SlideShare a Scribd company logo
1 of 5
Download to read offline
LEARNING ACTIVITY SHEETS 8
RELIHIYON AT PILOSOPIYA
NAME;_______________________ Grade and Section:________________ Date:________ SCORE: _____
Bigyang pansin ang mga tanong na hindi masagutan ng wasto at alamin ang tamang sagot pagkatapos ng aralin. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ang pinakamalaking bilang sa lahat ng mga rehiyon sa mundo batay sa dami ng mga taga-sunod.
a. Judaismo b. Kristiyanismo c. Sikismo d. Buddhismo
2. Isa sa pinakamatandang rehiyon sa daigdig.
a. Judaismo b. Kristiyanismo c. Sikismo d. Buddhismo
3. Ito ay galing sa salitang Arabic, salam na ang ibig sabihin ay kapayapan.
a. Islam b. Judaismo c. sikismo d. Jainismo
4. Ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyos ng araw at iba pang diyos ng kalikasan.
a. Judaismo b. Kristiyanismo c. Sikismo d. Shintoismo
5. Sang-ayon sa rehiyong ito, ang buhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan.
a. Islam b. Zoroastrianismo c. sikismo d. Jainismo
6. Isa itong Philosopiya na itinatag ni Lao Tzu.
a. Legalismo b. Confucianism c. Taoism d. Buddhism
7. Ang banal na aklat ng mga Muslim.
a. Bibliya b. Torah c. Koran d. Veda
8. Ang banal na Kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan.
a. Veda b. Koran c. Torah d. Bibliya
9. Nangangahulugang batas at aral ay naglalaman ng limang aklat ni Moises.
a. Bibliya b. Torah c. Koran d. Veda
10. Ang banal na Aklat ng mga Kristiyano.
a. Bibliya b. Torah c. Koran d. Veda
11. Ang ipinangakong Mesiyas at manunubos.
a. Mohammad b. Moises c. Kristo Hesus d. Sidharta
12. Ang huling propeta na pinadala ni Allah.
a. Mohammad b. Moises c. Kristo Hesus d. Sidharta
13. Ang gabay ng mga Kristyano sa wastong pagkilos at pamumuhay.
a. Torah b. Walong Dakilang Daan c. Sampung Utos d. pitong Sackramento
14. Ito ay nasa anyong patula na ang layunin nito na makamit ang ugnayang mistiko.
a. Veda b. Salmo c. Tao Teching d. Himno
15. Ito ay “pagmamahal sa Karunungan”.
a. Pilosopiya b. Relihiyon c. Legalismo d. Kritiyanismo
Panuto: Magbigay ng tatlong (3) saloobin tungkol sa mga impluwensiya ng kultura sa buhay Asyano. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. __________________________________________________________.
2. __________________________________________________________.
3. __________________________________________________________.
Gawain: LARAWAN- SURI Panuto: Suriin ang kasunod na mga larawan. Ano ang iyong ideya sa mga larawan na nasa
ibaba? Kilalanin kung ito ay tradisyon, pilosopiya, relihiyon, pananaw at paniniwala.
GABAY NA TANUNG SA PAGSUSURI
1. Anu- ano ang iba’t ibang relihiyon at pilosopiya sa Asya?
2. Paano nakaimpluwensiya ang mga relihiyon at pilosopiya sa ating lipunan?
BASA-SURI-UNAWA
Ang Relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalikloob. Ang
relihiyon ay nahahati sa dalawang uri; monoteismo at polyteismo. Ang Monoteismo ay ang paniniwala sa iisang Diyos
lamang, samantalang ang Polyteismo ay ang paniniwala sa maraming Diyos
Mga Paniniwala ng mga Hindu
Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala sa pagkakaisang
ispiritwal. SIla ay naniniwala sa pagmamahal, paggalang at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay, espiritu o
kaluluwa. Sumasamba sila sa iba’t ibang uri at anyo ng diyos na tinatawag na Polyteismo. Bahagi ng paniniwalang Hindu
ang Reinkarnasyon, kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo, paraan o nilalang.
Naniwala ang mga Hindu sa Karma. Ang karma ay ang pagkakaroon ng gantimpala kapag kabutihan ang tinanim, subalit
pagdurusa naman ang balik kapag kasamaan ang itinanim sa kapwa. Naniniwala sila na ang tao ay dapat na magsikap
sa buhay at ito ay dapat na iniaalay niya sa diyos anuman ang antas niya sa lipunan.
B. Buddhismo - Itinatag ito ni Siddharta Gautama, isang batang prinsipe, subalit ninais na maging asetiko upang danasin
ang katotohanan ng buhay. Isinuko niya ang karangyaan, luho at masarap na buhay. Iniwan niya ang pamilya at
naglakbay hanggang matuklasan niya ang kaliwanagan. Kaya ang Buddhismo ay nangangahulugan ng kaliwanagan. May
dalawang paghahati ang Buddhismo:
(1) Mahayana Buddhism - Kinilala bilang Diyos si Buddha na tagapagligtas mula sa guro. Niyakap ito ng mga taga
Silangang Asya tulad ng China, Korea at Japan at Vietnam sa Timog Silangang Asya
(2) at (2) Theravada Buddhism - Kinikilala si Buddha bilang guro at banal na tao.
Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhismo
1. Ang buhay at pagdurusa ay hindi magkahiwalay.
2. Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
3. Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa ang pagnanasa.
4. Maalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo ang tunay na kaligayahan o Nirvana.
Walong Landas o Dakilang Daan
a. Tamang pananaw
b. Tamang aspirasyon
c. Tamang pananalita
d. Tamang ugali
e. Tamang kabuhayan
f. Tamang konsentrasyon
g. Tamang pagpupunyagi
h. Tamang pagnilaynilay
C. Jainismo - Isa sa mga relihiyon sa India. Ayon sa Veda ang Jainismo ay itinatag ni Rsabha, subalit ang pinakapinuno ng
Jainismo ay si Mahavira o Vhardamana. Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang kayamanan at kapangyarihan at naging
asetiko katulad din ni Buddha.
Mga Doktrina ng Jainismo
Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay, pagkamatay at muling pagkabuhay. Ito ay siklo
na dapat maranasan ng lahat ng tao.
1. Bawal kumain ng karne
2. Bawal ang pumatay ng insekto
3. Bawal ang magnakaw
4. Bawal magsinungaling
5. Bawal ang magkaroon ng ari-arian
6. Bawal makipagtalik
7. Bawal ang pananakit sa anumang may buhay, tinawag
itong ahimsa o kawalan ng karahasan o non-violence
8. Kailangan mapagtimpi at disiplinado ang tao
9. Kailangan igalang ang lahat ng mga bagay na may
buhay
Ang karma ay isang buhay na bagay na dumadaan sa katawan ng anumang bagay at buhay at nagiging pabigat ito.
Binibigyang diin ng Jainismo ang asetismo o pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang mapaglabanan ang
kasakiman ng katawan.
D. Sikhismo - Ang Sikhismo ay itinatag ni Guru Nanak. Sinikap niyang pagbuklurin ang mga Muslim sa isang kapatiran.
Ang mga mananampalataya ng Sikhismo ay matatagpuan sa India, Pakistan at iba pang parte ng daigdig.
Mga Paniniwala ng Sikhismo
a. May isang diyos, walang hanggang katotohanan ang kaniyang pangalan.
b. Naniniwala sa reinkarnasyon. Ang reinkarnasyon ng mga Sikh ay pagakyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas
pataas. Kailangang masagip ang mga tao dahil kung hindi sila ay patuloy na makararanas ng muli’t muling pagsilang.
c. Nirvana ng mga Sikh ay makakamtam sa pagsama ng indibidwal sa kanyang lumikha sa kabilang buhay.
E. Judaismo - Ang Judaismo ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang paniniwala ng mga Hudyo sa monoteismo
ay nagpapatunay na naging batayan ito ng Kristyanismo at Islam. Ang Torah na nangangahulugang batas at aral ay
naglalaman ng limang aklat ni Moses. Ang Sampung Utos ang gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay.
Ang mga ito ay ang sumusunod:
Ang Sampung Utos ng Diyos (Exodo 20:1-17)
a. Ibigin mo ang DIYOS ng lalo at higit sa lahat.
b. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
c. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
d. Igalang mo ang iyong ama at ina.
e. Huwag kang papatay.
f. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
g. Huwag kang magnanakaw.
h. Huwag kang magbibintang at huwag kang
magsisinungaling.
i. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag- aari.
j. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
F. Kristiyanismo Ang Kristiyanismo ang pinakamalaking
bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo sa dami ng
tagasunod at kasapi.
Ito ay relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo. Si Kristo ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan.
Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo, mula sa Lumang Tipan hanggang sa mga aral ni Moses (Sampung Utos
ng Diyos), si Kristo ang ipinangakong Mesiyas at manunubos. Ayon kay Kristo mahal ng Diyos ang lahat ng tao at
natutuwa siya kapag mahal siya at pinaglilingkuran nila. Bibliya ang banal na aklat ng relihiyong ito.
G. Islam - Ang relihiyon ng mga Muslim na sinasabing ikalawa sa pinakamalaking relihiyon sa daigdig. Allah ang tawag
sa kanilang Diyos at si Muhammad naman ay ang huling propetang pinadala ni Allah na siyang nagtatag ng Islam.
Kakaiba dahil ang pangalan ng relihiyon ay hindi tao, pook at iba pa. Ang Islam ay galing sa salitang Arabik na "Salam" na
ang ibig sabihin ay kapayapaan. Muslim ang tawag sa mga nilikha ni Allah na sumusunod, sumusuko at tumatalima sa
Kaniyang mga kautusan.
Mga Paniniwala at Aral ng Islam
Ang Qur’an (Koran) ang banal na aklat ng mga Muslim na tunay na salita ni Allah galing kay Muhammad sa pamamagitan
ni Angel Gabriel. Ang mga Muslim ay hindi maaaring kumain ng karneng baboy at hamon at uminom ng alak. Ang
lalaking Muslim ay maaaring magkaroon ng 4 na asawa hanggang sa kaya niyang ibigay ng pantay-pantay ang
pangangailangang pinansyal at emosyonal ng mga ito. Sina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad ang mga
propeta ni Allah. Sa kanilang paniniwala, hindi tinuturing na anak ng Diyos si Hesus. Pinadala lamang siya ni Allah bilang
isang propeta.
Limang Haligi ng Islam
Ang Limang Haligi ng Islam ay ang pundasyon ng relihiyon. Inaasahang ang bawat Muslim ay makakasunod dito.
1. IMAN (Pananampalataya) - Pagpapahayag ng Shahadah, "Walang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ang kanyang
propeta."
2. SALAH (Pagdarasal) - pagdarasal nang limang beses sa isang araw na nakaharap sa Mecca. Obligado silang magdasal
tuwing madaling araw (Farj), tanghali (Dhuhr), dapit hapon (Asr), takipsilim (Maghrib), Gabi (Isha’a).
3. ZAKAH (Pag-aabuloy) - pagbibigay ng ilang bahagi ng kayamanan sa nangangailangan.
4. SAWM (Pag-aayuno) - hindi pagkain, pag-inom, at pagpigil sa seksuwal na relasyon kasama ng kanilang asawa sa loob
ng 30 araw mula ika-6 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi sa panahon ng Ramadan.
5. HAJJ (Paglalakbay) - pagpunta sa Mecca (The Black Stone of Kaaba) kahit isang beses lamang sa kanyang buhay. Ito ay
para lang sa mga may kakayahang pisikal at pinansyal.
Zoroastrianismo Noong ika-6 na siglo B.C., ipinalaganap ni Zoroastro, isang mangangaral na taga-Persia (Iran na
ngayon), ang isang relihiyon. Sang-ayon sa relihiyong ito, ang búhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa
kabutihan o kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang Kataas-taasang Diyos; samantalang ang
kasamaan ay nasa pangangasiwa ni Ahriman, ang Diyablong Espiritu.Sa wakas ng panahon, magtatagumpay si Ahura
Mazda laban kay Ahriman. At sa pagwakas ng daigdig ay sa pamamagitan ng pagkatupok sa apoy. Ang taong mabubuti at
sumusunod sa mga aral ni Ahura Mazda ay titira na sa isang kahariang walang hanggang kaligayahan at kabutihan. Ang
masasama naman ay parurusahan magpakailanman.
Shintoismo - ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyosa ng araw at iba pang diyosa ng kalikasan. Ang
Shinto ay nangangahulugang daan o kaparaanan ng diyos. Tinatawag na Kami ang mga diyos na may kapangyarihang
likas at nananahanan ang mga ito sa ilog, puno, bato, bundok, buwan at araw. Sinasamba rin nila ang namatay nilang
mga kamag-anak at ninuno. Nakasentro ang pagsamba nila sa mga templo at dambana na sa paniniwala nila ay
nananahanan ang diyos. Binubuo ang paniniwala nila ng mga dasal, pagpalakpak, pag-aalay at gawaing
pananampalataya. Malaking bilang nila ay makikita sa bansang Hapon.
I. Apat na Paninindigan ng Shinto
a. Tradisyon at Pamilya: Ang pamilya ang kanilang pangunahing prayoridad.
b. Pagmamahal sa Kalikasan: Ang kalikasan ay may malakas na koneksyon sa mga diyos kaya ito'y binibigyang silbi.
c. Kalinisan: Sila ay palaging naliligo at naghuhugas.
d. Matsuri: Pagpuri sa mga diyos at sa mga sinaunang espirito.
Paniniwala ng Shintoism
1. Purification - Pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan.
2. Kami - Banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay kapag ikaw ay namamatay, ikaw ay magiging isang kami.
3. Aragami - Masamang "kami" na pinatay at ngayon ay naghahanap ng paghihiganti.
4. Mizuko - Mga batang hindi naipanganak at nagiging sanhi ng problema.
5. Mizuko Kuyo - Pag-samba ng mga Mizuko upang iwasan ang problema
PILOSOPIYA SA ASYA
Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philo" at "Sophia". Ang Philo ay nangangahulugang
"Pagmamahal" at ang Sophia naman ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan". Kung
kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at
magdagdag ng karunungan sa nagtatanong
A. Confucianism
Isang pilosopiya o paraan ng paglakad ng buhay ng isang tao. Itinatag ni Confucius sa Shantung, China noong ika 5-6 siglo
BCE. Siya ay mayroong 5-6 milyon na taga-sunod sa buong daigidig. Ang turo niya ay makikita sa kanyang mga isinulat na
mga libro na Four books at Five classics. Sa paniniwala ni Confucius, ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao
ay magdadala ng kapayapaan. Hindi ito itinuturing na relihiyon ng iba dahil hindi lahat ng elemento ng isang relihiyon ay
taglay ng Confucianism, nakapokus lamang ito sa paraan ng pamumuhay at ethical teachings. Naniniwala sila sa iisang
Panginoon sa langit at nag-aalay sila ng iba't ibang sakripisyo, pero inaalay ito ng mga hari, prinsipe at tao na may
mataas na posisyon sa lipunan. Ang tagasunod sa Confusianism ay naniniwala sa buhay pagkatapos mamatay, noong
itanong kay Confucius ang tungkol dito, ito ang kanyang sagot. "We haven't yet finished studying life to delve into the
question of death."
Confucian Virtue
1. Li: pagkamagalang
2. Xiao: paggalang sa magulang
3. Yi: pagiging patas
4. Xin: pagkamatapat at mapagkakatiwalaan
5. Jen: kagandahang loob
6. Chung: katapatan sa estado (pinakamataas sa lahat).
B. Taoism
Tinatag ito ni Lao Tzu, na isinilang noong 500 B.C. sa Hunan sa Timog China. Siya ay nagtrabaho sa Imperial Library. Sa
kanyangsimpleng pamumuhay, siya ay natuto sumunod sa tawag niyang "Tao". Ang ibig sabihin ng Tao ay "Ang Daan".
Isang paraan ng pamumuhay.
Mga Turo ng Taoism
Lahat ng mga bagay ay iisa. Naniniwala sila na kapag gumawa ka ng masama ang katumbas ay dapat gumawa ka ng
kabutihan. Ang buhay at kamatayan ay magkasama. Ito ay iisang realidad. Mga birtud: pagpipili sa sarili, pagpapasensya
at pagpapakumbaba. Ang estado ay nararapat na primitibo, pasibo at mapayapa.
Mga Paniniwala ng Taoism
1. Yin at Yang: Pagiging isa sa kalikasan.
2. Chi: enerhiya na nang-gagaling sa kalikasan o sa tao.
3. Tao: Isang puwersa sa likod ng mga natural na
kaayusan.
4. Wu Wei: Di nakikita na kapangyarihan sa loob ng
lahat ng mga bagay.
5. Pu: Lahat ng bagay ay nakikita na ito ay walang
"preconceptions".
6. De: Ang aktibong pamumuhay, o sa sarili, ng
"paraan".
Kasulatan ng Taoism
TAO TE CHING. Sinulat ito ni Lao Tzu. Ito ay na sa anyong patula. Layunin nito na makamit ang ugnayang mistiko.
Nilalaman nito ang mga pangunahing aral ng Taoismo. Lahat daw ng tao ay may pagkakapantay-pantay. Lahat ng bagay
ay relatibo.
C. Legalismo
Nakabatay ang legalismo sa makabuluhan at malakas na pwersa na dala ng estado. Ang agrikultura at sandatahang lakas
ang ilan sa mga elemento na maaring magpatibay sa estado. Ang pagsasaka o agrikultura at pagtatanggol sa bayan
bilang sundalo ay makapag sasalba ng lipunan ayon sa legalismo. Ayon sa paniniwalang legalismo na dapat ay palawakin,
patibayin at patatagin ang estado.
Higit na mahalaga ang istriktong batas ng pamahalaan at estado upang ang lahat ng miyembro ng lipunan ay kumilos at
gumawa ng mabuti at wasto.
Ang sinumang lalabag sa mga batas ay makakatikim ng mabigat na parusa na magmumula sa estado o pamahalaan.
Upang makalimutan at mabura ang paniniwala sa confucianismo, pinabasura at sinilaban ni Emperor Shi Huang Ti ang
mga babasahin na may kaugnayan sa Confucianismo.
Gawain Panuto: Ang mga sumusunod na pahayag ay mga impluwensya ng relihiyon sa iba’t ibang aspeto. Sa sulatang
papel, isulat ang:
L- kung ito ay impluwensya sa lipunan
P- kung ito ay impluwensya sa pamahalaan
M- kung ito ay impluwensya sa moralidad
SK- kung ito ay impluwensya sa sining at kultura
_______1. Bawal ang pagpapalaglag ng sangol sa sinapupunan.
_______2. Pagkakaroon ng respeto sa kapwa tao.
_______3. Pagsasagawa ng mga ritwal gaya ng sayaw tuwing piyesta.
_______4. Paggiging tapat sa serbisyo sa pamahalaan.
_______5. Pagbabawal sa pagkiltil ng buhay ng tao.
_______6. Ipinagbabawal ang pag-aasawa ng marami sa relihiyong Kristiyanismo.
_______7. Paniniwala sa mga santo at mga bagay sa kalikasan.
_______8. Pag-oorganisa ng mga kawani ng gobyerno ng mga gawain na may kinalaman sa mga piyesta.
_______9. Pagrespeto sa mga magulang.
_______10. Pagpapahalaga sa dignidad at puri ng kababaihan tulad ng hindi pakikipagtalik bago sila ikasal.
Gawain Panuto: Tukuyin kung anong paniniwala o aral nabibilang ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
Relihiyon o Pilosopiyang kinabibilangan ng mga ito sa inyong sagutang papel.

More Related Content

Similar to LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx

Mga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundoMga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundoMirasol C R
 
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptxAP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptxMaryJoyTolentino8
 
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.finalMga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.finalCay Vidanes
 
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asyaModyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asyaEvalyn Llanera
 
Division updating asian history and economics
Division updating asian history and economicsDivision updating asian history and economics
Division updating asian history and economicsRemy Datu
 
AP7 Q4 LAS NO. 6 Relihiyon sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO. 6 Relihiyon sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxAP7 Q4 LAS NO. 6 Relihiyon sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO. 6 Relihiyon sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxJackeline Abinales
 
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333MichelleRivas36
 
values education 4
values education 4values education 4
values education 4Jenie Juatco
 
AP7-MODYUL4-RELIHIYON AT PILOSOPIYA SA ASYA_071529.pptx
AP7-MODYUL4-RELIHIYON AT PILOSOPIYA SA ASYA_071529.pptxAP7-MODYUL4-RELIHIYON AT PILOSOPIYA SA ASYA_071529.pptx
AP7-MODYUL4-RELIHIYON AT PILOSOPIYA SA ASYA_071529.pptxJESSEBELLBRIER2
 
Relihiyon at paniniwala sa asya.pptx
Relihiyon at paniniwala sa asya.pptxRelihiyon at paniniwala sa asya.pptx
Relihiyon at paniniwala sa asya.pptx4OCLOCK
 
Sim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya editedSim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya editedDioni Kiat
 
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong AsyanoMga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong AsyanoEileen Aycardo
 
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdfMGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdfCARLOSRyanCholo
 
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptx
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptxmgarelihiyonsaasya-181001040029.pptx
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptxMaerieChrisCastil
 
Similar to LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx (20)

Mga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundoMga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundo
 
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptxAP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
 
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.finalMga pangunahing relihiyon sa asya.final
Mga pangunahing relihiyon sa asya.final
 
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asyaModyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
 
Division updating asian history and economics
Division updating asian history and economicsDivision updating asian history and economics
Division updating asian history and economics
 
RELIHIYON.pptx
RELIHIYON.pptxRELIHIYON.pptx
RELIHIYON.pptx
 
AP7 Q4 LAS NO. 6 Relihiyon sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO. 6 Relihiyon sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxAP7 Q4 LAS NO. 6 Relihiyon sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
AP7 Q4 LAS NO. 6 Relihiyon sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
 
relihiyon.pptx
relihiyon.pptxrelihiyon.pptx
relihiyon.pptx
 
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
 
Religion deme
Religion demeReligion deme
Religion deme
 
RELIHIYON.pptx
RELIHIYON.pptxRELIHIYON.pptx
RELIHIYON.pptx
 
Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya
 
values education 4
values education 4values education 4
values education 4
 
AP7-MODYUL4-RELIHIYON AT PILOSOPIYA SA ASYA_071529.pptx
AP7-MODYUL4-RELIHIYON AT PILOSOPIYA SA ASYA_071529.pptxAP7-MODYUL4-RELIHIYON AT PILOSOPIYA SA ASYA_071529.pptx
AP7-MODYUL4-RELIHIYON AT PILOSOPIYA SA ASYA_071529.pptx
 
Relihiyon at paniniwala sa asya.pptx
Relihiyon at paniniwala sa asya.pptxRelihiyon at paniniwala sa asya.pptx
Relihiyon at paniniwala sa asya.pptx
 
MGA RELIHIYON SA ASYA
MGA RELIHIYON SA ASYAMGA RELIHIYON SA ASYA
MGA RELIHIYON SA ASYA
 
Sim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya editedSim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya edited
 
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong AsyanoMga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
 
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdfMGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
MGA PILOSOPIYA AT RELIHIYONG SUMIBOL SA KANLURANG ASYA.pdf
 
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptx
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptxmgarelihiyonsaasya-181001040029.pptx
mgarelihiyonsaasya-181001040029.pptx
 
More from Jackeline Abinales

Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxQ3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxJackeline Abinales
 
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigJackeline Abinales
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Jackeline Abinales
 
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docxQ3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docxJackeline Abinales
 
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxQ3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxJackeline Abinales
 
LAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docxLAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docxJackeline Abinales
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxJackeline Abinales
 
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxRutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxJackeline Abinales
 
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Jackeline Abinales
 
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxPananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxJackeline Abinales
 
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxPananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxJackeline Abinales
 
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxPananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxJackeline Abinales
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxKolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxJackeline Abinales
 
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docxLEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docxJackeline Abinales
 
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxPambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxJackeline Abinales
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Jackeline Abinales
 
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxAng China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxJackeline Abinales
 
laspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docxlaspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docxJackeline Abinales
 
More from Jackeline Abinales (20)

Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docxQ3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
Q3 LAS6 Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan.docx
 
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdigang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
ang asya at ang dalawang digmaang pandaigdig
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
 
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
Q3 LAS3 PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT PAGLAYA NG MGA BANSA SA TIMOG AT KANLU...
 
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docxQ3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa  Timog at Kanlurang Asy.docx
Q3 LAS1 Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asy.docx
 
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docxQ3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
Q3 LAS2 EPEKTO NG KOLONYALISMO.docx
 
LAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docxLAS kabihasnag indus at shang.docx
LAS kabihasnag indus at shang.docx
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docxPaggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin.docx
 
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docxRutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
Rutang Kalakalan at Salik ng Unang Yugto ng Imperyalismo.docx
 
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
Mga lupain at bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na sinakop ng mga Kan...
 
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docxPananakop ng England sa Malaysia.docx
Pananakop ng England sa Malaysia.docx
 
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docxPananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
Pananakop ng Espanya sa Pilipinas.docx
 
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docxPananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
Pananakop ng Dutch sa Indonesia.docx
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docxKolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.docx
 
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docxLEARNING ACTIVITY SHEET     Ang Sphere of Influence sa China.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET Ang Sphere of Influence sa China.docx
 
ra 8491.pptx
ra 8491.pptxra 8491.pptx
ra 8491.pptx
 
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docxPambansang awit ng China at Pilipinas.docx
Pambansang awit ng China at Pilipinas.docx
 
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
Paggalugad at Pagtuklas ng mga Bansang Kanluranin Unang Yugto ng Imperyalismo...
 
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docxAng China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
Ang China sa gitna ng dalawang magkatunggaling ideolohiya.docx
 
laspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docxlaspilipinas-190215220655(1).docx
laspilipinas-190215220655(1).docx
 
Recently uploaded

G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Recently uploaded (20)

G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx

  • 1. LEARNING ACTIVITY SHEETS 8 RELIHIYON AT PILOSOPIYA NAME;_______________________ Grade and Section:________________ Date:________ SCORE: _____ Bigyang pansin ang mga tanong na hindi masagutan ng wasto at alamin ang tamang sagot pagkatapos ng aralin. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ang pinakamalaking bilang sa lahat ng mga rehiyon sa mundo batay sa dami ng mga taga-sunod. a. Judaismo b. Kristiyanismo c. Sikismo d. Buddhismo 2. Isa sa pinakamatandang rehiyon sa daigdig. a. Judaismo b. Kristiyanismo c. Sikismo d. Buddhismo 3. Ito ay galing sa salitang Arabic, salam na ang ibig sabihin ay kapayapan. a. Islam b. Judaismo c. sikismo d. Jainismo 4. Ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyos ng araw at iba pang diyos ng kalikasan. a. Judaismo b. Kristiyanismo c. Sikismo d. Shintoismo 5. Sang-ayon sa rehiyong ito, ang buhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan. a. Islam b. Zoroastrianismo c. sikismo d. Jainismo 6. Isa itong Philosopiya na itinatag ni Lao Tzu. a. Legalismo b. Confucianism c. Taoism d. Buddhism 7. Ang banal na aklat ng mga Muslim. a. Bibliya b. Torah c. Koran d. Veda 8. Ang banal na Kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan. a. Veda b. Koran c. Torah d. Bibliya 9. Nangangahulugang batas at aral ay naglalaman ng limang aklat ni Moises. a. Bibliya b. Torah c. Koran d. Veda 10. Ang banal na Aklat ng mga Kristiyano. a. Bibliya b. Torah c. Koran d. Veda 11. Ang ipinangakong Mesiyas at manunubos. a. Mohammad b. Moises c. Kristo Hesus d. Sidharta 12. Ang huling propeta na pinadala ni Allah. a. Mohammad b. Moises c. Kristo Hesus d. Sidharta 13. Ang gabay ng mga Kristyano sa wastong pagkilos at pamumuhay. a. Torah b. Walong Dakilang Daan c. Sampung Utos d. pitong Sackramento 14. Ito ay nasa anyong patula na ang layunin nito na makamit ang ugnayang mistiko. a. Veda b. Salmo c. Tao Teching d. Himno 15. Ito ay “pagmamahal sa Karunungan”. a. Pilosopiya b. Relihiyon c. Legalismo d. Kritiyanismo Panuto: Magbigay ng tatlong (3) saloobin tungkol sa mga impluwensiya ng kultura sa buhay Asyano. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. __________________________________________________________. 2. __________________________________________________________. 3. __________________________________________________________. Gawain: LARAWAN- SURI Panuto: Suriin ang kasunod na mga larawan. Ano ang iyong ideya sa mga larawan na nasa ibaba? Kilalanin kung ito ay tradisyon, pilosopiya, relihiyon, pananaw at paniniwala.
  • 2. GABAY NA TANUNG SA PAGSUSURI 1. Anu- ano ang iba’t ibang relihiyon at pilosopiya sa Asya? 2. Paano nakaimpluwensiya ang mga relihiyon at pilosopiya sa ating lipunan? BASA-SURI-UNAWA Ang Relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na re-ligare na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalikloob. Ang relihiyon ay nahahati sa dalawang uri; monoteismo at polyteismo. Ang Monoteismo ay ang paniniwala sa iisang Diyos lamang, samantalang ang Polyteismo ay ang paniniwala sa maraming Diyos Mga Paniniwala ng mga Hindu Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala sa pagkakaisang ispiritwal. SIla ay naniniwala sa pagmamahal, paggalang at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay, espiritu o kaluluwa. Sumasamba sila sa iba’t ibang uri at anyo ng diyos na tinatawag na Polyteismo. Bahagi ng paniniwalang Hindu ang Reinkarnasyon, kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo, paraan o nilalang. Naniwala ang mga Hindu sa Karma. Ang karma ay ang pagkakaroon ng gantimpala kapag kabutihan ang tinanim, subalit pagdurusa naman ang balik kapag kasamaan ang itinanim sa kapwa. Naniniwala sila na ang tao ay dapat na magsikap sa buhay at ito ay dapat na iniaalay niya sa diyos anuman ang antas niya sa lipunan. B. Buddhismo - Itinatag ito ni Siddharta Gautama, isang batang prinsipe, subalit ninais na maging asetiko upang danasin ang katotohanan ng buhay. Isinuko niya ang karangyaan, luho at masarap na buhay. Iniwan niya ang pamilya at naglakbay hanggang matuklasan niya ang kaliwanagan. Kaya ang Buddhismo ay nangangahulugan ng kaliwanagan. May dalawang paghahati ang Buddhismo: (1) Mahayana Buddhism - Kinilala bilang Diyos si Buddha na tagapagligtas mula sa guro. Niyakap ito ng mga taga Silangang Asya tulad ng China, Korea at Japan at Vietnam sa Timog Silangang Asya (2) at (2) Theravada Buddhism - Kinikilala si Buddha bilang guro at banal na tao. Apat na Dakilang Katotohanan ng Buddhismo 1. Ang buhay at pagdurusa ay hindi magkahiwalay. 2. Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa. 3. Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa ang pagnanasa. 4. Maalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo ang tunay na kaligayahan o Nirvana. Walong Landas o Dakilang Daan a. Tamang pananaw b. Tamang aspirasyon c. Tamang pananalita d. Tamang ugali e. Tamang kabuhayan f. Tamang konsentrasyon g. Tamang pagpupunyagi h. Tamang pagnilaynilay C. Jainismo - Isa sa mga relihiyon sa India. Ayon sa Veda ang Jainismo ay itinatag ni Rsabha, subalit ang pinakapinuno ng Jainismo ay si Mahavira o Vhardamana. Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang kayamanan at kapangyarihan at naging asetiko katulad din ni Buddha. Mga Doktrina ng Jainismo Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay, pagkamatay at muling pagkabuhay. Ito ay siklo na dapat maranasan ng lahat ng tao. 1. Bawal kumain ng karne 2. Bawal ang pumatay ng insekto 3. Bawal ang magnakaw 4. Bawal magsinungaling 5. Bawal ang magkaroon ng ari-arian 6. Bawal makipagtalik 7. Bawal ang pananakit sa anumang may buhay, tinawag itong ahimsa o kawalan ng karahasan o non-violence 8. Kailangan mapagtimpi at disiplinado ang tao 9. Kailangan igalang ang lahat ng mga bagay na may buhay Ang karma ay isang buhay na bagay na dumadaan sa katawan ng anumang bagay at buhay at nagiging pabigat ito. Binibigyang diin ng Jainismo ang asetismo o pagpapakasakit at mahigpit na penitensya upang mapaglabanan ang kasakiman ng katawan. D. Sikhismo - Ang Sikhismo ay itinatag ni Guru Nanak. Sinikap niyang pagbuklurin ang mga Muslim sa isang kapatiran. Ang mga mananampalataya ng Sikhismo ay matatagpuan sa India, Pakistan at iba pang parte ng daigdig. Mga Paniniwala ng Sikhismo a. May isang diyos, walang hanggang katotohanan ang kaniyang pangalan. b. Naniniwala sa reinkarnasyon. Ang reinkarnasyon ng mga Sikh ay pagakyat ng mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas. Kailangang masagip ang mga tao dahil kung hindi sila ay patuloy na makararanas ng muli’t muling pagsilang. c. Nirvana ng mga Sikh ay makakamtam sa pagsama ng indibidwal sa kanyang lumikha sa kabilang buhay.
  • 3. E. Judaismo - Ang Judaismo ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig. Ang paniniwala ng mga Hudyo sa monoteismo ay nagpapatunay na naging batayan ito ng Kristyanismo at Islam. Ang Torah na nangangahulugang batas at aral ay naglalaman ng limang aklat ni Moses. Ang Sampung Utos ang gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay. Ang mga ito ay ang sumusunod: Ang Sampung Utos ng Diyos (Exodo 20:1-17) a. Ibigin mo ang DIYOS ng lalo at higit sa lahat. b. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan. c. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath. d. Igalang mo ang iyong ama at ina. e. Huwag kang papatay. f. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa. g. Huwag kang magnanakaw. h. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling. i. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag- aari. j. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa. F. Kristiyanismo Ang Kristiyanismo ang pinakamalaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo sa dami ng tagasunod at kasapi. Ito ay relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo. Si Kristo ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan. Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo, mula sa Lumang Tipan hanggang sa mga aral ni Moses (Sampung Utos ng Diyos), si Kristo ang ipinangakong Mesiyas at manunubos. Ayon kay Kristo mahal ng Diyos ang lahat ng tao at natutuwa siya kapag mahal siya at pinaglilingkuran nila. Bibliya ang banal na aklat ng relihiyong ito. G. Islam - Ang relihiyon ng mga Muslim na sinasabing ikalawa sa pinakamalaking relihiyon sa daigdig. Allah ang tawag sa kanilang Diyos at si Muhammad naman ay ang huling propetang pinadala ni Allah na siyang nagtatag ng Islam. Kakaiba dahil ang pangalan ng relihiyon ay hindi tao, pook at iba pa. Ang Islam ay galing sa salitang Arabik na "Salam" na ang ibig sabihin ay kapayapaan. Muslim ang tawag sa mga nilikha ni Allah na sumusunod, sumusuko at tumatalima sa Kaniyang mga kautusan. Mga Paniniwala at Aral ng Islam Ang Qur’an (Koran) ang banal na aklat ng mga Muslim na tunay na salita ni Allah galing kay Muhammad sa pamamagitan ni Angel Gabriel. Ang mga Muslim ay hindi maaaring kumain ng karneng baboy at hamon at uminom ng alak. Ang lalaking Muslim ay maaaring magkaroon ng 4 na asawa hanggang sa kaya niyang ibigay ng pantay-pantay ang pangangailangang pinansyal at emosyonal ng mga ito. Sina Abraham, Noah, Moses, Hesus at Muhammad ang mga propeta ni Allah. Sa kanilang paniniwala, hindi tinuturing na anak ng Diyos si Hesus. Pinadala lamang siya ni Allah bilang isang propeta. Limang Haligi ng Islam Ang Limang Haligi ng Islam ay ang pundasyon ng relihiyon. Inaasahang ang bawat Muslim ay makakasunod dito. 1. IMAN (Pananampalataya) - Pagpapahayag ng Shahadah, "Walang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ang kanyang propeta." 2. SALAH (Pagdarasal) - pagdarasal nang limang beses sa isang araw na nakaharap sa Mecca. Obligado silang magdasal tuwing madaling araw (Farj), tanghali (Dhuhr), dapit hapon (Asr), takipsilim (Maghrib), Gabi (Isha’a). 3. ZAKAH (Pag-aabuloy) - pagbibigay ng ilang bahagi ng kayamanan sa nangangailangan. 4. SAWM (Pag-aayuno) - hindi pagkain, pag-inom, at pagpigil sa seksuwal na relasyon kasama ng kanilang asawa sa loob ng 30 araw mula ika-6 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi sa panahon ng Ramadan. 5. HAJJ (Paglalakbay) - pagpunta sa Mecca (The Black Stone of Kaaba) kahit isang beses lamang sa kanyang buhay. Ito ay para lang sa mga may kakayahang pisikal at pinansyal. Zoroastrianismo Noong ika-6 na siglo B.C., ipinalaganap ni Zoroastro, isang mangangaral na taga-Persia (Iran na ngayon), ang isang relihiyon. Sang-ayon sa relihiyong ito, ang búhay ng tao sa daigdig ay ang pagtahak patungo sa kabutihan o kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang Kataas-taasang Diyos; samantalang ang kasamaan ay nasa pangangasiwa ni Ahriman, ang Diyablong Espiritu.Sa wakas ng panahon, magtatagumpay si Ahura Mazda laban kay Ahriman. At sa pagwakas ng daigdig ay sa pamamagitan ng pagkatupok sa apoy. Ang taong mabubuti at sumusunod sa mga aral ni Ahura Mazda ay titira na sa isang kahariang walang hanggang kaligayahan at kabutihan. Ang masasama naman ay parurusahan magpakailanman. Shintoismo - ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyosa ng araw at iba pang diyosa ng kalikasan. Ang Shinto ay nangangahulugang daan o kaparaanan ng diyos. Tinatawag na Kami ang mga diyos na may kapangyarihang likas at nananahanan ang mga ito sa ilog, puno, bato, bundok, buwan at araw. Sinasamba rin nila ang namatay nilang mga kamag-anak at ninuno. Nakasentro ang pagsamba nila sa mga templo at dambana na sa paniniwala nila ay nananahanan ang diyos. Binubuo ang paniniwala nila ng mga dasal, pagpalakpak, pag-aalay at gawaing pananampalataya. Malaking bilang nila ay makikita sa bansang Hapon. I. Apat na Paninindigan ng Shinto a. Tradisyon at Pamilya: Ang pamilya ang kanilang pangunahing prayoridad. b. Pagmamahal sa Kalikasan: Ang kalikasan ay may malakas na koneksyon sa mga diyos kaya ito'y binibigyang silbi. c. Kalinisan: Sila ay palaging naliligo at naghuhugas. d. Matsuri: Pagpuri sa mga diyos at sa mga sinaunang espirito. Paniniwala ng Shintoism 1. Purification - Pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan. 2. Kami - Banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay kapag ikaw ay namamatay, ikaw ay magiging isang kami. 3. Aragami - Masamang "kami" na pinatay at ngayon ay naghahanap ng paghihiganti. 4. Mizuko - Mga batang hindi naipanganak at nagiging sanhi ng problema. 5. Mizuko Kuyo - Pag-samba ng mga Mizuko upang iwasan ang problema PILOSOPIYA SA ASYA Nagmula ang salitang Pilosopiya sa mga salitang griyego na "Philo" at "Sophia". Ang Philo ay nangangahulugang "Pagmamahal" at ang Sophia naman ay "Karunungan". Kung pagsasamahin, ito ay "Pagmamahal sa Karunungan". Kung
  • 4. kaya't ang Pilosopiya ay palagiang nagtatanong sa mga bagay-bagay upang magbigay-linaw, mag-alay ng kasagutan at magdagdag ng karunungan sa nagtatanong A. Confucianism Isang pilosopiya o paraan ng paglakad ng buhay ng isang tao. Itinatag ni Confucius sa Shantung, China noong ika 5-6 siglo BCE. Siya ay mayroong 5-6 milyon na taga-sunod sa buong daigidig. Ang turo niya ay makikita sa kanyang mga isinulat na mga libro na Four books at Five classics. Sa paniniwala ni Confucius, ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng kapayapaan. Hindi ito itinuturing na relihiyon ng iba dahil hindi lahat ng elemento ng isang relihiyon ay taglay ng Confucianism, nakapokus lamang ito sa paraan ng pamumuhay at ethical teachings. Naniniwala sila sa iisang Panginoon sa langit at nag-aalay sila ng iba't ibang sakripisyo, pero inaalay ito ng mga hari, prinsipe at tao na may mataas na posisyon sa lipunan. Ang tagasunod sa Confusianism ay naniniwala sa buhay pagkatapos mamatay, noong itanong kay Confucius ang tungkol dito, ito ang kanyang sagot. "We haven't yet finished studying life to delve into the question of death." Confucian Virtue 1. Li: pagkamagalang 2. Xiao: paggalang sa magulang 3. Yi: pagiging patas 4. Xin: pagkamatapat at mapagkakatiwalaan 5. Jen: kagandahang loob 6. Chung: katapatan sa estado (pinakamataas sa lahat). B. Taoism Tinatag ito ni Lao Tzu, na isinilang noong 500 B.C. sa Hunan sa Timog China. Siya ay nagtrabaho sa Imperial Library. Sa kanyangsimpleng pamumuhay, siya ay natuto sumunod sa tawag niyang "Tao". Ang ibig sabihin ng Tao ay "Ang Daan". Isang paraan ng pamumuhay. Mga Turo ng Taoism Lahat ng mga bagay ay iisa. Naniniwala sila na kapag gumawa ka ng masama ang katumbas ay dapat gumawa ka ng kabutihan. Ang buhay at kamatayan ay magkasama. Ito ay iisang realidad. Mga birtud: pagpipili sa sarili, pagpapasensya at pagpapakumbaba. Ang estado ay nararapat na primitibo, pasibo at mapayapa. Mga Paniniwala ng Taoism 1. Yin at Yang: Pagiging isa sa kalikasan. 2. Chi: enerhiya na nang-gagaling sa kalikasan o sa tao. 3. Tao: Isang puwersa sa likod ng mga natural na kaayusan. 4. Wu Wei: Di nakikita na kapangyarihan sa loob ng lahat ng mga bagay. 5. Pu: Lahat ng bagay ay nakikita na ito ay walang "preconceptions". 6. De: Ang aktibong pamumuhay, o sa sarili, ng "paraan". Kasulatan ng Taoism TAO TE CHING. Sinulat ito ni Lao Tzu. Ito ay na sa anyong patula. Layunin nito na makamit ang ugnayang mistiko. Nilalaman nito ang mga pangunahing aral ng Taoismo. Lahat daw ng tao ay may pagkakapantay-pantay. Lahat ng bagay ay relatibo. C. Legalismo Nakabatay ang legalismo sa makabuluhan at malakas na pwersa na dala ng estado. Ang agrikultura at sandatahang lakas ang ilan sa mga elemento na maaring magpatibay sa estado. Ang pagsasaka o agrikultura at pagtatanggol sa bayan bilang sundalo ay makapag sasalba ng lipunan ayon sa legalismo. Ayon sa paniniwalang legalismo na dapat ay palawakin, patibayin at patatagin ang estado. Higit na mahalaga ang istriktong batas ng pamahalaan at estado upang ang lahat ng miyembro ng lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at wasto. Ang sinumang lalabag sa mga batas ay makakatikim ng mabigat na parusa na magmumula sa estado o pamahalaan. Upang makalimutan at mabura ang paniniwala sa confucianismo, pinabasura at sinilaban ni Emperor Shi Huang Ti ang mga babasahin na may kaugnayan sa Confucianismo. Gawain Panuto: Ang mga sumusunod na pahayag ay mga impluwensya ng relihiyon sa iba’t ibang aspeto. Sa sulatang papel, isulat ang: L- kung ito ay impluwensya sa lipunan P- kung ito ay impluwensya sa pamahalaan M- kung ito ay impluwensya sa moralidad SK- kung ito ay impluwensya sa sining at kultura _______1. Bawal ang pagpapalaglag ng sangol sa sinapupunan. _______2. Pagkakaroon ng respeto sa kapwa tao. _______3. Pagsasagawa ng mga ritwal gaya ng sayaw tuwing piyesta. _______4. Paggiging tapat sa serbisyo sa pamahalaan. _______5. Pagbabawal sa pagkiltil ng buhay ng tao. _______6. Ipinagbabawal ang pag-aasawa ng marami sa relihiyong Kristiyanismo. _______7. Paniniwala sa mga santo at mga bagay sa kalikasan. _______8. Pag-oorganisa ng mga kawani ng gobyerno ng mga gawain na may kinalaman sa mga piyesta. _______9. Pagrespeto sa mga magulang. _______10. Pagpapahalaga sa dignidad at puri ng kababaihan tulad ng hindi pakikipagtalik bago sila ikasal.
  • 5. Gawain Panuto: Tukuyin kung anong paniniwala o aral nabibilang ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang Relihiyon o Pilosopiyang kinabibilangan ng mga ito sa inyong sagutang papel.