2. Kahulugan: Isang anyo ng pagsamba. Saklaw nito
ang isang sistema ng relihiyosong mga saloobin,
paniniwala, at gawain; ang mga ito’y maaaring
personal, o kaya’y itinataguyod ng isang organisasyon.
Kadalasan ang relihiyon ay nagsasangkot ng
paniniwala sa Diyos o sa maraming diyos; o dinidiyos
nito ang mga tao, mga bagay, mga mithiin, o mga
puwersa. Nasasalig ang maraming relihiyon sa pag-aaral
ng tao sa kalikasan; naroon din ang inihayag na
relihiyon . Mayroon tunay na relihiyon at mayroon
ding huwad na relihiyon.
4. Ang kulturang pampananampalataya ng mga Hudyo. Isa ito sa mga
kauna-unang naitalang pananampalatayang monoteista at isa rin
sa mga pinakalumang tradisyong pampananampalatayang
sinusundan pa rin hanggang sa ngayon. .Sa Hudaismo, ayaw
banggitin ng mga Hudyo ang ngalan ng Diyos kaya't iba-iba
ang taguri sa Diyos na ginagamit nila. Kabilang dito ang
“Kapangyarihan", "Ang Banal", "ang Pinagpala", at ang "Langit".Ang
pinagmulan ng judaismo ay ang bansang Israel. Ito ay nagsimula
muna sa paniniwala ng relihiyong Canaanite na may halong
relihiyong Babylonian at sa paniniwala kay Yahweh. Ang Judaismo
ay laganap sa mga bansang ito : Israel, United States,
France,Canada,United Kingdom,Russia,Argentina, Germany,
Australia, at Brazil. Ang nagtatag ng relihiyon na ito ay si Abraham.
Ang mga pangunahing utos at aral ng Hudaismo mula sa Torah,
ang Torah ay binubuo lamang ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawag
na Lumang Tipán sa Kristiyanismo) at hindi kabilang dito
ang Bagong Tipán.
5. “Mahalin mo ang iyong Kapitbhay na parang sarili mo”
“Ano mang Kamuhi-muhi sa iyo ay huwag mong gawin sa iyong kapwa
tao.”
Sampung Utos ng Diyos
Iisang Diyos (Monotheism)
Kippah pagtakip sa ulo ng mga Jew tanda ng paggalang sa
kanilang panginoon.
Wailing Wall
Purim Pagdiriwang sa pagkaligtas ng mga Hudyo sa mga Persian.
Sabbath Araw ng pagpapahinga
Rosh Hashanah Ang bagong taon ng mga Jew.
Hannukah Pag-alala sa muling pagkabalik ng templo ng
Jerusalem.
6. Kippah -> pagtakip sa ulo ng mga Jew tanda ng paggalang sa
kanilang panginoon.
7. CHRISTIANISM (Kristiyanismo)
Ang Kristiyanismo ay relihiyon na nakatuon sa buhay at pagtuturo ni
Hesus ng Nazareth. Ang mga Kristiyano ay naniniwala na si Hesus—na
tinatawag ding "Hesukristo"—ang Anak ng Diyos at ang Tagapagligtas
na inihayag sa Lumang Tipan. Pinaniniwalaan nila ang Bagong Tipan
bilang talaan ng mabuting balita na inilahad ni Hesus. Ang Banal na
libro ng mga Kristiyano ay ang BIBLIYA , Ang salitang “Bibliya” ay
nanggaling sa salitang Latin at Griego na nangangahulugang “Libro”,
isang angkop na pangalan dahil ang Bbiliya ay ang Aklat para sa lahat
ng tao sa lahat ng panahon. Ito ay Aklat na walang katulad, at katangi-tangi
sa lahat ng Aklat. Ang Diyos ang pangunahing awtor ng Bibliya.
Dahil sa kapangyarihan ng Diyos, kinasihan o niliwanagan Niya ang
kaisipan at kalooban ng mga manunulat upang maisulat nila ang lahat
ng ibig Niya at tanging mga bagay lamang na nais Niya.
8. ang bibliya ay isang batayan ng pananampalataya at paniniwala ng tao sa Diyos
kung saan dito nakasulat ang salita at utos nya ito lang ang dapat sundin ng tao
sa pagkakakilala sa tunay na Diyos.
9. Naniniwala ang mga Kristiyano na ang Bibliya ay hiningahan ng Diyos
at walang pagkakamali at ang itinuturo ng Bibliya ay Pinal at sakdal.
Sampung Utos ng Diyos.
Mga santo.
Ang pari ay ang instrumento ng Diyos.
Si Hesukristo ang tagapagligtas ng mundo.
Pitong Sakramento
Binyag ay ang sakramento ng muling pagkabuhay, at ito ang
saligan ng buong buhay Kristiyano natin.
Mahal na Araw ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng
mga Kristiyanong Filipino sa tagapagligtas na kumakatawan
kay Hesukristo
Pasko
Pista
10. ZOROASTRIANISM
Ang pinanggalingan ng relihiyong ito ay mula sa kanilang propeta
Zarathushtra, (from Zara=white, Thushtra=Camel) na kadalasang
tinatawag na kanlurang Zoroaster, ang greek nitong pangalan. Ito din ay
tinatawag na Mazdaismo at Magianismo. Sa Zoroastrianismo, ang
manlilikhang si AhuraMazda (wise Lord ) ay buong mabuti at walang
kasamaan na nagmumula sa kanya. Kaya sa Zoroastrianismo, ang
kabutihan at kasamaan ay may dalawang mga natatanging mga
pinagmumulan na ang masama (druj) ay sumusubok na wasakin ang
nilikha ni Mazda (asha) at ang mabuti ay sumusubok na panatilihin
ito. Bagaman si AhuraMaza ay hindi imanente sa daigdig, ang kanyang
nilikha ay kinakatawan ng mga Amesha Spenta at malaking bilang ng
ibang mga Yazata na sa pamamagitan ng mga ito ay ang mga gawa
ng diyos ay ebidente sa sangkatauhan at sa pamamagitan ng mga ito ay
ang pagsamba kay Maza ay dinirekta.
12. 3 luping daan : Good Thoughts,GoodWords, Good Deeds
Apoy Manipestasyon ng Kapangyarihan niAhuraMazda.
si AhuraMazda, kilala bilang "Panginoon ng Karunungan", na
kumakatawan sa kaliwanagan at kabutihang etikal.
si AngraMainyu, kilala bilang "Ahriman", na kumakatawan naman sa
kadiliman at kasamaan.
Haoma ay isang Ritwal na inumin
Gah 5 pang araw-araw na panalangin
pádyáp “kushti pádyáp” ceremony Ito ginagawa bago ang Gah,oras
ng pagnilay o pagdasal.
no ruz (new day) selebrasyon ng eternal new day, kung kailan
dadating ang kaharian ni ahura mazda sa mundo.
13. ISLAM
Ang Islam ay isang katagang Arabik na hinango sa salitang ugat na "Salam"
na nangangahulugan ng Kapayapaan. Ito ay nangangahulugan din ng
Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Tunay na Diyos. Ang
tunay na kapayapaan ay nasa puso, isip at kaluluwa na nagdudulot ng
kapayapaan sa kapaligiran at lipunan. Ang kapayapaan ay hindi
kailanman matatamo sa antas ng karunungan, kayamanan o katanyagan.
Bagkus ito ay matatamo lamang sa pamamagitan ng ganap at tapat na
Pagsunod, Pagsuko at Pagtalima sa kalooban ng Nag-iisang Tunay na
Diyos (Allah) - ang likas na pananampalatayang ibinigay Niya sa
sandaigdigan. Naniniwala ang mga tagasunod ng Islam na kilala bilang
mgaMuslim na ipinahayag ng Diyos (Allah sa Arabo) ang kanyang banal
na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng maraming mga naunang
mga propeta, at ni Muhammad na siyang huling propeta ng Islam.
Ang Koran, Quran o Qur'an ang banal na aklat ng relihiyong Islam. Ito
ang aklat ng patnubay at direksyon ng sangkatauhan at isinasaalang-alang
ang orihinal na tekstong Arabic, na salita ng Allah, diyos ng
sangkatauhan na ipinakita kayMuhammad sa panahon ng dalawampu't
tatlong taon .
15. 5 pillars of islam :1. shahadah pananalig, 2.salat pagdadasal
ng limang beses sa isang araw, 3.Zakat paglimos at pagtulong sa
kapwa, 4.sawm pag-aayuno, 5.Hajj paglalakbay sa mecca
Ayon sa Koran,ang sinumang magkasala ay ngakakasala sa kanyang sarili
Pwedeng mag asawa ng higit sa isa.
Pagbabawal ng pagkain ng Karne ng baboy at pag inom ng alak.
Nagtitipun-tipon sa mgaMosque upang doon manalangin ng nakaharap
saMecca ng limang ulit sa isang araw.
Eid Ul-Adha Pag-alala sa pagsakripisyo ni Abraham sa kanyang anak
na si Isaac.
Ramadan Eid Ul Fitr
Holy war o Jihad Ang kaganapang nagpalaganap sa islam mula
Jerusalem patungong kanluran.
17. HINDUISM
Ang Hinduismo ang nananaig na relihiyon ng subkontinenteng Indiano. Ang
Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismo at Śrauta at iba
pa. Sa ibang mga pagsasanay at pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabibila-ngan
ng isang malawak na spektrum ng mga batas at preskripsiyon ng mga
"pang-araw araw na moralidad" batay sa karma, dharma, at iba pang mga
norm ng lipunan. Bagama’t ang Hinduismo ay naniniwala sa napakaraming
diyos na umaabot sa 330 milyon, kinikilala nito na may isang pinakamataas
na diyos at ito ay si Brahma. Pinaniniwalaan ng mga Hindus na si Brahma ay
matatagpuan sa bawat bahagi ng realidad at sumasalahat ng dako sa buong
sangkalawakan. Si Brahma ay isang impersonal na diyos na hindi maaaring
makilala at pinaniniwalaan na umiiral sa tatlong magkakahiwalay na anyo: si
Brahma – ang Manlilikha; si Vishnu – ang Tagapagingat at si Shiva – ang
Tagawasak. Ang tatlong anyong ito ni Brahma ay kinikilala din na nabuhay
sa napakaraming inkarnasyon.Ang pangunahing kasulatan ng Hinduismo ay
ang Vedas (itinuturing na pinakamahalaga), Upanishadas, ang
Mahabharata at ang Ramayana. Ang mga kasulatang ito ay naglalaman ng
mga imno, pilosopiya, ritwal, mga tula, sutra at ng Aranyakas.
18. Brahma – ang Manlilikha; si Vishnu
– ang Tagapagingat at si Shiva – ang
Tagawasak.
VEDAS ay higit pa sa isang aklat ng teolohiya.
Naglalaman ito ng mayaman at makulay na
teolohiya at mitolohiya, o isang relihiyosong
mitolohiya na tahasang pinaghalo halo ang mga
alamat, teolohiya at kasaysayan upang makabuo ng
isang kwento na may anyong relihiyon.
19. Sistemang Caste Naghahati sa mga tao sa iba’t-ibang klase at lebel.
Reinkarnasyon paniniwala na hindi kasamang namamatay ng isang tao
ang kanyang kaluluwa.sa halip, ang kaluluwa nito ay muling nabubuhay at
lilipat sa ibang katawan upang mabuhay muli.
Karma ang susunod na reinkarnasyon ng kaluluwa ng isang namatay ay
batay sa kanyang aksyon noong siya ay buhay pa, mabuti man o masama.
Moksha Ang kaluluwa na namuhay ng maayos ay may posibilidad na
umangat ang lebel ng kabanalan at istado ng kadalisayan at pakikipag
unawaan sa ganap na diyos.
Paliligo sa ganges Ito ay pinaniniwalaan na nakakalinis ng kaluluwa,
pangangatawan, at nakakagaling ng sakit.
Holi Maingay at makulay na parada ginaganap ito bilang paggalang kay
Shiva.
Divali Bagong taon ng mga Hindu.
20.
21. BUDDHISM
Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang:
"Ang Daan ng Naliwanagan") ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa
mga aral ni Buddha Śākyamuni(Siddhārtha Gautama), na marahil
namuhay noong ika-5 siglo BCE. Nakatuon ang Budismo sa mga aral
ni Siddhartha Gautama o ang "Buda". Ang Buddha ay nangangahulugang
"ang isang naliwanagan" sa Sanskrit at Pāli. Ang dalawang mga
pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang kinikilala:
ang Theravada ("Ang Paaralan ng mga Nakatatanda") atMahayana ("Ang
Dakilang Sasakyan"). Ito ay kakaibang relihiyon sa mundo sa sarili nitong
karapatan, bagaman marami itong pagkakahalintulad sa Hinduismo na
parehong nagtuturo ng Karma (tuntunin ng sanhi-epekto), Maya (ang
ilusyong kalikasan ng mundo), at Samsara (ang muling pagkakatawang-tao).
Ang mga Budista (Buddhist) ay naniniwala na ang pinaka-layunin sa
buhay ay ang makamit ang tinatawag nilang “enlightenment” o Nirvana.
Ang mga katuruan ni Buddha ay tinipon sa tinatawag na “Tripitaka” o
“three baskets.”
22. Naniniwala sila sa reinkarnasyon o ang siklo ng kapanganakan at kamatayan
at karma o ang kabuuang pagkilos ng tao.
Middle Path isang mahalagang gumagabay na prinsipyo ng kasanayang Budista
Nirvana Enlightment
WalongWastong Landas (Eightfold Path)
Tamang pag-iisip
Tamang pananaw
Tamang intensyon
Tamang pagsasalita
Tamang pagkilos
Tamang hanapbuhay
Tamang pang-unawa
Tamang konsentrasyon
Apat na Katototohanan(Four Noble Truths)
Ang buhay at paghihirap ay hindi mapaghihiwalay.
Ang sanhi ng paghihirap ay pagnanasa sa kapangyarihan, kasiyahan at patuloy
na pamumuhay.
Maaalis ang paghihirap kung aalisin ang pagnanasa.
Maaalis ang pagnanasa kung susunod saWalongWastong Landas.
23. Wesak Idinaraos ng mga buddhist ito mula Mayo hanggang Hunyo
na nakatugma sa Kapanganakan,naliwanagan at Kamatayan ni Buddha
na nagaganap lang sa iisang petsa ngunit sa iba’t-ibang taon.
Ang monghe ay inaasahang mamuhay sa kahirapan sa pag ninilay -
nilay at pag aaral.
24. JAINISM
Ang Hainismo (mula sa Ingles na Jainism) o Jain Dharma ay isa sa mga
matatandang relihiyon sa mundo na nagmula pa sa Antigong India. Ang
nagtatag ng Hainismo ay si Vardhamana na kilala bilang Mahāvirā (599-
527 B.C.) Itinuro niyang ang lahat ng bagay sa daigdig, materyal man o
hindi, ay may kaluluwa. Ang pagdadalisay ng kaluluwa ang layunin ng
eksistensiya, sapagkat ang dalisay na kaluluwa, minsang mapalaya mula
sa katawan, ay makapamumuyhay sa walang-hanggang kaluwalhatian at
malaya magpakailanman. Itinaguyod din ng relihiyong Jainismo ang
sukdol na asetismo, pag-aayuno, yoga at iba pang awsteridad para sa
layuning pagninilay-nilay o meditasyon. Ang Jainismo ay ang naniniwala
na ang paghahangad sa materyal na bagay ay nagdudulot ng matinding
pagdurusa.Batayang moral:
Dapat ihiwalay ang sarili sa material na aspeto ng buhay.
Bawal ang paggamit ng dahas.
Bawal ang pananakit sa anumang may buhay.
25. KALPA SUTRA Ito ay itinuturing
na ang pinaka- banal na teksto, ang librong
ito ay tungkol sa talambuhay ng kanilang
panginoon na si Mahavira at ang mga buhay
pa ng ibang propeta (Tirthankaras)
26. Kevala katumbas ay nervana
May limang panata ang sinusunod ng mga Hain:
Ahimsa (kawalang-karahasan)
Satya (katotohanan)
Asteya (katapatan/Di pagnanakaw)
Brahmacharya (kabirhenan)
Aparigraha (karalitaan)
Ang panata sa kawalang-karahasan (ahimsa) ay siyang tunay na obsesyon
ng mga Hain. Nagmamaskara sila para takpan ang bibig at ilong upang
maiwasan ang di-kinukusang paglanghap sa maliliit na insekto.
Paryushana Parva panahon ng kanilang pagtitika, pangungumpisal
ng mga kasalanan at pag-aayuno.
Mahavir Jayanti Ang pistang ito ay nagmamarka sa kapanganakan ni
Mahavira.
27. SIKHISM
Sikhism (Sikhi, ਸ ਿੱਖੀ sa Panjabi) ay isa sa mga pangunahing relihiyon ng
mundo, lalo na binuo sa ika-16 at ika-17 siglo Indya. "Sikhi" ay mula sa
salitang "Sikh", at ang salitang "Sikh" ay mula sa Sanskrit root "śiṣya"
(शिष्य) na nangangahulugang "alagad" o "mag-aaral". Ang Sikhismay
isang monoteyistikong relihiyon, o isang anyo ng pananampalatayang
naniniwala sa iisang Diyos. Tinatawag ang mga nananampalataya nito
bilang mga Sikh, at tinatawag na Guru Grant Sahib ang kanilang banal na
aklat. Popular sa Asya, mayroon itong 30 milyon mga tagasunod, kung
kaya't ito ang ika-limang pinakamalaking relihiyon sa mundo. Sinimulan
ang Sikhismo noong 1469 ni Guru Nanak Dev, ang una sa "Sampung mga
Guru". Nagkaroon ito ng bukod na katangian noong 1699, na
pinagdiriwang ng Vaisakhi, kung kailan sinimulan ni Guru Gobind Singh,
ang ikasampung ang pagbibinyag kasama ni Khande di Pahul, at
nangangailangan na sundin ng mga sikh ang limang mga "K". Tinatawag
din itong kapanganakan ng Khalsa. Bawat Guru na sumunod kay Guru
Nanak ay tinutukoy bilang “Nanak” at “Ilaw”.
28. Ang pangunahing nais ng tao ay sirain ang siklo ng kapanganakan at
kamatayan at mkiisa sa Diyos.
5 KAKKARS 1. KESH- ang mga Sikh ay hindi pagpuputol ng buhok. 2.
KANGA- nakatali ng maayos ang buhok 3. KARA- paggamit ng bangel
na bakal 4. KIRPAN- pirmihang nakasukbit ang Espada o itak. 5.
KACCHERA- pagsuot ng maikling pantalon bilang tanda ng kahandaan
ng digmaan.
Guru Nanak Gurpurab Ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Guru
Nanak, Ito ay nagtatagal ng Tatlong araw.
Diwali Festival of Lights, ang pistang ito ay sumisimbolo sa
tagumpay ng Liwanag Laban sa Kadiliman,Kaalaman laban sa Kamang-mangan,
Mabuti laban sa Masama.
AISAKHI o KHALSA SIRJANA DIWAS- pista ng pagaani( APRIL 13)
31. SHINTOISM
Ang Shinto ay ang katutubong relihiyon ng Hapon at dating naging relihiyon
ng estado. Ito ay kinapalolooban ng pagsamba sa Kami, o mga diyos. Ang
ibang Kami ay lokal at maaaring ang mga espiritu/ o ang henyo ng isang
partikular na lugar, ngunit ang iba ay nagpapakita ng mas malaking bagay
na natural at proseso: halimbawa, siAmaterasu, ang Diyosa ng araw, o ang
bundok Fuji. Ang shinto ay isang sistemang may paniniwalang
animistiko.Ang Shinto o Shintoism ay isang paniniwala at gawi na nagmula
sa bansang Japan. Ang salitang Shinto ay binubuo ng dalawng salitang
Tsino ang “Shin”na ang kahulugan ay ang mga Diyos at Espiritu, at ang
“Tao” na isang paraang pilosopikal, na nangangahulugang "Ang Paraan ng
mga Diyos”.Ang relihiyong Shinto(kasama ang Buddhismo) ay konektado
sa lipunan at kultura ng Japan. Ang relasyon ng Shinto sa ibang relihiyon sa
bansang Japan ay karaniwang nagkakaisa atmagkasundo. Sinusubakan ng
mga Shintoist na panatilihin ang kanilang sariling mga katangian at ang
kanilang panloob habang nagtatrabaho patungo sa mapayapang
magkakasamang buhay ng tao.Torii Gate Ito ang sumisimbolo sa Shinto.
Ang torii ay nagmula sa isang lumang alamat na nanggaling sa bansang
japan.
32. Kami ang nag uugnay sa tao at pisikal na kapaligiran tulad ng
yungib, batis, bundok, puno at iba pa.
Aragami Masamang Kami (banal na Espiritu) na pinatay at
naghahaap ng paghihiganti.
Purification Pagtanggal ng masamang espiritu sa katawan.
Mizuko Ang Espiritu ng mga batang hindi na ipanganak.
Miyamairi Binyag , Isang buwan pagkatapos ng kapanganakan
(31st day for boys, 32nd day for girls) ang mga magulang nila ay dinadala
ang kanilang anak sa templo upang magpasalamat at ipagdasal ang
kanilang anak ng magandang kalusugan at Kasiyahan.
MATSURI FESTIVAL tawag sa pag-aalay ng pasasalamat ng mga
shintoismisters sa kanilang mga Diyos at Diyosa.
Harai Exorcising, cleansing, and purification rites.
33. SHAMANI
SM
Ang Shamanismo ay isang pagsasanay na kinasasangkutan ng pag-abot sa
mga nabagong estado ng kamalayan upang maenkwentro at
makipagugnayan sa daigdig ng espirito. Ang isang shaman ay ang tao na
itinuturing na may paglapit at impluwensiya sa daigdig ng mga mabuti at
masamang esprito at tipikal na pumapasok sa isang katayuan ng pagkawala
ng diwa habang isinagawa ang isang rituwal. Ito ay nagsasanay rin
ng dibinasyon at panggagamot.
Ang shaman ay maaaring makipag-usap sa daigdig ng espiritu.
Ang shamaan ay makapagpapagaling ng sakit na sanhi ng mga masasamang
espiritu.
Ang mga espiritu ay maaaring mabuti o masama.
shamanic Summer Solstice Ceremonies focus on the themes of
fulfillment, enlightenment, abundance, sharing, and the joy of living on this
beautiful EarthHome.
34. ANIMISM
Ang animismo (mula sa Lating anima o "kaluluwa", "buhay") ay isang
paniniwala na nagsasabing mayroong puwersang hindi materyal na
nagpapakilos sa kapaligiran. Sinasabi rin dito na may kani-kaniaya o angking
kaluluwa ang mga bagay-bagay. Bukod dito, isa itong paniniwala sa
kapangyarihan at lakas ng kaluluwa. Isa itong ideyang pilosopikal,
relihiyoso, o espiritwal na umiiral ang mga kaluluwa o mga espiritu hindi
lamang sa mga tao at mga hayop, ngunit maging sa mga halaman, mga bato,
mga likas na kaganapang katulad ng kulog, sa mga heograpikong katangiang
katulad ng mga bundok o mga ilog, o iba pang mga entidad ng kapaligirang
likas, na isang proposisyong kilala rin bilang hilosoismo sa pilosopiya.
ang mag alay at magdasal sa mga espiritu
Ang pagaalay ng dugo ng hayop ay kaugnay sa mga ritwal ukol sa
pagbubuntis.
Naniniwala rin sila sa kapangyarihan ng mga anting-anting na nagliligtas sa
mga tao sa kapahamakan.