahol na porma ng "child labor" sa anyo ng pagtatrabaho sa bukid, pagpapaalila bilang kasambahay at pagpapatrabaho sa
  • 19. mga kriminal na sindikato sa droga at prostitusyon. Nalalantad sila sa mga mapanganib sa sitwasyon, mga lihis na gawi, at lalo pang paglabag sa kanilang karapatan bilang bata at bilang tao. 19 Dugo at karahasan ang prinsipal na imahen sa tulang ito, sa kanyang kamatayan, wala na siyang pagkakataong unawain ang mga pangyayaring taglay ng mga kopya ng pahayagang kanyang ipinagbibili. Bukod dito, hindi na niya masisilayan (sa kauna-unahang pagkakataon) ang sariling retratong naligaw sa espasyong batbat ng anunsyo--- Ang pinakahuling imahen—“Gumulong ang ulo na parang sensilyo”---salapi ang sensilyo, at salapi ang sagisag ng mga makapangyarihan sa lipunang sumaksi sa buhay at kamatayan ng newsboy. Nauwi sa isang walang halagang bagay ang buhay ng isang indibidwal. Naging balita ang isang tagapagbili ng bagay na nagbibigay ng balita anunsyo sa mga mamamayan. Layunin ng akdang ito na matapang na mailantad ang katotohanan sa tulong ng panitikan. Laganap ang kahirapan at gutom na namamayani sa ating bansa at marami pang buhay ang masasakripisyo lalo na ang mga batang umaasa lamang sa biyaya na makukuha lamang nila sa lansangan sa halip na tulong ng gobyerno.
  • 20. 20 Maikling Kwentong Mapanghimagsik: Ambo Ang maikling kuwentong “Ambo” na hango sa kalipunang Ambo at iba pang akda ay nagwagi ng unang gantimpala sa Gawad Balagtas noong 1969. Ito ay isinulat ng batikan at premyadong manunulat na si Wilfredo Pa. Virtusio, isang kilalang manunulat sa Kontemporaryong Panitikang Pilipino. Ang pagdaranas ng sagad na kahirapan at gutom ay isang realidad sa ating lipunan. Malinaw na makikita ang realidad sa kwentong Ambo. Si Ambo at ang kanyang pamilya ay kumakatawan wsa milyun-miltong Pilipinong nagdaranas ng labis na kahirapan at gutom. Ang pagdurusang dulot ng hirap at gutom ay nagtulak sa kanyang gumawa nang hindi nararapat lalo pa’t ang ugat ng kanyang pagdurusa ay ang pagwawalambahala ng pamahalaan gayundin ang korupsiyon o mga katiwaliang nangyayari sa pamahalaan. "Kung minsan nakagagawa ang tao ng kasalanan dahil din sa kapwa tao." Sa kabila ng marami ng batas at karapatang pantao na inamiyendahan, ginawa at inilathala ng ating gobyerno't mambabatas, laganap pa rin ang pang-aapi at marami pa rin ang mga taong di nabigyan ng sapat hustisya sa ating lipunan. AMBO Wilfredo Pa. Virtusio Dati-rati, alas-singko pa lamang ay gising na si Ambo, nakabihis na, nakainom na ng malabnaw at matabang na kape at naglalakad na---- naglalakad lamang----patungo sa opisina ng sangay na iyon ng gobyerno sa may Port Area. Ngunit ngayong umaga, kalong na ng sarisaring ingay ang kalapit nilang mga kuwarto ay nakababad pa rin siya sa kuwarto. “Bakit, ha, Ambo?” tanong ng kabiyak niyang si Marta. Walang kibong ibinaling ni Ambo ang tingin sa katabing asawa. Tumiim sa kanya ang butuhan at marak na mukha nito.
  • 21. 21 “Di ka ba papasok ngayon, ha, Ambo?” “Parang tinatamad na ‘kong pumasok,” sabi ni Ambo. “Pasok ‘ko nang pasok, e, ‘ala namang nanagyayari.” “Konting tiyaga.” “Parang gusto ko na talagang mainis, Marta,” at bahagyang tumigas ang boses ni Ambo. “Sa araw-araw na ginawa ng D’yos, nakikiusap, nagmamakaawa, halos maglumuhod ka sa mga ‘yon. At kung iisiping pinagtrabahuhan mo naman ang kinukuha mo. . .” “Konti pang tiis. . . Pasasaan ba’t bibigay rin nila ‘yon.” “Kelan pa, Marta?” “Me awa ang D’yos.” Natahimik si Ambo. Me awa ang Diyos. Bukambibig ni Marta iyon at ngayon, naitanong niya sa sarili kung kailan pa kaya darating ang awa ng Diyos. Napagmasdan niya ang nakahilatang mga anak sa kabuuan ng munting kuwartong iyon at naisip niyang kailangang ilawit na ng Diyos na iyon ang kanyang habag kung mayroon nga iyong habag sa mga taong tulad niya. Mayamaya’y dinalahit si Marta ng tuyot, sunod-sunod na pag-ubo. Yumanig ang yayat na balikat ni Marta at ang galit ni Ambo’y nahalinhan ng pagkaawa sa asawa, na pagkatapos ay humangga sa labis na pagkabahala nang tumiim sa kanyang isipan na may sakit si Marta, may tuberkulosis at hindi makapaglabada pa. Si Marta’y may TB, patuloy na dumuro sa kanyang utak, at muli, natingnan niya ang nakahigang mga anak. Pito ang kanyang mga anak, pito, at natutulog ang mga iyon at mayamaya pa, magigising ang mga iyon at hihingi ng pagkain at magpapalahaw ng iyak sapagkat wala silang maibigay na pagkain. Naipasya niyang muling lumabas ng bahay nang umagang iyon: hindi, hindi niya matitiis na makitang nananangis ang mga anak dahil sa gutom. Humupa na ang pag-ubo ni Marta. Bumangon si Ambo at hinakbang ang pinakakusina ng kuwartong iyong inuupahan nila ng treinta pesos kada buwan. Nasa harapan ng kalan ang panganay nilang si Sonia. Sampung taon si Sonia, payat at maiksi ang kaliwang paa. “Tay, ‘sang linggo na ‘tong latak na pinakukuluan ko,” sabi ni Sonia. Walang kibo niyang tinungo ang hugasan ng plato. Walang sabon sa habonera. Naghilamos siyang hindi gumagamit ng sabon. Gising na ang tatlo sa kanyang mga anak. Nilalaro ni Roma, otso anyos at sumunod kay Sonia, ang bunso nilang mag-iisang taon. Kinikiliti ni Roma ang sanggol, anaki’y gustong patawanin pero hindi tumatawa ang sanggol. “Ta . . . Tata . . . Ta . . .” Nakalahad ang butuhang kamay na lumalapit sa kanya si Nida. Pitong taon si Nida, ngunit sa edad na iyo’y wala pa itong alam na gawin kundi magtatata at ilahad ang yayat na mga kamay. Humihingi sa kanya ng singko sentimos-singko
  • 22. sentimos-ang kahabag-habag na batang iyon at siya, siyang ama’y walang singko sentimos na maibigay. Dali-dali niyang isinuot ang sulsihang pantalon at T-shirt. Mahaba ang T-shirt at bahagyang natatakpan niyon ang sulsi sa likuran ng kanyang pantalon. Siguro nama’y di magtatagal ‘tong lagnat ko,”narinig niyang sabi ni Marta. 22 “Makakapaglaba na ‘ko uli.” Di karaniwang lagnat ‘yan, ibig sabihin ni Ambo, ngunit hindi na siya nagsalita pa. “Magkape ka muna,” sabi ni Marta nang mapansing bihis na siya. “Di na,” tinungo niya ang pinto. “Pagbutihin mo’ng pakiusap sa kanila, Ambo,” pahabol na bilin ng asawa. Mabilis, walang imik siyang lumabas ng kuwartong iyon. Matindi ang sikat ng araw at waring ibig tupukin niyon ang anit ni Ambo. May isa’t kalahating kilometro ang layo ng opisina ng sangay na iyon ng gobyernong pinaglilingkuran niya mula sa kalyeng tinitirhan nila at nilalakad lamang ni Ambo ang distansyang iyon. Nilalakad sapagkat ang treinta sentimos niyang ipamamasahe (kung mapalad siyang magkaroon ng halagang iyon) ay malaking bagay ang magagawa sa kanila. Maibibili niya ang halagang iyon ng diyes na tuyo, diyes na asukal, at ang diyes –hindi singko lamang-ay maibibigay niya kay Nida. Ngunit ngayo’y wala siya ni isang kusing sa bulsa. Pagbutihin mong pakiusap sa kanila. Naglalaro sa utak niya ang biling iyon ni Marta. Nakadama siya ng sikad ng paghihimagsik sa dibdib. Bakit siya dapat makiusap? Ang kinukuha naman niya’y suweldo niya, ang karapatang bayad ng gobyerno sa paglilingkod niya. Ano ang dapat niyang ipakiusap? A, pero dapat siyang makiusap, pakuwa’y naipasya niya. Hindi niya madadaan sa init ng ulo ang hepe niyang si Mr. Reyes. Kailangang makiusap pa siya, maglumuhod kung maaari. Ang voucher niya’y matagal na sa mesa ni Mr. Reyes ngunit hindi pa rin napipirmahan niyon. Laging abala sa trabaho o kaya’y mamaya o bukas na kaya, hanggang sabihin niyon ang tunay na dahilan kung bakit hindi niyon mapirmahan ang voucher. “Alang pondo ang gobyerno ,” sabi ni Mr.Reyes. “Gaya ng siguro’y alam mo na, malaking anomalya ang ginawa ng mga tao rito ng nakaraang administration. Kelan nga lang, e, me natanggap kaming sirkular buhat sa Malakanyang na nagsasabi na magbawas kami ng mga kaswal dito. Pero di naman magagawa karaka. Malalakas na pulitiko rin ang me rekomenda sa marami sa mga kaswal dito.” “Gusto nyong sabihin, e, alang pag-asang makuha pa’ng suweldo ko?” “Ilang b’wan ka na bang di sumasahod?” “Tatlo na ho.”
  • 23. Napakamot sa batok si Mr. Reyes. “ Titingnan natin,” pagkuway sabi nito. Magdadalawang buwan na ang pakikipag-usap niyang iyon kay Mr. Reyes at hanggang ngayon ay hindi pa rin napipirmahan niyon ang voucher niya. Bale limang buwan na siyang hindi sumasahod. Sumahod pa nga kaya siya, naitanong niya sa sarili. Noong isang Linggo lamang ay dalawang kaswal ang tinanggal sa trabaho nang hindi nakasahod. Matiwalag rin kaya siya sa trabaho? Napabilis ang paghakbang niya. Nahingingan niya, ang nagrekomenda sa dalawang iyon ay hindi gaanong malakas kaya natanggal. Si Mr. Maique na nagrekomenda sa kanya’y hindi isang representante o senador kaya. Nagging amo niya si Mr. Maique sa huling pribadong kompanyang pinagtatrabahuan at minsang masalubong niya ito sa Avenida matapos ang ilang taon maalis sa opisinang iyon (“pinagbakasyon” siya nang matuklasan sa taunang physical examination na may ganggaholeng butas ang dalawa niyang baga) ay nabanggit niya ritong tila hindi na siya makasumpong pang muli sa trabaho (kahit na sa posisyong dyanitor). Marami higit na mas batang aplikante sa kanya (siya’y sobra nang kuwarenta), at mas maraming mas pinag-aralan kasya kanya (grade 1 lang ang naabot niya). Nagdalang-habag, inalapit siya ni Mr. Maique sa kumpare niyong hepe ng isang dibisyon sa opisina ng sangay na iyon ng gobyerno. A, hindi nga malakas ang nagrekomenda sa kanya at hindi malayong maalis rin siya sa gawain. Ngunit hindi niya dapat pag-aksayahan ng panahon at isip kung matatanggal siya sa trabaho o hindi. Ang dapat niyang pagkaabalahan ay kung paano makukuha ang suweldo niya. Iyon ang kailangan niya, ngayon. May sakit si Marta at hindi makapaglabada. Nagugutom ang kanyang mga anak. Hanggang kailan tatagal ang mga ito? Nagpatuloy siya ng paglalakad, nag–iisip. Naisip niya, ang binanggit na dahilan ni Mr. Reyes kung bakit hindi sila nasusuwelduhan. Walang pondo ang gobyerno. Ayon kina Sandoval, isang kawani sa accounting division, kung ilang milyon daw ang ninakaw ng mga tao ng nakaraang administrasyon sa sangay na iyon ng pamahalaan. Sampu, labindalawang milyong piso. Over-pricing ng mga makinarya. Mga ghost delivery. Pang-uumit ng mga piyesa sa bodega. Wala pa raw dalawampung katao ang naghati-hati. Hindi pa raw nakakalaboso ang mga swerte, sabi ni Sandoval. Pag talagang malakas ang kapit mo, naaalala niya ang sinabing iyon ni Sandoval, kahit ano pa mang kawalanghiyaan ang gawin mo’y ligtas ka. Maiisip niyang para ngang totoo iyon. Kung may pull ka, ayos lahat ang lakarin mo sa gobyerno. May kilala siyang mga kaswal rin sa opisinang iyon na regular na sumasahod. A, kaipala’y di siya sumusuweldo sapagkat wala siyang malakas na kapit. 23 Pasado alas-nuwebe na nang matapos ni Ambo ang paglilinis sa tokang gusali. Nagsisimula pa lamang magdatingan ang karamihan sa mga empleyado. Sina Sandoval at mga kasama sa acconting division ay alas-diyes na nang dumating.
  • 24. Nangaupo ang mga iyon sa kani-kanilang mesa, ngunit hindi ang trabaho ang inatupag. May nagbasa ng dyaryo, may naghinuko, may tumunghay sa dalang libro. Mayamaya’y pinalibutan ng mga kasamahan ang noo’y nagbasa-ng-dyaryong si Sandoval. 24 “Milyon, mga pare ko, milyon,” sabi ni Sandoval at ibinaba niya ang tinutunghayang dyaryo. “Ito na’ng pinakamarangyang handaang nabalitaan ko. Imported ang pagkain, ang orchestra, ang mga entertainer. At ang mga panauhin, mga pare ko, mga duke, prisesa’t prinsipe at kung sinu-sino pang kabilang sa dugong-bughaw.” “Umabot daw sa dalawang milyon ang nagastos,” sabad naman ni Javier,” “Iba talaga’ng makuwarta, ano, ha?” Dalawang milyon . . .dalawang milyon . . . Nagsumiksik sa utak ni Ambo ang halagang iyon. Dalawang milyon ang ginastos sa isang anibersaryo ng kasal. A, tama na sa kanya ang kung ilang daang piso. Sapat na sa kanya ang kaunting halagang makatitighaw sa gutom ng kanyang pamilya at maipambabayad sa pagpapagamot ni Marta. Bahagya pa siyang nagulat nang maalala si Mr. Reyes. Maaaring nasa kuwarto na niya si Mr. Reyes. Kaninang linisin niya ang kuwarto niyo’y wala pa iyon ni ang sekretarya nito. Bilang puno ng general services ay may sariling silid si Mr. Reyes. Air conditioned, de alpombra, at makabago ang interior decoration. Napasukan na ni Ambo sa loob si Dory, ang sekretarya ni Mr. Reyes. Bata pa si Dory, marahil ay lalabingwalo, ngunit taglay na ng mga mata nito ang lamlam, panglaw ng isang babaeng ganap nang nakakilala sa buhay. Hindi na lihim sa opisina ang relasyon nito sa may asawang si Mr. Reyes. “Nand’yan na ba’ng Boss?” “Nandito na pero mainit ang ulo,” sabi ni Dory. Mainit ang ulo ni Mr. Reyes. A siguro’y talunan na naman sa sugal. Bulong nina Sandoval ay nagmamadyong, nagpopoker, nagkakarera si Mr. Reyes. Nambubulyaw si Mr. Reyes, nagmumra kung mainit ang ulo. A, pero kailangan niyang lapitan ito, makausap. “Me bilin s’yang h’wag iistorbohin,”sabi ni Dory . “Pero kelangang-kelangan ko s’yang makausap.” “Kung mapilit ka’y ikaw na lang ang pumasok,” at muling hinarap ng sekretarya ang kanyang pagmamakinilya. Kinabahan siya, tulad ng dati tuwing makakaharap si Mr. Reyes. Huminga muna siya nang malalim bago pinasok ang divider na nagkukubli kay Mr. Reyes. Nakataas sa ibabaw ng mesa ang mga paa ni Mr. Reyes, natatakpan ng binabasang diyaryo ang mukha. Mr. Reyes . . .”tawag ni Ambo at lumapit sa mesa ng hepe.
  • 25. Bilang bumaba ang dyaryo at natambad ang malapad at kunot-noong mukha 25 ni Mr. Reyes. “O, anong kelangan mo?” Dama niya karaka ang suya sa boses nito. “Y-yong hong v-voucher ko . . .” nasabi niya sa wakas. “Ilang beses ko bang sasabihin sa’yong di ko pa napipirmahan ‘yon?” Kumikitib ang magkabilang ugat sa pilisan ni Mr. Reyes. “Ke kulit-kulit mo.” “Kelangang-kelangan ko hong pera.” Binayad at nakikiusap ang boses niya. “A, wala akong magagawa! Sige, makakalabas ka na.” “Mr. Reyes, me sakit ho’ng asawa ko’t nagugutom ang mga anak ko . . .” “Ako ba’y talagang ginagalit mo, ha?” “Para n’yo nnang awa, Mr. Reyes . . .” “A, kabron kang talaga!” At sa pagkainis, muli nitong itinaas ang mga paa sa mesa at itinuloy ang pagbabasa. “Mr. Reyes . . .” Hindi siya pinansin ni Mr. Reyes at unti-unti’y may namuong galit sa kanyang dibdib, pero bago sumiklab iyo’y nagawa niyang pigilan ang sarili. A, kailangang maging mahinahon siya. Babalikan na lamang niya si Mr. Reyes, baka mayamaya lamang ay lipas na ang init ng ulo. Dinadamuhan ni Ambo ang tagiliran ng gusali nang ipatawag siya ng guwardiya sa gate. Malayo pa siya sa tarangkaha’y nakita na niyang paika-ikang sumasalubong sa kanya si Sonia. “A-ang Nanay . . . sumuka ng dugo . . .” Pahablot niyang hinawakan sa kamay si Sonia at mabilis silang lumabas ng gate. Sa himpapawid, nakalutang ang kumukulong init-araw. Wari’y patay ang hangin at ang nalalanghap ay ang amoy-usok na buga ng mga dyip, kotse, trak, bus.Naniningkit ang mga mata na Ambo, tiim na tiim ang mga bagang. May paghihimagsikna nagsmulang magbangon sa kanyang dibdib. Napapikit siya, at sa pakiwari niya, ang paligid ay nag-uumikot na pula-itim na daigdig at sa pag-inog niyo’y kasama siyang nadadala, natatangay. May kalahating oras na silang naglalakad, siya at ang iika-ikang si Sonia, at ang gutom at pagod at pagkabahala’y nagtulong-tulong upang ang kimkim na himagsik sa loob ni Ambo’y mag-ulol, mag-alimpuyo. Silang mag-ama’y naglalakad sa ilalim ng matalisik na init ng araw sapagkat wala sila sa treinta sentimos na ipamamasahe, at doon sa kuwartong inuupahan , maaaring naghihingalo o patay na si Marta. Patuloy na humahagibis ang mga sasakyan, ang balanang nasasalabat nila’y nagwawalang-bahala, at naisip niya sina Sandoval, Javier, Roncal , Dory, at Mr. Reyes. Maaaring sa mga sandaling ito’y nanananghalian na ang mga iyon o namamahinga o kaya’y naglalaro ng ahedres o
  • 26. kaya’y nagpupusoy. Naisip niya ang mayamang pulitiko’t negosyanteng gumasta ng dalawang milyon sa isang handaan at ang iba pang katulad niyon. Nasaan sila sa mga sandaling iyon? A, sila’y nasa kani-kanilang magagarang tahanan, nasa pang-araw na mga naitklab, nasa mga pasugalan , nasa mga otel at motel na kaulayaw ng kanilang mga kerida, o nasa kani-kanilang mga opisina’t pinapaputok ang isip kung paano lalong magkakamal ng salapi, samantalang siya’y naritong naglalakad sa ilalim ng nakatutupok na sikat araw kasama ang iika-ikang anak. Naratnan niyang nakalupasay si Marta, yumayanig ang yayat na balikat sa di-masawatang pag-ubo habang hagud-hagod sa likod ni Roma. Nagkalat ang buu-buong dugo sa banig. Ang sanggol ay walang damdaming nakatingin sa ina, matiim na nakatinging animo’y isang matandang bantad na sa kalagiman ng buhay. Nagpapalahaw ang iba pa niyang anak, at mababatid niyang umiiyak ang mga iyon hindi dahil sa nangyayari sa ina kundi dahil sa nagugutom ang mga iyon. May naramdaman siyang yumapos sa mga binti, kumalabit. “Tay, gutom na kami. ‘Tay. Gutom na kami.” Sabay-sabay na nagpalahaw ang iba pa niyang mga anak at ang dumaraing, nakalulunos na paanghay ng mga iyon, gutom na kami, ‘Tay, ‘ingi pagkain, ‘Tay, ay sumasaliw sa putol-putol, tuyot na uh, uh, uh, uh, hu ni Marta. Napapikit siya’t wari niya’y umiikot ang paligid, umiinog na pula-itim na daigdig, at nang imulat niya ang paningi’y gumagalaw, sa simula’y mabagal, pagkatapos ay mabilis, mabilis na mabilis ang bawat tamaan ng kanyang tingin, ang bangkito, ang daigdig,ang pinto, ang sanggol, ang ibang mga anak, si Marta… “Ta…Tata…Ta…” Hindi ganap na magkahugis sa kanyang paningin ang anyo ni Nida, ngunit ang tatata ay malinaw na nakaabot sa pandinig. Humihingi ng singko sentimos si Nida at siya’y wala ni isang kusing na maibigay. Nagugutom ang kanyang mga anak, at siya, siyang ama’y walang pagkaing maibigay. Maysakit si Marta, at siya, siyang asawa’y walang magawa. “Ta…tata…Ta…” Isang malabong anino ang nakatanghod sa aknyang si Nida, at sa biglang igkas ng silakbo’y binigwasan niya iyon ng sampal sa mukha. At sa iglap ding iyo’y nagsalimbayang pula-itim ang paligid, iswang walang katuturang daigdig na kalong ng nakakukulili, nakakabinging ingay---tili, iyak, ubo, daing---at supil ng matinding kahibanga’y dinaluhong niya ang nagpapalahaw na mga aninong iyon, sinampal, sinuntok, sinipa, pinagtatadyakan, ngunit sa halip na tumigil ay lalong nag-ibayo ang pag-iyak at pagtili at pagtangis, at nang hindi na niya matagalan ang matinding kainagang iyo’y nagtatakbo siyang palabas, sapu-sapo ng dalawang kamay ang ulo. Ngayon, muli siyang naglalakad sa matinding sikat ng araw. Ang lunsod ay isa pa ring umiinog na pual-itim na daigdig. Walang kaisahan ang mga isisping gumigitaw sa kanyang utak. Si Marta, si Nida, ang mga anak niya. Si Sandoval, si 26
  • 27. Javier, si Dory. Si Mr. Reyes. Ang mayamang pulitiko at negosyanteng iyon. Ang voucher niya. “Hoy, nagpapakamatay ka ba?” Tuloy siya sa paglalakad. Pasuray-suray, animo’y lasing. “Hoy, talaga bang nagpapakamatay ka?” Ipinilig niya ang ulo, at saglit, bumagal ang pag-inog ng pula-itim na daigdig at namalayan niyang nakatinding sa gitna ng kalye, siyang dahilan ng pagkakabuhol ng trapiko. Di-magkamayaw ang businahan ng mga sasakyan, at mula paa hanggang ulong pinagmumura siya ng nagmamaneho. “Gago!” Nakaabot sa kanyang pandinig. “Mga gago rin kayo!” sigaw niya at hinarap ang mga sasakyan, nanlisik ang 27 mga mata. Nagtutungayaw, iniurong ng nagmamaneho ng nasa unahan ang kotse, ikinambiyo’t inilagang mahagip si Ambo. Sumunod ang iba pang sasakyan, at mayamaya pa’y naiwang nag-iisa sa gitna ng lansangan si Ambo. Itinuloy niya ang paglalakad. Lakad. Lakad. Bumibilis ang pag-inog ng paligid, tulad ng pagdagsa ng putol-putol at walang kaisahang mga gunita. Ang. voucher niya. Ayaw pirmahan ni Mr. Reyes ang voucher niya. Ayaw ibigay ng gobyerno ang sweldo niya. May sakit si Marta. Nagugutom ang kanyang mga anak. Nagtatapon ng milyung-milyon piso ang pulitiko-negosyanteng iyon. Walang-puso ang gobyerno, may tinitingnan, walang malasakit sa tulad niya. Si Nida at ang iba pang mga anak niya. Si Marta... Nang humakbang siya muli, ang bahid na itim sa umiikot na paligid ay naglaho; ngayon, isang umiinog na bolang pula ang daigdig. Isang nagbabagang pula ang darang sa init na lunsod. Nagsumpungan niya ang sarili sa harap ng kongretong gusaling iyon. Humuhulas sa pawis ang buo niyang katawan, ngunit wala siyang nararamdamang pagod, gutom. Bumagal nang bahagya ang pag-inog ng paligid subalit ngayo’y naglalagablab na bolang apoy iyon. Nasa loob si Mr. Reyes. Ayaw pirmahan ni Mr. Reyes ang voucher niya. Ayaw ibigay ng gobyerno ang suweldo niya… Lumapit siya sa guardpost. Nakayukayok ang guwardiya. A, natutulog ang tanod ng gobyerno. Bigla, inagaw niya ang baril na hawak ng tanod. Napatayo ang guwardiya, at napaurong siyang nakaumang ang dulo ng baril sa katawan nito. Napangiti ang tanod nang wari’y makilala siya, dahan-dahang lumapit sa kanyta. A, nakangisi ang tanod, iniinsulto siya, iniinsulto. Dumiin ang daliri niya sa gatilyo at halos kaalinsaabay ng dumagundong na putok ay nakita niyang bumagsak ang guwardiya, unti-unting nahandusay, ang naninirik na mga mata’y nakatuon sa kanya, sa wari’y nagtatanong kung ano—at bakit—iyon nangyari.
  • 28. Mayamaya’y tumigil sa pagkisay ang nakalugmok na katawan. Napatay niya nag tanod. Napatay niya! May saya anaki’y kaligayahang sumuno sa dibdib niya. At biglang bumilis ang pag-inog ng pulang bola, mabilis na mabilis. Nakaliliyo, nagsasalimbayang kulay-dugo ang daigdig, at patakbo niyang sinugod ang pinto ng konkretong gusali. Nagpulasan ang malalabong anino. May tumalon sa bintana, may nagtago sa mesa. May naulinigan siyang mga tinig na tumatawag sa pangalan niya, ngunit waring napakalayo ang pinagmumulan ng mga tinig. Muling dumiin ang daliri niya sa gatilyo, at isang malabong anino ang nahandusay. Inulit niya ang pagkalabit, at isa pang malabong anino ang bumagsak. Minsan a at isa uling malabong anino ang nalugmok. Pinid ang pintong iyon. Sumisigaw siya, labas ka d’yan! Labas d’yan!, ngunit nanatiling nakasara ang pinto. Pinagtatadyakan niya ang dahon ng pinto, pinukpok ng puluhan ng baril, subalt namalaging pinid ang pinto. “Labas d’yan! Ayaw niyong pirmahan ang voucher ko! Ayaw n’yong ibigay 28 ang sweldo ko!” Tinugon siya ng paikpik na katahimikan, at siya’y nakadama ng biglang pagkapagal. Humihingal siya at wari’y ibig siyang madala ng mabilis na pag-ikot ng paligid. Nangangalog ang kanyang tuhod, nangangapos ang hininga. Napasandal siya sa into, humihingal at pinagpapawisan ng malamig. Unti-unting bumanayad ang pag-ikot ng paligid, unti-unting pumupusyaw ang kulay-dugong bahid niyon.Ang lumulukob ngayo’y dilim, isang papakapal na karimlang nagdudulot sa damdamin niya ng lungkot, panglaw, ng isang uri ng napakatinding pangungulilang humahangga sa kirot, sa pumipiga at lumuluray sa sakit. Si Marta…si Nida…ang mga anak niya… Pakuwan, humahangos na pumasok ang unipormado at armadong mga pulis, nakatutok ang tangang mga baril sa kanya, subalit siya’y hindi man lang nagpamalas ng kahit anong pagkilos ng paglaban; napatutok lamang ang blangko niyang paningin sa nagsasalinbayang malalabong aninong iyon. Bumuka ang mga labi niya, ngunit iglap lang iyon, umangil ang sandata ng mga pulis at isa, dalawa,tatlo, apat, lima, marami, di-mabilang na mga tingga ang bumistay sa katawan niya at siya’y nalugmok at sa nagdidilim, nagliliwanag niyang isispa’y sumalingit ang mapusyaw na larawan ng kanyang mag-anak, at swa pagkakasubsob sa nagdadanak-sa-sariling dugong baldosang sahig, pinilit niyang makatihaya, pilit itinutok ang nagwawatig na tingin sa nagsasalimbayang malalabong aninong iyon, pilit na pinanulay sa nanlalabong paningin ang pakiusap, hinaing na hindi mabigkas ng mga labi—si Marta, si Nida, ang mga anak niya. Subalit muling bumuga ang sandata ng mga pulis, malupit, walang awang tumadtad sa katawan niya at sa papatakas nang malay, bumabanayd ang nakakaliyong pag-inog ng itim na daigdig,
  • 29. bumabanayad at dumidiin hanggang sa mayamaya’y kalungin ng sakdal-dilim na karimlan ang kaganapan ng lahat. Paano maituturing na mapanghimasik ang maikling kuwento na isinulat ni Wilfredo Pa. Virtusio? Ang “Ambo”, isang kuwentong sumasalamin at lutang na lutang ang ng realidad ng buhay. Ang mga pangyayari sa buhay ni Ambo ay isa lamang pag-uulit sa mga pangyayari sa tunay na buhay ng milyun-milyung Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa. 29 Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan. Sinasalamin nito ang kawalang pakialam ng mga opisyales na walang ibang inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang nais lamang ay maibigay ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya. Ano nga ba ang ating mararamdaman kung hindi maibigay sa loob ng limang buwan ang inaasahang suweldo dahil wala raw pondo ang gobyerno samantalang nabalitaan mong isang pinuno ng gobyerno ay gumastos ng dalawang milyong piso sa isang gabing handaan para sa anibersaryo ng kanyang kasal? Isang anyo ng panitikan na nagmumulat sa mamamayan na ang bahagi ng lipunan kung saan bulgarang madarama ang korupsyon, pang- iisa ng kapwa at patuloy na takbo ng bulok na sistemang ang biktima ay ang mga mamamayang walang tinig, lakas at kapangyarihang baligtarin ang isang bangungot na lumalamon sa ating pagka- Pilipino. Ang korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan ay nagbubunga ng labis na kahirapan sa marami nating kababayan sapagkat ang salaping dapat sanang
  • 30. mapunta sa kaban ng bayan upang magamit sa ikabubuti ng mga mamamayan ay napupunta at pinakikinabangan lamang ng iilan. Ang korupsyon ay makikita sa halos lahat ng lebel ng pamahalaan mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. 30 Hindi rin maitatwa ang katotohanang laganap ang korapsiyon at pagsasamantala ng mga nakaupo sa pamahalaan kaya’t hindi na bago sa pandinig ng madla ang realidad na may mga pulitikong gumagastos ng milyon sa isang marangyang hapunan lang gayong milyong Pilipino ang namamatay sa matinding gutom, sakit, at kahirapan. Nais gisingin ng may-akda ang ating mga isipan upang bigyang katarungan ang mga bagay na gaya ng mga nangyayari sa kwento. Naging makatotohanan ang takbo ng mga pangyayari sa kwento. Nakapaghatid ito ng mga damdamin tulad ng awa, pagkakasuklam at inis. Nakapagbukas ng isipan tungkol sa mga katotohanang nangyayari sa ating paligid. Mga katotohanang kadalasang nangyayari sa tunay na buhay. Maraming tao sa ating lipunan ang yumayaman dahil sa pagpapahirap sa mga maliliit at kapus-palad. Mga taong sarili lamang ang iniintindi at kahit maghirap man ang kapwa ay walang pakialam. Kasama na rito ang mga pulitikong inuubos ang kaban ng bayan na galing sa dugo at pawis ng mga mamamayan. Na kung sa pamumulitika'y ginagamit ang galing at talino upang bilugin ang ulo ng mga tao. Ito namang si Juan ang daling maniwala sa tamis ng mga pangako ng mga ito. Sa huli pagkahalal sa iba ginagamit ang talino, sa pagpapayaman sa mga bulsa ng mga ito. Kasi naman si Juan rin lang ang dahilan kung bakit ganito ang kanyang gobyerno. Ang pananamantala sa maliliit at mahihinang mga tao sa ating paligid ay alam nating nakapapanlumong moralidad o ugali ng tao. Marami sa atin ang may
  • 31. ganitong katangian na ang hangad ay makapagtamasa lamang ng karangyaan ng mundo, kadalasan sila ang mga taong makasarili. May kasabihan tayo na "Kung walang magpapaapi ay walang mang- aapi". Oo nga't totoo ang kasabihang ito, ngunit kung ang pagtatanggol naman sa sarili at karapatan ay kalakip nito ang buhay o kamatayan. Sino kaya ang may tunay na tapang upang harapin kahit kamatayan? Layunin ng akdang ito na matapang na mailantad ang katotohanan sa tulong ng panitikan. Lubhang malawak at laganap ang kahirapan at gutom na namamayani sa ating bansa at kung hihintayin lagi ang paglalawit ng pamahalaan ng tulong sa mga tulad ni Ambo ay marami pang buhay ang masasakripisyo. 31
  • 32. 32 Talaan ng Sanggunian Aklat Baesa-Julian, Ailene G. et al. Pluma III Wika at Panitikan para sa mataas na paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House.Inc.2010 . Cruz, Teresita Cristobal, Ed. D. Gintong Ani. Quezon City: FNB Educational, Inc.2009. Imbat, Celia B. at Reyes, Maurita M. Filipino sa Hayskul III. Manila: Sta. Teresa Publications.1997. Marasigan, Emily V. Pluma IV Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.2012. Reyes, Soledad S. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular.Quezon City: Ateneo De Manila University Press.1997. Tepace, Alita I. Ph. D. Yaman ng Pamana III Wika at Panitikan. Quezon City: Vibal Publishing House, Inc.2010. Websayt “Mula Tula Hanggang Dula, Mula Tradisyon Hanggang Sa Bulok Na Sistema: Ang Panitikang Mapanghimagsik Sa Panitikang Pilipino.” http://mgasigwaatagos.blogspot.com/2010/10/mula-tula-hanggang-dula- mula-tradisyon.html Wika at Panitikan. http://filipinowikapanitikan-smcc.weebly.com/ibig-kong-makita. html