SlideShare a Scribd company logo
1 of 4
LEARNING ACTIVITY SHEETS 2
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
NAME;_____________________________ Grade and Section:____________________ Date:________________SCORE: _____
Panuto: Gamit ang mga halu-letra, tukuyin ang mga termino na inilalarawan sa bawat aytem.
1) Ang pangkat-etniko na nabuo dahil sa Kabihasnang Indus na naninirahan ngayon sa Timog na bahagi ng India RADIVSNDAI
2) Ang tinaguriang kambal-lungsod na naitatag sa Kabihasnang Indus. HENMOJO- ADOR at RAHAAPP
3) Katawagan sa sistematikong pagpaplano ng pagtatatayo ng mga gusali sa Kabihasnang Indus. DIRG TEMSSY
4) Ang bansang nabuo sa pangkasalukuyang panahon na pinanggalingan ng Kabihasnang Indus. KISPATAN
5) Ito ang ilog kung saan naitatag ang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa. LOGI DUSNI
6) Ang ilog na ito sa Tsina ay tinaguriang bilang “China’s Sorrow” dahil sa pagkamatay ng maraming tao at pagkasira ng mga ari-arian
dulot ng pag- apaw ng tubig nito noong 1887. HANGU OH
7) Ito ang pinakamahabang ilog sa Asya at pangatlo sa buong mundo kasunod ng Nile at Amazon River. ZEYTANG
8. Ang kauna-unahang dinastiyang nangasiwa sa China partikular ang bahagi sa Silangan ng Huang Ho at Yangtze. HANGS
9. Isang uri ng metal na nagpakilala sa kahusayan ng dinastiyang Indus at Shang dahil sa paggawa ng mga kasangkapan. BESRON
10. Tumutukoy sa pagsalin-salin o pagpapamana ng kapangyarihan sa iisang pamilya o angkan. SINDITAYA
ANG KABIHASNANG INDUS
Mula sa mga modernong bansa ng Pakistan, Bangladesh at India, nagmula ang Kabihasnang Indus. Itinuturing ito na isa sa
pinakamaringal na sibilisasyon na nabuo sa kasaysayan. Ito ay matatagpuan sa lambak ng Ilog Indus noong 2500-1600 BCE
(Panahon ng Bronse). Dalawang kilalang lungsod ang nabuo dito, ang Mohenjo Daro at Harappa ang tinaguriang “Kambal na Lungsod”.
Tulad ng Mesopotamia, nakinabang din sa biyaya ng ilog ang mga naninirahan doon.
Sa ibaba ay makikita mo ang talahanayan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kabihasnang Indus. Ang ilog Indus na
matatagpuan sa Pakistan ay umaapaw taon-taon dahil sa pagkakatunaw ng yelo sa Himalayas ngunit nag-iiwan ito ng banlik na
nagpapataba sa lupaing lambak nito na naging angkop sa agrikultura. Sa lupaing lambak na ito aksidenteng nahukay ang mga
mauunlad na lungsod ng Timog Asya. Bago nagkaroon ng maunlad na kabihasnan ay sinasabi ng mga arkeologo na may mga
pamayanang naitatag noong panahong Neolitiko na tinatawag na pamayanang Mhergah na nasa kanluran ng ilog Indus. Masasabing
sedentaryo at agrikultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensiya. Mula sa pamayanang ito ay umusbong
ang mga lungsod sa lambak ng Indus. May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harappa at Mohenjo-Daro.
Planado at organisado ang mga lungsod na ito na ipinakita sa mga lansangang nakadisenyong kuwadrado(grid-patterned) at pare-
pareho ang sukat na bloke ng kabahayan. Patunay ito na magaling sa matematika at agrimensura ang mga naninirahan dito. May isa
o higit pa ang banyo o palikuran na nakakonekta sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa. Pinalagay na ang
mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Ang mga ito ay sumasamba sa mga hayop at puno. Meron ding mga artifact na
nahukay dito tulad ng mga laruan, alahas na palamuti at mga palayok na nagpapakita ng kanilang kasanayan sa paggawa ng mga bagay
na ito. Bagama’t maunlad ang mga lungsod na ito ay nakapagtatakang iniwan ito ng mga tao at nabaon sa ilalim ng lupa sa matagal
na panahon. Ayon sa paliwanag ng mga iskolar ay maaaring nagkaroon ng mga kalamidad o nagkaroon ng pagsakop sa lugar na
pinaniniwalaang mga Aryan. Ngunit walang sapat na ebidensiya na nagpapatotoo sa mga paliwanag na ito. Sa paglipas ng panahon
ang kabihasnang ito ay unti-unting nawaglit sa alaala at nawala sa kasaysayan (Department of Education 2014).
KATANGIAN NG LUNGSOD NG HARAPPA AT MOHENJO DARO
*Ang pangunahing hanapbuhay nila ay ang pagsasaka dahil sa matabang lupa nakapalibot sa dalawang ilog.
*Nagpapaamo sila ng mga hayop tulad ng kambing at baka na kinalauan ay kanilang pinagbibili.
*Ang kanilang kasasangkapan ay may halong bronse na nagpapatibay sa kanilang mga kagamitan.
AMBAG
*Ang Indus pictogram ay ang sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Indus kung saan sila ay gumagamit ng mga larawan.
*Ang Indus seal ay palatandaan ng isang mangangalakal tungkol sa ibinebenta niyang hayop o agrikutural na produkto.
* Ang sistemang grid ang katawagan sa pagtatayo ng mga gusali na hugis-parisukat na may malalawak na espasyo, silid- tulugan at
sistemang alkantarilya (sewerage system).
*Ang mga kasangkapang may halong bronse na nagpatibay sa kanilang mga kagamitan gaya ng mga banga na nahukay sa gumuhong
lungsod ng Harappa.
DAHILAN NG PAGBAGSAK:
Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Indus:
*Dahil sa isang malaking sakuna na lumipol sa mga taga-Indus, tulad ng lindol.
*Pagsalakay ng mga Aryano, ang pangkat na ito ang nagpatupad ng Caste System, kung saan inuuri-uri ang mga tao sa lipunan. Ito ay
naging sanhi ng diskriminasyon sa mga Dravidians, ang lahing bumuo ng Kabihasnang Indus kung kaya’t napalayas
sila sa lupain.
*Pagbabago ng klima. Natuyo ang Ilog Indus na siyang pinagkukunan ng tubig para sa mga pananim at alagang hayop.
MGA IMPERYONG NAITATAG SA TIMOG ASYA
Pagdating ng mga Aryan
Sa pagitan ng 1500-1000 BCE sinakop ng mga Indo-Aryan ang buong Indus Valley hanggang sa kapatagan ng Ganges at Deccan Plateau.
Ambag
*Pinaunlad ng mga Aryan ang sistema ng kanilang panulat na tinatawag na Sanskrit.
*Ang Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng mga Aryan.
*Ang Sistemang Caste ay katawagan sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa lipunan.
Dahilan ng Pagbagsak
*Pagsakop ng Persia sa pamumuno ni Cyrus the Great at sinundan ni Alexander the Great ng Macedonia.
Imperyong Maurya
*Kauna-unahang imperyo sa Timog Asya
*Pinamunuan ni Chandragupta Maurya na namahala sa India mula 322-301 BCE.
*Sumunod na pinuno ay si Asoka, namahala siya mula 269-232 BCE, kilala siya bilang pinakakilala at pinagpipitagang pinuno dahil sa
pagtatakwil ng karahasan at pagyakap sa relihiyong Buddismo.
*Walang magaling na pinuno ang pumalit kay Asoka kung kaya bumagsak ang imperyo.
Imperyong Gupta
*Ang imperyong itinatag ni Chandra Gupta I noong 320 CE
*Sa pamumuno ni Chandra Gupta II nakamit ng India ang “Ginintuang Panahon” dahil maunlad at payapa ang imperyo
*Pagsakop ng mga Mughal sa imperyo.
Imperyong Mughal
*Si Babur ang nagtatag Imperyong Mughal noong 15 CE.
* Sumunod na pinuno ay si Akbar (1556) apo ni Babur, nagpalawak ng teritoryo ng imperyo.
*Jahangir (1605)- anak ni Akbar, humina ang kaniyang pamamahala dahil sa hindi mabuting impluwensiya ng kaniyang asawa na si
Nur Jahan ng Persia.
*Shah Jahan (1627)- anak ni Jahangir, namahala ng 30 taon, nagpagawa ng isang libingan gusali na Taj Mahal para sa kaniyang asawang
namatay na si Mumtaz Mahal.
*Aurangzeb- anak ni Shah Jahan, naging kontrobersyal na pinuno dahil gusto niyang ipatigil ang Suttee, ito ay tumutukoy sa pagsunog
ng babaeng balo sa oras ng paglilibing sa asawang namatay.
*Bumagsak ang imperyo dahil sa pagdating at pagsakop ng mga Ingles sa India
KABIHASNANG TSINO
Sa lambak ng Ilog Huang Ho sumibol ang unang kabihasnang Tsino. Kilala din ang Huang Ho River bilang Dilaw na Ilog dahil sa kulay
dilaw na depositong banlik na iniiwan nito sa lupa tuwing umaapaw ang ilog. Ang matabang lupang ito ay tinatawag na loess soil kung
kaya akma ang lupain sa pagsasaka. Gayunpaman, sa tuwing umaapaw ang Dilaw na Ilog, nagdudulot ang pagbaha nito ng malaking
pinsala tulad ng pagkasira ng mga pananim at pagkasawi ng mga mamamayan kung kaya tinawag din itong “Pighati ng Tsina” o “River
of Sorrow”.
Ang pangunahing katangian ng kabihasnang ito ay ang pagkakaroon ng dinastiya sa mga namumuno. Ang dinastiya ay tumutukoy sa
pagpapamana o pagsasalin-salin ng kapangyarihan mula din sa kanilang pamilya o angkan. Ang isa sa pinakamatabang lupain ng China
ay matatagpuan sa gilid ng ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow River dahil sa tuwing pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag-
iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba. Ang taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay
pinaghandaan ng mga tao sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig at ang paglalagay ng mga dike. May
mga pamayanan na umusbong dito bago pa ang Shang. Ito ang pamayanang Yangshao at Lungshan. Pagtatanim ang pangunahing
gawain sa panahong ito ngunit naging pangunahing gawain din ng Yangshao ang paggawa ng mga tapayan na mas nahigitan at
napaunlad naman ng Lungshan sa pamamagitan ng pagtuklas ng potter’s wheel. Masasabing ang Lungshan ang transisyon patungo sa
panahon ng kabihasnang Shang. May mga nasulat din na may nauna pa sa pamayanang Shang tulad ng dinastiyang Xia subalit walang
sapat na dokumentong nagpapatunay dito. Samantalang sa Shang ay may labing nahukay ang mga arkeologo na nagpapatunay sa
kabihasnang ito noong dekada 1920. Isa na rito ang mga oracle bones o butong orakulo na ginagamit sa panghuhula. Pinaniniwalaan
nila na nakakausap nila ang mga diyos ng kalikasan at mga ninuno gamit ang mga butong orakulo.
Ang Shang ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa pag-aayos ng kanilang lungsod na
napapalibutan ng mga matataas na pader na naging paghahanda sa mga madalas na digmaan sa kanilang lupain. Ang lipunan
ay nahahati sa pagitan ng mga aristokrasya at mga karaniwang tao na nailalarawan sa uri ng kanilang tirahan. Naimbento din
ang sistema ng pagsulat na tinawag na calligraphy na nagsilbing tagapag isa ng Tsino. Bagama’t may iba’t ibang wika nasentro
lamang sa isang sistema ng pagsulat ang mga Tsino at ang simbolo ng butong orakulo ang ginamit na karakter na unang simbolo
ng pagsusulat nila. Mataas din ang antas ng paggawa ng mga sisidlang bronse sa panahong ito. Gumagawa sila ng pigurin, ritual
urn, at malalaking kalderong panseremonya na puno ng maliliit at pinong disenyo. Ang mga chariot at baluti ng mga sundalo
ay may mga disenyong bronse rin. Ang mga artisano ay naging bihasa rin sa paglilok ng mga estatwa o pigurin mula sa materyal
na hade(jade) at garing(ivory). Gumagawa rin sa panahong ito ng mga telang seda para sa mga aristokrata at magagandang
porselana mula sa kaolin o pinong luwad na kulay puti. Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa
Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang
ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo. (E. C. Mateo 2008)
Mga Dinastiyang umusbong sa bansang Tsina
Dinastiya: Shang (1700-1200 B.C.)
*Nagsimula ang kasaysayan ng Tsina sa ilalim ng dinastiyang Shang. Lipunan
*Tulad ng piramide ang estruktura ng lipunan. Ang paring-hari at kaniyang pamilya ang nasa pinakamataas na uri. Sumunod ang mga
aristokrata na nagmamay-ari ng mga malalawak na lupain, sumunod ay ang mga manggagawa na ang bumubuo ay mga magsasaka.
Ang mga bilanggo dulot ng digmaan ang mga nasa pinakamababang uri.
Sinaunang Anyo ng Paniniwala
*Sumasamba sa maraming diyos ang mga sinaunang Tsino. Pinaniniwalaan din na nagmula ang kapangyarihan ng pinunong Shang sa
mga espiritu ng kalikasan. Dahil dito, pinangungunahan ng haring Shang ang pagsamba sa kanilang mga diyos. Gumagamit din ang
mga pinunong espirituwal ng tinatawag na oracle bones na ipinapalagay na nakapanghuhula ng mga pangyayari.
Sistema ng Pagsusulat
*May sistema ng pagsusulat ang Shang na binubuo ng 3000 simbolo o character na kalauna’y tinawag na calligraphy o kaligrapiya.
Karaniwang nakasulat ang mga simbolong ito sa sa mga buto ng baka o tupa.
Sining at Teknolohiyang Shang
*Naging tanyag sa kasaysayan ang dinastiyang Shang sa mga kasangkapan nitong yari sa bronse. Nakalikha rin sila ng mga pigurin na
yari sa jade na karaniwang hugis tao at hayop.
Dahilan ng Pagbagsak
*Sila ay sinakop ng pangkat Zhou na matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng Tsina
Dinastiya: Zhou/Chou (1122 – 256 B.C.E)
Katangian
*Ito ang dinastiyang pinakamatagal na namahala sa Tsina sa loob ng halos 900 taon.
* Sentralisado ang pamamahala at nagpatuloy ang sistema ng ng pagmamay-ari ng lupa. * Sa panahong ito, naging tanyag ang mga
pilosopong Tsino na sina Confucius (Kongxi), Li Erh (Laozi), Mencius (Mengzi), at Mozi.
Ambag sa Kabihasnan
*Nagsimula ang malalim na pagpapahalaga sa pamilya.
*Paggamit ng bronseng barya na may iba’t ibang hugis.
*Pagpapatupad ng sistemang civil service para sa pagpili ng kawani ng pamahalaan.
*Nagsimula ang pilosopiyang Legalismo, Taoismo at Confucianismo.
Sanhi ng Pagbagsak
Sumiklab ang digmaang sibil sa pagitan ng 7 maliliit na estado ng Qi, Chu, Yan, Han, Zhao, Wei, at Qin sa kahariang Zhou noong 475
B.C.E. Tinawag ang panahon na ito bilang “Period of Warring States”
Dinastiya: Qin / Ch’in (221 B.C.E. – 206 B.C.E.)
Napag-isa ng dinastiyang Qin (Chin) ang mga estadong naglaban ng halos 200 taon. Sa pamumuno ni Shi Huangdi, naitatag ng
kabihasnang Tsino ang tunay na imperyo. Pinangasiwaan niya ang imperyo ng may pagmamalupit. Sinupil niya ang Confucianismo sa
Tsina sa pamamagitan pagsunog sa mga aklat at pagpapahirap at pagpatay sa mga guro ng Confucianism.
Ambag sa Kabihasnan
*Naipatayo ang Dakilang Pader ng Tsina o Great Wall of China na itinayo upang protektahan ang imperyo mula sa mga nomadikong
tao sa timog ng Gobi Desert.
* Naitatag ang isang matatag na sentralisadong pamahalaan na may maliliit na distrito upang madaling pamahalaan.
* Pagkakaroon ng iisang wika, sistema ng pagsulat, pananalapi, timbangan at sukatan.
Sanhi ng Pagbagsak
*Noong namatay si Shi Huangdi noong 210 B.C.E., nagsagawa ng iba’t ibang rebelyon ang mga magsasaka at maharlikang nakaranas
ng malupit niyang pamamahala.
Dinastiya: Han (202 B.C.E. – 221 C.E.)
* Sa pamumuno ng dinastiyang Han, bumalik ang kaayusan sa Tsina.
* Naghatid ng ginintuang panahon ng kapayapaan, mataas na antas ng pamumuhay at kaunlaran sa Tsina.
Ambag sa Kabihasnan
*Sinimulan ang civil service examination.
*Natutuhan ang paggamit ng papel at umunlad ang palimbagan sa Tsina.
* Nabuo ang kauna-unahang diksyunaryong Tsino.
*Pagsasagawa ng acupuncture o pang-gagamot gamit ang mga karayom.
Sanhi ng Pagbagsak
*Mahinang pamamahala at katiwalian ng mga sumunod na emperador, paglakas ng maharlika at pananalakay ng mga nomadikong
dayuhan mula sa Hilagang Tsina.
Dinastiya: Sui (581C.E. – 618 C.E.)
*Dinastiya na may maikling pamamahala sa Tsina.
Ambag sa Kabihasnan
*Grand Canal – isa sa pinakamahabang kanal sa buong daigdig na may habang umaabot sa 1800 kilometro na ipinagawa ni Emperador
Sui Yangdi.
Sanhi ng Pagbagsak
*Sumiklab ang rebelyon sa mga rehiyon dahil sa sapilitang paggawa at mataas na buwis. *Paghina ng sandatahang lakas dulot ng
pagbabanta ng mga Turko.
Dinastiya: Tang (619 C.E. – 907 C.E.)
*Isa sa mga dakilang dinastiya ng Tsina dahil binigyan niya ang mga magsasaka ng lupain na naging dahilan ng paghina ng
kapangyarihan ng mga nagmamay-ari ng lupa.
Ambag sa Kabihasnan
*Naimbento ang woodblock printing, isang bloke ng kuwadradong kahoy kung saan nakaukit ang mga salita o larawan, katumbas nito
ang isang panrelihiyong libro.
Sanhi ng Pagbagsak *Pinabagsak ng Dinastiyang Song sa pamamagitan ng isang digmaan.
Dinastiya: Song
*Ito ang panahon kung saan naging maunlad ang ekonomiya ng Tsina sa pamumuno ni Taizu.
Ambag sa Kabihasnan
*Namulaklak ang “landscape painting” sa Tsina.
*Naimbento ang gun powder at compass.
Sanhi ng Pagbagsak
*Pakikipag-alyansa sa pangkat ng Mongol na naging dahilan ng pagbagsak ng dinastiya.
Dinastiya: Yuan (1279 C.E. – 1368 C.E.)
*Kauna-unahang dayuhang dinastiya sa China.
*Pinangasiwaan ito ni Genghis Khan ng bansang Mongolia.
*Hindi binigyan ng katungkulan sa pamahalaan ang mga Tsino.
*Sa panahong ito dumagsa ang mga dayuhang mangangalakal sa Tsina.
Ambag sa Kabihasnan
*Sa lawak ng sakop ng imperyo, naging madali ang pakikipagpalitan ng mga ideya at imbensyon sa pagitan ng China, Europe at ibang
bahagi ng Asya.
Sanhi ng Pagbagsak
Sa pamumuno ni Zhu Yuanzhang noong 1368, isang rebeldeng Tsino, napabagsak ang imperyong Mongol.
Dinastiya: Ming
Noong ika-15 siglo, ipinatupad ang patakarang Isolationism, isang kautusan na pumuputol sa ugnayan ng China sa lahat ng dayuhang
bansa
Ambag sa Kabihasnan
*Ipinatayo ang “Forbidden Palace” o Pinagbabawalang Palasyo, isang palasyo na ang maaari lamang pumasok at tumira ay mga pinuno
at mga mahaharlikang pamilya at kamag-anak sa Tsina.
*Ninais ng mga pinuno na maging malakas na imperyong pandagat, kaya pinaghusay ng mga Tsino ang paggawa ng malalaking barko
at sistematikong pamamaraan sa paglalayag. Dito nakilala si Zheng He, siya ang nanguna sa paglalayag sa Tsina mula 1405 hanggang
1433.
Sanhi ng Pagbagsak
*Kahuli-hulihang dinastiya ng Tsina, pinabagsak ng mga Manchu, isang pangkatetniko na matatagpuan sa Hilagang-Silangan ng Tsina
Gawain A: AMBAG KO, TUKUYIN MO! Panuto: Tukuyin ang kontribusyon ng bawat dinastiya ng Tsina na nakasulat sa loob ng bilog.
Isulat ang pangalan ng dinastiya sa loob ng nakahandang mga kahon.
GAWAIN B: ANG AKING LIDER! Panuto: Tukuyin ang mga naging pinuno ng mga imperyong naitatag sa sinaunang India. Isulat ang sagot
sa baba ng mga bilog.
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang dalawang kabihasnang nabuo sa India at Tsina.
PAGSUSULIT
A. Kabihasnang Indus. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod na lungsod ang naitatag sa Kabihasnang Indus?
A. Akkad B. Harappa C. Punjab D. Sumer
2. Ito ang katawagan sa paraan ng panulat ng Kabihasnang Indus.
A. Alphabet B. Cuneiform C. Hieroglypics D. Pictogram
3. Ang imperyong pinamunuan ni Asoka.
A. Gupta B. Maurya C. Mughal D. Aryan
4. Isa sa naging pinuno ng Imperyong Mughal ng na nagpatayo ng Taj Mahal, libingan ng kaniyang asawang namatay.
A. Akbar B. Babur C. Jahangir D. Shah Jahan
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Kabihasnang Indus.
A. Ang Kabihasnang Indus ay naitatag malapit sa ilog sapagkat dito kumukuha ng pangangailangan ang mga tao gaya ng tubig.
B. Ang Kabihasnang Indus ay nabuo sa panahon ng Neolitiko kung saan ang pangunahing hanapbuhay ay pagsasaka.
C. Ang Kabihasnang Indus ay nanakop ng mga lupain para pakinabangan ang mga likas na yaman ng mga ito.
D. Ang mga kasangkapan sa Kabihasnang Indus ay yari sa putik o bato.
B. Kabihasnang Tsina. Panuto: Basahin ang mga pahayag sa Hanay A. Piliin sa Hanay B ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.
Hanay A Hanay B
6. Ang kauna-unahang dinastiya na nabuo sa Tsina. A. Oracle Bone
7. Ito ang ibang katawagan sa Ilog Huang Ho. B. Bronse
8. Tawag sa pangkat ng mga Tsino na sumakop at nagpabagsak C. Shang
sa dinastiyang Shang. D. Zhou
9. Bagay na ginagamit sa panghuhula ng mga sinaunang Tsina. E. “China’s Sorrow
10. Isa sa mga mahalagang uri ng metal na ginamit ng mga Tsino . F. Ilog Yangtz

More Related Content

What's hot

Pag unlad ng nasyonalismo sa japan
Pag unlad ng nasyonalismo sa japanPag unlad ng nasyonalismo sa japan
Pag unlad ng nasyonalismo sa japancrisanta angeles
 
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unladYamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unladBelle Sy
 
Dinastiyang Tsina
Dinastiyang TsinaDinastiyang Tsina
Dinastiyang TsinaNeri Diaz
 
Nasyonalismo sa asya
Nasyonalismo sa asyaNasyonalismo sa asya
Nasyonalismo sa asyajuvy dugan
 
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copyKabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copyReyesErica1
 
Ang Sinaunang kabihasnan ng Timog-Silangang Asya
Ang Sinaunang kabihasnan ng Timog-Silangang AsyaAng Sinaunang kabihasnan ng Timog-Silangang Asya
Ang Sinaunang kabihasnan ng Timog-Silangang AsyaJerlie
 
Grade 7 session guide DepEd K-12
Grade 7 session guide DepEd K-12Grade 7 session guide DepEd K-12
Grade 7 session guide DepEd K-12Juan III Ventenilla
 
ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE SA ASIA.pptx
ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE SA ASIA.pptxANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE SA ASIA.pptx
ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE SA ASIA.pptxChristianVelchez2
 
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng ImperyoMga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng ImperyoSyosha Neim
 
Pamana ng kanlurang asya
Pamana ng kanlurang asyaPamana ng kanlurang asya
Pamana ng kanlurang asyaJose Espina
 
Pamana ng silangang asya
Pamana ng silangang asyaPamana ng silangang asya
Pamana ng silangang asyaABL05
 
Ang Sinaunang Korea at Japan
Ang Sinaunang Korea at JapanAng Sinaunang Korea at Japan
Ang Sinaunang Korea at Japanria de los santos
 
What's hot (20)

KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYAKABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
KABIHASNANG INDUS SA TIMOG ASYA
 
Kabihasnang Sumer
Kabihasnang SumerKabihasnang Sumer
Kabihasnang Sumer
 
Pag unlad ng nasyonalismo sa japan
Pag unlad ng nasyonalismo sa japanPag unlad ng nasyonalismo sa japan
Pag unlad ng nasyonalismo sa japan
 
Mahahalagang Pangyayari sa Timog Asya
Mahahalagang Pangyayari sa Timog AsyaMahahalagang Pangyayari sa Timog Asya
Mahahalagang Pangyayari sa Timog Asya
 
Kabihasnang indus1
Kabihasnang indus1Kabihasnang indus1
Kabihasnang indus1
 
Dinastiya sa japan
Dinastiya sa japanDinastiya sa japan
Dinastiya sa japan
 
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unladYamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
Yamang Tao, Populasyon, at Mga Indikasyon sa Pag-unlad
 
Dinastiyang Tsina
Dinastiyang TsinaDinastiyang Tsina
Dinastiyang Tsina
 
Nasyonalismo sa asya
Nasyonalismo sa asyaNasyonalismo sa asya
Nasyonalismo sa asya
 
Kabihasnang Indus
Kabihasnang IndusKabihasnang Indus
Kabihasnang Indus
 
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copyKabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
Kabihasnang minoan-at-kabihasnang-mycenaean-copy
 
Ang Sinaunang kabihasnan ng Timog-Silangang Asya
Ang Sinaunang kabihasnan ng Timog-Silangang AsyaAng Sinaunang kabihasnan ng Timog-Silangang Asya
Ang Sinaunang kabihasnan ng Timog-Silangang Asya
 
Grade 7 session guide DepEd K-12
Grade 7 session guide DepEd K-12Grade 7 session guide DepEd K-12
Grade 7 session guide DepEd K-12
 
Mga imperyo
Mga imperyoMga imperyo
Mga imperyo
 
Indus
IndusIndus
Indus
 
ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE SA ASIA.pptx
ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE SA ASIA.pptxANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE SA ASIA.pptx
ANG PANAHON NG PAGTUKLAS NG EUROPE SA ASIA.pptx
 
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng ImperyoMga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
 
Pamana ng kanlurang asya
Pamana ng kanlurang asyaPamana ng kanlurang asya
Pamana ng kanlurang asya
 
Pamana ng silangang asya
Pamana ng silangang asyaPamana ng silangang asya
Pamana ng silangang asya
 
Ang Sinaunang Korea at Japan
Ang Sinaunang Korea at JapanAng Sinaunang Korea at Japan
Ang Sinaunang Korea at Japan
 
Similar to LAS kabihasnag indus at shang.docx

G7-AP-Q2-Week-2-3-PAGHAHAMBING-SA-SINAUNANG-KABIHASNAN-SA-ASYA.pptx
G7-AP-Q2-Week-2-3-PAGHAHAMBING-SA-SINAUNANG-KABIHASNAN-SA-ASYA.pptxG7-AP-Q2-Week-2-3-PAGHAHAMBING-SA-SINAUNANG-KABIHASNAN-SA-ASYA.pptx
G7-AP-Q2-Week-2-3-PAGHAHAMBING-SA-SINAUNANG-KABIHASNAN-SA-ASYA.pptxjohaymafernandez1
 
Indus 1230805111938658-1
Indus 1230805111938658-1Indus 1230805111938658-1
Indus 1230805111938658-1Amy Saguin
 
Q2a1 mgasinaunangkabihasnansaasya-140807204752-phpapp01
Q2a1 mgasinaunangkabihasnansaasya-140807204752-phpapp01Q2a1 mgasinaunangkabihasnansaasya-140807204752-phpapp01
Q2a1 mgasinaunangkabihasnansaasya-140807204752-phpapp01Dexter Reyes
 
MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA.pdf
MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA.pdfMGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA.pdf
MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA.pdfkgmm24
 
Mga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asyaMga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asyajhariensky
 
Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog AsyaKabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog AsyaLoureAndrei
 
Ang kabihasnang indus sa timog asya
Ang kabihasnang indus sa timog asyaAng kabihasnang indus sa timog asya
Ang kabihasnang indus sa timog asyaDeanyuan Salvador
 
Ancient India at China [Autosaved].pptx
Ancient                India at China [Autosaved].pptxAncient                India at China [Autosaved].pptx
Ancient India at China [Autosaved].pptxStephanyDelaPea
 
6657d2539647c8cd53c1e2964a0444ad.pdf
6657d2539647c8cd53c1e2964a0444ad.pdf6657d2539647c8cd53c1e2964a0444ad.pdf
6657d2539647c8cd53c1e2964a0444ad.pdfglaisa3
 
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dexAralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dexDexter Reyes
 
Kabihasnangindus 111008023211-phpapp02
Kabihasnangindus 111008023211-phpapp02Kabihasnangindus 111008023211-phpapp02
Kabihasnangindus 111008023211-phpapp02zurcyrag23
 
Similar to LAS kabihasnag indus at shang.docx (20)

G7-AP-Q2-Week-2-3-PAGHAHAMBING-SA-SINAUNANG-KABIHASNAN-SA-ASYA.pptx
G7-AP-Q2-Week-2-3-PAGHAHAMBING-SA-SINAUNANG-KABIHASNAN-SA-ASYA.pptxG7-AP-Q2-Week-2-3-PAGHAHAMBING-SA-SINAUNANG-KABIHASNAN-SA-ASYA.pptx
G7-AP-Q2-Week-2-3-PAGHAHAMBING-SA-SINAUNANG-KABIHASNAN-SA-ASYA.pptx
 
Indus 1230805111938658-1
Indus 1230805111938658-1Indus 1230805111938658-1
Indus 1230805111938658-1
 
Q2a1 mgasinaunangkabihasnansaasya-140807204752-phpapp01
Q2a1 mgasinaunangkabihasnansaasya-140807204752-phpapp01Q2a1 mgasinaunangkabihasnansaasya-140807204752-phpapp01
Q2a1 mgasinaunangkabihasnansaasya-140807204752-phpapp01
 
MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA.pdf
MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA.pdfMGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA.pdf
MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA.pdf
 
Mga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asyaMga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asya
 
Indus 2
Indus 2Indus 2
Indus 2
 
Kabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog AsyaKabihasnang Indus sa Timog Asya
Kabihasnang Indus sa Timog Asya
 
Ang kabihasnang indus sa timog asya
Ang kabihasnang indus sa timog asyaAng kabihasnang indus sa timog asya
Ang kabihasnang indus sa timog asya
 
Ancient India at China [Autosaved].pptx
Ancient                India at China [Autosaved].pptxAncient                India at China [Autosaved].pptx
Ancient India at China [Autosaved].pptx
 
group1-AP.pptx
group1-AP.pptxgroup1-AP.pptx
group1-AP.pptx
 
Ap Lessons
Ap LessonsAp Lessons
Ap Lessons
 
Kabihasnan.pptx
Kabihasnan.pptxKabihasnan.pptx
Kabihasnan.pptx
 
DEMO AP7 NEW.pptx
DEMO AP7 NEW.pptxDEMO AP7 NEW.pptx
DEMO AP7 NEW.pptx
 
6657d2539647c8cd53c1e2964a0444ad.pdf
6657d2539647c8cd53c1e2964a0444ad.pdf6657d2539647c8cd53c1e2964a0444ad.pdf
6657d2539647c8cd53c1e2964a0444ad.pdf
 
asya_demo.pptx
asya_demo.pptxasya_demo.pptx
asya_demo.pptx
 
Kabihasnan.pptx
Kabihasnan.pptxKabihasnan.pptx
Kabihasnan.pptx
 
Kabihasnang Induss.pptx
Kabihasnang Induss.pptxKabihasnang Induss.pptx
Kabihasnang Induss.pptx
 
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dexAralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
 
Kabihasnang hindu
Kabihasnang hinduKabihasnang hindu
Kabihasnang hindu
 
Kabihasnangindus 111008023211-phpapp02
Kabihasnangindus 111008023211-phpapp02Kabihasnangindus 111008023211-phpapp02
Kabihasnangindus 111008023211-phpapp02
 
More from Jackeline Abinales

Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxQ3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxJackeline Abinales
 
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigJackeline Abinales
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Jackeline Abinales
 
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxLAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxJackeline Abinales
 
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docxQ3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docxJackeline Abinales
 
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxQ3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxJackeline Abinales
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxJackeline Abinales
 
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxRutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxJackeline Abinales
 
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Jackeline Abinales
 
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxPananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxJackeline Abinales
 
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxPananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxJackeline Abinales
 
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxPananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxJackeline Abinales
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxKolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxJackeline Abinales
 
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docxLEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docxJackeline Abinales
 
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxPambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxJackeline Abinales
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Jackeline Abinales
 
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxAng China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxJackeline Abinales
 
laspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docxlaspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docxJackeline Abinales
 
More from Jackeline Abinales (20)

Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxQ3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
 
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
 
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxLAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
 
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docxQ3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
 
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxQ3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
 
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxRutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
 
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
 
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxPananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
 
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxPananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
 
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxPananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxKolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
 
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docxLEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
 
ra 8491.pptx
ra 8491.pptxra 8491.pptx
ra 8491.pptx
 
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxPambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
 
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxAng China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
 
laspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docxlaspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docx
 
Recently uploaded

SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationRonalynGatelaCajudo
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxlouieilo1
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxResty Rioveros
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Recently uploaded (20)

SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptxIBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
IBAT IBANG KALAMIDAD SA BANSA_064410.pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptxAP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
AP YUNIT 4, ARALIN 1 ANG PAGKAMAMAYANAG PILIPINO.pptx
 
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
LAS kabihasnag indus at shang.docx

  • 1. LEARNING ACTIVITY SHEETS 2 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya NAME;_____________________________ Grade and Section:____________________ Date:________________SCORE: _____ Panuto: Gamit ang mga halu-letra, tukuyin ang mga termino na inilalarawan sa bawat aytem. 1) Ang pangkat-etniko na nabuo dahil sa Kabihasnang Indus na naninirahan ngayon sa Timog na bahagi ng India RADIVSNDAI 2) Ang tinaguriang kambal-lungsod na naitatag sa Kabihasnang Indus. HENMOJO- ADOR at RAHAAPP 3) Katawagan sa sistematikong pagpaplano ng pagtatatayo ng mga gusali sa Kabihasnang Indus. DIRG TEMSSY 4) Ang bansang nabuo sa pangkasalukuyang panahon na pinanggalingan ng Kabihasnang Indus. KISPATAN 5) Ito ang ilog kung saan naitatag ang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa. LOGI DUSNI 6) Ang ilog na ito sa Tsina ay tinaguriang bilang “China’s Sorrow” dahil sa pagkamatay ng maraming tao at pagkasira ng mga ari-arian dulot ng pag- apaw ng tubig nito noong 1887. HANGU OH 7) Ito ang pinakamahabang ilog sa Asya at pangatlo sa buong mundo kasunod ng Nile at Amazon River. ZEYTANG 8. Ang kauna-unahang dinastiyang nangasiwa sa China partikular ang bahagi sa Silangan ng Huang Ho at Yangtze. HANGS 9. Isang uri ng metal na nagpakilala sa kahusayan ng dinastiyang Indus at Shang dahil sa paggawa ng mga kasangkapan. BESRON 10. Tumutukoy sa pagsalin-salin o pagpapamana ng kapangyarihan sa iisang pamilya o angkan. SINDITAYA ANG KABIHASNANG INDUS Mula sa mga modernong bansa ng Pakistan, Bangladesh at India, nagmula ang Kabihasnang Indus. Itinuturing ito na isa sa pinakamaringal na sibilisasyon na nabuo sa kasaysayan. Ito ay matatagpuan sa lambak ng Ilog Indus noong 2500-1600 BCE (Panahon ng Bronse). Dalawang kilalang lungsod ang nabuo dito, ang Mohenjo Daro at Harappa ang tinaguriang “Kambal na Lungsod”. Tulad ng Mesopotamia, nakinabang din sa biyaya ng ilog ang mga naninirahan doon. Sa ibaba ay makikita mo ang talahanayan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kabihasnang Indus. Ang ilog Indus na matatagpuan sa Pakistan ay umaapaw taon-taon dahil sa pagkakatunaw ng yelo sa Himalayas ngunit nag-iiwan ito ng banlik na nagpapataba sa lupaing lambak nito na naging angkop sa agrikultura. Sa lupaing lambak na ito aksidenteng nahukay ang mga mauunlad na lungsod ng Timog Asya. Bago nagkaroon ng maunlad na kabihasnan ay sinasabi ng mga arkeologo na may mga pamayanang naitatag noong panahong Neolitiko na tinatawag na pamayanang Mhergah na nasa kanluran ng ilog Indus. Masasabing sedentaryo at agrikultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensiya. Mula sa pamayanang ito ay umusbong ang mga lungsod sa lambak ng Indus. May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harappa at Mohenjo-Daro. Planado at organisado ang mga lungsod na ito na ipinakita sa mga lansangang nakadisenyong kuwadrado(grid-patterned) at pare- pareho ang sukat na bloke ng kabahayan. Patunay ito na magaling sa matematika at agrimensura ang mga naninirahan dito. May isa o higit pa ang banyo o palikuran na nakakonekta sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa. Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Ang mga ito ay sumasamba sa mga hayop at puno. Meron ding mga artifact na nahukay dito tulad ng mga laruan, alahas na palamuti at mga palayok na nagpapakita ng kanilang kasanayan sa paggawa ng mga bagay na ito. Bagama’t maunlad ang mga lungsod na ito ay nakapagtatakang iniwan ito ng mga tao at nabaon sa ilalim ng lupa sa matagal na panahon. Ayon sa paliwanag ng mga iskolar ay maaaring nagkaroon ng mga kalamidad o nagkaroon ng pagsakop sa lugar na pinaniniwalaang mga Aryan. Ngunit walang sapat na ebidensiya na nagpapatotoo sa mga paliwanag na ito. Sa paglipas ng panahon ang kabihasnang ito ay unti-unting nawaglit sa alaala at nawala sa kasaysayan (Department of Education 2014). KATANGIAN NG LUNGSOD NG HARAPPA AT MOHENJO DARO *Ang pangunahing hanapbuhay nila ay ang pagsasaka dahil sa matabang lupa nakapalibot sa dalawang ilog. *Nagpapaamo sila ng mga hayop tulad ng kambing at baka na kinalauan ay kanilang pinagbibili. *Ang kanilang kasasangkapan ay may halong bronse na nagpapatibay sa kanilang mga kagamitan. AMBAG *Ang Indus pictogram ay ang sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Indus kung saan sila ay gumagamit ng mga larawan. *Ang Indus seal ay palatandaan ng isang mangangalakal tungkol sa ibinebenta niyang hayop o agrikutural na produkto. * Ang sistemang grid ang katawagan sa pagtatayo ng mga gusali na hugis-parisukat na may malalawak na espasyo, silid- tulugan at sistemang alkantarilya (sewerage system). *Ang mga kasangkapang may halong bronse na nagpatibay sa kanilang mga kagamitan gaya ng mga banga na nahukay sa gumuhong lungsod ng Harappa. DAHILAN NG PAGBAGSAK: Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang Indus: *Dahil sa isang malaking sakuna na lumipol sa mga taga-Indus, tulad ng lindol. *Pagsalakay ng mga Aryano, ang pangkat na ito ang nagpatupad ng Caste System, kung saan inuuri-uri ang mga tao sa lipunan. Ito ay naging sanhi ng diskriminasyon sa mga Dravidians, ang lahing bumuo ng Kabihasnang Indus kung kaya’t napalayas sila sa lupain. *Pagbabago ng klima. Natuyo ang Ilog Indus na siyang pinagkukunan ng tubig para sa mga pananim at alagang hayop. MGA IMPERYONG NAITATAG SA TIMOG ASYA Pagdating ng mga Aryan Sa pagitan ng 1500-1000 BCE sinakop ng mga Indo-Aryan ang buong Indus Valley hanggang sa kapatagan ng Ganges at Deccan Plateau. Ambag *Pinaunlad ng mga Aryan ang sistema ng kanilang panulat na tinatawag na Sanskrit. *Ang Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng mga Aryan. *Ang Sistemang Caste ay katawagan sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao sa lipunan. Dahilan ng Pagbagsak *Pagsakop ng Persia sa pamumuno ni Cyrus the Great at sinundan ni Alexander the Great ng Macedonia. Imperyong Maurya *Kauna-unahang imperyo sa Timog Asya *Pinamunuan ni Chandragupta Maurya na namahala sa India mula 322-301 BCE. *Sumunod na pinuno ay si Asoka, namahala siya mula 269-232 BCE, kilala siya bilang pinakakilala at pinagpipitagang pinuno dahil sa pagtatakwil ng karahasan at pagyakap sa relihiyong Buddismo. *Walang magaling na pinuno ang pumalit kay Asoka kung kaya bumagsak ang imperyo.
  • 2. Imperyong Gupta *Ang imperyong itinatag ni Chandra Gupta I noong 320 CE *Sa pamumuno ni Chandra Gupta II nakamit ng India ang “Ginintuang Panahon” dahil maunlad at payapa ang imperyo *Pagsakop ng mga Mughal sa imperyo. Imperyong Mughal *Si Babur ang nagtatag Imperyong Mughal noong 15 CE. * Sumunod na pinuno ay si Akbar (1556) apo ni Babur, nagpalawak ng teritoryo ng imperyo. *Jahangir (1605)- anak ni Akbar, humina ang kaniyang pamamahala dahil sa hindi mabuting impluwensiya ng kaniyang asawa na si Nur Jahan ng Persia. *Shah Jahan (1627)- anak ni Jahangir, namahala ng 30 taon, nagpagawa ng isang libingan gusali na Taj Mahal para sa kaniyang asawang namatay na si Mumtaz Mahal. *Aurangzeb- anak ni Shah Jahan, naging kontrobersyal na pinuno dahil gusto niyang ipatigil ang Suttee, ito ay tumutukoy sa pagsunog ng babaeng balo sa oras ng paglilibing sa asawang namatay. *Bumagsak ang imperyo dahil sa pagdating at pagsakop ng mga Ingles sa India KABIHASNANG TSINO Sa lambak ng Ilog Huang Ho sumibol ang unang kabihasnang Tsino. Kilala din ang Huang Ho River bilang Dilaw na Ilog dahil sa kulay dilaw na depositong banlik na iniiwan nito sa lupa tuwing umaapaw ang ilog. Ang matabang lupang ito ay tinatawag na loess soil kung kaya akma ang lupain sa pagsasaka. Gayunpaman, sa tuwing umaapaw ang Dilaw na Ilog, nagdudulot ang pagbaha nito ng malaking pinsala tulad ng pagkasira ng mga pananim at pagkasawi ng mga mamamayan kung kaya tinawag din itong “Pighati ng Tsina” o “River of Sorrow”. Ang pangunahing katangian ng kabihasnang ito ay ang pagkakaroon ng dinastiya sa mga namumuno. Ang dinastiya ay tumutukoy sa pagpapamana o pagsasalin-salin ng kapangyarihan mula din sa kanilang pamilya o angkan. Ang isa sa pinakamatabang lupain ng China ay matatagpuan sa gilid ng ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow River dahil sa tuwing pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag- iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba. Ang taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng mga tao sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig at ang paglalagay ng mga dike. May mga pamayanan na umusbong dito bago pa ang Shang. Ito ang pamayanang Yangshao at Lungshan. Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahong ito ngunit naging pangunahing gawain din ng Yangshao ang paggawa ng mga tapayan na mas nahigitan at napaunlad naman ng Lungshan sa pamamagitan ng pagtuklas ng potter’s wheel. Masasabing ang Lungshan ang transisyon patungo sa panahon ng kabihasnang Shang. May mga nasulat din na may nauna pa sa pamayanang Shang tulad ng dinastiyang Xia subalit walang sapat na dokumentong nagpapatunay dito. Samantalang sa Shang ay may labing nahukay ang mga arkeologo na nagpapatunay sa kabihasnang ito noong dekada 1920. Isa na rito ang mga oracle bones o butong orakulo na ginagamit sa panghuhula. Pinaniniwalaan nila na nakakausap nila ang mga diyos ng kalikasan at mga ninuno gamit ang mga butong orakulo. Ang Shang ay pinamunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa pag-aayos ng kanilang lungsod na napapalibutan ng mga matataas na pader na naging paghahanda sa mga madalas na digmaan sa kanilang lupain. Ang lipunan ay nahahati sa pagitan ng mga aristokrasya at mga karaniwang tao na nailalarawan sa uri ng kanilang tirahan. Naimbento din ang sistema ng pagsulat na tinawag na calligraphy na nagsilbing tagapag isa ng Tsino. Bagama’t may iba’t ibang wika nasentro lamang sa isang sistema ng pagsulat ang mga Tsino at ang simbolo ng butong orakulo ang ginamit na karakter na unang simbolo ng pagsusulat nila. Mataas din ang antas ng paggawa ng mga sisidlang bronse sa panahong ito. Gumagawa sila ng pigurin, ritual urn, at malalaking kalderong panseremonya na puno ng maliliit at pinong disenyo. Ang mga chariot at baluti ng mga sundalo ay may mga disenyong bronse rin. Ang mga artisano ay naging bihasa rin sa paglilok ng mga estatwa o pigurin mula sa materyal na hade(jade) at garing(ivory). Gumagawa rin sa panahong ito ng mga telang seda para sa mga aristokrata at magagandang porselana mula sa kaolin o pinong luwad na kulay puti. Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo. (E. C. Mateo 2008) Mga Dinastiyang umusbong sa bansang Tsina Dinastiya: Shang (1700-1200 B.C.) *Nagsimula ang kasaysayan ng Tsina sa ilalim ng dinastiyang Shang. Lipunan *Tulad ng piramide ang estruktura ng lipunan. Ang paring-hari at kaniyang pamilya ang nasa pinakamataas na uri. Sumunod ang mga aristokrata na nagmamay-ari ng mga malalawak na lupain, sumunod ay ang mga manggagawa na ang bumubuo ay mga magsasaka. Ang mga bilanggo dulot ng digmaan ang mga nasa pinakamababang uri. Sinaunang Anyo ng Paniniwala *Sumasamba sa maraming diyos ang mga sinaunang Tsino. Pinaniniwalaan din na nagmula ang kapangyarihan ng pinunong Shang sa mga espiritu ng kalikasan. Dahil dito, pinangungunahan ng haring Shang ang pagsamba sa kanilang mga diyos. Gumagamit din ang mga pinunong espirituwal ng tinatawag na oracle bones na ipinapalagay na nakapanghuhula ng mga pangyayari. Sistema ng Pagsusulat *May sistema ng pagsusulat ang Shang na binubuo ng 3000 simbolo o character na kalauna’y tinawag na calligraphy o kaligrapiya. Karaniwang nakasulat ang mga simbolong ito sa sa mga buto ng baka o tupa. Sining at Teknolohiyang Shang *Naging tanyag sa kasaysayan ang dinastiyang Shang sa mga kasangkapan nitong yari sa bronse. Nakalikha rin sila ng mga pigurin na yari sa jade na karaniwang hugis tao at hayop. Dahilan ng Pagbagsak *Sila ay sinakop ng pangkat Zhou na matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng Tsina Dinastiya: Zhou/Chou (1122 – 256 B.C.E) Katangian *Ito ang dinastiyang pinakamatagal na namahala sa Tsina sa loob ng halos 900 taon. * Sentralisado ang pamamahala at nagpatuloy ang sistema ng ng pagmamay-ari ng lupa. * Sa panahong ito, naging tanyag ang mga pilosopong Tsino na sina Confucius (Kongxi), Li Erh (Laozi), Mencius (Mengzi), at Mozi. Ambag sa Kabihasnan *Nagsimula ang malalim na pagpapahalaga sa pamilya. *Paggamit ng bronseng barya na may iba’t ibang hugis. *Pagpapatupad ng sistemang civil service para sa pagpili ng kawani ng pamahalaan. *Nagsimula ang pilosopiyang Legalismo, Taoismo at Confucianismo.
  • 3. Sanhi ng Pagbagsak Sumiklab ang digmaang sibil sa pagitan ng 7 maliliit na estado ng Qi, Chu, Yan, Han, Zhao, Wei, at Qin sa kahariang Zhou noong 475 B.C.E. Tinawag ang panahon na ito bilang “Period of Warring States” Dinastiya: Qin / Ch’in (221 B.C.E. – 206 B.C.E.) Napag-isa ng dinastiyang Qin (Chin) ang mga estadong naglaban ng halos 200 taon. Sa pamumuno ni Shi Huangdi, naitatag ng kabihasnang Tsino ang tunay na imperyo. Pinangasiwaan niya ang imperyo ng may pagmamalupit. Sinupil niya ang Confucianismo sa Tsina sa pamamagitan pagsunog sa mga aklat at pagpapahirap at pagpatay sa mga guro ng Confucianism. Ambag sa Kabihasnan *Naipatayo ang Dakilang Pader ng Tsina o Great Wall of China na itinayo upang protektahan ang imperyo mula sa mga nomadikong tao sa timog ng Gobi Desert. * Naitatag ang isang matatag na sentralisadong pamahalaan na may maliliit na distrito upang madaling pamahalaan. * Pagkakaroon ng iisang wika, sistema ng pagsulat, pananalapi, timbangan at sukatan. Sanhi ng Pagbagsak *Noong namatay si Shi Huangdi noong 210 B.C.E., nagsagawa ng iba’t ibang rebelyon ang mga magsasaka at maharlikang nakaranas ng malupit niyang pamamahala. Dinastiya: Han (202 B.C.E. – 221 C.E.) * Sa pamumuno ng dinastiyang Han, bumalik ang kaayusan sa Tsina. * Naghatid ng ginintuang panahon ng kapayapaan, mataas na antas ng pamumuhay at kaunlaran sa Tsina. Ambag sa Kabihasnan *Sinimulan ang civil service examination. *Natutuhan ang paggamit ng papel at umunlad ang palimbagan sa Tsina. * Nabuo ang kauna-unahang diksyunaryong Tsino. *Pagsasagawa ng acupuncture o pang-gagamot gamit ang mga karayom. Sanhi ng Pagbagsak *Mahinang pamamahala at katiwalian ng mga sumunod na emperador, paglakas ng maharlika at pananalakay ng mga nomadikong dayuhan mula sa Hilagang Tsina. Dinastiya: Sui (581C.E. – 618 C.E.) *Dinastiya na may maikling pamamahala sa Tsina. Ambag sa Kabihasnan *Grand Canal – isa sa pinakamahabang kanal sa buong daigdig na may habang umaabot sa 1800 kilometro na ipinagawa ni Emperador Sui Yangdi. Sanhi ng Pagbagsak *Sumiklab ang rebelyon sa mga rehiyon dahil sa sapilitang paggawa at mataas na buwis. *Paghina ng sandatahang lakas dulot ng pagbabanta ng mga Turko. Dinastiya: Tang (619 C.E. – 907 C.E.) *Isa sa mga dakilang dinastiya ng Tsina dahil binigyan niya ang mga magsasaka ng lupain na naging dahilan ng paghina ng kapangyarihan ng mga nagmamay-ari ng lupa. Ambag sa Kabihasnan *Naimbento ang woodblock printing, isang bloke ng kuwadradong kahoy kung saan nakaukit ang mga salita o larawan, katumbas nito ang isang panrelihiyong libro. Sanhi ng Pagbagsak *Pinabagsak ng Dinastiyang Song sa pamamagitan ng isang digmaan. Dinastiya: Song *Ito ang panahon kung saan naging maunlad ang ekonomiya ng Tsina sa pamumuno ni Taizu. Ambag sa Kabihasnan *Namulaklak ang “landscape painting” sa Tsina. *Naimbento ang gun powder at compass. Sanhi ng Pagbagsak *Pakikipag-alyansa sa pangkat ng Mongol na naging dahilan ng pagbagsak ng dinastiya. Dinastiya: Yuan (1279 C.E. – 1368 C.E.) *Kauna-unahang dayuhang dinastiya sa China. *Pinangasiwaan ito ni Genghis Khan ng bansang Mongolia. *Hindi binigyan ng katungkulan sa pamahalaan ang mga Tsino. *Sa panahong ito dumagsa ang mga dayuhang mangangalakal sa Tsina. Ambag sa Kabihasnan *Sa lawak ng sakop ng imperyo, naging madali ang pakikipagpalitan ng mga ideya at imbensyon sa pagitan ng China, Europe at ibang bahagi ng Asya. Sanhi ng Pagbagsak Sa pamumuno ni Zhu Yuanzhang noong 1368, isang rebeldeng Tsino, napabagsak ang imperyong Mongol. Dinastiya: Ming Noong ika-15 siglo, ipinatupad ang patakarang Isolationism, isang kautusan na pumuputol sa ugnayan ng China sa lahat ng dayuhang bansa Ambag sa Kabihasnan *Ipinatayo ang “Forbidden Palace” o Pinagbabawalang Palasyo, isang palasyo na ang maaari lamang pumasok at tumira ay mga pinuno at mga mahaharlikang pamilya at kamag-anak sa Tsina. *Ninais ng mga pinuno na maging malakas na imperyong pandagat, kaya pinaghusay ng mga Tsino ang paggawa ng malalaking barko at sistematikong pamamaraan sa paglalayag. Dito nakilala si Zheng He, siya ang nanguna sa paglalayag sa Tsina mula 1405 hanggang 1433. Sanhi ng Pagbagsak *Kahuli-hulihang dinastiya ng Tsina, pinabagsak ng mga Manchu, isang pangkatetniko na matatagpuan sa Hilagang-Silangan ng Tsina
  • 4. Gawain A: AMBAG KO, TUKUYIN MO! Panuto: Tukuyin ang kontribusyon ng bawat dinastiya ng Tsina na nakasulat sa loob ng bilog. Isulat ang pangalan ng dinastiya sa loob ng nakahandang mga kahon. GAWAIN B: ANG AKING LIDER! Panuto: Tukuyin ang mga naging pinuno ng mga imperyong naitatag sa sinaunang India. Isulat ang sagot sa baba ng mga bilog. Panuto: Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang dalawang kabihasnang nabuo sa India at Tsina. PAGSUSULIT A. Kabihasnang Indus. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod na lungsod ang naitatag sa Kabihasnang Indus? A. Akkad B. Harappa C. Punjab D. Sumer 2. Ito ang katawagan sa paraan ng panulat ng Kabihasnang Indus. A. Alphabet B. Cuneiform C. Hieroglypics D. Pictogram 3. Ang imperyong pinamunuan ni Asoka. A. Gupta B. Maurya C. Mughal D. Aryan 4. Isa sa naging pinuno ng Imperyong Mughal ng na nagpatayo ng Taj Mahal, libingan ng kaniyang asawang namatay. A. Akbar B. Babur C. Jahangir D. Shah Jahan 5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa Kabihasnang Indus. A. Ang Kabihasnang Indus ay naitatag malapit sa ilog sapagkat dito kumukuha ng pangangailangan ang mga tao gaya ng tubig. B. Ang Kabihasnang Indus ay nabuo sa panahon ng Neolitiko kung saan ang pangunahing hanapbuhay ay pagsasaka. C. Ang Kabihasnang Indus ay nanakop ng mga lupain para pakinabangan ang mga likas na yaman ng mga ito. D. Ang mga kasangkapan sa Kabihasnang Indus ay yari sa putik o bato. B. Kabihasnang Tsina. Panuto: Basahin ang mga pahayag sa Hanay A. Piliin sa Hanay B ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang. Hanay A Hanay B 6. Ang kauna-unahang dinastiya na nabuo sa Tsina. A. Oracle Bone 7. Ito ang ibang katawagan sa Ilog Huang Ho. B. Bronse 8. Tawag sa pangkat ng mga Tsino na sumakop at nagpabagsak C. Shang sa dinastiyang Shang. D. Zhou 9. Bagay na ginagamit sa panghuhula ng mga sinaunang Tsina. E. “China’s Sorrow 10. Isa sa mga mahalagang uri ng metal na ginamit ng mga Tsino . F. Ilog Yangtz