Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa relihiyong Buddhism. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang paniniwala ng relihiyong Buddhism
1. Lesson 14-H: Buddhism
Ang relihiyong Buddhism ay isa sa mga pangunahing relihiyon sa daigdig. Ito ay nagmula sa bansang India.
Ito ay isa sa mga pinakamaraming tagasunod na relihiyon sa daigdig na umaabotsa 520 na milyon.
Mga Paniniwalang Buddhism:
Siddhartha Gautama (Buddha) – nagtatag ng relihiyong Buddhism
Four Noble Truths – “Truths ofthe Noble Ones”; ito ay ang mga realisasyon o katotohanan na dapat
maintidihan ng mga karapat-dapat na nakamit na ang Nirvana. Ito ay nagbibigay ng isang conceptual
framework para sa pagpapakilala at pagpapaliwanag ng mga konsepto ng Buddhism.
Ito ay ang apat na Four Noble Truths:
1. Dukkha
2. Samudaya
3. Niroda
4. Magga
Dukkha – isa sa pinakamahalang konsepto ng Buddhism.Ito ay tumutukoy sa pundamental na hindi
kasiya-siya at ang pagdurusa sa buhay ng isang tao
Samsara – ito ay ang simula ng walang hanggang siklo ng kapanganakan, buhay, at kamatayan
Rebirth o Muling Pagsilang – Reincarnation; ito ay tumutukoy sa pagtuturo ng isang buhay na muling
naisilang sa isang bagong pamumuhay pagkatapos mamatay
Karma – ito ay tumutukoy sa mga aksyon na ginawa na may intensyon o mga bagay na ginawa gamit
ang katawan, isipan at bibig na may kaakibat na parusa sa hinaharap
Nirvana (Nibbana) – ito ay ang yugto ng perpektong lipunan, may kalayaan, at pagtatamo ng kasiglahan
na kasama ang pagiging malaya sa samsara
Middle Way o Middle Path – ito ay isang terminolohiya na ginamit ni Gautama Buddha upang ilarawan
ang mga tauhan ng Noble Eightfold Path, na nadiskubre niya na ito ang magiging paraan upang maging
malaya
Three Jewels of Buddhism – ito ang tatlong bagay na ginagamitng Buddhists upang humingi ng gabay
Ito ang tatlong hiyas o Jewels ng Buddhism: Buddha, Dharma at Sangha
Brahma-Vihara – “The four immeasurables”; ito ay ang mga direksyon para sa meditasyon ayon sa mga
tradisyong Buddhist, na makakatulong upang ang isang tao ay muling masilang sa kalangitan
Prajna – ito ay ang mga insights sa totoong kalikasan ng realidad