1. Basahin at unawain ang nilalaman ng mga bahagi ng pambansang awit ng China at Pilipinas
Martsa ng mga Boluntaryo Lupang Hinirang
( Guo Ge )
Bangon, kayong mga tumatangging
maging alipin!
Ang ating sariling dugot laman
Ang magiging bago nating Great
Wall
Ang nasyong Tsino ay nahaharap
Sa mahalagang pagsubok,
Dadagundong ang tinig ng ating
Mga mamamayan!
Bangon! Bangon! Bangon!
Marami tayo ngunit ang mga puso
Nati’y tumitibok nang
magkakaayon!
Buong tapang nating harapin
Ang kalaban, sulong!
Buong tapang nating harapin
Ang kalaban, sulong!
Sulong! Sulong! Sulong!
Isinalin ni Godfrey Dancel “March of the
Volunteers”
Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan
Alab ng Puso sa dibdib mo'y buhay
Lupang Hinirang, Duyan ka ng
magiting
Sa manlulupig 'di ka pasisiil
Sa dagat at bundok
Sa simoy at sa langit mong bughaw
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal
Ang kislap ng watawat mo'y
Tagumpay na nagniningning;
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma'y di magdidilim
Lupa ng araw, ng luwalhati't
pagsinta
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may mang-
aapi
Ang mamatay nang dahil sa iyo
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensaheng ipinabababtid ng mga piling bahagi ng dalawang pambansang awit?
2. 2. Anong karanasan ng dalawang bansa ang nagbigay daan sap ag-usbong ng
nasyonslidmo?
3. Paano nakatulong ang nasyonalismo sa pagkamit ng Kalayaan ng China at Pilipinas?
4. ALAMIN:
Gawain. 1: PICTURE ANALYSIS
Suriin ang larawan tungkol sa kalagayan ng mga Asyano sa panahon ng
Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluranin noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo.
Sagutin ang mga tanong.
Handa ka na ba? Ngayon ay simulan mong alamin kung paano umunlad ang
damdaming Nasyonalismo ng mga mamamayan sa Silangan at Timog Silangang Asya
1. Sino ang
sinisimbolo ng
mga taong may
hawak ng
bandila?
Ipaliwanag.
2. Ano ang
kanilang ginawa
sa Asya?
3. Sino ang sinisimbolo ng
mga taong nahihirapan?
Bakit?
4. Bakit
naranasan ng
mga Asyano ang
mga suliraning
ito?
5. Ano ang mensahe na ipinahihiwatig ng larawan?
6. Ano ang naging pangunahing reaksiyon ng mg Asyano laban sa kolonyalismo at imperyalismong
Kanluranin?
7. Paano umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga mamamayan sa Silangan at Timog
Silangang Asya?
3. NASYONALISMO SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
Ano kaya ang maaring maging epekto ng patuloy na pagdanas ng pang-aabuso
at pagmamalupit sa mga Asyano? Paano kaya tutugunan ng mga Asyano ang mga
patakarang ipinatupad ng mga Kanluranin na nagsagawa ng Kolonyalismo at
Imperyalismo noong ika-16 hanggang ika-20 siglo?
PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA SILANGANG ASYA
Mao Zedong Sun Yat Sen
Emperador
Mutsuhito
4. Hindi man tuwirang nasakop ng mga Kanluranin, dumanas ng maigting na
imperyalismo ang Silangang Asya lalo na noong ika-18 siglo. Isa sa mga patunay nito ay
ang pagpapatupad ng sphere of influence ng mga Kanluranin sa China at ang paggigiit
ng Open Door Policy ng United States sa Japan. Ang imperyalismong Kanluranin sa
Silangang Asya ay nagdulot ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan at kultura ng
mga Asyano. Naghangad ang mga Tsino at Hapones na makawala mula sa
imperyalismong Kanluranin dahil sa hindi mabuting epekto nito sa kanilang pamumuhay.
Ang paghahangad na ito ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa
dalawang bansa.
PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA CHINA
Nagsimula ang pagkawala ng kontrol ng China sa kaniyang bansa nang matalo ito sa Great Britain
sa Unang Digmaang Opyo (1839- 1842) at sa Great Britain at France noon Ikalawang Digmaang
Opyo (1856-1860). Bunga nito, nilagdaan ang Kasunduang Nanking (1843) at Kasunduang Tientsin
(1858) na naglalaman ng mga probisyon na hindi patas para sa mga Tsino.
Upang ipahayag ang kanilang pagtutol mula sa panghihimasok ng mga dayuhan, nagsagawa
ng dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang Rebelyong Taiping (Taiping Rebellion) noong 1850
at Rebelyong Boxer (Boxer Rebellion) noong 1900.
Rebelyong Taiping
Ipinakikita sa mapa ang mga kilalalng lider ng China at Japan na nagpaunlad ng damdaming
nasyonalismo sa kani-kanilang mga bansa.
Petsa:
Disyembre 1850 – Agosto 1864
Lokasyon:
Timog Tsina
Layunin:
Mapabagsak ang Dinastiyang
Qing (Dinastiyang Manchu) na
pinamumunuan ng mga
dayuhang Manchu
Bunga:
Nagapi ng Dinastiyang Qing
(Manchu) ang Rebelyong
Taiping sa tulong mga mga
British at French.
Pinamunuan ni Hung Hsiu Ch’uan (Hong Xiuquan) ang
Rebelyong Taiping laban sa Dinastiyang Qing na
pinamumunuan ng mga dayuhang Machu. Layunin ng
rebelyong ito na mapabagsak ang Dinastiyang Qing upang
mahinto na ang pamumuno ng mga dayuhan sa kanilang
bansa. Bukod dito, hangad din ng Rebelyong Taiping ang
pagbabago sa lipunan. Kabilang dito ang pagkakapantay-
pantay ng karapatan para sa mga kababaihan at pagpapalit
ng mga relihiyong Confucianism at Buddhism sa relihiyong
Kristiyanismo.
Nahinto ang Rebelyong Boxer nang ito ay magapi ng
Dinastiyang Qing sa tulong ng mga British at French.
Itinuturing na isa sa mga madugong rebelyon sa kasaysayan
ng Tsina ang Rebelyong Boxer kung saan mahigit sa 20
milyong Tsino ang namatay.
5. Rebelyong Boxer
Sumiklab ang Rebelyong Boxer noong 1899. Tinawag itong Rebelyong Boxer dahil ang mga
naghimagsik ay miyembro ng samahang I-ho chu’an o Righteous and Harmonious Fists. Ang mga
miyembro nito ay may kasanayan sa gymnastic exercise. Bukod sa pagtuligsa sa korupsyon sa
pamahalaan, pangunahing layunin ng Rebelyong Boxer ay ang patalsikin ang lahat ng mga dayuhan
sa bansa, kabilang dito ang mga Kanluranin.
Ipinakikita sa larawan ang pagtutulungan
ng mga imperyalistang bansa upang
magapi ang Rebelyong Boxer.
Nagsagawa ng maramihang pagpatay
ang mga mga boxer. Pinaslang nila ang
mga misyongerong Krisityano at mga Tsino
na naging deboto ng relihiyong
Kristiyanismo. Mula sa probinsiya, kumalat
ang Rebelyong Boxer hanggang sa Peking
(Beijing). Nagpadala ng puwersang militar
na mayroong 2,100 na mga sundalo ang
United States, Great Britain, Russia,
France, Italy at Japan upang maprotektahan
ang kanilang mga
mamamayan sa China at masupil ang rebelyon. Nagapi ang mga boxer dahil sa
pagtutulungan ng mga dayuhang imperyalista. Nabawi ng mga imperyalista mula
sa mga boxer ang Peking noong Agosto 14, 1900.
Dahil sa pagkabigo ng Rebelyong Taiping at Rebelyong Boxer, nagpatuloy ang
pamamayani ng mga dayuhan sa Tsina. Sinikap ng mga Tsino na magsagawa ng
reporma subalit hindi ito maisakatapuran dahil sa impluwensiya ng mga Kanluranin
sa pamahalaang Manchu. Nang mamatay si Empress Dowager Tzu Hsi noong
1908, lalong lumala ang sitwasyon ng kahirapan sa Tsina. Siya ay pinalitan ni Puyi
na naging emperador sa edad na dalawang taon. Si Puyi o Henry Puyi para sa mga
Kanluranin ang huling emeprador ng dinastiyang Qing (Manchu) at itinuturing din na
huling emperador ng Tsina.
6. Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya
Ang pagsisimula ng ika-20 siglo ay nangangahulugan ng pagpasok ng dalawang magkatunggaling
ideolohiya sa Tsina. Lumaganap sa bansa ang ideolohiya ng demokrasya at komunismo. Ito ay nagdulot ng
pagkakahati ng bansa at naghudyat ng tunggalian ng mga pinunong Tsino na nagsusulong ng demokrasya at
komunismo.
Ideolohiyang Demokrasya sa China
Ang pagbagsak ng dinastiyang Manchu ay senyales ng pagwawakas ng mahigit sa 2,000 taon ng
pamumuno ng mga dinastiya sa China. Hinarap ng mga Tsino ang isang malaking hamon sa kanilang bansa
– ito ay ang pagtukoy sa ipapalit na pamumuno ng mga emperador.
Sa panahon na ito ng kaguluhang pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa nakilala si Sun Yat Sen.
Nakapag-aral si Sun sa Hawaii at sa Hong Kong Medical School. Isinulong niya ang pagkakaisa ng mga
Tsino gamit ang tatlong prinsipyo (three principles): ang San Min Chu-i o nasyonalismo, Min-Tsu-Chu-I o
demokrasya at Min-Sheng-Chu-I o kabuhayang pantao. Binigyang-diin ni Sun na ang pagkakaisa ng mga
Tsino ang susi sa tagumpay laban sa mga imperyalistang bansa. Naging ganap ang pamumuno ni Sun sa
China nang pamunuan niya ang mga Tsino sa pagpapatalsik sa mga Manchu sa tanyag na Double Ten
Revolution na naganap noong Oktubre 10, 1911. Tinawag itong Double Ten dahil naganap ito sa ika-sampung
buwan ng taon (Oktubre) at ika-sampung araw ng buwan. Sa araw ding ito, itinatag ang bagong Republika
ng China. Dahil sa kaniyang tagumpay, pansamantalang itinalaga si Sun bilang pangulo ng bansa noong
Oktubre 29, 1911, tinagurian siya bilang “Ama ng Republikang Tsino”. Itinag ni Sun Yat-Sen ang Partido
Kuomintang o Nationalist Party noong 1912. Naging batayan ng kaniyang pamumuno ang paggamit ng
konsiliasyon (conciliation) at pagkakasundo (compromise) upang maiwasan ang alitan at maisulong ang
kaunlaran ng bansa. Naniniwala din siya na dapat pagtuunan ng pansin ang regulasyon ng puhunan
(regulation of capital) at pantay-pantay na pag-aari ng lupa (equalization of land ownership). Higit sa lahat,
hindi naniniwala si Sun Yat-Sen na kailangan ang tunggalian ng mga uri o class struggle upang makamit ang
pagkakaisa, kaayusang panlipunan at kaunlarang pang-ekonomiya.
Humalili si Heneral Chiang Kai Shek bilang pinuno ng Partido Kuomintang nang mamatay si Sun Yat-
Sen noong Marso 12, 1925. Sa ilalim ng pamumuno ni Chiang Kai Shek ay ipinagpatuloy ng Kuomintang ang
pakikipaglaban sa mga warlords (nagmamay-ari ng lupa na may sariling sandatahang lakas.
7. Matapos magapi ang mga warlords, hinarap ng Kuomintang ang isa pang kalaban – ang
pagpasok ng katunggaling ideolohiya sa China – ang komunismo na ipinalaganap ni Mao Zedong sa
China.
Ideolohiyang Komunismo sa China
Ang pagpasok ng ideolohiyang komunismo sa China ay nagsimula noong 1918. Naging tanyag
ang komunismo sa China sa pamumuno ni Mao Zedong. Si Mao ay mula sa pamiya ng magbubukid sa
probinsiya ng Hunan. Sinuportahan at isinulong ni Mao ang mga prinsipyo ng komunismo tulad ng
tunggalian ng uring manggagawa o proletariat laban sa uri ng kapitalista o bourgeois. Sa tunggalian na
ito, naniniwala ang mga komunista na mananaig ang mga manggagawa at maitatatag ang isang
lipunang soyalista. Sa lipunang ito, ang estado ang siyang hahawak sa lahat ng pag-aari ng bansa.
Pangalan: Sun Yat-Sen
Araw ng Kapanganakan:
Nobyembre 12, 1886
Lugar: Guangdong
Edukasyon: Medicine, Hong Kong
Medical School
Ideolohiya: Demokrasya
Partido: Kuomintang
Taguri o Pagkakakilanlan: Ama ng
Republikang Tsino
Araw ng Kamatayan:
March 12, 1925
Pangalan: Mao Tse-tung
Araw ng Kapanganakan:
Disyembre 26, 1893
Lugar: Hunan
Edukasyon: Education, Fourth
Normal School of Changsha
Ideolohiya: Komunismo
Partido: Kunchantang
Taguri o Pagkakakilanlan:
Ama ng Komunistang Tsino
Araw ng Kamatayan:
Setyembre 9, 1976
8. Upang ganap na maisulong ang kanilang ideolohiya, itinatag ni Mao Zedong kasama ang iba pang
komunistang Tsino ang Partido Kunchantang noong 1921. Lalo pang lumakas ang komunismo sa China sa
pagdating ng Russian advisers sa Canton. Lumaganap ang ideolohiya hindi lamang sa mga pangkaraniwang
mga magsasaka at manggagawa kundi pati na din sa mga opisyal ng pamahalaan at sa grupo ng mga
edukadong Tsino. Madaming Tsino ang yumakap sa komunismo dahil sa mga panahong pumasok ang
ideolohiyang ito ay unti-unti nang nawawala ang tiwala nila sa pamumuno ni Chiang Kai Shek dahil sa laganap
na katiwalian sa pamahalaan at malawakang kahirapan na dinaranas sa bansa.
Nabahala si Chiang Kai Shek sa lumalakas na impluwensiya ng komunismo sa China. Iniutos niya
ang paglulunsad ng kampanyang militar laban sa mga komunista. Maraming komunista ang hinuli,
pinahirapan at napatay. Hindi lahat ng mga komunista ay nahuli, pinamunuan ni Mao Zedong ang mga
nakaligtas na Red Army, tawag sa mga komunistang sundalong Tsino at sila ay tumakas patungo sa Jiangxi.
Tinawag itong Long March dahil sa kanilang nilakbay na may layong 6,000 milya. Umabot ito ng isang taon
kung saan marami ang namatay dahil sa hirap, gutom at patuloy na pagtugis ng mga sundalo ni Chiang Kai-
shek.
Pansamantalang natigil ang pagtutunggali ng puwersa nina Chiang Kai-shek at Mao Zedong dahil sa
banta ng pananakop ng mga Hapones.
Tunghayan ang timeline upang maunawaan ang iba pang kaganap sa pag-unlad ng nasyonalismong
Tsino:
Nabuo ang
United Front.
Nagkaisa ang
mga komunista
at nasyonalista
upang harapin
ang pananakop
ng mga
Hapones.
1942
1931
Ikalawang
Digmaang Sino-
Hapones. Binomba
ng mga Hapones
ang China.
Nasakop ng Japan
ang malaking
teritoryo ng China.
1936
Nagwakas ang
Ikalawang
Digmaang
Pandaigdig.
Nahinto na din
ang
pananakop ng
mga Hapones
sa China.
1949
Nagwagi ang
mga komunista
laba sa mga
Nasyonalista.
Itinatag ni Mao
Zedong ang
People’s
Republic of
China noong
Oktubre1, 1949.
1949
Tumakas ang
mga
nasyonalista sa
pamumuno ni
Chiang Kai-
Shek sa Taiwan
at itinayo ang
Republic of
China.
1949
Dahil sa pagtatatag
ng People’s
Republic of China,
napalayas ng mga
komunista ang mga
Kanluranin at muli
ay nakamit ng China
ang kaniyang
kalayaan.
Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga salik sa pag-usbong ng Nasyonalismong Tsino?
2. Paano nagkakaiba at nagkakatulad sina Sun Yat-Sen at Mao Zedong?
3. Paano ipinamalas ng mga Tsino ang damdaming nasyonalismo sa harap ng imperyalismong kanluranin?
9. Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga salik sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangang Asya?
2. Bakit hindi makatulad ang anyo ng Nasyonalismo ng China at Japan?
3. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang nasyonalismong Tsino at Hapones?
Gawain 3. BUUIN NATIN – Silangang Asya
Sagutan ang graphic organizer tungkol sa pag-unlad ng nasyonalismo sa
Silangang Asya.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga salik sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangang Asya?
2. Bakit hindi makatulad ang anyo ng Nasyonalismo ng China at Japan?
3. Paano nagkakatulad o nagkakaiba ang nasyonalismong Tsino at Hapones?
SILANGANG
ASYA
Bansa Mga Salik sa Pag-unlad
ng Nasyonalismo
Paraan ng Pagpapamalas ng
Nasyonalismo
JAPAN
CHINA
10. NASYONALISMO SA PILIPINAS
Nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Nagpatupad ang mga
Espanyol ng mga patakarang pangkabuhayan, pampolitika at pangkultura na nakaapekto sa
pamumuhay ng mga Pilipino. Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpapataw
ng buwis, pagkamkam sa mga ari-arian at mga produktong Pilipino. Nabago din ang kultura ng
mga Pilipino dahil sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. Naging laganap din ang racial
discrimination sa pagitan ng mga Espanyol at mga Pilipino na tinatawag na Indio ng mga
mananakop. Higit sa lahat, nawala ang karapatan at kalayaan ang mga Pilipino na pamunuan ang
kanilang sariling bansa. Naging sunud-sunuran sila sa ilalim ng mapagmalupit na mga Espanyol.
Bagama’t may mga pag-aalsa na naganap sa Pilipinas sa pagitang ng ika-16 hanggang sa
unang bahagi ng ika-19 na siglo, lahat ng ito ay nabigo. Ilan sa mga dahilan ay ang mas malakas
na armas ng mga Espanyol, kawalang ng damdaming pambansa na mag-uugnay at magiisa laban
sa mga mananakop at ang pagtataksil ng ilang Pilipino.
Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa ekonomiya at
lipunang Pilipino. Nabuksan ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. Pumasok sa Pilipinas ang
mga produkto mula sa mga Kanluranin. Naging tanyag at mabili sa Kanluran ang mga produkto
ng mga Pilpino tulad ng asukal, kopra, tabako at iba pa. Ito ang nagbigay-daan sa pag-unlad ng
kalakalan sa bansa. Umusbong ang gitnang uri o middle class. Sila ay mayayamang Pilipino,
mestisong Tsino at Espanyol. Ang mga anak ng gitnang uri ay nakapag-aral sa mga kilalang
unibersidad sa Pilipinas at maging sa Espanya. Ang grupo ng ito ay tinatawag na ilustrado mula
sa salitang Latin na ilustre na ang ibig sabihin ay “naliwanagan”.
Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga ilustrado na
nagtatag ng Kilusang Propaganda at ipinagpatuloy ng mga Katipunero na nagpasimula ng
Katipunan. Paano nga ba ipinahayag ng mga Propagandista at Katipunero ang damdaming
nasyonalismo? Tunghayan ang dayagram sa susunod na pahina.
11. NASYONALISMONG
PILIPINO
Dalawang
Anyo o
Pamamaraan
Propaganda Himagsikan
Kilusang Propaganda Katipunan
Reporma o Pagbabago Ganap na Kalayaan
Kinatawan sa Spanish Cortes
Asimilasyon ng Pilipinas at
Espanya
Pagbabagong moral
Pagtutulangang pansibiko
Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena,
Marcelo H. Del Pilar, Gregorio
Sancianco
Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Teodoro
Plata, Ladislao Diwa, Valentin Diaz
Samahan
Mga nagtatag/kasapi
Pangunahing Layunin
Iba pang hangarin
Sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga akda tulad nobela, tula,
sanaysay at artikulo sa pahayagan ay ipinahayag ng mga
Propagandista ang kanilang mga hangarin para sa Pilipinas.
Isiniwalat din ng mga Propagandista ang mga suliraning
kinakaharap ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Espanyol: ito ay ang
katiwalian sa pamahalaan, pang-aabuso ng mga prayle at
kawalan ng damdaming pambansa ng mga Pilipino. Ang La
Solidaridad ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda.
Nabigo ang kilusan na makamit ang hinihiling na reporma o
pagbabago dahil sa pagsasawalang-bahala ng pamahalaang
Espanyol, hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi at kakulangan
sa pondo.
Bagamat nabigo, mahalaga ang Kilusang Propaganda
dahil naimulat nito ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang
karapatan at ang kanilang bayan.
Deskripsiyon
Ipinamalas ng mga Katipunero ang kanilang
pagmamahal sa bayan sa pamamgitan ng pagsasagawa
ng himagsikan o rebolusyon. Nakita ng mga Katipunero
na hindi ipagkakaloob ng mga Espanyol ang mga
hinihiling na reporma ng Kilusang Propaganda. Bunga
nito, itinatag ang lihim na samahan na KKK o Kataas-
taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan. Batid ng mga Katipunero na matitigil lamang
ang nararanasang pagmamalupit at pang-aabuso sa
kamay ng mga Espanyol kung makakamit nila ang
kalayaan. Bagama’t hindi handa, isinulong ng mga
Katipunero ang isang armadong pakikipaglaban.
Nabigo ang mga Katipunero dahil sa lakas ng
kagamitang pandigma ng mga Espanyol at sa
kakulangan ng mga Pilipino ng kaalaman sa larangan ng
pakikidigma. Bagama’t natalo, ipinakita ng mga
Pilipino ang kanilang kahandaan na magbuwis ng
buhay para makamit ang minimithing kalayaan.