SlideShare a Scribd company logo
1 of 7
LEARNING ACTIVITY SHEET: Mga Relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya
NAME: _____________________________ SECTION: ____________ DATE_______________ SCORE:__________
Ang tawag sa masidhing paniniwalang ito ng mga Asyano ay relihiyon. Ang salitang ito ay nagmula sa salitang Latin na
religare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik-loob. Halos lahat ng relihiyon ay nagmula sa Asya, ito ay ayon
sa kasaysayan na ating aalamin lalo na sa Timog at Kanlurang Asya. Ito ang ilan sa mga kahulugan ng relihiyon:
Ang relihiyon ay ang pagkilala sa isang kapangyarihan ng nakapaghahari sa lahat ng bagay at ang kanyang mga batas at
utos ay sinusunod.
Ito ay isang organisadong sistema ng pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian at pananalig na nakasentro
sa isa o higit pang kinikilalalang diyos.
Isang kalipunan ng mga sistema ng paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw na nag-uugnay ng sangkatauhan,
espiritwalidad, at minsan ay moralidad.
MGA RELIHIYON SA TIMOG ASYA
Hinduismo
Ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig na nagmula pa sa kabihasnang Vedic na itinatag ng mga Aryan. Ito ang
pangunahing relihiyon sa India. Sa simbolo nito na AUM na simbolo nito ay nangangahulugang “ang kapangyarihan ng
paglikha, pagpapaunlad, at paggunaw ng mundo ay magmumula lamang sa panginoon.’ A – ay simula, U – ay pag-unlad,
M – ay hangganan. Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng isang malawak na spectrum ng mga batas at preskripsyon ng
mga “pang-araw-araw na moralidad” batay sa karma, dharma, at iba pang norm sa lipunan. Bagaman ito ay naniniwala sa
napakaraming diyos na umaabot sa 330 milyon, kinikilala nito na may isang pinakamataas na diyos at ito ay si Brahma.
Pinaniniwalaan ng mga Hindu si Brahma ay ang tagapaglikha, siVishnu ay ang tagapagpanatili, at si Shiva ay ang tagasira.
Hindi sila magkakahiwalay kundi ibaibang aspekto at manipestasyon ng iisang banal na kaisahan o trimutri. Ang mga
Hindu ay naniniwala na ang trimutri ay patuloy na naglilikha at nagbabago sa mundo, na sa katapusan ng bawat siglo ng
“araw ni Brahma”, ang lumang mundo ay sinisira ni Shiva, si Brahma naman ay lumilikha ng panibagong mundo at si
Vishnu ay nagpapakita sa mundo sa iba-ibang anyo upang panatilihin ang mundo at gabayan ang mga tao. Isa sa
pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste o ang pag-uuri-uri ng mga tao sa India batay sa propesyon o
tungkulin.
Ang pangunahing relihiyon sa India ay Hinduismo. Ang mga Aryan ang unang tribong sumampalataya sa
relihiyong ito. Naniniwala sila sa mga diyos na mula sa iba’t ibang likha ng kalikasan, subalit ang kanilang paniniwala ay
napalitan ngpagsamba kay Brahma. Veda ang tawag sa banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng
mga Aryan. Tinuturo ng Veda kung paano magkaroon ng mahaba at mabuting buhay ang tao. Ang indibidwal na
pagsamba ginagalang ng Hinduismo; mayroon silang mga altar at pumupunta rin sila sa mga banal na lugar.
Paniniwala ng mga Hindu
Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala ng pagkakaisang
espirituwal. Naniniwala sila sa pagmamahal, paggalang, at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay,
espiritu o kaluluwa. Polytheism ang tawag sa kanilang pagsamba sa iba’t ibang uri at anyo ng Diyos. Bahagi ng kanilang
paniniwala ang reinkarnasyon na kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang anyo, paraan, o
nilalang.
Naniniwala rin sila sa karma. Ang karma ay ang pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa
at pagdurusa naman kung di-mabuti ang ginawa sa kapwa. Anoman ang kaniyang antas sa lipunan naniniwala ang mga
Hindu na ang tao ay kinakailangang magsikap sa buhay at ito ay dapat na inaalay sa Diyos.
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste o ang pag-uuri-uri ng mga tao sa India batay sa
propesyon o tungkulin. Ang sistemang caste ay binubuo ng Brahmin (mga pari at pantas), Kshatriyas (mandirigma),
Vaishyas (magsasaka at mangangalakal), at Sudras (mga alipin at manggagawa). Ang “Untouchables” o “Outcastes”
naman ay ang tawag sa mga taong di kabilang saalinmang pangkat at gumagawa ng pinakamababang uri ng gawain.
Ang Hinduismo ay naniniwala na ang tao ay hindi namamatay kundi nagkakaroon ng reinkarnasyon sa mga
susunod na henerasyon, kung saan ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan o “Samsana”, dala-dala ang gantimpala o
parusa ng nakaraan niyang buhay ayon sa batas ng Karma. Ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng
kabutihan hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang kaluluwa ay makakaisa ni Brahman
sa habang panahon sa estado na tinatawag na Nirvana. Upang matulungang makamit ang Nirvana, may disiplinang
kailangang buuin na tinaguriang yoga. Liban dito, ang batas ng moral na kaayusan o Dharma ay nararapat ding sundin
upang madiskubre ng isang indibidwal ang kanyang sarili.
Sistemang Caste
Ang Hinduismo ay ang tanging relihiyon na naniniwala sa sistemang caste. Ayon sa kanilang paniniwala, si Brahma ay
naglikha ng unang tao na pinangalanang Manu. Mula sa ulo ni Manu ay nagmula ang mga pinakamagaling at pinakabanal
na tao na tinawag na brahmin.
Mula naman sa kamay ni Manu ang mga mananakop at mandirigma na tinawag na kshatriyas. Sa binti ni Manu ay
lumabas ang mga manggagawa sa mundo na tinawag na vaishyas. At sa paa ni Manu ay nagmula ang iba pang tao na
tinawag na sudras. Kung ganoon, si Brahma na tagapaglikha ang siyang nagtalaga ng apat na caste ng tao.
Ang untouchables o outcasts naman ay ang tawag sa mga taong hindi kabilang sa alinmang pangkat at gumagawa ng
pinakamababang uri ng gawain. Bawat pangkat ay may kanikaniyang patakaran at kaasalang sinusunod.
Ang Hinduismo ay naniniwalana ang tao ay hindi na mamatay kundi nagkakaroon ng reinkarnasyon sa mga susunod na
henerasyon, kung saan ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan o samsara, ibig sabihin ay dala-dala ang gantimpala o
parusa ng nakaraan niyang buhay, ayon sa batas ng karma. Ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng
kabutihan hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang kaluluwa ay makakaisa ni Brahma
sa habang panahon sa estado na tinatawag na nirvana. Upang matulungang makamit ang nirvana, may disiplinang nabuo
nang sa gayon ay mapatindi ang konsentrasyon sa paghahangad na matularan si Brahma. Ang disiplinang ito ay ang
tinaguriang yoga. Liban dito may batas ding dapat sundin upang matuklasan ng isang indibidwal ang kanyang sarili. Itoay
ang batas ng moral na kaayusan o dharma.
Sati o Suttee – ang pagsama ng babaeng Hindu sa kanyang
asawang namatay sa pagsunog dito.
Noong taong 1829, sa ilalim ng pamahalaang Ingles, ipinagbawal
sa India ang sati o suttee. Ito ay ang pagpapakamatay ng asawang
babae sa pamamagitan ng kaniyang pagsama sa cremation o
pagsunog sa labi ng asawang namatay. Itinuturing itong isa sa mga
tradisyong Hindu na patuloy pa ring isinasagawa sa ibang pangkat
ng tao sa India. Tulad sa nangyari sa isang 18 taong gulang na
babae na si Roop Kanwar na nagsagawa ng sati. Ang pangyayaring ito ay naging daan upang batikusin ng mga Kanluraning
bansa at ng mga pangkat ng mga feministang Hindu ang tradisyon at modernisasyon.
Roop Konwar Nagwakas ang buhay niya dahil siya ay naging biyuda, subalit marami siyang nasagip na buhay ng
mgakababaihang Hindu.
Isa pang tradisyon ng mga Hindu ang paliligo taon-taon sa Ilog Ganges, sa paniniwala na ang gawaing ito ay
maaaring makalinis ng kanilang katawan at kaluluwa. Subalit ang tradisyong ito sa kasalukuyan ay ipanagbawal na ng
pamahalaan dahil hindi na malinis ang Ilog Ganges na makasasama sa kalusugan.
Buddhismo
Ang Buddismo ay sumibol ng mga 2500 taon ang nakaraan sa India sa panahong ang mga tao ay may malalim na
pagkabagot sa Hinduismo dahil sa paglaganap ng sistemang caste at lumalaking bilang ng mga outcastes. Nawalan ang
mga tao ng tiwala sa reinkarnasyon. Nakita nila ang kanilang kapalaran bilang isang malungkot at mahabang proseso ng
reinkarnasyon na nakawawala ng pag-asa. Kaya marami sa kanila ang tumalikod at nanampalataya sa mga hayop. Sa mga
taong 563 B.C., isinilang si Siddhartha Gautama, anak ng haring Suddhodhana at reynang Maya sa kaharian ng Sakyas sa
kanlurang India. Bilang isang prinsipe, siya’y lumaki sa tradisyon ng Hinduismo at nakapag-asawa na napapalibutan ng
kagandahan at karangyaan. Isang araw, matapos siyang magkaroon ng anak na lalaki, si Gautama ay naharap sa apat na
pangyayari na nakapagbago sa kanyang buhay. Ang una ay nakakita siya ng isang tao na nakalugmok sa lupa at
namimilipit sa sakit. Ang ikalawa ay nakakita siya ng isang matandang lalaki, nakukuba na ang likod, nanginginig ang mga
kamay at hirap nang lumakad. Ang ikatlo ay nakakita siya ng taong ililibing na kung saan ang mga naulila ay nag-iiyakan.
Ang ikaapat ay nakakita siya ng isang manlilimos na monghe, payapa at tahimik na nagpapalimos ng kanyang makakain.
Dahil sa mga nakita niya, iniwan niya ang asawa’t anak at naging monghe upang mapag-isipan niya nang husto ang
kondisyon ng tao, ng sakit, ng pagtanda at ng kamatayan. Ang gabing iniwan niya ang lahat upang hanapin ang
kaliwanagan ay tinaguriang “gabi ng dakilang renunsasyon”. Nagpalaboy-laboy ang prinsipe bilang isang manlilimos na
monghe. Hanggang sa isang araw sa lilim ng isang puno habang nagninilay, ipinangako niya sa sarili na di siya aalis sa
lugar na iyon hanggang di niya nakukuha ang kasagutan at ang karunungang kanyang inaasam. Nagpatuloy siya sa
kanyang meditasyon hanggang sa maunawaan niya ang unang batas ng buhay na,” mula sa Mabuti kailangang magmula
sa mabuti at sa masama ay kailangang magmula ang masama. Ito ang susi sa karunungan”. Alam ni Siddhartha Gautama
na hindi bago ito sapagkat ito ang batas ng karma ng Hinduismo, subalit iba naman ang konklusyon na hinugot niya mula
rito. Mula sa ilalim ng puno, pumunta siya sa lalawigan ng Banares, nangalap ng mga monghe at tagasunod at nangaral
ng una niyang sermon na tinaguriang Sermon sa Banares. Nang matapos siyang mangaral, tinagurian na siyang “Ang
Naliwanagan”, “Ang Nagising” o Buddha ng kanyang mga tagapakinig at tagasunod. Nag-organisa si Buddha ng misyon
ng pagtuturo sa buong India at lahat ng makarinig sa kanya na nawalan na ng gana sa tradisyonal na relihiyon ay naging
tagasunod niya.Nang mamatay si Buddha sa edad na walumpu, ang Buddhismo ay nagkaugat na at naging epektibong
pwersang moral sa India. Kahit pa nagkaroon ng reporma sa Hinduismo na nakabawas sa impluensya ng Buddhismo sa
India, ito naman ay hindi nakapigil sa Buddhismo dahil ito ay naikalat na ng tagasunod ni Buddha sa Ceylon, Burma,
Thailand, China, Korea, Tibet at Japan.
Ang Buddhismo ay itinatag ni Siddharta Gautama, isang prinsipe. Isinuko niya ang karangyaan, luho, at masarap
na buhay. Iniwan niya ang kanyang pamilya at naglakbay hanggang matuklasan ang kaliwanagan. Sumibol ang Buddhismo
ng mga 2500 taon nang nakakaraan sa India sa panahong ang mga tao ay may malalim ng pagkabagot sa relihiyong
Hinduismo dahil sa paglaganap ng sistemang caste at lumalaking bilang ng mga outcastes. Napanghinaan ng loob at
nawalan ang mga tao ng tiwala sa reinkarnasyon. Nakita nila ang kanilang kapalaran bilang isang malungkot at mahabang
proseso ng reinkarnasyon na nakawawala ng pag-asa. Marami sa kanila ang tumalikod at nanampalataya sa mga hayop.
Taong 563 B.C., sa panahong ito, isinilang si Buddha, anak ng Haring Suddhodhana at Reynang Maya sa kaharian ng
Sakyas sa kanlurang India. Pinangalanan nila ng Siddhartha Gautama ang batang magiging si Buddha. Nakita at
napagtanto ni Siddhartha ang kondisyon ng tao, ng sakit, ng pagtanda, at ng kamatayan. Ang gabing iniwan niya ang lahat
upang hanapin ang kaliwanagan ay tinaguriang “Gabi ng Dakilang Renunsasyon”. Nagpalaboy-laboy ang prinsipe bilang
isang manlilimos na monghe hanggang sa isang araw sa lilim ng isang puno habang nagninilay, ipinangako niya sa sarili na
di siya aalis sa lugar na iyon hanggang di niya nakukuha ang kasagutan at ang karunungang kanyang inaasam. Nagpatuloy
si Siddhartha sa kanyang meditasyon hangang sa maunawaan niya ang unang batas ng buhay na mula sa mabuti,
kailangang magmula sa mabuti, at sa masama ay kailangang magmula ang masama. Napagtanto niyang ito ang susi sa
karunungan. Nagtungo si Siddhartha Gautama sa lalawigan ng Banares, nangalap ng mga monghe at tagasunod at
nangaral ng una niyang sermon na tinaguriang “Ang sermon sa Banares”.
Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhismo
Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa.
Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo
ang tunay na kaligayahan o nirvana.
Walong Dakilang Daan
1. Tamang Pag-iisip 5. Tamang Pagsasalita
2. Tamang Aspirasyon 6. Tamang Pagkilos
3. Tamang Pananaw 7. Tamang Hanapbuhay
4. Tamang Intensiyon 8. Tamang Pagkaunawa
Jainismo
Isa sa mga relihiyon sa India ang Jainismo. Ayon sa Veda, ito ay itinatag ni Rsabha, subalit ang naging pinakapinuno ng
Jainismo ay si Prinsipe Vardhamana o Mahavira na tinaguriang ”Ang dakilang bayani”. Tinalikuran niya ang lahat ng
kaniyang kayamanan at kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha.
Mga Doktrina ng Jainismo
Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay. Ito ay siklo
na dapat maranasan ng lahat ng tao. Binibigyang-diin din ng Jainismo ang asetismo o pagpapakasakit at mahigpit na
penitensya upang mapaglabanan ang kasakiman ng katawan. Naniniwala si Mahavira sa AHIMSA (non- violence) o ang
kawalan ng pananakit na nagbibigay dangal sa buhay. Itinuro rin niya na ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging magaan
kapag sumusunod ito sa banal na batas ng buhay. Itinuro ni Mahavira ang doktrina sa mga tao ng tatlumpong taon.
Matapos mamatay si Mahavira, ang mga disipulo niya ay inipon ang kanyang sermon sa apatnaput-anim na libro na
tinawag na agamas at ito ang naging banal na aklat ng Jainismo. Ang nirvana ayon sa mga Jains ay makakamit sa
pamamagitan ng tatlong hiyas ng kaluluwa. Ang mga ito ay ang tamang kumbiksyon, tamang karunungan, at tamang pag-
uugali. Ang turo ni Mahavira ay hindi nagkaroon ng ugat sa labas ng India. Kahit sa India, hindi ito naging matagumpay at
sa ngayon ay papaunti na ang mga tagasunod nito. May natitira na lamang sa India ng mahigit kumulang isa’t kalahating
milyong Jains sa kasalukuyan.
Sikhismo
Umusbong ang relihiyong Sikhismo sa panahon ng hindi pagkakaunawaang panrelihiyon ng Hinduismo at Islam. Naging
bunga nito ang pagbuo ng isang relihiyon na may pagkakapatiran. Hindu man o Muslim lahat ay dapat magkakasama at
magkakapatid. Itinatag ang Sikhismo ng unang guru na si Baba Nanak na higit na kilala sa pangalang Guru Nanak.
Mga Paniniwala ng Sikhismo
Ang mga tagasunod ng Sikhismo ay naniniwala sa reinkarnasyon at sa pagakyat ng mga kaluluwa mula sa mababang
antas pataas. Kailangang masagip ang mga tao; kung hindi, sila ay patuloy na makararanas ng muli’t muling pagsilang.
Ang Nirvana ng mga Sikh ay makakamtan sa pagsama ng indibidwal sa kaniyang lumikha sa kabilang buhay. Sa Sikhismo,
ang pangunahing nais ng tao ay ang sirain ang siklo ng kapanganakan at kamatayan at makiisa sa Diyos. Ito ay magagawa
sa paraan ng pagsunod sa mga turo ng guru, meditasyon, at pagseserbisyo o pagkakawanggawa. Maliligtas ang tao kung
masusupil o mapaglalabanan ang Limang Pangunahing Bisyo (Five Cardinal Vices) - pagnanasang pansekswal, galit,
kasakiman, pagkamakamundo, at kahambugan.
MGA RELIHIYON SA TIMOG-KANLURANG ASYA
Judaismo
Ang Judaismo ay relihiyon ng mga Jew o Israelite, isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ito ay monoteistikong
relihiyon na ang ibig sabihin ay ang paniniwala sa isang Diyos at tagalikha, si Yahweh. Ang mga nais ni Yahweh ay
nakasaad sa Torah, ang pinakasentro ng pag-aaral ng Judaismo. Ang Torah na nangangahulugang “batas at aral” ay
naglalaman ng limang aklat ni Moses: ang Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, at Deuteronomy. Maraming naging
patriarka ang mga Jew, kasama na rito sina Abraham, Isaac, at Jacob, ngunit ang pinakadakilang pinuno ay si Moses.
Ang Sampung Utos na gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay:
1. Ibigin mo nang lubos ang Diyos nang higit sa lahat.
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
7. Huwag kang magnanakaw.
8. Huwag kang magbibintang at huwag kang
magsisinungaling.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
10.Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
Kristiyanismo
Kristiyanismo – relihiyon na nakatuon sa buhay at pagtuturo ni Hesus ng Nazareth. Ang mga Kristiyano ay naniniwala na
si Hesus, na tinatawag ding Hesukristo, ang Anak ng Diyos at ang Tagapagligtas na inihayag sa Lumang Tipan.
Pinaniniwalaan nila ang Bagong Tipan bilang talaan ng mabuting balita na inilahad ni Hesus. Ang Banal na libro ng mga
Kristiyano ay ang Bibliya, na galing sa salitang Latin at Griego na nangangahulugang “Libro”. Isang angkop na pangalan
dahil ang Bbiliya ay ang aklat para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon. Ito ay aklat na walang katulad, at katangi-tangi sa
lahat ng aklat. Ang Diyos ang pangunahing awtor ng Bibliya. Dahil sa kapangyarihan ng Diyos, kinasihan o niliwanagan
Niya ang kaisipan at kalooban ng mga manunulat upang maisulat nila ang lahat ng ibig Niya at tanging mga bagay lamang
na nais Niya.
Pinakamalaking bilang ang Kristiyanismo sa lahat ng mga relihiyon sa mundo ayon sa dami ng mga tagasunod, naniniwala
at kasapi nito. Relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo Hesus. Nagmula ang Kristiyanismo sa relihiyong Judaismo. Si
Kristo Hesus ang ipinangakong Mesiyas at manunubos. Siya ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan.
Ayon kay Kristo Hesus, mahal ng Diyos Ama ang lahat ng taong tatanggap at mananampalataya ng tunay at lubos sa
Kanya. Ang Katolisismo ang pangunahing bumubuo sa Kristiyanismo na pinagtibay ng Simbahang Katolika. Naniniwala sa
Santisima Trinidad na may nag-iisang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ito ay nakabatay sa dalawang
paniniwala: Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Diyos at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay. Bahagi ng
paniniwalang katolisismo ang pagsunod sa Pitong Sakramento at pagsasabuhay ng Sampung Utos ng Diyos at mga
kautusan ng simbahan na nagmumula sa Santo Papa sa Rome. Ang Santo Papa sa Rome ang pinakamataas na pinuno ng
Simbahang Katolika. Bibliya ang banal na aklat ng mga Kristiyano na nahahati sa dalawang aklat, ang Lumang Tipan at ang
bagong Tipan. Si Hesukristo ay ipinanganak sa Bethlehem. Namulat at lumaki bilang isang Jew. Sa edad na 30 sinimulan
ni Hesus ang pagpapahayag at pagpapalaganap ng mabuting balita ng Diyos. Maraming naniwala, nakinig, at sumunod sa
kanyang mga tinuran subalit may mga iilang Jew o Hudyo ay taliwas at hindi nais sundin kahit mapakinggan manlamang
ang kanyang mga turo at gawain. Sa kadahilanang ito siya ay ipinahuli, pinahirapan, ipinako sa krus, at namatay. Matapos
ang tatlong araw, muli siyang nabuhay at umakyat sa Diyos Ama sa langit.
Mga Relihiyon mula sa Kanlurang Asya
Islam
Narinig mo na ba ang “Allahu Akbar!’ Nakakita ka na ba ng mga Muslim? Ang Kanlurang Asya ay kilala bilang bansa ng
mga Muslim. Dahil sa paniniwala nila sa Islam na sumasamba lamang sa iisang Diyos o paniniwalang monoteismo. Ang
Islam ay nangangahulugang “Pagsuko sa Kagustuhan ng Diyos na si Allah”.
Ang ‘Islam’ ay salitang Arabic na nanggaling sa salitang ugat na ‘Aslama’, na nangangahulugan ng “kapayapaan,
kusang pagsuko sa kalooban ni Allah at pagsunod sa Kanyang mga kautusan” . ‘Allah’ ay ang pangalang pantangi ng tunay
na Diyos na ginagamit ng mga Muslim. Ang isang taong malaya at tinatanggap niya ng may kabatiran ang Islamikong
pamamaraan ng buhay at taos-pusong isinasabuhay ito ay tinatawag na ‘Muslim’.
Mga Paniniwala at Aral ng Islam
Ang Qur’an ay ang panghuling Aklat ng patnubay mula kay Allah, na ipinahayag kay Propeta Muhammad. Ang tunay at
matapat na Muslim ay naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah. Simula ng nilikha ang unang tao, si Allah ay
nagpahayag ng Kanyang patnubay sa sangkatauhan sa pagpapadala ng mga propeta, na lahat sila ay nag-aanyaya na
maniwala sa Isang Diyos. Ang mga propetang tumanggap ng mga aklat mula kay Allah ay tinawag na mga sugo. Sa tuwing
ang mga aral ng propeta ay nasira ng mga tao si Allah ay nagpapadala ng panibagong propeta upang ibalik ang
sangkatauhan sa Tuwid na Landas. Ang kawing ng Risalah (nangangahulugan ng Pagkapropeta at Pagkasugo) ay
nagsimula kay Adan, kasama si Noah, Abraham, Ismael, Isaac, Lot, Jacob, Jose, Moises, Hesus, at nagtapos kay
Muhammad bilang panghuling sugo ni Allah sa buong sangkatauhan.
Limang Haligi ng Islam
1. Shahadah [Pagsaksi at Pagpapahayag ng Pananampalataya]
2. Salah [Tungkuling Pagdarasal]
3. Zakat [Itinakdang Kawanggawa]
4. Sawm [Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan]
5. Hajj [Paglalakbay sa Makkah]
Zoroastrianismo
Kabilang ang Zoroastriyanismo sa isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Itinatag ito ni Zarathustra na kilala rin sa
ngalan na Zoroaster sa bansang Greece o Zarathosht sa bansang India at Iran. Turo ng propetang si Zoroaster na ang
Diyos ay si Ahura Mazda, tagapaglikha at tagapagtaguyod ng daigdig. Zend Avesta ang banal na aklat o sulatin ng
Zoroastrianismo. Naniniwala ang Zoroastriyanismo na ang daigdig ay may dalawang pwersa na naglalaban, ang mabuti at
masamang pag-iisip. Ayon sa relihiyong ito ang buhay sa daigdig ay pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan.
Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang kataas- taasang diyos; samantalang ang kasamaan ay
pinanangasiwaan ni Ahriman, ang diyablong espiritu o kilala rin sa tawag na Angra Mainyu Malalabanan ang kasamaan sa
paggawa ng kabutihan at tanging pagpapalaganap ng liwanag ang makakawakas sa kadiliman. Pag-ibig, ang makaaalis ng
galit, hidwaan, at bangayan. Kabutihan ang mananaig sa huling yugto ng mundo.
Judaismo – Ang kulturang pananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unahang naitalang pananampalataya
ng monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong pampananampalataya na sinusundan pa rin hanggang sa
ngayon. Sa Judaismo, ayaw banggitin ng mga Hudyo ang ngalan ng Diyos kaya iba-iba ang taguri sa Diyos na ginagamit
nila. Kabilang dito ay “Ang Kapangyarihan", "Ang Banal", Ang Pinagpala", at “Ang Langit”. Ang pinagmulan ng Judaismo
ay ang bansang Israel. Ito ay nagsimula muna sa paniniwala ng relihiyong Canaanite na may halong relihiyong Babylonian
at sa paniniwala kay Yahweh. Ang Judaismo ay laganap sa mga bansang Israel, United States, France, Canada, United
Kingdom, Russia, Argentina, Germany, Australia, at Brazil. Ang nagtatag ng relihiyon na ito ay si Abraham. Ang mga
pangunahing utos at aral ng Judaismo ay mula sa Torah. Ito ay binubuo ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawag na Lumang
Tipán sa Kristiyanismo) at hindi kabilang dito ang Bagong Tipán.
GAWAIN:
Gawain A: Draw Me Sa kaliwang bahagi ng isang bond paper, iguhit ang simbolo ng mga relihiyon sa Timog Asya at sa
kanang bahagi ang simbolo ng mga relihiyon sa Kanlurang Asya.
Gawain B: Kilalanin ang mga relihiyon sa Timog Asya at Kanlurang Asya. Kopyahin sa isang buong papel ang gawaing ito
at isulat ang sagot sa loob ng bilog.
Panuto: Tama o Mali. Iguhit ang kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan at
kung ang pahayag ay hindi wasto.
_____ 1. Malaki ang bahaging ginagampanan ng relihiyon sa buhay ng mga Asyao.
_____ 2. Buwan-buwan dinarayo ng mga Hindu ang Ilog Ganges na matatagpuan sa India.
_____ 3. Sa sati o suttee, ang babaeng asawa ay sumasama sa namayaning asawa nito.
_____ 4. Sa Islam, ipinagbabawal ang pagkain ng karne ng baboy
_____ 5. Qu’ran ang banal na aklat ng mga Muslim.
_____ 6. Allah ang nag-iisang sinasamba ng mga Muslim
_____ 7. Sa pagkamatay ni Roop Konwar, natigil ang tradisyong paniniwala ng mga Hindu na dapat kasama ang babaeng
asawa sa paglibing ng asawa nito.
_____ 8. Isa sa pinagdiriwang ng mga Kristiyano ay ang mahal na araw taon-taon
_____ 9. Si Buddha ay isang prinsipe na tinalikuran ang lahat ng kanyang karangyaan upang hanapin ang tamang landas.
_____ 10. Sa kasalukuyan, ipinatigil na ng pamahalan ng India ang paliligo sa Ilog Ganges.
_____ 11. Ang pinagmulan ng Judaismo ay ang bansang Israel.
_____ 12. Si Guro Nanak ang nagtatag sa relihiyong Sikhism.
_____ 13. Ayon kay Mohammad, ang tao ay nakararanas ng kalungkutan o dalamhati dahil sa kanyang mga nais sa buhay.
_____ 14. Si Mahavira ang nagtatag ng relihiyong Jainism.
_____ 15. Mapipilit ang mga tao kung sino o ano ang kanyang paniniwalaan o sasambahin.

More Related Content

What's hot

Grade 7 4th quarter - ang asya sa sinaunang panahon- mga relihiyon sa timog...
Grade 7   4th quarter - ang asya sa sinaunang panahon- mga relihiyon sa timog...Grade 7   4th quarter - ang asya sa sinaunang panahon- mga relihiyon sa timog...
Grade 7 4th quarter - ang asya sa sinaunang panahon- mga relihiyon sa timog...kelvin kent giron
 
Mga Pilosopiya sa Asya
Mga Pilosopiya sa AsyaMga Pilosopiya sa Asya
Mga Pilosopiya sa Asyaedmond84
 
AP 7 Lesson no. 28: Kontribusyon ng Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 28: Kontribusyon ng Kanlurang at Timog AsyaAP 7 Lesson no. 28: Kontribusyon ng Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 28: Kontribusyon ng Kanlurang at Timog AsyaJuan Miguel Palero
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaJared Ram Juezan
 
AP 7 Lesson no. 14-I: Theravada Buddhism
AP 7 Lesson no. 14-I: Theravada BuddhismAP 7 Lesson no. 14-I: Theravada Buddhism
AP 7 Lesson no. 14-I: Theravada BuddhismJuan Miguel Palero
 
Ang sibilisasyon ng sinaunang india
Ang sibilisasyon ng sinaunang indiaAng sibilisasyon ng sinaunang india
Ang sibilisasyon ng sinaunang indiaAnne Camille Sanchez
 
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang AsyaMga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang AsyaJoy Ann Jusay
 
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptxRELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptxMaeAnnePulido2
 
4 th quarter ang asya sa sinaunang panahon- kanlurang asya - MESOPOTAMIA
4 th quarter   ang asya sa sinaunang panahon-  kanlurang asya - MESOPOTAMIA4 th quarter   ang asya sa sinaunang panahon-  kanlurang asya - MESOPOTAMIA
4 th quarter ang asya sa sinaunang panahon- kanlurang asya - MESOPOTAMIAkelvin kent giron
 
Modyul 15 mga dahilan at paraan ng kolonyalismong kanluranin sa
Modyul 15 mga dahilan at paraan ng kolonyalismong kanluranin saModyul 15 mga dahilan at paraan ng kolonyalismong kanluranin sa
Modyul 15 mga dahilan at paraan ng kolonyalismong kanluranin saEvalyn Llanera
 
AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docxAP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docxJackeline Abinales
 
Mga Relihiyon sa Asya
Mga Relihiyon sa AsyaMga Relihiyon sa Asya
Mga Relihiyon sa Asyaedmond84
 
Ang silangan at timog silangang asya sa transisyonal at makabagong panahon
Ang silangan at timog silangang asya sa transisyonal at makabagong panahonAng silangan at timog silangang asya sa transisyonal at makabagong panahon
Ang silangan at timog silangang asya sa transisyonal at makabagong panahonCris Zaji
 
Paglaganap ng nasyonalismo sa kanlurang asya
Paglaganap ng nasyonalismo sa kanlurang asya Paglaganap ng nasyonalismo sa kanlurang asya
Paglaganap ng nasyonalismo sa kanlurang asya pats molina
 
Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya
Mga Relihiyon at Pilosopiya sa AsyaMga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya
Mga Relihiyon at Pilosopiya sa AsyaNelly Jomuad
 
What's hot (20)

Grade 7 4th quarter - ang asya sa sinaunang panahon- mga relihiyon sa timog...
Grade 7   4th quarter - ang asya sa sinaunang panahon- mga relihiyon sa timog...Grade 7   4th quarter - ang asya sa sinaunang panahon- mga relihiyon sa timog...
Grade 7 4th quarter - ang asya sa sinaunang panahon- mga relihiyon sa timog...
 
Mga Pilosopiya sa Asya
Mga Pilosopiya sa AsyaMga Pilosopiya sa Asya
Mga Pilosopiya sa Asya
 
AP 7 Lesson no. 28: Kontribusyon ng Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 28: Kontribusyon ng Kanlurang at Timog AsyaAP 7 Lesson no. 28: Kontribusyon ng Kanlurang at Timog Asya
AP 7 Lesson no. 28: Kontribusyon ng Kanlurang at Timog Asya
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
 
AP 7 Lesson no. 14-I: Theravada Buddhism
AP 7 Lesson no. 14-I: Theravada BuddhismAP 7 Lesson no. 14-I: Theravada Buddhism
AP 7 Lesson no. 14-I: Theravada Buddhism
 
Ang sibilisasyon ng sinaunang india
Ang sibilisasyon ng sinaunang indiaAng sibilisasyon ng sinaunang india
Ang sibilisasyon ng sinaunang india
 
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang AsyaMga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya
 
National monarchy
National monarchyNational monarchy
National monarchy
 
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptxRELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
RELIHIYON AT PILOSOPIYA-FINAL.pptx
 
4 th quarter ang asya sa sinaunang panahon- kanlurang asya - MESOPOTAMIA
4 th quarter   ang asya sa sinaunang panahon-  kanlurang asya - MESOPOTAMIA4 th quarter   ang asya sa sinaunang panahon-  kanlurang asya - MESOPOTAMIA
4 th quarter ang asya sa sinaunang panahon- kanlurang asya - MESOPOTAMIA
 
Modyul 15 mga dahilan at paraan ng kolonyalismong kanluranin sa
Modyul 15 mga dahilan at paraan ng kolonyalismong kanluranin saModyul 15 mga dahilan at paraan ng kolonyalismong kanluranin sa
Modyul 15 mga dahilan at paraan ng kolonyalismong kanluranin sa
 
Repormasyon
RepormasyonRepormasyon
Repormasyon
 
AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docxAP7 Q4 LAS NO.7  Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO.7 Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.docx
 
Sikhismo at taoismo
Sikhismo at taoismoSikhismo at taoismo
Sikhismo at taoismo
 
Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya
 
Mga Relihiyon sa Asya
Mga Relihiyon sa AsyaMga Relihiyon sa Asya
Mga Relihiyon sa Asya
 
Ang silangan at timog silangang asya sa transisyonal at makabagong panahon
Ang silangan at timog silangang asya sa transisyonal at makabagong panahonAng silangan at timog silangang asya sa transisyonal at makabagong panahon
Ang silangan at timog silangang asya sa transisyonal at makabagong panahon
 
Paglaganap ng nasyonalismo sa kanlurang asya
Paglaganap ng nasyonalismo sa kanlurang asya Paglaganap ng nasyonalismo sa kanlurang asya
Paglaganap ng nasyonalismo sa kanlurang asya
 
Confucianism
ConfucianismConfucianism
Confucianism
 
Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya
Mga Relihiyon at Pilosopiya sa AsyaMga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya
Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya
 
Similar to LAS Mga Relihiyon sa Timog at.docx

Sim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya editedSim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya editedDioni Kiat
 
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptx
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptxmgarelihiyonsaasya-181001040029.pptx
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptxMaerieChrisCastil
 
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang Asyano
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang AsyanoAralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang Asyano
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang AsyanoSMAP_ Hope
 
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asyaModyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asyaEvalyn Llanera
 
Mga Relihiyon sa Asya - Part 1
Mga Relihiyon sa Asya - Part 1Mga Relihiyon sa Asya - Part 1
Mga Relihiyon sa Asya - Part 1Mavict De Leon
 
vdocuments.mx_relihiyong-asyano3.ppt
vdocuments.mx_relihiyong-asyano3.pptvdocuments.mx_relihiyong-asyano3.ppt
vdocuments.mx_relihiyong-asyano3.pptkennethlubrico
 
Asian History - Hand-out # 1
Asian History - Hand-out # 1Asian History - Hand-out # 1
Asian History - Hand-out # 1Mavict De Leon
 
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong AsyanoMga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong AsyanoEileen Aycardo
 
AP 7 Lesson no. 14-E: Hinduism
AP 7 Lesson no. 14-E: HinduismAP 7 Lesson no. 14-E: Hinduism
AP 7 Lesson no. 14-E: HinduismJuan Miguel Palero
 
Similar to LAS Mga Relihiyon sa Timog at.docx (20)

Sim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya editedSim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya edited
 
MGA RELIHIYON SA ASYA
MGA RELIHIYON SA ASYAMGA RELIHIYON SA ASYA
MGA RELIHIYON SA ASYA
 
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptx
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptxmgarelihiyonsaasya-181001040029.pptx
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptx
 
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang Asyano
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang AsyanoAralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang Asyano
Aralin 8 Ang mga relihiyong at ang paniniwalang Asyano
 
Las mga relihiyon sa asya
Las mga relihiyon sa  asyaLas mga relihiyon sa  asya
Las mga relihiyon sa asya
 
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asyaModyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
 
Mga Relihiyon sa Asya - Part 1
Mga Relihiyon sa Asya - Part 1Mga Relihiyon sa Asya - Part 1
Mga Relihiyon sa Asya - Part 1
 
vdocuments.mx_relihiyong-asyano3.ppt
vdocuments.mx_relihiyong-asyano3.pptvdocuments.mx_relihiyong-asyano3.ppt
vdocuments.mx_relihiyong-asyano3.ppt
 
Ang mga Relihiyon sa Asya.pptx
Ang mga Relihiyon sa Asya.pptxAng mga Relihiyon sa Asya.pptx
Ang mga Relihiyon sa Asya.pptx
 
Relihiyon sa asya
Relihiyon sa asyaRelihiyon sa asya
Relihiyon sa asya
 
Relihiyon sa asya
Relihiyon sa asyaRelihiyon sa asya
Relihiyon sa asya
 
Asian History - Hand-out # 1
Asian History - Hand-out # 1Asian History - Hand-out # 1
Asian History - Hand-out # 1
 
Ang Asya - Hand-out
Ang Asya - Hand-outAng Asya - Hand-out
Ang Asya - Hand-out
 
Aralin 8
Aralin 8Aralin 8
Aralin 8
 
Dn
DnDn
Dn
 
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong AsyanoMga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
 
AP 7 Lesson no. 14-E: Hinduism
AP 7 Lesson no. 14-E: HinduismAP 7 Lesson no. 14-E: Hinduism
AP 7 Lesson no. 14-E: Hinduism
 
Hinduismo
Hinduismo Hinduismo
Hinduismo
 
Mga Relihiyon sa Asya.pptx
Mga Relihiyon sa Asya.pptxMga Relihiyon sa Asya.pptx
Mga Relihiyon sa Asya.pptx
 
Religion deme
Religion demeReligion deme
Religion deme
 
More from Jackeline Abinales

Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxQ3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxJackeline Abinales
 
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigJackeline Abinales
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Jackeline Abinales
 
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxLAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxJackeline Abinales
 
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docxQ3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docxJackeline Abinales
 
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxQ3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxJackeline Abinales
 
LAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docxLAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docxJackeline Abinales
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxJackeline Abinales
 
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxRutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxJackeline Abinales
 
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Jackeline Abinales
 
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxPananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxJackeline Abinales
 
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxPananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxJackeline Abinales
 
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxPananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxJackeline Abinales
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxKolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxJackeline Abinales
 
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docxLEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docxJackeline Abinales
 
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxPambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxJackeline Abinales
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Jackeline Abinales
 
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxAng China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxJackeline Abinales
 
More from Jackeline Abinales (20)

Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxQ3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
 
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
 
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxLAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
 
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docxQ3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
 
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxQ3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
 
LAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docxLAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docx
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
 
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxRutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
 
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
 
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxPananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
 
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxPananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
 
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxPananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxKolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
 
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docxLEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
 
ra 8491.pptx
ra 8491.pptxra 8491.pptx
ra 8491.pptx
 
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxPambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
 
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxAng China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
 
Recently uploaded

Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKONecelynMontolo
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxrodriguezjoelina25
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
Recently uploaded (20)

Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKOAP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
AP 4 - MAY BAHAGI AKO SA KAHUSAYANG PANSIBIKO
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptxTAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
TAYUTAY-TARPAPEL-PINAL-NA-PAKITANGTURO-pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
LAS Mga Relihiyon sa Timog at.docx

  • 1. LEARNING ACTIVITY SHEET: Mga Relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya NAME: _____________________________ SECTION: ____________ DATE_______________ SCORE:__________ Ang tawag sa masidhing paniniwalang ito ng mga Asyano ay relihiyon. Ang salitang ito ay nagmula sa salitang Latin na religare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik-loob. Halos lahat ng relihiyon ay nagmula sa Asya, ito ay ayon sa kasaysayan na ating aalamin lalo na sa Timog at Kanlurang Asya. Ito ang ilan sa mga kahulugan ng relihiyon: Ang relihiyon ay ang pagkilala sa isang kapangyarihan ng nakapaghahari sa lahat ng bagay at ang kanyang mga batas at utos ay sinusunod. Ito ay isang organisadong sistema ng pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian at pananalig na nakasentro sa isa o higit pang kinikilalalang diyos. Isang kalipunan ng mga sistema ng paniniwala, mga sistemang kultural at pananaw na nag-uugnay ng sangkatauhan, espiritwalidad, at minsan ay moralidad. MGA RELIHIYON SA TIMOG ASYA Hinduismo Ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig na nagmula pa sa kabihasnang Vedic na itinatag ng mga Aryan. Ito ang pangunahing relihiyon sa India. Sa simbolo nito na AUM na simbolo nito ay nangangahulugang “ang kapangyarihan ng paglikha, pagpapaunlad, at paggunaw ng mundo ay magmumula lamang sa panginoon.’ A – ay simula, U – ay pag-unlad, M – ay hangganan. Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng isang malawak na spectrum ng mga batas at preskripsyon ng mga “pang-araw-araw na moralidad” batay sa karma, dharma, at iba pang norm sa lipunan. Bagaman ito ay naniniwala sa napakaraming diyos na umaabot sa 330 milyon, kinikilala nito na may isang pinakamataas na diyos at ito ay si Brahma. Pinaniniwalaan ng mga Hindu si Brahma ay ang tagapaglikha, siVishnu ay ang tagapagpanatili, at si Shiva ay ang tagasira. Hindi sila magkakahiwalay kundi ibaibang aspekto at manipestasyon ng iisang banal na kaisahan o trimutri. Ang mga Hindu ay naniniwala na ang trimutri ay patuloy na naglilikha at nagbabago sa mundo, na sa katapusan ng bawat siglo ng “araw ni Brahma”, ang lumang mundo ay sinisira ni Shiva, si Brahma naman ay lumilikha ng panibagong mundo at si Vishnu ay nagpapakita sa mundo sa iba-ibang anyo upang panatilihin ang mundo at gabayan ang mga tao. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste o ang pag-uuri-uri ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin. Ang pangunahing relihiyon sa India ay Hinduismo. Ang mga Aryan ang unang tribong sumampalataya sa relihiyong ito. Naniniwala sila sa mga diyos na mula sa iba’t ibang likha ng kalikasan, subalit ang kanilang paniniwala ay napalitan ngpagsamba kay Brahma. Veda ang tawag sa banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan. Tinuturo ng Veda kung paano magkaroon ng mahaba at mabuting buhay ang tao. Ang indibidwal na pagsamba ginagalang ng Hinduismo; mayroon silang mga altar at pumupunta rin sila sa mga banal na lugar. Paniniwala ng mga Hindu Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala ng pagkakaisang espirituwal. Naniniwala sila sa pagmamahal, paggalang, at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay,
  • 2. espiritu o kaluluwa. Polytheism ang tawag sa kanilang pagsamba sa iba’t ibang uri at anyo ng Diyos. Bahagi ng kanilang paniniwala ang reinkarnasyon na kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang anyo, paraan, o nilalang. Naniniwala rin sila sa karma. Ang karma ay ang pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa at pagdurusa naman kung di-mabuti ang ginawa sa kapwa. Anoman ang kaniyang antas sa lipunan naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay kinakailangang magsikap sa buhay at ito ay dapat na inaalay sa Diyos. Isa sa pinakamahalagang bahagi ng Hinduismo ang sistemang caste o ang pag-uuri-uri ng mga tao sa India batay sa propesyon o tungkulin. Ang sistemang caste ay binubuo ng Brahmin (mga pari at pantas), Kshatriyas (mandirigma), Vaishyas (magsasaka at mangangalakal), at Sudras (mga alipin at manggagawa). Ang “Untouchables” o “Outcastes” naman ay ang tawag sa mga taong di kabilang saalinmang pangkat at gumagawa ng pinakamababang uri ng gawain. Ang Hinduismo ay naniniwala na ang tao ay hindi namamatay kundi nagkakaroon ng reinkarnasyon sa mga susunod na henerasyon, kung saan ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan o “Samsana”, dala-dala ang gantimpala o parusa ng nakaraan niyang buhay ayon sa batas ng Karma. Ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng kabutihan hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang kaluluwa ay makakaisa ni Brahman sa habang panahon sa estado na tinatawag na Nirvana. Upang matulungang makamit ang Nirvana, may disiplinang kailangang buuin na tinaguriang yoga. Liban dito, ang batas ng moral na kaayusan o Dharma ay nararapat ding sundin upang madiskubre ng isang indibidwal ang kanyang sarili. Sistemang Caste Ang Hinduismo ay ang tanging relihiyon na naniniwala sa sistemang caste. Ayon sa kanilang paniniwala, si Brahma ay naglikha ng unang tao na pinangalanang Manu. Mula sa ulo ni Manu ay nagmula ang mga pinakamagaling at pinakabanal na tao na tinawag na brahmin. Mula naman sa kamay ni Manu ang mga mananakop at mandirigma na tinawag na kshatriyas. Sa binti ni Manu ay lumabas ang mga manggagawa sa mundo na tinawag na vaishyas. At sa paa ni Manu ay nagmula ang iba pang tao na tinawag na sudras. Kung ganoon, si Brahma na tagapaglikha ang siyang nagtalaga ng apat na caste ng tao. Ang untouchables o outcasts naman ay ang tawag sa mga taong hindi kabilang sa alinmang pangkat at gumagawa ng pinakamababang uri ng gawain. Bawat pangkat ay may kanikaniyang patakaran at kaasalang sinusunod. Ang Hinduismo ay naniniwalana ang tao ay hindi na mamatay kundi nagkakaroon ng reinkarnasyon sa mga susunod na henerasyon, kung saan ang kaluluwa ay palipat-lipat ng katawan o samsara, ibig sabihin ay dala-dala ang gantimpala o parusa ng nakaraan niyang buhay, ayon sa batas ng karma. Ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging dalisay sa paggawa ng kabutihan hanggang ito ay makawala sa tanikala ng reinkarnasyon ng katawan at ang kaluluwa ay makakaisa ni Brahma sa habang panahon sa estado na tinatawag na nirvana. Upang matulungang makamit ang nirvana, may disiplinang nabuo nang sa gayon ay mapatindi ang konsentrasyon sa paghahangad na matularan si Brahma. Ang disiplinang ito ay ang tinaguriang yoga. Liban dito may batas ding dapat sundin upang matuklasan ng isang indibidwal ang kanyang sarili. Itoay ang batas ng moral na kaayusan o dharma. Sati o Suttee – ang pagsama ng babaeng Hindu sa kanyang asawang namatay sa pagsunog dito. Noong taong 1829, sa ilalim ng pamahalaang Ingles, ipinagbawal sa India ang sati o suttee. Ito ay ang pagpapakamatay ng asawang babae sa pamamagitan ng kaniyang pagsama sa cremation o pagsunog sa labi ng asawang namatay. Itinuturing itong isa sa mga tradisyong Hindu na patuloy pa ring isinasagawa sa ibang pangkat ng tao sa India. Tulad sa nangyari sa isang 18 taong gulang na babae na si Roop Kanwar na nagsagawa ng sati. Ang pangyayaring ito ay naging daan upang batikusin ng mga Kanluraning bansa at ng mga pangkat ng mga feministang Hindu ang tradisyon at modernisasyon. Roop Konwar Nagwakas ang buhay niya dahil siya ay naging biyuda, subalit marami siyang nasagip na buhay ng mgakababaihang Hindu. Isa pang tradisyon ng mga Hindu ang paliligo taon-taon sa Ilog Ganges, sa paniniwala na ang gawaing ito ay maaaring makalinis ng kanilang katawan at kaluluwa. Subalit ang tradisyong ito sa kasalukuyan ay ipanagbawal na ng pamahalaan dahil hindi na malinis ang Ilog Ganges na makasasama sa kalusugan.
  • 3. Buddhismo Ang Buddismo ay sumibol ng mga 2500 taon ang nakaraan sa India sa panahong ang mga tao ay may malalim na pagkabagot sa Hinduismo dahil sa paglaganap ng sistemang caste at lumalaking bilang ng mga outcastes. Nawalan ang mga tao ng tiwala sa reinkarnasyon. Nakita nila ang kanilang kapalaran bilang isang malungkot at mahabang proseso ng reinkarnasyon na nakawawala ng pag-asa. Kaya marami sa kanila ang tumalikod at nanampalataya sa mga hayop. Sa mga taong 563 B.C., isinilang si Siddhartha Gautama, anak ng haring Suddhodhana at reynang Maya sa kaharian ng Sakyas sa kanlurang India. Bilang isang prinsipe, siya’y lumaki sa tradisyon ng Hinduismo at nakapag-asawa na napapalibutan ng kagandahan at karangyaan. Isang araw, matapos siyang magkaroon ng anak na lalaki, si Gautama ay naharap sa apat na pangyayari na nakapagbago sa kanyang buhay. Ang una ay nakakita siya ng isang tao na nakalugmok sa lupa at namimilipit sa sakit. Ang ikalawa ay nakakita siya ng isang matandang lalaki, nakukuba na ang likod, nanginginig ang mga kamay at hirap nang lumakad. Ang ikatlo ay nakakita siya ng taong ililibing na kung saan ang mga naulila ay nag-iiyakan. Ang ikaapat ay nakakita siya ng isang manlilimos na monghe, payapa at tahimik na nagpapalimos ng kanyang makakain. Dahil sa mga nakita niya, iniwan niya ang asawa’t anak at naging monghe upang mapag-isipan niya nang husto ang kondisyon ng tao, ng sakit, ng pagtanda at ng kamatayan. Ang gabing iniwan niya ang lahat upang hanapin ang kaliwanagan ay tinaguriang “gabi ng dakilang renunsasyon”. Nagpalaboy-laboy ang prinsipe bilang isang manlilimos na monghe. Hanggang sa isang araw sa lilim ng isang puno habang nagninilay, ipinangako niya sa sarili na di siya aalis sa lugar na iyon hanggang di niya nakukuha ang kasagutan at ang karunungang kanyang inaasam. Nagpatuloy siya sa kanyang meditasyon hanggang sa maunawaan niya ang unang batas ng buhay na,” mula sa Mabuti kailangang magmula sa mabuti at sa masama ay kailangang magmula ang masama. Ito ang susi sa karunungan”. Alam ni Siddhartha Gautama na hindi bago ito sapagkat ito ang batas ng karma ng Hinduismo, subalit iba naman ang konklusyon na hinugot niya mula rito. Mula sa ilalim ng puno, pumunta siya sa lalawigan ng Banares, nangalap ng mga monghe at tagasunod at nangaral ng una niyang sermon na tinaguriang Sermon sa Banares. Nang matapos siyang mangaral, tinagurian na siyang “Ang Naliwanagan”, “Ang Nagising” o Buddha ng kanyang mga tagapakinig at tagasunod. Nag-organisa si Buddha ng misyon ng pagtuturo sa buong India at lahat ng makarinig sa kanya na nawalan na ng gana sa tradisyonal na relihiyon ay naging tagasunod niya.Nang mamatay si Buddha sa edad na walumpu, ang Buddhismo ay nagkaugat na at naging epektibong pwersang moral sa India. Kahit pa nagkaroon ng reporma sa Hinduismo na nakabawas sa impluensya ng Buddhismo sa India, ito naman ay hindi nakapigil sa Buddhismo dahil ito ay naikalat na ng tagasunod ni Buddha sa Ceylon, Burma, Thailand, China, Korea, Tibet at Japan. Ang Buddhismo ay itinatag ni Siddharta Gautama, isang prinsipe. Isinuko niya ang karangyaan, luho, at masarap na buhay. Iniwan niya ang kanyang pamilya at naglakbay hanggang matuklasan ang kaliwanagan. Sumibol ang Buddhismo ng mga 2500 taon nang nakakaraan sa India sa panahong ang mga tao ay may malalim ng pagkabagot sa relihiyong Hinduismo dahil sa paglaganap ng sistemang caste at lumalaking bilang ng mga outcastes. Napanghinaan ng loob at nawalan ang mga tao ng tiwala sa reinkarnasyon. Nakita nila ang kanilang kapalaran bilang isang malungkot at mahabang proseso ng reinkarnasyon na nakawawala ng pag-asa. Marami sa kanila ang tumalikod at nanampalataya sa mga hayop. Taong 563 B.C., sa panahong ito, isinilang si Buddha, anak ng Haring Suddhodhana at Reynang Maya sa kaharian ng Sakyas sa kanlurang India. Pinangalanan nila ng Siddhartha Gautama ang batang magiging si Buddha. Nakita at napagtanto ni Siddhartha ang kondisyon ng tao, ng sakit, ng pagtanda, at ng kamatayan. Ang gabing iniwan niya ang lahat upang hanapin ang kaliwanagan ay tinaguriang “Gabi ng Dakilang Renunsasyon”. Nagpalaboy-laboy ang prinsipe bilang isang manlilimos na monghe hanggang sa isang araw sa lilim ng isang puno habang nagninilay, ipinangako niya sa sarili na di siya aalis sa lugar na iyon hanggang di niya nakukuha ang kasagutan at ang karunungang kanyang inaasam. Nagpatuloy si Siddhartha sa kanyang meditasyon hangang sa maunawaan niya ang unang batas ng buhay na mula sa mabuti, kailangang magmula sa mabuti, at sa masama ay kailangang magmula ang masama. Napagtanto niyang ito ang susi sa karunungan. Nagtungo si Siddhartha Gautama sa lalawigan ng Banares, nangalap ng mga monghe at tagasunod at nangaral ng una niyang sermon na tinaguriang “Ang sermon sa Banares”. Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhismo Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa. Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa. Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo ang tunay na kaligayahan o nirvana.
  • 4. Walong Dakilang Daan 1. Tamang Pag-iisip 5. Tamang Pagsasalita 2. Tamang Aspirasyon 6. Tamang Pagkilos 3. Tamang Pananaw 7. Tamang Hanapbuhay 4. Tamang Intensiyon 8. Tamang Pagkaunawa Jainismo Isa sa mga relihiyon sa India ang Jainismo. Ayon sa Veda, ito ay itinatag ni Rsabha, subalit ang naging pinakapinuno ng Jainismo ay si Prinsipe Vardhamana o Mahavira na tinaguriang ”Ang dakilang bayani”. Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang kayamanan at kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha. Mga Doktrina ng Jainismo Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay. Ito ay siklo na dapat maranasan ng lahat ng tao. Binibigyang-diin din ng Jainismo ang asetismo o pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang mapaglabanan ang kasakiman ng katawan. Naniniwala si Mahavira sa AHIMSA (non- violence) o ang kawalan ng pananakit na nagbibigay dangal sa buhay. Itinuro rin niya na ang kaluluwa ay nalilinis at nagiging magaan kapag sumusunod ito sa banal na batas ng buhay. Itinuro ni Mahavira ang doktrina sa mga tao ng tatlumpong taon. Matapos mamatay si Mahavira, ang mga disipulo niya ay inipon ang kanyang sermon sa apatnaput-anim na libro na tinawag na agamas at ito ang naging banal na aklat ng Jainismo. Ang nirvana ayon sa mga Jains ay makakamit sa pamamagitan ng tatlong hiyas ng kaluluwa. Ang mga ito ay ang tamang kumbiksyon, tamang karunungan, at tamang pag- uugali. Ang turo ni Mahavira ay hindi nagkaroon ng ugat sa labas ng India. Kahit sa India, hindi ito naging matagumpay at sa ngayon ay papaunti na ang mga tagasunod nito. May natitira na lamang sa India ng mahigit kumulang isa’t kalahating milyong Jains sa kasalukuyan. Sikhismo Umusbong ang relihiyong Sikhismo sa panahon ng hindi pagkakaunawaang panrelihiyon ng Hinduismo at Islam. Naging bunga nito ang pagbuo ng isang relihiyon na may pagkakapatiran. Hindu man o Muslim lahat ay dapat magkakasama at magkakapatid. Itinatag ang Sikhismo ng unang guru na si Baba Nanak na higit na kilala sa pangalang Guru Nanak. Mga Paniniwala ng Sikhismo Ang mga tagasunod ng Sikhismo ay naniniwala sa reinkarnasyon at sa pagakyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas. Kailangang masagip ang mga tao; kung hindi, sila ay patuloy na makararanas ng muli’t muling pagsilang. Ang Nirvana ng mga Sikh ay makakamtan sa pagsama ng indibidwal sa kaniyang lumikha sa kabilang buhay. Sa Sikhismo, ang pangunahing nais ng tao ay ang sirain ang siklo ng kapanganakan at kamatayan at makiisa sa Diyos. Ito ay magagawa sa paraan ng pagsunod sa mga turo ng guru, meditasyon, at pagseserbisyo o pagkakawanggawa. Maliligtas ang tao kung masusupil o mapaglalabanan ang Limang Pangunahing Bisyo (Five Cardinal Vices) - pagnanasang pansekswal, galit, kasakiman, pagkamakamundo, at kahambugan. MGA RELIHIYON SA TIMOG-KANLURANG ASYA Judaismo Ang Judaismo ay relihiyon ng mga Jew o Israelite, isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ito ay monoteistikong relihiyon na ang ibig sabihin ay ang paniniwala sa isang Diyos at tagalikha, si Yahweh. Ang mga nais ni Yahweh ay nakasaad sa Torah, ang pinakasentro ng pag-aaral ng Judaismo. Ang Torah na nangangahulugang “batas at aral” ay naglalaman ng limang aklat ni Moses: ang Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, at Deuteronomy. Maraming naging patriarka ang mga Jew, kasama na rito sina Abraham, Isaac, at Jacob, ngunit ang pinakadakilang pinuno ay si Moses. Ang Sampung Utos na gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay: 1. Ibigin mo nang lubos ang Diyos nang higit sa lahat. 2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan. 3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath. 4. Igalang mo ang iyong ama at ina. 5. Huwag kang papatay. 6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa. 7. Huwag kang magnanakaw. 8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling. 9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari. 10.Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
  • 5. Kristiyanismo Kristiyanismo – relihiyon na nakatuon sa buhay at pagtuturo ni Hesus ng Nazareth. Ang mga Kristiyano ay naniniwala na si Hesus, na tinatawag ding Hesukristo, ang Anak ng Diyos at ang Tagapagligtas na inihayag sa Lumang Tipan. Pinaniniwalaan nila ang Bagong Tipan bilang talaan ng mabuting balita na inilahad ni Hesus. Ang Banal na libro ng mga Kristiyano ay ang Bibliya, na galing sa salitang Latin at Griego na nangangahulugang “Libro”. Isang angkop na pangalan dahil ang Bbiliya ay ang aklat para sa lahat ng tao sa lahat ng panahon. Ito ay aklat na walang katulad, at katangi-tangi sa lahat ng aklat. Ang Diyos ang pangunahing awtor ng Bibliya. Dahil sa kapangyarihan ng Diyos, kinasihan o niliwanagan Niya ang kaisipan at kalooban ng mga manunulat upang maisulat nila ang lahat ng ibig Niya at tanging mga bagay lamang na nais Niya. Pinakamalaking bilang ang Kristiyanismo sa lahat ng mga relihiyon sa mundo ayon sa dami ng mga tagasunod, naniniwala at kasapi nito. Relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo Hesus. Nagmula ang Kristiyanismo sa relihiyong Judaismo. Si Kristo Hesus ang ipinangakong Mesiyas at manunubos. Siya ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan. Ayon kay Kristo Hesus, mahal ng Diyos Ama ang lahat ng taong tatanggap at mananampalataya ng tunay at lubos sa Kanya. Ang Katolisismo ang pangunahing bumubuo sa Kristiyanismo na pinagtibay ng Simbahang Katolika. Naniniwala sa Santisima Trinidad na may nag-iisang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ito ay nakabatay sa dalawang paniniwala: Ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Diyos at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay. Bahagi ng paniniwalang katolisismo ang pagsunod sa Pitong Sakramento at pagsasabuhay ng Sampung Utos ng Diyos at mga kautusan ng simbahan na nagmumula sa Santo Papa sa Rome. Ang Santo Papa sa Rome ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katolika. Bibliya ang banal na aklat ng mga Kristiyano na nahahati sa dalawang aklat, ang Lumang Tipan at ang bagong Tipan. Si Hesukristo ay ipinanganak sa Bethlehem. Namulat at lumaki bilang isang Jew. Sa edad na 30 sinimulan ni Hesus ang pagpapahayag at pagpapalaganap ng mabuting balita ng Diyos. Maraming naniwala, nakinig, at sumunod sa kanyang mga tinuran subalit may mga iilang Jew o Hudyo ay taliwas at hindi nais sundin kahit mapakinggan manlamang ang kanyang mga turo at gawain. Sa kadahilanang ito siya ay ipinahuli, pinahirapan, ipinako sa krus, at namatay. Matapos ang tatlong araw, muli siyang nabuhay at umakyat sa Diyos Ama sa langit. Mga Relihiyon mula sa Kanlurang Asya Islam Narinig mo na ba ang “Allahu Akbar!’ Nakakita ka na ba ng mga Muslim? Ang Kanlurang Asya ay kilala bilang bansa ng mga Muslim. Dahil sa paniniwala nila sa Islam na sumasamba lamang sa iisang Diyos o paniniwalang monoteismo. Ang Islam ay nangangahulugang “Pagsuko sa Kagustuhan ng Diyos na si Allah”. Ang ‘Islam’ ay salitang Arabic na nanggaling sa salitang ugat na ‘Aslama’, na nangangahulugan ng “kapayapaan, kusang pagsuko sa kalooban ni Allah at pagsunod sa Kanyang mga kautusan” . ‘Allah’ ay ang pangalang pantangi ng tunay na Diyos na ginagamit ng mga Muslim. Ang isang taong malaya at tinatanggap niya ng may kabatiran ang Islamikong pamamaraan ng buhay at taos-pusong isinasabuhay ito ay tinatawag na ‘Muslim’.
  • 6. Mga Paniniwala at Aral ng Islam Ang Qur’an ay ang panghuling Aklat ng patnubay mula kay Allah, na ipinahayag kay Propeta Muhammad. Ang tunay at matapat na Muslim ay naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah. Simula ng nilikha ang unang tao, si Allah ay nagpahayag ng Kanyang patnubay sa sangkatauhan sa pagpapadala ng mga propeta, na lahat sila ay nag-aanyaya na maniwala sa Isang Diyos. Ang mga propetang tumanggap ng mga aklat mula kay Allah ay tinawag na mga sugo. Sa tuwing ang mga aral ng propeta ay nasira ng mga tao si Allah ay nagpapadala ng panibagong propeta upang ibalik ang sangkatauhan sa Tuwid na Landas. Ang kawing ng Risalah (nangangahulugan ng Pagkapropeta at Pagkasugo) ay nagsimula kay Adan, kasama si Noah, Abraham, Ismael, Isaac, Lot, Jacob, Jose, Moises, Hesus, at nagtapos kay Muhammad bilang panghuling sugo ni Allah sa buong sangkatauhan. Limang Haligi ng Islam 1. Shahadah [Pagsaksi at Pagpapahayag ng Pananampalataya] 2. Salah [Tungkuling Pagdarasal] 3. Zakat [Itinakdang Kawanggawa] 4. Sawm [Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan] 5. Hajj [Paglalakbay sa Makkah] Zoroastrianismo Kabilang ang Zoroastriyanismo sa isa sa pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Itinatag ito ni Zarathustra na kilala rin sa ngalan na Zoroaster sa bansang Greece o Zarathosht sa bansang India at Iran. Turo ng propetang si Zoroaster na ang Diyos ay si Ahura Mazda, tagapaglikha at tagapagtaguyod ng daigdig. Zend Avesta ang banal na aklat o sulatin ng Zoroastrianismo. Naniniwala ang Zoroastriyanismo na ang daigdig ay may dalawang pwersa na naglalaban, ang mabuti at masamang pag-iisip. Ayon sa relihiyong ito ang buhay sa daigdig ay pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang kataas- taasang diyos; samantalang ang kasamaan ay pinanangasiwaan ni Ahriman, ang diyablong espiritu o kilala rin sa tawag na Angra Mainyu Malalabanan ang kasamaan sa paggawa ng kabutihan at tanging pagpapalaganap ng liwanag ang makakawakas sa kadiliman. Pag-ibig, ang makaaalis ng galit, hidwaan, at bangayan. Kabutihan ang mananaig sa huling yugto ng mundo. Judaismo – Ang kulturang pananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mga kauna-unahang naitalang pananampalataya ng monoteista at isa rin sa mga pinakalumang tradisyong pampananampalataya na sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. Sa Judaismo, ayaw banggitin ng mga Hudyo ang ngalan ng Diyos kaya iba-iba ang taguri sa Diyos na ginagamit nila. Kabilang dito ay “Ang Kapangyarihan", "Ang Banal", Ang Pinagpala", at “Ang Langit”. Ang pinagmulan ng Judaismo ay ang bansang Israel. Ito ay nagsimula muna sa paniniwala ng relihiyong Canaanite na may halong relihiyong Babylonian at sa paniniwala kay Yahweh. Ang Judaismo ay laganap sa mga bansang Israel, United States, France, Canada, United
  • 7. Kingdom, Russia, Argentina, Germany, Australia, at Brazil. Ang nagtatag ng relihiyon na ito ay si Abraham. Ang mga pangunahing utos at aral ng Judaismo ay mula sa Torah. Ito ay binubuo ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawag na Lumang Tipán sa Kristiyanismo) at hindi kabilang dito ang Bagong Tipán. GAWAIN: Gawain A: Draw Me Sa kaliwang bahagi ng isang bond paper, iguhit ang simbolo ng mga relihiyon sa Timog Asya at sa kanang bahagi ang simbolo ng mga relihiyon sa Kanlurang Asya. Gawain B: Kilalanin ang mga relihiyon sa Timog Asya at Kanlurang Asya. Kopyahin sa isang buong papel ang gawaing ito at isulat ang sagot sa loob ng bilog. Panuto: Tama o Mali. Iguhit ang kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan at kung ang pahayag ay hindi wasto. _____ 1. Malaki ang bahaging ginagampanan ng relihiyon sa buhay ng mga Asyao. _____ 2. Buwan-buwan dinarayo ng mga Hindu ang Ilog Ganges na matatagpuan sa India. _____ 3. Sa sati o suttee, ang babaeng asawa ay sumasama sa namayaning asawa nito. _____ 4. Sa Islam, ipinagbabawal ang pagkain ng karne ng baboy _____ 5. Qu’ran ang banal na aklat ng mga Muslim. _____ 6. Allah ang nag-iisang sinasamba ng mga Muslim _____ 7. Sa pagkamatay ni Roop Konwar, natigil ang tradisyong paniniwala ng mga Hindu na dapat kasama ang babaeng asawa sa paglibing ng asawa nito. _____ 8. Isa sa pinagdiriwang ng mga Kristiyano ay ang mahal na araw taon-taon _____ 9. Si Buddha ay isang prinsipe na tinalikuran ang lahat ng kanyang karangyaan upang hanapin ang tamang landas. _____ 10. Sa kasalukuyan, ipinatigil na ng pamahalan ng India ang paliligo sa Ilog Ganges. _____ 11. Ang pinagmulan ng Judaismo ay ang bansang Israel. _____ 12. Si Guro Nanak ang nagtatag sa relihiyong Sikhism. _____ 13. Ayon kay Mohammad, ang tao ay nakararanas ng kalungkutan o dalamhati dahil sa kanyang mga nais sa buhay. _____ 14. Si Mahavira ang nagtatag ng relihiyong Jainism. _____ 15. Mapipilit ang mga tao kung sino o ano ang kanyang paniniwalaan o sasambahin.