Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya
Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay nangangahulugan ng pagpasok ng dalawang magkatunggaling ideolohiya sa Tsina. Lumaganap sa bansa ang ideolohiya ng demokrasya at komunismo. Ito ay nagdulot ng pagkakahati ng bansa at naghudyat ng tunggalian ng mga pinunong Tsino na nagsusulong ng demokrasya at komunismo.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay senyales ng pagwawakas ng mahigit sa 2,000 taon ng pamumuno ng mga dinastiya sa China. Hinarap ng mga Tsino ang isang malaking hamon sa kanilang bansa – ito ay ang pagtukoy sa ipapalit na pamumuno ng mga emperador.
Sa panahon na ito ng kaguluhang pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa nakilala si Sun Yat Sen. Nakapag-aral si Sun sa Hawaii at sa Hong Kong Medical School. Isinulong niya ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo (three principles): ang San Min Chu-i o nasyonalismo, Min-Tsu-Chu-I o demokrasya at Min-Sheng-Chu-I o kabuhayang pantao. Binigyang-diin ni Sun na ang pagkakaisa ng mga Tsino ang susi sa tagumpay laban sa mga imperyalistang bansa. Naging ganap ang pamumuno ni Sun sa China nang pamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na Double Ten Revolution na naganap noong Oktubre 10, 1911. Tinawag itong Double Ten dahil naganap ito sa ika-sampung buwan ng taon (Oktubre) at ika-sampung araw ng buwan. Sa araw ding ito, itinatag ang bagong Republika ng China. Dahil sa kaniyang tagumpay, pansamantalang itinalaga si Sun bilang pangulo ng bansa noong Oktubre 29, 1911, tinagurian siya bilang “Ama ng Republikang Tsino”. Itinag ni Sun Yat-Sen ang Partido Kuomintang o Nationalist Party noong 1912. Naging batayan ng kaniyang pamumuno ang paggamit ng konsiliasyon (conciliation) at pagkakasundo (compromise) upang maiwasan ang alitan at maisulong ang kaunlaran ng bansa. Naniniwala din siya na dapat pagtuunan ng pansin ang regulasyon ng puhunan (regulation of capital) at pantay-pantay na pag-aari ng lupa (equalization of land ownership). Higit sa lahat, hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan at kaunlarang pang-ekonomiya.
Humalili si Heneral Chiang Kai Shek bilang pinuno ng Partido Kuomintang nang mamatay si Sun Yat-Sen noong Marso 12, 1925. Sa ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai Shek ay ipinagpatuloy ng Kuomintang ang pakikipaglaban sa mga warlords (nagmamay-ari ng lupa na may sariling sandatahang lakas.
Matapos magapi ang mga warlords, hinarap ng Kuomintang ang isa pang kalaban – ang pagpasok ng katunggaling ideolohiya sa China – ang komunismo na ipinalaganap ni Mao Zedong sa China.
Ideolohiyang Komunismo sa China
Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay nagsimula noong 1918. Naging tanyag ang komunismo sa China sa pamumuno ni Mao Zedong. Si Mao ay mula sa pamiya ng magbubukid sa probinsiya ng Hunan. Sinuportahan at isinulong ni Mao ang mga prin
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
1. Ang China sa gitna ng dalawang
magkatunggaling ideolohiya
Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay
nangangahulugan ng pagpasok ng
dalawang magkatunggaling ideolohiya
sa Tsina. Lumaganap sa bansa ang
ideolohiya ng demokrasya at
komunismo. Ito ay nagdulot ng
pagkakahati ng bansa at naghudyat
ng tunggalian ng mga pinunong Tsino
na nagsusulong ng demokrasya at
komunismo.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
Ang pagbagsak ng dinastiyang
Manchu ay senyales ng pagwawakas ng
mahigit sa 2,000 taon ng pamumuno ng
mga dinastiya sa China. Hinarap ng mga
Tsino ang isang malaking hamon sa
kanilang bansa – ito ay ang pagtukoy sa
ipapalit na pamumuno ng mga
emperador.
Sa panahon na ito ng kaguluhang
pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa
nakilala si Sun Yat Sen. Nakapag-aral
si Sun sa Hawaii at sa Hong Kong
Medical School. Isinulong niya ang
pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang
tatlong prinsipyo (three principles): ang
San Min Chu-i o nasyonalismo, Min-
Tsu-Chu-I o demokrasya at Min-
Sheng-Chu-I o kabuhayang pantao.
Binigyang-diin ni Sun na ang pagkakaisa
ng mga Tsino ang susi sa tagumpay
laban sa mga imperyalistang bansa.
Naging ganap ang pamumuno ni Sun sa
China nang pamunuan niya ang mga
Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na Double Ten Revolution na naganap noong Oktubre 10,
1911. Tinawag itong Double Ten dahil naganap ito sa ika-sampung buwan ng taon (Oktubre) at ika-sampung
araw ng buwan. Sa araw ding ito, itinatag ang bagong Republika ng China. Dahil sa kaniyang tagumpay,
pansamantalang itinalaga si Sun bilang pangulo ng bansa noong Oktubre 29, 1911, tinagurian siya bilang “Ama
ng Republikang Tsino”. Itinag ni Sun Yat-Sen ang Partido Kuomintang o Nationalist Party noong 1912.
Naging batayan ng kaniyang pamumuno ang paggamit ng konsiliasyon (conciliation) at pagkakasundo
(compromise) upang maiwasan ang alitan at maisulong ang kaunlaran ng bansa. Naniniwala din siya na
dapat pagtuunan ng pansin ang regulasyon ng puhunan (regulation of capital) at pantay-pantay na pag-
aari ng lupa (equalization of land ownership). Higit sa lahat, hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan
ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang makamit ang pagkakaisa, kaayusang panlipunan at kaunlarang
pang-ekonomiya.
Humalili si Heneral Chiang Kai Shek bilang pinuno ng Partido Kuomintang nang mamatay si Sun
Yat-Sen noong Marso 12, 1925. Sa ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai Shek ay ipinagpatuloy ng
2. Kuomintang ang pakikipaglaban sa mga warlords (nagmamay-ari ng lupa na may sariling sandatahang
lakas.
Matapos magapi ang mga warlords, hinarap ng Kuomintang ang isa pang kalaban – ang pagpasok ng
katunggaling ideolohiya sa China – ang komunismo na ipinalaganap ni Mao Zedong sa China.
Ideolohiyang Komunismo sa China
Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay nagsimula noong 1918. Naging tanyag ang
komunismo sa China sa pamumuno ni Mao Zedong. Si Mao ay mula sa pamiya ng magbubukid sa probinsiya
ng Hunan. Sinuportahan at isinulong ni Mao ang mga prinsipyo ng komunismo tulad ng tunggalian ng uring
manggagawa o proletariat laban sa uri ng kapitalista o bourgeois. Sa tunggalian na ito, naniniwala ang mga
komunista na mananaig ang mga manggagawa at maitatatag ang isang lipunang soyalista. Sa lipunang ito, ang
estado ang siyang hahawak sa lahat ng pag-aari ng bansa.
Upang ganap na maisulong ang kanilang ideolohiya, itinatag ni Mao Zedong kasama ang iba pang komunistang
Tsino ang Partido Kunchantang noong 1921. Lalo pang lumakas ang komunismo sa China sa pagdating ng
Russian advisers sa Canton. Lumaganap ang ideolohiya hindi lamang sa mga pangkaraniwang mga magsasaka
at manggagawa kundi pati na din sa mga opisyal ng pamahalaan at sa grupo ng mga edukadong Tsino.
Madaming Tsino ang yumakap sa komunismo dahil sa mga panahong pumasok ang ideolohiyang ito ay unti-
unti nang nawawala ang tiwala nila sa pamumuno ni Chiang Kai Shek dahil sa laganap na katiwalian sa
pamahalaan at malawakang kahirapan na dinaranas sa bansa.
Nabahala si Chiang Kai Shek sa lumalakas na impluwensiya ng komunismo sa China. Iniutos niya ang
paglulunsad ng kampanyang militar laban sa mga komunista. Maraming komunista ang hinuli, pinahirapan at
napatay. Hindi lahat ng mga komunista ay nahuli, pinamunuan ni Mao Zedong ang mga nakaligtas na Red
Army, tawag sa mga komunistang sundalong Tsino at sila ay tumakas patungo sa Jiangxi. Tinawag itong Long
March dahil sa kanilang nilakbay na may layong 6,000 milya. Umabot ito ng isang taon kung saan marami ang
namatay dahil sa hirap, gutom at patuloy na pagtugis ng mga sundalo ni Chiang Kai-shek.
Pansamantalang natigil ang pagtutunggali ng puwersa nina Chiang Kai-shek at Mao Zedong dahil sa
banta ng pananakop ng mga Hapones.
Tunghayan ang timeline upang maunawaan ang iba pang kaganap sa pag-unlad ng nasyonalismong Tsino: